You are on page 1of 4

Kabanata XIX

Ang Mitsa
Buod

Lumabas sa klase si Placido Penitente. Hindi na siya ang dating mapagtimpi. Galit
na galit siya. Nais niyang gumawa ng isang libo`t isang paghihiganti. Parang
ibinubulong ng kanyang budhi: Placido Penitente, ipakilala mong ikaw ay may
karangalan, na ikaw ay matapang at maginoo. Taga-Batangas ka na ang paglait ay
hinuhugasan ng dugo.

Nakitang nagdaan ang isang sasakyang kinalulunanan nina Padre Sibyla at Don
Custodio. Nais niyang habulin ang kura at ihagis sa ilog.

Napadaan sa Escolta. May naraanang dalawang Agustino sa pinto ng basar ni Quiroga.


Ibig pag-uundayan ng suntok. Nagpigil. May naraanang dalawang kadete na nakikipag-
usp sa isang kawani. Sinagasa niya ito. Tumabi ang mga kadete. Inaalihan ng hamok
si Placido.

Inakala na ni Placidong wala na siyang pagkakataong mag-aral. Aniya sa sarili.


Hindi raw kami marunong maghiganti. Dumating na sana ang lintik at nang makita
nila.

Naratnan ni Placido sa bahay na kanyang tinutuluyan ang kanyang ina si Kabesang


Andang. Kararating nito mula sa Batangas. Sinabi ni Placido na di na siya mag-
aaral. Naghinagpis ang ina. Nakiusap sa anak. Nagpaalam si Placido sa ina. Ginala
nito ang Sibakong, Tundo, San Nicolas, Sto. Kristo. Mainit pa ang ulo. Nguni`t
nakaramdam ng gutom. Naisipang umuwi. Inakalang wala na sa bahay ina`t nagtungo na
sa kapitbahay upang makipangginggi. Mali siya. Naroon pa ang ina. Naghihintay.

Ipinakiusap daw ni Kabesang Andang sa prokurador ng Agustino na iayos ang


suliranin ni Placido sa nakagalit na Dominiko. Ayaw ni Placido. Tatalon daw muna
siya sa ilog Pasig o magtutulisan bago mag-aral na muli. Nagsermon uli ang ina
ukol sa pagtitiis. Di na kumain muna, muling umalis ang binata. Nagtungo sa
daungan ng mga bapor. Inisip niyang magtungo sa Hongkong, magpayaman at kalabanin
ang mga prayle.

Ginabi siya sa paggagala. Walang natagpuang kaibigan. Napatungo siya sa perya.


Nakita niya si Simoun. Sinabi niya dito ang nangyari sa kanya at ang hangad niyang
pasa- Hongkong. Napatulog siya sa mag-aalaha.

Isinama ni Simoun si Placido sa kanyang karuwahe. Pag-karaan ng pagtakbo


ipinatigil ang sasakyan. Bumaba sina Simoun at Placido. Nakita nina Placido sina
Isagani at Paulita na namamasyal. Nainggit si Placido. Kinainisan sina Simoun at
Isagani. Anya: Sa ganyan lamang mapapakinabangan. Nagpatuloy ng paglalakad sina
Simoun at Placido hanggang sapitin nila ang isang bahay na munti pagawaan ng mga
pulbura na pinangangasiwaan ng dating guro sa San Diego. Inatasan si Simoun na
pakipagkitaan ng guro ang tenyente at ang kabo ng mga militar, gayundin si
Kabesang Tales. Nagtanong ang guro sa di pa nila kahandaan. Ani Simoun: sapat na
sina Kabesang Tales, ang mga naging kabinero at isang rehinameyento ng mga kawal.
Kung ipagpapaliban ay baka patay na si Maria Clara. Tumalima ang dating guro.

Dalawang oras na nag-usap sa bahay ni Simoun ang magaalahas at ang binata bago
umuwi sa kaserahan si Placido.

Nang mapag-isa ang mag-aalahas ay nagtalo ang loob ni Simoun. Sinurot siya ng
budhi dahil bahagi siya ng kabulukang nais niyang puksain. Waring nakita niya ang
anyo ng kanyang ama at ng kay Elias na tumututol sa kanyang ginawa. Ngunit umiling
siya. Kung ako`y tumulad sa inyo ay patay na ako, aniya. Gumawa ako ng masama
upang mabigyang daan ang mabuti. Nilalagnat noon si simoun.

Kinabukasan ay buong bait na nakikinig si Placido sa nangangaral na ina. Hindi


tumututol sa mungkahi nito. Ipinayo na lamang sa ina na bumalik na sa lalawigan
kaagad dahil kung malaman daw ng prokurador na naroon si Kabesang Andang ay
hihingian pa ito ng regalo at pamisa.

Mga Tulong sa Pag-aaral

1. Nakita ni Placido na kasama ni Padre Sibyla si Don Custodio, na magpapasiya


ukol sa balak na paaralan ng kabataan.

2. Ang salita kayang Ingles na amok (huramentado) ay galing sa hamok ng Malay?

3. Si Kabesang Andangay halimbawa ng isang ignoranteng ina noong panahong iyon na


kaya lamang nagpapaaral ng anak ay sa pagkakagaya-gaya o kaibigang mapagmalaki
bilang ina ng isang nakapag-aral at nagkatitulo. Kung alam niya na ang ibubunga ng
pag-aaral ni Placido ay bilangguan o bibitayan, na siyang tiyak na ibubunga ng
masikhay at matining na pag-aaral noon ay papag-aralin pa kaya niya ito?

