You are on page 1of 15

PATADYONG : KULTURA AT GINHAWA NG MGA ANTIQUENO

Alberto Paalala
Panimula
Ang paghahabi ay isa sa mga gawaing minana pa natin sa ating mga ninuno bago pa man
dumating ang mga mananakop sa bansa. Ito ay sining at kabuhayan na naging produkto ng
patuloy na pakikibagay ng mga mamamayan sa kanilang kapaligiran. Sa pakikibagay na ito,
nabuo ang kalinangan na makikita sa iba’t ibang paraan tulad ng pananamit.

Sa lalawigan ng Antique, nakabuo rin ang mga mamamayan nito ng sariling


pagkakilanlan. Ito ay ang industriya ng patadyong na matatagpuan sa Bagtason Bugasong
Antique1. Sa loob ng matagal ng panahon hindi nawawala ang paghahabi sa nasabing lugar.
Nagpapatunay lamang ito na ang patadyong ay hindi lang pagpapakita ng sining ng mga
Antiqueno sa halip ito rin ay nagsilbing kabuhayan na bumibigay ng maayos na buhay.

Ang patadyong ay isang katutubong damit na kadalasan ay sinusuot ng mga kababaihan.


Karamihan sa mga ito ay isang metrong pabilog ang estilo. Kalat ang patadyong sa buong
Pilipinas magkaiba lamang sa tawag ang bawat grupo na naghahabi nito. Nagpapatunay lamang
ito na ang kulturang ito ay bahagi ng isang malawak na kaugalian mula sa ating mga ninuno.

Samantala, bagamat sa Bagtason2 Bugasong3 ang nasabing sentro ng industriya sa


lalawigan hindi maikakaila na ang produktong patadyong ay sumasalamin na rin sa kalinangang
Antiqueno at marami na rin dito ang umaasa bilang pinagkukunan ng kabuhayan. Hindi lang ito
basta kabuhayan sapagkat nagkaroon na rin ito ng iba’t ibang disenyo at kulay na nagpapatunay

1 Ang salitang Antique ay nagmula sa katagang “hantik” na ang ibig sabihin ay langgam. Matatandaang maraming
langgam sa mga puno, maraming puno sa kabundukan at 83 porsyento ng Antique ay kabundukan. Masasabi natin
kung ganun na ang pangalan ng lalawigan ay batay sa heograpiya nito. Vicente C. Villan. Panayam ng May-akda.
Oktubre 2009. Unibersidad ng Pilipinas Diliman.

2 Ang salitang Bagtason ay nagmula sa salitang ugat na “bagtas.” Madalas ay ginagamit ang katagang ito upang
tumukoy ng isang paglalakbay sa kabundukan. Nangangahulugan din itong balikan ang dinaanan at suriin.
Ginagamit din kapag nais balikan ang naiwang gamit sa paglalakbay. Ang “Bagtas” ay salitang ugat din ng
Maragtas na ang ibig sabihin ay Kasaysayan. Maaaring tingnan ang Alberto T. Paala Jr. Pampulitikang Maragtas
Kang Antique: 1888-2008. Tesis Pangmasterado (UP Diliman. 2009)
3

Ang salitang Bugasong ay nagmula sa dalawang salitang ugat “Bugas” ibig sabihin “bigas at “lusong.” Bugasong
ay “bigas sa lusong.”
ng pagiging malikhain ng mga Antiqueno.

Ang Barangay Bagtason ay maylayong walong kilometro mula sa munisipyo ng


Bugasong. Ito ay nasa gitna ng kabundukan at malawak na ilog. Isang mapayapang lugar at
simple ang buhay ng mga tao dito. Maliban sa plaza kung saan nilalagay ang kanilang mga
produkto ay mayroon pa ring gumagawa sa kani-kanilang mga bahay. Patuloy ang paghahabi
bilang pinagkukunan ng kita at upang iangat ang pangalan at dungug (dangal) ng mga
Antiqueno.

Sa pag-aaral na ito mahalagang pag-aaralan ang historikal at kultural na pag-unlad ng


industriya ng patadyong sa Bagtason; alamin ang kahalagahan at gamit ng patadyong; mga
problemang kinakaharap ng industriya; mga termino at pamamaraan na ginagamit sa paggawa; at
pagsusumikap ng mga manghahabi na labanan ang kompetisyon ng modernong pamamaraan sa
paggawa ng damit.

Kasaysayan ng Industriya
Ang kolonisasyon ng mga Espanyol sa Pilipinas ay hindi naging hadlang sa mga Pilipino
upang ipagpatuloy ang kinagisnang kaugalian. Isang halimbawa rito ay ang paghahabi ng
patadyong sa lalawigan ng Antique. Ang mga Pilipino laluna ang mga kababaihan ay naghanap
ng kanilang pamamaraan upang makagawa ng sariling damit, kumot at marami pang iba. Ang
mga ito ay natutong maghabi o maghabul dahil sa pangangailangan ng sarili at pamilya.

