You are on page 1of 88

KM64

Please Fasten Your Seatbelts


9/04

Please Fasten Your Seatbelts

Setyembre
Nagsimula na ang mga buwang may bre sa dulo, at panahon na ng paghihintay sa Pasko. At upang patunayan ito, sa sentrong komersiyal sa Cubao ay sinimulan nang ikabit ang mga ilaw-pamasko sa mga puno. Ngunit bago natin tuluyang namnamin ang paglapit ng Kapaskuhan, pagnilayan na muna natin ang kahulugan ng buwang Setyembre sa ating kasaysayan. Buwan ng mga bagyo sa Pilipinas ang Setyembre sa napakaraming pagpapakahulugan sa salitang bagyo. Setyembre 11, 1917 isinilang si Ferdinand E. Marcos, na naging pangulo ng Pilipinas noong 1965, muling nahalal noong 1969; at sa pagsapit ng Setyembre 21, 1972 ay magdedeklara ng batas militar at mananatiling pangulo sa loob ng 14 pang taon. Sa loob ng 14 na taon ng batas militar, milyun-milyon sa mga kababayan natin ang nagutom, nawalan ng kabuhayan, dinahas, at pinaslang dahil sa kanilang paninindigan para sa higit na mabubuting kalagayan. Sa loob ng mahabang panahon ay tinangkilik ng Estados Unidos si Marcos habang nagaganap ito, hanggang sa ang poot ng mga mamamayay umabot sa isang antas na hindi na nila ito kayang harapin pa. Samantala, ang Setyembre ay buwan din ng pagsilang o pagpanaw ng ilan sa mga dakilang tao sa ating kasaysayan. Nariyan si Amado V. Hernandez, manunulat ng sambayanan, isinilang noong Setyembre 13, 1903. Nariyan si Macario Sakay, nagtatag ng Republikang Tagalog sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano at nagpatuloy ng pakikibakang anti-imperyalista matapos na sumuko ang nooy Pangulong Emilio Aguinaldo; binitay noong Setyembre 13, 1907. Nariyan din si Renato Constantino, makabayang intelektuwal, yumao sa gulang na 80 noong Setyembre 15, 1999. Si Leandro Alejandro, lider-aktibista, ay pinaslang ng hanggang ngayoy di-

kilalang mga salarin noong Setyembre 19, 1987. Si Gabriela Silang, kababaihang lumahok at namuno sa pag-aalsa ng Ilokandia laban sa kolonyalismong Kastila, ay binitay ng mga kaaway noong Setyembre 20, 1763. Silang lahatsina Hernandez, Sakay, Constantino, Alejandro, at Silangay dumanas ng panggigipit ng estado dahil sa kanilang pakikipaglaban alang-alang sa isang uring buhay na nararapat sa tao. Silay pawang dumaan sa mauunos na kalagayang karaniwan nang sumasagi sa isip kapag nababanggit ang buwang Setyembre. Setyembre 16, 1991 naman nang mapatalsik ng sambayanang Pilipino ang mga base militar ng Estados Unidos, mga paglabag sa soberanya ng bansa dahil hadlang sa paghawak sa isang independiyenteng pusisyon sa mga pandaigdigang usapin. Masalimuot ang pinagdaanan nito at ang naging tagumpay na ito ay halos naibaligtad ng ilang bagyo noong 1999 (Visiting Forces Agreement) at 2002 (Balikatan at Mutual Logistics Support Agreement). Mabuti na nga lamang at dahil sa tuluytuloy na pagtutol ng mga makabayang mamamayan ay di nila tuluyang naibalik ang Clark Air Base at Subic Naval Base; ni hindi sila makaporma nang maayos sa Mindanao kung saan isinasagawa ang kanilang military exercises. A, ang buwang Setyembre sa atin ay buwan ng mga taong nakitalad, at dumaan sa mga pagsubok, para sa sambayanan; at buwan ng mga pagsubok sa sambayanan mismo. Buwan din ito ng pagdaig sa mahahabang pagsubok. Kapag dumarating ang buwang Setyembre, waring sumasagi sa ating utak ang larawan ng isang eroplanong nasa isang masalimuot na panig ng kalawakan. Walang katiyakan kung ano ang kahahantungan, kayat kailangang ikabit ang seatbelt para makatiyak humigitkumulang sa kaligtasan. Ang eroplano ay ang ating bayan, at ang masalimuot na bahagi ng kalawakan ay ang sumasagisag sa papel ng Setyembre sa ating kasaysayan.

Lumabas man tayo sa partikularidad ng Setyembre sa Pilipinas ay wala pa ring gaanong ipagkakaiba. Sa malaki-laking bahagi ng daigdig, ang Setyembrey siyang huling buwan bago ang taglagas, kayat nagbabadya na ng kalungkutan. Heto ang mga hain naming tula ngayong buwan: mga tula ng pakikibaka para sa bayan at para sa mga karapatan ng tao, mga tula ng pagtalunton sa mga salimuot ng buhay. Alexander Martin Remollino Setyembre 2004, Manila

Naligaw sa Pagtingin
(para sa mga geographical idiot)

Titigan sa matat malayong tanaw ang tagpuan. Nang magkita, ang malabo dati, naging malinaw di na kinailangan anumang salamin sa paningin nakakapit akot iniakay mo sa byaheng haling. Naging liwanag ka sa dilim ng aking panimdim, ngunit paumanhin, sadyang di pantay ating mga paa at kaya mo pang lakbayin ilang libong milya. Pero wag mag-alala, tangan ko iyong paalala, kung napapagod, dapat lang magpahinga. Sa pagbuwelo ko ngayon, pinaaabot itong pasalamat sa iginuhit na mapa na detalyado mong inilatag. Ay! Kaya ko nang tahakin pinakamalayong landasin o kayay isalarawan pinakamagandang tanawin. May kalituhan man sa pagitan ng damdamin at tunguhin natuto na akong hindi maligaw sa pagtingin.

Mary Jane Alejo


7

Karerang Patawa o Bukas na Liham II


Walang puknat ang pagtayat paghahanap sa jackpot. Ini-imagine kang baul ng kayamanan sa ilalim ng dagat O di kayay prutas sa gubat na langit ang sarap. Naitatanong tuloy minsan sa sarili, Kung rebolusyonaryo kay wala ba talagang imposible? Ngayon akoy madalas pinagkakaitan ng oras O kung di may hinahamon ng habulang pakaskas. Etong kalaban na matulin hinuhubog akong maging sprint queen Na may pagkutyat pagtantyang mahuhulog ako sa bangin. Habang pinapag-isip ako ng tagal at bilis ng panahon, Wala pa ring kapaguran ang mga rebolusyon. Mamamangha, magugulumihan, sa bandang huliy matatauhan Pero, wala nga bang panganib kung akin lamang susubukan? Samantala, nananatili kang jackpot na di pa rin nakokopo. Ang baul ng kayamanay ilusyon na lang na nakakabobo, At yaong prutas namay pinagdudahan nang may lason ng panlasa ko. Kung kaya, dumadalas ang pagsampal ko sa aking sarili, Pag sobrang pahinga, hiningay malalagot rin bandang huli. Hanggat kaya ng katawan, tiyaking manalo sa karerahanPagkat walang ibang premyo kundi ang katotohanan. P.S. Kung patawa nga ito, hindi rin ibig sabihing Walang lungkot o galit at ibang katulad na damdamin. Dahil ang totoo at tunay ay laging may bahid ng piniling kulay.

Araw ng Pagkakaibigan at Walang Tigil ang Ulan


Sa kalsada patungong embahada ng Amerika, basang-basa ang mga kasama sa maghapong martsa. Nilulukuban ng dilim ang buong eksena: pagod sa mukha ni Mang Iskoy di maitago, inip ang lahat sa pagtila ng ulan na ayaw sumuko, ang kalam naman ng tyan ni Ann ay nakikipagkoro sa ngitngit ng mga awit na hinihiyaw ng buong bulto. Ganyan makipag-ugnayan ang mga bastardo ng lansangan nagkukumustahan habang pinakikiramdaman ang pangambang dulot malamang ng masamang lagay ng panahon mas malala kasi ang sitwasyon ng krisis ngayon. Habang sinasagot ang tanong ng mga miron, may payasong nagtanong sa kaibigang pikon: Hindi ba kahit sa laro ng digmaan, kailangang maging isport at walang gulangan? E sa kasaysayan, dinenggoy mo na kamit dinamay walang malay na sampung taong gulang?! Sumabay sa bugso ng bagyo ang damdamin at patak ng luha ni Juan ang payasong marunong din umiyak sa alaalang mapanlinlang. At di pang-asar lang ang kaya niyang ipamalas, may pasabog rin siyang galit na tatapat sa dahas! Dagundong ng palakpakan suporta nina Mang Iskot Ann kasama ang buong bulto, kakapit-bisig ang payasong Juan. Mga kaibigang may pag-ibig mas marami ang nakakabig; Lumulusong sa bahat pinupunit ang dilim ng nagkukunwang langit.

