You are on page 1of 3

Ipinasa ni: Rosita S. Ignacio Ipinasa kay: Bb.

Corazon Cruz

Pamagat: Kahalagahan ng Wika para sa akin

Sadya nga namang napakahalaga ng wika. Kung inyong iisipin, ito ay nagbubuklod sa bawat tao hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa karatig nating bansa. Simula pa man nung akoy isinilang at nagkamalay sa mundong ito, may mga simpleng salita na akong nasasabi o nabibigkas ng aking mga labi tulad ng ma, pa, ate, kuya, lolo at lola. Maaaring nasabi ko ang mga maiikli at simpleng salitang ito dahil sa mga naririnig ko sa aking kapaligiran. Nung bata pa ako, may mga naririnig din akong mga salitang hindi ko alam ang ibig sabihin ngunit nararamdaman ko ang emosyong nakabalot sa mga salitang iyon. Kung tutuusin, napakaswerteng nilalang tayo ng diyos kumpara sa halaman at hayop sapagkat ipinagkaloob niya sa atin ang kakayahang makapagsalita na maiintindihan ng karamihan. Alam nating lahat na ang wika ay ginagamit natin sa pakikipagtalastasan at sa pamamagitan nito, maipaparating o maipapahayag natin ang ating saloobin, kaisipan at kung ano man ang gustong ipahiwatig ng ating kapwa. Kung wala ito, paano magkakaintindihan at magkakaunawaan ang bawat isa sa atin? Tanging ang wika lamang ang susi upang maging madali ang ating komunikasyon hindi lamang sa ating mga kababayan kundi sa ibang bansa din. Habang pinag-aaralan ko ang ating sariling wika simula nung akoy pumasok sa eskwela hanggang sa kasalukuyan, natutunan kong mahalin, pangalagaan at pagyamanin ang Wikang Filipino. Bakit nga naman hindi ko pagbubutihing matutunan ang wikang sariling atin kung ang iba ngay nagpapakadalubhasang matuto upang maging makata at makagawa ng mga kapuri-

puring sulatin dahil ipinagmamalaki nila ng lubos ang sarili nilang wika. Pinag-aaralan ang wika hindi lang dahil ito ang kinagisnan natin kundi dahil ito rin ang nagsisilbing tulay upang magkabuklod-buklod ang damdamin at diwa ng buong sambayanan. Tunay ngang napakahalaga ng wika dahil kahit na balibaliktarin mo pa ang mundo at kung san ka man mapadpad o hipan ng tadhana, ang wikang kinagisnan mo ay hindi mo malilimutan kahit kailan maliban na lamang kung babalewalain at ikahihiya mo ito. Sabi nga ni Dr. Jose Rizal, Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda. Ito ay makabuluhang salawikain noon pa man sapagkat tumutukoy ito sa mga taong nagpapainfluwensya sa mga wikang banyaga. Daig pa nila ang kung ano mang kapangitan sa mundo dahil ang ikinahihiya nilang wika ay ang sarili din nilang pinanggalingan. Sa madaling salita, walang sariling pagkakakilanlan ang mga taong ito. Sa wika tayo nagkaroon ng pagkakakilanlan sapagkat ang ibay may punto at ang pagkakaintindi natin sa salitang binibigkas natin ay maaaring iba ang kahulugan sa kanilang lugar kaya ang tanging paalala ko lang bago tayo pumunta sa ibang lugar ay alamin muna natin ang kanilang wika bilang respeto narin at upang maging maliwanag ang pag-uusap. Sa kasalukuyan, ang Wikang Filipino ay mahalaga dahil nagpapatunay ito na mayroon tayong sariling wikang naipagmamalaki. Ang kailangan lang natin ay protektahan, tangkilikin, ipagtanggol, mahalin, at higit sa lahat ay huwag nating ikahihiya ang ating sariling wika sapagkat alam naman natin na may mga bayaning nagbuhos ng kanilang panahon para lamang magkaroon tayo ng wikang pansarili at maibuklod ang ating bansa sa iba upang hindi ito mapasama sa mga bansang walang sariling wika at sa nakikigamit lang ng wikang banyaga.

You might also like