You are on page 1of 287

Lie About Us by SGwannabe October 27, 2008

Prologue What is this feeling? Is this what you call pain? Am I starting to feel jealous? Because it's really driving me insane~! How could this be? This feeling~~! This feeling is very different from what I've felt before. Is this

love? Am I falling? But I said, Ill never give in.. What am i supposed to do? Please~ dont say Im falling in love. Chapter 1: Looks can be deceiving

Halos matagal-tagal rin akong naniwala sa paikot-ikot na tsismis dito sa campus. Bawat taong makakasalubong mo, pare-pareho ang sinasabi, parepareho yung tinutukoy. Pero meron akong bagong natutunan. Hinde porket gwapo at mukhang mabait yung tao, ay ibig sabihin mabait na talaga siya. Magagaling sila manlinlang, una akala mo ang amu-amo ng mukha. Pero ang totoo may sungay na talaga sila, hinde mo nga lang napansin kasi naniniwala ka sa sinasabi ng mga tao sa paligid mo. Dapat talaga wag maniniwala sa tsismis. Tss. Unti-unti lang nyan sasakupin ung isip mo. Bibigyan ka kunwari ng gamot pero ang totoo lason un. Maamo nga yung itsura, pero ang totoo mascara lang yun. Nasabihan lang ng magagandang bagay, maniniwala ka na kaagad. Siyempre, ikaw itong utu-uto, mag-papauto. Yun kasi ang hirap sakin, mabilis maniwala sa sinasabi ng iba. In other words, utu-uto. Hay~ Masyado akong nadala sa mga pinagsasasabi ng mga tao sa paligid ko. Kesyo mabait daw, gentleman daw, gwapo daw, magaling daw magbasketball at mayaman daw. PURO DAW. Sabihin na nating gwapo siya, pero ung ibang nabanggit? Ewan ko lang. Dahil ang dami na nilang nagsasabi nun, naniwala ako. Hinde ko man lang napatunayan!

Hinde ko napigilan yung sarili ko na hinde magkagusto sa kanya. Bakit? Kasi gwapo siya. Nako pinahaba ko pa di ko na lang sabihing nauto ako! Pero mabuti na lang at nalaman ko yung tunay niyang kulay!! Simula ngayon, tapos na yung pagpapantasya ko sa kanya.

Aray! sabay bagsak ng mga dala kong libro. Bakit ba kasi hinde ka tumitingin sa dinadaanan mo? Bulag ka ba?! Ha?! sabay alis. Pinulot ko yung mga libro ko habang tinitingnan siya palayo. Akala mo kung sinong gwapo.. Bigla siyang napatinggin sa akin at tinitigan ako. Tininitigan ko lang rin siya at pagkatapos siguro ng mga limang segundo naming titigan ay tumalikod na siya at umalis.

Ayoko ng isipin pa yung nangyari kanina pero ngayon alam niyo na kung bakit ganun na lang kabilis yung pag baligtad ko.

Peter Lo, yun ang pangalan niya. Simula nung second sem nung 2nd year college kami dun ko na madalas naririnig yung pangalan niya. Actually wala pa akong clue nun kung anong itsura nya pero parang kilalang kilala ko na siya kahit na hinde ko pa siya nakikita. Kahit na naririnig ko lang sa mga tao sa paligid ko yung pangalan niya, feeling ko magkilala kami. Oh diba? Ibang klase ako. Feeling close na ko kahit hinde ko pa siya nakikita!

Naging magkaklase kami nitong summer sa isang subject. Tingnan niyo, pangit ung kapalaran naming dalawa! Ilang buwan yung lumipas bago ko siya makita! Hinde kasi nag kukrus literal yung landas naming dalawa. Pero nung unang kita ko pa lang sa kanya.. bumigay na ko. Dun na ko nagsimulang maniwala sa mga sabisabi nila! Gwapo naman kasi talaga at mukhang mabait! Nasa itsura niya rin na parang ang talino niya at alam niyo yun, boyfriend material. Dun ko siya nagging crush. Gentleman, gwapo, magaling magbasketball, mabait at mayaman daw siya. Eto na naman. Tuwing sinasabi ko yung linyang yun feeling ko nagsisinungaling ako e. Hay nako. Sino nga namang bang babae ang hinde magkakagusto sa ganung tao diba? Pero kahit na isang beses hinde kami nagkaroon ng pagkakataong magkausap. Kaya ayan nalinlang ako. Pwera nga lang ngayon araw na to. Hinde ko na hahayaang maloko pa ko! Mabait?! Anong pinagsasabi nilang mabait?! GENTLEMAN? OK LANG SILA?! Tiningnan niya nga lang yung libro kong nahulog eh! Ganun ba umasta ang isang gentleman?! Tanggap ko sana kung walang kwentang tao yung nakabangga ko eh. Pero ang tsismis dito sa campus puro magaganda yung sinasabi tungkol sa kanya, kesyo daw mabait siya at gentleman!! Diyos ko no! Alam ba nila yung pinagsasabi nila??? Alam ba nila meaning nun??! Baka naman ibang Peter Lo yun? O di kaya maling tsismis yung nakarating sa akin? Niloloko ba nila ako?! Ano naman bang mapapala nila pagsinabi nila saking mabait, gwapo, gentleman at magaling siyang magbasketball? Sa tingin nila makikipag kompitensya ako sa kanila sa pag hahabol dyan sa lalaking yan?? Mabuti sana kung kung si Jake Cuenca siya o kaya Richard Gutierrez! Pero HELLO!! SI PETER LO LANG SIYA! Nako!! Grabe talaga!! Buti na lang at hinde ako nagkagusto sa kanya! Oo na. Nagkagusto nga ako sa kanya dati. Nakakahiya ako! Bakit ba ako nagkagusto sa ganung klaseng lalaki!?! Utu-uto nga kasi ako! Tuwing

nakikita ko pa naman din siya noon ay parang laging nag sloslowmotion yung paligid namin. Hay~! Masyado akong nadala sa tsismis. Naging kaklase ko pa naman din siya noon! Bakit hinde ko nalaman ng mas maaga na pangit ugali niya?? Buti na lang at hinde ko pa siya pinapatayuan ng rebulto sa kwarto ko! Mabuti na lang at hinde pa ko umaabot sa point na sinasamba ko na siya. Sabi nga nila looks can be deceiving. Nung dumating na yung magaling kong kaibigan. Dumaan kami saglit sa mall dahil may binili siya. Nilibre niya rin ako ng makakain. Hinde ko na lang kinuwento sa kanya yung mga nangyari kanina. Matanong tong babaeng to. Hahaba lang yung storya pag ganun! Kaya Yumi, relax. Yumi! Wala ka ba talagang balak magka-boyfriend? bigla niyang tinanong sa akin. Ano ka ba Mariel. Grade six pa lang tayo kilala mo na ko. Alam mo naman siguro yung mga pinag daanan ko diba? Oo nga pala. Malas kasi yung Paolo na yun eh!! Akala mo napaka gwapo niya para mambabae siya! Cute lang siya no! Pasalamat na lang siya at pinatulan mo pa siya no!!! Para naman kasing ang ganda ko no! sabi ko sa kanya, Pabayaan mo na lang yun. Tagal na rin naman nun eh. Tsss. Anong matagal??? Two months ago lang yun!! Hinde ka naman pangit eh!! Pati matalino ka naman ah!!!! tiningnan ko siya ng masama. Alam naman niyang ayaw kong pinag uusapan yung tungkol sa past ko pero salita parin siya ng salita. OO NA! Teka, ano nga pala nangyari dun sa Peter? Yung sabi mong gwapo~ mabait~ gentleman~ magaling mag basketball~ at mayaman! Naging kayo ba nun?! Pinagsabay mo ba sila ni Paolo?

Kakasabi niya lang ng oo na tapos sabay bawi na naman sa dulo ng salita niya! Kulang-kulang nga naman! Umiling ako, OK KA LANG?! Hinde nga ako kilala nung tao eh!! Pati pano ko sila pag sasabayin? Hinde nga naging kami ni Paolo!!! Tama na nga yang kaka Paolo mo. Bat ba~ past na nga eh. Eh Bakit ba kasi hinde ka magpakilala?! Diyos ko naman Yumi!! Eto na. Magsisimula na naman kaming dalawa. Siya si Mariel Suzara, best friend ko. Nagingclassmate ko siya nung grade six kami kaya simula nun, close na kami. Sabi ng mga kaklase namin dati, para raw kaming kambal dahil madalas kaming magkasama. Halos hinde kami kayang paghiwalayin ng kung sinu-sino. Pati parents ni Mariel close na rin sakin at ganun din ung pamilya ko kay Mariel. Siguro dati gusto ko siyang kilalanin! Pero ngayon??? Hay nako Mariel! EWAN KO NA LANG! sabay inom ko ng tubig Oo! Gusto ko talagang kaibiganin noon si Peter pero nahihiya ako. Kahit na madalas kaming lumabas ni Paolo nung time na yun, gusto ko parin siya makilala. Yun nga lang.. hinde ko magawa. Pero ngayon?? I dont think so!! Mas mabuti pa sigurong hinde kami mag kakilala kesa malaman ko yung tunay niyang kulay habang kinikilala ko siya! [authors note: ginamit ni Yumi ung term na lumalabas kasi hinde siya sure kung date yung tawag dun. Minsan kasi iba yung labas sa date. Hehe] Alam mo kaya ka hinde pa nagkakaboyfriend ulit dahil sa ganyang ugali mo! Makikipag kilala lang ayaw mo pa! Hay nako Mariel kung alam mo lang!!! Pero mas mabuti pa sigurong wag

mo ng alamin kesa sumakit rin ang ulo mo dahil lang sa maling tsismis!!! ROMANTICALLY CHALLENGED LANG AKO! sabi ko sa kanya Ano ba!! Nagulat ako dun ah!! Romantically challenged daw~! Kahit ba makipag date ka lang, ayaw mo?? umiling ako. Haaay~~ Hinde ko alam kung bakit lagi na lang kaming paulit-ulit sa topic na to. Lagi niya kinukwestiyon ang pagiging single ko. Bakit daw ako walang boyfriend, bakit daw hinde ako makipag date pati bakit daw ganun eh malapit naman ako sa lalaki. Malapit nga ako sa lalaki pero kasalanan ko ba kung hinde nila ako gusto?? Kasalanan ko ba kung ako yung tipong madaling lokohin?! Sa totoo lang hinde ko rin alam yung problema! Gaya nga ng sabi ko, romantically challenged lang talaga ako. Nasa akin ata yung problema eh. Ginagawa ko naman yung lahat! sabay subo ko ng fries. Ah talaga lang ah? Sabihin mo nga sakin, ano yung sa tingin mo yung pinaka sweet na ginawa mo para kay Migue--- Wag siya. Please.. sabi ko bago niya ituloy yung pangalan niya. Sorry.. Sige, kay Paolo. Hinde ko alam eh. sagot ko sa tanong niya. Bakit ganun? Biglang nag bago yung mood ko.. Ang tagal na niyang wala.. pero bakit parang naapektuhan parin ako pag naririnig ko yung pangalan niya.. Bakit ganito.. SEE! sabay turo niya sa akin, Nung time na lumalabas kasi kayong dalawa parang binabaliwala mo siya ng sobra sobra!! Hinde ka sweet, hinde ka expressive tapos may pagka-manhid ka pa!! Yumi, lalaki ka ba?

Tumingin ako sa kanya tapos ngumiti. Mariel.. sorry~ parang nag bago bigla yung mood ko~ Hinde ko na nga tinuloy eh! Sorry na~~!! sabi niya Pati kasalanan ko ba kung lumaki akong puro kasama ko lalaki? Hinde ko naman ginusto yun, diba? Kung papipiliin ako siyempre mas gusto kong may nanay ako. O kaya kapatid na babae. Pero anong magagawa ko? Bata pa lang ako, iniwan na niya kami. Hinde ko rin kasalanan na yung kakambal ko lalaki! Nay~~ mood swing~! Kaya nga nandito ako eh! Para gawin kang babae! Kaya oras na para magkaron ka ng bagong boyfriend! sabi niya sakin habang ngumunguya. Oras na para makipag date ka! Ah basta! Darating rin yang boyfriend boyfriend na yan! Yumi, date lang, hm?? pilit niya sa akin. Ayoko. Sabi ko Pero Yumiiii~~! huminga siya ng malalim, Parang math lang ang dating!! Trial and error! Kung ayaw gumana nung unang formula, edi subukan mo dun sa pangalawa! Kung wala parin, edi sa pangatlo! Sa speed dating 15 guys yung nandun, subukan mo lang ng subukan hanggang sa mahanap mo ung tamang sagot. At kung wala ka namang napili.. ABA! Ikaw na yung may diperensya. Ang dating ay parang math, trial and error? San na naman niya nakuha yung theory na yun? Yan ba nagawa ng ex-boyfriend niya sa kanya? Diyos ko. Parang wala lang sa kanya na nag break na sila ah? Baliwala lang ba sa kanya yung three years na pinag samahan nila? Matagal rin ang tatlong taon no! Mariel, bakit ba kasi hinde mo na lang balikan si Van? Nag-sisisi na rin

naman siya sa mga ginawa niya sayo diba? Balikan mo na lang para hinde ako yung ginugulo mo. Sabi ko sa kanya bago ako kumagat ng buger. Alam mo Yumi, kung maayos ko pa talaga, aayusin ko naman eh. Pero wala na talaga. Ang dami ko ng bingay na pagkakataon sa kanya pero ano? Wala! Sinayang niya! Pati ayoko sa taong ibang klase yung bisyo! Nung una akala ko mababago ko pa siya pero ayun mali pala ako. Yumi ayoko sa adik! explain naman sa akin ni Mariel. Bakit ba kasi may mga taong nalululong sa droga? Ano bang nakukuha nila dun? Eh wala ng ibang ginawa yang droga na yan kung hinde ang kunin ang pera mo. Sa panandaliang kaligayahan malaking halaga ang nababawas sa bulsa mo. Hinde ko alam. Siguro hinde ko pa nasusubukan kaya ko nasasabing walang kwenta yun. Manipis na nga ang bulsa ko, paninipisin ko pa ba lalo?! Mga lalaki nga naman!! Hinde na natuto!! Gumawa ng kasalanan, pinatawad tapos uulit! Sige na kayo na matigas ang ulo! Nung tiningnan ko si Mariel biglang nag bago yung facial expression niya. Naalala na naman niya siguro si Van. Hinde ko naman kayang makita siyang malungkot lalo na at sanay akong nakikita siyang masaya. Oo na sige na. Sasamahan na kita dyan sa speed dating na yan! Kelan ba? Bigla siyang ngumiti tapos napatayo, WALA NG BAWIAN YAN!!! sabi niya sa akin. Sabihin mo na sakin kung kelan bago pa magbago yung isip ko. Sabi ko sa kanya 8 oclock p.m., this coming Friday. Speed dating party yun. I bought you a ticket already. May kinuha siya sa may wallet niya at inabot niya ito sa akin bago siya umupo.

Nung tiningnan ko yung ticket, una kong napansin ay yung presyo. Nababaliw na siguro siya. Kahit na libre yung ticket nanghihinayang parin ako. Sana cinash ko na lang!!!!!! Gaano ba ka engrande yung speed dating na yan at ang mahal naman ng ticket?! tumingin ako kay Mariel, P1,000.00 para lang sa isang gabi?! Bakit ginto ba yung mga lalaking pupunta dun?! Well you can say that. Exclusive lang yan sa mga taong special. Like us. Hinde pwedeng pumasok yung mga taong walang ticket. At lalong lalo na yung mga taong... ayaw ko. Special?! Anong akala niya sa amin? Retarded?! Pati anong ayaw niya? Bakit siya ba nag-organize nung event na yan? Hinde ko parin talaga matanggap na isang libo yung ticket! Ano bang iniisip niya at gustung-gusto niyang makipag speed dating!? Anong kinalaman ng mga taong ayaw mo sa speed dating na to? Ikaw ba yung may pakana nito? tanong ko sa kanya Oo. Sagot niya habang naka ngiti, Di mo ba nakita pangalan ko? Andyan oh, Mariel Suzara. Tiningnan ko ulit yung ticket at hinanap yung Mariel Suzara. Siya nga! Ano bang pumasok sa isip niya at gumawa siya ng ganitong klaseng eventparty? Wala na talaga siyang magawa sa buhay niya. Ibang klase ka talaga. Sabi ko sa kanya habang inuubos yung burger ko. Basta pumunta ka na lang. Si Yuki ba may girlfriend? Walang tumatawag sa kanya sa bahay eh. Kaya wala siguro. Sagot ko naman sa tanong niya tungkol kay Yuki. Ganun? Teka.. namimiss ko na yung lalaking yun ha!! Tara! Punta na tayo

sa inyo!! Sa kotse mo na yan kainin bilis! tumayo siya bigla tapos sabay hawak sa kamay ko. Hinawakan niya yung rin tubig ko at hinila ako. Isipin niyo na lang na kung ganito buhay ko araw araw. Basta-bastang hinihila kung saan-saan. Mapa party o bahay, hinihila ako. Ayoko atang isipin. Habang hinihila ako ni Mariel ay may bigla akong nabanggang lalaki. Aray!! sabi ko Bakit ikaw pa yung may ganang mag-aray eh ikaw naman yung nakabangga? sabi niya habang nakatingin siya sa akin. Round two na to ah!! Minamalas ata ako ngayong araw eh! Pati hinde niya ba nakikitang hinihila ako nung kasama ko? Bulag ba siya? Sa tingin niya ginusto ko yung nangyari? Napatingin ako sa kanya. Sa itsura niya mukha siyang high school student. Naka school uniform pa siya. Anong ginagawa niya sa mall ng ganitong oras? Hinde ba dapat nasa bahay siya at nag aaral!! Tss. Kung makapag salita akala mo kung sino na! Magtapos muna siya ng high school bago siya mag mayabang! Sorry. Hinde ko sinasadya. Sa dami rami ng pwede kong sabihin sa kanya sorry lang yung nasabi ko. Give way. Bata siya. Sorry! Ako may kasalanan! sabi sa kanya ni Mariel, Yumi tara na! Hinawakan na naman ako ni Mariel at hinila. My life is being dragged on. Sigh~ Hay. Pag only child nga naman. Nakukuha mo na lahat pero minsan may kulang parin. Sabagay, parang kapatid na rin ang turing ni Mariel sa mga kapatid ko kaya parang hinde na rin siya nag-iisa. At ako, parang may

kapatid na babae. Mga dalawang oras rin nag stay sa bahay si Mariel. Nakipag kwentuhan siya sa pamilya ko. Kinuwento niya yung trahedyang nangyari sa buhay niya. Ex-boyfriend issue. Umuwi siya dahil aayusin niya pa daw yung party niya sa darating na Sabado. Lumalabas tuloy na sabik siyang makipag date! Pati yung kapatid ko tinanong kung gusto niyang sumama dun sa speed dating party niya. Kung hinde lang ako naaawa sa kanya hinde naman talaga ako papayag sa gusto niyang mangyari. Hay~ bakit ba kasi nag break pa sila ni Van? Isa na yan tuloy sa nag papatunay na high school relationship dont last. Para sa iba. Kahit na sabihin mong mahal na mahal niyo ang isat isa malaki parin ang chance na magkahiwalay kayo pag dating sa college. Ang daming pwedeng mangyari, ang daming pwedeng mahanap. Siguro mang hihinayang ka kasi sayang nga naman yung tagal ng pinag samahan niyo, pero hinde ba nakakasawa kung paulit ulit lang yung nangyayari? Magaaway kayo tapos magbabati. Mag sosorry siya at sasabihing hinde na uulitin pero ilang lingo pa lang ang lumilipas, uulit na naman siya. Hinde ba nakakasawa yun? Masaya sa masaya, pero hanggang kelan ka mag bubulag-bulagan sa mga pangyayari? Na mali na yung ginagawa niya. Na hinde na tama yung ginagawa mong pagpapatawad. Ok lang sana kung palaging simpleng kasalanan lang eh, pero yung magdroga at mambabae na siya? Nako!! GOODBYE na talaga yun! Based from experience? Pwede rin~ pero more on Mariel siya. Akala kasi ng ibang mga lalaki na hinde sila kayang palitan ng mga babae. Na pag nagsorry sila, ganun-ganon na lang. Psh. Hinde pa ba nila napapakinggan yung national anthem ng mga kababaihan?! Ang alam ko sikat na sikat yun ah! Subukan kaya nilang pakinggan yun!

To the left to the left~~ lalala~~ I can have another you in a minute, matter of fact hell be here in a minute baby~~ Dont you ever for a second get to thinking, youre irreplaceable~~ Tama na. Ako yung tipong sasabihan niyong sumayaw na lang kesa humawak ng mic at magwala. Humiga na ako sa kama ko pagkatapos kong mag shower. Dahil kay Mariel hinde na nawala sa isip ko si Miguel. Bumangon ulit ako para kunin yung picture namin ni Miguel sa may drawer ng bedside table ko. Humiga ulit ako habang tinitingnan yung picture naming dalawa. Ang tagal na ng picture na to, graduation pa ng highschool. Nilagay ko yung picture namin sa may ibabaw ng bedside table ko at pinatay ko na yung ilaw. Sinungaling ka.. Sabi mo hinde ka titigil sa pagsosorry hanggang hinde kita pinapatawad.. Sabi mo araw araw kang magpapakita sakin hanggang sa patawarin kita.. Pero bakit ka bigla kang nawala? pag tapos ay nagtakip ako ng unan sa mukha. Miguel~ asan ka na ba? Masaya ka ba ngayon dyan~? Pero bakit ganun? Parang araw-araw parin kitang naaalala~ parang~ nakikita parin kita kahit na hinde.. Miguel~! Hinde pa kita pinapatawad kaya bumalik ka~~! Namimis na kita kaya bumalik ka na~!

Chapter 2: The Boys

YUMI! Tapos sabay hampas sa akin ni Anna, Ano ka ba! May costumer kaya! Bigla akong nahimasmasan nung sinabi niyang may costumer. Tumayo ako at nag punta sa may counter habang naka yuko, Sorry for waiting, Sir. May I take your order? YumiYu~mi~ Tumingin ako kay Ross, Bat mo ko tinatawag? Umiling siya at tumuturo siya sa may right side niya at sinasabi niya na siya yun ng walang sound. Nung tumingin ako sa harapan ko, nakita ko yung mukha niya. Hinde ako makapaniwala siya nga, siya talaga. Isang vanilla frappuccino grande pati butterscotch, to go. Pinindot ko na yung cash register, That will be P170.00 Nagsmile siya tapos inabot sa akin yung P200.00 niya. Kinuha ko kaagad sa kanya yung pera tapos pinindot ko ulit yung cash register at binigay sa kanya yung sukli. Umupo siya sa may table sa harap ko habang ginagawa ni Anna yung order niya. Sir, yung butterscotch niyo. sabi ko sa kanya Tumayo siya tapos kinuha ito tapos nag smile siya, Ganyan ka ba dapat umasta sa isang costumer? Hinde ho, bakit? tanong ko sa kanya

Wala lang. Nagsmile siya ulit tapos bumalik sa table niya. Anong nginingiti-ngiti niya??? Nakalimutan niya ba yung ginawa niya sa akin kelan lang??? Niloloko niya ba ako? O baka naman may sakit siyang limot? Tss. Hinde eepekto sakin yung pangiti-ngiti niya! The damage has been done. Heres your order sir. Sabi ni Anna habang dala yung vanilla frap ni Peter. Tumayo na si Peter at dirediretsong lumabas ng shop namin. Hinde manlang nag thank you! Sungit. Sabi ni Anna habang nakaharap sa akin. Bakit iba na itsura mo ngayon?? Kilala mo ba yun? Sikat na sikat yun sa school eh. Mabait, mayaman, gentleman, magaling magbasketball at matalino siya. Siya si Peter Lo! Bakit magkakilala ba kayo? Close ba kayo nung taong yun para sabihin mo yung mga bagay na yun? tanong ko sa kanya. Oh bakit galit ka?? tanong niya sa akin Huminga ako ng malalim, HINDE. AKO. GALIT. Ewan! Makapag bihis na nga! Tapos na rin naman yung shift ko eh. Iniba ko na lang yung topic dahil baka mag tanong pa si Anna sakin tungkol kay Peter. Nagbihis na ako dahil tapos na yung shift ko at dumating na yung papalit sa akin, si Jani. Part-timer ako sa isang coffee shop. Kasama ko sila Ross at Anna, schoolmate ko si Anna, higher batch. Si Ross naman nagstop, si Jani taga ibang school pero ka-batch rin nila Ross at Anna. Dahil wala pa masyadong tao, umupo muna ako sa may gilid habang nakikipag kwentuhan kela Anna, Jani at Ross. Buti ka pa Yumi tapos ka na mag thesis!! Sana pala inadvance ko na rin

yun para tapos na ko, para wala na akong iisipin pa! Ang luwag tuloy ng schedule mo simula ngayong sem! sabay buntong hininga ni Jani Simula kasi first year nag summer na ko eh. Inadvance ko na yung ibang minor pati hinde pre-req na subjects. Kaya ayun, nakaluwag. Mas gusto kong mahirap sa simula tapos sa dulo madali na kesa naman madali sa simula pero sa pag tagal hirap ka na. explain ko sa kanila. Siyempre kelangan ko i-maintain yung grades ko no! Hinde kaya ganun kadali yun. Hay. Mabuti na lang pala at hinde ako scholar! Kung hinde pareho siguro tayo ng minamaintain na grade! hirit ni Anna, Pati, bakit parang nag-iba ung mood mo nung nakita mo si Peter? Magkaaway ba kayong dalawa? Hinde. Wala lang yun. Sabi ko sa kanya Sabi ko na nga ba at itatanong niya yung tungkol kay Peter Lo. Hay nako. Aba. Ikaw lang ata hinde nagkagusto dun kay Peter ah. Sabi naman ni Ross. Peter? Yun yung gwapo diba? tanong ni Jani Oo. Siya nga. Sagot naman ni Ross. Pati si Jani at Ross nakigulo na rin. Hinde ko maintindihan, pano nila nakilala si Peter?!?! Bakit siya yung topic namin?! Ano bang mabuting maidudulot samin kung paguusapan namin yung Peter Lo na yun?! Tsaka bakit pati sa ibang school kilala siya!? Ganun ba kalakas yung kapangyarihan niya!! Wow. Tumanggi sa gwapo si Yumi! sabi ulit ni Jani Nako. Yun ang akala nila. Ang hinde nila alam, isa ako sa mga taong nabiktima niya! Sabihin na natin na medyo naging interesado ako dun sa tsismis na yun, pero nung nakita ko siya naging magaan yung pakiramdam

ko sa kanya. Tsss. Magaan sa umpisa, sa dulo bumigat bigla! Peter Lo.. pfft. Good.. Afternoon.. Sir. Sabay tayo ni Anna habang nakatingin sa may likuran ko Ano kayang problema nitong babaeng to? Bakit parang napunta siya sa lala land nung nakita niya yung costumer? Tumingin ako sa may likuran ko para makita kung sino yung pinag papantasyahan ni Anna. Pero nagulat ako sa nakita ko Yumi~ tara na~ sabi nung lalaki habang kumakaway at papalapit sa amin Bat nandito siya??? Sabi ko naman sa kanya wag na niya akong sunduin eh! Ang kulit niya talaga. Kilala mo siya?? tanong sa akin ni Anna habang naka smile kay Kuya Yuki. Tumango ako. Sino siya? sabay na tinanong ni Ross at Jani Teka~ bakit parang pamilyar yung mukha niya.. sabi ni Anna Napailing na lang ako. Malamang pamilyar sa kanya yung mukha ni Kuya Yuki. Hinde ba obvious na magkamukha kami? Yumi, may kakambal ka ba? tanong sakin ni Jani Oo, meron, siya yun. Tumingin ako kay Kuya Yuki, Kuya, si Ross, Anna at Jani. Mga kasamahan ko dito. Ngumiti sa kanila si Kuya Yuki.

Pinagkaguluhan muna nila kaming magkapatid sandali bago pinaalis. Hinde mo naman ako kelangan sunduin eh~! Gusto ko eh! Wag ka na ngang mag reklamo! Magkasama na tayo oh!! Wala ka ng magagawa. Ngumiti siya pagtapos at inakbayan ako, Hay nako~ yung kapatid ko talaga! Nung nakarating na kami sa bahay nagpahinga ako saglit. Pumasok naman si Kuya Yuki sa kwarto ko. Nakipag kwentuhan siya saglit tapos bigla niyang napansin yung litrato namin ni Miguel sa may tabi ng kama ko. Si Miggy boy! Tagal ko na siyang hinde nakikita ha.. tapos tumingin siya sa akin, Bakit mo nilabas ulit to? Namimiss mo ba siya? Bat ko mamimiss yan! Nakita mong nambabae yang lalaking yan eh! Tagal-tagal na pala niya akong niloloko tapos mamimiss ko pa!!! inagaw ko sa kanya yung litrato namin ni Miguel at inilapag ko pabaligtad sa may bedside table ko. Ok, so nag sinungaling ako. Namiss ko nga si Miguel, pero pag naalala ko yung ginawa niya hinde parin ako makapaniwalang nagawa niya yun. Hinde ko siya napatawad, pero ngayon mas hinde ko mapatawad yung sarili ko sa hinde ko pagpapatawad sa kanya. Gaano na ba katagal? tanong sakin ni Kuya Yuki Napaisip ako bigla sa tanong niya. Kaya ata walang nangyari samin ni Paolo dahil malapit ng mag October nun. Hay Miguel~ bakit ba kasi~~ Hay~ 25 months. Sabi ko sa kanya. Tagal na pala no~ Oo. Kaya kung ako ikaw, palayain mo na si Miguel. Kelangan mo rin sumaya. Life goes on. Maligo ka na! May party ka pang pupuntahan diba?

Tumayo si Kuya Yuki at lumabas ng kwarto ko. Life goes on~ Ang daling sabihin pero bakit parang ang hirap gawin? Feeling ko nasa paligid ko lang siya, nakatingin sa akin tuwing may kasama akong ibang lalaki. Parang pinagmamasdan niya ko habang nakatalikod ako.. Parang~ nandito lang siya~ Naligo na ko at nagmadaling mag ayos. Pag hinde kasi ako nag ayos, paniguradong lagot ako kay Mariel! Tama na siguro yung simple. Hinde naman ako masyadong ma-make-up na tao eh. Pati kung ayaw nila sa itsura ko, edi di wag!!! Di ko sila pipilitin!!! Habang nasa kalagitnaan ako ng pag aayos ko, nakita ko si Kuya Micky sa may pintuan ko, pinapanood akong mag ayos. Wag ka masyadong mag paganda~~!! Pano na lang kung may magkagusto sayo dun!!! sabi niya sa akin habang nakasimangot. Hay nako. Si Kuya Micky talaga! Kaya nga diba pumupunta yung mga tao sa mga ganung tipong party ay para makahanap ng special someone nila?? Anong akala niya ba sa pupuntahan ko? Lamay?! Eto na nga yung pinaka simpleng itsura ko eh! Ayaw mo bang may magkagusto sakin?? tanong ko sa kanya habang kinukulot ko yung dulo ng buhok ko Oo ayoko! Bata ka pa masyado!! Pati ayokong makita ka ulit na malungkot. Dapat kung hahanap ka ng lalaki dapat yung parang ako! Parang ikaw? Nako!! Mabait ka nga sa mga babae kaya sa sobrang bait mo akala nung ibang babae may gusto ka na sa kanila! Kaya pag nalaman nilang mabait ka lang talaga sa lahat ng babae, sa bandang huli, iiyak rin sila! sabi ko kay Kuya Micky

Ikaw!!! sabi niya habang nakaturo sa akin, Di ko kasalanan yun! Mabait lang talaga ako no!! Bilisan mo na dyan! Iniintay na tayo ni Kuya Jin! Umalis na si Kuya Micky kaya ipinagpatuloy ko na yung pagaayos ko. Siya si Kuya Micky yung pangalawa saming magkakapatid. Michael tunay niyang pangalan, ipinangalan siya sa nanay namin, 22 years old siya, nurse. Medyo strict siya sa akin pero madalas maluwag. Ewan ko! Sa kanya ata ako nagmana sa pagiging moody eh! Sala sa init sala sa lamig daw kami sabi ni Papa. Maya-maya ay naisip ko na naman yung party. Hinde ko kasi maiwasang isipin kung ano yung mangyayari dun sa party na yun. Sino-sino yung mga dadalo~ anong klaseng mga tao sila~ baka mamaya puro yabangan dun! Shiet wala akong maipag mamayabang! Baka hamuni ko na lang sila sa math o kaya sa inuman o kaya sayaw! Diyos ko! Parang ayaw ko na tuloy pumunta. Biglang sumulpot si Kuya Yuki sa may pintuan ko. Nakabihis pa siya!! akala ko ba ayaw niya sumama? Nag bago na naman ba isip niya?! Kuya sasama ka ba??? Tanong ko kay Kuya Yuki habang naglalagay ng tint sa lips ko. Umiling siya, Hinde. Eh bakit nakabihis ka? San ka pupunta? tanong ko sa kanya Ihahatid ka. Di ka pa ba tapos mag-ayos? tanong niya sa akin na parang naiinip na siya. Ihahaid lang ako pero nakabihis pa.. sabi ko ng mahina Siya si Kuya Yuki, ang kakambal ko. Freternal twins kami. Tss. Malamang!

Kelan ba nagging identical ang babaet lalaki na kambal. Mas matanda lang siya sa akin ng limang minuto pero gusto niya Kuya parin ang itawag ko sa kanya. Halos magkadikit kaming dalawa buong buhay namin! Magkaklase kaming dalawa simula elementary hanggang highschool. Pero iba naman yung group of friends namin. Magkaibang university yung pinasukan namin pagdating nung college. Kaya ang naging resulta? Pagnamimiss niya ako suunduin niya ako sa school o sa work! Yuki, Yumiko, bumaba na kayo! sigaw ni Kuya Micky. Tara na nga! Hinde naman parang ikamamatay ko kung walang magkakagusto sakin dun eh! Bumaba na kami ni Kuya Yuki. Nakita namin si Papa na naka upo sa may sala. Sinabihan niya ako na magpakabait daw ako sa party. Wag ko daw pairalin yung pagiging masungit ko at wag daw ako maging rash sa mga gagawin ko. Clean fun lang daw dapat. Nung hinatid niya kami sa may labas nakita ko yung kotse ni Tita Evita na naka park sa tapat ng bahay namin. Sabi ni Papa na pinagamit daw ni Tita Evita yun sa aming mag kakapatid. Hay~ supportive sila masyado. Sawa na ata silang makitang malungkot ako. Malungkot nga ba ako!? Oh Yumi, dala mo na ba yung mga kailangan mo?? Wala ka na bang nakalimutan? tanong naman sa akin ni Kuya Jin. Wala na. sagot ko Okaaay~! Lets go~~!! sigaw ni Kuya Jin. Si Kuya Jin yung panganay saming magkakapatid. Eugene yung pangalan niya, ipinangalan kasi siya after kay Papa. Jin yung tawag sa kanya kasi ang tawag ng mga tao kay Papa ay Eugene kesa Eugenio. 23 years old siya at

nag tatrabaho sa isang multinational company. Nung bata kami, hinde siya masyadong close sa dalawa naming kapatid, pero nung tumanda na kami, ayun, close na kaming lahat. Siya madalas naming tinatanong tungkol sa nanay namin. Bata pa kasi kami ni Kuya Yuki nung iniwan niya kami. Ako naman si Yumiko B. Gala, 18 years old. Ako yung bunso sa apat na magkakapatid. Si Kuya Jin yung panganay, si Kuya Micky yung pangalawa at si Kuya Yuki yung kabirthday ko at ka-age koin other words, kambal ko. Syempre hinde kami makukumpleto kung wala yung padre de pamilya namin, si Eugenio H. Gala. Dahil ako lang yung babae sa bahay medyo, medyo lang, protective sila sakin. Hinde naman umaabot sa point na nakakasakal na pero yung tama lang. Minsan nakakatawa na lang kasi paulit-ulit sila. O kaya pag may pupuntahan akong party kelangan ihahatid nila akong lahat. Ang nakakatawa nga lang, sila yung nagtuturo sakin tungkol sa mga bisyo-bisyo. Hinde yung drugs type, yung pag inom ko, sa kanila ko natutunan. Sila pa madalas kasama ko pag bar-bar o kaya inum-inom. Sabi kasi nila mabuti pa raw kung sa kanila ko matututunan yun kesa sa ibang tao. Ok lang rin sa kanila kung sila yung kasama ko habang umiinom o umaalis at least daw safe ako sa kanila. Yumiko, anong oras ka uuwi? Gusto mo sunduin ka namin after? tanong sa akin ni Kuya Micky, Umuwi ka ng maaga ok?! Binatukan bigla ni Kuya Jin si Kuya Micky, Hayaan mo nga si Yumi magsaya!! Minsan lang naman yan umattend ng mga ganyang party eh! Oo nga naman Kuya! Minsan lang yan magsaya! humarap sa akin si Kuya Yuki, Hoy ikaw!!!! Wag kang magpapakalasing ha! Pag nalasing ka tawagan mo kaagad ako! Hayaan niyo na si Yumi! Pag nalasing yan at may nangg*go dyan patay satin yun! For now, hayaan niyo na muna siya mag enjoy at boys night out

natin ngayon! hirit naman ni Kuya Jin. Kaya naman pala ganyan si Kuya Jin. Maluwag siya sa akin ngayon kasi boys nightout nila ngayon! Tss. Akala ko pa naman din ok lang sa kanya na mag enjoy ako kasi oras na para mag saya ako, yun pala kasi mag sasaya rin sila. Hay nako~ mga kuya ko talaga~! Kuya dito niyo na lang ako ibaba! Maglalakad na lang ako kesa mahirapan pa kayo umikot, malapit narin naman ako. Sige sige. Mag ingat ka ha!!! sabi ni Kuya Jin, Tawagan mo kami pag may nangyaring masama. Tumango ako sa kanya at isinara yung pintuan. KUYA BAKIT KA UMABANTE~~ DI PA KO NAGPAPAALAM KAY YUMI~~!!! Narinig kong sigaw ni Kuya Yuki. Napailing na lang ako. Biglang nag-vibrate yung cellphone ko sa bag ko From: Kuya Yuki Yumi~~~ ingat ka dyan~! Pakabait ka ok? Si Kuya Jin kasi biglang inandar yung kotse eh!! Sabi nga pala ni Kuya Micky wag mo daw siya ipagpapalit! Ingat baby girl!! Loooovelove~! Bakit ba kelangan magiwan sila sakin ng kanya-kanyang mensahe?? Magaabroad ba ko!? Araw araw kaming nagkikita sa bahay! Pati party lang to, hinde ko kelangan ng words of wisdom nila sa mga ganitong panahon! Nilabas ko na yung ticket ko para i-present dun sa may registration area. Pero bago ko pa i-abot yung ticket may biglang humawak ng kamay ko.

Hinde Masaya sa loob! Wag ka ng pumasok, sumama ka na lang sa akin! sabi nung lalaking naka suot ng shades at sombrero. Tapos bigla niya akong hinila palabas ng building. Sino ba tong mokong na to?! Anong karapatan niya para hilahin ako?? Hinde ko nga siya kilala eh!! Hinde ko manlang nakita yung mukha niya!! Hinila ko yung kamay ko sa pagkahawak niya, Teka sino ka ba!! Wala kang pakialam kung hinde ako masayahan dun sa party na yun! Pati sino ka ba para hilahin ako!? Rapist ka no?!?! RAPIST!!!! tinakpan niya bigla yung bibig ko Wag ka ngang maingay dyan!! Hinde ako rapist! Kapal ah! sabi niya sa akin. Tinanggal niya yung shades niya at pagtapos ay tinanggal naman niya yung suot niyang cap. Tinanggal niya rin yung kamay niya sa may bibig ko. Ikaw..!!! Bakit?! Nginitian niya lang ako at hinila ulit palabas nung building. Anong ginagawa niya dito..? Bakit siya nandito~?

Chapter 3: Coincident...ally dating

YUKI~!!!!! Hinde ka pa ba babangon dyan?!? Bigla niyang idinilat yung mga mata niya. Tapos tiningnan ako ng masama. Tinitigan ko lang rin siya. Nagsisimula na yung paglalaban naming ng titigan. Pero kelangan ko ng putulin yun dahil mamamalengke pa kami. Anong tinitingin tingin mo dyan!? Pinapagising ka ni Papa! BAKIT WALANG KUYA!!! tapos bigla siyang sumimangot Eh ano naman? Sabay tayong pinanganak na una ka lang ng ilang minuto! bumangon siya at bigla niya akong binato ng unan, Anong problema mo??? DAPAT KUYA PARIN TAWAG MO SAKIN!! KAHIT NA SEGUNDO PA YUN DAPAT KUYA PARIN!! NAUNA PARIN AKO SAYONG LUMABAS!! EDI KUYA!!!! tapos binato ko pabalik sa kanya yung unan niya. BAKIT MO KO SINISIGAWAN?! tumayo na siya sa may kama niya kaya naka tingala ako sa kanya HINDE KITA SINISIGAWAN!! NAGPAPRACTICE LANG AKONG TAASAN YUNG BOSES KO!! IKAW YUNG SUMISIGAW! tumalikod ako sa kanya, Pag ikaw sinigawan mo ulit ako, hinde na kita tatawaging Kuya habang buhay!! ANOYumi~~! naramdaman ko yung pag yakap niya sa akin, Hinde na sumisigaw si Kuya~~ Hug mo na ko~ Hay nako~~ iba talaga nagiging epekto ng hangover no?? Late na nga nagigising minsan may toyo pa! Akalain niyong hinde nila ako sinundo kagabi kasi nung umuwi sila nag inuman pa ulit silang tatlo!! Wala tuloy mag d-drive eh hinde naman nila pwedeng gising si papa kasi may pasok pa

siya kinabukasan! Kaya ayan!! Nagtaxi ako ng hinde oras!!! Pffft. Sweet nga naman talaga nila. Kuya ano baaaa~! Patuloy parin yung panghaharot niya sa akin. Ano ba tong kapatid ko! College na nga kami tapos sobra parin siyang attached sakin. Kaya tuloy yung mga nagiging girlfriend niya pinag seselosan ako!! Tama ba yun?? Hay nako. Kung hinde lang siguro ako yung nag iisang babae saming magkakapatid siguro hinde ganito kalalabasan namin. Napalakas bigla yung pagtatawanan naming dalawa dahil biglang pumasok sa kwarto si Kuya Jin. Yuki, Yumi, ano ba nangyayari sa inyo? Bakit ang ingay niyo?? Ang aga aga tapos ang ingay niyong dalawa! napatingin kami pareho kay Kuya Jin. Sorry~ sabay naming sinabi ni Kuya Yuki. Kayo talagang dalawa! Lagot na naman kayo kay Papa pag narinig niya kayo!! Wala na kaya si Papa! Pumasok na kaya siya. sabi ko kay Kuya Jin Nanlaki bigla yung mata ko tapos nagkatitigan kami ni Kuya Yuki. Nagtakip ako ng bibig dahil nadulas ako sa sinabi ko. Yumi naman! Mag sisinungaling ka na nga lang bakit mag papabuko ka pa! Patay ka na naman ngayon sa Kuya mo! Pinapagising pala ako ni Papa ha! inakbayan ako bigla ni Kuya Yuki tapos ngumiti siya sa akin. He he he lang yung nasagot ko sa kanya. Oo pinapagising ka ni Papa! Turn mo samahan si Yumi mamalengke.