Absolute
for A, in reply to your poem

I may have endless questions to reckon or confront: How much harm is there in trying Why are the reasons for sadness Overwhelm those of joy What possibilities are there For the impossible Is being artificial, natural How natural is all material How material is the spiritual The endeavor for answers may be worth the while But the experiences necessary still lacking Brain cells for understanding still processing Moments of satisfaction come and go Confusion intrudes in periods of lucidity Transforming emptiness as pest Pests devour away emotions Emotions linger like ghosts longing For space in purgatory That never was Because mankind is of creatures relating in varied forms Physical, geographical, mental, emotional, spiritual dimensions Moving from cyclical to spiral journey Existing in discordant harmony With an offbeat rhythm And conductors are lines drawn Between stages, strata, levels, classes And differences And if what makes us different Brings us Closer To change Farther from stagnation Living in common I could only Continue the endeavor Experience satisfaction Transform empty confusions Exorcise ghostly pests Purge emotions 10

Because we both are different creations Of definite origin And uneven growth We struggle to unite Unite to struggle Because differences level off When we are closer When we change When we live Together Because dying is every time We come into being And another Striking and creating The balance And the cause of death Giving force to life And its cause Then I could only reckon and confront The questions and answers And if all this is what the world is I could only live to die And die to live With You

11

may sandstorm ngayon malakas ang hangin mas nakapupuwing ang buhangin malalanghap ngayon ang mga alikabok ng sigwang likha ng hangin na may dayuhang pangalan. mga alikabok na pinapadpad ng mga ipuipo patungo sa kung saan-saan at kailan pa may di na muling makakabalik sa dating pinagmulan. hinalughog, hinukay pinagpaikot-ikot ang mga kaisipang atrasado daw at mangmang nang sa gayoy mapilitang sumama sa indayog ng hanging kaaya-aya pero nakalalason. ngunit, sa pagbuhat ng hambog na buhawi sa mga mumunting butil inihahampas nila ito sa pader na siyang nabuo dahil sa mga buhanging natipon ng dusa, hirap, at pasakit ng dantaon at ngayoy lalong tumitibay, lumalakas. at sa susunod, siyang magpapahupa sa hambog na sigwa na may dayuhang pangalan.

Dom Aquino
12

Piitang Seda
At papano ba ako makakatakas sa karagatan ng iyong pag-ibig sa tuwing nagtatangkang umahon ay inaanod mo ulit ako sa iyo May pag-asa pa bang lumaya sa rumaragasa mong dibdib? O matikman man lamang ang hanging ipinagkait mo sa akin? O Inay, sanggol man ako sa iyong sinapupunan mas gugustuhin ko pang maging kabiyak at kapiling mo sa kama gabi-gabi

Ayan dela Cruz


13

Paradox
Truthfully have I lived, and truthfully have I loved. But living and loving brings no consolation, only ceaseless pain. I am old in my anger, old beyond belief. I have seen the stars grow old and die. My age matches theirs. My sun has not faded, my moon still showers light. I march down that aisle bearing placards and signs. No man meets me on the other end. No one sees me as I fall. No one holds me as I cry. Who hears the sound of a tree felled in a forest when no one is around? -Zen Koan

14

ang matris ay makapangyarihan. kaya nitong pumatay sa pamamagitan ng paghiwa ng laman mula sa laman, inihihiwalay ang nabubulok na dugong ibinubulwak ng bawat babaeng nangahas hawakan ang sariling kapalaran. suntok sa puson ng mga naghaharihariang nanginginain sa kanilang pagkababae. ngunit, higit ang kapangyarihan ng matris na magbuo ng panibagong buhay mula sa mga hiyaw na iniluluwal ng bawat inang natututong lumaban. ang kapangyarihan ng matris ay kapangyarihan ng ina na ianak sa lipunan ang pagbabago gaano man kadugo. rebolusyon ang matris ng inang bayan.

Aynee
15

Here and There


Here children are dying all around me. They are falling from high bridges, babies are being thrown into thick muck where dogs could rip a little arm or one soft leg off the crying creatures. Here at night televisions flicker insistently. Gruesome light-windows that look out into dark fantasy worlds where blood is the color of the ground, where it is always night, where mouths are always stretched into screams. But There is a different place where children attend yoga classes held near their mothers bellydancing schools. They have tired of fancy puppies, now they want thoroughbred horses shipped to the family haciendas. There pictures are splashed on the Sunday papers of brilliant balls and wedding parties, Inno Sottos hugging Belo bodies. Ads of 25 ml. colognes worth 7 thousand pesos, of restaurants where lunches are styled with nets and sticks, flowerets and colored dots and sold for 2 thousand. There bleached smiles flash at the peering reader. The mouths, too, are stretched into screams of excessive delight.

Ime Aznar
16

Balakubak at Abo ng Makata


I. Nagbibigti ang oras, sa tuwing walang mahagilap na tugma. Kumantat sumayaw, habang nagbibigti sila... II. Kung umiiling ang sinta sa Libog ng gabi. Nakawin ang tala at sa kanya makipagtalik. III. Ang dila ay matalim. Ngunit mas matalim ang saliw ng papel at lapis. Sagrado ang wikang inilalatag sa haraya. Mas sagrado at makamandag yaong letrang nagmamantsa sa kaluluwa. IV.

Dweighn Baltazar

Ang pagsungkit sa mga multong nagkukubli sa likod mo. Ay pagpapalaya sa mga balakubak at kutong namamahay sa yong ulo. V. Tumitigil ang tibok ng dibdib. At darating ang araw na makakalimutan ang paghinga. Ang makatay magiging abo rin, ngunit hindi ang kanyang sipol at halina.

17

Gayuma
Ang mga Letra sa pagkaing aking inihain. Ay yaong sa di ko magawang sambitin. Malasahan mo sana ang asukal sa mabetsin na sopas at maanghang na laing.

18

Txt Back Please


Umaga at hot pandesal, Habang tila niyebe ang buhos ng ulan. Wala pa ring 1 message received. Nang-message sent naman kanina. Nag-aksaya pa tuloy ako ng piso. (Mahirap pa namang kumita ng pera.) Naalala ko ang pagtango ng ulo mo. Kumulog pa nga noon. Tumalikod ka. Bumagsak ang pinto, nayanig ang tutuli ko. Tapos bumaha... NASAN KA NA KAYA? Natanaw ko ang kutsilyo sa mesa. May bahid ng dugo ng kamatis. Pero wla namang nakahaing itlog na pula. Kumidlat at napadungaw ako sa bintana. Nagkorteng kutsilyo ang k i d l a t, kahawig ng kaharap ko sa lamesa. Wala pa ring 1 message received. NASAN KA NA KAYA? Naalala ko nang dumampi ang labi mo sa noo ko. Nilagay mo pa nga ang kamay ko sa dibdib mo. Umiling ka. Di ko na-gets. Sabi ni Inay, Kahit magkalayo daw ang taong nagmamahalan, Nananatili naman daw sila sa puso ng isat isa. Gaya ni Itay na nasa Iraq, pero nasa puso pa rin niya. 19

Wala pa ring 1 message received. Makintab ang kutsilyo. Nakakasilaw, Nakangiti ito sa akin. Excited na kong makita ka. Dinampot ko ito, Hindi ko na hinugasan ang mantsang dugo ng kamatis. Pumikit ako. Sabay tarak, sa dibdib ko! Doon sa bandang kaliwa, Kung saan madalas dumadagungdong ang pangalan mo. Wala pa ring 1 message received. Excited na kong makita ka. Nilakihan ko pa ang hiwa. Yung magkakasaya ang kamao ko sa loob. Iisa na ang dugo namin ng kamatis. Naghihingalo akong bumagsak sa sahig. Sabay dukot sa loob ng aking dibdib. Wala akong makapa. PUNO NA AKO NG DUGO. Nagkalat ako sa kusina, At namantsahan pa ang puti kong pajama. Lagot ako kay Inay! (Wala kasi kaming labandera.) Gumapang ako sa labas. Para malinisan ng ulan. Bagyo na ata. Nasa labas na ko. Nakadapat hawak ang puso ko. May 1 message received na kaya? Hindi pala totoo ang sinabi ni Inay. Wala akong nakapa. Hindi kita nakita. 20

NASAN KA NA KAYA? PUNO NA AKO NG DUGO. Lagot ako kay Inay. (Sinong maglilinis ng kusina?) Umaasa akong mahinawan ng ulan. Pero bakit pisngi ko lang ang nababasa?

21

Kung Paano Maging Puta


ang pagpuputa ay pagiging hilaw na mangga. malimit pinipitas nang wala sa panahon; sinusungkit, binabato, pinapabulok sa kahon. iniiputan ng bagoong, isinasawsaw sa suka; tusok dito, tusok doon, ang bugaw ay kariton. hubad kung ilako sa may eskinita; hubong nakalubog sa tubig ng pagnanasa. nakakulong, nakakahon sa plastik na garapon ang loob at labas ng maputlang kaluluwa.

