Welcome to Scribd. Sign in or start your free trial to enjoy unlimited e-books, audiobooks & documents.Find out more
Download
Standard view
Full view
of .
Look up keyword
Like this
3Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Ang Pilipinas

Ang Pilipinas

Ratings: (0)|Views: 382|Likes:

More info:

Categories:Types, Research, History
Published by: Markhill Veran Tiosan on Jun 12, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

03/04/2012

pdf

text

original

 
Pilipinas
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kumakarga ang "mamamayang Filipino" dito. Para sa artikulo tungkol sa mamamayang Pilipino, tingnan ang 
Isangkapuluanang bansang
Pilipinas
(opisyal:
Republika ng Pilipinas
). Binubuo ang bansa ng higit-kumulang na pitong libo,isang daan at pitong (7,107) mga pulo.Matatagpuan ito sa rehiyongtropikalng daigdig sa may kanluran ngKaragatang Pasipiko.  Kabilang sa lupalop o kontinente ngAsya ang bansang Pilipinas. Matatagpuan sa pagitan ng 116° 40' at 126° 34' S. longhitud, at 4° 40' at 21° 10' H. latitud ang Pilipinas. Pinapalibutan itongDagat ng Pilipinas sa silangan, ng Dagat Luzónsa kanluran, at ngDagat ng Celebessa timog. Matatagpuan ang bansangIndonesiasa katimugang bahagi ng bansa habang matatagpuan ang bansangMalaysia sa timog-kanluran. Sa silangan matatagpuan ang bansangPalau at sa hilaga matatagpuan ang bansangTaiwan. Malaking impluwensiya sa wika at kultura ng Pilipinas ang naidulot ng pagsakop ng mgabansangEspanya(mula1565hanggang1898)at Estados Unidos(mula1898hanggang1946). Ang relihiyong Katoliko o Katolisismo ang pinakamalaking impluwensiyang naibahagi ng mga Kastila sa kulturang Pilipino. Tanyag ang Pilipinas sa mga kalakal at yaring pang-export at sa kanyang mga OFW o Overseas Filipino Workers. Kasalukuyangnakararanas ng pag-unlad ang bansa sa mga
remittances
na ipinapadala pauwi ng mga OFW. Isa sa mga pinakaumuunlad nasektor ang information technologysa ekonomiya ng Pilipinas. Marami ring mga dayuhan ang namumuhunan sa bansa dahil sa mataas na palitan ng dolyar at piso. Kasalukuyan ding umaangat ang sektor ng serbisyo na dulot ng mga
call centers
nanaglipana sa bansa.Katiwalian sa pamahalaan, polusyon, basura, kawalan ng trabaho, sobrang populasyon at
extra-judicial killings
o ilegal napagpatay sa mga taong bumabatikos o kumakalaban sa pamahalaan ang mga pangunahing problema ng Pilipinas. Nagdudulotdin ng problema sa bansa ang mga pangkat naMoro Islamic Liberation Front (MILF) sa katimugangMindanaoatBagong Hukbong Bayan.
Kasaysayan
Pangunahing lathalain: Kasaysayan ng Pilipinas
Ayon sa mga naitalang fossils ng tao sa bansa, maaaring dinayo na ng mga tao ang Pilipinas, ilang libong taon na ang nakalipas.Tumawid sa mga sinaunang tulay na lupa ang mgaNegrito o Ita, ang tinatayang kauna-unahang mga nanirahan sa Pilipinas. Sa
 
