You are on page 1of 3

Materyal para sa pelikula ang nobelang Timawa (1951) ni Agustin C. Fabian.

Nasabi ko ito dahil sa


masalimuot nitong banghay, pakikipagsapalaran ng mga tauhan, at pabago-bagong kaligirang
tinambalan ng kapana-panabik na paglalahad. Higit pa rito, pinapaksa ng nobela ang nagaganap ngayon
sa Filipinas: ang kasalatan ng mga mediko, ang kabulukan ng alta sosyedad, ang prostitusyon ng sarili’t
propesyon, at ang pag- iibigan ng magkakaibang lahi. Tampok sa nobela ni Fabian ang
pakikipagsapalaran ni Andres Talon sa Estados Unidos, na pumasok ng kung ano-anong trabaho, gaya ng
upahang obrero sa California, Washington, at Oregon; manggagawa sa salmunan sa Alaska; tagalatag ng
riles sa Nevada; at weyter sa ospital sa Chicago. Magsisikap makatapos ng medisina si Andres, ngunit
daranas muna siya ng matinding diskriminasyon at pag-aaglahi sa mga puting Amerikano at sa mga
kapuwa Filipinong nagmula sa alta sosyedad. Mamumuo sa loob ni Andres ang paghihiganti, at
gagamitin ang talino at katusuhan upang gatasan ang mga mapagmataas na kababayang gaya nina
Alfredo at Estrella. Magiging ganap na doktor si Andres, at darating ang sandali na sisiklab ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Magsisilbi siya sa Medical Corps ng hukbong Amerikano, upang gantihan ng utang
na loob ang nakamit niyang propesyon at nang makabalik saka pagsilbihan ang mga kababayan niyang
dukha. Masasabak sa digmaan si Andres, tataas ang ranggo at aani ng papuri mula sa sandatahang lakas
ng Amerika. Isang araw, masasabugan ang kanilang kampo, at inakala ng awtoridad na isa sa mga
nasawing medikong kawal si Andres. Hindi itutuwid ni Andres ang gayong balita, at magtutungo sa
Filipinas upang itago ang lihim niyang katauhan. Ngunit darating ang hukbong mediko sa Filipinas, at
makikilala si Andres. Sisikat si Andres sa hanay ng mayayaman, aakitin ng mga dalaga, at magsisikap na
magbigay ng libre at epektibong serbisyong medikal para sa mga dukha. Lumabis sa trabaho ang binata,
at isang gabing dumalaw siya sa tahanan ni Lily—na isang puta at tanyag sa sirkulo ng mayayaman—ay
nahilo at nabagok ang ulo sa sahig. Magkakaroon ng amnesia si Andres, at gagamitin ni Lily ang
pagkakataon upang papaniwalaing siya at si Andres ay mag-asawa. Samantala, hahanapin siya ng
kaniyang kasintahang Amerikana na si Alice. Si Alice ang pinadalhan ng kasulatan ni Andres na sakali’t
masawi ito sa digmaan ay siya ang mamamahala ng salaping naipon ng binata upang maipagpatayo ng
pagamutan para sa mga maralita. Magtutungo si Alice sa Filipinas, at gagawin ang nais ng kasintahan.
Maraming matutulungang tao si Alice habang kabalikat sina Alredo, Bill, at Estrella. Magbabalik ang
alaala ni Andres nang muling mabagok ito, at saklolohan ni Tandang Pedro. Mababatid din sa wakas ang
panlilinlang ni Lily, at magkakabalikan sina Andres at Alice habang ipinahihiwatig ang paninirahan nila
nang lubos dito sa Filipinas. Pambihira ang ganitong nobela dahil inuurirat nito ang usapin ng pag-
aaglahi (racism) hindi lamang ng mga puting Amerikano bagkus ng mga Filipinong nagmula sa
maykayang angkan. Ang deskriminasyon na matatamo ni Andres ay magmumula sa liblib na baryong
pinaghaharian ng panginoong maylupang si Don Marcos. Iigting ito pagsapit sa Estados Unidos, at aabot
sa sukdol nang magbalik siya sa Filipinas pagkaraan ng digma. Kung babalikan ang kasaysayan, itinatag
ang programang Apartheid sa Timog Africa noong 1949 at naganap ang madugong bakbakan sa
Johannesburg laban sa Apartheid noong 1950. Sa Amerika, magkakagulo nang bugbugin ng mga Puti at
pulis ang mga Itim na Amerikano sa Birmingham, Alabama, na ang sukdol ay ang pagkakadakip kay
Martin Luther King at pagpapakalat ng may tatlong libong kawal noong 1963. Malalim ang ugat ng
rasismo sa Amerika, at maiuugnay sa pang-aalipin sa mga Itim na Afrikano at sa mga baluktot na
patakaran ng pamahalaang pinaghaharian ng Puti. Ilalatag sa nobela ni Fabian ang masalimuot na usapin
ng prostitusyon at pagbawi ng dangal. Ang prostitusyon ay hindi lamang kakatawanin ni Lily, bagkus
maging si Andres mismo na gagawin ang lahat upang makapiga ng salapi sa mga bulsa nina Alfredo,
Estrella, at Lily at maibahagi iyon sa higit na nangangailangang maralita. Maituturing din na puta ang
gaya nina Alfredo at Estrella, na pawang gagamitin ang salapi upang paikutin ang mga dukha at iba pang
tao, alinsunod sa kanilang nais. Sa kabila ng lahat, aasa si Lilyna maiaahon siya sa lusak sakali’t
mapangasawa si Andres. Maghuhunos ang pagkatao nina Bill, Alfredo, at Estrella dahil sa leksiyong
