Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Look up keyword
Like this
1Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Ang Islam sa Kasalukuyan-Final Draft

Ang Islam sa Kasalukuyan-Final Draft

Ratings: (0)|Views: 155 |Likes:
Published by Nathalie Dagmang

More info:

Published by: Nathalie Dagmang on Mar 27, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

12/30/2012

pdf

text

original

 
1  Islam sa Kasalukuyan
Ang Islam sa Kasalukuyan
Ang Islam sa Pilipinas
Mula pa lamang sa panahon ng pananakop ng mga Kastila ay naranasan na ngmga Muslim ang paghihirap sa kamay ng mga Kristiyano. Ngunit sa pagtatapos ngdigmaang Muslim at Kastila noong 1898 ay dumating naman ang mga Amerikano nasiya ring nagpahirap sa mga Pilipinong Muslim.Marso 2, 1906, naganap ang tinaguriang First Battle of Bud Dajo o mas kilalabilang Moro-Crater Massacre. Mahigit 800 hanggang 1000 armadong Muslim angnagtago sa isang volcanic crater sa isla ng Jolo. Sa madugong labanan na ito, animlamang ang nabuhay mula sa panig ng mga Muslim habang dalawampu lamang angnamatay sa kampo ng mga Amerikano, mula sa ilang daan nilang mga sundalo.Makikita sa mga panahong ito ang katatagan ng mga Muslim at ang lakas ngpaniniwala nila sa kanilang relihiyon. Hindi gaya ng mga ³Indio´ (ngayon ay Filipino), silaay nanatiling malaya mula sa mga impluwensya at pananakop ng mga dayuhan dahil sakanilang tapang at malakas na pananampalataya.Nang lumaya tayo mula sa mga Amerikano noong 1946 ay hindi pa rin nataposang laban ng mga Muslim laban sa mga Kristiyano. Noong 1968 ay naganap namanang Jabidah Massacre kung saan pinatay ang maraming nireklutang Muslim ngPhilippine Army ng kanilang mga pinuno nang tumanggi itong sumama sa pagsugod saSabah.Nang sinimulan ni Ferdinand Marcos ang Martial Law noong 1972 ay nakaranasng matinding paghihirap ang mga Muslim sa Pilipinas. Sa kanyang rehimen ay nabuoang Moro National Liberation Front, ang rebeldeng kilusan ng mga Muslim na binuo niNur Misuari, isang dating propesor ng Unibersidad ng Pilipinas. Ang kanilang layunin aywalang kinalaman sa relihiyon. Ang kanila lamang ipinaglalaban ay ang mga lupain naminana nila mula pa sa kanilang mga ninuno. Kalaban nila ang mga mararahas na
 