Kris Berse
22

Ang Kinahinatnan ni Juan Tamad Habang Naghihintay Mabagsakan ng Bayabas sa Ilalim ng Puno ng Mansanas

23

24

Banyo Boy
The Peninsula Manila, ika-26 ng Agosto 2004 (mula sa koleksyong Lagalag sa kanilang mga palapag: mga tulang Hotel)

Nakaabang ka sa may pinto, maputing-maputi ang polo barong na suot. Nakahanda ang ngiti at ang pagbating gud morning ser sa sandaling may pumasok. Ngunit nilalampasan ka lang nila, nilalampasan ka lang at di ka binabating pabalik. Higit pa nilang pinapansin ang hi-tech na ihiang kusang nagfa-flush o ang mga narrang pintuang nagkukubli sa mga inodoro. Gaano man kalaki ang ngiti mo at gaano man ka-kintab ang mga butones ng polo barong mo ay di ka nila pinapansin. Sige, abangan mo silang matapos dyumingel at tumambay ka sa may lababo para abutan sila ng tisyu, na siya namang hahablutin sa iyo at iiitsa sa basurahan pagkatapos magpunas ng hinugasang palad. Sige lang, at pagbuksan mo silang muli palabas nang nakapaskil ang ngiti. Pagkatapos, inspeksyunin mo ang ihian: otomatiko man ang flush, mamamalot pa rin dahil sa tilamsik ng kanilang ihi. Punasan mo. Silipin mo rin ang inodoro sapagkat tiyak na lumulutang-lutang pa roon, barado ng tisyu, na siya namang iyong susungkitin para maglaho ang kanilang panlalapastangan. Lagi nilang inaasa sa iba ang pagligpit ng kanilang pagka-balasubas. Dahil sila raw ay mapera at makapangyarihan. Ngunit huwag nila, banyo boy, sapagkat di nila kailanman magagawang gawin ang iyong trabaho. Ikaw, kung tutuusin, ang higit na makapangyarihan.

Kapi Capistrano
25

Ang Restawrang Itim


Mandarin Oriental Manila, ika-24 ng Agosto 2004

Elegante raw ang itim, lalo na kapag pinalamutian ng ginto, kaya itim ang marmol na nakabalot sa mga dingding, sa kisame at sa sahig nitong restawran. Itim din ang mga mesa, ang mga silya, maging ang mga plato, mangkok at bandehado. Kulang na lang ay itim din ang kubyertos. Itim ang uniporme ng mga kusinerot waiter, itim ang blusat palda ng mga dilag na nag-aabang ng kostumer. At ang mga kumakain mismo ay bihis ng itim na amerikanat itim na kurbata, itim na medyas at sapatos, itim na bestida, itim na lasot itim na karsunsilyo. Elegante raw ang itim, Elegante ang kumain nang naka-itim sa itim na restawran. Elegante ang naka-itim habang kumakain ng matingkad na pulang karne ng batang nabaon sa kanilang mga minahan habang nagsasala ng ginto mula sa uling, ng mangingisdang tinamnan ng ginintuang bala sa bumbunang natatabunan ng itim na buhok dahil lumampas daw sa dalampasigan, ng basurerong kinuyog ng kanilang mga sekyu dahil natagpuan sa kanya ang singsing na kanilang nailaglag sa poso negro, ang singsing na bagay sa itim na amerikana habang kumakain sa itim na restawran. Elegante ang itim. Elegante ang kumain nang naka-itim. At elegante rin ang iburol nang naka-itim.

26

Eden
EDSA Shangri-la Hotel, ika-10 ng Setyembre 2004

Sa pagitan ng mga toreng nagsisitarikan dito sa sementong gubat, nagtanim sila ng mga puno ng niyog at iba pang tropikal na halaman. Sa gitna ay isang dagat-dagatang nilunod nila sa chlorine upang di pamahayan ng mga lamok, gurami at palaka: hindi nakapandidiring languyan. Ngunit wala namang lumalangoy. Wala ring namimitas ng niyog sapagkat may tumitiktik na security camera. Walang hayop dito sa gubat-gubatan, wala ring ibang tao bukod sa mga tagawalis ng semento at tagasinop ng mga grabang nawalasa puwesto. Maging sila, mga sahurang Adan at Eba, ay bawal mamitas ng niyog kahit na nalaglag na sa lupa. Walang mga tao, naroon sila sa loob ng mga gusaling garing, sa likod ng mga dingding na salamin. Tanaw, natanaw nila ang mga nagsisiksikang tuktok ng mga puno ng niyog. Ilang palapag din ang kinalalagyan nila upang matanaw paibaba ang swimming pool at ang kanilang mga dyanitor at hardinero, nagmimistulang mga diyos na tumatanaw mula sa langit. Wala roon sa gubat-gubatan ang mga tao. Wala rin sa gubat-gubatan ang mga hayop. Naroon sa ikatlong palapag ng gusaling garing, sa likod ng dingding na salamin.

27

toastedmarshmallow sa planet garapata


mapula ang langit hinayaan ko lang ang hangin na akoy tangayin ang mga punoy sumasayaw kahit bahagyang nakayuko sa aking pagdaan sa kanilang paningin mayroon silang sinasabi pabulong ngunit masakit sa tainga tiningnan ko lang sila at napailing mapula ang langit galit sa akin ang panahon mataas daw ang alon tila nanghahamon waring nagsasabing ubusan tayo ng malay napangisi ako at nagsabi: saglit lang, iinom lang ako ng tubig

Gerald Roland Casia


28

nang si kurapika at ako ay naging isa


pula ang paligid ang dagat, ang hangin, ang ulan, ang luha mo, ang pawis ko, ang iniinom nyang tubig sa baso, ang anino ng kamay ng orasan. pula ang paligid ang blackborad sa cr, ang greenpeas sa inyodoro, ang styrosnow sa loob ng kwarto, ang black coffee sa poster ni bjork, ang green tea sa washing machine, ang nose ring sa dila ng toro, at yellow submarine sa langit. pula ang lahat i guess its time to wear shades.

29

hindi bilog ang buwan kagabing sinabi mong bilog ang buwan
hindi bilog ang buwan sa ating ulunan. gusto lang nating isiping bilog siya dahil wala na tayong masabi sa isat isa. di na rin natin matitigan ang isat isa. walang maimungkahi, at walang maitanong kaya ang buwan na lang ang ating napagdiskitahan. ang ganda ng buwan. bilog ang buwan. pero alam natin sa ating kaloob-looban di talaga siya bilog. iyon ang gusto nating sabihin dahil di natin kayang ibulgar ang nilalaman ng ating mga kasalukuyan. ang takot dahil hanggang ngayon di pa nakikita ang isang dinukot na kaibigan, ang takot dahil pag-uwi ay pihadong mapapagalitan, ang takot dahil baka bukas di na naman huminto ang ulan. ang ganda ng buwan. bilog. pero di naman talaga siya bilog. gusto lang nating matulog gagap ang payapang imahe ng bilog na buwan, upang mulit muling dayain ang ating mga sarili na ang buwan, ang kanyang kabilugan, ay may kaganapan.

Rustum Casia
30

mars, intra, at tamang pagdura ng plema


naglalakad kang parang walang tinatapakan. naririnig mo lang ang iyong paghinga, pagtibok ng iyong puso, at plema sa lalamunan mong di mo maidura. inuubo ka na naman. may tuberkolosis ang buong bayan. hinamon ka ng buong mundo ng suntukan. titingala ka lang, titingin sa buwan. di nila maiintindihan kung saan mo hinugot ang katotohanang sa a-beinte syete ng agosto, dudungaw ang pulang planeta, magpipista ang mga mag-aaral ng astronomiya pati na ang mga naglalamay sa mga pader ng intra. naiintindihan kita. hihipan mo ang aking napuwing na mata. ikaw lang ang nakakaintindi sa aking abnormalidad. iisa ang ating mundo. doon normal tayo. walang magtatanong kung anong trabaho mo at di susukatin ang pagiging disente batay sa haba ng buhok at kapal ng bigote bastos tayo sa kanilang mundo. kasi tayo lang ang pumapansin sa kabulukan. nagwawalis tayo kahit gabi, winawalis ang mga kabulukan. ng mga esterot palasyo. pareho talaga tayo. pareho tayong bumabalikwas sa kalaliman ng gabi para lang tumingin kung may dadaang bulalakaw. 31

tulad ng mga bulalakaw sana nakikita nila ang nakikita natin. ang langit sa piling ng masa. ang makulay na kalawakan ng mga salita. ang gobyerno sa kabundukan. ang laot sa mata ng mangingisda. basurahan, squatters area, piketlayn. naroon ang mga guro ng kasaysayan. ang lipunan para sa atin, isang malaking pamantasan. nagbabadya man ng unos ang hanging amoy asin, mananatili tayo dito tanaw ang bagong tabas na damo, at ihilig mo ang ulo mo sa aking braso. ngayong gabing ang naririnig lang natin ay ang paghinga at pagtibok ng puso ng isat isa, ituturo ko sa iyo ang tamang pagdura ng plema at pagsinga. wag mo nang pansinin ang mga nakatinging mukha. matagal na tayong namatay sa mundo nila.

32

paglubog
kung buhay si edgar jopson pagalitan kaya nya ako kung makita nyang itinira ko ang buntot at ulo ng isdang hain ng masa? masang halos wala nang makain pero nagbukas ng tahanan at hapagkainan upang akoy pakainin? oo naman, di nila ako pipiliting iyoy aking ubusin, na kahit tinik dapat kong simutin. tama lang siguro at marapat na aking kilalanin ang pag-ibig, pasasalamat at pagtanggap ng pinaglilingkurang masa na nasa hapag ngayon. magalit man o hindi si edgar jopson.