Tumingin ako kay Kuya Yuki at nilabas yung dila ko. Nag kamot ng ulo si Kuya Yuki parang bang hinde siya makapaniwala sa sinabi ni Kuya Jin. Nung tumingin ako kay Kuya Jin nag ok sign siya sa akin. Mag ayos ka na Yuki naghahanda na ng almusal si Kuya Micky mo. Ikaw naman Yumi bumaba ka na. Tulungan mo si Micky sa pagluluto. Opo. Naglakad na ako papunta sa may pintuan ng kwarto ko pero bago ako pumasok tumingin muna ulit ako kay Kuya Yuki, YUKI BILISAN MO! Sabay sarado ng pintuan. Sumigaw siya ng SINABI NG KUYA YUKI EH! habang kinakatok yung pintuan ko. Lumabas ako sa isang pintuan para tulungan si Kuya Micky. Pero pagkadating ko sa may hapagkainan nakahanda na yung kakainin namin. Nakahanda na rin sa may puwesto ko yung juice ko. Eto ang maganda sa mga Kuya ko. Kahit na sobrang pagod o matinding hangover ang meron sila, hinde parin nila nakakalimutan yung mga responsibilidad sa bahay na to. Yumi kumain ka na. Tinimplahan na rin kita ng juice. Iba ka talaga Kuya Micky! Kaya ikaw yung favorite Kuya ko eh! Kasi kahit na hinde ako nag sasabi, ginagawa mo. Talaga?? umupo siya sa tabi ko, Ako talaga yung favorite Kuya mo?? OF COURSE!!! sabi ko sa kanya. nag thumbs up ako, Youre the best! Big deal sa kanila kung sino yung sasabihan ko ng best kuya! Ako naman hinde ako nageexpect na sabihan nila na ako yung the best sister eh. Syempre, wala naman kasi silang choice! Heehee!! Pano naman ako?? sabay na sinabi ni Kuya Yuki at Kuya Jin. Si Kuya Micky favorite ko for the day. Kayo naman selos kagad!

Kaya ang kelangan kong gawin para walang selosan ay ang sabihin na best kuya siya for the day. Tumayo sa may likuran ko yung dalawa kong Kuya. Akala ko si Kuya Micky na talaga e! Tss. Wag mong kalimutan na 9 months tayong nagkasama sa sa loob tiyan ng nanay natin! Tapos 13 years tayong natulog sa iisang kwarto! Kung hinde lang pinalagyan ni Papa ng harang yung kwarto natin malamang hanggang ngayon magkasama parin tayo! sabi ni Kuya Yuki sakin. Lagi na lang siyang ganyan! Ipapamukha sa akin na dapat siya yung best na Kuya ko kasi mas kilala niya ako kesa sa dalawa ko pang kuya! Kaya pati sila Kuya Jin at Micky natatawa na lang pag nag s-speech na si Kuya Yuki! Oo na! Mas kilala mo na si Yumi! Kambal na kayo, KAMBAL! Kayo na ang kambal! sabi ni Kuya Jin, tapos nag tawanan kaming tatlo habang naka simangot si Kuya Yuki. Kayo naman kasing tatlo lagi niyong tinatanong sakin kung sinong pinaka favorite ko na kuya. Malamang pantay pantay lang kayo. Mas lamang parin si Papa kesa sa inyo no! sabi ko sa kanilang tatlo. Mahirap naman kasing mamili kung sino ung pinaka the best para sa akin sa kanilang tatlo. Ayoko naman isipin nila na nag-kukulang sila sa pagaalaga sa akin. Pero siyempre lamang nga naman si Kuya Yuki sa kanila ng konti. Aminado rin sila na inseparable kaming kambal. Nede-detect kasi kaagaad ni Kuya Yuki kung Masaya, malungkot o galit ako. Alam niyo na, kambal thing. Dahil nga may narcolepsy siya, madalas siyang inaaway nung bata kami! Kaya yun, pag inaasar siya ng mga kaklase namin, ako yung nakakaaway nila! Bwahaha! Parang baligtad no? Yung bunsong babae yung nagtatanggol sa Kuya niya. Ganun lang siguro talaga, nasanay narin naman ako e. Pero simula nung high school, nako, bigla siyang nag bago! Siya na

yung nag tatanggol sa akin, wala masyadong makalapit na lalaki sa akin, kahit ibang babae na takot na rin ata eh. Ok, exagge. Nakakamiss nga lang ngayon kasi hinde na kami pumapasok sa iisang school. Well, hinde naman talaga pwedeng habang buhay kaming magkasama. Nung natapos na kaming kumain ay inabot na sa amin ni Kuya Micky yung pera at listahan ng bibilhin namin. Habang nag lalakad papunta sa may sakayan ng jeep ay binabasa ko yung listahan. Yumi, ano nga pala yung nangyari sayo sa party kagabi?? tanong sa akin ni Kuya Yuki, Masaya ba? May nagustuhan ka ba naman ba?! Napaisip ako bigla. Kagabi? Ano nga ba yung nangyari kagabi? Masaya nga ba? Sasabihin ko ba sa kanya na hinde ako umattend dun sa party at sumama sa isang lalaki? Hay~~ Ok lang Anong ok lang?? Mag kwento ka kaya!!! Wag na. Boring eh. Magpapakilala kayo sa isat isa tapos limited yug oras niyo tapos ibang tao naman. Sa expression ko siguro na-convince ko siya na boring talaga yung party. Hinde na rin kasi siya nagtanong tungkol dun. Habang namamalengke kami bigla kong naisip yung nangyari kagabi. Nakakagulat nga naman yung mga pangyayari. Akalain niyong hide pa ako nakakapasok ng mismong party ay may nabingwit na kagad akong lalaki! Ok lang sana kung napili ko siya dun sa party na yun eh, pero hinde. Hinila niya ako. Nagulat na lang ako nung nakita kong si Peter Lo siya. Si Peter Lo nga. Hinde ko talaga alam kung anong problema niya. Ang k*pal niya sa akin nung nabangga ko siya, tapos ang weird naman niya nung nasa shop siya tapos kagabi naman ibang Peter Lo na naman yung nakasama ko! May multiple personality ba siya!? Hinde ako yung tamang tao para i-kunsulta niya tungkol sa sakit niya!

Yumi!! Napatingin ako kay Kuya Yuki, Ano pang kailangan nating bilhin? Wala na, sabi ko habang umiiling ata. Ok ka lang ba? tanong niya sa akin, Kanina ka pa parang tulala eh. Ok lang ako, tapos tumingin ako sa kanya, tara na. Pagkarating namin sa subdivision namin ay naglakad na lang kami pauwi. Mahilig kasi akong maglakad-lakad kaya pati si Kuya Yuki nasanay na rin sa paglalakad. Yumi! tumingin ako sa likuran ko pero wala namang tao. Hay nako. Eto na naman yung mga walang kwentang taga rito! Mga fans ko nga naman. Papasok na kami ni Kuya sa loob pero may biglang humawak sa braso ko. Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya sa akin. Pano niya nalaman kung saan ako nakatira?? Nasabi ko ba sa kanya kagabi? Wala akong natatandaan na nabanggit ko sa kanya yun.. Unti-unti niyang binitawan yung pagkahawan niya sa akin nung napatingin sa kanya si Kuya. Tinawag kita pero hinde mo ako nakita. Sabi niya habang nakangiti Pano mo nalaman kung saan ako nakatira? tanong ko sa kanya Inakbayan ako bigla ni Kuya Yuki, Yumi sino siya? tapos ay tumingin siya sa akin, Anong kailangan niya sayo? sabay tanong ulit.

Ah~ wala.. Schoolmate ko. Sinagot ko ng diretso yung tanong niya. Pero hinde ko alam yung isasagot ko sa panglawang tanong niya! Malay ko rin ba kung anong kailangan niya sa akin! Pero nung nalaman ni Kuya na schoolmate ko siya hinde na siya nag tanong ulit. Ah ganun ba? Sige papasok na muna ako. Akin na yang bitbit mo. Ibinigay ko sa kanya yung bitbit ko, Sige maiwan ko na kayo Tapos pumasok na si Kuya sa loob. Tss. Papasok yan para sabihin kela Kuya na may kausap akong lalaki! Tapos aakyat sila sa may kwarto ko para silipin kaming dalawa. Style nila~!!! May ka-tropa kasi ako na taga dito. Eh nag-laro kami ng basketball, tapos nakita kita. Kaya yun. Explain niya sa akin Ah~ ok~ sabi ko naman. HUY HINDE KITA SINUSUNDAN AH!! sabi niya habang nag hahand gesture ng hinde. Hinde nga ba? tanong ko naman habang nakatingin sa kanya ng diretso. Eh~ hin pinutol nya yung sasabihin, sinundan lang kita nung nakita kita, bigla niyang itinaas yung kamay niya malapit sa may baba niya at winawagayway niya ito habang umiiling,PERO HINDE KO TALAGA ALAM NA TAGA RITO KA!!! Tss. Bakit ba masyado siyang defensive?! May sinabi ba ako? Napakamot siya bigla tapos habang nakangiti, Baka kasi isipin mo na

sinusundan kita.. Tumango na lang ako para kunwari naiintindihan ko Siya. Pero ang totoo, hinde ko naiintindihan. I mean, bakit kelangan niya pa akong sundan? Sabihin na natin na nakita niya ako, fine, pero hinde kami ung tipong hihello pag nagkikita. Di niya ba naalala na may atraso siya sa akin? Sinabi ko na yun sa kanya eh! Hinde pa rin ba niya naiintindihan yun?! PETER! napatingin kaming dalawa dun sa lalaki sa may kanto ng street namin, HALIKANA! Napatingin siya sa akin, Kaibigan ko. Ah~ sige umalis ka na. Ingat. Tumalikod na ko pagkatapos kong sabihin un. Teka lang Yumi~! sabay hawak niya sa kamay ko, Gusto mo bang lumabas mamaya? May atraso ako sayo diba? Babawi lang ako. Hinde na kailangan, Sabay hila ko sa kamay ko, sige papasok na ko. Para naman hinde mo na isipin na ganun talaga ugali ko isang beses pa nga lang tayo nagkabangga tapos parang ang yabang na sayo ng dating ko sabi niya habang nakatingin siya sa akin, Kung bastos pa rin yung tingin mo sakin pagkatapos nung date ngayon, wag mo na akong pansinin kahit kelan! Date daw. Anong feeling niya? Sasama ako sa date na sinasabi niya? Baka labas ang ibig niyang sabihin! Sa mundo ba niya, date ang tawag sa labas? Weird. Hinde ako papaya sa date na yan! Sige, pero yun ang akala ko. Gusto kong sabihin na hinde ako papaya pero biglang iba yung lumabas sa bibig ko. magkita na lang tayo sa may Susunduin kita dito. Pinutol niya yung sasabihin ko.

Mas pabor naman sakin yun kasi hinde ko na kailangan pang gumastos. Tama. Hinde ko na kailangan pang mag labas ng pera para lang sa pamasahe. Bago pa mag enjoy ng tuluyan yung mga kapatid kogn tsismoso, kailangan tapusin ko na yung paguusap namin ni Peter. Sa kanto mo na lang ako intayin. 5. Sabi ko sa kanya bago ko isara yung gate. Bakit ganun? Kahit na ang sama ng loob ko sa kanya, hinde ko parin mapigilan yung sarili ko na wag siyang tingnan o magustuhan. Lalo na kagabi, kahit na hinde kami masyadong nagusap pero mapapansin mong parang hinde siya yung ganung klaseng tao. Tsss. Nag papadala na naman ako sa emosyon ko! Kaya lang kami tahimik kasi pinanood ko siyang uminom ng uminom! Anong sasabihin ko sa kanya pag ganun?! Tapos nalaman ko na lang bigla na hinde na ako masusundo ng mga kapatid ko kasi lasing na sila sa bahay!! Kaya dahil nga dun, napataxi tuloy ako ng di oras. Hay. P150.00 ko! Syempre pag pasok ko narinig ko yung mga takbuhan ng mga kapatid ko at ininterview na ko! Sino daw yung lalaki, san ko daw nakilala pati ano raw yung kailangan sakin. Sinabi ko na lang sa kanila na schoolmate ko yun at may kailangan kaming gawing project. Totoo naman diba? Schoolmate ko siya at gagawa kami ng project! Kung papasa siya sa akin o hinde. Nagpaalam na ko sa mga kapatid ko na aalis na ko. Paglabas ko ng bahay, nakita ko na siya sa kanto ng street namin.Bakit parang kinakabahan ako~? Parang bumibilis tibok ng puso ko~ Yumi~! sabi niya sa akin habang kinakawayan ako Kanina pa kaya siya dun? Nag-antay kaya siya ng matagal? Umiling ako.

Bakit ko ba iniisip ung kalagayan niya! Hinde nga kami magkakilala eh! Pffft. Nakakalimutan ko na ba yung ginawa niya? Wag kang magpapatalo sa kanya! Yumi~ compose~~ one sided lang ang lahat! One-sided ikaw noon, one-sided rin siya ngayon! Tara na. naglakad siya papalapit sa isang kotseng itim na nakapark sa may gilid. Mayaman pala talaga siya. May kotse eh. Maya maya ay dumating na kami sa isang mall sa Makati. Nagikut-ikot kami at tumingin ng mga damit. Tss. Anong akala niya? Nagpunta ako dito para mag shopping??? Sa tingin niya nas budget ko ngayon ang mag shopping? Aba! Kung alam ko lang na eto yung gusto niyang gawin edi sana hinde na lang ako pumayag na lumabas kami. Psh. Pagtapos niya tumingin ng mga damit ay niyaya na niya akong manood ng movie. Infairness, ako pinapili niya ng movie. Hanggang sa matapos yung movie ay hinde kami nagusap. Parang siya na yung Peter Lo na naging kaklase ko nung summer. Sa kalagitnaan ng movie ay nagpaalam siya sa akin na mag babanyo daw siya. Siguro mga 10 minutes din siyang wala kaya medyo kinabahan ako. Nung una iniisip ko na baka sumama lang yung tiyan niya pero nung lumagpas na ng six minutes yung pagkawala niya kinabahan na ko. Iniwan na kaya niya ako? Baka naman may emergency, hinde niya lang alam kung paano ako kokontakin.. yun ang sinasabi ko sa sarili ko. Pero nung bumalik siya gumaan bigla yung pakiramdam ko. Akala ko kasi inabandona na naman ako for the third time. Ayoko na maramdaman pa yung feeling na iniwan ka. San ka ba galing? tanong ko sa kanya

Ha? Sa banyo Bakit? Ang tagal mo naman mag banyo. Akala ko iniwan mo na ko.. sabi ko ng mahina. Ha? Ano ulit yung sinabi mo? humarap na lang ulit ako sa screen Hinde sinagot yung tanong niya. May rule ata ako: Walang ulitan sa bingi! Pagkatapos nung movie ay niyaya niya akong mag dinner, pero bago kami lumabas ng movie house ay may inabot siya sa akin na paperbag. Hinde ko rin alam kung saan niya nakuha yun pero ang sabi niya sa akin ay magpalit daw ako ng damit. Nung nakita ko yung laman ng paperbag, medyo natuwa ako. Binili niya kasi yung dress na tinitingnan ko kanina. Ano kaya yun~ parang sira talaga siya~! sabi ko habang nakangiti. Tiningnan ko muna kung naka kabit pa yung tag, pero hinde ko na ito nakita. Mahal din tong damit na to kaya hinde ko na pinag pantasyahan pa! Wala sa budget ko. Pero ang nakapagtataka lang, pano niya kaya nalaman yung size ko? Si Petr Lo nga siya~ mahirap hulaan! Dahil excited na kong isuot yung damit, agad na akong nagpalit at lumabas ng banyo para ipakita sa kanya yung itsura ko. Kinalabit ko siya, nung tumingin ako sa kanya, naka smile na siya sa akin. Kinuha niya yung paperbag sa kamay ko at nauna nang naglakad. Para saan yung ngiti na yun?? Hinde man lang siya nag comment sa itsura ko! Pano ko kaya malalaman kung bagay o hinde? Tss. Walang kwenta. Wala masyadong tao sa restaurant na pinuntahan namin sa may mall. Mukhang mamahalin rin kasi. Pano na lang pag pinagbayad niya ako!!?

Wala akong masyadong dalang pera! Tama lang na pamasahe pauwi incase na iwanan niya ako bigla. Libre rin yung dinner ko kaya, ayun, busog. Pero syempre di mahal ung inorder ko! Peter Lo. Sabi ko Tumingin siya bigla sa akin. Medyo nakakunot yung itsura niya nung tumingin siya pero ngumiti in eventually, Wow~ kulang na lang isama mo ung middle initial ko ah~! Peter na lang! Nasanay ako na Peter Lo tawag ko sayo eh. Hinde masyadong madiin at hinde masyadong malakas na pagkasabi ko sa kanya. Tinatawag mo ako? tanong niya sa akin I mean, pag naririnig ko, o kaya pag ikaw yung tinutukoy ko, laging kumpleto. Palaging Peter Lo. Explain ko naman sa kanya Papayag ka ba na Yumiko Gala itatawag ko sayo? medyo maganda yung pagkasabi niya ng pangalan ko. Masarap sa tenga. Pero syempre, hinde ko gustong tawagin ako gamit yung buo kong pangalan. Hinde. Sabi ko ng medyo mahina. See. Kaya Peter na lang. tapos ngumiti siya. Paano mo nga pala nalaman na Gala yung family name ko?! Ngumiti siya sa akin, Magaling ako eh. sagot niya sa akin. Hinde ko naiwasang tingnan yung mukha niya at ngumiti nung sinabi niya yun. Para kasing ibang Peter na yung kasama ko. Umupo kami sa may bench at pinagpatuloy yung aming kwentuhan. Mayaman ka pala talaga~ hahaha! sabi ko, habang nakatingin sa kanya.

Galante eh. Nilibre mo na nga ako ng movie pati dinner libre pa! Di ko na rin kailangan gumastos ng pamasahe dahil hated-sundo. Medyo natawa siya sa sinabi ko pero seryoso siyang sumagot sa akin, Hinde ah. Ipon ko kaya yung ginastos ko kanina. Hinde naman porket ako yung gumastos, mayaman na. Sa Mom ko yung car. May point nga naman siya. Pero anong ibig sabihin nun? Na hinde siya mayaman? Eh bakit ang sabi nilamali ba?! Ahh~ balita ko magaling ka raw mag basketball ha. Mukha ngang madalas ka mag-laro. Umiling siya, Hinde ako magaling mag-basketball, marunong lang ako, pero hinde ako magaling. Hinde accurate yung pagshshoot ko. Explain naman niya sa akin Teka, ano bang nangyayari sa mundo?! Ibig sabihin tsismis lang talaga lahat nung narinig ko? Hinde siya mayaman pati hinde siya magaling mag basketball! Wag niyong sabihin na hinde rin siya matalino, mabait at gentleman!! Medyo suplado ako at mainitin yung ulo, nag-iba bigla yung tono ng pananalita niya, para bang nabasa niya bigla yung nasa isip ko, average lang yung grades ko. Sabi niya lahat yun, out of the blue. Wala pa nga akong tinatanong eh. Ano ba yung mga schoolmates ko?! Utu-uto ba sila?? Hinde siguro nila kilala yung tunay na Peter Lo!! Pati bakit parang naging iba yung atmosphere sa paligid namin? Hinde maganda yung feeling~ Dahil ba dun sa mga narinig mo kaya ka pumayag umalis kasama ko? iba parin yung tono ng pananalita niya, para bang galit siya na naiinis na naiirita. Hinde ko malaman kung ano sa tatlong yun, pero iba talaga.

Wala ni isang katiting na sign na nagbibiro lang siya. Seryosong-seryoso yung itsura niya habang nakatingin ng diretso sa akin, sa mga mata ko. Yung kumakalat sa campus ganung klaseng tao rin ba yung ineexpect mong Peter Lo? Hinde ako maka-imik, hinde ako makagalaw at hinde ko alam kung anong dapat kong gawin at sabihin. Anong klaseng tao nga ba ang ineexpect kong Peter Lo?

Chapter 4: Phases and Faces

Limang araw ko nang hinde nakikita si Peter Lo. Siguro sumama yung loob niya sa akin nung gabing yun. Sino nga naman bang hinde maaasar sa sinagot ko? Hay~~ ganung klaseng tao rin ba yung ineexpect mong Peter Lo? Oo. Yun nga yung ineexpect kong Peter Lo. Mayaman, matalino, magaling mag basketball, gentleman at mabait. Ngumiti ako sa kanya pero seryoso parinsiyang nakatingin sa akin. Yun ba gusto mong marinig sakin? Pagkatapos nun ay hinde na kami nag usap. Inihatid niya ako sa bahay. Ang tahimk nga nung time na yun eh. Ni ha ni ho wala! Akala ko nun mabibingi ako sa sobrang katahimikan. Ang awkward pa! Mabuti na lang at hinde traffic dahil kung hinde, malamang hinde ko na kinaya! Oo, siguro nga dahil sa mga narinig ko sa paligid ko kaya ako nagkaroon ng interes sa kanya. Pero hinde dahil dun kaya ko siya nagustuhan... parang meron pang ibang dahilan, pero hinde ko alam kung ano. Ok lang naman sakin kung hinde siya mayaman, matalino, o magaling magbasketball. Wala sakin yun. Kung gusto ko siya, gusto ko talaga siya. Kung hinde lang niya sinira ung moment namin nun, siguro nasabi ko na sa kanya na, mabait siyang tao at wala akong pakialam kung hinde totoo ung tsismis. Ganun ba tingin niya sa akin? Dahil lang hinde siya matalino, magaling mag basketball at mayaman, hinde ko na siya gusto? Ganun ba kababaw tingin niya sa akin?? Hinde ko rin alam kung bakit gusto ko pa rin siya kahit na medyo nakakainis siya. May sira na ata ako sa ulo! Nilapitan ako bigla ni Anna. Napansin niya ata na medyo nagda-day dreaming na naman ako. Yumi, nasabi na ba sayo ni Boss yung balita?? tanong niya sa akin

Balita? Tungkol saan na naman kaya yun? Increase ba ng sweldo? May bonus ba kami sa katapusan? Umiling ako, Hinde pa. Ano ba yung balita? Eh naghire ata si boss ng isa pang tauhan eh, napapalakpak siya habang nakangiti, Lalaki siguro yun! Yumi kasi siya ng Yumi eh. Ang weird naman kung babae yun tapos Yumi sinasabi niya! Sabi rin ni Boss pareho kayo ng pasok. Ewan ko ha. Baka lang yun. sabi niya sa akin. Ahh. Sino daw ba yun? tanong ko naman sa kanya. Ewan. Puro Yumi yung naririnig kong pangalan. Nagtaka siya bigla tapos napatingin sa akin, Baka kapangalan mo? O baka napahinto siya saglit tapos hinawakan yung kamay ko, hinde kaya si Yuki yun?? Imposible. Ikukwento niya kagad sakin yun pag natanggap siya dito, pero wala siyang nakukwento e. Pati hinde ko rin siya papayagan magpart-time kaya imposible. Sabi ko naman kay Anna Ganun..? Bakit naman hinde?? Nanay ka ba niya? napayuko siya habang nakatingin sa kamay niya, Sayang.. Wag niya ngang sabihin sa akin na na-love at first sight siya kay Yuki!! Matatawa ako pag ganun!! Hinde ko maimagine na si Yuki may girlfriend, at kasama ko pa sa trabaho! Pati hinde ko papayagan si Yuki mag trabaho dahil sa sakit niya! Strict ako sa kanya pag dating dun. Pagtapos namin mag kwentuhan ni Anna ay biglang dumating yung boss namin. May kasama siyang lalaking naka sumbrero at shades. Pero parang may kamukha siya~~ Hinde ko lang matandaan kung sino~ Nilapitan ulit ako bigla ni Anna at habang sinisiko ay bumulong siya ng nakangiti, Yumiko Gala! Lalaki siya!

Binati namin yung may ari nung shop at lumapit sila nung kasama niya sa may counter. Lumabas kaming tatlo sa may counter para harapin sila ng maayos. Yumiko, Ross pati Anna. Eto yung bago niyong makakasama sa trabaho. hinila niya yung lalaki sa may gilid niya, Pamangkin ko siya. Siya si Peter. Peter? Peter Lo?? Hahaha. Imposible! Pano naman magiging pamangkin nung may-ari ng shop si Peter?? Ano to, joke?? Tsss. Bakit ba naiisip ko pa yang Peter na yan! Mamalasin lang ako ngayong araw eh. Ano naman kung hinde niya hiningi ung number ko! Ano naman kung hinde siya nagpakita sakin! Ano naman kung after nung date na yun hinde na siya nag paramdam! Mamamatay ba ko?! Napatingin ako dun sa Peter na yun. Kumaway siya bigla sa akin at ngumiti. Kilala niya ba ako? Tss. Wag nga siyang mag papansin dyan! Wala ako sa mood ngayon! Tinanggal nung Peter yung suot niyang salamin habang nakatingin sa akin. Hi Yumi~! sabi niya sa akin, Wala akong alam sa ganito kaya sana tulungan mo ako~ Sige, kayo na ang bahala sa kanya. Medyo engot to pero kung tutulungan niyo siya, sa tingin ko makakayanan naman niya yung trabaho. Sabi nung boss namin bago lumabas ng shop. Napangiti ako bigla sa sinabi nung boss namin. Medyo engot pala talaga siya eh. Akala ko ako lang nakapansin nun. May kakampi pa pala ako. Napatingin sila sa akin at tinanong kung ano raw yung nakakatawa. Si Ross sinamahan si Peter magpalit ng damit. Si Anna naman agad tinanong sa akin kung close daw ba kami ni Peter Lo. Hinde porket tinawag niya akong Yumi ay ibig abihin close na kami. Tinanong niya rin sa akin kung alam ko raw ba na Tito ni Peter yung may ari nung shop. Malamang hinde. Kung

nalaman ko lang ng mas maaga pa na Tito niya yung may-ari nung shop edi sana hinde ko siya binastos kamakailan lang! Pati kelan ko nga lang nakausap yang lalaking yan eh! Lumabas na sina Ross at Peter galing sa may locker room namin. Nakasuot na rin si Peter ng uniform niya. Ano ba to. Maliit nga masyado ang mundo naming dalawa. Nag dagsaan na yung mga customer syempre si baguhan hinde alam ang gagawin. Sinabi na lang ni Ross na siya na lang muna mag ligpit nung mga kalat at pinag kainan. Well, hinde naman siya tumanggi, actually, nakangiti pa siyang sumagot kay Ross nun. Akalain niyo yun? Pagkatapos niyang sabihin sakin na medyo mainitin ulo niya, hinde siya nag dalawang isip sundin utos ni Ross ng nakangiti! Tss. Pakitang tao. Habang konti pa yung tao ay unti-unting tinuruan ni Ross si Peter. Kung pano gumawa nito, nyan, nun at kung ano pa. Infairness, mabilis siyang natuto. O baka, oo lang siya ng oo para hinde siya mapahiya. Nung nakita niya akong nakatingin sa kanila ay bigla siyang ngumiti. Iniwasan ko na lang tuloy yung ngiti niya. Habang nag aasikaso ako ng customer hinde ko na naman mapigilan ang pag tingin kay Peter. Pero bawat tingin ko sa kanya, lagi niya akong nahuhuli! May mata ba siya sa gilid ng ulo niya at palagi niyang napapansin na nakatingin ako?! Ngumingiti pa siya! wag nga siyang mag-feeling! Napapatingin lang ako! Unconsciously. Nung wala ng nakapilang customer at bigla niya akong nilapitan. Tinapik niya yung balikat ko at ngumiti. Yumi, sabi niya, ano nga pala nung sabado iniintay ko yung kasunod niyang sasabihin pero nakatingn parin siya sa may harapan niya. Kalimutan mo na yun. Isipin mo na lang na parang walang nangyari. Na hinde ako yung nakasama mo. Sabi ko sa kanya ng diretso. Hinde ko rin alam kung bakit ko nasabi yun. Bakit ba ko nagiging ganito!

Napatingin siya sa akin, Totoo ba yung sinagot mo sa tanong ko nun? Tumingin ako ng diretso sa kanya, Oo. Kahit na hinde. Napatango na lang siya. Ilang minute rin yung nakalipas bago siya ulit mag salita. Ano nga pala yung number mo?? Hinde ko nakuha nung sabado eh. Tanong niya sa akin habang nilalabas niya yung cellphone niya Ha? Ba naputol yung sasabihin ko dahil biglang nagdatingin yung mga kaibigan ni Peter Lo. PETER! Napatayo siya bigla at kumaway sa mga kaibigan niya. Oh napadaan kayo? tapos nakipag high-five siya sa kanila. Syempre binibisita ka namin! sabi nung lalaking naka tayu-tayo yung buhok. Hinde ba dapat SIR ang tawag mo samin? asar naman nung lalaking kalbo O-order ba kayo o hinde? tanong niya bigla sa mga kaibigan niya Kung hinde kayo o-order pwede na kayong makaalis! Intayin niyo na lang ako sa may labas. Pee, customer is always right! sabi na naman nung kalbo Tumayo ako para kumuha ng tubig. Wala akong mapapala kung papanoorin ko silang magkakaibigan.

Hi Yumi! Napalingon ako sa kanila at nakita ko si JM. Ngumiti ako sa kanya tapos kumaway. Kilala mo yun? hinde ako sigurado kung sino yung nagtanong pero sigurado akong isa sa kanila yun. Duh. Oo. Ilang beses ko siyang naging kaklase eh. narinig kong sinabi ni JM Ah ganun ba? Napahinto siya sandali. Parang nag bulungan sila ata. Pee, o-order kami. Sige teka lang. Naramdaman ko yung kamay ni Peter Lo sa may balikat ko, Yumi, o-order daw sila. Tapos ngumiti siya. Tumango lang ako at lumapit na sa may cash register para kunin yung order nila. Ngumiti ako sa kanila at sinabi yung magic word na may I take your order. Umorder sila ng isang club house, vanilla frappuccino, at dalawang ripe mango shakes. Habang iniintay nila yung order nila ay patuloy parin silang nag uusap kasama si Peter Lo. Medyo malakas ung pag uusap nila kaya akala ko pinaparinggan nila ko. Ayoko naman mag-feeling, no! Kaya kunwari wala na lang akong naririnig. Hay. Kaya lang palakas ng palakas ung boses nila pag napapansin nilang hinde na ko nakikinig. Yumi, ikaw ba pinaparinggan nila o ako? tanong sakin ni Anna. Hinde ko naman masagot kaagad yung tanong niya kaya ikinibit ko na lang yung balikat ko bilang sagot, Peter Lo pwede na. sabi niya bigla habang nakangiti. Nung tapos na gawin ni Ross yung order nila, nagprisinta bigla si Anna na siya yung nag dala nung order nila sa table nila. Nung nakuha na nila yun ay tumayo sila at nagpaalam na kay Peter. Napatingin ako sa orasan at

napansin kong tapos na yung shift ko. Tumayo na ko sa kinauupuan ko, Ross, mag bibihis na ko ah. Tapos na rin naman yung shift ko eh. Tumango si Ross sa akin kaya pumunta na ko sa may locker room. Nagpalit na ako ng damit at saka lumabas ng locker room. Nakasalubong ko si Peter at parang medyo nagulat siya nung nakita niyang iba na yung damit ko. Tapos na shift natin? unang tanong niya sa akin. Teka, bakit parang may mali sa tanong niya? Natin?? Tapos na shift ko. Kaya uuwi na ko. Sabi ko sa kanya kaya dumeretso na ko kela Anna. Nakita ko na si Jani pati Mariel. Nagpaalam na ko sa kanila na mauuna na kong umalis dahil ayoko naman pag hintayin si Mariel ng matagal. Syempre dahil si Mariel ang kasama ko, expected na hinde uwi ang diretso namin. I bet mag aaya na naman yan mag-mall o kaya kumain sa labas! Pag si Mariel ang kasama GASTOS! Pero syempre, libre ako. Kaya mahal na mahal ko siya! <3 Habang nasa sasakyan kami napansin kong palaging tumitingin sa akin si Mariel. May mali nga lang sa tingin niya, parang nakanguso siya may nagawa ba akong mali? Whats up? Tanong ko sa kanya. May problema ka ba? Tss. Tapos sumimangot ulit habang nakatingin sa daan. Bakit ang dami mong tinatago sakin?? Simula nung speed-party, parang hinde na kita kilala. Kaya pala siya nagkakaganyan dahil hinde ko pa nakukwento sa kanya yung mga nangyari sa akin. Hay. Pwede naman siyang magtanong eh. Alam

naman niyang hinde ako yung taong nag kukwento hanggat hinde tinatanong. In short, hinde ako makwentong tao. Madaldal ako, pero hinde ako pala kwento. Basta weird. Ganito yun~ simula ko. Paano ko kaya itutuloy yung kwento? May lalaking humila sa akin? Sumama ako sa isang lalaki? Lumabas kami nung kakilala ko? Hinde ako magaling mag kwento eh. Hinde ko forte yun. may humila kasi sa akin nung pa-pasok na ko sa loob nung party. Humila? Sino? napahinga na lang ako ng malalim, OH. MY. GOD. bigla siyang napatapak sa break kaya medyo nagulat ako, STRANGER?! Hinde. Schoolmate ko. Sabi ko sa kanya. Tumingin ulit ako sa kanya, Kilala mo siya. tapos ay tumingin ulit sa harapan. Okay. Save it for later! Mamamatay tayo pag nabigla pa ako sa kwento. Sabi niya sa akin habang nilalabanan yung traffic. We definitely need to catch up! Para namang ang dami niyang na-miss na kwento. Kung hinde ko lang siya mahal siguro wala na akong pakialam kahit na magalit siya sa akin! Sa BF kami kumain para malapit lang and if ever mag-aya siyang uminom, safe kaming makakauwi. Umorder kami ng isang pitcher ng red tide, kulay red siya na inumin (duh!) tapos may gin. Cocktail? Not really. Parang juice siya na hinde. Kumain na muna kami ng dinner ni Mariel bago namin sinimulan yung session namin. Hinde niya parin pinapatuloy yung kwento, gutom siguro. Haha. Tahimik kaming kumakain pero nung patapos na kami tinawag na niya yung pangalan ko at sinabing game. Kinuwento ko sa kanya yung buong nangyari nung party niya. Sabi niya pa sa akin, hinde daw siya mapakali kasi wala raw ako. Natakot daw siya bigla kasi baka mag kulang daw yung mga babae. Hassle naman daw yun para sa

mga lalaki, pero nagulat siya nung biglang may tao daw na hinde umattend nung party. So meaning, si Peter Lo yung kasama mo nun?? tumango ako, OH MY GOD! I cant believe it!!! As in si PETER LO? Oo! Siya nga! Ang kulit mo ah. Nag toast kami at uminom Siya rin kaya yung hinde ummattend sa party? ikinibi ko yung balikat ko, Ano ba yung itsura niya? Ang tagal mo na siyang nakukwento pero hinde ko parin alam itsura niya. Wala ka bang picture? Umiling lang ako, Hinde ako stalker para picturan ko siya no. Yumi? tumingin ako sa gilid ko pero wala akong nakitang nakatingin sa akin. Sa likod mo. Sabi sa akin ni Mariel. Lumingon ako sa may likuran ko para tingnan kung sino yung tumawag sa akin. Ikaw nga! sabi bigla ni JM, Nanghuhula lang ako eh. He he! Ngumiti ako sa kanya, Ikaw lang mag-isa? tanong ko sa kanya. Aba hinde niya ata kasama yung mga kaibigan niya kanina. Umiling siya bigla. As expected. Hinde, pappasok na rin yung mga yun. Tumango na lang ako. Pwede bang dito na lang rin kami? Ha? Nabigla ako masyado sa tanong niya. Dito sila uupo sa table namin?? Hinde niya ba nakikitang may kasama ako? Napatingin ako kay Mariel, Mariel si JM, schoolmate ko. Napatingin naman ako kay JM, Siya si Mariel, bestfriend ko. Nag shakehands yung dalawa at nag palitan ng ngiti. Tss. Close na sila nyan?

Umupo si JM sa may tabi ko habang nag kukwentuhan sila ni Mariel. Maya-maya ay may biglang tumawag sa pangalan ni JM. Ayokong lumingin kasi nabobosesan ko yung taong yun. Tumayo si JM at kumaway sa kanila. Yumi? narinig ko na naman yung pangalan ko. Dahan-dahan kong inilingon yung ulo ko para tingnan siya, Yumi! Uy. Nandito ka. Sabi ko kay Peter. Napatingin ako kay Mariel at ipinakilala siya kay Peter, Mariel si Peter. Hi Ako nga pala mabagal siyang nag salita. Patrang akala mo ay may iba pa siyang nakita. si Mariel. Tapos napatingin siya sa akin. Puzzled parin yung itsura niya. Parang hinde siya makapaniwala. Akalain mo nga naman. Pinaguusapan lang namin siya kanina tapos biglang kasama na namin siya. Nung nagsi-upuan na yung mga kasama nila Peter ay bigla na kaming natahimik ni Mariel. Nag cocommunicate na lang kaming dalawa through tinginan. Uubusin na lang namin yung inumin namin tapos ay uuwi na kami. Sa tingin ko may gusto siyang sabihin. Siya kasi yung tipong pag may lalaki na kaming kasama at alam niyang related sakin pipilitin niya akong magstay kahit na anong mangyari. Pero ngayon, nakakapanibago. Nararamdaman ko na yung sipa ni Mariel sa akin at yung nakakatakot niyang tingin, Uy, sige mauna na kami. May pasok pa kami bukas eh. Sabi ko sa kanila Mamaya na! May pasok rin naman kami bukas eh. Sabi nung kalbong kaibigan ni Peter. Oo nga naman, mamaya na. sabi naman nung nakasumbrerong lalaki. Pinitil kong ngumiti sa kanila, Eh kelangan na talaga namin umuwi eh next time na lang ulit.

Next time??? Nako!! Hinde ko nga kinaya yung 15 minutes na yun eh! Tapos nenext time pa kami? Di na no! Sige, hatid ko na kayo. Sabi naman ni Peter. Dito na muna kayo, hatid ko lang sila pauwi Winave ko kaagad yung kamay ko, Hinde, hinde! Ok lang kami. May dalang sasakyan si Mariel! tapos napatingin ako kay Mariel Ah, oo! May dala akong kotse! tapos ngumiti siya, Thank you na lang sa pag alok. Biglang parang nabigo yung tsura niya. Ganun? Sige, hatid ko na lang kayo sa sasakyan niyo. Sabi ni Peter. Lumabas na kaming tatlo pagtapos mag paalam sa kanila. Si Peter naman nasa my gilid ko at si Mariel naman ay nangunguna sa pag lalakad. Sorry hinde na ko nakapag paalam sayo kanina. Ayoko kasing pag antayin si Mariel eh. Umiling si Peter, Hinde, ok lang. Oo nga pala! Hinde mo pa sinasabi sa akin yung number mo~ naputol kasi usapan natin kanina eh~ Ang gulo naman niya, hinde, oo, hinde! Pffft. Pati bakit hinde niya yun kinuha nung sabado?! Ang daming niyang oras nun tapos nakalimutan niya? Pwede ba yun?! Kahit na ayoko ibigay, ang weird parin kung lumabas kami tapos hinde namin alam yung number ng isa't isa. Eh hinde naman kelangan eh~ wala naman tayong kelangan sa isat isa. Kaya para san pa? tanong ko sa kanya Para pag gusto kitang makausap, makatext pati makita. Nagkatinginan kami bigla, Alam ko kung pano kita kokontakin.

Wala akong choice kung hinde ang ibigay sa kanya yung number ko. Nilagay niya rin yung number niya sa phone ko para daw hinde daw ako magulat kung may biglang mag text or tumawag sa akin. Nung nakarating na kami sa may kotse ni Mariel ay nag paalam na kami sa kanya at umuwi na. Hinatid na muna ako ni Mariel pero bago ako bumaba ay nag usap kami. Yumi sabi niya, si Peter~ siya yung naka yellow diba? Yung gwapo siya yun diba? Tumango ako, Pinakilala naman kita diba? Nakalimutan mo na kaagad kung sino siya dun sa lima? Umiling siya, Hinde~ kasi Kasi ano? Tanong ko, May problema ba sa kanya? Naging boylet mo ba siya? Naka one-night-stand?? Ano?? Iiwasan ko na ba? May mali ba kay Peter Lo?? Bakit parang gulat parin siya nung nakita niya si Peter? Akala ko ba gusto niya yun makita tapos bigla namang ganyan yung reaction niya! Ano ba kasi yung problema niya? Tanga hinde. Napatingin siya bigla sa akin, Kamukha niya Ha? Sino? Kamukha?? Sino na naman yung kamukha ni Peter? Naisip ko na rin yan eh. Pero hinde ko talaga mahulaan kung sino. May mali ata sa memorya ko. Nagiging bobo na ata ako. Si Miguel Perez. Nagulat ako nung biglang sinabi ni Mariel na si Miguel yung kamukha ni Peter. Yumi may hawig talaga sila! Hinde mo ba napansin?? Napailing ako. Sige papasok na ko Tawagan na lang kita mamaya, ok?

Sige, nagulat ka rin ata sa sinabi ko.. sorry babe.. tapos niyakap niya ako, mag pahinga ka na lang tawagan na lang kita bukas sa break ko, ok? Tumango ako at saka lumabas ng kotse niya. Nag doorbell ako at si Kuya Micky yung nag bukas. Tinanong niya kung may problema ako dahil daw ang tamlay nung itsura ko. Syempre kinailangan kong mag sinungalin. Pati, wala naman talaga akong problema eh, napapaisip lang ako. Nakapag aral, ligo at bihis na ako. Pero naaalala ko pa rin yung sinabi ni Mariel. Hinde ko napansin. Si Miguel may hawig kay Peter? Bakit ngayon ko lang naisip? Masyado ko na bang kinakalimutan yug itsura ni Miguel para hinde ako masaktan? Pero bakit ako naapektuhan? Ok na ako diba? Bakit si Miguel pa yung naging kahawig niya? Dahil ba kay Miguel kaya ko siya nagustuhan? tanong ko ng mahina sa sarili ko. Biglang tumunog yung cellphone ko Peter Lo, calling.

Sasagutin ko ba yung tawag niya? Gusto ko siya biglang makita~! Gusto ko siya biglang yakapin~!

Chapter 5: Let Bygones be Bygones

Tumigil na sa ka-ri-ring nung cellphone ko. Pero bigla namang may nag send sakin ng message. Binasa ko yung message na nanggaling kay Peter. From: Peter Lo Yumi sagutin mo ung phone mo. Tatawag ako uli. -Peter Biglang nag ring na naman yung cellphone ko, si Peter na naman. Pinindot ko yung answer button para masagot yung tawag niya. Hello? mahina kong sinabi. Dahil hinde parin ako makapaniwala sa sinabi ni Mariel tungkol kay Peter. Hinde ko tuloy alam kung paano ko siya kakauapin. Yumi sabi niya gamit ang napaka maamong tono ng boses niya. nasa bahay ka na ba? Oo. Sabi ko. Ang dami kong gustong sabihin pero hinde ko alam kung saan ako magsisimula Ikaw? Pauwi na rin ako. sabi niya sa akin Ah ganun ba ingat ka. Mm. Ang tagal bago may nagsalita ulit saming dalawa. Hinde ko alam kung gusto na niyang mag-bye o may iniisip lang siya kaya siya natahimik. Pwede ba kitang iniintay kong ituloy niya yung karugtong ng sasabihin niya pero hinde parin siya nag sasalita.

