You are on page 1of 6

Kasaysayan ng Wikang Pambansa 1935 Ang Seksyon 3 ng Artikulo XIV ng saligang-Batas ng Pilipinas ay nagtatadhana ng ang Kongreso ay gagawa ng mga

a hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansang batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. 1936 (Okt 27) sa mensahe ng Pangulong Manuel Quezon sa kapulungang pambansa ay itinatagubilin niya ang pagbuo ng Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag -aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang pambansang wikang panlahat na batay sa isa mga wika sa kapuluan. 1936 (Nob. 13) Bilang pagtupad ng itinadhana ng saligambatas at pag alinsunod sa mensahe ng pangulong Quezon, pinagtibay ng Kongreso ang batas Komonwelt blg. 184 na nagtatag ng isang Pambansang Surian ng Wika at nagtatakda ng mga kapangyarihan at tungkulin nito. Sa pagpili ng gagamiting wika ay itinatadhana ng batas na hirangin ang wika na may higit na kaunlaran sa kaniyang pagkakabuo, mekanismo, pampanitikan at siyang tinatanggap at ginagamit ng lalong malaking bilang ng mga Pilipino. 1937 (Enero 12) Hinirang ng Pang. Manuel Quezon ang mga kagawad na bubuo sa Surian ng Wikang Pambansa: Jayme C. de Veyra (Samar-Leyte) Santiago A. Fonacier (Ilukano) Filemon Sotto (Cebu) Casimiro F. Perfecto (Bikol) Felix S. Salas Rodriguez (panay) Hadji Buto (Muslim) Cecilio Lopez (Tagalog) -tagapangulo - kagawad - kagawad -kagawad - kagawad -kagawad - kagawad

1937 (Nob 9) Bunga ng pag-aaral na ginawa ng SWP, pinagtibay ng pangulo ng Pilipinas na ang wikang Tagalog ang gamiting saligan ng wikang pambansa. Seksyon 7 ng Batas Komonwelt 333, na nagsususog sa ilang Seksyon ng Batas Komonwelt Blg. 184. Isa sa mga susog, ang pangalang pambansang Surian ng Wikang Pambansa ay ginawang Surian ng Wikang Pambansa, at tiniyak ang pagkabuo ng Surian na ang bawat kagawad ay kakatawan sa isang pangunahing wika sa kapuluna. 1940 (Abril 1) sa pamamagitan ng kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 ay binigyang pahintulot ang pagpapalimbag ng isang talatinigan at isang balarila ng Wikang Pambansa, at itinatakdang mula Hunyo 19, 1940 ay

sinimulan nang ituro ang wikang pambansa sa lahat ng paaralang bayan at pansarili. 1940 (Abril 12) Pinalabas ng Kalihim Jorge Bacobo ng Pagt uturong Pambayan ang isang kautusan pangkagawaran; itoy sinundan ng sirkular Blg. 26,s 1940 ng Patniugot ng Edukasyon Celedonio Salvador. Ang pagtuturo ng wikang pambansa ay sisimulan sa mataas na paaralan at sa mga paaralang normal. 1940 (Hunyo 7) Pinagtibay ng Batas Komonwelt Blg. 570 na nagtatadhana na ang pambansang wikang Filipino ay magiging isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1946. 1954 (Marso 26) Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang proklamasyon Blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon kasaklaw ang kaarawan ni Balagtas (Abril 2). 1955 (Set 23) Nilagdaan ng Pang.Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 ng 1954. na sa pamamagitan nitoy inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun -taon simula sa ika-13 ng Agosto hanggang ika 19 ng Agosto. Saklaw nito ang kaarawan ng pangulong Manuel Quezon, ang ama ng Wikang Pambansa. 1959 (Agosto 13) Pinalabas ni kalihim Jose E. Romero ng kagawaran ng Edukasyon ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad ng kailanmat tutukuyin ang wikang pambansa, ang salitang PILIPINO ang siyang gagamitin. 1967 (Okt 24) Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang isang kautusang Memorandum Sirkular Blg. 172 na nagbibigay diin sa pagpapairal ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, at bilang karagdagan ay iniaatas din ang mga ulong -liham ng mga kagawaran at mga tanggapan,at mga sangay ng pamahalaan ay naraaapat na nakasulat sa Pilipino, kalakip ang kaukulang salin sa Ingles, iniatas din na ang mga panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan ay gagawin sa Filipino. 1968 (Agosto 6) Nilagdaan ng pang. Marcos ang kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 na nag -aatas na gamitinnhanggat maaari sa lahat ng kagawaran, kawanihan at iba pang sangay ng pamahalaan ang wikang Pilipino sa Linggo ng Wika at gayun din pagkaraan nito sa lahat ng komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan. 1971 (Hulyo 19) Pinalabas ng Kalihim TagapagpaganapAlejandro Melchor ang Memorandum Sirkular Blg. 488 na nagbibigay diin sa Proklamasyon Blg. 186, s. 1955 na nag -aatas sa lahat ng tanggapang