33

heartaches and a horror movie


just like a horror flick i thought im scared to watch i faced my fear and accepted the truth, the truth your no longer mine. just like the movie that hit on me, im walking into this empty road of blank faces, and my own background music, my heart beating, bleeding. i watched the flick with my eyes not closed. just like the movie, twists and turns happen in the unpredictable story of unreal characters until it comes to an end. we are real, but we too have an ending. and probably this is our ending: no ending at all.

Macy Atari Cruz


34

unang hakbang paalis sa aking kinatatayuan


ngayon, talagang kailangan nang humakbang paalis sa dati kong kinalalagyan, sa pwestong tinatayuan ko habang hinihintay ka. sadyang ang tadhana na ang naglalayo sa ating dalawa, nasa malayo ka habang akoy narito pa rin at umaasa. kay tagal ko ding kumapit sa pag-asang ikay maibabalik ng aking mga hiyaw, ng aking mga iyak. subalit mistulang napaos na ang aking tinig at natuyo na ang aking mga luha dahil wala na akong maramdaman. ngayon, masasabi ko nang kaya ko ng lumisan. salamat sa mga ngiti, sa mga bulaklak at sa mga sukob ng payong sa ulan. salamat sa mga hindi matapos na panaginip, sa mga hawakan ng kamay at sa mga pelikulang hindi natin napagmasdan. salamat sa mga luhang binigay mo, sa mga malalamig na gabing umuulan, sa mga bitwing natakpan ng mga ulap at sa kometang hindi tinupad ang ating mga kahilingan. lalakad na ako lalakad na akong paalis dito. at sa paglakad kong ito, hinding hindi na ako lilingon hindi na ako muling lilingon pabalik.

35

Inip, Init at Inis


Mahinahon ang gabi at magulo sa loob ng aking isip. Isang trapiko ang nakabalalak sa daan. Maliwanag ang buwan at madilim ang aking isipan. Ang ilaw ay tila puta na nilalandi ang tubig sa ilog ng Marikina. Nanghihingi ng bayad, tumatawag sa aking pansin. Trapiko. Siksikan. Kainitan ng kainipan. Sa aking kamay nakaratay - bulaklak para sa nakahimlay. Pawis tumatagaktak sa aking leeg at likuran. Napatingin sa sarili; aking mukha ay oily. Isang sinulid ng pag-asa nasa aking paanan. Malapit nang mapigtas ang aking tsinelas. Trapiko. Siksikan. Kainitan ng kainipan. Akoy umaawit; aking litid ay malapit nang mapunit. Maingay ang gabing matahimik. Magulo sa loob ng jeep sa gitna ng trapikong gulanit. Aking puso patuloy sa pag-itik. Trapiko sa aking looban ako mismo ang humipan. Trapiko. Siksikan. Kainitan ng kainipan.

Estrella Dementia
36

Nagsusulat, Umaawit at Nagbabalik-alaala


Pagpatak ng ulan Pagbulusok ng hangin Narinig ating awitin Akin muling natikman Pait at tamis Sa sandali Nating nakaraan Kay bilis lumipas Tulad ng bilis ng iyong Pag-alpas Umaawit: sadya ba talagang ganyan palakad-lakad kat nakatungo san patungo? Pagtulo ng luha Itinulos ang kandila Sa saliw ng musika Tayo ay ginunita Ating kahapon Ipinako, ikinahon Bakit tinapon? Konting ihip ng ambon Ikaw ay nagpaalon Ako ay bumitaw Umaawit: ngayong wala ka na, kailangang masanay na muling nag-iisa san ka na kaya? Madilim na ngayon Bakas ng binalewalang Nakalipas Sa sulok ng Aking kwarto At sa moog ng aking isipan Alaala natin ay Nais ko ng itapon At hayaang sa agos dagat Ay maaalon Umaawit: wag mo akong sisihin kung minsan ikay hanapin ito ang unang araw na wala ka na.

37

Isang Pamamaalam
para kay Mark Aldrine Regio (Aug 23, 1985 - Aug 25, 2004)

Madilim ang gabi Maliwanag ang buwan Maningning ang mga tala Magaspang ang buhangin Malamig ang hangin (binalikan ating samahan sa panaginip ka pala huling nakasama) May May May May May digmaan sa alapaap tubig na pumapatak natutuyong kalamnan bubog sa aking paanan nauuhaw sa nakaraan

(pagtulos ng kandila di naiwasang pumatak ang aking luha) Humayo Humayo Humayo Humayo Humayo ka, kaibigan ka sa ibang dimensyon ka at maglakbay ka nang kay bilis at kay aga kahit pagbabalik moy malabo na

(at sa malamig mong katawan at hindi sa ating pagkakaibigan ako na ngayon ay magpapaalam)

38

Ibinababa ko ang Lapis, Itinaas ko ang Sandata


Sinubukan kong sumulat ng bagong tula. Tula na tatagos sa isipan ng bawat makakabasa nito. Isang tula na di makakalimutan ninuman, kahit magunaw man ang mundo. Tula na maging isang haligi ng isipan sa bawat nilalang na nabubuhay dito. Pero paano ko sisimulan ito? Saan at paano ko ito gagawin? Ang kakailanganin kong mga bagay? Ano kaya ang laman nito? Ang mensahe na ipaparating ko? Tila mahirap na yatang gumawa ng bagong tula, Tula na tatagos sana sa isipan ng bawat makakabasa nito. Tula na di makakalimutan ninuman, at sinuman. Tula na sanay magiging isang haligi ng isipan sa bawat tao sa mundo. Nanghihinayang na ako, nawalan na ako ng lakas. Nawalan na ako ng tapang para hukayin nang hukayin ang mga bagay na makabuluhan at puno ng kasaganahan. Wala na, pagod na ako, pagod na ako para mag-isip ng isang tulang papatay sana sa mga ipokrito, sa mga walang silbi, sa mga makasarili at mga halang ang kaluluwang pumapatay sa kababayan ko araw-araw, oras-oras sa mga lugar na hindi dinadaluyan ng hustisya. Nawalan na ako ng tapang para ipamukha sa mga mapang-aping kalagayan na nilikha ng mga berdugong walang alam kundi ang mabuhay sa dugo ng iba. Wala na, pagod na talaga ako para sumulat ng bagong tula. Pero hindi pa ako pagod para lumaban. ...sana sa tuwinay kapiling kita, sa paglikha ng mga awit ng paglaya, ng tula, ng sining, at kahit sa pinakamataas na anyo ng pakikibaka...

Nathaniel de Frente
39

Soneto ng Puta
Ipagpapatibay ng mantsa sa papel, ang aking kakaibang pinagbebenta. Tahanang lipunan ko ay tila baliw upang tangkilikin angkin kong ligaya. Aking tinitiis itong kabuhayan upang maiwasan kumain ng putik. Sa halip lunasan ang bisyo ng bayan, sumpa koy ipalulusot pa sa langit. Aming pamilyay may ibang kung sino ang binubusog ng lupang inaani. Saan mang lugar, dama ang pagkatalo, ang punot-dulo ng aking mga hikbi. Lamang maluwag ko na inihahanda ay huwag nyong gantimpalaan ng lagda.

Leah
40

Anib
para kay Renato Constantino

Pamamaalam mo ay kay pait. Alaalat mga pangaral Ay isang gamot na iniwan sa may sakit dala ng iyong estudyantet mahal sa buhay. Pamamaalam mo ay kay alat. Mula sa pawis mong inalay sa paghukay ng kasaysayan, Natuklasan moy nakalibing na kagitingan. Pamamaalam mo ay kay tamis. Pulot ng pag-asa ang iniwan sa iyong inilaan upang makalaya ang ulirat sa tanikala. Binigyan mo ng armas ang isip upang mabuo ang isang bayan na nasa kamangmangan.

41

42

Muchas Grasa
hindi ko gustong kumain sa pinggan na gawa sa plastik yung may sulat at disenyo na madalas ay sa intsik hindi din ako sanay kung hindi akin ang kubyertos na gagamitin ko kaya parati kong dala yung mga gamit ko nasisikipan ako sa bahay ko kayat mas gusto ko sa labas alam nyo na, meet new faces di ko din gusto yung nag-iiskip ng meal kapag nasa gitna ako ng lakad madalas kasi on the road ako kaya eto diet at kahit gustuhin ko man wala akong magagawa akoy isang pulubi at wala akong pera

Lecter
43

Lunod
para kay Liam

Malungkot ang usok ng aking sigarilyo Nawalan ng dating sigla ang mga daliring humahawak nito Nakapagtataka subalit Tila nasugbahan ng umaasong Red Horse ang dati-ratiy maalab na pakikipagtunggali nito sa Panginoon ng Hangin Malungkot ang patak ng abo ng aking sigarilyo Hindi nakayang pasayahin Ng pang-bar na MP3 Ni ng masayang kwentuhan at halakhakan ang toneladang residue Nang kanina pang kahalikan Na si Philip Malungkot ang aking sigarilyo Nadamay na rin pati ang Red Horse ko Lalo na ang umiinom nito Nalunod sa alaala mo.