Ano yun? hinde ko mapigilan yung sarili kong hinde itanong kung ano yung gusto niya. Puntahan dyan ngayon ikaw pwede ba? nagkabalibaligtad na yung gusto niyang sabihin sakin. Pero hinde ko parin alam yung isasagot ko. Gusto ko siyang makita pero baka isipin niya na gusto ko siya kahit na totoo. Gusto ko lang tingnan kung may hawig talaga sila ni Miguel kung makikita ko sa kanya si Miguel. Ayokong makita sa kanya si Miguel dahil alam kong hinde tama yun. Pero kahit ngayon lang, gusto kong maging makasarili. Yumi? Umm ok lang ba sayo kung dumaan ka muna dito? Five minutes! sinabi niya ng malakas. Parang nabigla siya sa mga narinig niya sa akin kaya biglang lumakas ung boses niya. Intayin mo ko! Binaba na namin yung phone. Nagpalit ako ng damit para hinde nakakahiya yung itsura ko. Anong sasabihin ko sa kanya pagdating niya dito? Pano pag tinanong niya na lang ako kung bakit ako pumayag na pumunta siya dito? Teka, ang sabi ko lang naman sa kanya dumaan siya dito eh. Pero ganun rin yun eh!!! Pano pag nahuli ako ng mga kapatid ko!? Lagot si Peter nun! Ano ba tong pinasok ko!!! Hinde pa naman huli ang lahat para pauwiin ko na lang siya. To: Peter Lo Wag ka na palang dumaan. Night. Sinend ko na sa kanya yung text message ko. Siguro naman natanggap na niya yun. On the way pa lang naman siya eh. Wala pang five minutes. Biglang nag vibrate yung phone ko. Sinilent ko na yung cellphone ko para hinde makaistorbo sa mga natutulog. From: Peter Lo

Labas ka na. Nagulat ako sa nabasa ko. Hinde ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Naging blanko bigla yung isip ko. Anong sasabihin ko? Lalabas ba ko? Anong gagawin ko? Namin? Hinayaan ko na lang gumalaw yung katawan ko since hinde gumagana yung utak ko ngayon. Binuksan ko ng dahan-dahan yung gate at nakita ko yung kotse ni Peter Lo sa may tapat nung kapitbahay namin. Nakita ko siyang nakatayo sa may tabi ng kotse niya. Nung nakita niya akong nakatingin sa kanya ay kumaway siya at lumapit sa akin. Habang naglalakad siya ng mabagal papalapit sa akin, hinde ko mapigilang pagmasdan siya. Tama nga si Mariel may hawig nga silang dalawa. Bakit hinde ko napansin yun dati pa? In denial ba ko? Hinde ko mapigilan yung sarili ko sa pag ngiti. Bakit parang naiiyak ka? tanong niya sa akin habang nakahawak siya sa mukha ko, Nakangiti ka nga pero parang nasasaktan ka Umiling ako. Hinawakan ko yung mukha niya. My hands started moving, feeling his face while smiling at him like crazy. Nararamdaman ko na yung feeling na parang naiiyak ka kaya medyo nawawala na yung ngiti sa mga labi ko. Dahan-dahan kong tinanggal yung kamay ko sa mga mukha niya at ngumiti ulit sa kanya. Bakit ka nga pala nandito? May gusto ka bang sabihin sakin? tanong ko sa kanya Umling siya, Gusto lang kitang makita. Tapos ngumiti siya bigla sa akin. Hinawakan niya yung kamay ko habang nakangiti parin siya sa akin. Nakikita ko na naman sa kanya si Miguel. Lumalabas yung resemblance nila tuwing ngumingiti iya. Kelangan kong isipin na si Peter siya at hinde si

Miguel. Ayokong maging unfair kay Peter. Nakita mo na ako. Pwede ka ng umuwi. Tumalikod ako nag simula ng maglakad papasok ng bahay. Baka isipin niya na may split personality ako. Pero mas mabuti na yung ganun kesa maging unfair sa kanya. Gusto ko talaga siya makita s Peter, not as Miguel. Pero hinde ba parang ganun parin yun? Kaya ako nagka interes sa kanya ay dahil parin kay Miguel? Ang gulo ang labo. Habang binubuksan ko na yung gate ay bigla kong naramdaman yung paghawak ni Peter sa kamay ko. Yumi kalmado niyang sinabi yung pangalan ko. Parang may biglang kumuryente sa katawan ko nung sinabi niya yung pangalan ko. gusto talaga kitang makilala. Pero palagi mo kong tinatalikuran. Ang tagal rin bago kita nakausap ng ganito. Nung nakita kita noon na nakatingin sa akin tuwang-tuwa ako. Nung nagkabanggaan tayo nung time na may nasabi akong masama sayo sa totoo lang, nakita kasi kitang may kasamang lalaki nung umagang yun. Kaya ganun inasta ko. Hinde ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon. May kasamang lalaki? Nung araw na yun? Ang naaalala ko lang hinatid ako ni Kuya Yuki tapos pumasok ako sa classroom. Wala ako masyadong ka-close sa klase ko. Sorry, may pagka weirdo lang ako. Ayoko masyadong ma-attach sa mga tao sa paligid ko. Tama na sa akin ang puro acquaintance at konting close friends. Sino ba yu pinutol niya bigla yung sasabihin ko Pero nung paglabas ko sa shop Narinig ko siyang nag buntong hininga. Yun kaya yung time na medyo nabastos ko siya? Ok fine, hinde medyo, nabastos ko talaga siya. nalaman ko na lang na kapatid mo siya. Ang malala dun, kambal pa kayo. Magagalit na lang ako sayo dahil pa sa maling tao.

Si Kuya Yuki?! so nakita niya nga kami ni Kuya Yuki nun? Ayan kasi problema pag masyadong sweet sakin yung mga kapatid ko eh. Napagkakamalan tuloy kaming lovers. Pero bakit naman siya magagalit?! Ano naman kung makita niya akong may kasamang ibang lalaki? Diba ako lang naman yung may gusto sa kanya? Hinde ko maintindihan. Bakit ka nagalit sakin? Selos ka? biro ko sa kanya. Nanlaki bigla yung mata niya tapos tumingin sa may kanan niya. Parang ganun na nga. Sabi niya ng mahina. Medyo nagulat ako kaya hinde ako nakapag react kaagad. Gusto ko sanang tumawa pero una, seryoso yung mukha niya at pangalawa, baka may magising. Peter Lo, sabi ko sa kanya habang hawak yung kaliwang pisngi niya, lasing ka lang. Madami ka ata masyadong nainom kaya ka nagsasabi ng kung anu-ano ngayon. Habang maaga pa kakalimutan ko na lang yung mga sinabi mo. Tinanggal ko yung kamay ko sa may pisngi niya at sa pagkahawak niya sa kamay ko para makapasok na sa loob. Pero bigla niyang hinawakan ulit yung kamay ko. Hinde ako lasing. Sabi niya, Interesado ako sayo. Gusto kitang makilala ng husto. Kahit saglit lang. Kahit na konting panahon lang. Kahit na isingit mo lang ako sa oras mo, ok lang. Gusto lang talaga kita makilala, Yumiko Gala. Tatlong linggo na ang nakalipas simula nung gabing iyon. Tuwing naaalala ko pa rin yung mga nangyari nung oras na yun ay hinde parin ako makapaniwala. Si Peter Lo na pinagpapantasyahan ng halos karamihan ng kababaihan sa school, dinedate ko. Tuwing naglalakad kaming magkasama sa school ay halos lahat ng mga babae nakatingin sa amin. Parang hinde sila makapaniwala na ang isang katulad kong babae na hinde mayaman, maganda at walang maipag mamayabang and ide-date niya. Kahit rin ako hinde makapaniwala.

Ang dami ko ng alam tungkol sa kanya, siya rin naman siguro marami ng alam tungkol sa akin. Hinde siya ganun ka yaman, average yung grades niya, mabait siya, gentleman pero hinde nga siya magaling magbasketball. Meron siyang dalawang kapatid na babae at isang lalaki. Panganay siya sa kanilang magkakapatid. Nakaka dalawang girlfriends pa lang siya pero PAG ready na daw ako edi magiging tatlo na. Talaga lang ah. Marami na ring pumupuntang mga customer sa shop lalo na pag shift namin ni Peter. Malamang puro babae, kaya minsan nakakainis kasi ang iingay. I wouldnt say na nag seselos ako, kasi hinde ako selosa. Madalas rin kaming magkasama sa school at minsan sabay kaming umuuwi. Naramdaman ko bigla yung paghawak ni Peter sa may kamay ko. Yumi? Napatingin ako sa kanya, Bakit? tanong ko Ok lang ba kung napahinto siya sa pag sasalita tapos ngumiti. Wala. Wag na lang. Binitawan niya yung kamay ko tapos tumayo at tumalikod sa akin. Peter Lo, sabi ko habang hawak yung shirt niya. Sabay tayong umuwi ngayon, ok lang? Napatingin siya bigla sa akin. Ngumiti siya tapos tumango. Walang bawian yan ha! Sabi niya sa akin. Tumango ako sa kanya habang nakangiti. Hay. Gusto ko nga talaga ata siya. Hinde ko alam kung bakit lagi na lang akong natutuwa simula nung gabing yun. Iba nga naman talaga pag romantically challenged ang tao! Masyadong nagiging mababaw. Maraming customer yung shop ngayon kaya medyu busy kami. Napansin kong tingin ng tingin sa akin si Anna, paran may gusto siyang sabihin o itanong sa akin. Si Peter at Ross ang in-charge sa pag kuha ng order kaya kami ni Anna ang assistans nila. Halos puro babae ang naka pila kay Peter.

Nasabi ko naman na recently maraming nag dadagsaan na mga babae dito sa shop, diba? Bawat sabi ni Peter ng order ay sakin siya humaharap, at lagi pa siyang nakangiti. Hinde naman sa sinasabi kong hinde siya palangiti na tao, nakakapanibago lang kasi parang ang saya-saya niya. Nilapitan ako bigla ni Anna habang ginagawa yung mga inorder ng mga tao. Hinde na siguro siya makatiis na kausapin ako kaya bigla na siyang nag salita. Yumi, parang iba si Peter ngayon noh? Napatingin ako kay Peter. Parang ang ligalig niya ngayon masyado. May nangyari kaya sa kanyang masaya? O baka naman may nakain siyang iba ngayon? Ganyan naman palagi si Peter ha? Laging nakangiti pag pinapalibutan ng babae. Tapos tumawa ako ng mahina. Yumiko, napatingin kami ni Anna kay Peter, isang chocolate cake, please. Ngumiti ako tapos tumango. In love ba kayong dalawa?! Bakit nung nag ngitian kayong dalawa parang may spark sa mga mata niyo!? Nagdududa na siya. Wala kasi kaming sinasabihan ni Peter sa shop. Pati nung tinawag niya yung pangalan mo may ibang dating! Ikinibi ko na lang ang balikat ko tapos tinapos yung mga ginagawa kong orders. Nung natapos na yung shift namin ni Peter, napansin kong wala na siya sa shop. Nagpunta ako sa may locker room para mag bihis. Umalis na ata si Peter. Nakalimutan niya ata na dapat sabay kaming uuwi. Hinde kasi siya sumenyas sa akin na lalabas na siya. Sa dami ba naman kasi ng customer kanina pano ba naman niya hinde makakalimutan yun. Hay. Sige mauna na ko. Nagpaalam na ko sa kanila. Nung lumabas na ko ng shop nakita ko yung likod ni Peter. Naka tayo siya sa may left side ng shop.

Ano ba to, bakit ba kasi inisip ko na nakalimutan niya yung usapan namin? Hinde ba pwedeng mag tiwala ako sa kanya? Nilapitan ko siya tapos tinapik yung balikat niya. Akala ko iniwan mo na ko. Ngumiti siya bigla, Bakit naman kita iiwanan? Usapan na nga na sabay tayong uuwi eh. Nakalimutan ko lang sumenyas, pero pag balik ko wala ka na. Kaya inintay na lang kita dito. Hinawakan niya bigla yung right hand ko, Tara na! Niyaya niya akong mag dinner at mamasyal bago daw kami umuwi. Pumayag naman ako sa gusto niya. Habang nagmamaneho si Peter ay tinawagan ko na si Kuya Yuki. Sinabi kong hinde ako sa bahay magdidinner kaya wag na nila akong intayin. Syempre, si Kuya YUKI yun, ang daming tanong sakin! Kesyo daw bakit hinde ako dun kakain, kung bakit daw late ako makakauwi, sobrang late daw ba pati kung sino daw yung kasama ko. I love you Kuya Yuki! Sige na babay! Mwah! syempre ginawa ko talaga yung tunong pag kumikiss. Hahaba kasi usapan namin pag hinde ako nag bye kaagad. Dapat talaga tinext ko na lang siya. Napatingin ako kay Peter, medyo tumatawa siya tapos umiiling. Hinde ko na lang yun pinansin dahil mas napansin ko yung paghawak niya sa kamay ko. Bakit tuwing hinahawakan niya yung kamay ko, parang ang natural na samin? Ngayon lang naman niya hinawakan yung kamay ko pero parang sanay na ko. Dinala niya ako sa may The Fort. Nagdinner kaming dalawa sa Mcdonalds. Ayoko kasing gumastos pa siya ng malaki para lang sa pagkain kaya niyaya ko siya dun. Pagkatapos naming kumain ay naglakad lakad kaming dalawa. Tiningnan namn yung matataas na condominiums at buildings dun. Haay~~ masaya na ko kung makakabili ako ng isang unit dito. Sabi ko sa kanya habang naka tingin sa mga condominium. Kaso ang mamahal eh. Kelangan kong mag kayod kalabaw para lang makabili nyan.

Hinawakan niya yung kamay ko, Kaya yan. Si Yumi ka eh! Umupo kaming dalawa sa may gutter. Nakakailang boyfriend ka na? tanong niya bigla sa akin habang naka tingin sa harapan niya. Isa lang. sabi ko habang nakatingin sa kanya. Ngayon niya pa lang tinatong sa akin yung tanong na yan. Tumingin ako sa may harapan ko para hinde ko maisip si... Wag kang mag alala. Wala na yun. Pano pag binalikan ka niya? napaisip ako bigla sa tanong niya. Siya? Babalik? Kelan? Ang tagal-tagal ko na siyang iniintay pero hinde parin siya bumabalik. Kung babalik man siya, hinde ko rin alam ang gagawin ko. Hinde na siya babalik. Sabi ko sa kanya. Pero masaya na ko na kahit papaano may nagpapaalala pa rin sakin sa kanya. Ganun ba? huminga siya ng malalim, pwede na pala mapanatag loob ko. Matagal ko ng gustong itanong sayo yun eh. Ang dami kasing nagsasabi sa akin na hinde raw kayo mapaghiwalay nung ex mo. Kaya ayun, napraning ako. Sinabi rin kaya nila na kamukha niya siya? Sasabihin ko ba sa kanya? Hinde ko naman alam kung paano ko ioopen sa kanya na kamukha niya yung ex ko. Na siya yung nagpapaalala sakin kay Halos mag lilimangbuwan na ang nakalipas simula nung nagsimula kaming mag date. Two months na kami. Medyo naguiguilty ako pero dedma na lang. Pumunta ako sa may sala at nakita si Papa. Umupo ako sa may tabi niya tapos sumandal sa balikat niya. May problema ka ba? tanong niya sa akin.

Umiling ako, Wala. Namiss lang kita. Palagi naman tayong nagkikita ha! May kelangan ka noh? Wala akong Pera. Tapos tinulak niya yung ulo ko ng mahina at tumawa. Wala!! May pera pa naman ako noh! sabi ko sa kanya Ako Papa walang pera! Penge ako! sabi bigla ni Kuya Yuki habang tumalon siya paupo sa tabi ni Papa. Wala akong pang date! Pengeng pera! Hoy Yuki! Mag trabaho ka para magkapera ka! Tingnan mo tong si Yumiko nag tatrabaho! Kahit na sabi ko akong bahala sa kanya! Sabi bigla ni Kuya Jin. Lumingon-lingon sa paligid si Papa. Parang may hinahanap siya na bagay na hinde niya makita. Kulang ata quadruplets ko ah asan yung isa? nagkatinginan kaming apat. Wala pa si Kuya Micky. Siguro pinag stay na naman siya sa ospital kaya wala pa sa bahay. Biglang bumukas yung pintuan, Present! sabi bigla n Kuya Micky. Lumapit sa amin si Kuya Micky at umupo sa gitna namin ni Kuya Jin. Pinatong niya yung ulo niya sa may balikat ko, Yumi nagkita rin tayo~ Wow~ kumpleto na quads! Kumpleto tayong lima ngayon ah! madalas naman kaming kumpleto eh. Tulog lang siya minsan. Teka kukunin ko yung camera ko para family picture! sabi ni Kuya Yuki. Tumakbo siya sa kwarto niya para kunin yung camera niya. Habang nagpipicturan kaming lima ay biglang nag ring yung telepono. Si Kuya Jin ang sumagot kaya hinde ko alam kung para sakin yun. Yumi phone. Sabi ni kuya Jin. Tumayo ako para sagutin yung tawag, Hello? Yumi~ nasa labas ako ng bahay niyo~ sabi nung taong nasa kabilang

linya Peter? Nung pag sabi ko ng Peter, nag tinginan sila sa aking apat. Nakwento ko na kasi sa kanila si Peter, pero hinde ko pa pinapakilala ng pormal. Hinde ko alam kung bakit pero hinde pa ako handa. Labas ka na~ iintayin kita~ binaba niya na pagtapos niyang sabihin yun. Pa, lalabas lang ako saglit nasa labas kasi siya ngayon. Gabi na ah? Sabi sakin ni Papa. Nagpout ako kaya napa buntong hininga na lang siya. Sige~ basta umuwi ka kaagad. Tumango ako at lumabas na ng bahay. Yumi~ sabi sa akin ni Peter. Nakatayo siya sa may tapat ng bahay namin tapos parang may iba sa itsura niya Bakit ka napadaan? sabi ko sa kanya habang nagaalala, may nangyari ba? Hinawakan niya yung mga kamay ko, Wala namiss lang kita. Hinila ko yung kaliwang kamay ko at inilagay sa may mata ko tapos huminga ng malalim, Akala ko may nangyaring masama! Kinabahan ako!! Yung boses mo kasi parang problemado eh. Hinawakan bigla ni Peter yung mukha ko, I love you~ Tumango ako tapos hinalikan yung pisngi niya. Ano ba talagang problema mo? Bakit ka pumayag maging girlfriend ko? Nabigla ako sa tanong niya. Ngayon niya lang kasi naisipang itanong yan sa akin. Ipinagdadasal ko pa naman din na sana wag niyang itanong sa akin yun kasi hinde ko alam ang

isasagot ko. Ngumiti ako sa kanya at hinawakan yung kaliwang pisngit niya, Walang dahilan para hinde ako pumayag. Madami. Hinde ako matalino, hinde ako ubod ng yam pinutol ko yung sinasabi niya Hinde ko kelangan ng magaling sa basketball o mayaman at hinde ko rin kelangan ng matalino. Sagot ko sa kanya. Ikaw, ano bang nagustuhan mo sa akin? Hinde ako maganda pati hinde ako mayaman. Bakit ako pinili mo? Imbis na sumagot siya ay hinawakan niya ulit yung dalawang kamay ko pagtapos ay huminga siya ng malalim, May huling tanong ako sayo. Sana sagutin mo ng maayos. Tumango ako. Sino si Miguel? Ano siya sa buhay mo? Schoolmate ba natin siya? Nasan siya? sunud-sunod niyang tanong sa akin. Si Miguel siya yung ex-boyfriend ko. bigla kong hinila yung kamay ko at napatingin sa baba. Medyo sensitive ako pag si Miguel yung topic. I mean, pag nababanggit yung pangalan niya, sumasakit bigla yung puso ko. Umuwi ka na Peter inaantok na ko eh. Sensitive talaga ako masyado pag si Miguel na yung topic. Hinde ako makasagot. Hinde ako makagalaw. Feeling ko nanghihina ako tuwing may magbabanggit ng pangalan niya o kaya kung magtatanong tungkol sa kanya. Nagbuntong hininga siya bigla pagtapos ay tumango. Lumapit ako para halikan yung pisngi niya pero bigla na lang siyang nagsimulang maglakad papunta sa kotse niya. Pumasok siya at malakas na isinara yung pintuan.

Pagstart na pagstart niya ng kotse ay bigla na siyang umandar. Ikinandado ko na yung gate at yung mga pinto bago pumasok sa kwarto ko. Kinuha ko yung cellphone na niregalo sa akin ni Peter. Hinde ko alam kung tatawagan ko si Mariel o pupuntahan ko si Kuya Yuki sa kwarto niya. Bakit biglang naging ganito? Never ko nabanggit sa kanya si Miguel, kaya pano napasok sa isipan niya si Miguel? Simula nung naging kami parang ang dami na lang gustong pag hiwalayin kami. Dapat siguro tinago na lang namin yung tungkol sa relasyon namin. Tinawagan ko si Peter sa cellphone niya pero hinde niya sinasagot. Sinubukan kong tawagan siya ng tawagan hanggat sagutin niya pero wala pa rin. Yung huli kong tawag bigla ng nakapatay yung phone niya. Hinde ko na alam ang gagawin ko. Tama ba tong pinasok ko? Dapat siguro pinigilan ko na lang yung sarili ko. Kahit na gusto ko siya, dapat pinigilan ko. Nakikita ko sa kanya si Miguel pero gusto ko rin siya bilang Peter. Pano pag nalaman niya yung totoo tungkol kay Miguel? Pano pag hinde niya matanggap yung totoo? Iiwan niya rin ba ako? Mag hahanap rin ba siya ng iba tapos iiwanan na lang ako bigla? Ayoko na ng ganun... natatakot ako. Gusto ko na talaga siyang makalimutan, pero paano? Ang tagal-tagal ko ng nagsasakripisyo. Hanggang kelan ako magtitiis sa nakaraan ko?

Chapter 6: Revealed The subscriber cannot be reached Nilapag ko yung cellphone sa may hita ko. Hanggang kelan mo ko iiwasan, Peter Lo? sabi ko habang naka titig sa cellphone. Hinde ko na alam ang gagawin ko sa kanya. Limang na araw na niya akong hinde kinokontak at anim na araw ko na siyang hinde nakikita. Kahit masulyapan ko man lang yung mukha niya wala parin. Sa school kasi pareho kami ng oras ng pasok pero hinde kaya hinde kami nagkikita. Nung Monday sinubukan kong puntahan siya after nung class ko pero sabi nung isa niyang kaklase hinde niya pa raw nakikita si Peter simula nung Monday. Kahit sa trabaho hinde pa rin siya pumasok. Yung Tito niya pa yung tumatawag para lang sabihin na hinde makakapasok si Peter dahil masama raw yung pakiramdam. Tinatanong na nga ako nila Anna kung ano na raw yung nangyari kay Peter, wala naman akong maisagot. Hinde ko nga alam kung ano yung sakit niya eh hinde ko nga alam na may sakit siya eh! Ano bang klaseng sakit yung nakuha niya at kahit ang pagtext sa akin hinde niya magawa? Kahit wrong send wala eh! Ang masama pa dun, pinatay niya yung cellphone niya! Lowbatt? Hinde ba pwedeng i-charge niya yun? Gaano ba kahirap mag charge ng cellphone? Hinde siya masyadong sweet nako hinde! Habang nakatulala ako sa may bintana ng kotse, naramdaman ko yung pag kalabit sa akin ni Mariel. Hinde pa rin ba nagpaparamdam si look-a-like? Tiningnan ko siya ng masama, Peter. Sabi ko sa kanya. Niloloko ka lang eh. Ngumiti siya tapos tumingin ulit sa daan. So hinde pa nga nagpaparamdam?

Fifth day, my friend. Sabi ko sa kanya. Isipin mo nung sabado tatlong text lang nareceive ko sa kanya. Ang masakit pa dun sinabi niya lang na hinde na kami matutuloy sa lakad namin! Dalawang beses niya pa yun sinned tapos yung last text niya sinabi niya lang yung excuse niya, na may kailangan lang siyang gawin na project kaya hinde siya pwede. Tumango si Mariel, Sinabi mo nga sakin yan ilang beses na. Nakakafrustrate kasi siya eh. Bakit ba kasi bigla na lang niya akong iniiwasan?! May nagawa ba akong mali para pagpatayan niya ako ng cellphone?! Diyos ko, kahit nga isang text sa kanya wala na akong natanggap eh. Napatingin ulit ako sa may bintana ng kotse, Kung ayaw na niya, kung nag sasawa na siya, sabihin niya lang sa akin. Nag brake bigla si Mariel, Hoy Yumiko! Ano bang pinagsasasabi mo dyan!? Alam mo naman yung dahilan kung bakit nagkakakaganun si Peter eh. Bakit hinde mo kausapin? Bakit hinde mo i-explain sa kanya yung kay Miguel? Umiling ako, Hinde ko ata kayang ikwento sa kanya si Miguel.. tumingin ako sa kanya, Umandar ka na. Ok lang ako. Nandito na tayo. Pinatay na ni Mariel yung makina ng kotse, Kumain na muna tayo dito bago umuwi. Bumaba kami ni Mariel sa kotse at pumasok sa Tides. Umorder kami ng barbecue with rice ni Mariel at syempre, isang pitcher ng red tide after ng dinner namin. Kung wala lang siguro akong pasok kinabukasan siguro hinde lang isang pitsel ang inorder namin! Kung sino man yung nag banggit kay Peter kung sino si Miguel lumubog na sana siya sa kinatatayuan niya! Pati yang Peter na yan, nakaka stress na siya! Kahit isang text lang kahit isang sulyap lang hinde ko na kaya to. Gusto ko na lang sumuko bigla. Gusto ko na lang bumitaw.

Yumi, gusto mo ba si Peter as Peter, o dahil nakikita mo sa kanya si Miguel? tanong sakin ni Mariel habang inaabot yung inumin ko. I mean, nakikita mo sa kanya si Miguel, so possible na gusto mo siya dahi Pinutol ko yung sasabihin niya, Gusto ko siya. Oo, may hawig sila ni Miguel, pero mag kaiba sila. Iba siya kay Miguel pagtapos ay ininom ko yung shot ko. Tumango si Mariel. Naiintindihan niya siguro yung ibig kong sabihin. Kahit na hinde ko na explain ng mahaba yung sasabihin ko, alam kong naiintidihan niya ako. Kilala niya ako masyado, kaya lahat ng gawin ko alam niyang sigurado ako sa ginagawa ko. Kahit na may masaktan pa akong tao, hinde niya ako pipigilan o pagagalitan dahil sa mali yung ginagawa o nagawa ko. Instead na sermonan niya ako, ay susuportahan niya na lang ako. Sisiguraduhing masaya ako sa ginawa kong desisyon. In short, konsintidora. Ikaw, kamusta ka? Namimiss ko na yung quality time natin. Minsan na lang tayo magsama simula nung naging kami ni Peter, huminga ako ng malalim, makipag break na lang kaya ako sa kanya? Hinde na rin naman niya ako pinapansin ngayon eh. Natiis niya ko ng limang araw kaya niyang hinde ako makasama, makita pati makausap ng limang araw Naglagay na naman ako ng red tide sa baso ko tapos ininom to. Bakit kasi ngayon pa kami nagkaganito ni Peter? Kung kelan may importante akong sasabihin sa kanya tsaka pa kami nagkagulo. Oo nga pala Yumi, nasabi mo na ba kela Tito yung offer sayo ng S University? Tumango ako, Tanggapin ko raw yun. Sayang daw kasi. Pagnalaman raw kasi ng company na dun ka nag aral tatanggapin ka kaagad nila. Kaya bakit ko daw tatanggahan yung ganung offer. Oo noh! Pati sayang yung scholarship! Maganda at mahal sa S University!

sabi ni Mariel habang nginunguya yung barbecue niya. Oo nga eh. Nagulat na lang talaga ako nung tinanong ako nung Dean namin kung interesado daw ba akong mag aral ulit sa S University eh. Full scholarship daw pati kahit anong course daw pwede kong kunin, basta lang daw hinde bababa yung grade ko sa 92 percent. Natawa bigla si Mariel. Hinde ka ba nila kilala?! Si Yumiko Gala ka ata!!! Pag wala ka sa mood mag aral, lowest mo na ang 93 o 92 percent! Pag ganado naman, tagustagusan sa 100! Hay. Anong utak ba meron ka?! sabi niya habang tinuturo ako gamit yung barbecue stick. Tumawa na lang kaming dalawa at sabay uminom. Nagbayad na kaming dalawa para sa inorder namin. Masyado ata kaming nag enjoy dahil nakadalawang pitsel kami ng red tide. Palabas n asana kami ng Tides pero biglang may pamilyar akong lalaking nakita. Yung kalbong kaibigan ni Peter (hinde parin niya alam yung pangalan nung lalaki). Hinawakan ko yung kamay ni Mariel at hinila siya sa may gilid. Bakit? tanong niya sa akin Saglit lang sabi ko sa kanya habang nakatingin sa may entrance. Bakit ganun, ineexpect ko ba na kasama niya si Peter? Pero possible yun diba? Kaibigan niya si Peter. Pero ang sabi ng Tito niya masama pakiramdam ni Peter kaya hinde siya nakakapasok. Imposible naman na nagsinungaling sa akin yung Tito niya, lalo nat alam niyang kami. Imposible talagang kasama nila si Peter ngayon. Maya maya ay isa-isa ng nagpasukan yung mga kasama nung kalbong kaibigan ni Peter. May dalawang babae silang kasama. Syempre, wala si Peter. Panatag na loob ko. Hinde niya ako tinataguan, may sakit talaga siya. Diba yun ung kaibigan ni Peter?? Yung Carl! Sabi sa akin ni Mariel.

Carl pala pangalan niya.. Sabi ko ng mahina kay Mariel. Tumango siya, Carl!! at biglang isinigaw yung pangalan nung Carl. Napatingin sa amin yung Carl kaya kumaway na lang ako para hinde niya sabihing isnabera ako. Kumaway rin siya pero parang hinde siya sigurado kung matutuwa ba siya o hinde. Bigla siyang napatingin sa may kaliwa niya, napatingin din ako sa direksyon na yun. Biglang pumasok si Peter Lo habang may naka hawak sa may braso niyang babae. Uy si Peter biglang napatingin sa akin si Mariel. Napansin kong tinuro ako nung Carl kay Peter kaya napatingin siya sa may direksyon namin. Hinde ko alam kung ano yung sinabi nung Carl, pero habang nakatingin sa akin si Peter ay parang wala lang ako sa kanya. Yumi.. hinawakan ni Mariel yung kamay ko, umuwi na lang tayo~ pabayaan mo na lang muna si Peter~ tara na~! sabi ni Mariel habang hinihila ako papalabas ng Tides. Nung nagkatabi kami, bigla siyang nagsalita. Bakit ba hinde mo masabi sa akin yung tungkol dun sa Miguel na yun? napahinto ako sa pag lalakad. Mahal mo pa ba siya? Gusto mo bang bumalik sa kanya? Sige, magsama na kayong dalawa. Napatingin ako sa kanya. Hinde siya nakatingin sa akin nung sinasabi niya yung mga salitang yun. Wala kang karapatang sabihin yan kay Yumi! biglang sabi ni Mariel kay Peter, Hinde mo alam kung anong tunay na nangyari sa kanila ni Mig Pinutol ko yung sasabihin ni Mariel. Siguro nga dapat magsama kaming dalawa, Napatingin siya sa akin, ipagpatuloy mo yan. Wala na akong pakialam.

Tumalikod na ako at hinila si Mariel papalabas ng Tides. Wala na akong pakialam. Nagawa niyang tiisin ako ng ilang araw, nambabae pa siya, lolokohin ko lang sarili ko pag pinagpatuloy ko pa yung pag hahabol sa kanya. Walang nakapagsalita saamin hanggang sa makarating kami ng bahay namin. Dito ka matulog.. kailangan kita ngayon.. Wala ka namang pasok bukas diba? Di na lang ako papasok bukas, kaya dito ka na lang matulog.. kailangan kita ngayon.. Tumango si Mariel at niyakap niya ako. Ano bang alam niya~ ano bang alam niya~ ano bang alam niya~! Wala siyang karapatan sabihin yun~ Tinanggal ni Mariel yung pagkayakap niya sa akin. Hinawakan niya yung balikat ko at inalog-alog ako ng mahina, Kung gusto mong umiyak umiyak ka! Wag mong pigilan! Pagod na kong makita kang nahihirapan, Yumi. Umiling ako. Hinde ako naiiyak. Hinde ako iiyak. Bakit ako iiyak? Akala mo ba hinde ko alam na pinipigilan mo lang yang sarili mo?! Halos walong taon kitang kilala pero sa walong taong yun, hinde kita nakitang umiyak! Kahit nung panahong niloloko ka na hinde ka parin umiyak! bigla akong binitawan ni Mariel, Anong pinagsasasabi mo Nung nalaman mo yung kay Miguel, kahit isang patak ng luha wala akong nakita sayo.. Kahit kinabukasan nun, normal parin yung mata mo. Walang bakas na umiyak ka o nag patak ka ng luha para sa kanya. Akala mo ba di ko alam na nasasaktan ka na? Akala mo ba hinde ko alam na sobra na yung sakit na nararamdaman mo? Yumi, kahit hinde mo sabihin sa amin nila Yuki, alam naming nasasaktan ka Kasalanan niya yun... kaya bakit ko siya iiyakan?

Sorry~ hinde ko na ioopen pa yung topic na yun. Ang ayoko lang, ay yung iniipon mo yung lahat ng sakit mo dyan. Tinuro niya yung kaliwang part ng dibdib ko. Kung nasasaktan ka sa mga sinabi at ginawa ni Peter, ok lang na umiyak ka.. Kung nasasaktan ka pa rin sa mga nangyari dati.. ok lang na umiyak ka. Normal ka pa rin pag ginawa mo yun. Ngumiti ako sa kanya, Masaya ako ganito. Masaya akot abnormal ako. Ngumiti rin si Mariel, Gusto mo uminom? Tutal wala akong pasok, at sabi mo hinde ka papasok bukas mabuti siguro kung lunurin mo na lang yang Peter Lo na yan dyan sa puso mo! Nagustuhan ko yung idea ni Mariel kaya bumili kaming dalawa ng maiinom namin sa convenient store. Pagkabalik namin sa bahay ay niyaya namin yung mga kuya ko na uminom, syempre, pumayag sila ng hinde nag dadalawang isip. Nawala kaagad sa isip ko yung mga nangyari sa akin kanina, nung bigla kong nakita yung mga kuya ko. Yumiko~ wala ka bang pasok bukas? tanong sa akin ni Kuya Yuki. Niyakap ko siya, Wala po~ Syempre tuwang tuwa siya nung bigla ko siyang niyakap. Minsan lang daw ako ganun sa kanya. Minsan?! Eh madalas kaya kaming nag huhug kasi nagrereklamo siya sa akin na wala na raw kaming skinship! Ok lang siya?! Bakit siya lang~?! sabi ni Kuya Jin habang nakatayo. Tumayo ako bigla at niyakap si Kuya Jin. Nung napatingin ako kay Kuya Micky, nakasimangot na siya sa akin tapos bigla akong inirapan. Kuya Micky~~ kiss!! tumingin siya bigla sa akin ng nakangiti at naka pucker na yung lips. Lumapit ako sa kanya at kiniss niya ako sa may pisngi.

Haay~ ang saya talaga pag may mga kuya ka. Sabi ni Mariel. Lumapit sila kuya kay Mariel at niyakap siya. Ano ka ba! Para ka namang others nyan eh! Kuya rin naman tawag mo samin ah!? Edi parang kapatid ka na rin namin! sabi sa kanya ni Kuya Jin. Oo nga! Kung gusto mo, tawagin mo na rin akong kuya~~ sabi ni Kuya Yuki kay Mariel. Binatukan ni Mariel si Kuya Yuki, Mas matanda kaya ako sayo ng anim na buwan! Hello!! tapos ay nagka titigan sila ng masama. Syempre natalo si Kuya Yuki dahil una, nakakatakot ung tingin ni Mariel, pangalawa, binatukan siya bigla ni Kuya Micky. Habang kinocomfort nila si Mariel, hinde ko mapigilan yung sarili ko sa pag ngiti. Ngayon ko lang narealize na masaya naman ako kahit na wala akong boyfriend. Hinde ko kinakailangan mamroblema tungkol sa ibang tao kung hinde ang sarili ko lang. Hinde ako masasaktan, hinde ko kailangan umiyak. Masaya naman ako kahit ako lang eh ang kailangan ko lang sila. Sabi ko ng mahina. Hinde ko alam kung paano natapos yung gabi namin. Pagkagising ko na lang ay nasa kwarto ko na ako pati katabi ko si Mariel. Hinde ko nga matandaan kung sino yung nag buhat sa amin eh. Wild night wild night. Sabi ni Mariel habang nakahawak siya sa ulo niya. Pag silang tatlo talaga nakakasama natin laging ang wild ng gabi ko eh. Makipag sabayan ba naman kasi kayo sa mga lalaki eh! Malamang malalasing kayo nun! sabi ni Kuya Yuki kay Mariel, Ano ba kasing meron at nagaya kayong uminom!?

Sabi ko na nga ba. Ngayon nila itatanong kung ano yung okasyon at nagyaya kami ni Mariel uminom. Handa na ko sa isasagot ko sa tanong na yan. Ngumiti ako kay Kuya Yuki, Kasi magqquit na ko sa trabaho. TALAGA?! Excited na tanong ni Kuya Yuki. Hinde nga?! Oo nga. Napansin ko kasing parang wala na akong time sa inyo eh. Pati mas mahalaga kayo kesa dun sa part time ko. Sabi ko kay Kuya Yuki. AYOWN! Edi ako na mag susundo sayo pagtapos ng class mo??? tanong kaagad ni Kuya Yuki. Overprotective twin brother. Sabi ni Mariel ng mahina pero narinig parin ito n Kuya Yuki kaya tiningnan siya ng masama, Pwede namang sumabay na lang sa akin si Yumi eh. Bakit kelangan mo pa siya sunduin? Gastos lang yun. Nagsimula na naman silang magtalo. Minsan magkasundo sila, minsan hinde. Pag hinde sila nag kikita ng mga dalawang linggo ang bait bait nila sa isat isa. Pero pag madalas silang nagkikita, nag tatalo naman sila! Madalas natatalo ni Kuya Yuki si Mariel pag nag dedebate sila. Pero pag titigan, si kuya yung talo. Natapos na kami sa pagkain at lahat, nag tatalo parin silang dalawa. Minsan nagtataka ako kung bakit hinde sila nagkakatuluyan. I mean, usually ganun diba? Madalas kayong nag tatalo, maiinlove yung isa dun sa isa. Tapos ayun na. pero sa kanilang dalawa, wala eh! Parang manhid sila sa isat isa. Simula ngayon, kelangan hinde ko na siya isipin. Ilang araw niya akong tiniis, ilang araw akong nagtiis. Masaya na ako sa isang tawag, pero hinde parin niya ako tinawagan. May sakit?! Talaga lang ah! Madalali lang sabihin

sa akin kung ayaw na niya. Hinde yung gagawa siya ng excuse like magsama kami n Miguel or whatever. Kaya hinde ako naniniwala dyan sa ligaw ligaw na yan eh. Sa una lang mabait kasi sinusuyo ka, pero pag tumagal-tagal na babaliwalain ka na niya. Hinde niya ata nakita effort ko eh. O baka hinde pa sapat yun para sa kanya. Anong gusto niya? Yung tipong pupuntahan pa siya sa bahay niya para lang makausap ko siya? Hinde ako ganun. Pinatayan niya ako ng cellphone. Pag tumatawag ako sa landline, laging sasabihin sa akin na tulog siya. Ineexpect ko na makikita ko siya sa school pero wala parin. Bigo parin ako. Kaya simula ngayon, kakalimutan ko na lang yung ilang buwan na pinag samahan namin. Siguro nga hinde magiging madali para sakin na kalimutan siya kasi may hawig sila ni Miguel, pero it doesnt mean na hinde ko kayang subukang gawin. May sister complex ka talaga! narinig kong sabi ni Mariel kay Kuya Anong sister.. com..plex.. tapos biglang nakatulog si Kuya Yuki sa may sofa. Napailing na lang kami ni Mariel. Tinanong ako ni Mariel kung totoo ba raw na mag reresign na ko sa parttime job ko. Sinabi ko sa kanya yung totoo. Tumango lang siya, siguro alam na niya. Sumang-ayon na naman sa naging desisyon ko si Mariel. Sabi niya, siguro daw mas makabubuti yun sa akin, na hinde muna makita si Peter para unti-unti ko rind aw makalimutan si Miguel. Nakikita ko nga sa kanya si Miguel pero si Peter Lo parin siya para sakin. Nung gabing yun ay tinawagan ko yung boss ko. Sinabi ko na magreresign na ko at kailangan makahanap na sila ng kapalit ko sa biyernes. Oo, gagawin ko ang lahat para maiwasan ko siya. Siguro sasabihin ni boss yun kay Peter. Wala na rin naman yun sa kanya. Hinde na kami. Siya nag

umpisa, tinapos ko lang. Pagkauwi namin ni Kuya Micky galing sa palengke ay bigla naming nadaanan yung grupo nila Peter Lo. Napatayo siya bigla nung nakita niya ako. Tiningnan ko lang siya saglit tapos ay tumalikod na ako. Inakbayan ako bigla ni Kuya Micky. Hinde niya pa naman din kilala si Kuya Micky, baka mamisunderstand na naman niya. Ok ka lang ba? tumango lang ako, Gusto mong umalis mamaya? Sige. San tayo pupunta? tanong ko sa kanya habang nakangiti Kahit san mo gusto! Kahapon pa kasi kita napapansin na parang may problema ka eh, napatingin ako bigla sa kanya, hinde mo naman kelangan sabihin sa akin eh. Kaya ok lang. Ok lang ako, promise. Sabi ko sa kanya. Pagdating namin sa bahay ay hinanda ko na ung mga kailangan na sahog para sa uulam namin. Habang hinihiwa ko yung patatas ay biglang tumunog yung cellphone ko. Nung nakita kong tumatawag si Peter ay pinatay ko ito. Habang iniintay maluto yung ulam ay nagring naman yung landline namin, si Kuya Yuki yung nakasagot. Nung tinawag niya ako sinabi ko na sabihin niya ay may ginagawa ako at tatawagan ko na lang siya ulit. Syempre, nagsinungaling ako. Nakaalis na kami lahat lahat at nakabalik ng bahay pero hinde ko parin tinatawagan si Peter. Hinde naman siguro siya nag eexpect ng tawag ko. Alam naman niay siguro na hinde ako tatawag sa kanya. Ginawa niya yun sa akin, Im just returning the favor. Binuksan ko yung cellphone ko para tingnan kung may message ako galing sa classmate ko regarding sa project namin pero imbis na yung pangalan ng kaklase ko yung makita ko, puro Peter yung lumabas.

From: Peter Lo Anong oras ka tatawag? From: Peter Lo Di ka pa ba tatawag? Dalawang oras na ah From: Peter Lo Kanina pa ko tumatawag dyan pero walang sumasagot iintayin ko tawag mo.. From: Peter Lo Magiintay ako kahit anong oras

Dinelete ko lahat ng messages niya sa akin. Parang ganyan din ung ginawa ko sa kanya nung iniiwasan niya ko. Siguro maiisip niya rin na nagmumukha na siyang tanga kakahintay sa wala. Last test niya sa akin ay 9:45 pm, 11:21 pm na, siguro hinde narealize na niya na hinde ako tatawag sa kanya. At siguro, hinde na siya tatawag ulit ngayong araw. Nagring bigla yung landline, nakakatatlong ring na pero wala paring sumasagot ng telepono. Naisip ko na siguro hinde naman si Peter yung tatawag kaya walang problema kung ako yung sumagot. Baka si Mariel lang yan, magyayaya mag speed dating. Hello? Yumi narinig ko bigla yung boses na yun.. yung boses na hinde ko narinig sa telepono ng matagal. Iniintay ko tawag mo eh. Kanina pa kasi walang sumasagot dyan. Nakatulog ako kakahintay, buti na lang pala tumawag ako ulit.

Makinig ka ng mabuti. Hinde ko na to uulitin, sinimulan ko ng sabihin, si Miguel, patay na siya. Naaksidente siya, kasama ng ibang babae. Tumawa ako ng mahina na parang ok lang ang lahat. Siguro nga mas ok kung ako na lang yung kasama niyang namatay. Siguro wala kang pinoproblema ngayon. Yumi~ yung sinabi ko kagabi Pinutol ko yung sasabihin niya, Ok lang. Hinde mo naman alam na wala na si Miguel eh. Ay hinde. Ilang beses ko sinabi sayo yun. Pero hinde ka naniwala sakin. Maypinalit ka narin naman eh, kaya siguro itigil na lang natin to. Ayoko. Hinde! Nagkakamali ka Yumi~ Binaba ko na yung telepono. Hinde ko na siya kaya pang kausapin. Magkaiba sila? Si Miguel? Si Peter? Pareho lang sila.

