Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
22Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Si José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda

Si José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda

Ratings: (0)|Views: 5,326 |Likes:
interesting
interesting

More info:

Published by: Markhill Veran Tiosan on Jun 28, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

07/24/2014

pdf

text

original

 
Si José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda
Pagsilang ng Pambansang Bayani
Si Dr. Jose Rizal ay katangi-tanging halimbawa ng isang henyo ng maraming larangan na naging pinakadakilang bayani ng isang nasyon.Biniyayaan ng diyos ng maraming talino, maihahanay siya sa ibang henyo sa buong daigdig. Siya ay isang doctor (siruhano sa mata), makata,mandudulan mananalaysay, manunulat, arkitekto, pintor, eskultor, edukador, lingwista, musiko, naturalista, ethnolohista, agremensor, inhinyero,magsasakang negosyante, ekonomista, heograpo, kartograpo, pilolohista, folkorista, pilosopo, tagasalin, imbentor, mahikero, humorista, satirista,polemista, manlalaro, manlalakbay, at propeta. Higit sa lahat, siya ay isang bayani at politokong martir na naglaan ng kanyang buhay para sakatubusan ng mga inaaping kababayan . Hindi kataka-takang siya ay itinanghal na Pambansang Bayani.Si Jose Rizal ay isinilang sa gabing maliwanag ang buwan, Miyerkules, Hunyo 1861, sa baybaying bayan ng Calamba, Laguna, Pilipinas. Muntik nangmamatay ang kanyang ina sa panganganak dahil malaki ang kanyang ulo. Gaya ng isinalaysay niya kinalaunan:"Isinilang ako sa Calamba noong Hunyo19,1861, sa pagitan ng ika-11 at hatinggabi, ilang araw bago ang kabilugan ng buwan. Miyerkules noon at ang pagdating ko sa lambak naito ng luhaay muntik nang ikamatay ng aking ina, mabuti na lamang at namanata siya sa Birhen ng Antipolo, sinabi niyang isasama ako sa peregrinasyon."Bininyagan siya sa Simbahang Katoliko ng kanyang bayan noong Hunyo 22, edad tatlong araw, ng kura paroko, Si Padre Rufino Collantes, na isangBatangueno. Ang kanyang ninong ay si Padre Pedro Casanas, taga – Calamba at kaibigang matalik ng mag-anak na Rizal. Ang ngalang "JOSE" ay piniling kanyang ina sa deboto kay San Jose.Nang bininyagan siya, pinuna ni Padre Collantes ang malaking ulo ng sanggol, at sinabi sa mga miyembro ng pamilyang naroon: "Alagaan ninyo angbatang ito, balang araw ay magiging dakila siya." Nagkatotoo ang sinabi niya, gaya ng matutunghayang pangyayari sa hinaharap.
 