Lualhati
44

Night at the Countryside


to Ka Upper on his return to the movement

Bedazzled at the Crescent moon Grinning at the Dark night sky Cold wind howling Rage, Fists clenched Lullabies of The sleeping Shanties echoed Let them rage The night For tomorrow Theyll awaken With no food On plate Stolen by the fascist army

45

Ikaw
hindi ko maisip kung paano sisimulan, kung paano isusulat, at kung papaano bibigkasin ang mga kataga at salitang nais kong ipabatid sa iyo. pilit mang pigain ang utak, wala pa ring pumapasok. anumang pilit, talagang ayaw. sapagkat ikaw lamang kasi ang laman nitong isipan. kaya iiwan ko na lamang na blangko ang papel at maghihintay sa panahong ikaw na mismo ang maghahabi ng mga tamang letra at titik, ang panahong maaari ng maging tayo.

Roy Monsobre
46

kip tiket por inspeksyon


Handa na ang lahat... lalakad na tayo, maglalakbay, mag-iikot, gagala, magjojoyride. Paandarin na ang makina. Sumakay na ang lahat. At sa kauna-unahang pagkakataon mailalabas na natin... ilalabas na... ilalabas na natin... Roadtest lang po ito. Kahit ano pwede, kahit sino, anumang uri, kahit anong lenggwahe, kahit anong klase at istilo. animnaput apat na kilometro, at may nagsalita... kip tiket por inspeksyon Umingay ang buong paligid. Marami ang sumigaw, may nagbulungan, naaliw, nagka-interes, nabighani. Bawat kanto may sumasakay. Marami nang tao dito... maraming nang tao, sa Taft Avenue, Roxas Blvd., Espanya at sa buong Kamaynilaan maraming Ped Xing. Sabi ko, pedestrian crossing yan pare. Sige na tumawid na tayo... kahit sino pwede dyan, kahit papaano ayos lang. Sapagkat walang jaywalking sa kilometro animnaput apat Bastat wag lamang kakalimutan: kip tiket por inspeksyon Habang bumabiyahe kami, may nagkakilala!!! Isang lalaki, isang babae, napalingon, nagkatitigan, nagkwentuhan, nagkasundo, nagkahulugan ng loob. Walang sabi-sabi sila na!!! M.U. kung tawagin...

47

Hay pag-ibig, pag-ibig, pag-ibig... ito ang bugso ng damdamin, napadaan at sumakay. At sa biyaheng kilometer64 laging tatandaan... kip tiket por inspeksyon kip tiket por inspeksyon kip tiket por inspeksyon

48

Tagay
Kumakapa siya sa dingding, Hindi man lang maramdaman Ang salubsob ng kawayan Sa labis na pagkamanhid. Nangangapang kamay, Nangangawit na mga binti, Nanunuyong mga labi. Tagay pa. Tila sumasaya ang buhay Sa bawat tungga, Kasama mo nang bumubungisngis ang Diyos! Tagay pa Hanggat maaga pa, At maya-mayay Narito na ang impiyerno, Ang huling halakhak na kay Satanas.

Nico
49

Warat
Di ko inakala, Di ko inasahan, Sa tagal ng itinayo mo, Isang iglap lang, Isang umaga lang, Guguho ka. Naalala ko pa, Noong matayog kang nakatindig, Sa gitna ng ciudad. Dala mo ang pangako, Palamuti mo ang yabang, Na kahit kaninoy matibay ka. Tangay mo ang tiwala ko, O maging ang inspirasyon, Na balang araw makapunta sa yo.

Prex
50

nandito na naman ako sa harap ng computer walang makausap kundi ang pintig ng puso walang ibang naririnig kundi tanging takatak ng keyboard walang nakikita kundi puro bold na bumubulaga sa aking paningin walang nararamdaman kundi ang bugso ng damdamin naninimdim nagsasabing heto na naman ang pagkakataon para aking maiguhit sa pamamagitan ng aking daliri ang aking nararamdaman iisa lang ang pangalang hinahanap hindi bold na gustung-gusto kong panoorin hindi rin horoscope sa inbox ng aking yahoo.com lalong hindi lyrics at mga tugtuging lovesong kundi pangalan ng babaeng nagdala dito sa akin. nais ko mang sabihin sa kanya ang bawat bagay na gusto kong malaman nya bat di ko kayang magawa? dahil ba sa akoy takot o dahil ba sa di ako karapat-dapat? minsan, naitanong ko nga sa aking sarili bakit ang iba nagmamahal pero di naman dapat? nagbabayad ng sobra pero di naman nasusuklian? nagpapakamatay para lang sa pag-asang malasap ang buhay? pero ganito nga talaga siguro ang mundo may mga bagay na di mababago tulad ng aking nararamdaman katulad ng mga keyboard na nadidiin katulad ng computer na sunud-sunuran sa akin katulad ng daliri kong nanunuyo katulad ng puso kong nangangarap katulad ko na nakaharap lang sa computer habang pisil, hawak ng daliri ang imahe sa screen ng babaeng di ko yata kayang maangkin.

Julfe Rabe
51

sabihin mo nga sa akin kung sino ang tangang makakatanggi sa tawag ng pagkakataon? kung kaya ko lang bumuo ng sarili kong mundo doon ipapasyal kita at pagsisikapan kong mapaligaya ka sapagkat kung hindi man kabaliwan ang umibig marahil nga, baliw na ako sa yo pero hindi ako baliw dahil kaya ko pa rin namang magmahal hindi rin ako tanga dahil nagagawa ko pang paligayahin ka sa abot ng aking makakaya pero duwag nga siguro ako malaking duwag dahil hindi ko kayang sabihin at ipakita sa yo kung ano ang hirap na nadadaanan ko makita at makausap ka lang.

52

may asim ang kalamansi kahit na hinog na o hilaw pa lang matigas ang tinapay pag lumamig mapait pa rin ang kape kahit hindi na mainit malasa ang chicharong balat ng baboy pag may suka maging ang ulan na bumubuhos sa bubong matuyo man sa init ng araw, ramdam mo pa rin ang lamig, ang ginaw na hatid magkumot ka man sa bubong magdamag tulad ng mga luha kong nakangiti man dahil nakikita kita ay patuloy pa ring aagos upang magbigay sa yo ng karapatang tumawa dahil sabi nila, sabi ng mga taong may agiw ang mata baliw lang ang umaasang ibigin ng langit na noon pa man ay tinitingala ko na.

53

kaya kitang kalimutan. kaya kong kimkimin ang luha sa tuwing nakikita kitang kasama ka nya. nahahalata mo bang lumalayo ako kapag nakita ko kayong dalawang magkasama? masakit. pangarap ko rin kasing mahawakan ka nang ganyan, ganyang-ganyan sa pagkakahawak mo sa kanya. sana, bukas makakatagpo na rin ako ng babaeng kagaya mo.

54

hindi ka na malaya ngayon pero ramdam ko kung gaano ka kasaya ngayon sa hawlang kapwa nyo binuo. kuntento ka. samantalang ako, naiwang tulala. hindi na kayang maghintay. naghihinayang. ikinukulong ang sarili sa huwad na rehas na alaala mo lang ang bumuo. sana, nalaman mo muna kung gaano kita kamahal. upang kahit kulungin man kita sa mga braso ko pakpak ko pa rin ang maghahatid sa yo sa pangarap mong palasyo.

55

Ang Lalong Baliw


Taong grasa sa bangketa: nakakita ng gitara sa isang pirasong karton, tumatawa habang kausap ang kawalan. Sira-ulo, sira-ulo! ang parang batong laging ipunupukol sa kanya. Ang pangulo sa palasyo, ipinagagahasa sa dayuhan ang sariling bayan. Sino ang lalong baliw? Sino ang lalong baliw? Dambuhala ang pangulo, gagamikrobyo ang taong grasa.

Alexander Martin Remollino


56

Emperador Nero, A.D. 2004


Nasa Malacaang ngayon si Emperador Nero ng Roma. Mga talumpati niyay tila tugtog ng biyulin, nanduduyan, habang sinusunog ng krisis ang bituka ng bayan.
Si Nero ay nakatala sa mga aklat ng kasaysayan bilang yaong baliw na emperador ng Roma noong AD 54-68. Isang malaking apoy ang tumupok sa Roma noong 64, at ayon sa isang alamat ay tumugtog lamang nang tumugtog ng biyolin si Nero habang nagaganap ang sunog. Humantong sa isang pag-aalsangbayan ang kanyang kalupitan, kawalang-katinuan, at pagpapataw ng mabibigat na buwis. Tinalikuran siya ng mga Praetorian Guard sa kalagitnaan ng pag-aalsang ito ay siyay napilitang magpakamatay.