2
 Islam sa Kasalukuyan
grupong Kristiyano tulad ng ILAGA(Ilonggo Land Grabbing Association). Ang karahasanng ILAGA ay nagbunga ng isang massacre noong Hunyo 1971 kung saan pinatay ang65 na kababaihan, kalalakihan at mga batang Muslim sa isang Mosque.Noong ika-13 hanggang ika-17 ng Enero, 1975 ay nagkaroon ng pagtatangkangiresolba ang kaguluhan na nangyayari sa pagitan ng gobyerno at ng mga Muslim.Noong 1976 ay nilagdaan ang Tripoli Agreement at mahigit dalawang dekada angitinagal ng paguusap ng gobyerno at MNLF bago malagdaan ang 1996 Peace Accord.Bunga nito ay nabuo ang ARMM o ang Autonomous Region in Muslim Mindanao.Pagkatapos naman ng negosasyong GRP-MNLF, nagkaroon naman ng isa pangnegosasyon noong ika-7 ng Enero, 1997 sa pagitan ng gobyerno at ng MILF (MoroIslamic Liberation Front), isang grupong tumiwalag sa MNLF na pinamunuan ni AmirulMujahid Hashim Salamant. Hindi gaya ng MNLF, ang mga adhikain ng grupong ito aymay kinalaman sa relihiyon. Samantala, ang mga Abu Sayyaf naman ay isangteroristang grupo na ang tingin sa mga Kristiyano ay ang mga kalaban ng Islam.Nang nagdeklara ng ³All-out War´ si Joseph Estrada noong 2000 bilang resultang labanan noong 1997 at 1999 sa pagitan ng gobyerno at MILF, nabuo naman angMPPM (Mindanao Peoples¶ Peace Movement) upang lutasin ang kaguluhan.Sa taong 2001, sa pamumuno si Gloria Macapagal-Arroyo ay maraming mgapulitikal na aktibista at mahigit 50 mamamahayag ang napaslang ng mga grupongrebelde.Ayon sa mga Muslim, ang preskripsyon ng ARMM ay hindi naaangkopsakanilang pangangailangan. Ang pagbuo ng ARMM ay ayon parin sa framework ngKonstitusyon ng Pilipinas at ang mga Muslim ay hindi kinikilala ang Konstitusyon ngPilipinas dahil para sakanila ay hindi naman sila naimpluwensiyahan ng sinumangdayuhan na nagtangkang sumakop sa buong Pilipinas. Sa tingin nila ay hindi dapat silasumunod sito dahil sa hindi naman nasakop ng España ang Mindanao sa araw ngpaglagda sa Treaty of Paris sa pagitan ng España at Estados Unidos. Sinasabi rinnilang wala sa mga kamay ng Filipino ang kalayaan nila at wala silang karapatang
 
3
 Islam sa Kasalukuyan
magkaroon ng veto power sa mga karapatan at sa lehitimong pagsasarili ng mgaMuslim.Sa loob ng 35 taon ay nakikipaglaban ang mga BangsangMoro (Ang kahuluganng bangsa ay angkan) para sa kanilang mga karapatan. Sa pakikipaglaban nilang ito ay120,000 buhay ang nawala, karamihan ay mga sibilyan, mahigit isang milyon angnawalan ng tirahan at kabuhayan, at mula 200,000 hanggang 300,000 ang napilitanglumipat ng tirahan para sa sarili nilang kaligtasan.Sa ngayon, ang mga grupong Islamiko ito ay ginagamit na lamang ng gobyernona dahilan upang ipakita sa mga Pilipino ang panganib na dinadala ng mga Muslim sabansa at maikatuwiran ang pagdating ng Philippine troops at ang mga ³tagapayong´Amerikano sa tinatawag nilang pinakabagong ³depensa´ ng bansa laban sa mgaterorista.Mula 2000 hanggang 2008 ay apat na delegasyon mula sa Holland angdumating sa isang pamayanang Muslim upang magkaroon ng kapayapaan sa pagitanng mga Kristiyano at Muslim. Ngunit kung titingnan ay hindi na naman ito kinakailangandahil mula sa 55 porsyentong Kristiyano at 45 porsyentong Muslim na Pilipinongnakatira dito ay wala pa namang naging problema na naganap at wala pangKristiyanong nagpapaalis o nagrereklamo tungkol sa mga Muslim na kasama nila sapamayanan sa kabila ng isang insidente kung saan dumakip ang ASG (Abu Sayyaf Group) ng mga dayuhan sa isang ospital at pinatay ang ilan sa mga ito. Habangnagaganap ang pagpupulong ay nagkaroon lamang ng kaunting paguusap tungkol sakapayapaan sa Mindanao, sa halip ay lumabas ang mga isyu tungkol sa hindipagkakapantaypantay ng mga kababaihan at kalalakihan, kalusugan, edukasyon atpagpapaunlad ng agrikultura.Mahihinuha natin sa mga sitwasyon na ito kung paano nakakaranas ang mgaMuslim ng diskriminasyon sa Pilipinas.Ang hinihingi ng mga Muslim ay pantay na karapatan at pagtanggap sa kanilangkultura at ibang pamumuhay. Gusto nilang makuha ang mga lupaing tunay na sila ang

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->