You are on page 1of 1

Maraming tao tayong nakikilala sa bawat araw ng buhay natin.

Mga taong nagiging bahagi ng ating pagkatao at ang iba ay dumadaan lang upang magdagdag ng kulay sa ating mundo. Mga taong bumubuhay sa mga panaginip natin at kung minsan ay dumudurog sa ating mga pangarap. Mga taong nagiging inspirasyon natin upang dugtungan pa ang ating pamamalagi rito sa daigdig. Mga taong alam naman nating lilisan din pero pilit pa rin nating pinapasok sa pintuan ng ating mga buhay. Mga taong napaparaan lang. Tumatawid. Lumilingon. Tapos magpapatuloy sa paglakad. Kung minsan di natin alam kung sasabay ba tayo sa mga taong iyon o magpapaiwan. Wala namang mawawala ika nga nila kung sasabayan mo ang agos ng mga taong pumaparoot parito. Ano ba namang bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo na sumabay sa kanila. Bakit ka ba natatakot? Baka maiwan ka. O di ka makasabay. O kaya ay mawala ka sa gitna ng pag-agos at lamunin na lang ng alimpuyo ng tubig kasi mahina ang iyong pagkakakapit. Mahirap magtiwala. Mahirap maniwala. Mahirap magpaniwala. Sa pag-ikot ng alimpuyo natatakot ka at nananabik. Paano kung di ka na makabalik? Ano nga ba ang susunod mong hakbang pagkatapos ng nakahihilong pagsabay sa agos? Titigil ka! Bakit? Ayaw mo na, eh ngayon pa lang nagsisimula ang pagsabay mo sa agos. Ang pagsabay mo sa paglakad. Ang pagparoot parito mo. Ngayon pa lang, tapos aayaw ka na.

You might also like