57

Huwag Ninyong Pagtakhan ang Kawalan ng Katahimikan


Habang nasa burak ang bayan, may iilang nagbababad sa karangyaan na galing sa nakaw na yaman. Kailanmay sila pa ang nagyayabang. Ang bayay tagasalo ng pagkutya: sila raw ay tamad kaya dukha; magbuhos ng pawis at luha ay siya palang dahilan ng dalita! Huwag ninyong pagtakhan ang kawalan ng katahimikan. Huwag asahang mananahimik ang ginagahasang bayan, na habang ginagahasay dinuduraan. Kayong nakatapak sa leeg ng bayan, di dapat pakatiyak sa inyong lagay: nababali maging ang kawayan, maaaring mabuwal ang tulay.

58

Baka Sakaling Tubuan ng Katinuan


The best roads and bridges were built during martial law. Pati mga pelikula non, ang gaganda. Ilocos Norte Rep. Imee Marcos, sa isang interbiyu ng I-Witness noong Setyembre 2002. Paulit-ulit niyang sinasabi ang katulad nito sa tuwing may pagkakataong nakikita.

At dapat pa palang ipagpasalamat ng bayan ang pag-utang sa kanyang buhay na ang kolateral ay kalsadat mga tulay, at ang paglalako sa kanya ng mga penekula sa Manila Film Center habang nakaposas ang mga Behn Cervantes upang huwag maipinta sa pinilakang tabing ang panggagahasa sa kanyang karapatan! Kuryentihin sa utak at baka sakaling tubuan ng katinuan ang anak ng diktador na alaga ni Tiyo Samuel diktador na bangkay nay buhay pa! Hindi isang bilyong kalsadat mga tulay, hindi ang pinakanakapapasong kaladyaan sa sangmilyong penekula sa sanlibong Manila Film Center ang sasapat na pambayad sa niluray na katawan at sinunog na lalamunan ni Liliosa Hilao, sa paghingang pinatid ni Puri Pedro; sa dugong dumanak ng mga Eman Lacaba, Lorena Barros, Edgar Jopson, Nilo Valerio, Bobby de la Paz, Johnny Escandor: silang mga nangarap ng makataong buhay para sa lahat.

59

60

Ang Pagmamahal ay Pagrerebolusyon


Nagmamahal tayo kaya tayo nagrerebolusyon Pagmamahal sa bayan, sa sambayanan at sa kasarinlan Pero ang tulang ito ay di sing-GND gaya ng inaasahan mo Nais ko lang talagang ikumpara ang pagmamahal ko Sa iyo at sa rebolusyong inilulunsad natin gayon Ang pagmamahal ko sa iyo ay parang rebolusyon Umuunlad mula sa teorya na isinapraktika Pinagplanuhan nang mabuti May mga scenario building Nagbuild-up Nagtakda ng lundo Naglagom at nagtasa Hanggang sa nabuo na ang aking pasya Nagdesisyon na akong latagan ka Pero isang bagay ang di ko nagawa Nalimutan ko yung pinakabibilin ni Mao Kulang ako sa SI! May KR ka na pala! Pakiramdam ko tuloy Para akong natalo sa Student Council election Para akong naglunsad ng forum na walang dumalo Para akong nagpatawag ng massmit na walang tumugon Para akong nagpatakbo ng partylist na nadaya Pero ang rebolusyon ay di isang piging Walang panahon sa demoralisasyon Bigo man ako sa pagmamahal sa iyo Marami pa namang masang dapat imulat Marami pang pa-walk-out sa klase na papuputukin Marami pang malakihang mob na kokompohan Marami pang TO na ilulunsad Ayos lang, mas mahal ko pa rin ang rebolusyon. (O di ba? Ang tulang ito ay di naman GND, di ba?)

Rheena
61

sa mga bulaang pantas ng panitikan, sa mga alagad ng tubo at kapangyarihan nakangisi silang nakaupo sa matatayog na toreng-garing. sila ang nagtatakda kung anong estilo ang makasining. tiyak malakas ang hangin sa kanilang kinaroroonan kaya lumobo ang kanilang mga ulo, pati mga tiyan! silay walang pinag-iba sa mga ibong mandaragit, walang awang pumapaslang sa pananalinghagang paslit. sa matatalas nilang kuko winawakasan ang tinig ng mga sisiw na naghahangad ng patas na daigdig. ay! kasalo nila ang mga buwitre sa duguang hapag! nilalapa ang ang lahat na nasisilo sa kanilang bitag! sila rin ang mga alagad noon ng kamay na bakal, na naghari ng kaylupit sa loob ng panahong matagal! may bahid ng dugo ang kanilang makukulay na balahibo, balahibong kinulayan ng mga nakaupo sa magarang palasyo. ngunit tumatalas na ngayon ang talim ng mapupulang palaso, na papaslang-pupuksa-lilipol sa sakim at palalo nilang puso! ay! magiging abo-alikabok ang makukulay nilang balahibo! ang maniningil sa kanilay apoy ng galit ng taas-kamao!

Usman Abdurajak Sali


62

Paradoha
Sinisipat natin ang kalabuan ng mga bagay sa liwanag. Sinisipat natin ang liwanag sa kalabuan ng mga bagay.

63

Lundag ng Pananampalataya
A one-year-old boy was killed in Quezon City yesterday when his father, who was allegedly high on drugs, leaped from a footbridge while carrying him. [Philippine Daily Inquirer, September 4, 2004]

Spin
64

High? Ang South Super, high. Itong tulay, high. Ako, hindi. Hindi ako Bangag. Hindi ako adik. Hindi nyo ba nakikita? Anghel ako! At walang adik Sa langit. Mahiya kayo sa Diyos. Kayong pa-krus-krus pa ngayon. Na para bang ang pagkuKrus ay nakapagliligtas, Nakapaghahatid ng milagro. Mga ungas! Hindi lotto Ang kara krus. Hindi nyo ba napapansin: Kayong umaasa sa krus Ang siya ngayong pumapasan at nakapako Sa krus. Tingnan na lang nyo Ang inyong mga sarili. Ganyan. Ganyan kayo sa araw-araw. May abo ng takot sa noo. Nakatingala. Nakatitig Sa langit. Nakanganga ang bibig. Dumadalangin. Hoy! Nagsasawa din ang Diyos sa inyong angil. Magsigising kayo. Kayo Na kahit gising, nahihimbing. Kaytagal na kayong sinabihan: Nasa Diyos ang awa, Nasa tao ang gawa. Masdan nyo ngayon. Saksihan nyo Ito. Bukas ibabandera ito Sa lahat ng TV, radyo at dyaryo, At tatawagin nilang lundag ng pananampalataya. Ipapakita ko sa inyo Kung sino ang hibang sa atin. Ipapakita ko sa inyo Na kahit walang pakpak, Ang mga ulap ay kaya nating liparin.

May Day
(halaw sa tula ni Carol Vandermeer Hamilton na may parehong pamagat) Ang layunin ng rebolusyon ay ang pawiin ang takot. [Theodor Adorno]

May sandali sa bawat pag-aaklas Na ang mga kanto ay nagmumukhang Set sa isang pelikula At lahat ng humihiyaw Ng Makibaka! ay mga bayarang extra Sa `All My Life ni Kristine at Aga. Ngayon lang, sa kabila ng barikada, May sumigaw ng Cut! At ang lahat ay waring sansaglit Na huminto Mga taas-kamaong manggagawat kabataan, Ang mga pulis na nagtatago Sa likod ng kanilang shield. Tulad ng tipikal na coo, Dapat sanay nanonood Tayo ngayon sa Greenbelt3, Nagpapakabangag sa Ice Monster O di kayay sa Starbucks coffee, Sumasayaw ang ulo sa bossa nova ni Jobim. Pero para tayong nalilibugan. May tila kumakati sa ating isipan. May tila nais lumabas sa ating lalamunan. Kayat agit tayong Tumungo sa Recto, Sumanib sa mga nagmamartsa, Sumigaw IMPERYALISMO, IBAGSAK! Magkahalo ang ating pananabik at pangamba, Nagpatangay tayo sa agos ng damdamin, Waring mga pulang bandilang Isinasayaw sa hangin. At ngayon, habang magkakapit-kamay Tayong ibinalandra ang mukha Sa salamin ng Dunkin Donuts,

65

Inaabangan ang paggalaw ng kamera, Ang susunod na eksena, Pumipiglas ang puso tulad ng ating mga bisig Na ngayoy ipit-ipit ng truncheon, Napansin natin ang mga pinakapangkaraniwang Aspekto ng daigdig Isang malinamnam na bavarian, Malamig na baso ng tubig, Ang amoy ng usok-tambutsong humalo sa tear gas, At isang langaw sa loob ng restoran, Dahan-dahang gumagapang Kapagdakay marahas na lilipad Humahampas sa salamin Nagpupumilit na kamtin Ang kalayaan.

66

the great philippine jungle cafe


for Angelo Suarez

there was a jungle i went through where guests come in and out of will out of the jungles will for in there was energy and poetry energy in poetry poetic energy that sees clutters and pillars of trees cutters of trees to erect pillars in their name caterpillars chewing leaves making holes on leaves holes on pages and leaves without the memory of such destruction such gentle destruction so surreal such caterpillar dreams move slowly like the jungle in its growth in its untangling of leaves of memories of holes & of energies & of poetries

their memory

i saw the leaf i saw the hole on the leaf i saw the caterpillar that punctured the hole on the leaf but none of us ever saw the jungle or the trees that make this jungle this jungle of leaves foliage of dreams and memories written erased written erased rewritten is there ever no erasure retain this retinue of rhythm on the retina of my refrain chew upon these leaves herbal wonder that works wonders on the words of wanderers that makes poetry unsick that heals poetry that reinvigorates poetry the flesh on the words words of the flesh that fleshes new worlds 67

just a stone
youre just a stone that hit me in the head; fair enough to catch my attention. just a common stone, i guess. so i throw you out to someone else. but i was wrong, youre a diamond.

