You are on page 1of 10

Malapit na Ugnayan ng

Relihiyon
at
Mabuting Edukasyon
Habang umaakyat ang baging sa puno
Hirap na gumagapang, kasama ang palamuti
Ng luntiang parang, iginaganyak
Ang isa’t isa at sabay na lumalago.
Ngunit sakaling tanggihan ng puno ang tulong
Ang baging ay maluluoy, magiging inutil.
Gayon din ang Edukasyon sa Relihiyon,
Pinag-ugnay ng isang dakilang Espiritu.
Sa Relihiyon, Edukasyon ay nakikilala,
At hinagpis sa lapastangang isiping tumatanggi
Sa batayang aralin ng Relihiyon,
Itong malinis na isipa’y napababayaan.
Habang ang sibol, umuusbong mula sa baging,
Buong pagmamalaking nag-aalay ng tamis
Habang ang magarang kasuotan
Pinakakain mga ugat nito; gayundin ang tubig
Ng saloobin ng kalangitan ay nagbibigay-buhay
Sa Edukasyong tunay, naghahasik
Ng liwanag, nagbibigay init; dahil sa kanila
Ang baging ay mabango at pruts nito’y matamis.
Kung walang Relihiyon, Edukasyong Pantao
Tulad nito’y bangkang hinampas ng hangin
Na nawalan ng lakas, di malaman ang gagawin
Sa nangangalit na alon, nakatatakot na daluyong
Malupit na Boreas, nasa’yo ang lakas
At kapangyarihang ipinangangalandakan sa’min
Dito sa kaibuturan ng iyong nangangalit na dagat.
Habang ang hamog ng langit ay pagkain ng bulaklak
Nagpapalakas sa kayumanging lupa,
Palamuti ng araw ng tagsibol; kaya ganoon din
Kapag ang Relihiyon ang nagkalinga
Sa Edukasyon at mga doktrina nito,
Taas-noo siyang maglalakad, masaya
Tungo sa Kabutihan, at saanma’y
Maamo’y, mapipitas ang mga prutas ng saloobin.
Sa Sanggol na si Hesus
O Diyos na Sanggol, paano ba kaya’t
Ang sinilangan mo ay sabsabang aba?
Diyata’t di pa man ay pag-alipusta
Ang dulot ng Palad sa Iyong pagbaba?
Kay lungkot, O Hari ng Sangkalangitan!
Nagkatawang-tao’t sa lupa’y tumahan,
Hindi Mo ba ibig na Haring matanghal
Kundi Pastol namin sa kawan Mong mahal?
Para sa Birheng Maria
Mahal na Maria, katahimikan at kapayapaan
Sa lahat ng nahahapis ay iyong bigay.
Daloy ng ginhawa, nagmumula sa’yong bukal.
Walang humpay na nagdidilig sa’ming lupain;
Mula sa trono mong sintaas ng langit,
Mangyaring ako’y ambunan ng konting awa
Ilukob nawa sa’kin ang iyong balabal ng habag
Aking tinig na pumailanlang sa langit
Inang Maria, aking inang mahal,
Ikaw ang aking buhay, aking sandigan,
At sa maalong dagat, ikaw ang patnubay.
Sakaling dumating ang bupete ng tukso,
At ako’y lapitan na ni Kamatayan,
Lumbay ko ay pawiin, ako’y iyong tulungan.

You might also like