Chapter 7: Miguel

Magkabarkada si Miguel at Kuya Yuki kaya hinde nakakapagtataka na sa maagang edad ay nagka boyfriend na ko. Second year high school pa lang kami, madalas na kaming magkasama. Syempre, walang formality kasi mga bata pa kami. Malat ba namin sa mga ganun! Hinde siya nagtanong kung pwede ba kitang maging girlfriend at wala rin akong sinabing oo tayo na. basta nangyari na lang ang lahat. Nag i-I love you siya sa akin, at ganun rin ako. Hinde siya tumitingin sa ibang babae ata ako rin hinde tumitingin sa ibang lalaki. Palagi ko siyang kasama, recess, lunch at uwian. Ang nakakatawa pa nga dun, si Kuya Yuki pa mismo yung nagsabi kay Miguel na siya lang daw ang pwedeng maging ganun sa akin. Lahat na raw ng ibang lalaki, banned. Mabait na tao si Miguel, tipong nasa sa kanya na ang lahat. Gwapo, mayaman, mabait, magaling sa sports at matalino. Siya yung tipong wala ka ng hihilingin pa. Nakakagulat nga lang kung bakit ako yung napili niya, hinde naman kasi ako kagandahang babae. Hinde rin ako mayaman, kung yun ang pag uusapan, talo na ko. Pasalamat na lang ako at propesor yung tatay ko sa college ng school namin at kung hinde, malamang hinde ako napaaral sa magandang eskwelahan. Nagulat nga yung pamilya ko nung nalaman nilang kami ni Miguel, pero syempre natuwa sila dahil alam nilang mabait na tao yung napili ko. Pati, bantay sarado siya kay Kuya Yuki kaya hirap siya mag loko. Kahit sa buong school, alam na kami ni Miguel. Ang sabi nila swerte daw ako kay Miguel, siguro nga swerte ako sa kanya. Hanggang sa naging magkaklase kami ng fourth year high school kami. Imbis na magkasawaan kami dahil palagi kaming nagkikita ay parang mas tumibay pa yung pagsasama namin. At dahil Ferrer yung family name niya, magkatabi kami buong taon. Pagkadating namin ng college ay nagkahiwalay na kami ng school. Hinde naman malayo pero hinde lang tulad ng dati na halos araw-araw pwede kaming magkita. Pareho sila ng school na pinapasukan ni Mariel kaya

panatag ang loob ko. Nagkaroon rin ako ng mga kaibigan sa school na pinapasukan ko, pero bilang lang. Madalas lalaki yung mga nakakasundo ko pero ang nakakasama ko ay puro babae, isa na dun si Joan. Si Joan yung Mariel version ko sa college. Blockmates kaming dalawa kaya palagi kaming magkasama. Nagkukwentuhan kami tungkol sa kung anuano, pero madalas puro love life. Dahil si Miguel lang yung naging boyfriend ko, kaya puro siya lang yung nakukwento ko sa kanya. Siya naman ay madalas iba-ibang lalaki yung kinukwento. May pagka play girl yung dating niya, pero mabait talaga siya. Siguro ganun lang talaga ugali niya. Isang araw sinundo ako ni Miguel, sakto kasama ko si Joan nun, kaya pinakilala ko sila sa isat isa. Gusto ko nga kasi magkasundo yung friends ko pati boyfriend ko. Wala naman kasi akong naisip na may milagrong mangyayari. Pero siguro nga, nagkulang ako. Hinde ako sweet, expressive at gaya nga ng sabi ni Mariel, may pagka manhid ako. Kasalanan ko ba kung ganun ako? Hinde naman diba? Hinde ko talaga naisip na lolokohin ako ni Miguel. Hinde ko aakalain na mambababae siya sa likod ko. Never pa kasi niyang nasubukan gawin sakin yun kahit nung high school kami. Malaki rin kasi tiwala ko sa kanya. Kaya nung narinig ko sa paligid ko na nambababae daw si Miguel, hinde ko alam ung gagawin ko. Natakot akong sabihin kay Mariel kaya kay Joan ko sinasabi ang lahat. Kinocomfort niya ko at lahat-lahat, kesyo daw wala lang yun, wag ko daw isipin, wag ko na lang daw iconfront si Miguel dahil baka daw isipin niya na wala akong tiwala sa kanya. Kaya yun ang ginawa ko. Sinunod ko yung sinabi niya, dahil natakot ako na baka yun pa maging cause ng pagaaway namin. Ako na ang umiwas. Pero isang araw bigla na lang may napansin akong kakaiba. Nung nakatalikod ako, di ko sinasadyang makita na hinalikan ni Miguel si Joan. Naisip ko na baka mali ung nakita ko dahil alam kong hinde nila magagawa sakin yun. Tapos bigla ko na lang nalaman na siya pala talaga yung babae. Hinde ako makapaniwala, hinde ko maisip na magagawa nila sakin yun. Ayoko isipin na niloloko nila ako pareho, ayokong magalit sa kanila. Kahit

na ang dami ng ebidensya na may nangyayari na sa kanilang dalawa habang nakatalikod ako, hinde parin ako sumuko. Nag pretend ako na wala akong alam. Na ok lang ang lahat. Na akin parin siya, sa akin lang. Ilang buwan akong nagtiis na parang wala lang yung nangyayari sa paligid ko. Na parang normal parin yung relasyon namin ni Miguel at hinde siya natsitsismis sa ibang babae. Sa babaeng malapit sa akin, sa babaeng palagi kong nakakasama. Yun ang akala ko. Madaling isipin, pero mahirap palang gawin. Isang araw, hinde ko na kinaya yung pagpapanggap. Sinabi ko sa kanya na alam ko na ang lahat matagal na. Nagulat siya nung sinabi ko sa kanya yun. Sinabi ko sa kanya lahat ng nasa puso ko. Na hinde ako makapaniwala na magagawa niya yun sa akin. Siguro nga pumasok na sa isipan ko na balang araw magagawa niya yun, pero hinde sa matalik kong kaibigan at hinde ngayon. Hinde sa isang taong alam niyang malapit rin sa puso ko. Alam kong napaka selfish kung papipiliin ko siya, pero ayoko ng may kaagaw. Kaya pinapili ko siya sa aming dalawa, kung ako ba o si Joan. Sinabi ko sa kanya na kung si Joan ang pipiliin niya ay kalimutan na lang niya ang halos tatlong taong pagsasama namin, at kung ako naman ay kakalimutan ko lahat ng ginawa niyang kalokohan. Magpapanggap ulit ako na walang nangyaring lokohan sa aming dalawa. Niyakap niya ako, Yumi sorry.. sabi niya sa kin habang nakayapak. Bakit ka nagsosorry? Pinpil mo na ba siya? Hinde nya sinagot yung tanong ko. Hinde kita mapapatawad sa ginawa mo sa akin. Hinde ko alam kung pamamatawad pa kita Gagawin ko ang lahat, para mapatawad mo ko.. Iintayin ko yung araw na tatanggapin mo yung sorry ko.. Nahihirapan siya, ibig sabihin mahal niya talaga yung isa. Kailangan

magparaya ako. Pagtapos nung araw nay un ay pareho ko kasi silang iniiwasan. Tawag ng tawag si Miguel sa cellphone ko, pero hinde ko sinasagot. Lahat ng mga messages niya, hinde ko nirereplyan. Pag bumibisita siya sa bahay, hinde ako lumalabas ng kwarto ko. Lahat ng paraan para iwasan siya, ginawa ko. Pero si Joan, matigas talaga. Hinde naman ako nag eexpect ng kung ano man dahil kilala ko siya, ni isang text o tawag, wala. Five days ko silang iniwasan. Tapos isang araw, bigla akong naka receive ng tawag galing kay Kuya Yuki. Ilang beses daw ako tinatawagan nung Mom ni Miguel pero hinde ko raw sinasagot yung tawag. Sa totoo lang, sinasadya kong hinde sagutin yung tawag. Akala ko kasi kaya siya tumatawag ay para ayusin namin ni Miguel yung problema namin. Hinde ko kasi alam ang sasabihin ko sa kanya. Pero nung narinig kong umiiyak si Kuya Yuki, biglang bumigat yung pakiramdam ko. Sinabi niya sa akin na nasa ospital daw si Miguel, naaksidente daw kasama si Joan. Kaya raw kanina pa ko tinatawagan ay dahil pinapapunta ako ni Miguel. Pangalan ko daw yung palaging binabanggit ni Miguel. Hinde na raw mapakali yung mga tao dun kaya kailangan daw pumunta na ako ASAP. Pagtapos nung tawag nay un, hinde ko alam ang gagawin ko. Ang sakit sobra nung puso ko, hinde ako makapag isip, hinde ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Pero kahit ni isang patak ng luha, wala. Mula bahay ay tumakbo ako sa may sakayan. Hinde ko na naisip na mag tricycle dahil nataranta na ko. Pagkarating ko sa may kwarto ni Miguel ay naglapitan sila sa akin. Lahat sila sinasabi sa akin na bakit ngayon ka lang kanina ka pa niya hinahanap. Nakita ko siyang nakahiga sa kama, ang dami niyang sugat kahit ikaw mararamdaman mo ung sakit na nararamdaman niya sa dami. Ayoko ng isipin kung gaano karaming dugo ang nawala sa kanya. Niyakap ako nung mom ni Miguel at inilapit ako sa may kama niya. Nung nakita niya akong

nakatayo ay inabot niya kaagad sa akin yung kamay niya. Grabe sa pag tibok yung puso ko. Akala ko aatakihin na ko sa sobrang kaba. Paghawak ko sa kamay niya dahan dahan siyang nag salita. Kahit na nasasaktan siya, pilit pa rin siyang nagsalita at sinabi na Sorry pinagsisi sihan ko ang lahat. Ikaw pinipili ko hinde ko kayang mawala ka mahal na mahal kita Yumi. Pagtapos ng huli niyang sinabi ay biglang napatingin ako sa may monitor dahil narinig ko na nag flat line na. Biglang bumitaw yung kamay niya sa pagkahawak sakin. Tumigil bigla yung mundo ko. Hinde ako makapaniwala na sa mga pangyayari. Yung pinaka unang lalaking minahal ko, nagawa akong lokohin. Naaksidente kasama ng ibang babae, namatay sa tapat ko at sinabing pinagsisisihan niya na ang lahat, ako pinipili niya at mahal na mahal niya ako. Nung oras na yun, lahat ng nasa kwarto ay nag iyakan, kahit yung mga tao sa labas pumasok para i-check kung siya nga yun. Nagtakbuhan yung mga doctor sa kwarto ni Miguel para buhayin ulit siya. Hinde ko mabitawan yung kamay niya, dahil alam kong pag ginawa ko yun, iiwan na niya ako habang buhay. Pero hinila ako nila Kuya Yuki palabas ng kwarto kaya nabitawan ko yung kamay niya. Dun pa lang, alam ko ng iiwanan na niya ako. Gumaan ng konti yung pakiramdam ko nung mga oras na yun nung dumating na si Mariel. Unang ginawa niya ay niyakap niya ako at patuloy na sinasabing kaya mo yan Yumi.. kaya mo yan. Nung lumabas yung mga doctor, nagsilapitan kaming lahat. Ibang klase, parang nakasalalay yung buhay namin sa mga doctor nun. Hinigpitan ni Mariel yung pagkahawak niya sa kamay ko habang umiling yung mga doctor sa mga magulang ni Miguel. Pumasok kaagad yung mom niya dun sa kwarto para tingnan muli si Miguel. Inakbayan ako nung dad niya at isinama sa loob. Nung nakita ko na naman siya, halos mabaliw na ko. Gumuho yung mundo ko noon. Pakiramdam ko, lahat ng taong importante sa akin iiwan ako isa-isa. Yung nanay ko, si Miguel, baka sa susunod si Mariel na o mga kuya ko o si Papa.

At pag nangyari un, hinde ko na ata kakayanin pa. Nilapitan ko si Miguel hinawakan ko yung kamay niya at inilapit ko yung mukha ko sa may pisngi niya, Hinde pa kita pinapatawad~ gumising ka! Bumalik ka dito~ pano na ko.. hinalikan ko yung pisngi niya at hinigpitan yung hawak sa kamay niya, Happy 34th Lumabas na ako ng kwarto ni Miguel nun, pag labas ko ay hinanap ko kaagad yung kwarto ni Joan. Halos nga hilahin nila ako palabas ng ospital nung nalaman nilang sa kwarto ako ni Joan pupunta. Nakakatawa nga eh. Parang ako yung lumalabas na kontrabida sa sarili kong istorya. Kesyo daw wag daw ako magpadalos-dalos dahil nasa ospital kami, wag daw ako makipag away dahil nakakahiya sa magulang niya at ibang pasyente. Wala naman sa plano ko yung mambulabog sa ospital, pero naiisip ko pa lang na bubulabugin ko siya. Pagkatapos ng ginawa niya, ganun-ganun na lang!? Sa totoo lang, hinihiling ko na sana siya na lang yung namatay imbis na si Miguel. Na sana ako na lang yung kasama ni Miguel nung naaksidente imbis na siya. Gusto ko talaga siyang isumpa hanggang sa buto niya sa sobrang galit. Lahat ng mga kaibigan ni Miguel ay nakapalibot sa akin, pinipigilan akong pumasok sa kwarto ni Joan. Yumi, hinde mo kailangan gawin to. Sabi sa akin ni Giorge. Tumingin lang ako sa kanya tapos tumingin ulit ako sa may pintuan. Hinila ako ni Kuya Yuki papalayo sa may pintuan. Yumiko! Ano ka ba!! Hinde mo alam kung gaano kasakit yung nararamdaman ni Joan ngayon! Gumising ka nga!! Wag mo ngang pairalin yang pagiging isip bata mo, hinde na kasi nakakatuwa eh! Parang hinde ka tnuruan ni Papa kung pano umasta ng tama eh! sabi niya sa akin ng pasigaw. Tiningnan ko siya, medyo napaatras siya nung tumingin ako sa kanya. Ikaw ba alam mo kung gaano kasakit yung nararamdaman ko

ngayon? Naranasan mo bang pagmukhaing t@nga sa harap ng maraming tao? Naranasan mo na bang lokohin ka ng taong mahal mo at ng tinuturing mong matalik na kaibigan? Alam mo ba nararamdaman ko ngayon? Anong karapatan mong sabihin sakin yan. Sarili mong kapatid, hinde mo alam yung nararamdaman. Tinuruan nga ako ng tama ni Papa, hinde siya nag kulang, kaya nga kalmado ako diba? May narinig ka ba sakin ni isang reklamo? Sinabi ko sa kanya ng kalmado. Dahan-dahan niyang binitawan yung kamay ko. Tumalikod ako sa kanya at nag lakad ulit pabalik dun sa may tapat ng pintuan ng kwarto ni Joan. Nagsitabihan sila nung nakita nila akong dumaan. Narinig siguro nila yung paguusap naming magkapatid. Si Mariel ngumiti lang sa akin at tumango ng isang beses. Ang nakakatawa pa dun, tatlong linggo kong hinde pinapansin si Kuya Yuki. Kahit na nag sorry siya sa akin ng ilang beses, hinde ko matanggap na hinde niya kinunsinte yung nararamdaman nung sarili niyang kapatid. Nakakawalang gana lang talaga yung mga sinabi niya sa akin pag naaalala ko. Anyway, nung wala ng humadlang pa sa pagpasok ko dun sa kwarto ni Joan. Pumasok na ako ng tuluyan sa loob. Nakita ko siya, natutulog, halos kakaunti lang yung galos niya. Mukhang sinementuhan yung kaliwang arm niya. Sinabi rin sa akin ng mom niya na pati yung pelvic bone niya nadislocate ata o nabali. Ewan ko. Hinde ako interesado. Gusto ko lang makita kalagayan niya, kung buhay pa siya o hinde. Kung anong maffeel ko once na makita ko siyang walang monitor sa tabi ng kama niya. Masama na kung masama pero hinde talaga ako natuwa nung nakita ko siyang buhay. Gusto ko sanang makita siyang nahihirapan para halatang pinarusahan siya ng Diyos sa mga ginawa niya. Gusto kong makitang nasasaktan rin siya dahil sa mga kasalanan niya. Pero kahit papaano medyo gumaan yung pakiramdam ko, dahil alam kong kahit sa kabilang buhay, hinde sila pwedeng magkasama.

Dumeretso silang lahat sa burol pero ako umuwi ng bahay. Kahit isang beses, hinde ako nagpunta nung burol niya, kahit nung libing, hinde parin. Isang araw pinapunta ako nung mom niya, bago mag 40 days. Sinabi ko sa kanya yung totoo, na nag hihintay parin ako sa pag balik niya, hinde pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Na ayaw kong isipin na wala na siya habang buhay, at nag babakasyon lang siya sa ibang bansa at hinde ko alam kung kelan ang balik niya. Nung narinig niya sa akin yung mga sinabi ko, hinde niya napigilang umiyak. Sinabi niya sa akin na kahit anong mangyari, welcome pa rin daw ako sa bahay nila anytime. Kaya mas naramdaman ko na, nandito parin si Miguel, at walang nag bago. Si Joan naman, hinde ko na nakasama simula nung insidenteng yun. Umiwas na ako sa kanya, pati yung mga nakakasama namin sa block, idinistansya ko na ri nyung sarili ko. Hinayaan ko na lang na ako yung lumabas na masamang tao, kesa malaman pa nila yung ginawa sa akin ni Joan at kaawaan ako. Hinde ko kailangan ng awa. Ilang buwan din ang lumipas bago ko nakilala si Peter. Ang tagal bago ako nagtiwala ulit sa mga tao sa paligid ko. Halos puro lalaki yung nagiging kaibigan ko dahil alam kong mas mapagkakatiwalaan ko sila kesa sa mga babae. Kay Mariel lang talaga panatag ang loob ko. Pero nung tumagal tagal, naging open ako paunti unti. Nakilala ko si Anna at Jani na kasamahan ko sa trabaho, si Isa na nakakasama ko minsan sa school at si Lyn na madalas kaklase ko. Sa kanila ko rin narinig yung pangalan ni Peter Lo. Ang tagal bago ko siya makita, ang tagal bago ko siya nakilala. Kaya nung nakilala ko si Peter Lo, hinde ko kaagad napansin kung bakit bigla ko na lang siyang nagustuhan. Siguro nga dahil sa tsismis, pero meron pang iba na humatak sa akin papalapit sa kanya. Parang merong something sa kanya na nakikita ko pero hinde ko alam kung ano yun. Hanggang sa isang araw, nalaman ko na lang kay Mariel na may hawig sila ni Miguel. Siguro nga, nagustuhan ko si Peter dahil may hawig sila ni Miguel. Dahil nakikita ko sa kanya si Miguel, kaya naiisip ko na kahit nakikita ko lang

siya, napapasaya niya ako. Kahit isang tingin lang niya sa akin, masaya na ko. Nung araw na nagkasalubong yung landas namin, dun ko lang nalaman na hinde siya si Miguel. Siguro nga may hawig sila, magkasing tangkad, may itsura at disente. Pero magkaiba sila ng ugali. May pagka masungit at suplado si Miguel, si Peter naman palangiti. Nung una akala ko pangit ugali ni Peter, pero nung sinabi niya sa akin yung tunay na dahilan kung bakit ganun siya sa akin nung araw na yun, naintindihan ko na. Ang hinde ko lang maintindihan ay kung bakit ngayon pa nagiinarte si Peter. Kung kelan kami na, dun pa siya nag iisip ng kung anu-ano. Ilang beses ko na rin naman sinabi sa kanya na hinde na babalik si Miguel pero paulit-ulit pa rin kami. Ayoko lang sabihin na patay na si Miguel kasi nga ayoko isipin na wala na siya. Pati ang nakakapag tataka lang, palagi niyang naiisip yung un eh hinde ko naman binabanggit sa kanya yun! Si Miguel pa tuloy naging dahilan ng pag hihiwalay naming dalawa. Ay hinde, may babae rin palang involved. Siguro nga hinde pa panahon para maging masaya ulit ako. Hinde pa tapos gawin yung love story ko kaya hinahayaan muna ako ng diyos na paglaruan ako ng tadhana. Tama rin siguro yung naging dahilan ko, na iwasan na muna si Peter. Yumi~ nagugutom na ko~~ sabi ni Kuya Yuki hang nakahiga sa may sala. Ano bang gusto mo? tanong ko naman sa kanya Kahit ano~ gutom na talaga ako~ Isinara ko na yung librong binabasa ko para maipagluto na ng tanghalian yung kapatid ko. Habang nag hihiwa na ng mga gulay na isasahog ko, narinig ko yung pag kayod ng upuan sa may sahig. Bakig ganun? Parang may mali ilang araw ko ng napapansin na parang kakaiba yung ikinikilos mo. Napatingin ako kay Kuya Yuki, Nagresign ka sa part time mo, tapos imbis na libro mo para sa school ang binabasa mo, ibang libro yung hawak mo. Tapos usually maaga kang umaalis ng bahay,

pero ngayon isang oras at kalahating minuto bago ung klase mo kung umalis ka ng bahay may nangyari ba? Umiling ako, Ano ka ba! Kung anu-ano na lang yang napapansin mo eh. Maghanap ka na kasi ng girlfriend para hinde ako yung napapansin mo. Ayoko nga! tumingin siya bigla sa akin, Hinde mo parin ba makalimutan si Miggy boy? Kuya ano ba.. sabi ko habang nakatingin sa sahig Kung hinde ka na makahanap pa ng ibang lalaki.. kung wala ka ng iba pang mapili.. nandito lang ako.. napatingin ako sa kanya, papakasalan kita. Kahit na anong mangyari. Nagulat ako nung snabi ni Kuya Yuki yun. Nasa mukha niyang seryoso siya nung sinabi niyang papakasalan niya ako. Ok lang ba to!? Incest? Twincest?! Taboo love? Kahit ata sa drama hinde ko pa napapanood na kambal nag pakasal eh. Pati hinde kami nabubuhay sa drama. Kapalaran ko ba talagang ma stuck ako sa kapatid ko kesa sa ibang lalaki!?

Chapter 8: Wild night Nilapitan ko siya tapos hinampas gamit ng sandok na hawak ko. NABABALIW KA NA BA!?! GUSTO MO BANG MAMATAY NG MAAGA? INCEST YUN! INCEST! Tumawa bigla si Kuya Yuki, Alam ko!! Para namang kaya kong gawin yun sa sarili kong kakambal! Hello!! Sinong mag kakaguso sa isang katulad mong babae?! Moody, masyadong matalino, boyish, hinde cute kumilos, hinde man lang naglalagay ng makeup pati hinde marunong mag ayos!! sabi niya habang nakaturo sakin, Mabuti na lang talaga at naging kapatid kita! Jusko hinde nga siguro ata kita papansinin pag nakita kita kung saansaan eh. Hoy! Nangiinsulto ka ba?! Pati sa tingin mo makakapag suot ako ng mga damit na puro balat ang ipinapakita sa tapat niyo with matching makeup pa?! Bawal yun! Lagot ka sakin pag puro balat nakita ko sayo at hinde tela! natawa ako bigla, Kaya siguro walang lumalapit sayo kasi puro lalaki kapatid mo eh. Tss. Tapos sasabihin niya na hinde ako marunong mag ayos! Eh nagrereklamo na nga sila tuwing mag bblush on ako eh. Pero sabagay, hinde naman talaga ako marunong eh. Kelangan ko na ata talaga tulong ni Mariel o kaya ng internet. Kaya ba wala pang lumalapit sa akin na matinong lalaki dahil hinde ako mukhang babae? Mukha na ba akong lalaki? Abnormal ba talaga ako? Nagkaboyfriend ako ulit kelan lang.. sabi ko kay kuya, pero wala na kami. ANO!! Bat hinde mo sinabi kaagad! Sino yun?! Ano itsura?! Bakit hinde ko alam!?

Ayan, alam mo na ngayon. Pati, wala na rin naman kami eh. Kaya ok lang yan. Hay nako~ ano bang klaseng kapatid meron ako~ Ngumiti na lang ako sa kanya. Nung naluto na yung ulam namin ay sabay na kaming kumain. Pagkatapos ay nagayos na ko para makapasok. Pagtingin ko sa cellphone ko meron na naman akong 9 missed calls at 14 messages. Its been how many days? 6? Who cares? Tapos nagawa niya pang ipamukha sakin na hinde pa raw kami break pero may lalaki na kaagad akong ipinalit sa kanya. Hinde ko na lang sinabi sa kanya na kapatid ko yung kasama ko nung time na yun. Pagkadating ko sa school ay sinalubong ako ng professor ko. Tinanong niya ako kung saan ko pinaplano gawin yung internship ko kasi kung wala pa raw, irerecommend niya ako sa isang school sa may the Fort. Syempre, pumayag ako dun sa suggestion niya. Hinde ka ba naman matuwa kung yung professor mo na yung mag rerecommend sayo sa school na pagppracticuman mo! Medyo mabilis yung class namin, lesson ng konti tapos discuss ng project. Yung sumunod na subject ko naman nag long quiz kami. Yung last subject ko long quiz lang rin tapos lesson saglit. Nagiging mahigpit na yung mga professors sa amin, well, hinde ako kasali. Anyway, kasi malapit na finals namin kaya nagiging medyo strict na sa attendance. Kakasabi lang sa akin ung iba kong prof na ok lang daw kahit hinde na ko pumasok kasi pasado na daw ako kahit anong gawin ko. Pero kahit na sinasabi nila sakin yun, pumapasok pa rin ako. Ayokong mastuck sa bahay kasama ni Kuya Yuki! Nung nakita ko na si Mariel sa may tapat ng building ko tumakbo na ko papalapit sa kanya. May plano ako, pero game ka ba? tanong sa akin ni Mariel I trust you. Ok. Sabi ko naman sa kanya. Papunta na sana kami sa may parking lot pero nakasalubong namin yung prof ko.

Yumiko, anong year ka gagraduate? tanong sakin ni Dr. Bautista Si Dr. Bautista yung professor ng karamihan ng mga major subjects ko. Siya yung nagrecommend sa akin sa S University. Madalas siya yung tumutulong sa akin pag dating sa mga research ko. In short, mentor ko siya. October next year po. 5 years po kasi yung course ko, eh alam niya naman ho ako, si advance, kaya maagang gagraduate. Tapos tumawa kaming dalawa. Sure na yun noh? Unless mag loko ka, which I think, hinde mangyayari. Tapos ngumiti siya. Gusto mo bang mag work sa school ng wife ko pagka graduate mo? I mean, syempre magtatake ka muna ng LET pag pumasa ka hired ka na kagad. Well, hinde naman kita pinipilit, pwede kang tumanggi kung may mas magandang opportunity na lumapit sayo. Suggestion lang yun. Doc Bau naman eh! Matatanggihan ba naman kita? Ikaw talaga. Basta pagisipan mo, ok? Sige mauna na ko. Kumaway siya sa amin tapos umalis na. Hinde pala kita napakilala. sabi ko kay Mariel habang napakamot ng ulo. Ok lang. Hinde naman ako interesado sa mga matatanda eh. Pagkadating namin sa may kotse niya ay pinag usapan namin yung offer sa akin ni Dr. Bautista. Sabi ni Mariel sa akin na maganda rin yung may trabaho ng nakaabang habang hinde pa graduate. Pero sa grades ko daw malamang daw na magaagawan sila sa pag kuha sa akin. Nung na drop na yung subject na yun ay tinanong ko na yung plano niya, pero secret lang yung sinasagot niya. Tss.

Sa bahay niya kami dumeretso. Pagkadating na pagkadating namin ay hinila niya kaagad ako sa may kwarto niya. Binuksan niya yung cabinet niya at nag halungkat ng mga damit. Habang nag hahalungkat siya nagcecellphone rin siya. Tito! Ok lang ba kung dito matutulog si Yumi? Nagpunta kasi sa Davao sila Mama at Papa. Sila yaya lang kasama ko kaya medyo malungkot ako ngayon. huminto siya sa pag sasalita tapos napangiti bigla, Talaga po? I love you Tito! As in! Thank you po! Tapos ay tumingin siya sa akin ng nakangiti. Ano daw? Nung nakapili na sya ng mga damit ay kumain na kami ng dinner. Tapos ay pinaligo niya ako. Nakahanda na lahat ng kailangan ko kaya paglabas ko ng banyo ay inabot sa akin ni Mariel yung green na babydoll dress na binili niya online. Aanuhin ko to? tanong ko sa kanya Malamang isusuot. Nilagay niya sa may kama yung dress tapos ay pumasok siya ng banyo, Maliligo lang ako. Dapat pag labas ko bihis ka na! Sinuot ko kaagad yung dress na nilapag ni Mariel sa kama. Tiningnan ko sa salamin kung bagay sa akin yung dress dahil hinde ako masyadong nag susuot ng mga ganitong klaseng damit, dress oo, pero revealing? Hinde. nung natapos na si Mariel aligo ay tinulungan niya akong ayusin yung buhok ko. Kinulot niya yung bandang dulo ng buhok ko, tapos ay nilagyan niya rin ako ng make-up na pag nakita ng mga kapatid ko ay ikatutuwa nila dahil babae pala talaga ako. Nagkulot rin ng buhok si Mariel at nagmake-up. Nung natapos na siya, oras na para mag hanap kami pareho ng sapatos. Inabot niya sa akin yung kulay yellow niyang sapatos, tapos at ang heels ay hinde ko maipinta kung kakayanin ba ng kapangyarihan ko oh hinde. Nagpadrive kami sa may Greenbelt. Nung tinanong ko si Mariel kung anong gagawin namin, sabi lang niya, magsasaya. Kelangan daw natural

lang daw yung pag arte namin, wag daw kaming masyadong tahimik. Kung pano kami kumilos dalawa pag kaming dalawa lang yung magkasama, dapat ganun din daw kami ngayon. Papayag ka, sikat yung boyfriend mo pero mukha siyang tv? tanong sakin ni Mariel Eh ikaw, papaya ka ba pag yung boyfriend mo good kisser pero yung dila niya parang dila ng iguana!? Pagtapos ay bigla kaming nagtawanan. Nung nagiikot kami feeling namin kaming dalawa lang yung tao sa mall. Hinde namin naisip na may mga ibang tao pala. Maya maya ay bigla kaming namukhaan na lalaki. Hay. Sino pa ba? Edi yung kalbong kaibigan ni Peter na si Carl. Pakalat kalat talaga yung lalaking yun! Tuwing nakikita ko yang lalaking yan~ lagi akong minamalas eh~ dapat dyan binabaon sa lupa ng buhay eh! sabi ko kay Mariel. Natawa naman si Mariel sa sinabi ko, Gag0 ka talaga! sabi niya sa akin habang tumatawa. Nung dumaan kami sa tapat niya ngumiti lang ako sa kanya na parang walang nangyari sa amin ni Peter. Kunwari friendly lang talaga ako at lahat ng taong tinitingnan ko nginingitian ko. Friendly? Ako? Talaga lang ah! Pumasok kami ni Mariel sa isang bar sa Greenbelt. Wala kasing entrance fee kaya malakas loob namin. Ice yung pangalan nung bar. Pagpasok namin ay umorder kami kaagad ng dalawang gin and tonic pati apat na shot ng tequila. Ang goal namin ngayong gabi ay magpakasaya, hinde magpaka lasing. Nung nainom na namin yung inumin namin nasa mood na kami para sumayaw. Nung una ay kaming dalawa lang yung sumasayaw pero maya-maya ay nagsayawan na rin yung mga tao, may tatlong tao pang nakapalibot sa

aming dalawa. May humila sa sa katawan ko at napaharap ako bigla sa taong yun. Nung nakita ko yung mukha nung taong yun ay bigla akong napailing. Hinila niya ako papalabas ng bar. Bakit nandito ka? Hinde ba nagagalit yung bagong boyfriend mo? tanong sa akin ni Peter Bagong boyfriend? Alam ko kakabreak lang namin nung sabado eh. Kaya single ako ngayon. Sabi ko habang hinihila yung kamay ko sa pagkahawak niya. Talaga? Pero hinde ako yung tinutukoy ko eh. Kitang kita sa mga mata niya na wala siya sa mood makipag lokohan. Kaya ka ba nakipag hiwalay sa akin dahil may iba ka ng gusto? Totoo nga sigurong kahit sinong lalaki papatulan mo na, para lang makalimutan yung Miguel. Oo na lang. sabi ko sa kanya tapos tumalikod. Hinila niya ulit yung kamay ko kaya napaharap na naman ako sa kanya, Ano ba! So yung lalaking kasama mo nung sabado siya yung ipinalit mo sakin? Kaya ba parang wala lang na nag break tayo kasi meron kang iba? Kasi kahit sa school iniiwasan mo ko eh. So malamang bago ka umuwi may ginagawa muna kayo? Uminit bigla yung ulo ko. Wala siyang alam pero sige parin siya ng sige sa pag sasalita. Hinde niya alam kung kelan siya dapat huminto sa kakadaldal! Nakakainis na. Ang dami dami mong sinasabi! Eh wala ka namang alam! hinila ko ulit yung kamay ko sa pagkahawak niya. Sa tingin mo papayag akong maging tayo dahil wala lang? Dahil gusto ko lang makalimutan si Miguel? Na papatol ako kung kanikanino dahil desperado ako sa pag mamahal?!

Best friend mo na yung mismong nagsabi sa akin. Tapos tumingin siya sa may gilid niya, napatingin naman ako kay Mariel sa may loob, Ang sabi niya pa, kamukha ko raw yung Miguel. Totoo ba? Imposibleng si Mariel ang magsasabi kay Peter ng tungkol sa bagay na yun. Hinde siya yung tipong maninira na lang ng walang dahilan. Sinong nagsabi sayo niyan? hinawakan ko yung kaliwang braso niya at hinila-hila, Sino? Si Joan. Sabi niya habang nakatingin parin sa may right side niya. Sinabi niya sa akin na kaya ka daw pumayag maging girlfriend ko dahil kamukha ko si Miguel. Akala ko ako yung masamang tao dito, hinde pala. Kinuwento niya nga lahat ng nangyari sa inyo ni Miguel eh. Yung sa tungkol sa parking lot ng school, sa locker room ng gym, sa kwarto ni Mariel. Lahat. Uminit lalo yung ulo ko. So all this time, si Joan ang pinapakinggan niya? Lahat ng tungkol kay Miguel sinabi niya kay Peter. Lahat ng tungkol sa amin ni Miguel alam na niya. Pero bakit mas maniniwala pa siya sa iba kesa sa akin? Wala ba talaga siyang tiwala sa akin? Ganun ba talaga ako kasama sa paningin niya? Humarap siya bigla sa akin. Seryoso yung mukha niya. Ngumiti ako sa kanya habang naka tingin sa mga mata niya. Yung Joan na sinasabi mo, si Joanna Isidro ba yan? tumango siya, natawa ako. Siya yung babaeng tinutukoy kong kasama ni Miguel nung naaksidente siya. Magaling nga yung nakuha mong source. Pati ikaw nakuha na niya. Ano pinutol ko yung sasabihin niya Gaya nga ng sabi mo, may hawig kayo ni Miguel. Siguro gusto ka rin niyang agawin sakin kaya kinukwento niya yung tungkol sa amin ni Miguel. Gusto ko lang malaman mo na, mahal kita bilang Peter at hinde bilang

replacement ni Miguel. Hinawakan ko yung mukha niya, Kung binigyan mo lang ako ng konting oras para hayaang makalimutan si Miguel, siguro hinde lang puso ko nakuha mo, pati siguro buong pagkatao ko pa. Tumalikod ako sa kanya, Pati paki sabi rin kay Joan na hinde sa locker room ng gym yun, kung hinde sa locker room ng pool. Pati hinde sa kwarto ni Mariel, kung hinde sa guest room. Pumasok na ko sa loob ng bar at niyakap si Mariel na parang walang nangyari sa labas. Yung mga lalaking naki join sa amin inorderan kami ng maraming inumin. Hinde ata nila kilala kung sino yung hinahamon nila. Si Joey, yung katabi kong lalaki ay inalok ako para sumayaw. Masyado siyang malapit sa akin na halos magkadikit na yung katawan namin. Nakita ko si Peter na nakatingin sa aming dalawa. Nung nagkasalubong yung mga mata namin ay bigla akong tumingin kay Joey. Nararamdaman ko yung mga kamay ni Joey sa bewang ko. Nung napatingin ako sa may table nila Peter, wala na siya bigla. Naramdaman ko na lang na may biglang humila sa akin at hinalikan ako sa may labi. Nakita ko yung mukha ni Peter ng malapitan. Nakapikit siya, yung isang kamay niya naka hawak sa may ulo ko yung isa naman nasa may bewang ko. Nung medyo nilayo niya yung lips niya ng one inch nag salita siya bigla Ang tagal ko ng nagpipigil. Matagal ko ng gustong gawin sayo to Yumi. Nung araw na nakita mo ko sa Tides, nagpumilit lang yung babaeng yun na sumama sa amin. Siya yung ex ko. Nung naalala ko yung Miguel, hinde ako mapakali, kaya pumayag ako sa gusto niya pero nung nakita mo kami naisip ko na hinde ko kayang gawin sayo yun. Hinalikan niya ulit ako, Ikaw ang mahal ko. Wala na akong pakialam kung kamukha ko si Miguel o kung iba yung mahal mo. Ang importante lang ay mahal kita, at akin ka. Habang sinasabi niya yun parang pakiramdam ko ang tahitahimik ng lugar. Despite the fact na napakalakas ng tugtog at mahirap na magkarinigan kami ng maayos, narinig ko ng malinaw yung sinabi niya sa akin.

Wag ka ng makipag break sakin~ kahit anong sakit tatanggapin ko~ wag mo lang akong iwanan. Niyakap niya ako, Sayo lang ako mag titiwala~ ikaw lang ang paniniwalaan ko. Sabi sakin ni Peter habang nakayakap siya sa akin. Nung narinig ko yun, niyakap ko siya bigla. Hinde ko alam kung bakit biglang lumambot yung puso ko sa kanya. Siguro nga mahal ko talaga siya. Gusto ko lang marinig na hinde siya maghahanap ng iba at ako lang ang gusto niya. Gusto ko lang ikumpirma na simula ngayon, sakin lang siya maniniwala at hinde sa sasabihin ng iba. Nung napatingin ako sa table namin napansin kong iba na yung mga kasama ni Mariel, kasama na niya yung mga kasama ni Peter. Nakarami na ng inom ang lahat kaya nagkayayaan ng umuwi. Nung idinilat ko yung mga mata ko, napansin kong mataas na yung sinag ng araw. Wild night.. sabi ko habang nakatakip yung mata ko gamit yung kamay ko. Nung napatingin ako sa kanan ko, nakita ko bigla yung mukha ni Peter Lo. Napaisip ako kung bakit siya nas tabi ko tapos wala pa siyang shirt na suot! Nung napatingin ako sa katawan ko, napansin kong pati ako walang suot. Bigla akong natawa ng mahina nung naalala ko bigla yung mga nangyari kagabi. Dahil kasi sa sobrang kalasingan ni Mariel, sinabi niya kay Peter na sa bahay nila ako matutulog at wala kaming ibang kasama dun kung hinde yung mga kasambahay nila. Nawala bigla yung hilo ko nung niyaya niyang matulog dun si Peter! Syempre eto namang si loko pumayag! Masama daw tumanggi sa grasya. Nung seryoso nga siyang sa bahay talaga siya nila Mariel matutulog, nagpabili pa kami sa driver nila ng beer para malasing ako. Yun nga lang, nung pangalawang beer ko na, bumalik yung hilo ko kaya tinigil na namin. Dapat dun kaming tatlo sa kwarto ni Mariel matutulog pero nung pagkabalik ko galing banyo bigla na lang sinabi ni Mariel na sa guestroom kami. Dun pa lang, alam ko na.

Bakit ba kasi ako pa yung unang nagising! Pano ko na lang siya haharapin? Hinde ko pa makuha yung damit ko kasi ayokong gumalaw baka kasi magising siya. Hinde ko rin alam kung nasaan yung mga damit ko! Habang pinagmamasdan ko yung mukha ni Peter. Hinawakan ko yung pisngi niya at hinimashimas ito. Sakin ka lang ba talaga maniniwala? sabi ko sa kanya ng mahina. Hinawakan niya bigla yung kamay ko na nakahawak sa mukha niya. Sayo lang bigla niyang sinabi. Nagulat ako tapos nakita kong ngumiti siya. Ipinikit ko kaagad yung mga mata ko para magtulugtulogan. Tapos naramdaman ko yung kamay niya sa may pisngi ko. Alam kong gising ka. Wag ka ng mag tulugtulogan. Ngumti ako tapos dumilat. Morning. Sabi ko sa kanya. Morning. tapos ay hinalikan niya ako sa noo. Next stop parking lot! Bigla akong natawa sa sinabi niya. I poked his temple then said, Hoy! Hinde kami ganun! Anong parking lot!? Kasi sabi ni Joan sa parking lot ng school, sa locker room ng gym.. pati banyo ng kwarto ni Mariel. Ayan ka na naman eh! Ano ba sinabi ko sayo ha? Niyakap niya ako bigla, Joke lang! tapos hinalikan niya ako, So one down. San na next stop? Peter~! Gusto ko lang burahin sa isip mo si Miguel~ sabi niya sa akin Ala-ala na lang siya, gusto mo pa bang pati iyon mawala sakin?

Kung pwede lang.. sabi niya ng mahina, Hay. Fine. Mga 2 oclock na kami nakauwi dahil inintay pa naming gumising si Mariel. Hinatid niya rin ako sa bahay. Ipapakilala ko na dapat siya sa pamilya ko pero si Kuya Yuki lang yung nasa bahay. Sinabi ko kay Peter na kung gusto niya, bumalik sya ng mga 6 oclock ng gabi para kumpleto niyang makilala yung pamilya ko. Tuwang-tuwa siya nung narinig niyang pinapabalik ko siya dahil daw sawakas makikilala na niya yung pamilya ko. 5:46 pm pa lang, nasa bahay na si Peter. Dahil si Kuya Yuki pa lang yung nasa bahay, siya lang ang kausap ni Peter. Habang hinahanda ko yung hapunan, naririnig ko yung pinaguusapan nila ni Kuya Yuki. Narinig kong tinanong ni Kuya Yuki kay Peter kung kilala niya ba raw si Miguel, tinanong niya rin kung gaano na kami katagal at kung anong intensyon niya sa akin. Grabe, tipong tanong ng mga tatay yun diba?! Tsk tsk. Mas siya pa yung tatay ko kesa kay Papa eh. Nung dumating si Papa, nagulat siya nung nakita niya si Peter. Si Peter naman ay biglang napatayo nung nakita niya si Papa. Nag good evening siya sa kanya tapos si Papa naman ay hinde nakapagsalita at tinaas na lang yung kamay niya. Lumapit ako kay Papa at humalik, Gutom ka na po ba? Ready na yung dinner. Tapos napatingin ako kay Peter, mukhang tense na tense siya. Huy! Halika nga dito! Lumapit si Peter tapos bumulong, Halata bang ninenerbyos ako? tumango ako Pa, siya si Peter nakipag shake hands si Papa kay Peter, boyfriend ko. Nice meeting you, Peter. Sabi ni papa kay Peter. Tumingin siya bigla sa akin, Napakilala mo na ba siya sa mga kuya mo? Umiling ako, Wala pa sila Kuya Jin at Micky eh. Kay Yuki pa lang.

Sinabi ng KUYA YUKI eh! narinig kong sigaw ni Kuya sa may kwarto niya. Napailing bigla si Papa, Sige maupo na muna kayo, magbibihis lang muna ako. Intayin niyo na rin ang mga kuya mo. Parating narin sila. Umupo kami ni Peter sa may sala, nakahinga na siya ng maagi. Hinde siya masyadong nagsasalita ngayon dahil kinakabahan pa raw siya, pano na lang daw pag dumating yung dalawa ko pang kuya! Hinde niya raw alam yung gagawin at sasabihin niya. Nung bumalik na si Papa sa may sala, napatayo na naman si Peter. Halata paring kinakabahan siya. Tss. Kung ayaw siya ni Papa edi sana hinde na siya pinansin nun! Kinausapsiya ni Papa, nagtanung-tanong tungkol sa buhay niya at sa eskwelahan. Napansin ko rin na nawala na yung kaba niya kaya napanatag na yung loob ko. Si Kuya Yuki naman ay kung anu-ano yung pinag sasasabi kay Peter. Kesyo daw ganito ako ganun ako, bakit daw ako, ano daw nagustuhan sakin. Psh. Nandyan na ata sila Kuya Jin at Micky! Nung narinig ni Peter yung mga pangalan ng kapatid ko ay biglang nag twitch yung katawan niya. Naririnig na namin yung boses nung dalawa kaya mas lalo kong napansin yung nerbyos niya. Wag kang kabahan, iho, ngumiti si Papa kay Peter, mababait ang mga kuya ni Yumi. Tumango lang si Peter habang nakangiting nerbyos. Yumikoooo~ narinig kong sabi ni Kuya Jin. Biglang bumukas yung pintuan ng bahay. Nagbabatukan pa yung dalawa habang pumapasok sa loob. Nung

napatingin sila sa amin. Nagfocus yung mga mata nila kay Peter. Napatingin ulit sila sa akin tapos bumalik ulit yung tingin nila kay Peter. Jin, Micky, siya si Peter. Sabi ni Papa sa kanilang dalawa. Ahhh. Classmate ni Yuki? tanong naman ni Kuya Jin. Hinde. Boyfriend siya ni Yumi.