Marcus Tiu
68

Pagpapaputi ng Maitim na Balak


Pinasabugan ng sumalipadpad na terorismo Ang World Trade Center, New York, United States of America. Inihayag na bayani ang ilanLibong binawian ng buhay. At ang pagkaligalig ay umalarma Ng masidhing pagpapakana Ng Coalition of the Willing Ng ilang lider, estado, militar, monopolista At kliyenteng komprador sa buong mundo. Nilusob ng War on Terror ni Junior Bush Ang Najaf, Mosul at iba pang Bayan ng Iraq. Inihayag na istadistika ang libuLibong binawian ng buhay. At ang pagkabalisa ay bumatid Ng mga hakbanging magkakamit Ng katarungan at kalayaan Ng mga Filipino, Hapones, Indones, Indochino At Awstronesyano sa buong lupalop. Pinasalipadpad ng senti-sentimo at pisopisong gana Ang mga presyo ng disel, gasolina, gaas at LPG Sa bawat kantong himpilan ng pamilihan. Inihayag na kawanggawa ang milyung Dolyar na konsumerismo ng buhay. At ang kagutuman ay naghain Ng mga kapakanang katuturan Ng kamulatan at tunggalian Ng manlilikha, palaisip, palautos, korporadong sakahan At tiladtilad na lipunan sa modernong sibilisasyon. Ang maiitim na balak ay pumagkit sa gilagid At sumagad sa buto. Pinapuputi ng apoy Ng pagsakabilang-buhay ang mga ito.

Roberto Ofanda Umil


69

Gayagaya
(Halaw sa isang meditasyong Budismo)

Kapag natutulog, managinip Kang gaya ng isang mananahi. Maging Manlilikha. Kapag nagbubutingting, magkumpuni Kang gaya ng isang mekaniko. Maging Manlilikha. Kapag naglalakad, magmartsa Kang gaya ng isang piyon. Maging Manlilikha. Kapag nag-iisip, magnilay Kang gaya ng isang makata. Maging Manlilikha. Kapag gumigising, bumangon Kang gaya ng isang manggagawa. Maging Manlilikha. Kapag humihinga, magpahinga Kang gaya ng isang manggagawa. Hayaan mong huminga ang Manlilikha sa pamamagitan mo. Hayaan mong mabuhay ang Manlilikha sa pamamagitan mo. Kalugdan ang dakilang istorikong kalubusan. Ikaw ay higit pang Manlilikha kaysa gaya ng iyong inaakala.

70

Sadyektib Kayo Dyan


Habang tinatasa ang mga malakas At mahinang punto nitong nakalipas Na kampanya natin laban sa pagtaas Ng mga halaga ng bilihin at gas Ay ngarag at windang ang bawat posisyon Sa naging kondukta ng implementasyon Ng dating sininop na planong tinukoy Kaya ang talakay tuloy ay maligoy. Pagdating sa huling pinaksa ng miting Na hindi palabok ang takdang layunin, Tayoy nagpatatag at saka nagsinsin Ng mga nilagom na hindi pasaring. Ang punang nilahad ay isang patunay Ng datos na bigo bago ang tagumpay.

71

Walang Gabi
Walang lisik ang mata, Walang hiyaw ang boses. Walang gaslaw ang kamay Nang itaboy mo sa lugar na kung saan Maaaring mabuhay ang isang gaya ko: Bahag ang buntot na kahawak-kamay, Sa dalawang ilog kung gumaod, Abo ng sariling kilay ang nasa dulo ng dila, Kaluluwa ang piloto kung ilipad ang sarili. May katawang ayaw mawalay Sa katawang nagsilang ng mga katawan, Pagninilay ko iyang simbilog ng buwan Na aninag sa lawa ng malay mo. Isiniwalat na ng hangin noon Ang mga kahulugan ng mga nunal ko Mula talampakan hanggang anit: Na hindi monogamiya ang orihinal na matrimonya, Na hindi sibilisasyon ang orihinal na kasaysayan, Na hindi pribado ang orihinal na simbuyo, Na hindi kristiyanismo ang orihinal na ispiritwalidad, Na hindi anarkiya ang orihinal na kinabukasan. At nagsulat ng mga panimdim Ang kamay Ng orasan sa talaarawan mo Ang mga hugos ng pawis, Asam ng pintig At talaytay ng dugo Ay inilimbag na pakikihamok Sa mga pahinang may pabalat Ng pagpapatiayon. Naghuhunos Naghuhunos Naghuhunos Naghuhunos Naghuhunos Naghuhunos Naghuhunos Naghuhunos 72 ang ang ang ang ang ang ang ang daigdig, organismo, halaman, hayop, tao, damdamin, kaisipan, lipunan.

Pag-ibig na humulas sa pagkapuwing mo Ay matalas na pasyang iginuhit Ng mga kustumbreng nilakdawan ko. Mula sa katanghalian, kasabay Ng mga hakbang ko ngayon ang pagdadapitHapon. Kimkim ng puso ang diPagmamahal lang na kaloob Ng paanyaya dito. Makararating ako Sa himlayang Walang gabi.

73

Oblak
Sa loob-loob mo: Kailan nga ba nagsinungaling Ang maraming salaming natitigan mo na Kung lahat ay nagkakaisa Sa paghusga tuwinang masisilayan Ang iyong bumbunan? Napapailing ka na lamang Sa nayayamot na suklay Kapag kinakalaykay nito Ang numinipis ng mga hiblang Alaga pa rin sa langis Para sa suwabeng paghagod Sa nakasanayang hawi. Napapabuntong-hininga ka Kapag nasasalat ng palad Ang pasulpot na buwan sa katanghalian. Hayan na! Tila may bantang paghahari-harian, Makikipagtuos yata sa araw! Ngayon sabihin, lumapit sa tenga, bumulong: Anong silbi na mayroong matikas na tindig O malalim na biloy sa magkabilang pisngi? May dulot pa bang pang-akit Ang mga matang singkit? May dating pa kaya ang matangos na ilong Sa takaw-pansining pamana ng ulirang ama?

Rowan Velonta
74

Malamig ang matalim na gunting Na sumayad sa nakaabang na anit. Ngingiti-ngiti ang paborito mong barbero. Tinapik ka: Sir, ang dami mong problema. Hindi lang naman patubuan ng buhok Ang ulo nyo, hindi ba?

sa dibdib ng Cordillera
nahawi na ang karimlan na bumabalabal sa buwan kasing tamlay ng mga tala ang mga matang nagmamatyag sa mga aninong naglalaho sa sukal na daan patungo sa isang lihim na tagpuan minsan tanging mga yabag ng paa nila ang maririnig tuwing bukang-liwayway dala-dalay araro at hindi armas pawis at hindi dugo ang umaagos sa sunog nilang balat at hapung katawan anong poot ang naglalagablab sa kanilang dibdib kung kayat sila ngayoy animo mandirigmang manhid sa sugat ng salitat kagat ng taglamig? bukas sa may gulod - kalbaryo ng mga kayumangging senturion makikita ang mga palatandaang walang pangalan o alaala tanging mga damong ligaw at mga ibong gala ang nakapag-alay ng dasal bago sila tuluyang ibaon sa limot

Santiago Villafania
75

para ed ribildin umaanlong


(Pangasinan language version)

insulat mo so ampait a bilay asugat tan apuulan so papil ed dalam pinaekatan moy lua so matam piraoat moy mareen iran agew nen akila kan akibakal ed kapalandeyan mannangis iray musia nen inateyan moy sanlasos a patey inuran na bala so malangoer a laman say samput ya terter na dalam mansa ed dalin no iner nisulat so samput mo met ya anlong

to a rebel poet
you penned a bitter life the paper bled and burned with your blood i drained the tears in your empty eyes you dreamt of better days while fighting underground i heard the muses cried when you died a hundred deaths when bullets rained your body and the last drop of your blood stained the ground with your last poem

76

Ika-13 ng Oktubre, 1977, nang mapatay si Wilfredo Gacosta sa isang engkwentro laban sa militar. Nararapat lamang kung gayon na sa seksyong ito ng ikalimang chapbook ng kilometer64 ay bigyang-parangal si Wilfredo, o si Ka Nards sa kanyang mga kasamat kaibigan, sa pamamagitan ng paglalathala ng ilan niyang tula. Tubong Barcelona, Sorsogon si Wilfredo. Dating siyang guro sa isang lokal na pamantasan bago naging aktibong kasapi ng Lakas ng Kabataang Sorsogon (LAKAS), organisasyunal na balangay ng Kabataang Makabayan (KM) sa kanilang probinsya noong 1970s. Gumampan si Wilfredo ng malaking papel sa pagtatatag at pagpapalakas ng rebolusyonaryong kilusan hindi lamang sa Sorsogon kundi sa buong Kabikulan. Iniwan niya ang unibersidad upang buong panahong magturo sa mga eskwelahan doon sa kabundukan. Ang ilang tula na naririto ay mula sa librong STR: Mga Tula ng Digmang Bayan sa Pilipinas. Naunang lumabas ang mga ito sa kanyang librong Mga Tula ng Isang Pulang Mandirigma sa ilalim ng pangalang Geronimo Dulongtimog noong Disyembre 1976.