kalaunan, dumayo sila sa kagubatan ng mga isla. Sa kasalukuyan nang sumapit ang ikalawang milenyo, nanirahan din saPilipinas ang iba pang mga migrante mula saPeninsula ng Malay, kapuluan ng Indonesia,mga tagaIndotsina at Taiwan. Nanirahan sa bansa noong ika-walong siglo ang mga mangangalakal naTsino.Ang paglaganap ng mga bansang(kaharian) Budismo sa rehiyon ng Asya ang nagpasimuno ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa Indonesia, India, Hapon, at Timog-Silangang Asya. Subalit, humina ang mga kaharian sa Timog-Silangang Asya dahil sa mahigpit na kompetisyon at hindipagkakasundo. Samantala, ang paglaganap ngIslam sa pamamaraan ng komersyo at proselitismo, tulad ng Kristiyanismo, ang nagdala sa mga mangangalakal at misyonero sa rehiyon; ang mga Arabe ay dumating sa Mindanao noong ika-14 na siglo. Sapagdating ng mga unang Europeo, sa pangunguna niFernando Magallanes(Ferdinand Magellan) noong1521, mayroon nang mgarajah hanggang sa hilaga ngMaynila, na naging mga karugtungang-sangay ng mga kaharian ng Timog-silangang Asya. Subalit, pawang mga nagsasarili ang mga isla ng Pilipinas noon.Sinakop at inangkin ng mga Kastila ang mga pulo noong ika-16 na siglo at pinangalanan itong "Islas Filipinas" na isinunod kayHaringFelipe II. Kaagad na ipinakilala at pinalaganap angKatolisismosa pamamagitan ng mga misyonero, at pati na rin ang mga Batas ng Indias (
Laws of the Indies
) at iba pang alituntuning pampatupad. Matigas na pagsuway ang itinugon ng mga grupongkatutubo sa kabundukan pati na rin ng mga mapanlabang Moro na nagpapatuloy hanggang sa ngayon. Kabi-kabilang mgahimagsikan at karahasan ang lumaganap sa mga baybayin sa kabuuan ng tatlong siglong pananakop, bunga na rin ng pag-aabuso at kakulangan ng reporma. Pinamahalaan mula saNueva España (Bagong Espanya sa ngayon ayMehiko) ang bagong teritoryo at nagsimula ang kalakalan saGaleon ng Maynilasa pagitan ng Acapulco at Maynila noong ika-18 siglo o dantaon.Itinatag ni Gobernador José Basco y Vargas noong 1781ang Sociedad Económica de los Amigos del País (
Economic Society of Friends of the Country 
, "Samahang Pang-ekonomiya ng mga Kaibigan ng Bayan") at ginawang hiwalay ang bansa mula sa NuevaEspaña.Nagbukas ang ekonomiya ng bansa sa mundo noong ika-19 siglo.Ang pag-angat ng mga masigasig at makabayang burgis, binubuo ng mga edukadong katutubong Pilipino, mga Kastila at creole na ipinanganak sa Pilipinas, mga mestisong Espanyol atTsino, silang mga ilustrado ang nagpahiwatig ng pagtatapos ng kolonyalismong Kastila sa kapuluan. Naliwanagan saKilusangPropaganda na nagsiwalat sa kawalang-katarungan ng pamahalaang kolonyal, sama-samang sila sumigaw para sa kalayaan.Inaresto, nilitis, binigyang-sala, hinatulan ng kamatayan at binaril siJosé Rizal, ang pinakasikat na propagandista, noong 1896sa Bagumbayan [na ngayo'y Luneta] dahil sa mga akto umano ng pagpapabagsak ng pamahalaan. Naglaon at pumutokang Himagsikang Pilipino na pinangunahan ngKatipunan, isang lihim na rebolusyonaryong lipunan na itinatag niAndrés Bonifacioat napamunuan din niEmilio Aguinaldo.Halos tagumpay na napatalsik ng rebolusyon ang mga Kastila noong1898. Noong taong ding yon, magkadawit ang Espanya atEstados UnidossaDigmaang Kastila-Amerikano.Natalo ang Espanya at ipinasiya nilang ipasa ang kanilang mga kolonyang Pilipinas, Guam, Kuba, at Puerto Rico sa Estados Unidos. Binayaran namanng Estados Unidos ang Espanya ng 20 milyong dolyar para sa mga ito, gayong nakapag-deklara na ng kalayaan ang Pilipinas.Ang pagtanggi ng Pilipino sa panibagong pananakop, ngayon ng Amerikano, ang nagtulak saDigmaang Pilipino-Amerikano na natapos umano noong1901ngunit nagpatuloy hanggang1913. Sa wakas, ipinagkaloob noong 1946ang kalayaan pagkatapos ng maikling pananakop ng bansangHapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pagkatapos ng huling pagkatalo ng
 
bansangHaponnoong1945.Ang huling pagbabalik ng mga pwersang Pilipino at Amerikano mula sa Pagpapalaya sa Pilipinas mula Oktubre, 1944hanggang Setyembre,1945. Taon ng pagbawi at muling pagbangon pagkatapos ng giyera ang mga sumunod na taon, ng karahasan sa sibilyan dulotngdiktadurangFerdinand Marcosna napatalsik noong1986, at ng patuloy na suliraning dulot ng komunista at separatistang Moro.
Pulitika
 
Pambansang pamahalaan
Ang pamahalaan ng Pilipinas, na hinalintulad sa sistema ngEstados Unidos, ay natatag bilangRepublika ng mga Kinatawan.Ang kanyang Pangulo ay may tungkulin bilang pinuno ng estadoat pati ngpamahalaan. Siya rin ang namamahala ng Hukbong Sandatahan. Naluluklok ang Pangulo sa posisyon sa pamamagitan ng isang pangkalahatang halalan at manunungkulan siya saloob ng anim na taon. Siya ang may katungkulang maghirang ng mga kasapi at mamuno sa Gabinete. Ang Batasan ng Pilipinas ay nahahati sa dalawang Kapulungan, ang Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan. Ang mgamiyembro ng dalawang kamarang Kongreso,na binubuo ngSenado at ngKapulungan ng mga Kinatawan, ay hinahalal sa botong popular.Binubuo ang Mataas na Kapulungan o Senado ng 24 na Senador na naninilbihan sa loob ng 6 na taon. Tuwing 3 na taon, kalahating mga kasapi nito ay napapalitan sa pamamagitan ng pangkalahatang halalan at maaaring manungkulan ang isang Senador nang hanggang 3 sunud-sunod na termino.Samantala, ang Mababang Kapulungan o Kapulungan ng mga Kinatawan naman ay inihahalal ng mga botante ng isang distrito osektor at may terminong 3 taon. Maaari ring manilbihan ang isang Kinatawan ng hanggang 3 sunud-sunod na termino. Binubuoang Mababang Kapulungan ng hindi bababa sa 225 Kinatawan.Ang sangay Panghukuman ng pamahalaan ay pinamumunuan ng Katataastaasang Hukuman, ang Punong Mahistrado (
chief  justice
) ang lider nito at may 14 na Kasamang Mahistrado(
associate justices
), lahat hinihirang ng Pangulo at manunungkulanhanggang sa panahon ng kaniyang pagreretiro.Ang Pangulo, Pangalawang Pangulo at Punong Mahistrado ng Pilipinas ay mapatatalsik lamang sa kaniyang posisyon sapamamagitan ng isang prosesong pampulitika na kung tawagin ay
katulad ng nangyari sa Dating Pangulong JosephEjercito Estrada dahil sa pagkakasangkot sa Jueteng Scandal na nabunyag noong 2001. nagtagumpay ang Impeachment noonsapagkat kusang umalis sa Malacanyang si Estrada at ang pumalit ay ang Bise Presidente nitong si Gloria Macapagal- Arroyo.
Ugnayang panlabas

Activity (3)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 thousand reads
1 hundred reads

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->