Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
98Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Nasyonalismong Asyano

Nasyonalismong Asyano

Ratings:

5.0

(1)
|Views: 12,849 |Likes:
Published by jenniaraute

More info:

Published by: jenniaraute on Jun 06, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

11/07/2013

pdf

text

original

 
Aralin 24 – Nasyonalismong Asyano
Pangunahing naging reaksyon ng mga Asyano sa imperyalismo at kolonyalismong Kanluranin ang pagkabuo ng kanilang nasyonalismo laban sa mga banyaga.Ang nasyonalismo ay nangangahulugan ng pagmamahal sa bayan. Ito din ay ang pagkatanto ng tao namahalagang ipagtanggol ang kanyang bansa laban sa mga manlulupig/mananakop. Ito din ay angkamalayan ng isang lahi na sila ay may iisang wika, kasaysayan at pagpapahalaga.
Silangang Asya:
Maigting at malawak ang imperyalismong pinamalas ng mga Kanluranin sa mga bansa ng Silangang Asya.Ang mga bansang ito ay ang China at Japan. Hinati-hati ang China sa spheres of influence at ang Japannaman ay napilitang lagdaan ang Kasunduan sa Kanagawa sa takot na mangyari sa kanya ang tulad ng saChina.ChinaMayroong dalawang rebelyon na naganap sa China laban sa mga Kanluranin. Ito ay ang Rebelyong Taipingat ang Rebelyong Boxer.1. Rebelyong Taiping
Ito ay paghihimagsik noong 1850 laban sa mga Manchu. Ito ay pinangunahan ni Hung Hsiuch’uan na nagnais na iluklok ang sarili bilang emperador ng bagong dinastiya na tinawag niyangT’ai P’ing o Great Peace. Ang rebelyong ito ay may impluwensyang Kanluranin dahil na rin sa pagnanais ng mga kasapi nito na baguhin ang tradisyunal na lipunang Tsino.
Isang civil war sa katimugang bahagi ng China mula 1850-1864. Si Hung Hsiu ch’uan ay isangChristian convert at di sang-ayon sa pamumuno ng mga Manchu sa panahon ng dinastiyang Qing.Sinubukan niyang alisin ang mga pilosopiyang umiiral noon tulad ng Confucianism at Budismo at palitan ang mga ito ng Kristiyanismo. Ang rebelyong ito ay sama-samang ginapi ng pamahalaangManchu, Pranses at mga Ingles.2. Rebelyong Boxer 
 Naganap noong 1900 (1898-1901). Tinuring din itong proto-nationalist movement. Sinuportahannito ang pamahalaang Manchu at sabay na nilabanan ang mga Kanluranin. Ito ay isang pagkiloslaban sa spheres of influence at unequal treaties na nagpahirap sa maraming mga Tsino.
Kilala ang mga Boxers sa masang Tsino. Sila ay binubuo ng mga peasants o magbubukid natinawag an I-Ho ch’uan (righteous and harmonious fists).
Sila ay may kasanayan sa mga gymnastic exercises at calisthenics na pinaniniwalaan nilangmagbibigay sa kanila ng espiritu o abilidad na hindi matamaan ng mga bala ng baril.
Pumatay sila ng maraming Kristiyano at mga misyonerong Kanluranin. Ninais nilang mapaalisang mga Kanluraning bansa sa China.
 Nasupil sila ng pinagsama-samang pwersa ng mga Europeo: America, Great Britain, Russia,France, Italya at Japan upang protektahan ang kanilang mga interes.Sa pagpasok ng ika-20 siglo, dalawang magkaibang ideolohiya ang naging popular sa China. Ang mga itoay ang demokrasya at komunismo.
 