IN PRAISE OF MARTYRS

Wilfredo Gacosta
77

Ang mga Kaibigan


kilala ko ang aking mga kaibigan sila yaong iniluwal sa mga nipang dampa sa kanayunan, sa ilalim ng tagpi-tagping bubong ng mga iskwater sa kalunsuran, o sa butas-butas na kutson sa mumurahing ospital. sila yaong pakyawan kung binyagan sa minamadaling oremus ng kurang nagtitipid ng laway para sa susunod na binyagang ispesyal. sila yaong ang paglaki ay babahagyang namamalayan sapagkat walang dyaryong mangangahas maglathala ng kanilang pangalan ni ng munting salu-salo sa pagdiriwang ng kaarawan. sila yaong kahit man lamang sa isang araw ay pinagbibigyang maging diyos ng mga nagkukunwaring utusan, at pinipilit pahalakhakin sa mga pinalamutiang kasinungalingan. sila yaong makaraan ang halalan ay muling pasasambahin sa mga panginoong napapaligiran ng mga bakod na baril hanggang sa kubeta. sila yaong nakabaon sa kumunoy ng pagkakautang at nagmamasid na lamang sa sariling likhang-yaman sa mga palengke at mga kristal na durungawan ng mga tanyag na basar. sila yaong sa mga dula sa tanghalan ng mayayaman ay mga di pansinin o kontrabidang papel ang ginagampanan. 78

sila yaong nagsasariling namumuhay sa mayayamang kabundukan, na ang anyong nililok ng makalumang kultura ay ginagawang tampulan ng pangungutya ng mga sibilisado sa ngalan ng kristiyanismot makabagong pag-unlad, na ang yamat binungkal na lupain ay kinakamkam. kilala ko ang aking mga kaibigan sila yaong ang kasaysayan ay nakatala sa mga duguat putikang pahina ng mga aklat ng mga kadre na bumulagta sa kabundukan ng Luson, Kabisayaat Mindanaw. sila yaong ang kapakanan ay nasa diwa ng bawat api na unti-unting humahanay sa kaliwang dulo ng larangan. sila yaong ang tadhanay akin din... ang mamuhay sa isang bansang malaya o mamatay nang nakikibaka!
Disyembre 1971

79

Isang Madaling Araw


(Unang Karanasan sa Sagupaan)

kamiy mga musmos at nilaro namiy digmaan. isang gabi, ngumiti lang kami sagisag ng naliligaw naming tapang sa nababalitang paglusob ng kaaway. ngunit di laro ang digmaan. binayaran ang mga kaaway upang pumatay. at isang madaling araw, ang ingay namin sa paghahanda ng almusal ay biglang pinalitan ng nakatutulig na putukan. nagpapaputla, nagpapanginig, sumusubok sa paninindigan. higit pang malalakas ang kaba ng dibdib kaysa mga tumutugis na yabag. dapat bang maduwag at lisanin ang dakilang sinumpaang ipaglalaban? matuto sa katunayan ng digmaan, sa wastong paraan ng rebolusyonaryong paglaban!
12 Disyembre 1972

80

Bundok Bulusan, Ipaliwanag Mo Ang Iyong Kahiwagaan


bundok Bulusan, may puting ulap ka sa ulo at sa mga balikat mong nakalaylay. birhen ka bat nagsuot ng puting belo sa buhok mong luntian? malaon ka nang ipinagkaloob sa mga mananakop na dayuhan. pati larawan moy ibinebenta na ng mga hayok na mangangalakal. ang banal na lawa sa iyong paanan ay saksi sa pagsasamantala ng mga tuso sa ganda ng mga anak mong kababaihan. hinubdan ka na sa ganda at yaman, mga kahoy moy pinutol ng mga kawatan, mga ibon at hayop na alaga mo at sa mga apiy nakalaan ay binugaw ng panlulupig ng mga alagad ng batas militar. birhen ka nga bat nagsuot ng puting belo? a, tinatakpan mo ang usok ng sinaing ng iyong Pulang hukbo! bundok Bulusan, wala kang kaulap-ulap sa iyong ulo at kandungan. ang maaliwalas mo bang mukha ay sagisag ng paglaya at tagumpay o ng pagkakanulo sa mga anak ng bayan? hindi mo ba natatanaw sa kalangitan ang helikopter na palalong nagsasayaw? sa iyong paanan, hindi mo ba naririnig ang mga hambog na yabag ng mga panauhin mong tampalasan? bakit hindi ka magtago sa iyong mga ulap?

81

a, ibinukas mo ang iyong mga bisig sa pagtanggap sa liwanag ng araw sa silangan upang bigyan ng pag-asa ang mga naghihimagsik na naguguluhan.
Nobyembre 1974

82

Bakit Ngumiti Lang Kayo?


patay na si Gogola! ang nag-utos sa inyong habulin ang makamandag na ulupong sa kanyang asyenda, ang pumilit sa inyong lunukin ang kumukulong kape upang mapaikli ang oras ng pamamahinga, ang komprador na malimit umutang sa inyong kinikita at ayaw magpautang kahit patawirin ang inyong buhay. hinatulan na ng masa, dakilang hukom ng kasaysayan, ang litanya ng kanyang pagkakasala sa mga anak-pawis. bakit kayoy ngumiti lang? hindi ba kayo hahalakhak sa ibabaw ng pangit niyang bangkay? nakapaghiganti na kayo! ang rebolusyon, mga kasama ay hindi pansariling paghihiganti. itoy makauring pakikitunggali at ang hahalakhak ay ang buong aping uri hindi ang iisa o kakarampot nitong kasapi. hindi pa ito ang oras ng pagtatawa milyun-milyon pa ang lumuluha. hindi pa ito ang araw ng pagbubunyi marami pa ang dumaraing, marami pang alipin ang nagsusumamo sa kanilang mga panginoon.
Setyembre 1973

83

http://groups.yahoo.com/groups/kilometer64/

7, Mary Jane Alejo | Naligaw sa Pagtingin, Karerang Patawa o Bukas na Liham II, Araw ng Pagkakaibigan at Walang Tigil ang Ulan, Absolute | 12, Dom Aquino | 13, Ayan dela Cruz | Piitang Seda, Paradox | 15, Aynee | 16, Ime Aznar | Here and There | 19, Dweighn Baltazar | Balakubak at Abo ng Makata, Gayuma, Txt Back Please | 22, Kris Berse | Kung Paano Maging Puta, Ang Kinahinatnan ni Juan Tamad Habang Naghihintay Mabagsakan ng Bayabas sa Ilalim ng Puno ng Mansanas | 25, Kapi Capistrano | Banyo Boy, Ang Restawrang Itim, Eden | 28, Gerald Roland Casia | toastedmarshmallow sa planet garapata, nang si kurapika at ako ay naging isa | 30, Rustum Casia | hindi bilog ang buwan kagabing sinabi mong bilog ang buwan, mars, intra, at tamang pagdura ng plema, paglubog | 34, Macy Atari Cruz | heartaches and a horror movie, unang hakbang paalis sa aking kinatatayuan | 36, Estrella Dementia | Inip, Init at Inis, Nagsusulat, Umaawit at Nagbabalik-alaala, Isang Pamamaalam | 39, Nathaniel de Frente | Ibinaba ko ang Lapis, Itinaas ko ang Sandata | 40, Leah | Soneto ng Puta, Anib | 43, Lecter | Muchas Grasa | 44, Lualhati | Lunod, Night at the Countryside | 46, Roy Monsobre | Ikaw, kip tiket por inspeksyon | 49, Nico | Tagay | 50, Prex | Warat | 51, Julfe Rabe | 56, Alexander Martin Remollino | Ang Lalong Baliw, Emperador Nero, A.D. 2004, Huwag Ninyong Pagtakhan ang Kawalan ng Katahimikan, Baka Sakaling Tubuan ng Katinuan | 61, Rheena | Ang Pagmamahal ay Pagrerebolusyon | 62, Usman Abdurajak Sali | Paradoha | 64, Spin | Lundag ng Pananampalataya, May Day, the great philippine jungle cafe | 68, Marcus Tiu | just a stone | 69, Roberto Ofanda Umil | Pagpapaputi ng Maitim na Balak, Gayagaya, Sadyektib Kayo Dyan, Walang Gabi | 74, Rowan Velonta | Oblak | 75, Santiago Villafania | sa dibdib ng Cordillera, para ed ribildin umaanlong | 77, IN PRAISE OF MARTYRS: Wilfredo Gacosta | Ang mga Kaibigan, Isang Madaling Araw, Bundok Bulusan, Ipaliwanag Mo Ang Iyong Kahiwagaan, Bakit Ngumiti Lang Kayo?

Nilalaman

You might also like