Matatandaan na ang ika-19 na dantaon ay nagkaroon ng malawakang pagbabago sa


kasaysayang pang-ekonomiya ng bansa. Nagsimula ito sa pagbukas ng mga daungan na
pinangunahan ng Maynila noong 1834. Ang mga pagbabagong ito ay nagresulta sa mas malakas
na impluwensya ng mga Ingles at Amerikano sa ekonomiya. Ang mga banyagang ito ay
namuhunan sa agrikultura o ang tinatawag na cash crops.

Hindi maikakaila na ang pag-unlad ng agrikutlura noong ika-19 na siglo ay nagbigay


daan upang lumakas ang partisipasyon ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan. Subalit ang mga
pagbabagong ito ay may epektong hindi maganda sa lokal na industriya tulad paghahabi i.e.
patadyong sa Antique.

Ang paglakas ng industriya ng asukal sa Negros sa pamumuno ng isang Briton na si


Nocholas Loney ay nagdulot ng dalawang hindi magandang epekto sa industriya ng patadyong.
Una rito ay ang paghina ng paghahabi sa Panay. Marami ang nahikayat na pumunta sa Negros
upang magtrabaho sa mga plantasyon ng asukal. Ito ay sang-ayon sa paniniwala na
magkakaroon ng mas malaking kita. Hindi lang manggagawa ang mga pumunta, kundi maging
ang mga negosyante mula sa Panay. Dahil dito humina ang produkto sa paghahabi at hindi na
masyadong binigyan ng pansin. Sa Antique, ang mga pumunta sa Negros ay ang mga Sacada na
nagpapatuloy hanggang sa kontemporaryong panahon.4

Pangalawang epekto ng paglakas ng kalakalan ng asukal sa Negros ay ang pagpasok ng


produktong damit ng mga Ingles mula India. Matatandaan na malaki ang papel ng mga Ingles
sa produksyon ng asukal sa Negros. Hindi lang sila tagaluwas ng cash crops sa halip ay taga-
angkat din ng kanilang produktong tela mula India.

Naging mahirap sa mga manghahabi ng Bagtason ang epekto na dulot ng Ikalawang


Digmaang Pandaigdig. Ang panghahabi ay nagsilbing pantawid gutom ng mga kababaihan
upang kumita ng pera at tugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Dagdag pa rito,
ang mga palayan sa lalawigan ay halos kontrolado ng mga Hapones. Sa katunayan sa panahon
ng giyera sa Antique, naging mas maayos pa ang naging buhay ng mga taong kumampi sa mga
Hapon kumpara sa mga gerilya. Ibig sabihin nandyan ang pagsusumikap na magsikap at
maghabi ng marami dahil sa digmaan.

Sa kabilang banda, sa panahon ng 1940’s nagkaroon ng pagbabago sa disenyo ng


patadyong. Noon simpleng mga disenyo lamang ang nilalagay ng mga manghahabul sa kanilang
patadyong. Si Candelaria Blasé ay nagpauso ng bagong estilo sa paggawa ng patadyong. Ito ay
ang tinatawag na Pinilian o embroidered Patadyong. Dito nagsimula ang mga patadyong na may
4
Henry Funtecha. “Ilonggo migration to Negros.” Newstoday online edition. http://www.thenewstoday. Info /
2005/02/04/column3.htm. visited October 11, 2009.
iba’t ibang disenyo upang kumuha ng pansin ng mga mamimili. Gumagamit na rin sila ng mga
makikintab na sinulid na may kulay pilak, ginto at iba pa upang mas maging kaakit akit ang
kinalabasan ng produkto at mas madali itong maibenta.

Samantala, sa kabila ng pagsusumikap ng ilang manghahabul na maging maayos ang


produksyon nakaharap pa rin sila sa ilang mga problema. Ilan sa mga ito ay ang kawalan nila ng
kakayahan na tumugon sa tumataas na demand. May kinalaman ito sa kakulangan ng kagamitan
na nagresulta sa mabagal na produksyon. Sa katunayan, bagamat mahigit 40 ang miyembro
mayroong lamang limang tiral na magagamit.

Ang mga tiral na ito ay hindi rin sumusunod sa standard na laki at lawak. Mayroon
lamang itong haba na 25 pulgada samantala ang kinakailangan sa palengke ay 30-45 pulgada.
Dahil sa kakulangan ng kagamitan, napilitan ang ilang magagaling na miyembro na pumunta
nalang sa Maynila upang maghanap ng ibang mapagkakitaan. Ilan pa sa mga problema ay ang
kakulangan ng kapital, kakulangan ng display center, kawalan ng product diversity, huling
pagbayad ng mga bumili na nagresulta sa pag-antala sa pagbili ng mga materyales na gagamitin
sa susunod na produksyon, kakulangan ng kasanayan at kaalaman sa pagtinda.