pampamahalaan na magdaos ng mga palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa. 1974 (Hunyo 19) Pinalabas ng kalihim Juan L. Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang kautusang pangkagawaran Blg. 25, 2. 1974 na nagtatakda ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilingual. 1976 Nilagdaan ng kalihim Juan Manuel ang Memoramdum pangkagawaran Blg. 194, s. 1976 na nagsasaad ng binagong mga tuntunin sa ortograpiyang Pilipino na nagragdag sa 20 titik ng Abakada ng mga titik C, CH, F, J, LL, , Q, RR, V, X, Z. 1979 Nilagdaan ng Minster ng Edukasyon ng Lultura ang Kautusang pangministri Blg. 47 na nagtatakdang ang mga mag-aaral na dayuhan sa mga dalubhasaan at pamantasan sa Pilipinas ay kailangang makakuha at maipasa ang anim (6) nay unit ng Pilipino upang makatupad sa mga pangangailangan sa pagtatapos sa anumang kurso. 1980 (Abril 28) Ipinalabas ng Minister ng Edukasyon at Kultura, Onofre D. Corpuz, ang Memorandum Blg. 103 na nagtatatag ng mga sentro sa PNC at NTC na magsasanay sa mga guro sa dalubhasaan na gumamit ng Pilipino bilang wikang panturo. 1986 sa Saligang Batas ng 1986, ang wikang itinatadhanag tatawaging Filipino gaya sa nakasaad: pambansa ay

Artikulo XIV, Sek 6 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang -ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso,dapat mafsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edulasyon. FILIPINO: WIKANG PAMBANSA PARA SA MGA FILIPINO Ni R. Aguilar Itinakda ng Salingambatas ng 1987 na: Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino. Habang ito ay nabubuo, patuloy itong pauunlarin batay sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika, (Art. XIV, sec 6) Sinasabi sa seksyong ito na:

Alinsunod sa mga probisyon ng batas at kung mamarapatin ng kongreso,gagawa ng hakbang ang gobyerno upang simulan at itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang wikang opisyal sa komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistema sa edukasyon, sinabi rin sa Art. XIV, sek. 7 na: Para sa komunikasyon at pagtuturo,ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hanggat walang ibang itinakda ang batas , Ingles. Maliwanag ang isinasaad ng batas, ngunit ang naging isyu ay ang kahulugan ng salitang Filipino. Ano ang ibig sabihin ng Filipino? Ito ba ay ang Tagalog na binihisan lamang ng bagong pangalan. Ang ating bansa ay binubuo ng maraming wika at wikain sa bawat rehiyon at ang bawat rehiyon ay naghahangad na ang kanilang wika ay maisama kundi man siyang gawing wikang pambansa. Sakasalukuyan,kapag sinabi mong ang batayan ng wikang pambansa at Tagalog, marami ang tumutol na sa ilang bahagi ng Cebu a t Mindanao. Ito ang sagwil sa mabilis na pagpapalaganap ng wikang pambansa. Marami rin ang nagtatanong kung ito bang Filipino ay ang Linggua Franca na ginagamit sa Maynila. Ayon na rink ay Dr. Ernesto Constantino ng UP na dahil naging salungat ang mga di-Tagalog,baka di malayong ang wikang English an gating maging wikang pambansa. Ang Tagalog ang hindi mother tongueng pinakamalawak na pangkat linggwistiko bagamat maaaring masabi na ang Tagalogang may pinakamaraming nagsasalita, ang kaniyang katunggali rito ay ang wikang Cebuano na lalong may maraming nagsasalitang katutubo. Sa buong Pilipinas ay may 52% ang nagsasalita sa Filipino/Tagalog. Sa ilang mga talakayan hinggil sa wika ay lumitaw ang maraming suliranin kung tagalong nga ang bataayn ng wikang pambansa tulad nang pairalin ang Bilingual Education System dahil ditto ay inalis sa mga paaralan ang paggamit ng iba pang wika sa pagtuturo maliban saEnglish at Filipino (batay sa Tagalog): naging bunga sa mga llawigan tulad ng Negros Occidental,na kung saan ang lahat ng mga mag -aaral at mga guro ay mga Ilonggo at Hiligaynon. Isang suliranin din ito sa isang pamilya na kung saan ang mga magulang ay nagsasalita ng magkaibang wika, Ilokano at Kapampangan o Bisya at Bikol, atbp., samantalang sa paaralan at Tagalog at English. Wala itong suliranin sa Metro Manila, dahil sa Maynila ay nagkakaroon ng paglilipat sa Tagalog ang wika ng mamamayan.