1. Demokrasya sa China
Ito ay pinamunuan ni Sun Yat Sen na siyang pangunahing nagsulong ng demokrasya atrepublikanismo sa China. Siya ang tinaguriang Ama ng Republikang Tsina.
 Naniniwala siya na ang pagkakaisa ng mga Tsino sa harap ng mga suliranin ang siyanginstrumento ng China laban sa imperyalismong kanluranin. Mahalaga sa kanya ang pantay-pantayna pag-aari ng lupa at regulasyon ng puhunan. Hindi siya naniniwala na kailangan magkaroon ngclass struggle upang makamit ang kaunlaran. Ang mga alitan ay maiiwasan sa pamamagitan ng pagkakasundo at konsiliasyon.
Siya ay kilala sa tatlong prinsipyo (Three Principles of the People/San-min Doctrine):nasyonalismo, demokrasya, at kabuhayang pantao.
 Naitatag ang republika ng China noong Oktubre 10, 1911.
Itinatag ang Partido Kuomintang o Nationalist Party noong 1912.Three Principles of the People/San-Min Doctrine1. Mínzú
nangangahulugang “people’s relation” o “government of the people” o nasyonalismo.
 Naniniwala si Sun Yat Sen na ang tunay na nasyonalismo ay ang pagkamit ng kalayaan sa mulasa kamay ng mga kanluraning bansa.
Ito rin ay maisasalin sa salitang mamamayan, o lahi, na ang ibig sabihin ay iisa ang kanilangkabuhayan, pamumuhay, relihiyon, at wika.2. Mínquán
“people’s power”, government by the people; demokrasya.
Ang istilo ng pamahalaang Kanluranin ay iniangkop sa mga Tsino kung saan angkapangyarihan ng gobyerno ay nahahati sa 2 uri: pulitika (politics) at
 governance
.
Politics – powers of the people to express their political wishes and concerns.
Governance powers of the administrators to implement laws and regulations for the benefitof the people.3. Mínshēng
 people’s livelihood; people’s welfare; government for the people o Kabuhayang pantao
to ay nahahati 4 na bahagi: pagkain, pananamit, tirahan, transportasyon2. Komunismo sa China
 Nagkaroon ng mga talakayang grupo tungkol sa Marxism noong 1918.
Ito ay isang ideolohiyang komunismo na galing sa Russia na naniniwala sa tunggalian ng mga uri.
Si Mao Ze Dong ay isa sa mga Tsinong nagtatag ng Partido Komunista noong 1921.
 Naipalaganap ang kaisipang komunismo sa mga opisyal ng pamahalaan at mga intelektwal.
 
Sa paglakas ng kilusang komunista, ipinagbawal ito ni Chiang Kai Shek upang maalagaan ang pinamumunuan niyang pamahalaan.Mao Ze Dong
Sa paglunsad ng kampanya laban sa mga komunista sa ilalim ni Chiang Kai Shek, napilitangtumakas si Mao Ze Dong patungong Kiansi.
Ang pagtakas niya kasama ang ilan pang mga komunista ay tinawag na Long March.
 Nagwagi ang mga komunista at naitatag ang People’s Republic of China noong Oktubre 1, 1949sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Si Chiang Kai Shek ay nagtungong Taiwan at doon ay nagtatag ng pamahalaang nasyonalista natinawag namang Republic of China.JapanDalawang yugto ang pagpasok ng mga Kanluranin sa Japan: Panahon ng Shogunatong Tokugawa at MeijiRestoration.1. Panahon ng Shogunatong Tokugawa
Hindi sang-ayon ang Shogunato sa pagpasok ng mga misyonerong Kanluranin sa China.
Tinutulan nila ang maaaring maging epekto ng Kristiyanismo sa lipunan at kulturang Hapon.
 Nagpasa ng kautusan si Shogun Ieyasu na ipapatay ang mga misyonerong Español na nagmula pasa Pilipinas
Sakoku – pagsasara ng daungan at kalakalan sa mga Kanluranin
 Natapos din ang sakoku sa pamumuno ni Perry sa Kasunduang Kanagawa noong 1853.2. Meiji Restoration
Sa muling pagpasok ng mga Kanluranin sa Japan noong 1853, bumagsak ang pamahalaangShogunato at ito ay bumalik sa imperyalismo.
 Naluklok si Mutsuhito bilang emperador sa edad na 14.
 Naging positibo ang reaksyon sa Kristiyanismo at sumailalim ang bansa sa modernisasyon.
Iniangkop ng Japan ang impluwensyang Kanluranin sa lipunan at kulturang Hapon.
 Nagkaroon ng reorganisasyon ang pamahalaan batay sa 1889 Konstitusyon na ang modelo ay angSaligang Batas ng Germany.
Pinalakas ang hukbong militar at hukbong pandagat
Pinalakas ang mga institusyon ng pamahalaan
 Nag-imbita ng mga intelektwal at iskolar ang Japan mula sa mga Kanluraning bansa
 Nag-aral ang mga Hapones sa Europa
Pinayagan ang paglaganap ng Kristiyanismo at iba pang relihiyon
Modernisasyon at westernisasyon
Timog Asya
Mas nakilala ang mga Indians sa mapayapang paraan ng kanilang pagpapakita ng nasyonalismo sa Timog

Activity (98)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 hundred reads
1 thousand reads
Danica Balilla added this note
it was great!!
Marvin Sunga liked this
Arvie Bato liked this
Ruffa Mae Perido liked this
Imelda Vargas liked this
Gemz del Rosario liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->