Dahil sa mga problemang ito nais tutukan ng mga manghahabi ang produksyon at
pagtinda ng kanilang mga produkto. Kasama na rin dito ang pagpaganda ng disenyo,
pagkonsulta sa mga eksperto tungkol sa tamang kalidad ng produkto, humingi ng pondo sa mga
institusyong pampinansya, magsagawa ng mga pagsasanay upang madagdagan ang kasanayan at
kaalaman ng mga miyembro laluna sa aspektong pamamahala. Sinisikap din na magbigay ng
tulong pinansyal sa mga indibidwal na manghahabi at hikayatin ang lokal na pamahalaan upang
magpalabas ng ordinansa na nag-uutos sa mga mas batang henerasyon na magsumikap sa pag-
aaral ng paghahabi.

Kasama pa sa mga problema ang tumataas na presyo ng mga materyales, kumpetisyon


laban sa modernong pamamaraan sa paggawa ng damit, kawalan ng hilig ng mas batang
henerasyon upang matuto sa paghahabi, mababang kita sa paghahabi. Sa katunayan dahil dito,
mas marami ang umalis at mangibang bayan o kung hindi man ay mas pinili na mag-alaga ng
baboy at manok. Dagdag pa rito, mas gusto ng mga tao ang modernong kasuotan at karamihan
mga matatanda na halos ang naghahabi at malabo na ang paningin. Dahil dito hindi inaalis ang
pangamba na maaaring mawala ang industriya ng patadyong kung hindi ito bigyan ng pansin.
Sa kabila ng kanilang pagsusumikap na buhayin muli ang patadyong ay may kahirapan dahil sa
traditional na pamamaraan sa paggawa na siyang humahadlang sa kanila upang makakuha ng
mga malakihang mamimili.

Noong ika-21 ng Oktubre 2004, nagpalabas ng isang ordinansa ang lokal na pamahalaan
ng Bugasong sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Eliseo S. Magbanua. Sa ordinansang ito
nakasaad na dapat sumuot ng damit na gawa sa patadyong ang mga empleyado ng munisipyo
isang beses sa loob ng isang buwan. Ang mga layunin ng hakbang na ito ay upang paghandaan
ang kumpetisyon sa merkado sa darating na 2010; ipakita ang pagkakilanlan ng Bugasong at
maging ang Antique sa kabuuan; upang iangat ang kamalayan ng mamamayan tungkol sa
kahalagahan ng patadyong; at upang suportahan ang industriya ng patadyong sa Bugasong.5

Noong ika -27 ng Nobyembre 2007 inorganisa ang Bagtason Loam Weavers Association
(BLWA). Ito ay pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Bugasong. Nagsimula ito na mayroon
lamang labing pitong miyembro. Mayroon din itong General Assemly, Board of Trustees,
President, Vice President, Secretary, Treasurer, Auditor, Bookkepper at Business Manager.

Ang bisyon ay naglalahad na ang BLWA ay isang organisasyong may layuning ipakilala
ang paghahabi bilang pinagkukunan ng kita habang pinapanatili ang kultura. Ito ay magbigay
daan sa isang mapayapa at progresibong pamayanan. Ang misyon nito ay paunlarin ang
paghahabi bilang lokal na industriya ng mga mamamayan ng Bagtason at linangin ito bilang
pinagkukunan ng kita ng mga miyembro; paunlarin ang produksyon; pamamaraan sa pagbenta at
pangangalaga ng organisasyon tungo sa isang pangmatagalang pinagkukunan ng kita ng mga
miyembro.

Dagdag pa sa misyong ito ang pagpanatili ng paghahabi bilang pagpapakita ng sistema ng


5“Adopting an ordinance mandating the wearing of at least once a month by municipal government employees of a
uniform that is made or partly made of patadyong.” Resolution No. 43-2004. Sponsor Hon. Joe Francis B. Bandiola.
Republic of the Philippines. Province of Antique. Municipality of Bugasong. Office of the Sangguniang Bayan.
pamumuhay ng mga mamamayan ng Bagtason at ipagpatuloy ang hilig at interes ng mga huling
henerasyon sa industriya bilang simbolo ng kalinangang minana pa sa mga ninuno sa loob na ng
matagal na panahon.6 Noong Hulyo 2008 nagkaroon ng pagkakilanlan ang mga manghahabi
bilang Bagtason Loam Weavers Association matapos magpatala sa Security and Exchange
Commission (SEC). Ito ay sa tulong ng Antique Development Foundation (ADF).

Nagmula nang magkaroon ng asosasyon ang mga manghahabi sunod sunod na ang tulong
na kanilang natanggap mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. Sa katunayan noong buwan
ng Setyembre 2009 nakatanggap ang asosasyon ng tulong pinansyal mula sa DOLE. Ang tulong
pinansyal ay nakahalaga ng isang daang libong piso na gagamitin sa pagbili ng mga kagamitan at
materyales tulad ng silk. Dagdag pa rito ang walong tiral. Ang nasabing tulong ay tinanggap ni
Mario Manzano ang kasalukuyang pangulo ng asosasyon. Sa kanyang panig, nagpasalamat si
Manzano at ipinahayag na ang nasabing tulong ay magbigay daan na maging sentro ng turismo
ang pagawaan ng patadyong, at makadagdag ng kita na siyang magbigay daan upang maipadala
nila ang kanilang mga anak sa kolehiyo.7

Nakatanggap din ng tulong ang asosasyon mula sa Embahada ng Hapon ito ay bunga ng
pagbisita ni Pedro S. Orencio, Economic Evaluation Officer of the Embassy of Japan sa
Bagtason Loom Weavers Association. Sa kanyang pagbisita, ipinahayag ni Orencio na
mayroong intensyon ang Hapon na magbigay ng tulong pinansyal sa asosasyon.8 Ang pahayag
na ito ay naisakatuparan noong ika-6 ng Marso 2009 kung saan nakatanggap ng tulong ang
asosasyon mula sa Japanese Embassy.

