You are on page 1of 2

Sa isang buhay ng tao, hindi natin maiiwasang isipin kung ano ang magiging kapalaran nila.

Kung ano ang magiging kanilang bukas at sa darating nilang kinabukasan...


May ibang tao naman na ayaw nilang isipin kung anong mga pwedeng mangyari kasi pwedeng
takot sila o mas importante sa kanila kung anong nangyayari sa kanila ngayon.
Ang storya na ito base sa mga nangyari sa buhay ko.
Sa loob ng ilang taon, sinama sama ko ang mga nangyari sa buhay ko at isinulat ko ang mga
nangyari na dumepende sa mga importanteng desisyon na ginawa ko sa aking buhay…

Characters:

Pocholo Garcia:

" Sabi nila kapag mahal mo ang isang tao, ibibigay mo ang lahat, lahat gagawin mo pero paano pag isang
beses humiling siya na maghiwalay muna kayo at hinihiling niya na hintayin mo siya pag okay na siya ulit.
Hihintayin mo pa ba siya kahit alam mong hindi mo na siya kayang hintayin pa? Kahit ang dami mo pang
gustong sabihin, Kahit Ibaling mo man ang atensyon mo sa iba at hindi ka mapapalagay hangga't hindi
mo nasasabi sa kanya na mahal na mahal mo siya..."
Abby Ocampo:

"Iniwan kita hindi dahil ayoko na sayo, lumayo ako hindi dahil ayaw kitang makita, hindi kita kinakausap
dahil ayaw ko nang marinig ang boses mo. Ginawa ko yun dahil gusto ko lang malaman kung tama ba
talaga ang nararamdaman ko sayo. Ang pangako ay pangako at ayun na nga kahit hanggang sa huli ikaw
pa rin ang isinisigaw ng puso't isipan ko. Mapatawad mo sana ako at maisisiguro ko na mamahalin kita
magpakailanman kung bibigyan pa ako ng Diyos ng pagkakataon na makasama ka at maiparamdam sayo
lahat ng pagmamahal na kaya kong ibigay..."

Maicah Gomez:

"Sabi mo mahal mo ako,naniwala ako. Sabi mo hanggang katapusan tayo, umasa naman ako. Sabi mo di
mo ako sasaktan, at nagtiwala ako sayo. Pero bakit ganito, iniwan mo ako at pumayag naman ako dahil
mahal na mahal kita. Mahirap umasa, mahirap magmahal ng taong may mahal na ibang tao. Hindi pa ba
sapat ang pagmamahal ko? Hindi ba sapat na ibinigay ko sayo ang lahat ko? Ano nga bang magagawa
ko, makita ko pa lang ang mga mata mo na nagmamakaawa na huwag na kitang mahalin, wala akong
magagawa kung hindi sundin ang gusto ng puso mo kasi matagal ng nasa iyo ang puso ko."

Garnet Aguilon:

"Tama nga ang kasabihan na hindi mo malalaman ang importansya ng isang tao hangga't hindi siya
nawawala sayo. Hindi ko sinasadya na paglaruan ang puso't damdamin mo. Pareho pa tayo nung bata
kaya hindi ko pa alam ang salitang seryoso pero salamat na minamahal mo ako. Naramdaman ko yun
pero pasensya na talaga kung naging gaga ako sayo. Pero huwag kang mag-alala hindi naman nawawala
yung pagmamahal ko sayo. Wala kang katulad."

Francis Uy:

"Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa isang tao. Pag nandyan siya, hindi mo aalahanin ang mga bagay
na kulang sayo pero pag wala siya sa tabi mo, na sa iyo na nga ang lahat pero pakiramdam mo parin may
malaking parte sa buhay mo na kulang. Pagdating naman sa pagkakaibigan natin, tinuring na talaga
kitang tunay na kapatid at kahit anong gawin mo hinding hindi kita matiis.Hindi ko matiis na nakikita
kitang naghihirap. Kung pwede lang sana ako na lang sumalo sa mga iba mong paghihirap para kahit
papaano hanggang sa huli maramdaman mo na may kapatid ka lagi sa tabi mo handang ialay ang buhay
para lang hindi ka mag-isa sa lahat ng sakit na mararamdaman mo sa buhay."

Nathan Dizon:

"Ano ba ang meron sa kanya na wala ako. Alam kong kaya kong magmahal ng tapat at hindi magloloko
pero nahihirapan akong ipakita sa inyong lahat. Baka malaman niyo na mahina talaga akong tao at hindi
marunong ipaglaban kung ano ang tunay na nararamdaman. Nakakainggit ka nga eh, sana ako na lang
ikaw.

~~PROLOGUE~~

You might also like