Ang PalayCheck ay isang gabay para sa buo, magkakaugnay, at obhetibong pamamaraan ng pagsasaka. Ito ay higit pa sa pinagsama-samang teknolohiya. Kasama dito ang teknolohiya atang paraan ng pagkatuto…
(More)
Sistemang PalayCheck para sa Palayang may Patubig
Ang PalayCheck ay isang gabay para sa buo, magkakaugnay, at obhetibong pamamaraan ng pagsasaka. Ito ay higit pa sa pinagsama-samang teknolohiya. Kasama dito ang teknolohiya atang paraan ng pagkatuto upang masigurado na ito’y naiintindihan at patuloy na isasagawa sa mga susunod pang panahon. Sa PalayCheck, mahalaga na italaga ang ani na nais makuha, alamin ang kahinaan o mga pagkakamali sa kasalukuyang pamamaraan ng pagsasaka, at isagawa ang mga pinakamagandang pamamaraan para sa tukoy na lugar.Ang PalayCheck ay nagmula sa “Ricecheck System” ng Australia na nagpataas ng kanilang ani mula sa 6 tonelada kada ektarya noong1986 sa 9.5 tonelada kada ektarya noong 2000. Ang sistemang “Ricecheck” ay matagumpay na naisagawa na rin sa iba’t-ibang bansa tulad ng Thailand at Indonesia. Panahon na upang matamasa din ng mga magsasakang Pilipino ang mga benepisyo nito.
(Less)