Mga Magulang ni Rizal
Isinilang si Jose Rizal noong ika-l9 ng Hunyo, 1861. Isinilang siya sa Calamba. Ang Calamba ay nasa lalawigan ng Laguna. Si Jose Rizal ang ika-pito salabing –isang anak nina Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonso Realonda. Ang Ama ng bayani, si Francisco (1818-1898) ay isinilang sa Binan,Laguna, noong Mayo 11,1818. Nag-aral siya ng Latin at Pilosopiya sa Kolehiyo ng San Jose sa Maynila. Noong bata pa, pagkaraan mamatay ng mgamagulang, lumipat siya sa Calamba at naging kasamang magsasaka sa asyendang pag-aari ng mga Dominiko. Masipag siya, bihirang magsalita, ngunitmas maraming nagagawa, malakas ang pangangatawan, at maayos ang pag-iisip. Namatay siya sa Maynila noong Enero 5,1898 sa edad na 80. Sa talang kanyang buhay, tinawag ni Rizal ang kanyang ama na "Huwarang Ama".Si Donya Teodora (1826-1911), ang ina ng bayani, ay isinilang sa Maynila noong Nobyembre 8,1826, at nakapag-aral sa Kolehiyo ng SantaRosa, isang kilalang kolehiyo para sa kababaihan sa lungsod. Kahanga-hanga siyang babae, mabini kung kumilos, may talino sa panitikan, negosyo, atkatatagan ng isang babaing Sparta. Masuyo siyang inilarawan ni Rizal: "Ang aking Nanay at katangi-tangi; maalam siya sa panitikan at mnahusay magEspanyol kaysa akin. Siya ang nagwawasto ng aking mga tula at binibigyan niya ako ng magagandang payo nang nag-aaral ako ng retorika. Siya aymahusay sa matematika at maraming aklat na nabasa. Namatay si Donya Teodora sa Maynila noong Agosto 16,1911 sa edad na 85.
Ang mga Batang Rizal
Biniyayaan ng Diyos ang mag-asawang Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonso Realonda ng labinng-isang anak – dalawang lalaki at siyamna babae. Sila ang mga anak :Saturnina (1850 – 1913) – panganay sa magkakapatid na Rizal, ang palayaw niya’y Neneng; ikinasal siya kay Manuel T. Hidalgo ng Tanawan,Batangas.Paciano (1851-1930) – nakatatandang kapatid na lalaki at katapatang-loob ni Jose Rizal; pagkaraang bitayin ang nakababatang kapatid, sumapi siyasa Rebolusyong Pilipino at nahing Heneral; pagkaraan ng Rebolusyon nagretiro siya sa kanyang bukid sa Los Banos , kung saan siya ay nagingmagsasaka at namatay noong Abril 30,1930, isang matandang binata sa edad na 79. May dalawa siyang anak sa kanyang kinakasama (SeverinaDecena ) – isang lalaki at isang babae.Narcisa (1852-1939) – palayaw niya ay Sisa at ikinasal siya kay Antonio Lopez (pamangkin ni Padre Leoncio Lopez), isang guro sa Morong.Olimpia (1855-1887) – palayaw niya at Ypia; ikinasal kay Silvestre Ubaldo, isang operator ng telegrapo mula Maynila.Lucia (1857- 1919) – ikinasal siya kay Mariano Herbosa ng Calamba , na pamangkin ni Padre Casanas. Namatay sa Kolera si Herbosa noong 1889 atitinanggi sa kanya ang isang Kristiyanong libing dahil bayaw siya ni Dr. Rizal.Maria (1859-1945) – Biang ang kanyang palayaw; ikinasal siya kay Daniel Faustino Cruz ng Binan, Laguna.JOSE (1861-1896) – ang pinakadakilang bayaning Pilipino at henyo; ang kanyang palayaw ay Pepe; habang desterado sa Dapitan, nakisama siya kayJosephine Bracken, isang Irlandes mula Hongkong; nagkaanak siya rito ng lalaki ngunit ngunit ilang oras lamang nabuhay ang sanggolpagkapanganak; pinangalanan siyang "FRANCISCO’ ni Rizal, sunod sa ngalan ng Ama, at inilibing siya sa Dapitan.Concepcion (1862-1865) – ang kanyang palayaw ay Concha; namatay siya sa sakit sa edad na 3; ang kanyang pagkamatay ay unang kalungkutannaranasan ni Rizal.Josefa (1865-1945) – ang kanyang palayaw ay Panggoy; namatay siyang matandang dalaga sa edad na 80.
 