ibibigay ni Andres. At magbabago si Andres dahil kay Alice na magtuturo sa kaniya na paganahin ang
damdamin imbes na isip lamang. Walang bida sa kumbensiyonal na pakahulugan ng “bida” sa nobela ni
Fabian. Lahat ng tauhan ay may kahinaan, at nalulutas lamang ang kahinaan dahil may banggaan ng isip
at loob ang mga tauhan. Ang naturang banggaan ay lumikha ng sintesis upang maituwid ang
pagkakamali. Si Andres ang ultimong halimbawa, na ang isang tagapagligtas ay dumanas ng
pagkatimawa mulang pagsilang hanggang pagkatigulang at nawalan ng gunita. Makaaahon lamang si
Andres sa madilim na yugto sa tulong ng kaniyang mga kaibigan at ng gaya ni Tandang Pedro; at dahil
nagmumula sa loob mismo ni Andres ang kapasiyang umahon sa karukhaang pangkatawan,
pangkabuhayan, at pangkaisipan. Kung sisipatin naman ang bayan ni Andres, mababago lamang ang
sistema ng gamutan sa naturang lugar nang dumating si Andres at magpasimula ng bagong sistema.
Mababago rin ang diskriminasyon sa mga dukha nang ipagpatuloy ni Alice ang naiwan ni Andres. Sa
panig ni Alice, matutuklasan niya na hindi sapat na gamutin ang pisikal na katawan. Kailangan ding
gamutin ang masasamang kaugalian na bumabalot sa isip ng taumbayan. Makatutulong din ang hukbong
mediko ng Amerika nang magtungo ito sa bayan para gamutin ang mahihina, maysakit, at sugatan.
Ngunit ang sukdulan ng paggamot ay hindi lamang sa pisikal na antas. Ito ay ang pagbabago sa pananaw
ng mga panginoong maylupang gaya ng mga magulang nina Estrella at Mercedes tungo sa mga dukhang
magbubukid. Magiging tulay sa naturang pagbabago ng pananaw si Andres, na animo’y humuhugot ng
alusyon sa himagsikang pinasimulan ng kaniyang tukayo at nagkataong supremo ng Katipunan.
Mahalaga ring pansinin ang pagkakasal ng dalawang lahi. Magpapakasal sina Bill at Estrella, at
ipahihiwatig ang muling pagbabalikan nina Andres at Alice. Sina Alice at Bill ang mga halimbawa ng
pagbasag sa de-kahong pagtingin na ang mga Amerikano’y sadyang tarantado at mapaniil. Kinakatawan
nila ang mga tao na may puso kahit sa ibang tao na iba ang lahi at estado sa buhay. Ang pag-iisang
dibdib naman nina Alfredo at Mercedes ay tila nagsasaad na kahit magkaiba ang kanilang kinamulatang
gawi at asal ay magkakaayos ang magkasintahan sa mabuting usapan. Ipinakikita rin sa nobela ang
pagiging alyado ng Filipinas at Amerika, na isa ring uri ng pagbibigkis ng lahi sa oras ng pandaigdigang
digmaan. Ang konsepto ng “timawa” ay mauugat sa mga tala ni Juan de Isla (1565), na ipinakahulugang
uring panlipunan na katumbas ng ”malayang tao.” Kabilang ng “timawa” ang “datu” na maykaya at ang
“alipin” na siyang utusan ng mga datu. Sa pag- aaral ni William Henry Scott at alinsunod sa mga tala ni
Miguel de Loarca, ang “timawa” ay anak o salinlahi ng asawa o kabit ng datu, o kaya’y anak ng aliping
inanakan ng datu. Walang karapatang makamana o magmana ang timawa, at tanging datu lamang ang
may kapangyarihang gawin ito. Maglalaho ang uring panlipunan na kinakatawan ng timawa pagsapit ng
kolonisasyon ng Espanyol, at ang nasabing taguri ay ilalapat pagkaraan sa mga tao na “dukha” sa
ekonomiko, pisikal, at intelektuwal na antas. Nang lumaon, ginamit na mapanlibak na taguri ang
“timawa” sa mga maralita, at kinargahan ng negatibong pahiwatig saka inalis ang pakahulugang may
kaugnayan sa “kalayaan,” “laya,” at “paglaya.” Ang doble-karang konsepto ng “timawa” ang
mahihinuhang kinasangkapan ni Fabian sa nobela, na hindi lamang tungkol sa karukhaan bagkus maging
sa kalayaan ng tao sa sistemang mapaniil. Kailangang balikan ng bagong henerasyon ng mga mambabasa
angT im awa ni Fabian. Maraming Filipinong mediko, nars, at parmasyotiko ang nagtutungo sa ibayong
dagat upang maghanapbuhay, at nauubos ang hanay nila sa Filipinas. Ang pag-alis nila sa Filipinas kung
minsan ay ganap na paglagot sa ugnayan sa Filipinas, bagaman may ilang magbabalik upang dito
magretiro at gugulin ang naipong pensiyon. Ang nobela ni Fabian ay paggunita sa kakayahan ng tao na
makaahon sa madilim niyang nakaraan, papaghilumin ang sugat sa kalooban at isipan, o kaya’y sa gunita
at lipunan. Ngunit hindi ito magagawa lamang ng isang tao. Kailangan ang pagtutulungan, at ang bisa ng
pagbabayanihan ay isang susi upang mabuksan ang pinakamaringal at pinakamatayog sa puso ng tao
anuman ang kaniyang lahi. Higit sa lahat, ang nobela ay isang mahabang paglalakbay, at ang nagbabalik
ay maaaring hindi ang taong dating umalis, bagkus bagong tao na magpapatuloy sa naiwang tungkulin
noong nakalipas na panahon.