Chapter 9: Selfishness

Nung narinig nila Kuya Jin at Micky kay Papa na boyfriend ko si Peter, biglang nanlaki yung mga mata nila. Di sila gumagalaw, nakatingin lang sila kay Papa na para bang hinde sila makapaniwala sa narinig nila. Para silang naging istatwa dahil lang sa hinde, boyfriend siya ni Yumi na linya. Tumayo bigla si Peter, Good evening po. Sabi niya habang nakatungo. Good evening. Sabay na sinabi nung dalawa. Tara na sa may hapagkainan. Masyado na natin pinagantay ng matagal ang pagkain. Sabi ni Papa sa amin. Nauna ng umupo si Papa tapos saka kami nag siupuan. Sa bahay na to, kailangan maunang kumain ang matatanda. Dapat siya unang gagalaw sa bawat pagkain na nakahain. Hinde ko alam kung bakit ganun, pero naging ritual na sa bahay na to yun ganung set up. Pero dahil may bisita kami, hinde muna mag aapply yun. Kumain ka lang, iho. Wag kang mahiya. Sabi ni Papa kay Peter Opo. Sagot naman ni Peter. Habang kumakain kami bigla na lang nagsalita si Kuya Micky, Pagkatapos nating kumain, wag ka na munang umuwi. Ngayon lang nag uwi si Yumi ng lalaki dito sa bahay kaya sigurado akong espesyal ka sa kanya. Sa bagay. Si Miguel kasi kaibigan ni Yuki, kaya ibig sabihin, si Yuki nag uuwi kay Miguel dito sa bahay. Sabay tawa ni Kuya Jin. Napatingin ako kay Peter at tinanong kung ok lang ba sa kanya na wag na muna siya umuwi, tumango siya habang nakangiti. Pagkatapos naming kumain niyaya kaagad si Peter nila kuya sa labas. Kaming dalawa ni Kuya

Yuki ang naghugas ng mga pinagkainan. Yumi, napatingin ako kay Kuya Yuki. Dahil ba may hawig sila ni Miguel, kaya mo siya nagustuhan? Hinde diba? Hinde ka ganun kasama diba? Nung una siguro, pero nung tumagal-tagal hinde na si Miguel yung nakikita ko sa kanya, kung hinde si Peter. Ganun ba tingin mo sakin? Ha?? Ngumiti siya, Malamang hinde! Gutso ko lang makasigurado noh. Napatingin siya ulit sa akin, Teka, siya ba yung tinutukoy mo na lalaki nung isang araw? Tumango ako, Wala na talaga kami nung araw na yun, pero nung gabi nun nag kaayos kaming dalawa. Basta magulo. Mabuti naman at ok ka na~ hinde ko alam gagawin ko pag hanggang ngayon malungkot ka parin~ Tss. Kaya ikaw, mag hanap ka na ng girlfriend! Para hinde ako yung kinukulit mo!! sabi ko sa kanya Tsaka na. Pag may anak ka na. sagot niya naman sa akin habang nag pupunas ng kamay. Nung natapos na kaming maghugas ay lumabas na kami para sumali sa kanila. Mukhang ok na sila kuya kay Peter dahil nagtatawanan na sila. Lumabas rin si Papa para makisali sa amin. Clean fun daw dahil may matanda kaming kasama. Peter~~~ ingatan mo si Yumi okay~~? sabi ni Kuya Jin kay Peter Oo nga~~ sabi ni Kuya Micky pagtapos uminom ng beer, Matagal naging malungkot si Yumi~ ayoko na siyang makita pang malungkot~~ Hinde naman ako ganun~~ kung gusto niyo ngayon pa lang ikontrata niyo

na kami ni Yumi eh! Para nakatali na ko sa kanya~ tapos bigla silang nag tawanan. Usapang lasing na to. Pati si Papa nakikihirit na rin eh. Pero Masaya parin ako at maganda yung naging resulta ng pagpapakilala k okay Peter sa pamilya ko. Alam ko naman na magiging maganda yung pag trato nila kay Peter, pero hinde ko aakalain na ganito kaganda yung kalalabasan. -------------------------------------

Yumi, O.T. ako ngayon, mauna ka ng umuwi ok? Usap na lang tayo paguwi ko. Miss na kita~! sabi ni Peter sa kabilang linya. Sige~ wag mo kalimutang mag dinner, ok?? sabi ko sa kanya bago namin iaba yung phone. Naging maganda yung takbo ng relasyon naming dalawa simula nung ipinakilala ko siya sa pamilya ko. Naging close sila ng mga kuya ko. Si Papa naman Masaya rin kay Peter. Sabi nila wag daw muna kaming mag madaling mag pakasal dahil daw bata pa raw kami. Pero ang totoo ayaw lang nila akong mahiwalay sa kanila! 20 na ko at mag 21 na si Peter, ibig sabihin nasa tamang edad na kami para mag desisyon para sa sarili namin. Ilang linggo na lang at gagraduate na si Peter, Mariel at Kuya Yuki ng college. 4 years lang kasi yung course nila, samantalang 5 years yung kinuha ko. Kaya pinagbubutihan ko yung pagaaral ko, para hinde masayang yung kakaadvance ko at baka mapa extend pa ng isang semester. Malapit na rin naman ang October! Konting tiis na lang. Yun nga lang dahil busy kami pareho ni Peter, medyo nabawasan yung oras namin sa isat isa. Busy siya sa practicum niya at thesis. Ako naman busy sa thesis ko. Hay~ akala ko isang thesis lang ang gagawin ko! Hinde ko alam na dalawa pala. Pero eto group na, kaya madali na lang para sa akin. Hinde

eto tinawag na South University para sa wala. Pano kaya nakapasok s Peter dito? Heehee! Joke lang~~ Speaking of Peter~ ibang klase rin talaga yung lalaking yun! Masyado niya akong binebaby. Feeling ko tuloy, pag nawala siya sa tabi ko ng matagal, para na rin akong naputulan ng paa. Parang hinde na ko makakatayo pa dahil kulang na ko. spoiled by Peter Lo, I know. Malayo rin sa tukso si Peter. I mean, after nung first break up namin, hinde na siya masyadong lumalapit sa mga babae. Magsasabi siya sa akin kung may kakausapin siya o may kasama siyang babae. Ang sinisigurado niyang kilala ko yung taong yun. Tinigilan na rin ni Joan si Peter dahil alam niyang wala siyang mapapala kay Peter. Sa akin na lang kasi naniniwala si Peter. Kaya siguro mas mahal ko na siya ngayon kesa dati, dahil alam kong hinde ako ulit sasaktan pa ni Peter at dahil naniniwala ako sa kanya. Si Peter yung nag balik sa akin sa tamang ayos. Nung panahon na sobrang nasa ilalim ako, siya yung humatak sa akin pataas. Akala ko puro ulan na lang ang mararanasan ako, pero nung dumating siya, biglang umaraw na parang wala ng bukas. Hinde ko nga alam kung healthy pa rin yung relasyon naming dalawa dahil hinde kami halos nag aaway. Hinde ko nga alam kung alam niyang mahal ko siya eh. Hinde ko rin halos matandaan kung nasabi ko ba yun sa kanya. Hinde naman siya nag ddoubt kung mahal ko ba iya o hinde eh, alam ko namang nararamdaman niya yun. Yun lang ang mahalaga. Yumi G~! narinig ko na yung boses ni Mariel Lumingon ako sa may likuran ko at nakita si Mariel. Oh bat nandito ka? tanong ko sa kanya Tapos na class ko eh. Mall tayo? tumango na lang ako. Hinatid kami nung driver nila Mariel sa South Mall. Napansin ko na parang wala sa mood si Mariel dahil hinde siya masyadong nagsasalita. Pag

tinatanong ko naman siya laging iling yung sagot niya. Parang habang tumatagal, palayo siya ng palayo sa akin. Although ganun parin kaming dalawa, pakiramdam ko may mali. Mariel, seryoso, ano ba talagang problema mo? Wag mong sabihing wala dahil alam kong meron. Pinangunahan ko na siya. I feel so huminga siya ng malalim, alone. Sabi ko naman kasi sayo, si Kuya Yuki na lang. sabay tawa Ew. Ano ka ba! Palagi na lang si Yuki hinihirit mo sakin! Pwede ba!!! tinulak niya ako ng mahina, Parang sinabi mo na rin sakin na halikan ko sa labi yung sarili kong kapatid!! Hinde ko mapigilan yung tawa ko. Tuwing sinasabi ko sa kanya na sila na lang ni Kuya Yuki lagi siyang nabubuhay, sa galit. Triplets daw kasi kami, kaya hinde daw pwede kasi incest. Kelan ba ko nagkaroon ng kapatid na babae? Pfft. Ano bang nangyari sa mga date-date mo? Sa tingin mo makikipag date ako ng walang karamay?? Hay~ alam mo bang mahigit isang taon na kong single?! bumuntong hininga siya ng malakas. Oo nga noh, magiisang taon na rin pala kami ni Peter. Umupo kami sa bench na nakaharap sa may fountain, Wag kang magalala. Pag single na ulit ako, sasamahan kitang makipag date! Tiningnan ako ng masama ni Mariel, Hinde nga kayo mapag hiwalay ni Peter Lo eh! Parang nagliligawan palang kayong dalawa eh. Napangiti ako bigla, Gag0 ka rin noh? Gusto mo akong tumandang dalaga! Kaya nga for the mean time, si Ku

Pinutol ni Mariel yung sasabihin ko, Banggitin mo pa si Yuki! I swear ibabaon kita ng buhay! pasigaw niyang sinabi sa akin Tss. Hinde mo pa nga ako pinapatapos eh!! sabi ko naman sa kanya, Gwapo naman daw si Kuya Yuki ah? Nung high school ang dami niyang naging girlfriend ang dami ring nagkakagusto sa kanya. Wala naman akong sinabing hinde siya gwapo ha? Matangkad, medyo maputi, maganda katawan, red lips, matangos ilong, maganda ngumiti Alam ko lahat yan! Pero wala talaga eh! Nakita mo naman siguro kung pano kami mag bangayan! sabi bigla ni Mariel. Si Kuya Micky? Gwapo rin daw yun!! Mabait pati sweet pa. Never pa ko nun inaway. Umiling si Mariel, Si Kuya Jin? Galante yun! Gwapo rin daw yun pero mas gusto ko itsura ni Kuya Micky. Baka kasi nasa mukha ni Kuya Micky na tahimik at seryoso siyang tao, kumpara kay Kuya Jin at Kuya Yuki. Yung dalawa kasi nasa itsura nilang loko-loko sila eh. Ano ba to. Parang nagbebenta ako ng kapatid sa ginagawa ko eh! Bugaw ba ko? Pero kahit anong pagbebenta ko sa kanila, mukhang hinde bebenta kay Mariel eh. Oo siya n goo sa mga sinasabi ko, pero parang may kulang parin. Hinde ata sapat sa kanya yung mga nasabi ko, o baka kilala niya na kasi sila. Yumi, no doubt, gwapo at mababait talaga mga kuya mo! Thats why I love them! Pero~ iba talaga eh. Hay~ sabi ni Mariel. Tumayo kaming dalawa at nag ikot ulit sa mall. Nag bago bigla yung mood ni Mariel nung nakakita siya ng mga lalaki sa may arcades.

Ang saya maging bata ulit noh? Sana high school na lang ulit tayo. Sabi bigla ni Mariel. Mga taga Southville High tong mga to.

Nag necktie pa sila eh hinde naman maayos yung pagkalagay. Tss. Southville High, yan yung school na pag-aari ng asawa ni Dr. Bautista. Baka dun ko gawin yung practicum ko pati baka dun rin ako mag work pagka graduate ko. Pinapili naman ako ni Dr. Bautista kung gusto ko mag aral dun sa academy nila o dun sa school mismo, mamimili ako ng subject na gusto kong ituro English, Math o Science. Pwede ako makakuha ng iba pang work sa umaga tapos sa gabi naman pwede ako dun sa academy. Doble pa kita ko. Yumi, napatingin ako kay Mariel, anong gagawin mo pagnambabae si Peter? Ewan ko. ngumiti ako sa kanya, Pag nangyari pa siguro yun, ang malas ko na lang diba? Hinde naman siguro ako lolokohin ni Peter. Malaki tiwala ko sa kanya. Pagkatapos naming magikot-ikot ni Mariel ay inihatid na niya ako sa bahay. Mga isang oras bago tumawag is Peter. Nagkwento siya tungkol sa company na pinag papracticuman niya. Mukhang ang saya-saya niya dahil ang dami niyang kwento. Nung tungkol sa thesis naman niya yung tinanong ko confident naman siya sa pag sagot. Masaya ako at walang pinoproblema si Peter. Pero bakit parang napapaisip parin ako sa tinanong sakin ni Mariel kanina? Wala lang naman yun diba? Sa wakas at dumating na rin yung araw ng defense ni Peter. Kabadong kabado sila ng kanya grupo, syempre ako rin knakabahan para sa kanila. Nung turn na nila, naging seryoso bigla yung mukha ni Peter, nakita ko yung kabilang side niya. habang pinaanood ko siya, hinde ko mapigilang hinde maimpress sa kanya. Eto yung araw na pinaka hihintay niya. Nung nalaman nilang nakapasa sila pati ako napatalon sa tuwa. Niyakap kaagad ako ng mahigpit ni Peter. Mabuti at konting revisions lang ang kailangan. Nagdinner kami kasama ng mga groupmates niya sa labas para i-celebrate yung pagkapasa nila. Syempre, may kanya-kanya silang dalang babae.

Lumabas kami saglit ni Peter para makapag solo. Yumi~ may sasabihin ako sayo~ sabi niya. Hinawakan niya yung kamay ko ng mahigpit, Wag kang mabibigla ok? Ok~ Nakapag desisyon na kasi sila Mommy na mag migrate kami sa Canada. napatingin ako sa kanya, One week after ng graduation ko yung alis.. Nakatingin lang ako sa kanya ng limang minuto. Hinde kami pareho nag sasalita. Hawak niya lang yung kamay ko habang nakatingin sa kawalan. Uuwi ako dito tuwing December hanggang January. Para macelebrate natin yung Christmas, New Year at Birthday mo. Sabi niya sa akin. Hinde parin ako makapaniwala sa sinabi niya. Canada? One week after graduation niya? ibig sabihin, five weeks ko na lang siyang makakasama? Ganun kabilis?! Magsalita ka naman. Anong sasabihin ko? tanong ko sa kanya, Napakabiglaan ng mga pangyayari. Pero sige, ok lang. May internet, phone at text naman eh. Pati sabi mo uuwi ka tuwing December. Nagsinungaling ako. ang totoo, hinde ok sakin yung pag alis niya. Kung gusto mo, napatingin ulit ako sa kanya, sabay na lang tayong pumunta dun.. kuha muna tayo ng experience dito, ipon tayo tapos sabay tayong pumunta dun. Napangiti ako bigla sa sinabi niya. Seryoso ka?? Hinde ka muna aalis?? Iintayin mo ko makapag ipon?? Niyakap niya ako bigla, Sira ka talaga. Pwede ka naman kasing magsabi kung ayaw mo talaga akong umalis eh. Obvious naman na hinde ok sayo yung pagalis ko eh.

Ayaw naman kitang pigilan noh. Pati nakakahiya naman sa parents mo kung di ka sasama ng dahil lang sa akin. Sabi ko sa kanya Sira. Sila na yung nagsabi sa akin na pwede kitang isama kung gusto ko. binitawan niya ako bigla at hinawakan yung mukha ko, kakayanin natin diba? Tumango ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Nung nakabalik kami sa loob, bigla nila kaming inasar. Tinanong nila kami kung saan kami nanggaling at kung may mirakulo raw bang nangyari dahil ang tagal daw namin bumalik. Pffft. Ano bang kaibigan meron tong si Peter! Buong gabi, hinde binitawan ni Peter yung kamay ko. Nung hinatid niya ako sa bahay, sinalubong kami ng pamilya ko at cinelebrate yung pagkapasa niya. Sure na kasing makakagraduate siya. Pero pano ko kaya sasabihin kela Papa yung plano namin ni Peter? Baka kahit makagraduate ako, hinde ko parin masabi sa kanila. After one year and a half. Magtatatlong taon na kami ni Peter at kelan lang tumawag yung parents niya para sabihin na sumunod na kami dun. Sinabi naming ni Peter sa kanila na susunod na lang kami dun pagmarami na kaming naipon. Naintindihan naman nila kaya hinde na nila kami pinilit. Hinde ko naman kayang sabihin kela Papa na pupunta ako ng Canada kasama si Peter dahil kelan lang umalis si Kuya Micky papunta ng America. Ayokong pigaan ng kalamansi ang sariwa pang sugat! Lately, parang medyo nagiging weird si Peter. Hinde ko alam kung paranoid lang ako o meron talagang mali sa ikinikilos niya. Mag-iisang linggo na akong nawiwirduhan sa kanya, pero hinde ko na lang pinapansin. Iintayin ko na lang na sabihin niya sa akin kung meron talagang problema. Yumi, may sasabihin ako sayo. Kinabahan ako bigla dahil sa seryosong mukha ni Peter, Maaassign ata ako sa Cebu branch. Hinde ko alam kung

tatanggi o papayag ako kasi matagal tagal rin yung pag stay ko dun.. sabi sakin ni Peter Cebu?! Bakit ang layo?? Eh kasi kakatayo lang ng branch dun.. Kinakailangan ng tauhan kaya apat kaming maassign dun. 6 months lang, medyo malaki yung offer kaya pwede na. Pero kung ayaw mo, ok lang rin sa akin. Anim na buwan ko siyang hinde makikita. Pinigilan ko siya sa pagpunta niya sa Canada kaya nalayo siya sa pamilya niya, kung pipigilan ko pa yung pagassign sa kanya sa Cebu, napaka selfish ko na talaga. Ayoko na maging hadlang pa sa buhay niya. Kaya ko naman siguro tiisin yung anim na buwan diba? Mas ok na yung nasa Cebu lang yung punta niya dahil nasa Pinas parin siya at alam kong anim na buwan lang yung itatagal niya dun. Kesa sa Canada siya pumunta at hinde ko alam kung hanggang kelan siya dun. Gusto mo ba? tanong ko sa kanya. Kung ano yung maging desisyon mo, ok lang sa akin. Susuportahan kita. Sayang kasi eh. Ok lang ba talaga? tumango ako, Pagpumayag ka, ipapaalam ko na kaagad sa kanila. Paniguradong papapuntahin na kaagad nila ako sa Cebu. Ok lang ba talaga? Six months lang yun. Kaya natin yun diba? ngumiti ako sa kanya, Hinde naman ako magloloko eh. Ganun ka rin naman diba? Oo naman. Hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko, Ngayon pa ba ako magloloko kung kelan ang tagal na natin? Biglang nag ring yung cellphone ni Peter, sinagot niya yung tawag sa harapan ko. Nung narinig ko yung Mia napatingin ako bigla sa kanya. Officemate niya si Mia, bago lang si Mia sa company nila Peter. Nakilala ko na siya, mabait at masipag na babae siya. Magkaage sila ni Peter kaya medyo nagclick kaagad sila. Yun nga lang, tuwing tumatawag o nag tetext si

Mia palagi niyang niyayaya si Peter lumabas kasama nung iba nilang kaopisina. Ewan ko, medyo tamang hinala lang siguro ako. Yumi~ ok lang ba kung lumabas ako kasama ng mga officemates ko? tanong sa akin ni Peter habang kausap si Mia sa cellphone niya. Ngumiti ako sa kanya kahit na pilit. Sige lang~ sabay tayo at talikod. Ang gusto ko talagang sabihin ay wag. Hinde ko alam kung bakit masyado akong maluwag kay Peter. Siguro parte ng pagkatao ko yun, pero hinde ko lang talaga siya kayang higpitan eh. Sige pupunta na ko dyan. Narinig kong sabi niya. Napatingin ako bigla kay Peter. Pumayag ako pero hinde ko alam na ngayon na rin siya aalis. Ano yun, dumaan lang siya dito para magpaalam? Hay~ bakit ba kasi pumayag pa ako. Wala na tuloy bawian. Yumi alis na ko, ok lang ba? tumango ako. Nag goodbye kiss na siya pagkatapos ay umalis na. Hinde ko tuloy alam kung tama yung pumayag ako na magkalayo kami ng anim na buwan. Ayokong isipin niyang hinihila ko siya sa mga dumadating na swerte sa buhay niya. Ayokong maging makasarili, kahit na unti-unti akong nagiging swapang. Kahit na gusto nasa akin lang yung puso at oras niya, hinde pupwede. May sarili siyang buhay, hinde umiikot ang mundo niya sa akin. Pero gusto ko ng ganung feeling yung tipong umiikot yung mundo ng isang tao sa akin. Gusto kong maramdaman yun, gusto ko yung ako lang at wala ng iba

Chapter 10: Meeting

Mahigit tatlong buwan na tayong hinde nagkikita~ ano na bang bago sayo? tanong ko kay Peter sa kabilang linya ng telepono. Bagong gupit ako! Hehe! Ikaw? Kamusta S University? may narinig akong nagsara na pintuan, Yumi~ tawagan kita ulit~ bigla niyang binaba yung telepono. Kakaiba na si Peter. Parang hinde ko na siya kilala. Recently, tuwing nakakarinig ako ng pagsara ng pinto, bigla na lang humihina yung boses niya. Pag gabi naman ganun parin! Naiintindihan ko kung sa umaga maging ganun siya, pero sa gabi?! Bakit hanggang gabi ba siya nagtatrabaho dun!? Umuwi na lang siya dito kung kayod kabayo ginagawa niya sa Cebu! Panatag rin naman yung loob ko kasi kasama niya si Mia sa Cebu. Hinde siya mahihirapan mag adjust, may makakausap siya ng tagalong at siyempre, may magbabantay sa kanya. Pero si Mariel kinokontra lahat ng sinasabi ko. Lahat ng positive sa paningin ko, negative sa kanya. Simula nung nalaman niya yun, gusto na niya akong makipag date habang nakatalikod si Peter. Wala naman daw mali kung date-date lang, kasi siya pa rin daw yung original. Hinde ako pumapayag sa mga gusto niya. Ano na lang ang sasabihin sakin ng mga kaibigan ni Peter pag nalaman nila? Ayokong lumabas na masamang tao. At gusto nya pa na mag hanap ako ng lalaki sa S University! Ok lang siya?! Hinde ako papatol sa mas bata sa akin! Makulong pa ko ng di oras! Sa iisang condo kami nakatira ni Mariel. Graduation gift sa kanya ng parents niya yung condong yun. Masaya naman kasi kasama ko si Mariel. Umuuwi rin ako tuing weekend sa bahay kaya walang problema kela Papa. Nagsimula na ulit akong mag aral sa S University, Business Administration yung kinukuha kong course. Sa Graduate school talaga yung plano ko pero wala pang 2 years yung experience k sa trabaho kaya ayan, magsisimula ako from scratch.

MissYumAte Yumi? napatingin ako kay Jam, Ate Yumi ba dapat itawag ko sayo kasi mas matanda ka sakin ng apat na taon o Miss Yumi kasi naging teacher kita? Napangiti ako sa tanong niya, Ano ba! Wala na tayo sa academy. Hinde naman tayo magkapatid eh, kaya Yumi na lang. Ok, Yumi it is. Ngumiti siya, Close na rin naman tayo kahit papaano diba? I mean, naging teacher kita sa academy, tapos classmate kita ngayon sa ibang subjects. Nakasama ko na rin kayong lumabas ni Ate Mariel Jam, ano ba yung gusto mong sabihin? Kanina ka pa kasi nakatingin dun sa lalaking yun eh. Napatingin ako sa taong tinuturo niya. I have no idea kung ano yung pinagsasasabi niya. Hinde ko nga napansin yung taong yun kung hinde niya pa tinuro eh. Ano bang special sa lalaking yun? Pati may boyfriend ako, hinde ko kailangan ng iba. Kelan pa ko nakatingin sa kanya? tanong ko. Kanina pa kaya! Yumi~ highschool pa lang kami gusto ko na siya~ napatingin ako sa kanya. Nasa mukha niya na hinde pa niya nasasabi dun sa lalaking tinuturo niya na gusto niya siya. Ano bang pinagsasasabi mo? Ngumiti ako sa kanya, yung lalaking may hawak ng gitara yung tinitingnan ko. Napatingin siya dun sa lalaking tinuro ko. Pinagmasdan ko rin ng maigi yung lalaking tinuro ko. Mabuti na lang at gwapo siya, kung hinde baka isipin niya na kakaiba yung taste ko sa lalaki. Matangkad, hinde ko masabi kung payat siya o normal yung katawan niya at mukhang seryoso sa buhay. Hinde ko madescribe ng maayos kasi medyo malayo siya. Kaya hinde rin

ako sgurado kung gwapo ba talaga siya o hinde. Si Lucas? napatingin ako kay Jam, Schoolmate ko rin siya sa Southville High eh. Lucas? tanong ko sa kanya, nagacademy rin ba siya? Tumango siya. Di mo maalala? Umiling ako, Sabagay, isang linggo lang siya sa class mo eh, tapos lumipat na ng 8-10. Ahh. Kaya pala. Close sila ni Greggy, yung lalaking katabi niya. Bata pa lang sila sobrang close na nila. Sabi sa akin ni Jam habang nakatingin dun sa Greggy. Gusto mo pakilala kita? Sikat yan sobra! Nung high school kami, may mga college students na pumupunta sa school namin at hinahanap siya. Di ko nga lang alam kung may girlfriend siya ngayon.. Alam ko meron eh, pero nasa ibang bansa na kaya hinde ko alam kung sila parin. Pero dati papalitpalit kasama niyang babae. Babaero!? Tanong ko Jam. Wala palang kwentang tao yan eh. Tss. Mga katulad niya wala ng karapatan mabuhay! Hinde siya babaero. May dahilan siguro kaya siya ganun. Lucas Adrian A. Elizalde. Mabait si Lucas, nagbago nga lang siya simula nung nasa grade 12 kami. Pati kung hinde siya mabait, hinde siya magugustuhan ng mga tao sa Southville High diba? Lucas Adrian A. Elizalde~ pamilyar sakin yung mukha niya. Nagkakilala na ba kaming dalawa? Kung oo, saan naman? Hinde na ako nagkainteres pa sa ibang lalaki simula nung naging kami ni Peter. Kuntento na ko sa kung anong meron ako nung panahong yun. Pero

hinde ko alam kung bakit hinde ko matanggal yung mga mata ko kay Lucas. Merong something sa kanya na gusto kong malaman. Kung anu man yun, hinde ko alam. Tuwing nakikita ko sya, lagi niyang hawak yung gitara niya. Lagi niya tong nilalaro, akala mo ay tao yung gitara dahil sa pag trato niya dun. Ilang taon na ba siya? Siguro kung 20 years old siya, papatulan ko pa siya. Ayoko naman itanong kay Jam yung age ni Lucas, baka bigyan niya pa ng meaning yung pagtanong ko, although may meaning talaga. Napailing ako. Epekto ba to ng pagka desperado? Nagkakaganito lang siguro ako dahil wala si Peter sa tabi ko. Wala lang to. Nasa phase lang ako ng depression, lilipas rin to. Pagkapasok ko sa condo sinalubong kaagad ako ni Mariel. Bakit ngayon ka lang! Kanina ka pa namin hinahanap ni Jam! Maligo ka na tapos mag bihis ka. Magsisimula na yung event in 1 hour and 30 mins! Kaya bilisan mong kumilos! Wag mo na akong galitin! Tumango lang ako. Sumunod ako kay Mariel na parang aso. Ayoko siyang galitin, kakaiba siya pagnagagalit. Wag niyo ng isipin kung paano. So naligo nga ako ng mabilisan at pagkatingin ko sa may kwarto ko ay nakita ko yung bistida at sapatos na inihanda sa akin ni Mariel. Sinuot ko na kaagad yung damit. Nung lumabas ako ng kwarto ko ay nakita ko silang dalawa sa may harap ng pintuan ko. Hinila nila ako pareho palabas ng unit namin. Hila hila parin nila akong dalawa hanggang makasakay kaming tatlo ng kotse. Teka san ba tayo pupunta?! tanong ko sa kanilang dalawa. Pinagbihis niyo ko ng ganitong damit tapos hinde niyo naman sasabihin sakin kung saan tayo pupunta! Diba sabi mo gusto mong magpagupit? Ayaw mo lang kasi ayaw mong gumastos! Ako na bahala sa gupit mo! Ok?? sabi sakin ni Mariel. Napangiti ako bigla nung narinig kong lilibre niya ako ng pagupit. Pero

bakit biglaan yung pagoffer niya? Hoy. Bakit biglang galante ka ngayon?? Akala ko ba nagiipon ka? tanong ko kay Mariel, Sagutin niyo naman tanong ko! May meeting tayo ngayon!Simpleng sagot sa akin ni Mariel. Hinila nila ako papasok sa parlor. Si Mariel yung kumausap dun sa hairstylist. Siya rin yung nagsabi kung anong style yung gagawin sa akin. She washed my hair then rinsed it. Sa sobrang biglaan ng mga pangyayari, nakita ko na lang yung finished product. Ang mahaba kong buhok maiksi na ngayon. Hinde ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Kelan lang kinulayan ni Mariel yung buhok ko ng cool blonde, tapos ngayon pinagupitan niya ng maiksi. Para akong teenager sa buhok ko ngayon. May bangs pa ko! Pero hinde ako makaangal dahil gusto ko siya. Ayan! Mukha ka ng 18!! sabi sa akin ni Jam at Mariel Tara na! Baka ma-late pa tayo sa meeting! sabi ni Mariel habang hinihila ako papunta sa may kotse. Ano ba sila! Natutuwa ba sila sa kahihila sakin? Ano bang nakukuha nila pag hinihila nila ako? hinde ba pwedeng sabihin na lang nila na tumakbo ako dahil nag mamadali kami?? Mahirap bay un?! Jusko po! Sa loob ng kotse, nilagyan naman ako ng make-up ni Mariel. Sabi niya simple lang daw para lang magkaroon ako ng konting kulay dahil daw ang putla masyado ng mukha ko. Konting kulay ba yung may foundation, concealer, makapal na eyeshadow, blush on at lipstick?? Simple bay un? Konting kulay ba tawag dun?! Nung huminto yung kotse, hinila na naman ako ni Mariel papasok ng isang building. Nakabangga kami ng isang tao na nasa tapat namin. Aray! sabi ko

Bakit ikaw pa yung may ganang mag aray? Youre the one who bumped on me. Tumingin siya saglit sa akin tapos ay pumasok na sa loob. Bakit parang nangyari na sakin yun dati? Parang ganun rin yung sinabi sa akin nung taong yun. De javu? Pabayaan mo na yun! Tara na. sabi sa akin ni Mariel Pagpasok namin, ang dami ng tao sa loob. Puro mga estudyante sa S University. Ngumiti sa akin si Mariel tapos nag peace sign. Sorry!! Sabi sakin ni Ate Mariel wag ko raw sabihin sayo eh.. sabi ni Jam sa akin, Nandito rin si Lucas! Chance mo na to! Sigurado akong maraming lalapit sayo ngayon! Dati sinira ni Peter yung chance mo eh, pero ngayon, this is really it! sabi ni Mariel habang nakangiti. Alam kong magagalit ka.. pero kasi kinulang yung mga babae eh, ngayon lang ok?? Tumango na lang ako dahil wala na akong magagawa. Nandito na rin naman ako eh, kelangan ko na lang ipakita na hinde ako interesadong magkaboyfriend, dahil meron na. Tinuro ni Mariel yung table namin ni Jam. Nakita ko na yung likod nung limang lalaki. Nung umupo kaming dalawa napansin kong si Lucas yung nasa harapan ko. Katabi niya si Greggy at yung tatlong lalaki sa tabi n Greggy ay hinde ko na mga kilala. Nagulat rin si Jam nung nakita niyang si Greggy yung nasa tapat niya. kinalabit niya ao sa may kamay kaya napatingin ako sa kanya. Bakit? tanong ko sa kanya. Umiling lang siya.

Good evening everyone!! napatingin ako sa may MC, These are the rules: First, you should introduce yourselves to everyone in your group. Second, try to get to know the person youre targeting to be your partner. Lastly, if youve decided on that person, its your choice if you want to take your chosen partner outside this room or stay here to have some fun. All you have to do is to get to know the people infront of you guys. Good luck to everyone! Let the party begin! Nagsimula ng kausapin nung mga babae yung mga lalaki sa table namin. Tumingin ako sa ibang table para tingnan kung ano na yung nangyayari sa kanila. Lahat sila ay naguusap na. Parang nageenjoy silang lahat. Narinig ko sa lahat yung age nila, puro 18 at 19 silang lahat! Ako lang ba 22 dito?! Yumi turn mo na. sabi sa akin ni Jam. Nakatingin sila sa akin, iniintay na magsalita ako. Pano nga ba ulit to? Bahala na. Im Yumiko Gala, a freshman at S university, taking up Business Ad. Im napatngin ako sa kanila, 20 years old. Napatingin sa akin si Jam nung narinig niyang sinabi kong 20 years old tapos ngumiti siya habang umiling. Nag wink na lang ako sa kanya. Lucas Elizalde, studying at S University taking up Business Economics. Napatingin ako kay Lucas nung narinig ko yung boses niya. May hint na lumaki siya sa mayamang pamilya. Tono pa lang ng pananalita niya mapapansin mo na kaagad. Ilang taon ka na Lucas? sabi nung babaeng nasa gitna. (nakalimutan ko pangalan niya nung narinig ko yung boses ni Lucas). Oo nga, ilang taon na siya?

Napatingin sa akin si Lucas, 20. Nagulat ako nung bigla siyang sumagot. Hinde naman ako nagsalita pero bakit parang nabasa niya yung nasa isip ko? Naka pinta ba yun sa mukha ko? Ganun ba ko ka obvious?! 20?? I like older guys! Sabi parin nung babaeng nasa gitna. I mean, guys older than me. Ngumiti lang si Lucas. So 20 talaga siya? If ever na piliin niya ako, ok lang, kasi pareho naman kaming 20. Yun nga lang hinde ko naman totoong age yun. Bigla ko lang nasabi yung 20 kasi lahat sila 18 at 19! Humina lang siguro yung loob ko na sabihin yung totoong edad ko. Pati pakialam ko ba! Hinde naman as if mauulit yung ganitong eksena! Pag tapos nitong gabing to, hinde na kami magkikita pa ng malapitan. Tatlo sa table ko ang hinde taga S University, pero sa isang kilalang university parin sila nag aaral. Pinagmasdan ko lang yung grupo ko. Hinde na ko naki-join sa kanila dahil may boyfriend na rin naman ako. Si Jam at Greggy medyo komportable na sa isat isa. Siguro sila yung magiging pair ngayong gabi. Malamang, etong babaeng nasa gitna ang tinatarget niya ay si Lucas. Kung tingnan niya si Lucas akala mo pagkain niya eh. Kinuha ko yung plato ng nachos at kinain ito habang pinapanood sila magusap. Puro pangmayamang kwentuhan yung naririnig ko. Bakasyon sa ganitong bansa, bili ng ganitong klaseng kotse at nakatira sa ganitong klaseng condo. Pano pag tinanong nila ako? Anong trabaho ng father mo? O kaya anong business ng family mo? Business? Professor father ko sa blank university. Yung mother ko naman iniwan kami matagal na panahon na. Madami kamin kotse, actually papalit palit pa nga eh, PUJ yung type, Sarao yung tatak. Hay~ mabuti pang manahimik na lang ako. Matatapos na rin naman to. Ilang oras na rin naman ang nakalipas eh

maya-maya pilian na. Masarap ba yang nachos? napatingin ako sa taong nagsabi nun, Kanina mo pa kasi yan kinakain eh. Ah. Sorry. Nilagay ko sa gitna yung plato ng nachos, Tikman mo, masarap. Nakakalumbaba siya sa may lamesa habang nakatingin sa akin. Mukha nga. Kanina mo pa kinakain eh. Subuan mo ko. Ah~ Tinitigan ko siya saglit. Wala ka bang kamay? Kaya mo na yan Tiningnan ako ng masama nung babaeng kanina pa siya kinakausap. Nasa mukha niya na gusto niya akong kainin ng buhay dahil sa ginawa ko. Bakit, anong mali sa ginawa ko? Pati yung ibang tao sa table namin nagulat sa sinabi ko kay Lucas. Kinuha nung babaeng nasa gitna yung plato ng nachos, tumayo siya at sinubuan si Lucas, Eto Lucas oh~ Ah~ Kinain naman ni Lucas yung isinubo sa kanya nung babae. Nasa 7th heaven na siguro yang babaeng yan since tinanggap ni Lucas yung offer niya. So what. Times up everyone! sabi ni Mariel sa may stage, This is the moment of truth! You may now start choosing your partner! Oh yeah, you may reject the offer if you have someone in your mind. Tama nga yung naging hinala ko. Si Greggy at Jam yung naging pair. Yung babaeng nasa gitna tumayo bigla tapos tinawag si Lucas. Be my partner~ sabi niya kay Lucas Nag X mark si Lucas gamit yung kamay niya.

Sorry. Si Yumi ko yung partner ko. Nagtinginan sila sa akin. Tumayo si Lucas at hinawakan yung kamay ko. Walang mago-o-object? Good. Hinila niya ako papalabas ng building. Binitawan niya lang yung kamay ko nung nasa may labas na kami. Ano bang problema mo!? Hinde mo hinintay yung sagot ko! REJECT REJECT REJECT! Bakit may iba ka bang gusto dun sa group natin? Umiling ako. Yun naman pala eh. Sabagay, mas ok naman si Cynthia kumpara sayo. Maganda katawan niya, malaki hinaharap, maganda.. ewan ko ba kung bakit ikaw hinila ko. Mali. REJECT! Ginawa niya ulit yung X mark tapos ay naglakad na palayo sa akin. Sino si Cynthia?! Ano ulit yung nangyari? Bakit parang biglang bumaligtad lahat? Ako yung hinila palabas diba? Relax Yumi~ relax~ hinde naman kayo magkikita niyang taong yan araw araw eh~ ngayon lang to~ kalimutan kalimutan! Let the bad vibes go~ Naramdaman kong nag vibrate yung phone ko. kinuha ko ito sa bag ko From: Mrs. Bautista Yumi, are you willing to teach one-on-one? Because well be assigning you to be a private tutor. Theyre looking for a business major student with high grades and youre the only one whos qualified for that position. The offer is quite big. Bagong raket na naman. Quite big? Gaano kaya kalaki yung quite na yun? Bahala na! Kelangan ko rin ng pera para mabuhay. Ayoko na umasa sa mga kuya ko, lalo na kay Papa. Kung kinakailangan kumayod, kakayod ako! Pumunta ako sa may malapit na 7/11 para maupo.

To Mrs. Bautista Okay, maam. Inform me about the date and place. From: Mrs. Bautista TWTH from 7-8 pm at Zerendra 7th flr 709-D. Youll start next Tuesday. Goodnight. Nagreply ako ng goodnight kay Mrs. Bautista. Nakalimutan ko kung ilang taon yung tuturuan ako. Business major? Bakit, business ba yung kukuning course nung batang yun? Hinde ko man lang nalaman kung babae o lalaki yung student! Ano ba nangyayari sakin ngayong araw. Hinila na nga ako papasok sa meeting tapos hinila pa rin ako papalabas. Ngayon naman kulang kulang na impormasyon yung nakuha ko! Puro kamalasan na yung nangyayari sakin ngayong linggo! Eto pang magaling kong boyfriend, hinde nag tetext! Ano na kaya yung nangyayari sa kanya dun? Ayoko naman siyang i-check 24/7 at baka sabihin niya wala akong tiwala sa kanya. Tama na yung namimiss namin yung isat isa. Biglang nagpop sa ulo ko si Lucas. Ano bang problema nung lalaking yun! Hinde naman kami magkakilala pero kung tratuhin niya ako akala mo friends kami! Hinde porket gwapo siya ganun ganun na lang yun! Reject!? HA! Nauna kaya akong magsabi nun! sabi ko habang nakatingin sa cellphone ko. May pa X-X ka pang nalalaman!! Bwiset! Napatingin ako sa may left side ko at nakita yung worker ng 7/11 na nakatingin sa akin. Nawirduhan ata siya nung bigla akong magsalita. Ngumiti na lang ako sa kanya tapos ay nagmadaling lumabas. Nakooo~! Pagnakita ko ulit yang lalaking yan sa campus!! Patay sakin yan! Ano? Si Cynthia na lang sana yung pinili mo?! Maganda katawan?! Ano yun hipon?! Katawan lang yung habol mo?? Sige na! Maganda na siya pero para siyang Barbie! Maganda nga pero plastic at walang laman yung ulo!

Nakakainis. Lucas Elizalde~ may araw ka rin sakin!!

Chapter 11: A Spade is A Spade

Yumi~! Malayo pa lang, alam ko na kung kanino yung boses na yun. Tumingin ako sa may likuran ko para kawayan si Jam. Nagmadali siyang lumapit sa akin. Niyakap niya ako habang nakangiti siya. Bakit parang ang saya mo ata? Tanong ko sa kanya. May nangyari bang maganda? Parang ganun na nga~ sabi niya naman habang may sparks sa mga mata niya Tungkol ba to kay Greggy? tumango siya, Kayo na? Hoy OA ka ha! Palagi lang kaming magkatext pati magkausap. Biglang naging iba yung tingin niya sa akin, Kamusta na kayo ni Lucas?? Ok ka lang?! sabi ko sa kanya, Kalokohan lang yung nangyari nung meeting! Kalokohan lalo kung hanggang ngayon nagkokontakan kami! Pagtingin ko kay Jam, nag tetext na siya. Siguro si Greggy na yung katext niya. Mabait si Lucas. Nag pause siya kasi nagtetext parin siya. Pagtapos niyang magtext ay tumingin siya sa akin. Mabait siya sa lahat ng tao, except sa mga nakakabangga sa kanya. Alam mo naman pag high school siyempre pa-cool! Buhay gangster. Feeling nila ang cool cool nila pag nakakasapak sila ng tao. Anong mabait dun? Parang siniraan mo lang siya sa akin eh. Tapos ay tumawa ako Naging ganun lang siya nung grade 12. Pero before nun, mabait talaga

siya. napatingin ako sa mga tao dun sa may gazebo. Lalo na sa mga babae! Hes really really nice to girls! Tumango ako sa kanya habang nakatingin parin sa may gazebo. Pansin ko nga eh. Tinuro ko yung gazebo na tinitingnan ko. Ayun oh. Tatlo-tatlo kaagad inaalagaan niya. Napailing ako sa nakita ko. Sabagay, ano nga naman bang ineexpect mo sa isang rich kid. Hinde yan makukuntento sa kung anong meron sila, maghahanap at maghahanap yan ng panibagong laruan hanggat alam nilang may makukuha pa sila. GREEEEEG~! Kumaway si Jam para makita siya ni Greggy. Tumingin si Greggy sa Direksyon naming pagtapos ay kumaway kay Jam. Ganun na sila ka-close para tawagin niya siyang Greg. Lumapit sa amin si Greggy. Malapitan ko na ring makikita yung itsura niya! Di ko kasi masyadong natitigan nung meeting eh. Hinde siya panget, medyo cute siya pero hinde ko sasabihing gwapo. Cute lang. Bagay yung style ng buhok niya sa kanya, yung tipong hinde gumagamit ng gel o wax o kung anu man yung nilalagay ng ibang mga lalaki sa buhok nila. Nasa itsura niya yung tipong seryoso pag dating sa isang relationship. Mukha siyang matalino at magaling sa sports. Medyo dark siya.. pero hinde maitim, tan? Parang swimmer siya kaya ganun yung kulay niya. Very manly. Hi Jam. Sabi ni Greggy kay Jam. Hi~ sabi naman ni Jam. Ay. Si Yumi nga pala. Siya yung a meeting! Tumingin sa akin si Greggy nag smile siya tapos nakipag hand shake, Gregory Sison. You can call me Greggy.