Ang nasabing tulong ay nakahalaga ng mahigit tatlong milyong piso bilang bahagi ng
Japan’s Official Development Assistance. Ang pagtanggap ng tulong na isinagawa sa Pasay ay
dinaluhan nina Sen. Loren Legarda, Antique Governor Salvacion Z. Perez at Antique
Development Foundation Director Rhodora Pon-an.9 Sa kasalukuyan, hinihintay pa ng
6 Bagtason Loom Weavers Association. Bagtason, Bugasong, Antique. Walang petsa.

7 J. Valmonte. “Bugasong patadyong weavers get P100 thousand fund from DOLE”. PIA Press Release 2008/09/11.
8

“Local patadyong weavers eye Japan Embassy as funding partner.” Walang petsa.

9 “Antique handloom weavers and handicraft producers receive support from Japan.” Press Release. (Press Office.
asosasyon ang labing dalawang tiral na karagdagang tulong ng Hapon. Nagbigay din si Vice
Gov. Rhodora Cadiao ng tatlong tiral at dalawang tiral nanman mula sa Antique Development
Foundation.

Inaasahan na sa pagdami ng kagamitan, dadami rin ang produksyon at kita ng mga


manghahabi. Sa pagtaas ng kita, mas lalong mabigyan ng malawak na papel ang mga
kababaihan sa lipunan upang tugunan ang kanilang pangangailangan. Higit sa lahat, ang
karagdagang kita ay magbigay daan sa maayos na buhay sa isang pamayanan.

Ang suportang dumating ay nagsilbing panghikayat sa iba pang manghahabi na sumapi sa


asosasyon. Ang pagpapatuloy ng industriya ng patadyong ay maaaring gawing batayan upang
sabihin na hindi lang ito simbolo ng kultura sa halip ito ay pinagkukunan din ng ikinabubuhay.
Hindi maikakaila na ang industriya ng patadyong ay nagbibigay din ng trabaho laluna sa mga
mahihirap sapagkat dito hindi na kinakailangan na magtapos pa ng kolehiyo at ang simpleng
kasanayan sa pagmasid sa mga eksperto ay maging daan na upang kumita. Sa kasalukuyan ang
nasabing asosasyon ay mayroong apatnapu’t tatlong miyembro na may buwanang kita na
umaabot mula P 2,500 hanggang P 5,000 bawat buwan mula sa dating P 1,500 lamang.
Karamihan sa mga miyembro ay babae at may edad mula labing-walo hanggang pitumpu’t pito.

Ang mga mamamayan ng Bagtason ay nakinabang sa pagbuhay muli ng nasabing


industriya. Marami sa mga kabataan na hindi nakapag-aral ang nabigyan ng pagkakataong
kumita sa pamamagitan ng paghahabi sa halip na mamasukan sa Maynila bilang katulong. Isa sa
pinakamalaking kontribusyon ng nasabing asosasyon sa pamayanan ay pagkatapos ng Bagyong
Frank. Ang mga mamamayan ng Bagtason ay nakatanggap ng suporta mula sa opisina ni
Senadora Loren Legarda sa pamamagitan ng pagsusumikap ng asosasyon at koordinasyon sa
Antique Development Foundation. (ADF)

Kasama ang ADF, ang asosasyon ay nagkaroon ng tuloy tuloy na Capability Building
Trainings. Ang nasabing misyon ay binigyan ng pondo ng Canada Fund for Local Initiative.
Tuloy din ang pagsusumikap na makalikom ng pondo mula sa ibang asosasyon sa loob o labas
Embassy of Japan. Roxas Boulevard Pasay City Philippines. March 6, 2009)
ng bansa. Dagdag pa rito, nagsagawa rin ng mga pagsasanay sa paggawa ng produkto at
paggawa ng mga panukala. Tinututukan din ang pagbigay ng pagsasanay sa mga kabataang
hindi nakapag-aral. Kasama na rito ang pagpadala ng mga misyon sa Miag-ao at Oton upang
pag-aralan pa ang mas magandang proseso sa paggawa ng patadyong. Kasama na rito ang pag-
aaral sa mga pamamaraan sa pagbenta ng mga naunang grupo sa ibang lugar.