4. Ang paghihimagsik ni Simoun ay magsisimula sa mga arabal (kanugnog-pook ng


Maynila o suburbs na noon ay mabugat pa tulad ng Balintawak, Sta Mesa. Makati, La
Loma at atbp.) na binubuo ng :

A. Pangkat ng mamamayang naaaping ibig maghiganti;

B. Pangkat ng mga tulisang tulad ni Kabesang Tales ay naging gayon sa udyok ng


paghanap ng katarungang di naging kanila sa pamahalaan;

K. Mga kawal na kanyang pinaniwalaang ibig ng Kapitang Heneral na manggulo sila sa


mga sibil at sa mga prayle upang magkaroon ng dahilan ang heneral na magtagal pa
sa Pilipinas;

D. Mga manong na pinaniwala niyang sasalakay sa kumbento ang mga kawal at sibil.

Dahil dito, ang mga sibil at mga manong ay makakalaban ng mga kawal na may mga
pagkakautang kay Simoun at ang mga tulisan kakampi ni Simoun, at ang mga
mamamayang sasapi sa kanya ay malayang makalulusob sa Maynila (Intramuros ngayon)
at maluwag niyang makukuha ang siyudad na walang magtatanggol.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit nasabi ni Placido na wala na siyang pagkakataong mag-aral?

Tugon

Iisa ang unibersidad noon para sa karera ang unibersidad ng Sto. Tomas. Ayaw na
siyang tangapin doon.

2. Ano ang lintik na ibig nang sumabog ni Placido upang maipakilala nga ngitngit
ng kanyang paghihiganti?

Tugon

Ang himagsikang tulad ng naganap noong 1872 na kinasangkutan nina P.Burgos.


makikita ritong ang diwa ng 1872 ay nananatiling buhay sa isip at damdamin ng mga
Pilipino pagkatapos noon. Umaasa sila sa muling pagsabog ng malaking himagsikan.
3. Bakit napatapon ang dating guro sa San Diego?

Tugon

Ninasa niyang makapagturo nang mabuti. Naging kalaban niya ang simbahan at ang
pamahalaan na sadyang ayaw na ang mga indiyo ay matuto ng husto.

4. Bakit umanib kay Simoun sa balak niyang paghihimagsik ang Kastilang may rayuma?

Tugon

It'y nagkaasawa ng maganda. Pinagnasaan ng mga prayle ang babae. Para maiwasan ang
ganti ng Intsik, ito ay ginawan ng lalang ng mga prayle upang mapabilanggo
hanggang magkaramdam. Ibig ng Kastila na makapaghiganti.

5. Bakit napaaga ang pagbubunsod sa himagsikang binalak ni Simoun?

Tugon

Dahil kay Maria Clara na ayon sa balitang tinanggap ni Simoun ay nasa bingit na
halos ng kamatayan.

6. Sa anong ibon inihalintulad ni Simoun si Maria Clara?

Tugon

Sa Fenix (Phoenix). Iisa lang ang ibong ito. (Tulad ni Maria Clara na iisang babae
sa buhay ni Ibarra.) nabubuhay ito mula sa 500 hangggang 12,954 taon. Pagkatapos
ay sinusunog nito ang sarili sa sariling pugad at ang abo nito�y nagiging bagong
Fenix. Kung makuha na ni Simoun si Maria Clara sa mga kuko ng bulag na paniniwala,
bibigyan niya ng bagong buhay ang mongha. Ani simoun patungkol kay Maria Vlara:
Isang paghihimagsik ang naglayo sa akin at sa iyo; isa ring pagbangon ang
magsasauli sa akin sa iyo.

7. Bakit nakita ni Simoun sa kanyang balintataw na tila galit ang anyo ni Don
Rafael at ni Elias?

Tugon

Ang dalawa`y di sang-ayon sa pamamaraang kanyang ginamit. Si Don Rafael ay


kabutihang lagi ang panuntunan sa pakikitungo sa bayan. Kay Elias ay di siya
karapat-dapat sa tungkuling kanyang ginaganap; di na siya karapat-dapat dahil ang
nag-uudyok sa kanya sa paghahangad na mapalaya ang bayan ay di ang diwang
makabayan at makatarungan kundi payak na paghahangad ng paghihiganti.

8. Ipaliwanag ang biglang pagbabago ng loob ni Placido nang kausapin siya


kinabukasn ng kanyang ina?

Tugon

Sa ipinabatid sa kanya ni Simoun noong sinundang gabi ay naisip niyang isa ng


kalabisan ang makipagtalo sa kanyang ina. Kunwa�y payag na siya sapagka�t batid
niyang sa mga araw na iyon ay ibubunsod na ang madugong himagsikan kaya�t wala
nang tanging hiling sa ina kundi umuwi kaagad sa lalawigan upang makaiwas sa
labanan.

9. Ano ang mitsa ng paghihimagsik ni Simoun?


Tugon

Ang paghihimagsik ay parang bomba na handa na ngunit wala pang mitsa na sisindihan
upang pasabugin ang bomba. Ang paghihimagsik ni Simoun ay may layon: pagbawi kay
Maria Clara.

You might also like