You are on page 1of 1

AruD

EII{ I KO N G FI LI P I N O

SA

KO M U N I KASYO N G GLO BAL

Ang pinanggagalingan ng enerhiyang kailangan sa pagsasalita ay ang


presyon ng palabas na hangin na nagbubuhat sa baga na tumutuloy sa larynx sa

pamamagitan ng trakeya. Sa dakong itaas ng trakeya matatagpuan ang babagtingang tinig (vocal chords). Ito ang pumapalag kapag nabibigyan ng presyon ng papalabas na hangin o hininga. Ang pagpalag ng babagtingang tinig ang siyang lumilikha ng tunog. Ang pagbabago sa dalas ng pagpalag ng babagtingang tinig ang siyang nakapagpapabago ng tono ng ating tinig. Napapahina o napapalakas ang mga tunog na nalilikha sa larynx depende sa nais o pangangailangan ng nagsasalita. Ang tunog na nalilikha sa larynx ay nagkakaroon din ng kaukulang pagbabago sa pagdaan sa bibig o ilong. May apat na bahagi ang bibig na mahalaga sa pagbigkas ng mga tunog, (1) dila at panga; {2) ngipin at labi; (3} matigas ng ngalangala at malambot na ngalangala. Ang pagbabago sa hugis at laki ng spasyo sa loob ng bibig ay dahil sa panga at sa dila na kapwa malayang naigagalaw nang pababa at paitaas. Ang pagbabagu-bago ng posisyon ng dila ay nakapagpapabago din ng hugis ng bibig. Ito ang nakatufulong sa pagbigkas ng mga tunog na ginagamit sa pagsasalita. Ang pagpapalaki at pagpapaliit ng bilog ng labi o pag-iiba-iba ng hugis ng mga ito ay nakalilikha din ng pagbabago sa pagbigkas ng mga tunog na lumalabas sa ating bibig.
Ponolohiya

Malapit ang ugnayan ng ponetika sa ponolohiya. Kung ang ponetika ay nauukol sa paglikha ng tunog at wastong bigkas ng mga salita, arug ponolohiya narnan ay nauukol sa mga tuntuning sinusunod sa pagsasama-sama ng mga funog na nililikha. Kung paano pinagsasarna-sama ang mga tunog na ito upang maunawaan ng nakikinig ang mga sinasabi ng nagsasalita. Ponolohiya ang tawag sa pag-aaral ng rnga padron ng mga tunog ng wika. Ang bawat wika, kabilang na ang Filipino ay may mga tiyak na pattern na sinusunod sa pagbuo niya ng mga salita. Alam natin, bilang tagapagsalita ng wika na hindi lahat o hindi kahit aling funog ay meaaring bigkasin ng magkasunod. Halimbawa sa Filipino, walang salitang nag-uumpisa sa ln o lrn.
Bahagi rin ng pag-aaral ng mga tunog sa isang wika ay ang pagtiyak sa mga tunog na itinufuring makabuluhan o makahulugan. Makahulugan ang tunog kung ito ay nagbibigay ng kahulugan sa isang serye ng tunog na nagbubuo ng salita. Ibig sabihin, alin sa mga tunog ng isang wika ang nakapagpapabago ng kahulugan o alin sa mga tunog na kung hindi tama ang pagbigkas ay

You might also like