Isa pa sa mga dahilan ng pag-usbong ng industriya ng patadyong sa Bugasong ay ang


partisipasyon nito sa programa ng Department of Trade and Industry (DTI) na One Town One
Product (OTOP). Bago ang OTOP ang mga manghahabi sa Bagtason ay kanya kanyang
nagtinda ng kanilang produkto at kumikita lamang ng halos ng P 1,000-1,500 bawat buwan.
Pagkatapos ng OTOP umabot sa higit dalawang daang libo ang kita ng asosasyon mula sa
operasyon nito noong Hulyo 2008. Halos 40 porsyento ang pumupunta sa kita ng mga
manghahabi at ang natitira ay nasa asosasyon. Ang mga manghahabi ay binabayaran ng 1/3 sa
pagsisimula ng trabaho. Maliban sa kanilang kita sa asosasyon, ang mga miyembro ay maaari
ring magtinda ng kanilang sariling gawa upang dagdagan ang kanilang kita na minsan ay
umaabot ng limang libo bawat buwan.

Bago ang OTOP mayroon lamang 17 manghahabi ang asosasyon nang magsimula ito
noong 2007. Sa ngayon mayroong 43 manghahabi ang nagtatrabaho 25 ang nagtatrabaho ng
buong araw at 18 naman ang paminsan minsan lang. Nang dahil sa OTOP nagpatayo ang
asosasyon ng mga bagong habian at inayos ang mga lumang kagamitan bilang tugon sa
dumadaming miyembro. Sa katunayan, ang LGU Bugasong ay naglaan ng isang daang libong
pondo para sa pagsemento ng habian. Ang nasabing proyekto ay magsisimula sa mga huling
buwan ng taong kasalukuyan.

Nang dahil din sa OTOP, tumaas ang bilang ng mamimili at umaabot na sa tatlo at
kalahating metro ang telang matatapos sa loob ng isang araw kumpara sa dating dalawang metro
lamang. Isa sa mga problemang kinakaharap ng asosasyon bago ang OTOP ay ang kakulangan
ng estratehiya sa pagtinda ng kanilang produkto. Ang problemang ito ay unti unting natugunan
ng magpursige ang lider ng lokal na pamahalaan sa probinsya na ipakilala ang produkto. Isa sa
mga hakbang na isinagawa ay ang paggamit ng patadyong sa mga beauty contest.
Dahil sa tulong ng OTOP, mas lumapad pa ang kanilang produkto mula 24 sentimetro
hanggang sa 60. Ito ay dahil sa mas malaki na tiral na binigay sa asosasyon. Noon gawa sa
kawayan ang kanilang tiral ngayon ay gumagamit na sila ng gawa sa bakal. Naging mas maayos
na rin ang kanilang proyekto dahil sa mga pagsusuring isinagawa at paggamit ng mga
matitingkad na sinulid.10 Patuloy din ang pakikiisa ng asosasyon sa mga ginagawang
pagpapakilala ng produkto tulad ng OTOP sa Cebu at Pasundayag Expo 2009, kung saan ang
nasabing asosasyon ay nakatanggap ng parangal na may kasamang pera.

Upang palaganapin ang kamalayan ng mga mamamayan, ang lokal na pamahalaan ng


Antique ay nagsagawa ng mga fashion show noong Hunyo 2007. Dito ang mga pinuno ng iba’t
ibang opisina sa kapitol ay sumuot ng mga damit na gawa sa patadyong. Noong 2008, ilang
produkto ng Antique kasama ang patadyong ay sumali sa exhibit sa Cuneta Astrodome. At
noong Enero 2009, sa unang pagkakataon, ang LGU Bugasong ay nagsagawa ng Bugasong
Patadyong Night bilang pagpakilala ng kontribusyon ng patadyong sa nasabing bayan.11

Sa kasalukuyan, ang LGU Bugasong ay naglagay ng display center sa Munisipyo ng


Bugasong. Ang Antique Vocational School at DepEd teachers ay nagsasagawa ng hinabul upang
gamitin sa kanilang mga uniporme. Sumali rin ang BLWA sa Binirayan sa San Jose Antique at
kumita ng halost 30 libong piso. Dagdag pa rito, dumalo rin ang asoasayon sa Pasundayag Expo
2008 EBJ Freedom Park, 2nd Kinaray-a Arts Festival EBJ Freedom Park, OTOP Visayas Island
Fair SM City, Cebu, Balik Bugasong/Patadyong Night, Pasundayag Expo 2009 EBJ Freedom
Park, at Tiringbanay 2009 San Jose de Buenavista.

Proseso, Disenyo, Gamit at Paniniwala


Ayon sa ilang manghahabi walang ibang lahi ang nagturo sa kanila sa paghabul. Ang

10Bagtason Loom Weavers Association. Bagtason Bugasong Antique. Most Outstanding OTOP MSME. First
Provincial OTOP Congress. Province of Antique. Walang petsa.

11“Bagtason Loom Weavers Association” Most Outstanding OTOP MSME in the Province of Antique. Walang
petsa.
kaugaliang ito ay minana pa nila mula sa kanilang mga ninuno. Ibig sabihin ang paghahabi ay
naipasa na sa loob ng maraming henerasyon at nagsilbi na itong alaala natin sa ating mga ninuno.
Ang paghahahbi ay hindi sapilitan at ginagawa ito ng may hilig bilang pampalipas oras at
gustong kumita.