Trinidad (1868-1951) – Trining ang kanyang palayaw; namatay rin siyang isang matandang dalaga noon 1951 sa edad na 83.Soledad (1870-1929) – bunso sa magkakapatid na Rizal; ang kanyang palayaw ay Choleng; ikinasal siya kay Pantaleon Quintero ng Calamba.
Mga Alaala ng Kabataan
Ang unang alaala ni Rizal, sa kanyang kamusmusan, ay ang masasayang araw niya sa hardin ng kanilang tahanan nang siya ay tatlong taonggulang. Dahil siya ay masakitin at maliit na bata, siya ang alagang-alaga ng kanyang mga magulang. Ipinagpatayo siya ng kanyang ama sa kanilanghardin ng maliit na bahay kubo na mapaglalaruan niya sa araw. Isang mabuti at matandang babae ang inupahan para maging yaya niya. Minsan,kapag naiiwan siyang mag-isa, naglalaro siyang mag-isa o kaya’y pinagmumunimunihan niya ang kagandahan ng kalikasan, Naisulat niya sa kanyangtalaarawan na noong tatlong taong gulang siya, pinanonood niya sa kanyang bahay kubo ang paglalaro ng mga ibong kilyawan, maya, maria kapra,martines, at pipit, pinakikinggan nang "buong paghanga" ang matimyas na huni ng mga ibon.Isa pang magandang alaala ni Rizal ay ang araw-araw na pagdarasal nila tuwing Orasyon. Pagdumilim na, kuwento ni Rizal, tinipon ng kanyang ina angmga anak para makapagdasal na sa Orasyon. Naalala niya ang pagrorosaryo ng pamilya sa mga gabing iniilawan ng mabilog na buwan ang kanilangazotea. Pagkatapos ng rosaryo, nagkukuwento ang yaya sa mga batang Rizal (kasama si Jose) ng mga kuwento tungkol sa engkantada, kuwento ngmga nabaong yaman at punong namumunga ng brilyante, at iba pang kuwento ng kababalaghan. Ang mga malikhaing kuwentong ito ang pumukaw sainteres ni Rizal sa mga alamat at kuwentong bayan. May mga gabing ayaw kumain ng hapunan ni Rizal kaya tinatakot siya ng kanyang yaya sa mgaaswang, nuno sa punso, tikbalang, at balbas-saradong Bombay na kukuha sa kanya kung hindi siya maghahapunan.Isa pang alaala niya’y ang paglalakad sa bayan, lalo na kapag maliwanag ang gabi. Kapag kabilugan ng buwan, isinasama siya ng kanyang yaya samay ilog, kung saan nakatatakot na imahen ang inihuhubog ng mga anino ng puno rito. Sabi ni Rizal: "Dahil ang aking puso ay maraming malulungkotna kaisipan kahit pa musmos ako, natuto akong lumipad sa mga bagwis ng pantasiya sa matataas na rehiyon ng kababalaghan."
Ang Unang Kalungkutan ng Bayani
Malapit sa isa’t isa ang magkakapatid na Rizal. Tinuruan sila ng kanilang magulang kung paano magmahalan at magtulungan.Sa mga kapatid na babae, pinakamamahal ni Rizal si Concha (Concepcion). Isang taon ang tanda niya kay Concha. Siya ang kala-kalaro ni Concha atmula sa kapatid ay natutunan niya ang pagmamahal. Ngunit sa kasamaang-palad, namatay si Concha, sanhi ng sakit noong 1865 nang siya at tatlongtaong gulang. Si Jose, na tunay na natutuwa sa kapatid ay labis na nalungkot sa pagkamatay nito. "Nang ako ay apat na taong gulang",sabi niya,"namatay ang aking nakababatang kapatid na si Concha, at iyon ang unang pagkakataong lumuha ako dahil sa lungkot at pagmamahal…" Angpagkamatay ni Concha ang unang kalungkutan niya.