Yumiko Gala. Sabi ko sa kanya. Nung ngumiti siya, dun ko nakita kung ano yung nagustuhan sa kanya ni Jam. Ikaw pala si, Reject. Nakangiti parin siya habang sinabi niya yung reject. Nakwento sakin ni Ian. Ayan? A-Y-A-N? Sino yun? Hinde. Ah yan yung pronunciation pero Ee yan yung spelling. I-A-N. explain sakin ni Greggy. Si Lucas yung ibig niyang sabihin. Sabi naman sa akin ni Jam. Ay. Hinde mo ba siya kilala bilang Ian? umiling ako, Ay. Sabagay, pamilya lang naman niya tumatawag sa kanyang Ian. Teka sino si Reject!? tinuro niya ako pagkatapos ay tinuro ko yung sarili ko. Ako!? Tumango siya, Mali daw yung napili niya eh. Tapos bigla na lang tawag niya sayo Reject. Ang kapal niya ah! Ako kaya nagreject sa kanya! depensa ko naman. Ano raw?! Ako si Reject?? Excuse me? Ako kaya yung naunang nagsabing rejected siya! Unang una, hinde ko ginustong sumama dun sa meeting na yun! Kung alam ko namang dun kami pupunta, malamang hinde na ko nagpahila pa sa mga yun! Tss. Kapaaaal! Hinde porket gwapo siya, hinde ko na siya kayang tanggihan! Nagkakamali siya. Kaya kong tanggihan kahit anong temptasyon pa yan! Pfft. Wag niya akong patawanin! Nagtawanan si Jam at Greggy nung nairita na ko. Seryoso kaya ako dito! Nakakairita talaga yung lalaking yun! Dapat tanggapin na lang niya na tinanggihan ko siya hinde yung gagawa siya ng kwento sa ibang tao! May araw talaga siya sakin.

Want me to call him? sabi niya bigla Ha?! Tinalikuran niya ako tapos ay sumigaw. LUCAS! HALIKA DITO! pasigaw niyang sinabi. Nagsmile siya kay Jam pagtapos ay tumingin siya sa akin, Hes coming. Hinde mo siya kelangan tawagin. Nagsmile lang siya. Hinde porket maganda ngiti mo madadaan mo na lang ako sa ganun. Lumapit nga si Lucas sa amin. Nung malapit na siya, tumalikod na ko. Wala akong planong makita yung mukha niya. Wala rin akong planong magpakita sa kanya. Hinde porket may itsura siya, gugustuhin ko ng tingnan yung mukha niya. Anong problema mo? Nakita mo namang busy ako eh. Narinig kong sinabi ni Lucas. Ha? Anong meron sa kanya? Busy? Saan? Sa tatlong babaeng nakapaligid sa kanya? Pano kaya siya nakapasok sa school na to? Ang alam ko mayayaman at matatalino lang ang mga nakakapasok dito eh. Siguro mayaman talaga siya kaya nagawa niyang makapasok dito. Ginamitan ng magulang niya ang kapangyarihan ng pera kaya siya andito ngayon. No doubt. Yumi. Napalingon ako kay Jam. Nakita kong nakatingin sakin silang tatlo. Si Jam at Greggy ay nakasmile sakin. Si Lucas naman parang clueless. Hinde mo ba siya naaalala? tanong ni Greggy kay Lucas. Umiling lang si Lucas. Siya yung sa meeting!

AAAH! Si Reject! sabi niya habang nakaturo siya sa akin. Tsk tsk. Iba pala talaga hiwaga ng makeup noh? Hinde kita nakilala eh. Tumawa siya bigla. Ngumiti ako sa kanya, Sabihin mo t@nga ka lang talaga kaya hinde mo ko nakilala. Tumingin ako kay Jam, Sige alis na ko. Baka malate pa ko sa trabaho. Dumiretso na ako sa academy. Nagpapart time ako sa SH Academy, tutorial school siya ng Southville High. Dalawang subject lang tinuturo namin dun, science and math, pang advanced at regular. Hinde naman required magenroll yung students sa academy, yung may gusto lang. And limited rin kasi. 15 students yung maximum tapos 3 classrooms, tapos ibang oras. Ngayon sa elementary ako nakaassign. 10 lang ang students ko dahil pag bata daw, kelangan konti lang para maka focus. Sa advanced math ako, sa grade 1. Naging mabilis yung araw ko dahil mabilis nilang nakuha yung tinuro ko. halos lahat sila nakaperfect score sa quiz na binigay ko. Pag ganun pwede na kaming magiba ng topic. Apat na oras akong ganito. Puro bata kaharap, magtuturo ng tungkol sa math. Mag bibigay ng test pagkatapos uuwi na. Dahil hinde marunong mag luto si Mariel, sakin nakasalalay yung buhay niya. Ako tagaluto, siya naman taga ligpit. Sabay kaming kumakain, kaya kailangan nasa bahay na kami pareho ng 8 pm. Yun nga lang, pag nagoovertime si Mariel, wala akong kasabay kumain. Pag nangyayari yun, dun ko lang naaalala na magisa ako. 8 days ko ng hinde nakikila sila Papa. Si Kuya Micky naman isang buwan ko ng hinde nakakausap. Si Peter.. dalawang linggo ko ng hinde na cocontact.

Pumasok ako sa kwarto ko, binuksan ko yung laptop at nag sign in sa YM. Tiningnan ko kung sinu-sino yung mga online. Online siya, busy nga lang yung status niya.

BUZZ!!! Why Gee: Peter!! Why Ge: Busy ka? Peter Lo: Hinde naman. Miss you.. Why Ge: Miss you too. Kumain ka na? Peter Lo: Yup. Ikaw? Why Gee: Hinde pa. Im waiting for Mariel. Ill cook in a while. Peter Lo: Ganun ba? Magluto ka na. Alis na rin ako eh. Why Gee: San ka pupunta? Sinong kasama mo? Peter Lo: Sila Mia. Why Gee: Ahh~ sige~ ingat kayo! Peter Lo: I love you!! Mwah! Magrereply pa lang ako, pero nag sign out na siya. Si Mia~ hinde ko minsan maintindihan sarili ko. Hinde ko kasi alam kung maiinis ako o matutuwa kasi si Mia yung kasama niya. Pero ang tagal na naming hinde naguusap, kung kelan nagkaabot kami sa YM, aalis naman siya kaagad. Hinde pa ba siya nagsasawa sa pagmumukha ni Mia? Hinde ko tuloy alam kung namimiss niya ba talaga ako, o sinasabi niya lang yun para pampalubagloob. May biglang nagadd sa akin sa YM. Hinde ako sigurado kung kilala ko siya, pero para sure, inaccept ko na lang yung invite niya. Lae.delight? Lae Delight? May kakilala ba akong Lae Delight? Tunog foreigner eh. lae.delight: You know someone named Chris? Why Gee: Nope. Why? lae.delight: He told me to add you up. May I know your real name and age, Why Gee? Whygee yung YM id ko. Pag inadd niya ako, Why Gee yung lalabas na pangalan. Wala naman sigurong masama kung lolokohin ko siya ng konti

diba? Why Gee: Miko, 20. Medyo natagalan siyang magreply. Siguro nagdalawang isip siya kung rereplyan niya ako o hinde dahil hinde sya sigrado kung babae ako. lae.delight: Im Lae, 20 years old. Youre a girl, right? Why Gee: Lae? Okay. Girl? Maybe. lae.delight: Yes. As in Lei. Chris told me that youre a girl! Why Gee: Who the heck is Chris? lae.delight: My friend. He even gave me your number. Wait Ill call you. Biglang nagring yung phone ko. Unknown number yung nakalagay. lae.delight: Pick up! Sinagot ko yung tawag niya. Hello? bigla niyang binaba. Why Gee: Why did you hang up? lae.delight: I just want to make sure that you ARE a girl. Want to hear my voice that bad? Why Gee: As if! Haha Hinde ako usually nakikipag chat sa mga hinde ko kakilalang tao. Pero nung nakachat ko si Lae, parang ng gaan ng pakiramdam ko. Feeling ko nga wala akong pasok bukas eh kasi umabot ako ng 2 am, kachat lang siya! Pagkauw nga ni Mariel akala niya wala pa ako dahil wala pang nakahandang pagkain. Nagmadali tuloy akong magluto dahil dun. Nung una akala ko foreigner siya dahil English ng English. Nung sa kalagitnaan ng paguusap naming, bigla siyang nagtagalog. Gumaan yung pakiramdam ko bigla. Akala ko mageenglish ako tuwing kakausapin ko siya

eh. Nakwento ko rink ay Mariel yung tungkol kay Lae. Sabi naman niya, bakit daw hinde ako makipag meet sa kanya kung magaan naman daw pala yung loob ko. Ok lang siya?! Paano kung sa internet lang siya mabait tapos sa personal manyak pala yun! Mas mabuting wag na lang kami mag kita kesa may mangyari pang masama. Yumi! Ngayon simula nung private lesson mo no?? tumango ako, Hanggang anong oras yun? Hinde ko nga alam eh. Kasi yung unang sabi sakin, 7-8 pm, TWTH. Tapos kahapon sabi sakin, 8-9pm na lang daw! Ngayon nagbago na naman!! 7-9 pm daw kami ngayon. Yung bata na lang daw yung magsasabi sa akin ng schedule ko. Bata? Ilang taon? tanong sa akin ni Mariel. 18. Napatingin ako sa kanya, Ka-age mo. Nasa legal age na ko! Hinde na ko bata! Mag 19 nako sa August noh. sabi niya sa akin 22 na ko. Mas matanda ako sayo ng apat na taon! Pati mag Jujuly pa lang. Malayo-layo pa ang August. Psh. Sige na ikaw ang matanda! tapos nag smile siya. Linya ko yun ah! sabi ko naman sa kanya habang nakangiti. Habang nagiikot kami sa campus, di namin sinasadyang marinig yung usapan ng dalawang babae. Mukhang fangirls sila ni Luca kaya medyo chumismis kaming dalawa ni Jam. I dont get hiiiim~ napatingin ako kay Jam nung narinig ko yung sinabi nung babae. Meron pa siyang weird accent na di ko maintindihan kung pilit o trying hard. May pagkakaiba ba yung dalawa? I followed very rule. But

why did he suddenly dump me?! Ka-asarrr. As iiin. Really? I think hes going out with this girl named Tracey? sabi nung isang babae. So si Girl 1 dinump ni Lucas at si Girl 2 naman chinismis kay Girl 1 na may bago ng babae si Lucas. Not just flirting but going out?! Are you fcukng serious!? tanong ni Girl 1 Thats what I heard. Sagot naman ni Girl 2, Mr. Playboy is trying to be Mr. Right, huh? Wait til the girls hear this balita! Im sooo galit! Argh! sabi nung babae habang pumapadyak. Lucas is for everyone. Not just someone. But I heard that Tracey is really mayaman! They have this hotel in Thailand, that hotel is really sikat there! So better give up. Sabi ni Girl 2 habang nag buntong hininga si Girl 1. Habang papunta sa building namin, pinag usapan namin ni Jam yung narinig naming usapan. Sabi niya, hinde niya daw alam kung dinedate daw ba talaga ni Lucas yung Tracey, kasi hinde naman daw niya tinatanog si Greggy tungkol sa mga babae ni Lucas. Pati hinde naman daw niya nakakasama si Greggy palagi para malaman niya kung totoo yung sinabi nung babae kanina. Pagtapos ko mag turo sa academy ay dumiretso na ako sa Zerendra. Habang papasok ako sa may condo nung tuturuan ko, may napansin akong pamilyar na mukha. Hinde ko na masyadong pinansin ito kaya hinde ko nalaman kung kilala ko yung taong yun o hinde. Pinakita ko sa guard ko yung ID, sinabi ko rin na ako yung teacher nung nakatira sa room 709-D. Pinapasok niya ako tapos ay sinabi niya sa babae Sinamahan ako nung babae sa may elevator at inintay niya akong

makapasok dun. Special treatment? Bakit, big time ba yung lalaking yun dito sa condo na to? Pero baka ganun lang talaga sila. Nung nakita ko na yung 709-D. Pinindot ko yung doorbell like. Tapos biglang may nagsalita. Sino ka? pang lalaki yung boses. Ah. Ako yung teacher na inassign ni Mrs. Bautista as a private tutor.. Ah teka lang. sabi nung lalaking nasa loob ng unit. Narinig ko yung pag unlock ng pintuan. Dahan-dahan intong bumukas. Feeling ko tuloy nasa isang suspense movie ako dahil hinde biglaa yung pagbukas niya, may slow motion effect pa. Nagulat ako nung nakita ko si Lucas. Pasok ka. Sabi niya sa akin. Lumingon-lingon ako para tingnan kung nasaan yung tuturuan ko, pero mukhang siya lang magisa yung nasa bahay. Yumi ko. Yumiko. Hinde Yumi ko. Pareho lang yun. Ikaw parin tinutukoy ko kahit na Yu miko pa yung sabihin ko. Bakit Yumi ko?! Pag aari niya ba ako? Kelan pa kami naging close para Yumi ang itawag niya sa akin!? Ibang klase rin talaga tong lalaking to no? Lahat gusto nasusunod! Akala ko ba 18 years old yung tuturuan ko? tanong ko sa kanya, Ikaw ba yung tuturuan ko? Bakit hinde na lang nila sabihin sakin na 20 years old! Wala namang masama kung matanda na yung tuturuan ko eh.

Bigla siyang tumawa, Bakit bata naman talaga ako ah? Ikaw lang naman yung matanda dito eh. Sinong matanda!? ngumiti lang siya tapos umupo sa may sofa. Matanda daw! Ang alam niyang edad ko, 20. Pano pa kaya pag nalaman niyang 22 na ko!? Gurang na itatawag niya sa akin!? Niloloko ata ako nitong batang to eh! Kelangan hinde niya malaman yung tunay na edad ko Kung hinde lagot na ko. Hinde mo naman kelangan itago yung age mo sakin eh. Ngumiti siya bigla. Ano naman kung 22 years old ka na? Hinde mo kelangan pabatain yung sarili mo. Malalaman at malalaman ko rin yung tunay na edad mo. Bakit mo ako hinila nung meeting!!! bigla kong sinabi sa kanya Nagkamali nga ko diba? tapos ngumiti siya, nakakatakot na ngiti. Wala akong interest sa mas matanda sakin. Kaya pure business lang to. Teacher ka, student mo ko. Pinapataas nitong batang to ang BP ko ah! Compose~ compose~! Hinde ako pwedeng magalit sa kanya kung ayaw kong mawalan ng trabaho ng di oras! I should not blow my stack. Ang lisensya, ingatan! Ang ang pera, isipin! Si Ninoy, Yumi! Si Ninoy siya ngayong araw na to! Dalawang oras lang.. Ninoy na. Shall we start? nilabas ko na yung mga gagamitin namin. Hinde na siya humirit pa nung sinabi kong magsimula na kaming mag aral. Seryoso, mamamatay ako sa inis dito sa batang to! Bawat hirit niya, palagi akong natatamaan! Teacher-student lang?! Tingnan natin makukuha ko rin siya sa palad ng aking mga kamay! Ano? Matanda ako?! Dalawang taon lang tanda ko sa kanya! kayak o pa siyang patulan kung gugustuhin ko!

Sabi ni Jam mabait daw siya, anong mabait sa kanya?! Im calling a spade a spade hes an as$hole. Wag niya akong subukan!! Pababagsakin ko siya sa isang buwan! Makikita niya~ siya ang lalapit sa akin, hinde ako!

Chapter 12: Two Cents' Worth

Bakit ganun? Tumingin sakin si Mariel. Dalawang linggo ko na siyang tinuturuan, pero wala paring pagbabago! Ganun parting trato niya sakin!! Si Lucas Elizalde? Tanong niya sa akin. Oo! Siya nga!! Yung demonyong yun!! Natawa si Mariel sa sinabi ko. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko eh! Totoong demonyo siya! Dalawang linggo na kaming magkakilala. Dalawang linggo na kaming nagkikita. Dalawang oras sa isang araw. Tatlong araw sa isang linggo. 12 hours na yung nagamit namin. Pero sa 12 hours na yun, madalas kaming nag tatalo! Ang nakakainis pa dun, tuwing nagtatalo kami, palaging seryoso yung mukha niya. Mahilig rin siyang ngumisi kaya mas lalo akong naiinis! Hinde ako pikon na tao, pero pag dating sa kanya, napipikon ako! Hinde ko maintindihan kung bakit inis na inis ako sa kanya! Simula nung nalaman kong playboy siya, gusto ko na lang siya biglang pabagsakin! Dapat talaga sa mga playboy nililibing ng buhay eh! dagdag ko. Edi turuan mo ng leksyon~ napatingin ako kay Mariel dahil sa sinabi niya. Turuan mo siyang magmahal. Make him fall in love with you. Seryoso yung pagkasabi sakin ni Mariel nun, kahit na medyo naka smile siya. Usually, pag nagjojoke siya iba yung smile niya. Pero ngayon, eto yung time na seryoso siya sinabi niya. Pwede ba yun? tumawa ako ng mahina, eh may boyfriend ako. I said, make him fall in love with you, not fall in love with him. nilapit ni Mariel yung mukha niya sa mukha ko. Parang test na rin yan sa sarili mo

at para sa love mo kay Peter. Huh? Anong ibig mong sabihin? He hasnt been contacting you recently, right? Tumango ako. We both dont know what hes doing there right now. It looks like hes doing pretty fine without you there. I mean, hinde na nga kayo nagkikita tapos nakayanan niyang kahit boses mo hinde niya marinig. I guess kaya niyang wala ka. Sorry, I just had to put in my two cents. Tuwing nagsisimula si Mariel tungkol sa hinde pagcontact sakin ni Peter, gusto ko na lang biglang i-mute yung bibig niya. Kung meron lang sigurong universal remote, matagal ko na yun nagamit kay Mariel. Anong point mo? Gusto ko ng marinig yung point mo. Wag mong guluhin yung utak ko, pwede? sabi ko sa kanya. The no phone calls and not seeing each other thing, how long can you last that kind of set up? napaisip ako bigla, Love itself is not enough, you know that. Weve been there. Pati hinde ka rin sure kung six months lang talaga siya dun. Pwedeng maging seven months, eight months, one year, or baka ten years. So anong dapat kong gawin? Makipagbreak sa kanya? tanong ko kay Mariel. No, just try seeing other people. Yung tipong walang attachment. Go with the flow. Friends with benefits, yung mga ganung laro.. iniintay ko yung kanunod niyang sasabihin, pag na in love ka, dun mo na malalaman yung mga sagot. Mga sagot? Wala naman akong mga tanong eh. Ngumiti si Mariel, maiintindihan mo rin yung ibig kong sabihin pag na in love ka sa ibang tao.

Ang hirap naman ng sinasabi mo eh. napakamot ako ng ulo, saan ako kukuha ng subject ko?! Ang hirap kayang maghanap ng matinong tao ngayon! Pati hinde ba parang ang sama ng labas ko nun? May boyfriend ako, tapos ganun.. Meron na diba? Sabi ko sayo make Lucas Elizalde fall in love with you. Tapos ngumiti siya, evil smile. Masama ba yun? Hinde ka niya konkontak, hinde mo alam yung nangyayari sa kanya dun. Hinde naman siya poor para bisitahin ka dito kahit ilang days lang siya mag stay diba? Sabagay.. kung sila nga pwede magloko eh, bakit ako hinde? PAti teka Lucas?! nag ex mark na ako, NO WAY. REJECT! Anyone but him. I dont even think I can last a day with him, you know. Fi~ne. Just make him taste his own medicine, ok? tumango na lang ako. Teka, diba meron kang ka-chat?! Yung Lae!! Bakit hinde siya yung gawin mong subject? Sabi mo naman mabait siya diba..? Ok ka lang?! Ang dami kayang manloloko sa internet!! Tama na yung magkaibigan kami online! Di ka ba nanonood ng balita? tanong ko sa kanya, Kagabi lang may nawawalang babae dahil nakipag meet siya dun sa nakachat niya! Kaya iiwasan ko na yang Lae na yan!! Mabiktima pa ko Nagulat si Mariel, Oo nga noh. Ok, iba na lang! Meeting ulit! Tumango na lang ako. Siguro kung hinde ko lang napanood yung balita tungkol dun sa nawawalang babae, si Lae na yung ginawa kong target. Mukha naman siyang disenteng tao. Hinde ko pa siya nakikita, pero tuwing magkachat kami, parang ang disedisente niya. Inglesero pati may manners. Yun nga lang, nagsinungaling parin ako sa kanya. Speaking of the devil..

BUZZ!!! lae.delight: Hi Miko! lae.delight: Musta? Nagdadalawang isip ako kung rereplyan ko siya, o hinde na. Halos arawaraw na kaming magkachat. Parang pag hinde ko siya nakachat, hinde kumpleto araw ko. Siya yung ginagawa kong kapalit ni Peter, pag hinde isya online. lae.delight: Busy ka ba or ayaw mo lang akong makachat? lae.delight: Youve seen the news thats why youre avoiding meright? lae.delight: Dont you trust me? Even though Im not at home, I still went online just to check on you.. lae.delight: I guess this is goodbye? Biglang medyo na touch ako sa sinabi niya. Ano ba tong ginagawa ko?? Ibang tao naman siya diba? AHH~ Bahala na! I know hes not a bad guy! Kahit hinde ko pa siya nakikita, alam kong mabait siya! Why Gee: Sorry. Was at the bathroom. Whats up? lae.delight: SERIOUSLY!! DONT MAKE ME SAY THINGS!! I REALLY THOUGHT YOU DONT WANT ME ANYMORE! Why Gee: Huh? I dont get it.. lae.delight: I mean, you dont want to chat with me. Parang may naririnig akong bungisngis sa may likuran ko. Nung tumingin ako sa may likuran ko, nakita ko si Mariel, binabasa yung conversation namin ni Lae. Ano ba!!! May sarili kang laptop! Yun ang tingnan mo!!! sabi ko habang tinatakpan yung monitor ng laptop gamit yung kamay ko. Iiwasan pala ah. Yan pala meaning ng iwas para sayo. umalis siya habang tumatawa.

30 minutes rin kaming nakapag usap ni Lae pero feeling ko parang ten minutes lang. Kinuwentuhan niya ako tungkol sa isang babae. Madalas niya raw itong makita at tuwing nakikita niya yung babaeng yun, hinde raw niya mapigilan ang mainis. Napipikon daw siya dun sa taong yun kahit na wala raw ginagawa sa kanya yung babae. Tapos pagbigla siyang natutulala, bigla na lang daw nag popup yung babae sa harapan niya. Pareho kami ng naffeel!!! Ganun rin ako kay Lucas na yan! Kinuwento ko rin yung ganung experience ko! Itinawa na lang namin yun tapos ay nagpaalam na ko dahil sabi ko may pupuntahan ako. Hinde ko talaga alam kung bakit ako nakakatagal sa pakikipag chat kay Lae. Hinde ko naman alam kung gwapo siya. Hinde ko rin alam kung mayaman siya. Kampante lang yung loob ko sa kanya, hinde ko rin alam kung bakit. Ang bilis ng oras tuwing nakakausap ko siya, hinde ko naiisip si Peter tuwing nakakachat ko si Lae. Kaya nakakatakot. Although alam ko yung limitasyon ko. Pareho kaming taken. MARIE~~L! AALIS NA KO~! Oka~~y! Nagmadali na akong umalis dahil 8 pm ko ngayon tuturuan si Lucas. Hinde niya sinabi sa akin yung dahilan, basta sinabi niya na lang sakin na 8 oclock tayo bukas. Wag mo ng tanungin kung bakit. Pagtapos niyang sabihin yun ay bigla niyang isinara yung pinto kahit na nakaharap pa ko sa kanya. Kung hinde ba naman talaga siya bastos diba? 8:15 na nung napatingin ako sa relo ko. Kumaway na lang ako sa may guard kaya diretso na ko sa may elevator. Nakita kong pasara na yung elevator kaya tumakbo ako ng mabilis at hinarang yun. Nung bumukas ulit yung elevator pumasok ako habang hinihingal. Safe. Sabi ko pagkatapos huminga ng malalim.

Late ka ata ngayon. Napatingin ako sa taong nasa may kanan ko. Usapan natin 8 diba? Anong oras na oh. Akala mo kung sinong maaga! May patingin tingin pa siya sa relo niya, eh late rin naman siya! If ever nauna ako, hihintayin ko pa siya ng ilang minuto sa labas ng unit niya!! Ano siya para paghintayin ako ng ganun katagal, family!? Ngumiti na lang ako sa kanya dahil hinde ko naman pupwedeng sabihin sa kanya yung mga gusto kong sabihin. Dala ko nga pala yung notes ko sa Math 17. Yun ba ituturo ko sayo ngayon? Di mo na ba natatandaan yun? Biglang bumakas yung elevator. Lumabas siya bigla at mabilis na nag lakad. Ayaw niya lang siguro sagutin yung tanong ko dahil hinde niya natatandaan yung lessons niya nun. Sana nga hinde na lang niya matandaan! Mawawalan na naman ako ng lituturo pag alam na niya yung lesson. Ano ba to, kahit na minsan wala kaming mapagusapan kasi wala namang computations, sige parin ako sa turo. Pumasok kami pareho sa unit niya. Nilapag niya yung gitara niya sa may sofa, pagtapos ay dumiretso siya sa kwarto kaya naiwan ako sa may living room. Kinuha ko yung notes ko sa Math 17 at tiningnan kung kumpleto yung nakopya ko. Halos sampung minuto na yung nakalipas pero hinde parin siya lumalabas. Lucas..? walang sumagot. LUCAS? Bakit? Bigla siyang lumabas sa kwarto niya. Iba na yung suot niya. Tapos medyo basa yung buhok niya. Hinde ba ko pwedeng magshower? Hinde mo naman kasi sinabi eh. sabi ko sa kanya, Magstart na tayo.

Umupo siya sa kabilang dulo ng sofa na inuupuan ko. Kinuha niya yung notebook ko na nasa may lamesa at binasa ito. Wala pang limang minuto ay may biglang nag doorbell. Lumapit si Lucas dun sa may monitor na nakakabit malapit sa may pintuan. Lucaa~~~s!!! Nandito na kami!!! narinig ko sa may video door phone. Sosyal eh. Hinde uso doorbell dito, 3g na uso. Hinde ko masyadong nakita yung mukha nung tao sa LCD. Pero sigurado akong lalaki yun. Buskan mo na yung pinto~ alam naming nasa loob ka~~ Binuksan ni Lucas yung pintuan. May tatlong lalaking pumasok, si Greggy yung isa dun. Nung nakita nila ako, bigla silang tumingin kay Lucas tapos bumalik yung tingin nila sa akin. Bakit kayo nandito? Sabi ko diba wag kayong pupunta dito ng walang pasabi? sabi ni Lucas sa kanila. Nakangiting nakatingin yung mga kaibigan niya sa kanya. Anong problema niyo? Kaya ba ayaw mo kaming pumunta dito ng biglaan kasi hinde mo siya matatago kagad? sabi nung lalaking may hawak ng stick. Anong pinagsasabi mo dyan? tanong ni Lucas sa lalaking may hawak ng stick, lasing ka ba? Aminin mo na kasing nag lilve in na kayong dalawa. Kaya wala na yung iba mong mga babae! tinuturo niya si Lucas gamit yung stick na hawak niya, Anong pangalan niya? Siya yung kinukwent ko sa inyo nun! Si Reject! Pagkatapos sabihin ni Greggy yun ay biglang napa palakpak yung lalaking may stick. Ngayon naaalala mo na siya? Haha. Slo~w! Sumimangot bigla si Lucas at pumunta sa may kusina. Pagbalik niya ay may dala na siyang basong tubig. Umupo siya sa pang isahang upuan.

Umupo naman yung mga lalaki sa may tabi ko. Kinakausap nila ako tungkol kay Lucas. Binibigyan ako ng advice. Gusto kong magsalita pero hinde nila ako binibigyan ng pagklakataon para magsalita! Yung tuwing may sasabihin ako, bigla na lang siyang hihirit ult! Si Paul yung may hawak nung stick, si Daryl naman yung naka yellow na shirt. Tahimik lang si Daryl, hinde niya ako masyadong kinakausap. Si Paul yung madaldal, si Greggy naman puro ngiti lang. Tumigil na nga kayo. Sabi ni Lucas pagtapos ay uminom ng tubig. Teacher lang tingin ko dyan. Di ko siya kayang tingnan as normal na babae. Teacher lang. Teacher? Bakit? humarap siya sa akin, Teacher ka ba? Tumango ako. Ano pa bang akala mo? Di ganyan style ko no. sabi ni Lukas sa kanya, Pero bakit pamilyar yung mukha mo? sabi ni Paul, yung lalaking may hawak nung stick, Nagkita na ba tayo dati? Binatukan ni Greggy si Paul, Hoy! Wag mong paganahin yung pickup lines mo kay Yumi! Kay Lucas na yan. Tumayo bigla si Lucas, Malamang may hawig lang sila nung taong tinutukoy mo. Pumunta siya ng kusina pero patuloy parin siyang nagsasalita, Napaka daling tandaan ng mukha niya kaya baka napagkamalan mo lang nasiya yun. Pati sia pa, hinde ako mahilig sa exotic. Mas gugustuhin ko na lang na common kesa endangered. Lucas. Tinawag siya ni Greggy. Maganda naman si Yumi ha? I mean, ang simple ng itsura niya pero maganda siya. Sabi naman ni Paul.

Bumalik si Lucas sa may living room. Sasabihin ko lahat ng gusto kong sabihin. Tumingin sakin si Lucas. Matuto man ako o hinde, bayad parin siya. I SWEAR NAKAKAINIS SIYA! Gwapo nga siya, panget naman ng ugali niya! gusto ko na lang lumubog bigla sa kinauupuan ko habang sinasabi niya yun! parang ang liit liit ng tingin niya sa akin, not that I mind, pero nakakainis lang! Hinde ko matake yung semi-panlalain na ginagawa niya sa akin. I have to do something. I will make him fall in love with me! I will make him eat all the words that he just said! Bakit mo naman sinabi yun? Ang sama mo! sabi ni Paul kay Lucas. Bakit ba? tumingin bumalik bigla yung tingin sakin ni Lucas, totoo naman diba? Bayaran ka lang. Nagulat ako nung sinabi niya yun. Ang baba na masyado ng tingin niya sa akin. Hinde porket binabayaran niya ako ay pwede na niyang insultuhin yung pagkatao ko! malaki nga sinusweldo ko sa kanya pero kung katumbas naman nun ay insulto, nako!! Wag na! Mas gugustuhinko na lang na magturo ng maramihan at tama lang yung sweldo kesa malaki yung sweldo pero insulto yung katapat ko! Pero hinde ko hahayaang manalo siya dito. Nasa akin parin ang huling halakhak! Tandaan niya tong araw na to! Lucas, ano ba. Sabi ni Greggy kay Lucas, Sumusobra ka na ah. Tama naman siya eh. Ngumiti ako kay Greggy pagkatapos ay tumingin ako kay Lucas, Kontakin mo na lang ako pag ok ka na, ok? Tumayo ako at kinuha yung mga gamit ko. lumabas na ako ng unit ni Lucas at nagmadaling makalabas ng condo. I wanted to put in my two cents

worth but I have to stay composed! Wooosah~ Pero grabe talaga yung nakuha kong insulto sa kanya! Bayarin!? Wala na ba siyang ibang term na maisip kaya bayarin yung ginamit niya? Kung bayarin ako, ano ko siya? Customer?! Bwiset siya! Makukuha ko rin atensyon niya! Tandaan mo tong araw na to Lucas Elizalde!!! Bayaran pala ha!!! Sinipa ko yung nakita kong bato sa may kalye. Pff nakarinig ako ng kakaibang tunog. Yung tipong nagpipigil ng tawa. Lumingon ako sa kaliwat kanan, pero wala namang tao. Mumultuhin pa ko ng maaga! Bwiset talaga! sabi ko na naman ng malakas Bilis mong maglakad ah. Narinig ko yung pamilyar na boses na yun. Masama ba tiyan mo? Nung lumingon ako sa may likuran ko, nakita ko si Lucas. Bumalik ulit yung tingin ko sa dinadaanan ko at nagmadaling mag lakad. Hahatid na kita. Hinila niya yung kamay ko. Hawak-hawak niya ako hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang gray convertible na Benz. Napanganga ako nung nakita ko yung kotse niya. Alam kong mayaman siya, pero hinde ko alam na ganun siya kayaman. Pero posible na sa dad niya yan, o baka sa mom o brothe or sister niya. Imposible talagang maging kanya yan! No way. Too young for that. Sa may sakayan mo na lang ako ihatid. Sabi ko sa kanya pagkaupo ko sa kotse. San ka ba nakatira?

A Tower. Pinaandar niya na yung kotse at hinde na siya nagsalita ulit. Nakatingin lang ako sa may kanan ko. Tahimik lang yung buong buong 10 minutes namin sa kotse. May konsensya rin pala siya kahit papaano. Nag effort pa siya na habulin ako at alokin na ihatid sa bahay. Napangiti ako bigla sa mga naiisip ko. Biglang huminto yung kotse. Napatingin ako sa kanya, napatingin rin siya sa akin. Nagkatitigan kami for a while. Tapos dun ko lang narealize na nasa tapat na pala kami ng condo. Thank you sa paghatid. Sabi ko sa kanya bago ako bumaba ng kotse. Napangiti siya bigla. Kaya nanlaki bigla yung mata ko at napangiti. Ngumiti ka rin!! biglang naging seryoso ulit yung mukha niya. Marunong ka rin palang ngumiti. Inutusan lang ako ni Greggy at Paul na ihatid ka. Sabi niya bago niya tanggalin yung tingin niya sa akin. Sarado mo na yung pinto. Aalis na ko. Sinarado ko yung pintuan at umalis na siya. Hinde ko makalimutan yung ngiti niya. Kahit na inutusan pa siya ni Greggy at Paul na ihatid ako, napangiti ko parin siya! Gwapo siya kahit na naka simangot siya or poker face, pero mas gwapo siya pag nakangiti. Gusto ko ulit siyang makitang ngumiti. I will really make him smile again. I will make him fall in love with me and definitely make him smile everyday. You just wait, Lucas.

Chapter 13: Definitely.. Maybe. May internet ka naman dito diba? tumingin muna siya sa akin gamit ang kanyang poker face tsaka tumango. Pacheck lang ako ng mail. Binuksan ko yung dala kong laptop. Nagreport kasi ako kaya dala ko yung laptop ko, tapos late na rin ako natapos sa pagtuturo sa academy kaya hinde na ako nakauwi ng bahay. Nag online rin ako sa YM para tingnan kung online si Kuya Micky at Peter, syempre, chineck ko rin kung online si Lae. Online silang tatlo! Swerte ata ako ngayong araw na to! Why Gee: KUYA MIIIIICCKKKYYYYY~~!!!! Micky Gala: YUMIKOOOO!!!! Micky Gala: Miss na kita!! Asan ka ngayon??? Tawag ako!! Why Gee: Dito ako sa bahay ng tinututoran ko! Maya ka na tumawag!!! Micky Gala: YUNG LALAKI?! KAYONG DALAWA LANG?! HOY! MAG INGAT KA! BUWAYA YAN!!! WAG KANG MAGPAPAUTO SA MGA SASABIHIN NIYAN! Why Gee: KUYA!! Exotic tingin niya sa akin!! Ayaw niya sa exotic! Masgugustuhin niya raw ng common kesa sa exotic! Safe ako dito! Micky Gala: WALANG EXOEXOTIC SA BUWAYANG GUTOM! Natawa ako bigla. Napatingin sa akin bigla si Lucas, nagtataka siguro siya sa mga nangyayari kasi bigla na lang akong tumawa. Pero syempre, poker face parin. Tumayo siya at pumasok sa kwarto niya. Micky Gala: YUMIKO! UMAYOS KA HA! AALIS NA KO! INGAT KA! UMUWI KA NA RIN! BUWAYA YAN! Why Gee: Opo opo!! I love you kuya!! <333 Micky Gala: I love you!!! Byeee~~ Nagmessage ako kay Peter Why Gee: Hi... Peter Lo: Uy. Ano raw? Uy?! Yun na lang yung masasabi niya sa ilang linggo naming

hinde paguusap? Uy?! Hinde ba parang ang sama na niya? Torture na nga na ang layo niya sa akin, tapos paparusahan niya pa ako ng ganito? Dadagdagan niya pa yung paghihirap ko? Hinde naman akong pwede magali, pumayag rin naman kasi ako.. Nagkamustahan muna kaming dalawa, tapos nung nalaman niyang lalaki yung tinuturuan ko, bigla na lang siyang sumabog. Peter Lo: Bakit hinde mo sakin sinabi na lalaki pala yan?! Bakit ka pumayag na lalaki yung tuturuan mo? Peter Lo: Alam mo naman na sa bahay mo yan tuturuan eh. Bakit ka pumayag? Peter Lo: Tigil mo na pagtuturo sa kanya. Hanap ka na lang ng ibang tuturuan. Di pa ba sapat kinikita mo sa academy?! Why Gee: Malaki kinikita ko dito. Mabait naman si Lucas eh. Pano naman kasi niya malalaman, eh hinde niya nga ako kinokontak!! Hello! Ok lang ba siya? Hay~ ang hirap sa kanya, kasalanan niya pero sakin niya pinapasa. Meron pa siyang pa ang point kasi ang point kasi! Tapos tinanong niya pa ako kung desperado daw ba ako sa lalaki!! Why Gee: Hinde naman ako nagalit nung nalaman kong nasa isang bahay kayo nakatira ni Mia ah? Why Gee: Bakit ganyan ka na lang makapag react? May narinig ka ba sa akin nung sinabi mong sa iisang bahay lang kayo nakatira? Sabihin na natin na lima kayo dyan, pero may narinig ka ba sakin? Hinde ba late mo rin sinabi sa akin na sa iisang bahay kayo nakatira? Peter Lo: Kilala mo si Mia! Magkaibang bagay yun! Why Gee: Simula nung dumating si Mia, puro Mia na lang naririnig ko sayo! Magkaibang bagay yun! Peter Lo: Tsaka na lang tayo mag usap! Bigla siyang nag sign out. Bakit parang wala na akong karapatan magalit? Dahil ba sa hinde ako selosa kaya kailangan hinde na ako magalit pag ibang babae na pinag uusapan? Mababaliw na ako ng di oras dito kay Peter! Hinde ako galit eh, pero naiinis ako! Ginusto ko ba lahat ng nangyayari ngayon? Kagustuhan ko ba lahat ng ito?

Nung bumalik si Lucas mas lalong naging tahimik yung pagaaral naming dalawa. Mga message ni Lae hinde ko sinasagot ni hinde ko nga nabasa yung mga nakasulat eh. Nagoffline ako bigla nung panglimang message niya. Hinatid ako ni Lucas dahil on the way daw yung condo sa pupuntahan niya. Syempre, tahimik parin kami sa kotse. Nung nasa tapat na kami ng building ay bigla siyang nagsalita, Pumunta ka bukas sa The Wall, 8:30 ng gabi. Alam mo naman siguro yun noh? tanong niya sa akin, tumango ako. Pupunta rin si Jam dun. Bahala na. sabi ko bago ako lumabas ng kotse niya. 8:30 ha! Pag hinde ka pumunta, patay ka sakin! sabi naman niya bago siya umalis. HA! Ako pa tinakot nitong lalaking to!!! Ano ako?! Sunud-sunuran niya?! Susundin ko yung sinabi niya dahil lang sa gusto niya? Ano siya? Best friend? cousin? FAMILY?! Napaka wirdo talaga niya! nawawala yung inis ko kay Peter kasi lumilipat sa kanya! AAHH~!! Nakakabwiset talaga! Ang panget ng araw ko ngayon!!! ---------------------------------------------Yumi~ sumama ka na~ binaba ko yung binabasa kong liro at napatingin kay Jam, magkadikit na yung magkabilang palad niya. Para akong isang santo at nagdadasal siya sa akin. Please~? Bahala na lang. muli kong sagot sa kanya. Mahigit tatlong oras na niya akong kinukulit. Nakaka mahigit 30 na siyang pilit sa akin tungkol sa pag punta dun sa Wall (yun ang tawag ng mga tao sa The Wall). Kesyo kaht mag stay lang daw ako dun kahit isang oras, basta lang daw pumunta ako. Ano namang gagawin ko dun sa isang oras na yun? Pati, ano ba kasing meron!? Ganun ba ka espesyal yung okasyon dun kaya kailangan pag inimbita ka dapat kang pumunta?!