Hindi maikakaila na ang paghahabi ay nagsisilbi ring paraan upang magkasama sama ang
mga mamamayan sa loob ng isang lipunan. Bilang resulta naging mas maayos ang ugnayan ng
mga ito. Isa rin itong paraan upang hindi magamit sa hindi makabuluhang paraan tulad ng
pagsusugal ang oras ng mga kababaihan. Dito hindi lamang nila pinatunayan na sila ay may
angking galing sa halip pinatunayan din nila na ang mga kababaihan ay may malaking ambag sa
lipunan. Naging responsable rin silang ina ng pamilya at bilang mamamayan ng bayan. Dagdag
pa rito, ang paghahabi ng patadyong ay isa ring paraan ng pangliligaw noong unang panahon.

Sa pagkakataong ito, mahalagang malaman ang mga materyales na ginagamit ng mga


manghahabul sa paggawa ng patadyong. Una na rito ang tiral na gawa sa matitibay na kahoy.
Ang mga kababaihan ay gumagamit ng lanot (katumbas ng sinulid sa modernong panahon). Ang
lanot ay pinapadaan sa maraming proseso tulad ng tagakun, talingyasun, sulud, binting, lingkis at
sabungan. Noon ang lanot ng pinya ang kadalasang ginagamit na sinulid. Ginagamit ding
pangkulay ang dahon ng talisay. Dito kinukuha ang kulay itim. Ang iba pang ginagamit sa
pagkulay ay ang langkawas (ginger species) at astuete para sa kulay pula o gintong dalandan.
Ang layunin ay makalikha ng sinulid na mayroong iba’t ibang kulay upang maging kaakit-akit.

Ang kilyo ay ginagamit din bilang sinulid. Ito ay mula sa bulak matapos tanggalin ang
mga buto. Ang kilyo ay linugum (kinukulayan) ng maaaring pula o itim na mula sa kasla, tagum
at iba pang katas ng puno. Matagal ang proseso at sa katunayan ay umaabot ng lingo bago
makatapos ng paghahabi.

Ang lanot ay patuloy na ginagamit hanggang sa dumating ang wool mula sa China na
mas kilala sa tawag na nakar. Isang sinulid na gawa sa mga pagawaan at siyang pumalit sa
tradisyunal na lanot. Ang nakar na ito ay mayroong iba’t ibang makikintab na kulay at ang
proseso sa paghahabi ay mas napaiksi. Dahil dito naging mas mabilis ang produksyon at
nakatugon sa pangangailangan ng mamimili. Sa modernong panahon, ang mga manghahabi ay
gumagamit na ng polyester na sinulid. Ang mga kadalasang kulay na ginagamit ay berde, dilaw,
asul, lila at dalandan na siyang sumasagisag sa kalikasan.

Sa paghahabi ng patadyong iba’t ibang kulay ng sinulid ang nilalagay sa tiral o habulan.
Ang pagsasaayos ng sinulid na ito ay depende sa estilo na nais gagawin. Ang pagiging
kumplikado ng proseso ay siyang nagpapabagal sa manghahabi. May kinalaman din dito ang
sinaunang kagamitan. Sa kabila ng modernong pamamaraan sa paggawa ng tela, ang mga
manghahabi ng patadyong sa Bagtason ay patuloy na gumagamit ng mga sinaunang
pamamaraan.12

Madalas ang disensyo ng patadyong ay magkahalong kulay at binabatay sa nais ng mga


mamimili. Kadalasan ay matingkad ang kulay upang mas kaakit akit sa paningin. Ang
karaniwang kulay ay kumbinasyon ng berde, pula, dilaw. Ang berde ay nagmula sa kasla isang
taal na halaman sa Antique at kadalasan ay ginagamit rin na gamut sa katawan. Bihira naman
ang ibang kulay tulad ng lila at ube.

Mayroong sinusunod na proseso sa paggawa ng patadyong. Una rito ay tinatawag na


pagsab-ong kung saan inaalam kung ilang metro at anung disensyo ang gagawin na tela.
Pangalawa ay ang paglikis o ang pagsasaayos ng sinulid. Pangatlo ang pagbinting kung saan
pinapasok sa binting ang sinulid upang gagalaw ng paakyat at pababa. Pang-apat ay ang
pagsulod o ang pagpasok ng sinulad upang maayos ang pagkasunod sunod. Panglima ang
pagtalingyas o ang paglipat ng sinulid mula cone papuntang talingyasan. At ang panghuli ay ang
pagpanara o ang pag-umpisa ng paghahabi o paghahabul.

