You are on page 1of 3

y y y y y y y y y y y y y y y y y y y y y y y

Ako ang nagbayo, ako ang nagsaing saka ng maluto'y iba ang kumain. Ang paala-ala ay mabisang gamot sa taong nakakalimot. Ang taong nagigipit, kahit sa patalim ay kumakapit. Hanggat makitid ang kumot, magtiis mamaluktot. Magsisi ka man at huli wala nang mangyayari. Huli man daw at magaling, naihahabol din. Kung hindi ukol, hindi bubukol. Matalino man ang matsing, napaglalalangan din. Bawat palayok ay may kasukat na suklob. Batang puso madaling marahuyo. Tikatik man kung panay ang ulan, malalim mang ilog ay mapapaapaw. Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala. Ubus-ubos biyaya, maya-maya ay nakatunganga. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Kung binigyan ng buhay, bibigyan din ng ikabubuhay. Ang iyong kakainin, sa iyong pawis manggagaling. Buhay alamang, paglukso ay patay. Buntot mo, hila mo. Kung nasaan ang asukal, naruon ang langgam. Walang mapait na tutong sa taong nagugutom. Lahat ng gubat ay may ahas. Ang anumang kasulatan dapat ay lalagdaan. Nasa taong matapat ang huling halakhak.

y y y y y y y y y y y y y y y y y y y y y y y

Ang tunay na kaibigan karamay kailan man. Ang tunay na kaibigan, nakikilala sa kagipitan. Ang matapat na kaibigan, tunay na maaasahan. Turan mo ang iyong kaibigan, sasabihin ko kung sino ikaw. Ang tunay mong pagkatao, nakikilala sa gawa mo. Ang tao kapag mayaman marami ang kaibigan. Magkulang ka na sa magulang huwag lamang sa biyenan. Ang pag-aasawa ay hindi biro, di tulad ng kanin Iluluwa kung mapaso. Nakikita ang butas ng karayon, hindi makita ang butas ng palakol. Kung gaano kataas ang lipad gayon din ang lagapak pag bagsak. Hampas sa kalabaw, sa kabayo ang latay. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paruruonan. Ang langaw na dumapo sa kalabaw, mataas pa sa kalabaw ang pakiramdam. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita. Kung ano ang itinanim, iyon din ang aanihin. Ako ang nagtanim, ang nagbayo at nagsaing, saka nang malutoy iba ang kumain. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo. Huwag magbilang ng manok hanggat hindi napipisa ang itlog. Kung sino ang unang pumutak, siya ang nanganak. Magkupkop ka ng kaawa-awa, langit ang iyong gantimpala. Ang mabuting gawa kinalulugdan ng madla. Kapag bukas ang kaban, nagkakasala sinuman. Ang butong tinangay na aso, walang salang nalawayan ito.

SHERWIN P. CURBA Grade VI 3

You might also like