Peregrinasyon sa Antipolo
Noong Hunyo 6, 1868, nagtungo si Jose at kanyang ama sa Antipolo para sa kanilang Peregrinasyon na ipinanata ni Donya Teodora nangisilang si Jose. Hindi nakasama si Donya Teodora dahil kasisilang pa lang niya noon kay Trinidad.Ito ang unang pagtawid ni Jose sa Lawa ng Laguna at unang Peregrinasyon sa Antipolo. Siya’t kanyang ama ay sumakay sa isang kasko. Tulad ngibang bata, tuwang-tuwa si Rizal sa una niyang paglalakbay. Hindi siya nakatulog ng buong gabi habang tinatawid ng kasko ang ilog Pasig dahiltotoong namangha siya sa "kagandahan ng lawa at katahimikan ng gabi’.Pagkaraang magdasal sa dambana ng Birhen ng Antipolo, nagtungo si Jose at kanyang ama sa Maynila. Ito ang unang pagpunta ni Jose sa Maynila.Dinalaw nila si Saturnina, na noo’y nangangaserang estudyante sa Kolehiyo ng Concordia sa Santa Ana.
Ang Kwento ng Gamugamo
Tinuruan si Jose ni Donya Teodora na bumasa sa wikang Kastila. Isang gabi binigyan niya si Jose ng isang aklat, EL AMIGO DE LOS NINOS.Sa Tagalog ang ibig sabihin nito ay "ANG KAIBIGAN NG MGA BATA".Heto ang isang aklat, Jose ang sabi ng Nanay niya. Tignan mo kung mababasa mo ito. Tinignan ni Jose Kung mababasa niya ang aklat sa kastila,ngunit hindi niy ito mabasa. Kinuha ng Nanay niya ang aklat at ito ang sinabi niya. " Ah, hindi ka pa makababasa sa wikang Kastila. Makinig ka atbabasahin ko ito para sa iyo." Nang buksan niya ang aklat, nakita niyang maraming drowing ang mga pahina nito."Sino ang may gawa ng mga nakakatawang mga larawan ito? Ang tanong niya. :Ako po, Nanay". "Ah ! pilyo kang bata. Mula ngayon huwag mongguguhitan ng kung anu-anong mga larawan ang mga pahina ng alinmang aklat?".Matapos mapagalitan si Jose nagsimula na siyang magbasa sa liwanag ng ilawang langis. Sa simula, nakikinig si Jose sa kanyang pagbabasa. Hindinaglaon nawalan na siya ng kawilihan. Hindi niya maunawaan ang binabasa ng Nanay niya. Natawag ang pansin niya sa ningas ng ilawang langis.Napansin ni Donya Teodora na hindi nakikinig si Jose sa kanyang binasa. Isinara niya ang aklat. "Makinig ka sa akin, Jose," ang sabi niya. "Mayikukuwento ako sa iyo." "Nakikinig po ako, Nanay." Sinimulan basahin ng Nanay ang kuwento ng "Batang Gamugamo". Binasa niya ang kuwento sawikang kastila. Pagkatapos, ikinuwento niya ito kay Jose sa Tagalog para maunawaan ito ng bata.Pagkatapos ng kuwento ni Donya Teodor, tinanong niya si Jose. " Alam mo ba ang nangyari sa munting gamugamong hindi sumunod sa kanyang ina?Ang mga batang hindi sumusunod sa kanilang mga magulang ay makakatulad din ng batang gamugamo. Hindi naniwala si Jose sa paalaala ng Nanayniya, para sa kanya , maganda ang ningas ng ilaw. Ang ningas na iyon ay kumakatawan sa isang mithiin sa buhay. Isang karangalan para kanino
 