Nalathala noong 1953, ang nobelang Timawa na maituturing nang klasiko sa panahong ito ay
sinulat ng batikang editor na si Agustin C. Fabian. Umiinog ang istorya sa pakikipagsapalaran ni
Andres Talon, na nagtungo sa Estados Unidos bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig upang humanap ng magandang kinabukasan. Nag-aral ng medisina si Andres, at
upang makatapos ng pag-aaral ay pumasok ng kung ano-anong trabaho mulang tagahugas ng
pinggan at tagapitas ng mansanas hanggang tagapagsilbi sa restoran. Dinanas ni Andres ang
pang-aaglahi, subalit nanaig pa rin siya, gaya sa boksing ay binugbog ang tarantadong
Amerikanong puti.

Sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig pagkaraan, at sumapi sa hukbong Amerikano si


Andres bilang ganap na doktor ng militar na may ranggong major. Napabalitang namatay siya sa
bakbakan, ngunit hinayaan lamang ni Andres na lumaganap ang gayong alingasngas. Nagbalik
siya sa kaniyang nayon, at ipinagmalaki ng mga pamilyang dating lumalait sa kaniyang pamilya.
Ipinagpatuloy niya ang panggagamot sa mga dukha at kulang-palad, at sa labis na pagod ay
nawalan ng malay, bukod sa nagkaroon pa siya ng amnesia. Ngunit gagaling si Andres mula sa
karamdaman. Magiging makatotohanan ang kaniyang lunggati (bisyon), at naitayo ang isang
ospital na pinangangasiwaan ni Alice, ang dalagang doktor na nagmahal kay Andres nang wagas

You might also like