Maraming gamit ang patadyong bilang saplot ng katawan at kalooban. Isa na rito sa
panliligo na madalas ginagamit ng mga kababaihan. Matatandaan na isa sa mga hilig ng mga
kababaihan noon ay ang maligo sa ilog. Sa pamamagitan ng paggamit ng patadyong naging
madali sa kanila na takpan ang mga pribadong bahagi ng katawan. Malaking tulong din ito sa
paggawa ng iba pang gawain tulad ng paglalaba.
12 Richard P. Magbanua. “Weaving With the Times” hindi nalathalang artikulo.
Ginagamit ang patadyong bilang kasuotan sa mga espesyal na araw tulad ng piyesta at
pagbubuhat sa mga maysakit laluna kapag nasa kabundukan. Ito ay upang maging mas madali sa
mga nagbubuhat na humawak sa mga puno habang naglalakad. Mainam din ito sa pag-aalaga
ng bata laluna kapag naglalakad. Ginagawa ring pasador kapag buwan ng dalaw ng mga
kababaihan. Maaaring takip sa ulo sa oras ng pag-ani; pagtanim ng palay; at kapag nagbubuhat
ng mabibigat na bagay. Puwede ring maging basahan, kurtina, balot sa unan at sisidlang ng mga
labahan. Dagdag pa rito, ginagawang kumot,13 mosquito nets, pamalo sa laro sa lamay, tuwalya,
at binabalot sa mga namatay.

Ang mga binukot ay sumusuot din ng patadyong bago ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig ito ay nagsisilbing proteksyon sa kanila sa mainit na sikat ng araw. Sa bandang huli
ang nasabing kaugalian ay tinanggal dahil sa mainit na klima. Sa oras ng panganganak binabalot
din ang patadyong sa bagong silang na sanggol at maging sisidlan ng mga pinamili. Dagdag pa
rito, noong panahon din ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ginamit ang patadyong ng mga
gerilya upang magpakunwari na sila ay mga kababaihan. Dahil dito hindi sila basta bastang
nahuli ng mga Hapones. Marami ang sumuot ng patadyong sa takot sa mga Hapones.14

Sa kabilang banda ginagamit din ang patadyong bilang panakip sa ulo. Maliban sa
proteksyon sa init ng araw at bigat na binubuhat, nangangahulugan din itong pagbigay
proteksyon sa kaluluwa. Kitang kita ito sa panahon ng digmaan kung saan ang mga hangaway
ng bayan ay naglalagay ng tela sa kanilang ulo. Ang paglagay ng pulang tela sa ulo ay bahagi ng
paniniwala na ang kaluluwa ng tao ay nasa ulo kung kaya dapat itong takpan laluna kapag sa
panahon ng giyera.15 Maliban dito, ginagamit din ang patadyong bilang sinturon ng mga
matatanda. Ang tawag sa sinturong ito ay waklos. Hindi lang ito simpleng pagtali ng damit
upang hindi malaglag sa halip ito ay bahagi rin ng pagpapalakas ng ginhawa sa pamamagitan ng
pagsasaayos ng dungan.
13 Elizabeth R. Gondales. “The Patadyong of Bugasong Antique” nasa http://iloveiloilo.com. Binisita noong ika-11
ng Oktubre 2009.
14 Mitzi Marie Aguilar Reyes. The Patadyong of Miag-ao Iloilo.(Masters Thesis. University of the Philippines

Diliman. Quezon City, March 1994)

15 Vicente C. Villan. Panayam ng May-akda. Oktubre 2009. UP Diliman.


Ilan sa mga paniniwala tungkol sa patadyong ay dapat huwag kumain habang naghahabi
upang hindi ito kainin ng mga insekto; binabalot sa katawan ng sanggol upang protektahan ito
laban sa mga masasamang espirito; ang unang patadyong na nabuo ng isang manghahabi ay
suwerte kapag sinusuot habang nagsusugal; sa pagsisimula ng unang patadyong na hinahabi
dapat walang bisita na pumasok at kung sakaling pumasok ang bisita sa pinaghabian dapat ang
gumagawa ay gagamit ng tuob (pagpausok) upang tanggalin ang malas. Dapat siguraduhin na
ang usok ay kumalat sa buong habian dahil kapag hindi matanggal ang malas ng patadyong ay
hindi ito maibenta.

Konklusyon
Ang pagpapatuloy ng industriya ng patadyong sa Bagtason Bugasong Antique ay
nagpapatunay na ito ay hindi lamang simbolo ng sining sa halip ito ay pinagkukunan din ng
ginhawa ng mga mamamayan nito. Sa patuloy na pag-usbong ng nasabing industriya
mapapansin natin na kinatawanan na nito ang buong lalawigan sa aspektong pangkalinangan at
pang-ekonomikal.

Dahil sa industriyang ito, unti unti napakalat ang sining ng Antique. At hindi maikakaila
na inaangat nito ang tingin ng mga Antiqueno sa kanilang sarili. Naging simbolo na ito ng
ugnayan ng mga Antiqueno sa loob at labas ng lalawigan. Ibig sabihin inaangat nito ang dungug
(dangal) ng mga mamamayan ng probinsya. Malaking bagay ito sapagkat sa pagmamahal sa
bayan, kailangan ang mga bagay na pwedeng ipagmalaki at isa na rito ang patadyong.

Mahalaga rin ang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa industriya ng patadyong.