Sa kabilang dako, naniniwala si Direktor Ponciano pineda ng Komisyon ng Wika na ang paggamit ng wikang Filipino ay walang suliranin, mauunawaan ito at nagagamit ng mga di-Tagalog, kasama ang Bisaya at Mindanao, ang kailangan lamang ay pagpapaliwanag, bagamat kailangan muna ay magkasundo ang gumagawa ng patakaran sa wika dahil kung sila mismo ay h indi nagkakaisa, hindi maniniwala ang pinagpapaliwanagan. Hindi makaila na an gating pamahalaan ay gumawa ng mga hakbang tungo sa pag-unlad ng ating wika. Nagpalabas ang pangulo ng kautusan blg. 335 noong Agosto 25, 1988 na nag -uutos ng: 1. Gumawa ng hakbang sa paggamit ng wikang Filipino sa lahat ng opisyal na komunikasyon, translasyon at korespondensya sa kani kanilang tanggapan maging pambansa o local. 2. Magtakda ng isa o higit pang tauhan na mamahalasa lahat ng komunikasyon at korespondensya na nakasulat sa Filipino. 3. Isalin sa Filipino ang mga pangalan ng tanggapan,gusali at tanggapang pampubliko,ang mga signboard ng lahat ng mga tanggapan at dibisyon samantala maaari na lamang isulat sa wikang English sa maliit na titik ang sa lin nito. 4. Gawin sa Filipino ang panunumpa sa tungkulin ng mga opisyal at mga tauhan ng pamahalaan. 5. Magsagawa ng mga pagsasanay sa paggamit ng Filipino sa mga tauhan ng bawat tanggapan sa opisyal na komunikasyon at korespondensya.

ANG TALAMITAM (Komunikasyon) Ang wika ay paraan ng pagpapahayag ng pagkukuro at damdamin sa pamamagitan ng salita upang makaunawa ang mga tao. Ginagamit natin ang wika sa pang araw -araw nating pakikipagtalamitam tungo sa pag-unlad n gating pamumuhay. Sa lahat ng pagkakataon, wika ang ginagamit natin upang maiparating ang ating iniisip at nadarama sa ating kapwa. Lahat ng lahi o lip ng tao, gaano man ito kadukha ay may taglay na wika. Ang wika ay laging kaakbay sa lakad ng panahon. Bagaman maaaring makipagtalastasan sa pamamagitan ng mga hudyat tulad ng paggalaw ng ibat ibang bahagi ng katawan at bakas ng mukha; tulad ng pagsimangot, pagngiti, pagkindat o paggalaw ng ulo tulad ng pagtango o pag -iling, ang paggamit pa rin ng wika ang pinakamabisang pakikipag talastasan, berbal man o di-berbal. Ayon kay Dogro Dregorio Rodillo, ang wika ay isang payak na pagpapakahulugan, ay paraan ng pagpapahayag ng iniisip at dinarama

upang magkaunawaan. Ang mga katangiang taglay nito ay: 1. buhay, 2. natatangi, 3. nakabuhol sa kultura, 4. nagsasalungatan, 5. nagkakatulad.

You might also like