mang tao ang mamatay para sa kanyang mithiin katulad ng munting gamugamo. At gaya ng batang gamugamo siya ay nakatakdang mamatay namartir para sa isang dakilang mithiin.
Mga Talinong Pansining
Mula pagkabata, naipakita na ni Rizal ang mga talino niya sa sining na biyaya sa kanya ng Diyos. Sa edad na 5, gumuguhit na siya sa tulong ngkanyang lapis, humuhubog ng magagandang bagay sa luwad o wax.Sinasabing isang araw, nang si Jose ay bata pa, ang bandilang panrelihiyong ginagamit tuwing pista ng Calamba at lagi na lamang nadudumihan.Bilang tugon sa kahilingan ng alkalde, pininturahan ni Rizal ang bagong bandila ng mga kulay de-langis. Tuwang-tuwa ang taumbayan dahil masmaganda ito kaysa orihinal.Nasa kaluluwa ni Rizal ang pagiging tunay na artista. Sa halip na maging di-palaimik na bata, may payat at may malulungkot na mata, nakatagpo siyang ligaya sa pamumukadkad ng bulaklak, pagkahinog ng mga prutas, pagsasayaw ng alon sa lawa, at mala gatas na ulap sa kalangitan, at pakikinig saawitan ng mga ibon, hunihan ng mga kuliglig at bulungan ng hangin. Gustong-gusto niyang sasakyan ang kabayong binili para sa kanya ng kanyangama na tinawag niyang ALIPATO,at maglakad sa kaparangan at tabing-lawa, kasama ang kanyang itim na asong nagngangalang USMAN.Isang interesanteng kuwento tungkol kay Rizal ay ang insidente tungkol sa kanyang eskulturang luwad. Isang araw nang siya ay anim na taonggulang, pinagtatawanan siya ng mga kapatid dahil mas mahabang oras pa ang inilalaan niya sa eskultura kaysa paglalaro. Hindi siya kumikibo habangnagtatawanan ang mga kapatid. Ngunit nang papalayo na ang mga kapatid, sinabi niya: " Sige pagtawanan ninyo akon nang pagtawanan ngayon!Balang araw, kapag patay na ako, ang taumbayan pa ang gagawa ng mga monumento para sa akin.Unang Tula ni Rizal. Sa edad 8, isunulat ni Rizal ang una niyang tula ng isinulat sa katutubong wika at pinamagatang "SA AKING MGA KABATA".Sa tulang ito, ipinakita ni Rizal ang pagiging makabayan. Sa mga makabayang berso, ipinahayag niya na ang taumbayan na tunay na nagmamahal sasariling wika ang siyang makikipaglaban para sa kalayaan tulad ng "ibong lumilipad nang pagkataas-taas para sa mas malawak na liliparan", at angTagalog nga ay wikang maitatapat sa Latin, Ingles, Espanyol at iba pang wika.
.
Unang Drama ni Rizal
Pagkatapos maisulat ang tulang "SA AKING MGA KABATA", isinulat ni Rizal na noo’y walong taong gulang, ang una niyang dula na isangkomedyang Tagalog. Sinasabing itinanghal ito sa isang pista sa Calamba at kinaluguran ng mga manonood.Isang Gobernadorcillo mula Paete, isang bayan sa Laguna na kilala sa lansones at mga lilok na kahoy, ang nakapanood ng komedya. Nagustuhan niyaito at binili ang manuskrito sa halagang dalawang piso. Itinanghal ito sa isang Pista sa Calamba at kinaluguran ng mga manonood.
Si Rizal Bilang Batang Salamangkero
Mula pagbibinata, naging interesado si Rizal sa mahika. Sa bilis ng kanyang mga kamay, marami siyang natutunan na mahika, gaya ngpagpapawala at muling pagbabalik sa isang barya o panyolito. Inaaliw niya ang mga kababayan sa eksibisyon ng mahiwagang lampara. Binubuo ito ngisang ordinaryong lampara na nagbibigay ng anino sa puting-tabing. Pinagagalaw niya ang mga daliri, gumagawa ng mga aninong kaanyo ng hayop attao. Naging mahusay din siya sa pagpapakilos ng mga papet.
Mga Pagmumuni-muni sa Tabing Lawa
Kapag magdadapithapon tuwing tag-araw, nagpupunta si Rizal, kasama ang kanyang alagang aso sa tabi ng Lawa ng Laguna paramapagwari-wari ang kalagayan ng inaaping kababayan. Kinalaunan, ikinuwento niya ang mga ito:Maraming oras ko noong aking kabataan ang inilagi ko sa tabi ng lawa, Lawa ng Laguna. Pinag-iisipan ko kung anong mga bagay ang nasa hinaharap.Napapanaginipan ko ang lugar sa kabila ng mga alon. Halos araw-araw, sa aming bayan, nakikita namin ang Tenyente ng Guardias Civiles nanamamalo at nananakit ng mga di-armado at walang kasalanang taumbayan. Ang tanging kasalanan ng aking kababayan ay ang di pagtatanggal ngkanyang sumbrero at yumukod. Hindi rin maganda ang pagtrato ng alkalde sa mahihirap kong kababayan.Wala akong nakitang pumipigil sa mga kalupitang ito. Mga gawaing marahas at iba pang pang-aabuso na araw-araw na ginagawa…tinanong ko angaking sarili kung sa lupain sa kabila ng lawa’y ganito rin ang nararanasan ng mga naninirahan doon. Naisip ko kung doon ay pinahihirapan atpinagpapapalo ang isang taumbayan dahil lamang sa mga suspets: Iginagalang ba doon ang tahanan? O sa dako ring yao’y may kapayapaan kapalitng suhol sa mga tirano.Kahit bata pa, ikinalulungkot na niya ang aping kalagayan ng kanyang pinakamamahal na bayan. Ginising ng mga kalupitan ng mga Espanyol angmura niyang puso kaya nagkaroon itong determinasyon para labanan ang tirano. Nang maging binata, isinulat niya sa kaibigang si Mariano Ponce:Dahil sa mga walang katarungan at kalupitan, kahit na bata pa, ang aking imahinasyon ay ginising, at isinumpa kong balang araw ay maipaghihigantiko ang maraming biktima. Ito ang nasasa isip, nag-aral ako, at ito ay makikita ngayon sa lahat ng naisulat ko. Balang araw ay bibigyan ako ng Diyosng pagkakataon para maisakatuparan ko ang aking pangako.
Mga Impluwensya sa Kabataan ng Bayani
Noong gabing isinilang si Jose Rizal, may ibang bata ang isinilang sa Calamba at maraming ibang bata ang isinilang sa ibat-ibang bahagi ngPilipinas. Ngunit bakit sa mga batang ito, isang batang lalaki lamang

Activity (22)

You've already reviewed this. Edit your review.
Kathy Ayeng liked this
1 thousand reads
1 hundred reads
Carlo Revilla liked this
Joshuacute Lasin added this note
grabe ang haba naman
Markhill Veran Tiosan added this note
mahaba talaga
Jessie Madrinian added this note
ang haba ....
Allyson Juan liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->