Yumi, kailangan mong pumunta. Muli na naman niyang sinabi yung linya niya, As in! Ano ba kasing meron dun? tanong ko ulit sa kanya for the nth time. Napatingin siya bigla sa taas. Alam kong hinde niya na naman sasagutin yung tanong kong yun. After 5 seconds sumagot rin siya, Basta. Isinarado ko na yung binabasa kong libro at tumayo. Sige, mauna na ko. Text na lang kita pag sasama ko. Punta na ko sa academy. Pero Yu Pinutol ko kaagad yung sasabihin niya at sinabing, Bye~! Habang nasa academy ako, ilang beses kong naramdaman yung pag vibrate ng cellphone ko. Kung kanina, hinaharass ako ni Jam sa school, ngayon naman pati sa text, hinaharass niya ko!! Habang may ginagawang seatwork yung mga bata ay binasa ko yung huling message niya. Napansin ko kasi na halos tatlong beses niyang sinesend bawat message niya sa akin. Inutil ata turin niya sakin eh! From: Jam Villar Yumi.. sumama ka na.. ha? Please? Ha? I love you!! Pagkabasa ko ng message niya ay agad ko na tong binura. Bakit ba kasi kailangan andun pa ko? May partipasyon ba ako dun!? Ni hinde ko nga alam kung saan yung The Wall na yan eh! Sinabi ko lang kay Lucas na alam ko para hinde ako mag mukhang t@nga noh! Bahala na lang. Natapos na yung klase ko kaya dumiretso na ako sa bahay. Tinext ko na rin si Jam na hinde ako makakasama. Siyempre, hinde siya nagpatalo. Pinaulanan niya ako ng messages sa cellphone ko. Pinatay ko na lang yung phone ko kaya tahimik akong namahinga sa bahay. Binuksan ko yung laptop ko pero di online si Peter. Hinde pa kami

nakakapag usap ng matino simula kagabi. As usual, kahit isang text, hinde siya nagsend. Dapat na lang siguro ako masanay sa ganitong klaseng away. O baka dapat mag quit na lang lang ako bilang private teacher ni Lucas..? Tahimik naman mundo ko nung wala si Lucas eh, pero simula nung dumating siya, gumulo na bigla! BUZZ!!! lae.deligh: What would you feel if someone you hate suddenly asked you out? Why Gee: Surprised? lae.delight: I thought so. Well, my friend asked someone out. The crazy part there is he doesnt like the girl. Nung nabasa ko yung huling message niya ay para niya akong binaril. Sapul eh. Parang ganun din halos yung nangyari sa akin. Hinde ko naman pwedeng itanong na lang bigla kay Lae kung ano yung pangalan ng kaibigan niya. Baka bigla siyang magtaka. Ano, kilala ko lahat ng mga taong kilala niya? Pffft. Why Gee: What would you do if your girlfriend asked you to quit your job because lae.delight: Because of what? Why Gee: She doesnt like you working with another girl. lae.delight: I dont know. Ill be disappointed because she doesnt trust me enough. Why Gee: Well my boyfriend told me to stop working because of a guy. Hes even mad at me right now for not telling him earlier. He didnt contact me for a looong time, you know!! Why Gee: Oh yeah, he lives with four people, 3 boys and a girl. That girl effin likes him. He knows it pa ha! Hinde ko alam kung bakit kinukwento ko kay Lae yung tungkol sa amin ni Peter. I mean, outsider siya. Hinde ko siya kilala personally. Hinde ko nga alam baka siya pala si Peter eh. Tinetest lang ako.

lae.delight: Whats the name of your boyfriend? Why Gee: Why? lae.delight: I dont want to refer him as boyfriend. I mean, I want to at least know his name. Why Gee: Peter Lo. lae.delight: Okay, tell Peter Lo that hes an @ss. Why would he agree to live with that girl if he knew that she likes him? Look Miko, if something crazy happened, tell me okay?? For a second, nafeel ko na parang magkaibigan talaga kami ni Lae. Feeling ko kung kilala ko siya personally, baka mainlove ako sa kanya. Madami akong guy friends pero iba yung pakiramdam ko kay Lae. Nararamdaman ko talaga na pag nagkita kami or nagpatuloy yung ganitong set up namin, posibleng magustuhan ko siya. Why Gee: Thank you so much. lae.delight: No problem. Oh yeah, Do you have something to do tonight? Why dont you go out and have fun, a little. Set aside your problem/s with Peter. I know youd feel better after that. lae.delight: Ill go ahead. Bye Miko. Nung nagsign out na si Lae ay nagpunta ako sa may kusina para makapag luto na ng hapunan. Bakit kung kailan kelangan ko ng kausap dun wala yung mga tao? Hay. Bakit ba ganito kapalaran ko~ Sa kalagitnaan ng pagluluto ko, narinig ko yung pagbukas ng pintuan ng bahay. Narinig ko na yung boses ni Mariel at Jam. Nakangiting lumapit sa akin si Jam. Ate Yumi~ sumama ka na~sabi ni Jam sa akin habang nakahawak sa kamay ko. Bihira niya lang akong tawaging ate. Pag may kailangan lang siya o kaya pag, wala lang, trip niya lang. Maawa ka na sa akin~ Pag-iisipan ko. sabi ko sa kanya. Nakita kong ngumiti si Mariel nung sinabi ko yung sagot ko kay Jam. Dito ka na maghapunan, malapit ng

maluto yung ulam. Tumango si Jam habang nakasimangot. Habang nasa may hapagkainan kami, nalaman ko na lang na bago ako yayain ni Jam sumama sa Wall ay nayaya niya na pala si Mariel. Wala na akong choice kung hinde ang sumama kaya tuwang tuwa si Jam. Naisip ko rin yung sinabi ni Lae, kelangan ma-divert yung attention ko sa ibang bagay. Nung nakaligo na kami at lahat lahat, oras na para maghalungkat ng damit na masusuot. Nilabas ko yung black na boatneck stripped top pati yung jeans na nabili ko on-line. Naka tunic dress si Jam tapos leggings. Para siyang pupunta sa isang date, pero sabagay, andun si Greggy kaya kelangan niyang magsuot ng magandang damit. Habang nag me-make-up si Jam sa kwarto ko ay nagbihis na ako sa banyo. Pagkatapos kong magbihis ay nakita ko si Mariel, nakasuot ng black sleeveless tapos miniskirt. Naglagay ako ng konting make-up at nagpunta na ng Wall. Nagtaxi na lang kami papunta sa Wall. Napangisi ako dahil bigla kong naalala yung sinabi sa akin ni Lucas kagabi. On the way pala yung Wall ha? Ibang iba kaya yung direksyon! Malapit sa school yung Wall kaya pag hinatid niya pa ako, marami pa siyang pasikot sikot na dadaanan. Psh. May mga nakita akong pamilyar na mga mukha, karamihan ay babae. Tiningnan ko sa may schedule na nakalagay sa gilid kung may sikat na singer bang pupunta, pero puro hinde sikat yung tutugtog. Assets pati Soulfool ang tutugtog ngayong gabi. Wala namang nakalagay kung sino yung mauuna. Habang papasok na kami sa The Wall, may isang grupo ng mga babaeng naguusap tungkol sa banda ngayon. Shyet! I wanna see Soulfool na!! Paul my love sabi nung isang babae habang nakapilantik yung mga daliri niya. Tatawagin ko na lang siyang Girl 1 I kno~w!! They are like so galing talaga! And the singer is so~ gwapo! sabi

nung babaeng akala mo sa Embassy ang punta. Girl 2 ang pangalan niya para sakin. Hello!! Ok ka lang?! Their guitarist is like THE BEST memberrr! hirit naman ni Girl 3 na sobrang taas nung sapatos. Whatever! You can have them but Greg is mine~ sabi nung babaeng nagsasalamin. After their first set, Ill definitely make him mine tonight! Napatingin kami ni Mariel kay Jam dahil sa sinabi ni Girl 4. Nasa mukha ni Jam na iritado siya. Bago kasi niya narinig yun ay sobra yung ngiti niya tapos nung narinig niya yung sinabi ni Girl 4, dahan dahan nawala yung ngiti niya tapos biglang kumunot yung noo sa simangot. May isang table sa may gitna na nakareserve daw para sa amin sabi ni Jam kaya dun kami pumuwesto. Pinagtitinginan kami nung mga nasa gilid namin dahil may nakalagay na letter S sa may lamesa at sa tingin ko nakareserve yun para sa members ng Soulfool. Hinde ko kilala yang Soulfool na yan kaya hinde ko na lang pinansin yung mga titig nila. Namatay bigla yung ilaw tapos may lalaking nagsalita. Inintroduce niya yung bandang Soulfool tapos biglang may nag simulang tumugtog ng gitara pagkatapos na pagktapos nung introduction. Nagsigawan lahat ng ta babaeng nasa loob ng The Wall, including Jam. May bumukas na ilaw at naka tutok ito sa iisang lalaki naghiyawan ulit yung mga babae dahil si Lucas yun. Napaka seryoso ng mukha niya habang tumutugtog siya. Mas lalong lumakas yung hiyawan nung nagsimulang kumanta yung vocalist. Oh. My. God. Parang hinde siya yung Lucas na kilala ko pag tumutugtog na siya. Kung first time ko lang siya nakita ngayon, Im sure sobrang ma i-in love ako sa kanya. Ngayon pa nga lang na alam ko yung ugali niya, medyo nadadala na ko eh ano pa kaya kung hinde ko alam yung tunay niyang ugali! Ugali ni Lae tapos mukha ni Lucas. Haha, perfect stranger. Parang ang bilis ng takbo nung oras dahil mga gwapo yung tumutugtog at

ang gagaling pa nila. Nakakawalong kanta na sila, may mga nakikijam din sa kanila. And now for our final song, its dedicated to those three lovely ladies. Tumuro yung vocalist sa may direksyon namin. Napalingon kaming tatlo para tingnan kung sino yung tinuturo niya, pero lahat sila nakatingin sa aming tatlo, Its a song called Para Sayo sang by the legendary band, Parokya ni Edgar. Napatingin siya bigla sa may direksyon ko, ngumiti siya pagtapos ay kumindat. Napangiti rin ako sa ginawa niya kahit na hinde ako sigurado kung ako yung nginingitian niya. Sa tagal-tagal ng hinintay ko, dumating na rin yung pinakaaantay kong moment. Tumayo ako at lumabas para sagutin yung tawag. Hello? sabi ko sa kabilang linya. Yumi~ sorry~ Yun yung una niyang sinabi, Matatagalan pa ulit tayong magkita.. hinde ako makakabisita dyan kasi.. si Mia? tanong ko sa kanya, Siya na naman ba? Hinde niya sinagot yung tanong ko pero nagsabi na siya ng iba niyang excuse, Nagustuhan kasi nila yung performance ko kaya pinapaextend ako ng 1 year. Uuwi dapat ako diyan next week dahil nagkakagulo na tayong dalawa pati para mapagusapan natin yung sa trabaho, pero may nangyari Naaksidente si Mia dahil sa akin. Niligtas niya ako dahil muntik na akong mabundol ng kotse, pero bigla niya akong tinulakkaya siya yung nabundol. Biglang sumikip yung dibdib ko dahil alam ko na yung mangyayari. Kahit na alam ko na yung sagot sa mga tanong ko, itatanong ko parin. Kaya ikaw magaalaga sa kanya? Hinde mo ako pupuntahan dito, dahil

kelangan ka niya? Mas pipiliin mo siya kesa sakin, dahil may obligasyon ka sa kanya, ganun ba yun? Hinde siya sumagot. Bahala ka na. Gusto kong ayusin to, pero mukhang hinde yun yung kapalaran natin. Sge, bye. I turned off my cellphone and went back in. Pagkapasok ko ay iba na yung tumutugtog. Pinagkakaguluhan na rin ng mga tao yung table namin dahil andun na sila Lucas. Umupo ako sa may bakanteng upuan sa gitna ni Mariel at Lucas. Nakita kong andaming beer na nakahanda sa amin, at isa isa ko itong ininom. Nakaka 6 na akong San Mig Light pero parang wala parin akong nararamdaman na pagkalasing. Pasa rin sila ng pasa sa akin ng kung anuanong inumin na halos parang juice lang yung turing ko dito, pero nung naka lima na akong inom nun, bigla ng uminit yung pakiramdam ko. Ano bang problema mo? Uhaw ka ba sa alak? tanong sa akin ni Lucas Tumingin ako sa kanya, medyo malabo na yung paningin ko. Para akong tangang ngumiti sa kanya at umiling, Hinde. Uhaw ako sa pagibig. Yumi may nangyari ba? tanong naman sa akin ni Mariel na nasa kanan ko. bumulong siya sa may tenga ko, Si Peter ba? OO! Hayop na Peter Lo yan!!! tapos ay hinampas ko yung lamesa. Magsama sila nung babaeng yun! Peter Lo? tanong ni Lucas sa akin, Yun ba pangalan ng boyfriend mo? Ako? May boyfriend?! tumawa ako na parang baliw. Hinde ko na mapigilan yung sarili ko. Yun din alam ko eh~ pero wala akong boyfriend! Inabot ko yung boteng hawak ni Bryle at ininom yung laman nito. Habang umiinom ako, biglang may umagaw nung bote sa akin. Kinuha ko naman yung baso ni Mariel at yun naman yung ininom ko.

Ano ba Yumi ko! napatingin ako kay Lucas, Lasing ka na! Ngumiti ako sa kanya, Ako? Lasing? Pfft. Hinde ako lasing. Siguro ito..lasing. Eto~ pagod na~ sabi ko habang naka turo ako sa may left side ng chest ko. Oo, malamang sa alak lang to~ hinde ako ganito~! Nacocontrol ko pa sarili ko pag may nangyari sa aking hinde ko gusto~~ Alak lang to~ malamang. Ngumiti ako kay Lucas tapos hinawakan yung mukha niya. Dahan-dahan ko itong pinagmasdan pero hinde ko talaga makita ng matino yung mukha niya. Malabo na ba mga mata ko? O malabo talaga mukha niya? Hehehe~ Lucas~ gusto mo ba akong i-date? tanong ko sa kanya. Habang hawak parin yung mukha niya ay bigla ko siyang hinalikan sa may labi at sinabing, Kahit six months lang.. Binitawan ko yung pagkahawak ko sa mukha niya at sumandal sa may balikat niya. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba ako nagkakaganito? Dahil sa alak? malamang~ heartbroken ako? Siguro~

Chapter 14: Puzzled

Nakakatamad bumangon, nakakatamad dumilat. Hinde ko nga alam kung anong oras na ako nakatulog, kung paano ako nakauwi o kung kauwi ba talaga ako. Gusto ko pang matulog~~ Pero gusto ko rin umuwi ng Las Pinas~~~ Ayaw kong gumising~!! Nauuhaw ako~!! Ayokong bumangon!! Mariel~ Pengeng tubig~ Hinde siya umimik. Marie~l Sabi ko habang hinahampas yung kamay niya na nakalagay sa may ibabaw ng tiyan ko. Ilang beses ko na siyang hinampas pero hinde parin siya umiimik. Nung biglang humigpit yung pagkayakap niya sa akin ay hinampas ko ulit siya. Mmmm~ Lang yung sinabi niya tapos ay naramdaman ko yung pagkahawak niya sa kamay ko. Mariel~~ natitibo ka nab a sakin~~? Bakit mo ko yakap yakap? Bakit hawak mo pa yung kamay ko~~? Tubig~ Nauuhaw ako~~ Muli ko ulit sinabi. Naramdaman ko bigla yung paghinga niya sa may leeg ko. Nananaginip pa ata ako. Pakiramdam ko lalaki yung katabi kong ngayon. Pero bakit parang gising ako? Napakatotoo ng mga nararamdaman ko ngayon~~ May humahalik na sa leeg ko~~ Peter..? Naramdaman ko yung pag halik niya sa akin sa may leeg paakyat sa may mukha ko. Biglang nakalagay na yung kamay niya sa may mukha ko tapos ay iniharap sa may right side. Naramdaman ko yung paghalik niya sa akin sa may labi.

Napadilat ako bigla at bigla kong kinurot yung kamay niya na nakahawak sa may mukha ko. Unti-unting minulat ni Lucas ang kanyang mga mata. Bakit nandito ka!? Tanong ko sa kanya. Napatingin ako sa ilalim ng kumot para tingnan kung nakadamit pa ko. Walang nangyari.. Bumangon si Lucas Wag kang magalala, napagkamalan lang kitang ibang tao kaya ko nagawa yun. Sinubukan kong bumangon pero biglang sumakit yung ulo ko. Wag ka na munang bumangon. Ang dami mong nainom kagabi. Tumingin tingin ako sa paligid ko. Hinde ko pinapakinggan yung mga sinasabi sa akin ni Lucas. Hinde ko alam kung nakaninong bahay ako. Hinde ko halos maalala yung nangyari sa akin, ang alam ko lang.. malabo na kami ni Peter. Nasan ako? tanong ko kay Lucas bago ko siya tingnan, bakit nandito ka? Makinig ka kasi pag nagsasalita yung tayo!!! sabi niya sa akin ng malakas. Eh bakit ka sumisigaw!! sabi ko ng malakas Bakit ka ba kasi nandito!? Masama bang matulog ako sa sarili kong kwarto!? Sa sarili KONG bahay? sarcastic niyang patanong na sagot. Nakatingin lang ako sa kanya habang napapaisip. Halos dalawang minuto rin kaming nagtititigan. Bakit ako nandito? Habang hinde pa siya sumasagot, tinanong ko na naman siya, Pano ako nakarating dito?

Sinabi mo sakin na gusto mong matulog dito tapos tabi tayo. Nung uuwi na kayo niyakap mo ko ng mahigpit tapos sabi mo sakin, please~ kahit ngayon lang~~ tabi tayong matulog~ tapos hinde mo na ako binitawan nun. Kaya nandito ka. Tinitigan ko siya saglit tapos tinakpan ko yung mukha ko gamit yung mga kamay ko. Napaisip ako bigla. Mukhang hinde siya nagsisinungaling. Tuwing nalalasing ako, kakaiba talaga yung mga pinagsasasabi ko. Malamang nagawa ko nga sa kanya yun!! Nakakahiya! Bakit sa lahat ng tao, siya pa! Joke lang. Bigla niyang sinabi. Binato ko siya ng unan. Pero totoo yung part na hinde mo ako binitawan kagabi! Yun nga lang, iba yung sinasabi mo. Pinalagpas ko na lang yung joke niya. Since mas bata siya sa akin, kelangan mas maging mature ako sa pagiisip. Bakit mo ako dinala dito sa condo mo? Bakit hinde mo na lang ako hinatid sa amin o kaya iwanan mo na lang ako dun sa wall? Although thankful ako sa kanya dahil hinde niya ko iniwan sa Wall na nag-iisa. Ang hinde ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan dito niya pa niya ko dalhin sa condo niya. Sa tingin mo ginusto kong iuwi ka dito? Kung hinde ka lang dumit sa akin na parang linta edi sana wala ka ngayon dito! Nanlaki bigla yung mga mata ko sa sinabi niya. Pati sinong matinong tao ang mangiiwas sa sarili niyang girlfriend?! Mas lalong nanlaki yung mata ko sa huli niyang sinabi. Ano daw? Girlfriend? Sinong girlfriend niya? Nagkamali ba ako ng pagkarinig? Nagkamali lang nga siguro ako ng pagkarinig. Wala namang masama kung tatanungin ko ulit sya diba? Girlfriend..? Sinong girlfriend mo? Nakatingin lang ako sa kanya.

Nagiintay ng dagot. Sino bang kasama ko ngayon sa kwarto? Patanong niyang sagot sa akin. Napaupo ako bigla. Hinde ko na pinansin yung sakit ng ulo ko dahil nararamdaman kong mas sasakit ito pagnanatili akong nakahiga. Tinuro ko yung sarili ko pagtapos ay tumango siya. Kelan pa tayo? tanong ko sa kanya, Ano to? Joke? Hinde kasi nakakatawa eh. Mukha ba akong nagbibiro? tumango ako sa tanong niya. Sino ba kasi yung halos magmakaawa sa akin na maging girlfriend ko siya? Halos hinde ako bitawan kasi hinde sumasagot. Napaisip ako bigla sa mga sinasabi niya. ako ba yung tinutukoy niya!? Bakit naman ako magmamakaawa na maging girlfriend niya? Ano ako, gag0?! Hibang na ba ako para siya yung piliin kong maging boyfriend? Naghuhukay ba ako ng sarili kong libingan!?

Lucas~ gusto mo ba akong i-date? tanong ko sa kanya. Habang hawak parin yung mukha niya ay bigla ko siyang hinalikan sa may labi at sinabing, Kahit six months lang.. Binitawan ko yung pagkahawak ko sa mukha niya at sumandal sa may balikat niya. Bakit hinde ka sumasagot? tanong ko ulit sa kanya, Saglit lang yun~~ isipin mo na lang na social worker ka~ ha?? Hinde na naman siya sumagot. Kinalabit ko si Mariel, Mariel~ bagay kami ni Lucas diba? sabi ko

habang nakasandal parin ako kay Lucas. Tumango si Mariel. Humarap ako kay Lucas at hinalikan siya sa may pisngi niya. Tingnan mo~ bagay tayo~~

Napatingin ako bigla kay Lucas, nakatingin rin siya sa akin. Kanina pa ba siya nakatingin? Napansin niya kaya na nagflashback sa akin yung nangyari kagabi? Ano naalala mo na ba? Umiling ako. Nagsinungaling ako sa kanya at sinabing, Wala akong natatandaan.

Lucas~ boyfriend na kita diba? Tayo na diba? Sabi ko habang nakayakap sa may braso niya. Hinde ka magsisise sa akin! Naramdaman kong may naglagay ng kamay sa may balikat ko, pagkalingon ko, nakita ko si Bryle. Ako na lang boyfriend mo kung ayaw ni Lucas! Sabi niya sa akin. Eh~~ baka magselos si Lucas dahil gusto niya rn ako~ Tinanggal ko yung kamay ni Bryle sa balikat ko at isinandal yung ulo ko sa balikat ni Lucas, Kung ayaw talaga ni Lucas~~ sige ikaw na lang~ Ano ba!! Lasing ka na!! Ano ba yang mga pinagsasasabi mo! Tumayo si Lucas. Uuwi na ko! Tumayo ako at niyakap si Lucas habang nakatalikod siya sa akin.

Anong nangyari pagkatapos kitang yakapin? Mahina kong tinanong sa kanya. Walang nangyari..? Pwede akong maniwala sa sinasabi mo diba?

Nakatingin lang siya sa akin. Hinde nagpapakita ng kahit ano mang expresyon. Kelangan niyang sumagot. Kelangan! Hinde ko alam ang gagawin ko pag nalaman kong may nangyari sa amin habang kami pa ni Peter.. Tumayo na ako at inayos yung side na hinigaan ko. nakatingin lang sa akin si Lucas habang nakaupo parn siya sa kama. Napatingin ako sa orasan, 9:23 am na. Nagugutom ka na ba? Ipagluluto na muna kita bago ako umalis. Palabas na ako ng kwarto ng bigla siyang nagsalita. Walang nangyari. Sinabi ko naman sayo na hinde ako pumapatol sa exotic. Siguro kung sobrang lasing ako, pwede pa. Kaya pa kitang pag tiyagaan. Tiningnan ko siya ng masama bago ako lumabas ng kwarto. Bwiset talaga yang lalaking yan! Ano bang pumasok sa utak ko at sinabing ipagluluto ko siya! Baliw na ba ako?! Badtrip talaga! Habang naghahalungkat ako sa freezer ng pwedeng maluto ay nakarinig ako ng pagsara ng pinto. Nakita ko si Bryle na humiga sa may sofa. Ia~~n sigaw niya habang nakahiga siya sa sofa ng nakapikit. Nagugutom na ko~ (Ah-yan yung pronunciation) Bakit nandito si Bryle? Hinde ko matandaan na kasama namin siyang pumuntadito. Eh pano ko banaman matatandaan yun! Eh hinde ko nga halos maalala yung mga nangyari kagabi eh!! Nung nakita ko si Lucas, sinabi ko kaagad na walang pagkain sa bahay niya, pwera lang sa bigas. Nagpunta kami sa isang convenient store malapit sa condo niya para mubili ng mga delata at noodles. Anong klaseng tao ba to? Nabubuhay sa pagkain ng delata at noodles?! Mayaman naman siya, bakit hinde siya kumuha ng tagaluto niya?

Syempre, hinde ko kayang sabihin yun sa kanya. Baka mamaya tanungin niya ko kung bakit ako nangingialam sa buhay niya! Mabara pa ko ng di oras! Pagtapos naming magrocery ng delata at noodles ay bumalik na kami. Tulog parin si Bryle sa may sofa pagdating namin. Sinilip naman ni Lucas yung isang kwarto. Nandun daw kasi sila Greggy. Nagmadali na akong magluto ng ulam. Mabuti na lang at nakapag saing na ako ng maaga, kung hinde matatagalan pa ako sa pagluluto. Habang nagpiprito ako, naramdaman kong parang may nanonood sa akin sa may likuran ko. Nung lumingon ako, nakita ko si Lucas, seryoso yung mukha niya. Pinapanood ako ng magluto. Bakit? Dinala ko yung ulam sa may hapagkainan. Ngayon lang kasi may naglutong ibang babae dito eh. Tumusok siya ng isang spam gamit yung tinidor. Nakakapanibago lang. Tumango lang ako. Pumasok ako sa kwarto niya at kinuha yung bag ko. Sige. Uuwi na ko. Thank you sa pag dala sakin dito. Nagmadali na akong lumabas. Sumakay na ako sa unang taxi na nakita ko at nagpahatid sa Las Pinas. Biglang pumasok sa isip ko si Peter. Niligtas siya ni Mia? Anong kalokohan yun? Sapat na dahilan ba yun para mas piliin niya yung isa kesa sa akin? Kung nandun ako nung mga oras na yun, malamang ililigtas ko rin siya. Pero hinde niya kailangan na alagaan ako kasi kagustuhan ko naman na iligtas siya eh. Pero bakit kelangan piliin niya yun? May iba pa naman siyang option diba? Di ko talaga maintindihan.

Tiningan ko yung cellphone ko. 16 missed calls and 12 messages. Missed Calls: Peter = 4, Kuya Yuki = 6, Mariel = 2, Jam = 1 and Unknown = 3 Messages: Peter = 4, Mariel = 3 and Yuki = 5 Ngayon tumatawag na siya sakin? Bakit? Nag-aalala siya? Tss. Dati halos ni-isang tawag, wala. Ngayon na malabo na kami, dun siya nag bibigay ng effort. Sana ipinakita niya sakin yun dati pa para naintindihan ko kahit papaano yung sitwasyo niya. Selfish na kung selfish, pero sobra na eh. Hinde na nakakatuwa. Pagkadating ko sa bahay ay sinalubong kaagad ako ni Kuya Yuki. Yumi~~~!!! Niyakap niya ako ng mahigpit. Hinde ba pupwedeng dito ka na lang ulit tumira sa bahay pag weekdays? Kuya~ akala ko ba ok na?? Binitawan niya ako tapos sumimangot siya bigla. Tsk tsk. Sister complex. Oo na! Dun ka na kay Mariel!!! Pfft. Pasigaw niyang sinabi. Ngumiti lang ako. Yumi, may nangyari ba? Nanlamig kasi bigla yung pakiramdam ko eh. , ikaw kagaad naisip ko.. Alam mo na, twinstinct. Ngumiti lang ako kay Kuya. Naramdaman niya yun? Ibig sabihin hinde ako nag-iisa.. nakalimutan ko si Kuya Yuki.. Dapat siguro hinde ko hinayaang malungkot yung sarili ko ng dahil lang kay Peter. Hinde ko pupwedeng hayaan mag-alala sakin yung mga tao sa paligid ko, ang tanda ko na para dun.

Pinuntahan ko muna si Papa sa kwarto niya bago pumasok sa kwarto ko. Nung nakita ko yung mga litrato namin ni Peter, hinde ko mapigilang mapangiti. Ang saya pa namin noon. Bago dumating si Mia, ok lang sa amin kahit na hinde kami magsabihan ng I love you dahil alam namin na mutual yung feelings namin. Pero simula nung dumatng siya, nagbago na ang lahat. Tama pa ba yung mga nangyayari sa amin? Hinde ko na alam kung kaya ko pa maniwala eh. Sinubukan kong tanggalin sa isip ko na si Mia yung dahilan kaya patago kami kung mag-usap pati yung pag tigil niya sa pagtawag sakin. Oras na siguro para maghanap ako ng sarili kong kaligayahan, obvious na rin naman kasi yung nangyayari eh. Pati anon a naman yung pinasok kong sitwasyon? Si Lucas? Two years younger sakin yun eh. Kakayanin ko ba na mas bata sakin yung magiging boyfriend ko? Pero siya na lang ang huli kong pag-asa para hinde na ako malungkot. Wala namang masama diba? 20 siya, 22 ako. Date-date lang rin naman eh, hinder in naman niya ako seseryosohin. Ayoko na rin maghintay sa taong hinde na babalik. Nakakatamad, nakakasawa, nakakapagod.

After 1 month Yumi ko~~ May isang buwan na rin ang nakalipas simula nung nakapag desisyon ako sa magiging takbo ng buhay ko. Lumingon ako at nakita ko siyang papalapit sa akin habang naka ngiti. Iiritahin na naman niya ako! Hinde ko parin alam kung tama yung naging desisyon ko o isang malaking pagkakamali eh! Kelan lang halos isuka niya ako tuwing nakikita niya ako, tapos ngayon parang linta siya kung nakadikit sa akin!

Pagnakaharap kami sa maraming tao, para kaming magkaaway kung magturingan. Halos parang hinde nga kami magkakilala pag ganun eh. Pero pag kaming dalawa lang, halos ayaw naman niya akong tantanan! Ang kumplikado nga ng relasyon namin eh, hinde ko alam kung kami ba talaga. Special friends? Friends with benefits? Secretly dating? Secret lovers? Hinde ko alam kung ano sa mga yun. Pagkasama ko siya, nakakalimutan ko mga problema ko. May something na nagcoconnect sa aming dalawa. Kung ano man yun, yun ang hinde namin alam. Basta pag kaming dalawa lang yung tao, lumelevel up yung relasyon namin.. yun nga lang, secret lang namin yun.

Chapter 15: Secret Affair

Akala ko ba dapat hinde tayo magpapakita sa school na medyo close tayo? Tanong ko kay Lucas. Hinde naman kasi kami close na cose, kaya medyo lang sinabi ko. Uulitin ko lang, isang buwan na kaming... may special na relasyon. Undecided pa kung ano kami eh, basta ang alam ko lang nagdedate kaming dalawa. Hinde nga lang ata exclusive. Hinde ko rin naman siya pinilit na maging steady kami kasi, wala namang love samin, hinde maganda yung ganun. Speaking of love, may condition din kaming dalawa. Since hinde naman kami kami, ok lang na mainlove kami sa ibang tao. Hinde namin kailangan magstick sa isat isa. Pati pag nangyari yun, dapat hinde magbago yung turingan namin, as friends. Cool parin dapat kami sa isat isa. Pati as much as possible, hinde raw kami pwedeng ma-in love sa isat isa, dahil alam niyang meron akong ibang gusto, at siguro meron din siyang special someone. Kaya niya sinuggest yun. Talo ang ma-in love kasi hinde maibabalik yung feelings nung taong yun. Sabi rin niya, kung dumating yung time na gusto kong bumalik kay Peter, ok lang daw sa kanya, basta daw sabihin ko sa kanya ng maayos. Hinde niya rin daw ako pipigilan kung magkagusto raw ako sa ibang tao, ayaw niya raw maging hadlang sa ikakaligaya ko. Pumayag naman ako sa gusto niya dahil mas madaling gawin yun. Yung walang attachment, date kung date, friends kung friends, kayo kung kayo. Wala namang tao eh. Hinde naman kita niyayakap o hinahalikan, kaya ok lang. sabi ni Lucas ng nakangiti, 1 pa yung work mo diba? May oras pa tayo. Pero kailangan kong umalis ng 12:30, ok lang ba? tumango si Lucas, Dun tayo?

Tinuro ko yung gazebo sa may kanan ko. Naiwan akong mag-isa sa may gazebo dahil bumili ng makakain si Lucas. Tiningnan ko yung cellphone ko kung may message ako. From: Peter Lo Yumi musta na? Gawa mo..? I miss you.. Matagal kong tinitigan yung message ni Peter. Nagdadalawang isip kung rereplyan ko ba siya o hinde. Masama akong tao, alam ko yun. Kahit na alam kong kami parin, nag hanap na kaagad ako ng iba, nag hanap ako ng pamalit sa kanya. Yun nga lang, para sa akin, tapos na kami. Nagtetext at tumatawag parin siya sa akin. Madalas kasama ko pa si Lucas pag tumatawag siya. To: Peter Lo Ok lang, ikaw? Eto.. nag-aaral. Yumi ko~ Nagmadali akong i-send yung message. Di pa ko bumibili ng inumin, hinde ko kasi alam yung gusto mo eh. Ngumiti ako sa kanya at tumayo, Sige ako na lang ang bibili. Tiningnan ko yung phone ko tapos at binasa yung message ni Peter, From: Peter Lo Ok lang ako.. namimiss na talaga kita.. gusto kitang makita.. Hinde ko na nireplyan si Peter. Gustong makita? Niloloko niya ba ako? Ang tagal niyang pwedeng umuwi dito, pero hinde niya ginawa! Pinili niya yung isa, yun ang naging desisyon niya. Kaya wag niyang sabihin na namimiss niya ako. Nung nakarating ako sa cafeteria, bumil ako ng dalawang inumin at

nagmadali ng bumalik sa gazebo. Hinde pa nagsimulang kumain si Lucas, inintay niya pa ata akong dumating. Inabot ko sa kanya yung Coke. Tinitigan niya muna ito bago niya to kunin. Umupo ako sa tabi niya at nagsimula na kaming kumain. Nung napatingin ako sa kanya nakita ko yung mukha niya na may mayonnaise. Hinde niya siguro napansin na may dumi na siya sa mukha dahil parang ang sarap parin ng kain niya. Lucas, harap ka sakin. Humarap siya sa akin tapos pinunasan ko yung mayonnaise sa may mukha ni Lucas. May mayonnaise kasi eh. Habang nakatingin pa rin siya sa akin ay bigla siyang namula. Tinuloy niya yung pagkain niya at umarte na parang walang nangyari. Ano ba talaga ugali nitong lalaking to? Pag kaming dalawa lang yung mag kasama, parang ang lovey dovey naming dalawa. Inaasikaso niya ako, tinatrato niya akong special. Pero pag may kasama na kaming iba, ibang klase yung atmosphere. Sobrang hinde kami madalas mag-usap. Napansin kong hinde niya pa iniinom yung Coke niya. Hinde ba siya nauuhaw? O baka iba yung gusto niyang inumin? Pepsi ba gusto niya? Sprite? Royal? Hinde ko kasi sya natanong kung anong gusto niyang inumin. Dapat ata binigay ko yung iced tea ko sa kanya. PeLucas.. uminom ka na. Masama yung hinde umiinom pagkatapos kumain. Kinuha ko yung Coke niya at binuksan ito. Inabot ko sa kanya yung Coke, Inom. Kinuha niya yung lata nung Coke at ininom ito. Nakadalawang lunok lang siya. May problema ba siya? Hinde ba siya palainom na tao? Oh baka nahihiya lang siya uminom sa tapat ko? Bakit? Tanong niya sa akin. Napansin niya ata na nakatingin ako sa

kanya. Mali ba yung nabili kong inumin? Parang ayaw mo kasi eh.. Medyo parang nabigla ata siya sa sinabi ko. Gusto mo bilhan kita ng ibang inumin? Patayo na sana ako pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Ininom niya yung Coke hanggang sa maubos niya yung laman. Medyo hiningal siya pagtapos niyang ubusin yung inumin niya. Wala naman akong sinabing one shot. Hinde kami nagmamadali, mahaba pa ang oras. Hinila niya ako ng mahina para umupo ulit ako sa tabi niya. Nung nakaupo na ako ay bigla siyang sumandal sa balikat ko. Isinandal ko rin yung ulo ko sa may ulo niya. Ang tagal ko ng hinde nararamdaman yung ganitong feeling. Kahit papaano, masaya ako sa nangyayari samin ni Lucas. Kahit na ang sama ko, pakiramdam ko, maganda yung parusa sa akin ng Diyos. Luca~s!! sabay kaming umupo ng maayos ni Lucas. Oh!! Si Yumi ba yung kasama niya?? Malayo pa lang sila, naririnig na namin yung malakas na boses ni Paul. Nilabas bigla ni Lucas yung notebook niya tapos binuklat ito. Wrong timing talaga yang mga yan. Hay~ oo, kahit sa tapat ng mga kaibigan namin kailangan cold parin kaming dalawa. Hinde ko ba alam, bakit ba ganun yung gusto niyang mangyari! Magkaibigan naman sila, bakit kailangan isikreto pa yung tungkol samin! Pag medyo iba na atmosphere namin, dun biglang sumusulpot yung mga tao. Madalas tuloy napapawi yung moment naming dalawa. Bwiset talaga tong mga to! Sabi ni Lucas habang nakakunot yung noo. Hinde marunong makiramdam! Hinde alam kung kailan dapat sumulpot at kung kailan dapat hinde!

Napangiti ako sa sinabi niya. Hayaan mo na. Kanina ka pa namin hinahanap!!! Sabay hinga ni Paul ng malalim, Nagmamadali ata siyang pumunta dito. Bakit hinde mo sinasagot yung mga tawag namin? Napatingin lang ako kay Lucas. Bakit nga ba niya hinde sinasagot yung mga tawag nila? Ok lang naman sakin na may kausap siya sa telepono eh. Hinde naman ako strikto para pagbawalan siyang gumamit ng phone! Kanina pa kayo magkasama ni Yumi? Tanong naman ni Greggy kay Lucas. Napapadalas ata pagsasama niyo ah. Tiningnan sila ni Lucas. Poker face. Masama bang magsama ang teacher at ang estudyante? Nag-aaral kami, bawal ba yun!? Medyo natamaan ako dun sa teacher at estudyante part niya. Tss. Sapakin ko kaya to! Bakit ang seryoso mo masyado, Ian? Nagtatanong lang naman kami eh! Sabi ni Paul kay Lucas. Natauhan bigla si Lucas, napansin niya ata na medyo nag overreact siya. Para kasing engot eh! Nagtatanong lang naman yung mga kaibigan niya, sumagot nga siya pero ang OA naman! Nasan si Daryl? Tanong ni Lucas kay Greggy May babaeng kasama eh. Siguro alam mo na. Sagot ni Greggy kay Lucas. Yung Daryl na yun, never ko pang nakausap ng matino. Hinde ko alam kung ayaw niya sa akin, o talagang ganung klaseng tao lang siya eh.

Naki join sa amin sila Greggy, Paul at Bryle. Nasa gitna ako ni Paul at Lucas, nasa tapat naman namin si Bryle at Greggy. Wala pang five minutes ay dumating na si Jam. Nararamdaman ko na na puro kwestyon ang abot ko sa kanya ngayon. Nagulat rin siya nung nakita niya akong kasama sila. Usually kasi hinde ako sumasama sa kanila. Hinde naman ako makaalis kaagad kasi baka sumama lalo yung loob ni Lucas. Minsan na nga lang kami makapagsolo, naistorbo pa bigla. Nag-usap yung mga lalaki tungkol sa gig nila bukas ng gabi. Kung ano yung una nilang kakantahin, kung gagamitin ba nila yung mga nacompose nilang kanta dati o kung puro covers na lang yung gagawin nila. Si Jam naman text ng text sa akin. Mabuti na lang at uso ang unlimited text kung hinde, wala siyang matatanggap na reply sa akin! From: Jam Villar Yung TOTOO! May something sa inyo ni Lucas noh?! To: Jam Villar Wala. Meron. Siguro Hinde ko alam. Tiningnan ko yung magiging reaksyon ni Jam. Kumunot yung noo niya tapos tiningnan ako ng masama! Tumawa ako ng mahina. Napansin niya ata iyon, pinindot niya yung mga keys ng phone niya pagtapos ay biglang nag vibrate yung phone ko. Binasa ko yung message niya, From: Jam Villar Yung totoo nga kasi!!!! Nakita kong nakatingin sa akin si Lucas. Ngumiti lang ako pero hinde ko ipinahalata na para sa kanya yun kaya bigla akong umiwas ng tingin. Yumi ko. Napatingin ulit ako kay Lucas.

Yumi ko? napatingin naman kami ni Lucas kay Bryle. Sayo ba si Yumi?!! Hinde. Ano bang masama kung Yumi ko yung tawag ko sa kanya? Sabi ni Lucas kay Bryle Para kasing sayo si Yumi eh. Yumi ko! Hirit ni Bryle kay Lucas Ano ba kasing pangalan niya? Napaisip si Bryle sa tanong ni Lucas. Yumiko! sagot naman ni Bryle. Hanggang kailan ba sila magtatalo tungkol sa pangalan ko? Parang wala silang kasama ah. Oh. Yumi ko diba? sabi ni Lucas habang nakaturo kay Bryle. Anong masama sa Yumi ko!? Bakit kasi may pause! Yumi pause ko! explain naman ni Bryle Inabot ni Lucas yung inumin ni Greggy. Pareho lang yun. Tapos uminom siya. Per pinutol siya bigla ni Lucas Manahimik ka na nga Baying! Sabi bigla ni Lucas. Hinde na nagsalita si Bryle nung tinawag siyang Baying ni Lucas. Weakness? Haha. Tama ba namang pagtalunan nila yung pangalan ko? Dahil sa pagtatalo nila, hinde na tuloy nasabi ni Lucas yung sasabihin niya! Tiningnan ko yung oras sa cellphone ko. inayos ko na yung mga gamit ko yung nalaman kong 12:30 na.

Mauna na ako ha. May pasok pa ko eh. Sabay tayo at kuha ng mga gamit ko. Mamaya ka na umalis!! Sabay sabay na sinabi nila Bryle, Jam at Paul. Sorry. Kailangan ko na talaga umalis. Kumaway ako sa kanila pagtapos ay naglakad na papalayo. Ineexpect ko pa naman din na ihahatid ako ni Lucas sa academy! Ano ba naman ba kasi ang iniisip ko. Para namang gagawin niya yun habang nakaharap kami sa mga kaibigan niya. Kahit nga ata nakatalikod yung mga kaibigan niya, hinde niya parin ako ihahatid eh. Yumi ko~! Napahinto ako bigla sa paglalakad nung narinig ko yung Yumi ko. Nung lumingon ako para tingnan yung taong yun.. biglang bumagsak yung pag-asa ko. Kumaway si Bryle sa akin at sinabing, Ingat ka! Ngumiti ako sa kanya. Nung napansin kong nakatingin sa akin si Lucas, ngumiti ako sa kanya at kumaway. Tumalikod na ako at nagmadaling umalis. Tungkol saan kaya yung sasabihin sakin ni Lucas? Si Bryle kasi eh! Minsan na nga lang niya ako kausapin pagkasama sila tapos Yumi ko lang yung nasabi niya! wala yng mismong ulam!! Kanin lang! Nasa may gate na ako ng university at nag-aabang ng sasakyan papunta sa academy. May humintong pamilyar na kotse sa tapat ko. Sumakay ka na! Time is gold. Sabi sa akin ni Lucas. Sumakay ako sa kotse niya at pagkasara na pagkasara ko ng pintuan ay pinaandar niya kaagad yung sasakyan. Ok lang ba kung wag ka na munang pumasok? Napatingin ako bigla kay Lucas. Parang gusto kitang makasama ngayon eh.

Parang. sabi ko sa sarili ko. Wow! Anong nangyari sa mga babae mo? Wag mong sabihing na-i-in love ka na akin? Biro ko sa kanya habang nakaturo sa kanya. Kapal ah~! Gusto ko lang ng kasama para pampalipas oras! Nakakatamad kayang pumasok!! Dipensa naman ni Lucas. Kung ayaw mo, di wag! Bakit ko pa ba kasi siya biniro! Ang talas kaya ng dila nito tuwing magsasalita! Lahat ng bagay sineseryoso niya. Kaya tuloy yung biro ko sa kanya lumabas na masamang biro, hinde pa nakakatawa.. pati yung sagot niya hinde nakakatawa! Napangiti ako sa inasta niya. Pagkaming dalawa lang talaga yung magkasama, iba yung ugali niya, nakakatakot yung pagbabago. Parang ibang tao yung kasama ko, nakakagulat talaga. Di mo malaman kung may dual personality siya eh. Pag kaharap yung mga kaibigan niyo o ibang tao, dedma lang kaming dalawa, pero pag kami lang yung magkasama, hala! Sige! Hinde na siya si Lucas. Hinde pwede eh.. Napansin kong parang nalungkot yung mukha niya. Pero pagkatapos na pagkatapos ng klase ko didiretso na ko sa condo mo, ok? Ngumiti siya habang tumatango. Sabay tayong magdidinner? Tanong niya sa akin habang nakangiti. Pwede rin~ tumingin ako sa kanya, pero hinde tayo kakain sa labas ok? Ako na lang ang magluluto. Ano bang gusto mong kainin? Napaisip siya saglit bago siya tumingin sa akin. Kahit ano, basta luto mo. Tumango lang ako.

Habang nagtuturo ako, hinde ko mapigilang ngumiti. Pagnaaalala ko yung nangyari sa amin ni Lucas ngayon, bigla na lang akong ngingiti sa kalagitnaan ng pagtuturo. Pati tulong yung mga students ko nagtataka kung bakit ang saya-saya ko daw ngayon. Hinde ko naman pupwedeng sabihin yung tunay na rason kaya sinabi ko na lang na may bago akong cute na puppy.. kaya ayun, gusto tuloy nilang makita yung puppy ko! Ang bilis ng takbo ng oras ko. Yung dalawang klase ko na tag dalawang oras, pakiramdam ko tag-isang oras lang pareho. Pagkatapos na pagkatapos ng klase ko ay dumeretso na ako para mamili para sa iluluto ko. Wala pa rin akong naiisip na iluluto, pero bumili na lang ako ng kung anu-anong gulay na pwedeng iluto pati chicken. Naramdaman kong nag vibrate yung phone ko. Pagcheck ko puro kay G Boy Guitar Boy. From: G Boy WAITING From: G Boy Not yet done? Still waiting.. Hinde ko siya nireplyan pero nagmadali na akong bumili. Kasi after nung second messag niya, biglang non-stop yung pagvibrate ng phone ko. Puro siya lang yung nag text! Wala pang ten minutes ang nakalipas bago nung first text niya inip na inip na kaagad siya sa reply ko. Nagtaxi na lang ako dahil yun ung unang dumaan na sasakyan sa tapat ko. Sumososyal na ko eh. Dati FX, jeep, bus, mrt pati lrt lang yung sinasakyan ko. Ngayon taxi na! Simula nung nakilala ko si Lucas, tumaas yung standard of living ko! Hinde sa nakikisabay ako sa lifestyle niya, pero ibang klase kasi ung pasensya niya eh. Kulang na lang train yung sakyan mo para makadating ka ng mas maaga sa mismong oras na pinagusapan.

Pagkadating ko sa may building ng condo niya ay nagmadali na akong sumakay ng elevator. Paglabas ko naman ng elevator ay nagmadali akong mag lakad sa may unit niya. Pagdoorbell na pagdoorbell ko ay agad bumukas yung pintuan. Welcome back! bati sa akin ni Lucas habang nakangiti. Tinulungan ako ni Lucas sa pagbitbit ng mga binili ko. Magluluto muna kami ng makakain bago kami magsimulang mag-aral. Nagsaing na muna ako bago ako maghandang magluto ng ulam. Dahil hinde marunong magluto si senyorito, pinanood niya lang ako sa may dining table. Nararamdaman ko na naman yung mga titig niya sa akin. Nakakatakot talaga pag pinapanood ka ng tao kapagnakatalikod ka. Feeling ko, bigla niya akong sasaksakin habang nakatalikod ako. Tumingin ako sa kanya. Sasabihin ko sana na manood na muna siya ng TV dahil nakakailang yung ginagawa niyang panonood sakin, pero bigla siyang ngumiti kakaibang ngiti. Yung matagal ko ng inaabangan na ngiti.. Yumi ko. Sabi niya. Bakit? tanong ko sa kanya Hinde ako in love sayo, ok? Wag kang umasang in love ako sayo dahil alam mong hinde! Bigla niyang sinabi. Tiningnan ko siya ng masama. Abnormal to ah. Wala naman akong sinasabing in love siya sakin ah! Anong problema niya? Wag na niyang ipamukha sakin na hinde siya in love sakin, kasi hinde rin ako in love sa kanya! Peste siya. Alam ko!!! Hinde rin naman ako in love sayo eh!! pasigaw kong sinabi sa kanya.

