Ikatlo ang kinakategoryang “ilegal,” yaong mga ordinaryong sibilyan, gamit ang chainsaw sa pagbuwalat pagtatabla ng kahoy. Nahahati sila sa may-ari ng kagamitan sa produksiyon at yaong walang pag-aarikundi lakas.Karaniwan na mataas na gitna at mayamang magsasaka ang may-ari ng
chainsaw;
may inuupahan silang
chainsaw operator
at katulong.Ang walang kagamitan ay ang dating mga maralita at mababa gitnang magsasaka, at ang mgamanggagawang bukid. Sila ang gumaganap na
chainsaw operator
at
helper
nito, at mga bogador, yaongnagbubuhat, naghihila, at naglalangoy ng mga tabla sa ilog. Kadalasan, nakautang na ang mga ito ng pagkainna babawiin sa gubat at ang iiwan para sa pamilya, bago pa sila umakyat sa bundok. Mura na nga ang bayadsa bawat
board feet
kapag “
illegal loggers
” ang nagbenta, lalo pang nababarat kapag naiutang na nila angibubuwal pa lamang na kahoy.Sila ang kumukuha ng yaman ng gubat.Marami nang nagpahinto sa pagtotroso, isa na ang simbahan ngIsabela; ang pinakamatagal at pursigido ay ang rebolusyonaryong kilusan. Pinahihinto nitong huli ang mgakorporado at di-korporadong pagtotroso sa mga lugar na may kakayahan itong pahintuin. Sa mgataumbaryo, matagal na itong nagbibigay ng mga pag-aaral sa ugat ng kahirapan at sa pangangalaga ngkalikasan kasabay ng pagpapatupad ng rebolusyong agraryo – ang pagpapababa ng upa sa lupa, kalabaw,makina, at interes sa usura, at pagpapataas ng presyo ng palay at mais. Para maengganyo ang mgamaralitang taumbaryo na magbungkal ng lupa.Samantala, kontrapelo ang AFP; masipag silang magbuwag ng mga tunay na organisasyon ngmagsasaka. Sa ganitong kalagayan, disbentahe ang paisa-isang magsasaka sa paglaban sa kahirapan.
Ang malaganap at malalang kahirapan sa kanayunan ang nagtutulak sa maraming tao na humanap ngikabubuhay sa gubat gayong napakamapanganib at mabigat ang gawaing magbagsak ng troso, magkarga sa balikat o ulo ng mga tabla, maglangoy nito sa mga diyablong ilog, maabutan ng bagyo at maubusan ngpagkain sa gubat. Doble pang mapanganib kapag “nabangga” sila ng mga Cafgu na nagsasagawa rinng
illegal logging
. Pero kahit anong hirap at pagbabawal, patuloy pa rin silang magtotroso dahil wala silangipapakain sa mga anak at sa sarili.Bakit ba isinumpa sa kahirapan ang kanayunan? Unang dahilan ang kawalan ng sariling lupa, angmalawakang pang-aagaw ng lupa ng magsasaka, at mataas na upa sa lupa.Sa silangan ng Cagayan Valley, kung saan naroon ang Sierra Madre, napagdadamutan ng gobyerno angmaraming magsasaka roon sa di pagkilala sa kanilang karapatan sa lupang magmula pa dekada ’50nabubungkal. Nang-aagaw ng lupa ang mga mapanlinlang na proyektong Integrated Social Forestry (ISF) atCommunity Based Forest Management (CBFM). Ayon sa mga nagsasabi ito’y walang karapatan ang mgamagsasaka sa lupang pinagyaman nila at maaari silang mapaalis doon ng gobyerno anumang oras.