You are on page 1of 7

distrungka

Pagdistrungka

sa

sarili

Ngayoy dinidistrungka ang di mapakaling sarili upang kahit minsay, muling sumariwa ang guniguni. Hindi dapat paulit-ulit ang takbo ng buhay, papataas nang papataas ang mithiing lantay. Nagsimula sa aking ulo ang pagdistrungka, ilong, bibig, tengat makasalanang mata. Isinunod ang katawang umiibig sa mundo, kamay, bisig, hitat paang marurumi ang kuko. Parang robot na pinaghiwa-hiwalay ang piyesa ng ekspertong mekaniko sa planta ng makina. Kasama ang apdo, atay bagat bitukang nag-aaklas sa aking buong katawang tinutungkab. Nakahiwalay ang pusong mapusok umibig at utak na lagit laging naghihimagsik. Pero buong-buo ang balisang diwa at rumaragasa ang pag-ibig na matalinghaga. Sa kabila ng paghihiwa-hiwalay ng buong katawan bakit buong-buo pa rin ang maselang kaakuhan?

Maraming sinasabi tungkol sa tula na ibat-iba, Pero kapag inihagkis ang parikalat haraya, Nagaganap ang pintig at pitlag ng mga ibinurdang salita. 13 Mayo 2003

ganyan talaga
Kapag ang problemay sa iba sinasabi, Ganyan talaga ang buhay pare. Pinagagaan ang ating pagdadala sa akala natiy masalimuot na problema. Humahaba ang usapan sa inuman maraming payot salitang ating nakakamtan. Para bang ang problemay madaling burahin gayong simbigat ng mundo ang ating dalahin. Gumagaan ang ating dala-dala dahil may mga taong nagbibigay-pag-asa. Ganyan talaga ang buhay natin parang ang pagsubok ay humahalik na hangin. Pero, mahalagang may kamay na nag-aabot upang ibangon tayo sa pagkakalugmok. Ang mahirap wala kang makausap upang ihinga ang suliraning umaantak. May kamay na nasa ating paligid naroroon sila upang tayoy itindig.

Mahalagang may dibdib na handang sandalan na maihihinga angking pagdaramdam. Dahil ang kinikimkim na kirot at sugat dapat umagos na alon sa kalakhan ng dagat. 12 Agosto 2004

Walang Pangalan
Halimbawang walang pangalan ang iyong ginagawang pagsulat ng tula. Wala ring pangalan ang pagiging manggagawang humahabi ng mga salita. Wala ring depinisyon at pangalan ang panghuhuli ng imahen, parikalat talinghaga. Ano ang isasagot pag nagtanong kung sino ka at ano ang iyong ginagawa? Marahil sasagot ka, Wala lang. 23 Agosto 2004

You might also like