Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more ➡
Download
Standard view
Full view
of .
Add note
Save to My Library
Sync to mobile
Look up keyword
Like this
4Activity
×
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Buod ng nobela

Buod ng nobela

Ratings: (0)|Views: 1,624|Likes:
Published by serenity_02380

More info:

Published by: serenity_02380 on Aug 03, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, DOCX, TXT or read online from Scribd
See More
See less

10/24/2012

pdf

text

original

 
Buod ng nobelaAng mga salitang ito'y tila mga lagusan na naghahatid sa mga aktibista, mamamahayag, pulitiko at iba pangnaging bahagi ng mga rali't demonstrasyon sa mga alaala ng isang di-malilimutang panahon sa atingkasaysayanang dekadang 1970.Sa akdang ito, ipinakita ni Amanda Bartolome ang mga sakit, ligaya, problema, at adhikain niya bilang babae.Ang mahabang salaysay ay nakasentro sa panggitnang-uring pamilyang Bartolome, at sa kung papaanonaapektuhan ng batas militar ang mga tunggalian at trahedyang naganap sa buhay nila. Katuwang ni Amandaang inhinyerong asawa na si Julian Sr. sa pagpapalaki sa lima nilang anak na lalaki: ang panganay na si Julesna isang kabataang aktibista na sumapi sa rebeldeng New People's Army (NPA) at pagkatapos ay nagingbilanggong pulitikal; si Gani na sa batang edad ay nakabuntis ng babae; si Em na isang manunulat nanaghahanap ng pagkakakilanlan sa sarili; si Jason na naging biktima ng salvaging at si Bingo na maaga pa'ynagmamasid na sa mga nangyayari.Sa Dekada '70, mababakas ng mambabasa ang tala ng mga aktuwal na kuwento ng panunupil at karahasan ngmga militar sa mga inosenteng sibilyang nasasangkot sa digmaan, mga paglabag sa karapatang pantao, iba't ibang mukha ng karukhaan at pagsasamantala sa aping mamamayan, at ang walang humpay na paglaban ngmamamayan sa diktadurya sa panahon ng batas militar.Sa paggamit ng awtor ng first person point of view sa kuwento, kapansin-pansin ang hilig ni Amanda nakausapin ang sarili o mind-chatter hinggil sa papel niya sa asawa't mga anak at sa mga usaping bumabagabagsa kanya. Sa pagkatuto niya kay Jules, nakakapaghayag siya ng tungkol sa mga nangyayari "dahil di na akolimitado sa mga bagay lang na may kinalaman sa pampabata't pampaganda, pagdiriwang at mga kaburgisan,"wika nga ni Amanda.Hindi tipikal na babae si Amanda, bagkus, isang tao na may likas na kamalayan sa mga pangyayaringkinasasangkutan ng mas malawak na bilang ng mamamayan (na unti-unti niyang natutuklasan) at dinagpapasupil sa limitasyon ng litanya ng asawa na, "Well honey, it's a man's world."Isang mahalagang tauhan sa akda si Jules, isang kabataang namulat ng mga kampanya laban sa tuition feeincrease sa paaralan hanggang sa lumao'y piliin niyang lumahok sa sandatahang pakikibakang inilulunsad ngNPA. Ang katangian niya bilang isang rebolusyonaryong nakikibaka para palitan ang sistemang umiiral aylubhang nakapukaw sa damdamin ni Amanda na minsa'y iginiit ang kalayaang magpasya ng sariling buhaynoong sumulat siya sa kapatid ng mga katagang sinipi mula sa tula ng makatang si Kahlil Gibran:"Ang inyong anak ay hindi n'yo anak, Sila'y mga anak na lalaki't babae ng buhay! Nagdaan sila sa inyo ngunit hindi inyo, At bagama't pinalaki n'yo,sila'y walang pananagutan sa inyo" Sa pagkakaalam ko, ito rin angmadalas sipiin ng mga aktibistang estudyante ngayon sa pakikipag-usap sa mga magulang na hindinakakaunawa sa kanilang ginagawa!At gaya ng maraming magulang, hindi naiintindihan ni Amanda ang anak sa mga ginagawa nito. Sagot ni Julessa ina: panahon na para mamili ang tao. Alinman sa dito ka o do'nTutulong ka bang baguhin ang kalagayangito o magseserbisyo ka rin sa uring mapang-api?Sa di-inaasahang pagkakatao'y nalasap ng buong pamilya ang dagok ng batas militar nang walang awangpinahirapan at pinatay si Jason ng mga di kilalang tao ilang oras matapos itong palayain ng PC dahil sahinalang gumagamit ito ng marijuana. Sa kawalan ng pagkakakilanlan sa salarin, walang silang nagawa kundiang tumangis sa kawalan ng hustisya.Ngunit kahit pa sumuong sa matitinding trahedya ang pamilyang Bartolome, nananatili pa rin silang buo sakabila ng pagkakaiba-iba nila ng prinsipyo. Kahit hindi nagkakaintindihan sa mga diskursong pang-intelektuwal, di nawawala ang mahigpit na ugnayang emosyonal. Ika nga ng isang awit, "sa pagkakalayo aymay paglalapit din."Ang mga pangyayaring ibinunyag sa Dekada '70 ay tila nakapagsisilbing panggatong sa lumalakas at umiigting na tinig ng paghihimagsik sa mga unang taon ng sumunod na dekada.

Activity (4)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 thousand reads
1 hundred reads
NurPrince Hendly added this note|
whatever :)
Gemma Sierra liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->