Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
18Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Multilinggwalismo Salbabida Ng Wikang Filipino at Mga Dayalekto Bagong Kahingian Sa Global is a Dong

Multilinggwalismo Salbabida Ng Wikang Filipino at Mga Dayalekto Bagong Kahingian Sa Global is a Dong

Ratings: (0)|Views: 7,642 |Likes:

More info:

Published by: David Michael San Juan on May 23, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

02/11/2014

pdf

text

original

 
1 ng 39
Multilinggwalismo: Salbabida ng Wikang Filipino at Mga Dayalekto, Bagong Kahingian ng Globalisadong Mundo 
ni David Michael M. San Juan(lahok na nagwagi ng Ikatlong Gantimpala saGawad Surian sa Sanaysay-Gantimpalang Collantes 2008)
“Kayo’y nagkaisa upang ibigkis ang inang bayan sa Espanya gamit ang mga kwintas na rosas ngunit ang totoo, iginagapos n’yo siya sa pamamagitan ng mga kadenang matibay pa sa diyamante! Humihingi kayo ng pantay na karapatan, ng Hispanisasyon ng inyong mga pag-uugali, at hindi ninyo mapagtantong ang inyong hinihingi ay  pagpapatiwakal, ang pagkawasak ng inyong pagkamamamayan, ang pagdurog sa inyong lupang tinubuan, ang pagpapataw ng diktadura! Magiging ano kayo sa hinaharap? Isang bansang walang sariling diwa, bansang walang laya, lahat ng taglay ninyo’y hiram lamang, pati na ang inyong mga depekto! Nagmamakaawa kayong lukuban ng Hispanisasyon at ni hindi man lang kayo nahihiya!” 
 (Simoun sa nobelang “El Filibusterismo”) 
Sandaantaong mahigit matapos ipahayag ni Jose Rizal ang kanyang tuligsa saHispanisasyon ng mga
indio 
sa wika at pag-uugali sa panahon ng kolonyalismongEspañol, narito’t gahum o hegemonya naman ng Ingles ang kinakatunggali ngsambayanang nakikibaka pa rin para sa isang bansang tunay na malaya at may sarilingwika. Naglalayag pa rin sa maalong dagat ng ligalig at kawalang-katiyakan ang wikangFilipino at mga katutubong dayalekto sa kasalukuyan. Sa halip na itaguyod ang wikang
 
2 ng 39
sarili, muling humihiling ng “tanikalang matibay pa sa diyamante” ang ilang Pilipinongnabubulagan at nagdudunung-dunungan. Muli na naman nilang isasabak angsambayanan sa isang pagpapatiwakal. Binubura ng ilang kongresistang may makitid naisip at pananaw ang mga tagumpay na kinamtan ng pambansang kilusangnagtataguyod sa wikang pambansa at mga wikang katutubo ng Pilipinas. Ilang hakbangna lamang at malapit nang maisabatas ang kalagim-lagim na bangungot na tinatawagna
 AN ACT TO STRENGTHEN AND ENHANCE THE USE OF ENGLISH AS THE MEDIUM OF INSTRUCTION IN PHILIPPINE SCHOOLS 
(House Bill/HB No. 4701).
 
Ipinasa na ito ngmga ignoranteng kongresista at inaantabayanan naman ang magiging aksyon ng mgasenador ng republika. Nakalulungkot na katuwang ng mga kongresista sa tusongkudeta kontra-Filipino ang pinakamataas na lingkod-bayan na sinasabing nag-aral saisang pamantasan ni Uncle Sam. Kung tutuusin, mas nauna pa nga siya sa kanila nangkanyang lagdaan ang dokumentong tila isang sentensyang bitay sa wikang Filipino atmga wikang bernakular, ang Executive Order/EO 210. Pagpuksa sa Filipino at mgadayalekto pabor sa lalo pang pagpapatibay ng pangungunyapit at paggamit ng wikangIngles sa edukasyon ang pangunahing layunin ng HB 4701 at EO 210
 
kaya mukhangpromotor, punong-kapural, tagapanguna at di lamang simpleng katuwang angkasalukuyang okupador ng Palasyo
.
Kung magtatagumpay ang mga kabalyerong Amerikanista sa gobyerno,malamang na magising tayo isang araw na burado’t lusaw nang lahat ang mga dakilangpag-igpaw na kinamtan ng mahigit kalahating siglong pakikibaka para sa wikangpambansa at mga wikang katutubo, sa malawak na dagat ng Ingles na muling lulunod
 
3 ng 39
sa sambayanan sa panibagong yugto ng Amerikanisasyon. Kailangan ng Filipino at ngmga dayalekto ng mabisang salbabida upang makatawid sa sanlibo’t isang daluyong ngkasalukuyan tungo sa maalwang bukas na naghihintay sa kabilang pampang ngkasaysayan.
Basurang Argumento ng mga Amerikanista: Ingles daw ang wika ngInformation and Communication Technology (ICT)
Kailangang ilantad ang kahungkagan at kabobohan ng mga argumentonginilalako sa taumbayan ng mga Amerikanista sa gobyerno at akademya, ng mga “nagmamakaawa nang wala munti mang hiya” na maging Amerikano sa isip, sa salita atsa gawa, batay na rin sa mabalasik na panulat ng ating pambansang bayani, upangmapigilan ang nakaambang panunumbalik ng gahum ng Ingles. Mahalagangmapatunayang palso ang mga argumentong pabor sa monolinggwalismong Inglesupang maitanghal ang multilinggwalismong pabor sa Filipino at mga dayalekto.Konsiderasyong ekonomiko ang binabanggit na dahilan ng EO 210 sa pagpapatibay ngIngles bilang pangunahing wikang panturo batay sa isang bahagi ng panimula nito:
“...there is a need to develop the aptitude, competence and proficiency of our students in the English language to maintain and improve their competitive edge in emerging and fast-growing local and international industries, particularly in the area of Information and Communication Technology.” 
Nakakatawa at/o nakakatuwang isipin na bago pa lumitaw ang EO 210
 
ay maysagot na sa gayong kabobohan si Dr. Isagani R. Cruz (2001), isang edukador at

Activity (18)

You've already reviewed this. Edit your review.
Katrina Jenine liked this
1 thousand reads
1 hundred reads
Val Reyes liked this
Georgina Kusano liked this
jennifer_lim_9 liked this
John Gime liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->