ANG ALAMAT NG MINDORO
Ang Mindoro ay mula sa salitang kastilang "mina de oro; na ang ibig sabihin ay mina ng ginto. Bagaman and pulong ito ay hindi nagtataglay ng ginto, itinuturing itong minahan dahil sa angking likas na yaman.narito ang alamat tungkol sa isla ng Mindoro na matatagpuan sa katimugang Luzon.Noong unang panahon ay walang pangalan ang iba·t ibang lugar sa kapuluaan ng Pilipinas. Karaniwang itinuturo lamang ang isang lugar sa pamamagitan ng; sa kabilang ibayo, sa paanan ng bundok, sa kabilang pulo, at iba pa.Sa isang malayong pulo ay may nakatirang mag-asawa na ang pangalan ay Mina at Doro. Sila ay may malaking tahanan sa may pampang ng ilog. Marami silang alagang hayop. mayroon din silang malawak na palayan. Masasabing nakaaangat sa pamumuhay ang mag-asawa. Ngunit ang nakahihigit na katangian ng mag-asawang ito ay ang kanilang kabutihan. Sinuman ang nangangailangan ay kanilang tinutulungan.Bukod sa mag-asawa ay may isa pang naninirahan sa pulo. Tulad nila, pawang mayayaman ang mga ito at naglalakihan ang mga bahay.Ngunit kaiba kina Mina at Doro, ang mga kapitbahay nila ay pawang makasarili. Wala silang panahon upang tumulong sa kanilang kapwa dahil para sa kanila ay isang kaabalahan ang pagtulong sa anak- dalitang kababayan.Minsan ay naiisip ni Bathala na subukin ang taong naninirahan sa pulong iyon. Bumamaba siya sa langit at nag-anyong pulubi.Kumatok si Bathala sa tahanan nina Mina at Doro. "palimos po", ang kanyang wika. " Ako·y nagugutom"."Pumasok na po kayo," ang wika ng mag-asawa at kaagad itong hinainan ng makakain.Nasiyahan si Bathala. Kinain niya ang mga pagkain sa hapag-kainan.Natutuwang pinananood siya ng mag-asawa habang kumakain ngunit