Sa halos 43 na miyembro ng asosasyon isa lang dito ang lalake. Nagpapakita lamang ito na hindi
nagpapahuli ang mga babae kung ang pag-uusapan ay kabuhayan. Nariyan sila, nagsisikap
upang makatulong sa kanilang pamilya. Dahil dito hindi lang sila naging mabuting ina ng
pamilya, sa halip pinapatunayan din nila na mayroon silang magagawa para maging maayos ang
lipunan.

Dagdag pa rito, hindi maikakaila na naipasa ng mga kababaihang ito ang kanilang
kaalaman sa paghahabi sa kanilang mga anak na siyang susunod na magpapatuloy ng
kinagisnang gawain. Dahil dito naging mas maayos rin ang relasyon ng pamilya dahil ang
paghahabi ay maaari rin gawin ng buong pamilya. Dagdag pa rito, hindi nasasayang ang oras sa
ibang walang kabuluhang gawain at nagkaroon ng mas nagkakaisang pamilya.

Nababatid natin na hindi madali ang proseso at paghagilap ng mga materyales sa


paggawa ng patadyong noong unang panahon. Ngunit, kapansin pansin dito na ang mga
materyales na ginamit tulad halimbawa ng kasla bilang pangkulay ay likas sa lugar ng Bagtason
sapagkat laganap ito sa kabundukan. Ibig sabihin, ang patadyong ay bunga ng imahinasyon ng
mga mamamayan ng Bagtason at likas na yaman nito upang makalikha ng sariling damit. Sa
paglikha ng damit doon nila pinapakita ang kanilang pagiging malikhain at kung paano nila
nililinang ang kapaligiran upang magkaroon ng ginhawa o maayos na buhay.

Sa kabila ng mahirap na proseso at daming problemang dinaanan nagsumikap pa rin ang


mga manghahabul sa Bagtason upang ipagpatuloy ang kinagisnang kultura. Napatunayan nila
ito nang maitayo nila ang Bagtason Loom Weavers Association na naging daan upang maging
mas matatag pa ang kanilang samahan at mas makilala sa ibang lugar. Makikita ito sa kanilang
pagsali sa iba’t ibang paligsahan at sa katunayan ay nakauwi rin ng parangal. Nagpapatunay
lang ito na hanggat may pangarap, nagsusumikap at nagkakaisa magkakaroon ng kaunlaran.

Hindi rin natin maikakaila na ang pagkaroon ng asosasyon ay naging dahilan upang mas
maraming mamamayan ang nabigyan ng trabaho. Ito rin ay nagbigay daan upang magkaroon
sila ng pagkakataon upang matustusan ang kanilang mga anak sa pag-aral sa kolehiyo. Isang
karangalan na makatapos sa pag-aaral na mula sa isang malinis na trabaho tulad ng paghahabi ng
patadyong. Dalawang ang tulong dito sa pamilya at pag-angat ng kulturang Antiqueno.

Ang mga tulong na dumating ay nagpapatunay lamang na nagtitiwala ang mga


institusyong na ang adhikain ng Bagtason Loom Weavers Association ay tungo sa maayos na
buhay, ikaaangat ng dangal at makapagbigay ng ginhawa sa mga mamamayan ng Bagtason at
maging ng Antique sa kabuuan.
* * *
Bibliograpiya
“Adopting an ordinance mandating the wearing of at least once a month by municipal
government employees of a uniform that is made or partly made of patadyong.”
Resolution No. 43-2004. Sponsor Hon. Joe Francis B. Bandiola. Republic of the
Philippines. Province of Antique. Municipality of Bugasong. Office of the Sangguniang
Bayan.
“Antique handloom weavers and handicraft producers receive support from Japan. 2009 Press
Release. Press Office. Embassy of Japan. Roxas Boulevard Pasay City Philippines.
March 6, 2009.
“Bagtason Loom Weavers Association. Bagtason, Bugasong, Antique.”
“Bagtason Loom Weavers Association.” Bagtason Bugasong Antique. Most Outstanding OTOP
MSME. First Provincial OTOP Congress. Province of Antique.
“Bagtason Loom Weavers Association” Most Outstanding OTOP MSME in the Province of
Antique.
Funtecha, Henry. “Ilonggo migration to Negros.” Newstoday online edition. visited October 11,
2009.
Gondales, Elizabeth R. “The Patadyong of Bugasong Antique” http://iloveiloilo.com. Visited
October 11, 2009.
“Local patadyong weavers eye Japan Embassy as funding partner.”
Magbanua Richard P. “Weaving With the Times.”
Paala, Alberto Jr. T. Pampulitikang Maragtas Kang Antique: 1888-2008. Tesis Pangmasterado.
Unibersidad ng Pilipinas Diliman. 2009.
Reyes, Mitzi Marie Aguilar. The Patadyong of Miag-ao Iloilo. Masters Thesis. University of the
Philippines Diliman. Quezon City, March 1994.
Valmonte, J. “Bugasong patadyong weavers get P100 thousand fund from DOLE”. PIA Press
Release. 2008/09/11.
Villan Vicente C. Panayam ng May-akda. Oktubre 2009. Unibersidad ng Pilipinas Diliman.

You might also like