Pero kung gusto mong tumira dito kasama ko, ok lang sakin. Nanlaki bigla yung mata ko dahil sa sinabi niya. Ano daw?

Chapter 16: Friends with Benefits kung gusto mong tumira dito kasama ko, ok lang sakin. Paulit-ulit yung linya ni Lucas sa ulo ko. Ano daw?! Ako?? Titira dun kasama niya? Pangarap ko nga na tumira sa isa sa mga condo dun sa the Fort pero hinde ko pinangarap na makasama ang isang lalaki sa iisang bahay. Well, nag daydream ako na kasama ko si Peter.. pero matagal na yun! Hinde na rin yun counted kasi wala na kami! At kahit kami pa.. ok lang kasi kami naman! Ano pa bang ineexpext niyang isasagot ko sa kanya?! Malaang hinde ako pumayag! Anong akala niya sakin, easy to get?? Ano kami, KAMI?! Nababaliw na ba siya?! Kahit na wala akong nanay, pinalaki naman ako ng maayos ng tatay ko! Hinde ako basta basta nakikitira sa bahay ng iba! Syempre, nung tinurndown ko yung offer niya, sinimangutan niya ako buong gabi. Nung kumain kami, hinde siya masyadong nagsalita. Lahat ng pinapasagot ko sa kanyang examples, sinagutan niya ng walang tanungtanong. Nung natapos na yung oras namin, hinde siya nag-offer na ihahatid na lang nya ako pauwi!! Dumiretso siya sa lugar na pinagpapraktisan nila ng banda niya! Kumatok ako sa kwarto ni Mariel bago ako pumasok. Dumiretso kaagad ako sa kama niya at humiga. Napahinto siya sa pag cocomputer niya at tumingin sa akin. Nagtitigan kami saglit tapos nauna na siyang nagsalita. L o P? Tanong niya sa akin. Tiningnan ko lang siya tapos ay huminga ng malalim. Malamang L yan. Pag P kasi kukunot yung noo mo eh. Oh anong nangyari? Nakatingin lang ako sa kanya pagtapos ay gumulong-gulong sa kama. Paano ko sasabihin sa kanya yung tungkol sa pagtira ko sa condo ni Lucas? I mean, madamadaling sabihin kasi hinde ako pumayag and if ever

pumayag ako, ok lang rin. Si Mariel yan! Mas maramisiyang ginawang kabalastugan kesa sa akin! Hinde sa gusto kong tumira dun, pero parang gusto ko lang i-share sa kanya. Pati hinde niya alam na may something sa amin ni Lucas. Yumiko Gala!! Sigaw ni Mariel Huminto ako kakagulong. Nakaharap yung likod ko sa kanya at kumukuha ny tyempo para sabihin yung nasa isip ko. Friends kami ni Lucas.. Simula ko I know that already.Sabi naman ni Marel with benefits. Ano?! Tumalon bigla si Mariel sa kama niya. Naramdaman ko yung baba niya sa may braso ko. Si Yumiko the Great?! May FWB?! Hinde siya makapaniwala sa sitwasyon namin ni Lucas. Naiintindihan ko naman talaga yung naging reaction niya dahil nung simula pa lang, ako yung medyo mabait sa amin. Ako yung tipong stick to one at hinde basta basta papasok sa isang relasyon. Tingin ko kasi pag mag boboyfriend ka, feeling ko sasabak ka sa isang gyera na hinde mo alam ung magiging takbo. Tapos nakasalalay yung buhay mo dun sa boyfriend mo. Kung paanoyung takbo ng magiging laban niya, kung paano yung strategies niyo at kung paano niyo proprotektahan ang isat isa. Ayoko kasi yung susugod na lang ako ng basta basta tapos hinde ko kilala yung makakasama ko sa laban. Natatakot kasi ako na baka matalo lang ako kaagad dahil wala kaming koordinasyon. Ang weird ba? Ganun ba talaga kaweird na may FWB ako? humarap ako sa kanya Seryoso yung mukha ni Mariel habang tumatango, Hinde ko aakalaing papatulan mo yung ganung laro! I mean, si Yumi ka. Pangmatagalan, hinde

pang lokohan. Matagal na rin naman kaming ganun eh.. hinde naman parang iisang linggo pa lang kaming naglolokohan.. paliwanag ko sa kanya. ..matagal na rin naman yun diba? Gaano katagal na ba?? Wag mong sabihin nung simula pa lang.. ganun na kayo.. Hinde ah. Sabi ko sa kanya, Siguro mga one month pa lang.. Tagal na nga.. pero bakit ngayon mo lang sinabi sa akin!! Ngumiti lang ako sa kanya, Tingin mo ok lang kung sa iisang bahay kami titira? Ngumiti rin si Mariel, Tingin mo gawain ng normal na magkaibigang babae at lalaki yan? tinulak niya yung nook o gamit yung index finger niya, Anong feeling mo, newlyweds kayo? Wala pa nga kayo sa stage na intimate kayo eh.. wait.. Nanlaki bigla yung mata niya habang nakabukas yung bibig. Ano? Tanong ko sa kanya Friends with benefits.. you mean you do it with him?! nagulat ako sa sinabi niya. Baliw ka ba? Date date lang, walang attachment. If ever may mangyari, hanggang hug at kiss lang! Pero wala pang ganun na nangyayari. Para lang hinde namin mafeel na nag-iisa kami.. gets? Ahh~ rebound. Sabagay ganun naman talaga role ng isang special firend. Tinuro ako ni Mariel, siguraduhin mo lang na hinde ka maiinlove sa kanya ah! Pareho lang kayong malungkot ngayon. Baka mapagkamalan mong love yung need. Eh paano kung love na nga yung nararamdaman ko sa kanya?

Love na?? Eh pano si Peter? Naayos mo na ba yung sa inyo? Umiling ako, Ayusin mo muna yung sa inyo ni Peter tsaka mo pag-isipan kung love na ba talaga yan. Ngumiti ako sa kanya, Wag kang mag-alala. Wala naman akong sinabing pumayag ako eh. Gusto ko lang malaman yung magiging reaksyon mo. Yumi ah. Proud ako sayo dahil nagawa mong pumasok sa ganyang klaseng relasyon, pero kelangan mong mag-ingat. Sabi niya habang nakatingin ng diretso sa akin. May rules kang dapat sundin. Yung mga rules nay un, pwedeng magbago ng hinde mo nalalaman. Nakatingin lang ako sa kanya. minsan may sense rin tong kausap. Marami akong natututunan sa kanya tungkol sa mga bagay na hinde ko alam, lalo na pag tungkol sa love yung topic. Alam ko naman yun eh. Hinde mo na kelangan pang sabihin. Sabi ko kay Mariel. Maganda sana kung in love kami pareho sa isat isa.. pero parang ang imposible eh. Imposible? Hinde yun imposible.. yun nga lang talo ang mainlove. Kung gusto mong i-maintain yung relasyon na meron kayo ngayon, kelangan mong itago yung nararamdaman mo sa kanya. Ngumiti siya bigla, Kaya kung in love ka na sa kanya, wag mo kaagad sabihin sa kanya! Hayaan mo na mauna siyang magconfess para sa kanya mismo manggaling yung forbidden word. Hinde nga ako in love sa kanya!!! Ok?? Sinabi niya lang na kung gusto kong tumra dun kasama niya, ok lang daw sa kanya! Bumangon na ako at naglakad papunsa sa pinto, Hinde naman ako aalis dito eh. Kaya wag kang mag-alala. Nag flying kiss ako sa kanya bago lumabas ng kwarto niya. In love? Kelan ko ba sinabing in love ako sa kanya? Masaya ako pag magkasama kami minsan pero hinde naman ibig sabihin nun na in love na ako sa kanya. naiintindihan ko naman kung hanggang saan lang dapat yung

relasyon namin eh. Alam kong hinde rin ako pwedeng humiling pa na mas higit pa dun. Kuntento ako sa kung anong meron kami. Kung iintayin ko yung panahon na magtatapat siya sa akin.. nako! Eh baka mamuti na yung buhok ko kakaantay nun! Siguro nga.. if ever magkagusto na ako sa kanya... kelangan tumahimik na lang ako kung gusto kong ipagpatuloy yung pagstay niya sa tabi ko. Pagpunta ko sa kwarto ko ay kaagad kong binuksan yung laptop ko at nag sign in sa YM. May mga offline messages sa akin si Peter. Peter Lo: I love you Yumiko. Wait for me. Peter Lo: Konting tiis na lang ha.. Peter Lo: I miss your voice.. I miss you so much.. Hinde ko na lang pinansin yung mga messages niya. Tokis masyado eh. Kung namimiss niya ko, kung mahal niya talaga ako ipakita na lang niya. Wag yung puro salita. Pero.. gusto ko talaga siyang makita gusto ko siyang makausap.. gusto ko siya makasama.. Naguguluhan na ko sa sarili ko. Maya maya ay nag message na sa akin si Lae. Gabi-gabi kaming magkachat. Minsan inaabot kami ng madaling araw dahil magkachat kami. Hinde ko nga alam kung bakit siya tumatagal na kausap ako eh. Wala naman kaming pinaguusapan. Madalas si Peter pinaguusapan namin. Siya naman magkukwento tungkol sa babaeng kinaiinisan niya. Hinde ko rin alam kung bakit patuloy niyang kinakausap yung babaeng kinaiinisan niya. ----------------------------------------

May dumi ba ako sa mukha? Bakit kanina mo pa ako tinititigan?? Tanong

sa aki ni Jam Nasan si Greggy? tanong ko sa kanya. Bakit? nagsususpetsa niyang tanong sa akin, Magpapraktis sila ngayon para sa gig mamayang gabi. Nagsasabi nga ng totoo si Lucas. Akala ko may kasama lang siyang ibang babae niya kaya hinde kami pwedeng magkita ngayon. Naisip ko rin nab aka iniiwasan niya ako dahil huminde ako sa kanya. From: G Boy We have practice. Cant see you now. Rineplyan ko yung message ni Lucas, To: G Boy Good luck. BEHAVE! Mabilis na nagreply si Lucas. From: G Boy Ill think about it. Bwiset talaga tong lalaking to! Nakakasira ng mood! Pwede naman niyang sabihin na ok kahit na labag sa loob niya! Bakit ba kasi napaka pranka niting taong to eh. Hinde na nakakatuwa! I'll think about it rin ang isasagot ko sayo pag tinanong mo ulit ako tungkol sa bagay na yun!! Nagkasalubong kaming dalawa kanina.. aba! Hinde ba naman ako pinansin! Naiintindihan ko na kasama niya yung mga kaibigan niya nung mga oras na yun, pero pag gusto niyang mag hi sa akin, sinasadya niya akong banggain, o kaya magkakatinginan kaming dalawa tapos ngingiti siya ng konti. Pero ngayon, wala talaga! Nakakapikon!

Napaaga yung pagpasok ko sa academy. May pinakilala sa akin na bagong part-time na science teacher. Dahil hinde pa naman nag sisimula yung klase ko nag-usap kaming dalawa. Mark Pangan, 23 years old. Mas matanda siya sa akin ng isang taon. Parttime biology professor siya sa isang university. Tuwing Tuesday at Friday lang siya mag tuturo sa academy. Hinde siya masyadong matangkad, pero pwede na. Mas matangkas pa si Lucas sa kanya. Hinde siya panget, pero hinder in siya ganun ka gwapo.. pwede na. Mas gwapo nga lang si Lucas sa kanya. Presentable. Mukha naman siyang mabait, kaya.. pwede na. Lamang nga lang si Lucas sa kanya. Nagpuntahan na kami sa kanya kanya naming classroom dahil time na. Nung natapos yung dalawang klase ko, pinuntahan ako ni Mark sa classroom at sabay kaming pumunta sa may office. Uuwi ka na? tanong niya sa akin Tumango ako, Hanggang 5 lang naman ako dito eh. Hanggang 9 pa ako eh. Wala na naman akong makkausap na ka-age ko. Ano ba yan. Sumimangot siya. Kung wala kang gagawin mamayang gabi, manood ka ng gig sa may the Wall. Alam mo ba kung saan yun? Tumango siya. Andun ako kasama ng mga kaibigan ko. Ngumiti siya bgla sa akin, Ok lang ba yun? Oo naman. Hinde naman namin pag-aari yun eh. Kaibigan kasi namin yung tutugtog eh, kaya nangiimbita ako. Hehe! Kinuha ko yung mga gamit ko at nagsimula ng maglakad. Ay!! Number mo nga pala!! Sabi ni Mark sa akin habang inaabot yung cellphone niya. Nilagay ko yung number ko sa phonebook niya tapos ay

binalik yung phone niya. Pupunta ako! Text kita pag nandun na ako! Tumango na lang ako tapos umalis na. Inintay kong makauwi si Mariel para sabay na kaming pumunta dun sa Wall. 8 na nung nakarating siya, kumain kaming dalawa ng dinner, nagpalit siya ng damit at dumiretso na kami sa Wall. As usual, madami na namang manonood ng gig nila. Halos puro babae. Once or twice a month lang kasi silang nag peperform dun, kaya laging dinadagsa ng mga tao yung gig nila. Syempre, merong naka reserve na naman na table para sa amin. Eksaktong 9 nagsimula yung banda nila. Si Bryle, palaging nagbabago pag nasa stage. Si Lucas naman ang gwapo tingnan pag nag gigitara. Lahat ng mga tao sa Wall ay sinasabayan yung pagkanta ni Bryle kaya mas naging Masaya yung gig nila ngayon. Bakit parang iba yung suot mo ngayon? Tanong ni Jam sa akin. Nagpapasikat eh! Syempre kelangan niyang magpaganda sa taong yun! sagot ni Mariel kay Jam habang nakangiti sa akin. Sino? sino?? tanong ulit ni Jam Mamaya! Malalaman mo rin mamaya. Sabi ni Mariel. Hinampas ko ng mahina si Mariel pero tinawanan niya lang ako. Ang daldal talaga nitong babaeng to! Hinde ko nga pinapaalam kay Jam yung samin ni Lucas eh, tapos siya pa yung magsasabi! Edi nagtampo sakin si Jam! Hay nako. Matatapos na yung first set nila kaya medyo inaaliw na ni Bryle yung mga tao.

May fans ba and Soulfool dito~~~? Nagsigawan yung mga babae sa tanong ni Bryle. Lumamit si Bryle kay Lucas, Ian.. may girlfriend ka na ba? Nagsigawan yung fans ni Lucas. Nakangiti lang si Lucas. Aba~~ mukhang meron!! Sa tingin niyo meron?? tinanong ni Bryle yung audience. WALA~~~!!! Sigaw ng mga tao Siko ng siko sa akin si Mariel habang nakangiti. Si Lucas naman napatingin sa akin, ngumiti ako sa kanya. May girlfriend ka nga ba Ian? Nakangiti lang si Lucas at parang nahihiya. Nagpanggap pa siya na susuntikin niya si Bryle. Eto na lang. Sa tingin mo ba may soulmate ka? Nakatapat yung mic kay Lucas, lahat ng babae sa loob nag-iintay ng sasagot niya. Meron. Nakangiting sagot ni Lucas habang nakatingin sa akin. Siniko na naman ako ni Mariel. MERON DAW~~! Masayang sinabi ni Bryle. Sa tingin niyo, sino dito ang soulmate ni Papa Lucas?? Itaas ang kamay! Halos lahat ng mga babae ay nagtaasan ng mga kamay. Nakangiti lang si Lucas habang pinagtritripan siya ni Bryle. Tinugtog na nila yung huling kanta nila sa first set nila. Biglang may kumalabit sa akin, nung pagtingin ko si Mark na. Hinde ko aakalain na pupunta nga talaga siya. Umupo siya sa tabi ko. Ipinakilala ko siya kela Mariel at Jam. Sakto natapos yung first set ng Soulfool. Dumretso sila sa table namin tapos uminom kaagad ng tubig. Umupo si Lucas sa tabi ni Mariel since may nakaupo na sa

tabi ko. Bali ganito ang position namin, Mark Ako Mariel Lucas Darly Bryle Jam Greg - Paul Ipinakilala ko sa boys si Mark. Si Lucas medyo pangit yung pagkabati sa kanya. Pagka siya naman yung magpapakilala sakin ng mga babae niya, wala lang akin un ah! Bakit hinde niya pakitaan ng mabuti yung kaibigan ko? Sana lang talaga wag magsalita si Jam!! Siya ba yung dahilan kaya ka nagdamit ng ganyan, Yumi?? Excited na tanong sa akin ni Jam. Ano!! May boyfriend ka na?! Sabay na tanong sa akin ni Paul at Bryle May boyfriend naman talaga yan eh. Sino bang nagsabing wala. Sabi ni Lucas sa kanila bago pa ako makasagot. Hinde kami nagpansinan ni Lucas buong break nila. Napansin ni Mariel na nagbago yung mood ni Lucas kaya bulong siya ng bulong sa akin. Bakit daw ako nag-aya ng lalaki, alam ko naman daw na gig nila Lucas yung pupuntahan namin. Nung natapos na yung gig nila ay nagkayayaan na kaming umuwi. Dahil nagtaxi lang kami ni Mariel, ineexpect ko na mag-o-offer si Lucas na ihatid niya kami. Mauna na ako ah. Sabi ni Lucas sa amin. Dirediretso siyang naglakad at hinde na ininantay yung paalam namin. Hinatid tuloy kami nila Bryle at Paul dahil hinde pumayag si Mariel nung inalok kami ni Mark na ihatid sa bahay. Ano bang problema ng mga tao ngayon! Yung isa hinde kami inalok, yung nangalok tinanggihan naman. Yung isa tinopak, yung isa naman patopak na. Hay~ hinde ko talaga

maintindihan ang ugali ng ibang tao~ Hay nako Yumi. Insensitive ka talaga. Sabi sa akin ni Mariel bago siya pumasok sa kwarto niya. Nagring yung phone ko. From: G Boy Baba ka. Nandito ako sa labas. Pinuntahan ko si Lucas sa tapat ng building. Pinasakay niya ako ng kotse niya tapos ay nagdrive siya bigla. Nung tinatanong ko siya kung saan kami pupunta, hinde siya nagsasalita. Bakit ba galit siya?! Susunduin niya ako tapos dadalhin ako sa lugar na hinde ko alam! Ano bang kasalanan ko? Nung nakarating na kami sa lugar ay bumaba na kami ng kotse. Hinila niya ako papasok sa loob ng building. Sumakay kami ng elevator pagtapos ay sa pinaka taas kami ng bulding tumigil. Hinila na naman niya ako papalabas ng elevator habang tinitingnan yung orasan niya. Nakatayo lang kami at nakatingin sa view namin. Puro ilaw yung nakikita ko. Bakit tayo nandito? Tanong ko sa kanya Secret. Sagot niya sa akin. Special place to para sa akin. May nadiscover kasi ako dito eh. Tss. Ano kayang special dyan. Sabi ko sa kanya habang naka tingin sa view. One.. two.. three! Biglang namatay yung ibang ilaw. Nagulat ako nung nakita ko na yung nadiscover niya. Pinapatay talaga nila yung ilaw tuwing 1 a.m. Nilagay niya yung mga kamay niya dun sa may wall habang nasa likuran ko siya. Nakatingin kami pareho sa mga ilaw na naka form ng heart.

Tatanungin ulit kita.. sabi niya habang nakatingin parin kami pareho sa harap. Masyadong maiksi yung oras na magkasama tayo. Madalas pa, may mga kasama tayo. Ok lang ba kung magsama tayo ng mas matagal? Dahan-dahan akong tumingin sa kanya, nakatingin rin siya sa akin. Ngumiti ako tapos tumango ng isang beses. Naiintindihan ko na yung ibig niyang sabihin. Ngumiti siya bigla sa akin. Hinawakan niya yung mukha ko at unti unting palapit yung mukha niya sa akin kaya pinikit ko na yung mata ko. Dun ko nalaman, kung ano talaga ang gusto ko.

Chapter 17: Dangerous Family

Yumi ko~~ nagugutom na ko~!!! Unti-unti kong imunulat yung mga mata ko. Nakita ko si Lucas sa tabi ko. Tumingin ako sa ilalim ng kumot kung may damit pa ko. Walang nangyari. Dahil medyo maganda yung ending namin kagabi kaya dito ako napauwi sa condo niya. Dun ako sa isang kwarto natulog, sabi niya sa akin yun daw ang magiging kwato ko if ever daw. Anong oras na ba? Tanong ko kay Lucas. 9:30 AM. Gutom na ko~ Sabi sa akin ni Lucas Bumangon na ako at inayos yung kama para makapag handa na ng almusal. Naghilamos at nagsipilyo na muna ako bago ulit ako humarap sa kanya. Pagbukas ko ng ref, may mga gulay na akong nakita. Nung tiningnan ko naman yung freezer, ang dami ng laman! Namalengke ba siya? Bakit parang ngayon ko lang nakitang puno yung ref niya!? Kumuha na lang ako ng hotdog, bacon pati itlog. Dahil wala na akong oras para magluto ng kanin, kinuha ko na lang yung tinapay sa may cabinet. Napatingin ako sa may likuran ko at nakitang nanonood si Lucas. Yumi ko.. pumayag ka na diba? Na dito ka na titira. Tanong sa akin ni Lucas habang nakatalikod ako sa kanya. Hinde ko sinagot yung tanong niya dahil alam niya naman yung sinagot ko sa kanya kagabi. Bakit hinde kasumasagot?? Joke lang ba yung kagabi para manahimik ako?? Tiningnan ko siya. Nakasimangot siyang nakatingin sa akin. Hinde ako nagjojoke kagabi. Tumango ako diba? Napaka praning nito.

Ngumiti siya bigla. Tinulungan niya akong buhatin yung mga plato ng pagkain at dinala ito sa lamesa. Umupo kami sa magkabilang side. Honestly, hinde ako sigurodo sa sinagot ko kagabi. I mean, nadala ako ng moment! Sino ba naman ang hinde makakahinde sa dun!! Siguro kung hinde ako tumingin sa mga mata niya nung oras na yun, hinde yung sinagot ko. Pero hinde ako makahinde! Na-hypnotize ako ni Lucas Elizalde. Pero dapat naka schedule tayo. Hinde kasi pwedeng araw-araw eh. Mamili ka ng isang araw na gusto mo. Sawakas, nasabi ko na rin yung nasa loob ko. Yan talaga yung gusto kong mangyari. Ok lang sa akin kahit na isang araw, wag lang araw-araw. Habang hawak-hawak niya yung tinidor na may hotdog ay biglang kumunot yung noo niya at biglang ibinaba ita sa plato niya. Nakasimangot na naman siya! napaka moody talaga nitong lalaking to! Kanina abot tenga yung ngiti, ngayon nakasimangot na! bi-polar ata to eh! Ayaw niya ba ng hotdog!? Ayaw mo ba yung pagkain? Tanong ko sa kanya pero hinde siya sumagot. Sabihin mo kasi sa susunod kung ano yung gusto mong kainin. Hinde ko naman alam kung anong mga paborito mo eh. Kainin mo na lang muna yan sa ngayon. Minsan hinde ko alam kung insensitive ka o talagang nagtatanga tangahan ka lang eh! Ano na naman bang problema niya? Malay ko ba na ayaw niyang kumain ng hotdog! Kung ayaw niya pala yun, bakit siya bumili nun!! Sabi ko naman sa ngayon lang diba? Kalmado kong sinabi. Sa susunod kasi sabihin mo sa akin kung anong gusto mong kainin, hinde yung sasabihin mo na kahit ano pero pagnakahanda na bigla kang aayaw! Anong akala mo sa akin, manghuhula?! Hinde naman yun eh! Anong akala mo sa akin, ganun kababaw?! Sabi sa akin ni Lucas na medyo pasigaw. Para naman siyang bata! Bakit hinde niya na lang sabihin yng problema niya kung hinde pala siya ganun kababaw!

Nagsimula na naman siyang magsalita, Pati bakit ba ganyang ang suot mo! Kanino ka ba nagpapaganda kagabi?! Parang gig lang yung pupuntahan mo tapos nakapang gimmick ka pa!!! Ano bang problema nito!? Para kanino nga ba tong suot ko? Common sense na lang kasi yun eh!! Sino ba yung pinanood kong tumugtog kagabi? Nakakainis talaga! Eh bakit nga ba kasi nagkakaganyan? Ano bang mali sa ginawa ko!? Anong mali sa suot ko?! Tinginan niya ako tapos ay tumingin sa may kanan niya. May sinabi siya pero masyadong mahina para marinig ko. Lakasan mo!! WALA! Bahala ka na nga dyan!!! Sinubo niya yung isang buong hotdog, tumayo at pumasok sa kwarto niya. Para tong bata! Sabay kagat ng hotdog at tinapay. Napatingin ako sa lamesa, ang dami kong uubusin!! Bwiset talaga yang lalaking yan! Ilang taon na ba siya?! Bente na siya tapos feeling teenager kung umasta! Nakakainis!!! Kung alam ko lang na ganyan siya kaimmature hinde ko na yan pinatulan eh! Nakakaperwisyo! Niligpit ko na yung pinagkainan namin para makauwi na ko. Hinde naman kasi ako pwedeng hinde umuwi. Magagalit sakin yung mga kapatid kong may sister complex! Baka pag hinde ako umuwi ng sabado, sugurin ako sa condo ni Mariel! Tapos malalaman pa nilang hinde na ko nakatira dun! Edi mahaba-habang sermon yun! Tapos biglang nalaman nila na sa bahay pa ako ng lalaki nakatira, edi mas lalo akong hinde pinalabas ng bahay nun! Kinatok ko siya sa kwarto niya para mag paalam, pero hinde siya sumagot. Binuksan ko yung pintuan para silipin kung tulog siya, pero nagcocomputer lang siya. Pumasok ako tapos kinalabit siya.

Ihatid mo ko! Wala akong dalang pera. Cellphone lang ang dala ko! Tiningnan niya lang ako tapos humarap ulit siya sa computer niya, hinde siya umimik. Wala akong ibang magawa kung hinde ang takutin siya. Oras na lumabas ako dito sa bahay na to.. hinde na talaga ako magpapakita sayo! Kahit kelan! Tandaan mo yan!! Lumabas ako ng kwarto niya at pumunta ako sa kwartong tinulugan ko. Nagpunta ako sa banyo tapos naghilamos at nagsipilyo muli. Habang nagsisipilyo ako naalala ko na naman yung mukhang pinakita sa akin ni Lucas nung sinabi ko sa kanyang ihatid niya ako, pampasira ng araw! Aalis na ko! Malakas kong sinabi habang nakahawak na ko sa doorknob. Nilock ko yung pintuan bago ako lumabas. Syempre, masama parin loob ko dahil taxi na naman sasakyan ko! Napaka gastos ng buhay ko ngayon dahil sa kanya!! Ano ba naman ba kasi yung ihatid niya ko? Ganun ba kahirap yung hinihiling ko?? Pagkalabas ko ng elevator sinalubong ako nung guard ng ngiti. Good morning po, Maam. Good morning po. Ngumiti ako sa kanya. Sinundan niya ako hanggang sa makalabas ako ng building. Saglit lang po Maam, wala pa yung kotse. Napatignin lang ako sa kanya. Kotse? Nababaliw na ba tong si manong? Ang tagal-tagal ko ng nagpupunta dito kelan niya ako nakitaan na nagdala ng kotse? Nang iinsulto ata eh. Manong, wala akong kotse. Sabi ko sa kanya. Pagkasabing pagkasabi ko ay biglang may pumaradang kotse sa tapat ko. Tiningnan ko kung sino yung nasa loob ng kotse ni Lucas, pero pagkita ko, hinde siya yung nagmamaneho. Lumabas yung nagparada ng kotse ni Lucas tapos ay pumunta sa kabilang side ng kotse at binuksan yung pintuan nito. Inalalayan ako ni manong

guard papapasok ng kotse. Intayin niyo lang daw po si Sir dito. Tumango ako at nagasalamat sa kanila. Ano kayang pumasok sa isip nung lalaking yun at biglang naisipang ihatid ako? Tss. Samantalang kanina ang yabang ng itsura niya! Bibigay rin pala siya sa akin! Syempre, hinde ko mapigilan ang pagngiti ko. Ilang minuto rin ang lumpas bago dumating si Lucas. Hinde na lang ako nagreklamo dahil makakamura ako pag-ihahatid niya ako kesa magtaxi ako. Pagsakay niya ng kotse napansin kong naligo pa siya kaya natagalan siya sa pagbaba. Tumingin siya sa akin, yung normal na tingin niya noong hinde pa kami close. Labag parin sa kalooban niya ang paghatid niya sa akin!? Saan ka ba pupunta? Tanong niya sa akin habang nakatingin sa daan at nagdadrive. Ihahatid na kita sa pupuntahan mo. Ha?! Hinde pa ko naliligo!! Hinde pa nga ako nakakapagbihis eh! Reklamo ko sa kanya. Hinde naman masama kung umuwi ako sa amin ng hinde pa naliligo, pero wala lang, nasabi ko lang yun dahil nabigla ako sa sinabi niyang ihahatid niya ako sa pupuntahan ko. Ano naman? Saan ka ba kasi pupunta para mag-ayos ka? Napatingin siya sa akin, Makikipagkita ka ba dun sa Mark? Napatingin ako sa kanya bigla. Anong kinalaman ni Mark sa pagbihis at pagligo ko? Wala atang sense yung pinagsasabi niya. Ano bang meron dun kay Mark? Kakakilala ko lang dun eh. Wala pa ngang tatlong araw simula nung nakilala ko siya eh. Umikot ka, sa C5 tayo dadaan. Sa Las Pinas tayo. Sabi ko sa kanya. Napatingin siya ulit sa akin na parang nagtataka siya kung bakit sa Las Pinas ako pupunta. Hinde niya pa ata alam na taga Las Pinas ako. Sinunod

niya yung sinabi ko. Mga sampung minuto rin yung tinagal ng katahimikan. Siguro narindi na siya sa katahimikan kaya nagsalita siya, yun nga lang, mas ang weird nung sinabi niya. Gano na kayo katagal nagkikita nung Mark? Napatingin ako sa kanya. Wala lang. Gusto ko lang itanong. Ano bang meron sa Mark na yun? Parang in demand na in demand siya ngayon eh. Kahapon ko nga lang nakilala yun eh. Siguro nga nagkamisunderstanding kagabi, pero hinde ko na nga pinansin un eh. Kaya ko lang naman siya niyaya manood nung gig nila dahil para dagdag tao. Kahapon lang. Simpleng sagot ko sa kanya. Totoo naman eh, kahapon ko lang siya nakilala. Ah ganun ba? Siya siguro yung naghatid sa inyo kagabi. Umiling ako, Hinde. Sila Bryle at Paul ang naghatid sa amin. Inalok kasi ni Mark pero hinde tinaggap ni Mariel. Napangiti bigla si Lucas nung narinig niya yung sinabi ko. O ngayon nakangiti na naman siya, tapos mamaya magagalit ulit! Pag bi-polar ka nga naman oh. Mahal ko na si Mariel! sabi bigla ni Lucas. Napatingin ako sa kanya, nakangiti siyang nagdadrive. Napailing na lang ako. Ill treat her for dinner. Tell her that. Ganun ka kasaya? Tumango siya. Ang babaw niya. Bakit selos ka? Nakangiti niyang tanong sa akin. Bakit ako magseselos? Hinde ko ugali yun eh, nakalimutan mo ba?

Oo na!!! Natawa na lang ako sa reaksyon niya. Nakaganti rin ako sa mga pinaggagagawa niya sa akin! Akala niya siya lang pwedeng sumaksak sa akin, kaya ko rin gawin sa kanya yun noh. Timing lang kelangan ko. Nung nasa Las Pinas na kami mas lalo siyang naging matanong. Bakit daw sa Las Pinas ako nakatira, bakit daw hinde sa Paranaque o Alabang o Makati. Ang dami niya pang tanong sa akin, halos karamihan dun hinde ko alam yung isasagot ko. Ano bang malay ko noh! Hinde ko nga alam kung saan niya pinagkukukuha yung mga tanong niyang yun eh. Sa bagay, karamihan ng mga usapan namin panay kawirduhan. Nung nasa may kanto na kami ng street namin, tsaka lang siya nagtanong kung bakit ako biglang umuwi sa Las Pinas. Kailangan eh. Pag hinde ako umuwi, ako yung pupuntahan nila! ngumiti ako sa kanya, Ibang klase yung mga kapatid ko, kaya ganun. Saan ba kasi yung bahay mo? Bakit dito sa kanto ka bababa? Hinde kasi siya pwedeng makita ng mga kapatid ko! Nako makitid mga utak nun. May mga sister complex pa yung mga yun. Ok na to. Malaking tulong na to sa akin. Sabi ko sa kanya habang pababa na ng kotse niya. Malaking tulong talaga to sa bulsa ko! Wala akong ginastos ni piso eh. Sinarado ko na yung pintuan tapos kumaway sa kanya. Hinde pa ako nakakasampung hakbang pero narinig ko ng may tumatawag sa akin. YUMIKO~~~!! Naramdaman ko na lang bigla na may yumakap sa akin sa may likuran ko. Kinakabahan na ko dahil baka may ibang taong nakatingin sa amin. Inaabangan kita sa may kanto kasi ang tagal mo~ mabuti na lang sakto yung pagbalik ko! Tinanggal ko yung kamay ni Kuya Yuki at pinagsabihan siya. Kuya!! Ano

ba~ pag may nakakita sa ating ibang tao ano na lang iisipin nila?? Yinakap ulit ako ni Kuya Yuki, Dangerous twins! Proud niyang sinabi. Nababaliw na ata tong kapatid ko eh. Dangerous twins?! San na namang parte ng utak niya nahalungkat yun? Minsan hinde ko maintindihan kung magkapatid ba talaga kami eh. Nakaramdam na ko bigla ng matutulis na titig. Napatingin ako sa may likuran ni Kuya Yuki at nakitang nakatingin si Lucas sa aming dalawa. Hinde ba nakaalis na siya? Bakit kaya siya bumalik? Umalis nga ba talaga siya? YUMI KO! Malakas niyang sinabi. Napabitaw si Kuya Yuki nung narinig niya yung sigaw ni Lucas. Lumapit sa amin si Lucas tapos tiningnan niya si Kuya saglit at tumingin ulit sa akin. Sino siya? Sino KA? Tanong naman ni Kuya kay Lucas. Tumingin siya sa akin at nagtanong. Ano mo siya Yumi? Ha? Luc pinutol ni Lucas yung sasabihin ko. Ayaw niya bang marinig yung sasabihin ko? Ayokong sumagot siya ng sablay sa tapat ng kapatid ko! Ako si Lucas, CLOSE ako kay Yumi ko. Sagot ni Lucas sa tanong ni Kuya. Sinabi ko na nga ba eh. Ano ba yung sinagot niya! Palpak talaga to! Teka la pinutol naman ni Kuya Yuki yung sasabihin ko. Wala na ba akong karapatang magsalita?! Ano? Yumi ko?! Si Yuki ako, MAS CLOSE ako kay Yumi. Medyo kumunot yung noo ni Lucas kaya napangiti si Kuya. Dont tell me magsusuntukan na sila! Ayoko makakita ng live na boxing sa tapat ko. Luc punutol na naman ni Lucas yung sasabihin ko. Yumi, disappear!

Sa tingin mo close ang tingin sayo ni Yumi ko? Nananaginip ka ata. Sino ka ba sa buhay niya, ha? Ipinakita ni Lucas yung sikat niyang smirk. Nako Lucas, maling tao yung kinakalaban mo. Mas close talaga kaming dalawa. Sana sumuko ka na lang kanina pa. Hinde lang tingin, sigurado akong mas close kaming dalawa. Mas matibay relasyon naming dalawa kesa sa kung anu mang relasyong meron kayo. Dapat lang naman siguro diba? hinawakan ni Kuya yung kamay ko. Kumunot lalo yung noo ni Lucas. Kapatid niya ako eh. Kapatid ka lang pala KAPATID?! Napatingin sa akin si Lucas, Magkapatid kayo? Tumango ako, Ang daldal mo kasi eh. Kanina ko pang gusto sabihin sayo yun pero hinde mo ko pinapagsalita. Hinde ko maipinta yung ekspresyon ng mukha niya pero sigurado akong nagsisise siya sa ginawa niya. Siya si Kuya Yuki, kakambal ko. See? Ngumiti sa Kuya Yuki tapos inakbayan ako, Mas close kami diba? Kambal..? Tumango ako. Nanlaki bigla yung mga mata niya. Oo na, hinde na kami magkamukha! Kasalanan ko ba kung gwapo siya at sadyang mabait lang ako?! Yumiko~ uwi na tayo~~ sabi sa akin ni Kuya Yuki habang inaalog yung kamay ko. Tumingin siya bigla kay Lucas tapos tinuro siya, Ikaw!! Sumama ka samin! Hinde ko pa nakakalimutan yung sinabi mong close kayo ni Yumi! Pinauna ko ng umuwi si Kuya Yuki. Syempre, labag sa kalooban niya yun kaya umuwi siyang nakasimangot. Si Lucas naman hinde parin makapaniwala sa mga nangyari. Imposible bang magkaron ako ng kapatid na lalaki o kakambal? Hinde naman kasi namin napaguusapan yung mga bagay-bagay tungkol sa amin eh. Gaya nga ng sabi ko, puro kawirduhan ang pinaguusapan namin. Parang bonus na lang kung may malaman ako

tungkol sa kanya. Why didnt you tell me that you have a twin brother?? Ayan, nag-ingles na siya. Di ka nagtanong eh. Napakamot na lang siya sa sagot ko, may sense kasi eh. Tara na. Panigurado kilala ka na sa bahay ngayon. Nung sinabi mong ibang klase yung mga kapatid mo may sister complex rin sila?! Nanlaki yung mata niya. Napapadalas ata yung pag laki ng mga maya niya. Teka.. Hinde lang si Kuya Yuki yung kapatid mo?! Meron pang iba?! Kuya Yuki? Close na sila? Pati, magka-age lang kami ni Kuya Yuki. Ibig sabihin dapat Ate Yumi yung itawag niya sa akin. Hay common sense lang hinde pa naisip. Nako naman. Apat kaming magkakapatid, ako yung bunso. Ako lang kasi babae sa pamilya ko eh. Iniwan kami ng Mom namin nung bata pa kami kaya ganun sila sa akin. Tumango si Lucas habang nakanganga. Tara na. Iniintay na tayo dun. Pagpasok namin ng bahay nakaabang na kaagad sila Papa, Kuya Jin at Kuya Yuki. Nakatingin silang tatlo kay Lucas. Lumapit ako kay Papa para kumiss tapos niyakap ko naman si Kuya Jin. Inakbayan ako ni Kuya Jin, Bagong boyfriend mo? Tanong niya sa akin. Ha? Hinde, student ko siya sa academy. Tutor niya ako. napatingin ako kay Lucas at tinabihan siya, Lucas, siya yung Dad ko. Eto naman si Kuya Jin tapos yung isa si Kuya Yuki. Yung isa kong Kuya nasa America. Isa-isa ko silang tinuro habang nakipag shake hands naman si Lucas sa kanila at sinasabi yung pangalan niya. Ginulo ni Kuya Jin yung buhok ko, Ah~~ student. Bakit naman nandito

yung student mo? Nakangiti siya sa aming dalawa. Ano bang plano nitong mga to? Hide naman sila ganito sa akin dati ah! Anong nangyari kay Peter? Wala na kayo? Tanong bigla ni Kuya Yuki. Hinde ako sumagot kaya ngumiti bigla silang dalawa ni Kuya Jin. Ingatan mo si Yumi, Lucas. Sabi naman ni Papa kay Lucas habang nakangiti. PAPA!!! Ngumiti lang siya sa akin. Si Kuya Yuki hinde naman makapag salita sa sinabi ni Papa. Bakit ba nila ginagawa sakin to?? Hinde kami ni Lucas!! Bakit ba kasi nandito pa si Lucas!! Oo, ingatan mo yan. Inakbayan ni Kuya Jin si Lucas, Ipinapaubaya na namin sayo si Yumiko! KUYA JIN!!! Sabay naming sinigaw ni Kuya Yuki. Wrong move! Dapat talaga hinde ko na pinapasok pa si Lucas dito!! Baka isipin nila kami na talaga ni Lucas kahit na hinde. Makikitid pa naman din minsan mga isip ng mga to! Kahit si Papa may oras din na nadadala ng sitwasyon eh. Pinagstay na muna nila si Lucas sa bahay. Sabi nila para daw sa lunch, if I know, kakatayin lang nila siya. Hinde rin nila ako pinatulong sa pagluluto para daw may makausap si Lucas. Bakit si Kuya Yuki pinapatulong nila eh wala namang alam yun kung hinde ang maghugas ng plato! Ano na bang nangyayari sa mundo ngayon? Magpapakasal na ba tayo? Napatingin ako bigla kay Lucas, Theyre giving me both of your hands. What the hells happening? Ikinibit ko yung balikat ko, Hinde ko rin alam. Mas maganda yung pagtanggap sayo ng pamilya ko, kumpara dati. Nakakagulat yung mga pangyayari ngayon. Para akong.. binabangungot!

What do you mean by that!! Siniko niya ako kaya medyo natawa ako, Bakit, sino na bang napakilala mo sa kanila? Basta sila. Wag mo ng isipin yung mga yun. Ngumiti lang siya habang umiiling. Sorry kung ang kulit ng pamilya ko. Sabi ko naman sayo ako lang ang babae dito, kaya ganyan sila. Hinawakan niya yung kamay ko. Napatingin lang ako sa kanya tapos nginitian niya ako. Yan yung ngiti niya kagabi! Hinde na ako matutukso niyang ngiting yan!! Eto kasi ang mahirap sa kanya eh, pag pinapakita niya yung cute side niya! Pagbumalik si Peter dito sa manila, babalik ka ba sa kanya pagnagpakita ulit siya sayo? Napatingin ako sa kanya, seryoso yung tingin niya sa akin. Hinde. Hinde na ko babalik sa kanya, Masaya ako sa ganito. Pero hinde ko pwedeng sabihin sa kanya yun kaya ikinibit ko na lang ang aking balikat at sinabing, Hinde ko alam. Pag bumalik siya, pwede ko parin bang hawakan yung kamay mo tulad ng ganito? Tumango ako. Whats this? Hurry up and be mine already. Hinigpitan ko yung hawak ko sa kamay niya, sumandal sa balikat niya at sinabing, I am yours.

Chapter 18: Changes

So hinde mo boyfriend si Mark? Umiling ako sa tanong ni Jam. Eh yung Peter, wala na talaga kayo nun? Hinde ko alam kung bakit nagagawa paring itanong sa akin ni Jam yung issue tungkol kay Mark. I mean, ilang araw na yung lumipas eh, tapos biglang nahalungkat na naman. Siya ata talaga yung tipong hinde papalagpasin yung issue hanggang hinde klaro sa kanya. And isa pa yung kay Peter, hinde ko na nga siya nababanggit eh, bakit naisip niya pa yung taong yun? Napatingin ako sa kanya, Hinde ko alam. Ayoko na lang muna siyang isipin. Masaya ako ngayon, yun ang mahalaga. Sabagay~ bakit ka naman masaya? Nag-iintay siya ng kakaibang sagot ko. See, siya talaga yung tipong hinde palalagpasin bawat sagot mo. Pero hinde ko naman pupwedeng sabihin na dahil kay Lucas! Basta may nagpapasaya lang sa akin. Ngumiti ako sa kanya pero mukhang hinde siya kuntento sa sinagot ko. Kilala ko ba yung nagpapasaya sayo?! Wag mong sabihing si Daryl yan! Napa ha ako sa sinabi niya, Siya lang kasi yung hinde mo masyadong kinakausap sa grupo nila Greg eh. So siya yung unang pumasok sa isip ko. Wirdo mo talaga. Tapos napailing ako. Wag mong sabihing si Greg!!! Makikipag kumpitensya talaga ako sayo! I dont care if youre older than I am!! Tinulak ako ng mahina ni Jam Natawa ako sa sinabi niya, Hinde siya! Ano ba! Wag ka na kasing manghula. Malalaman mo rin naman yun sa takdang panahon eh. If ever may ipapaalam sa kanya ng takdang panahon.

Kelan ba yang takdang panahon na yan?? Ngumiti lang ako. Alam mo, napansin ko lang ah, napaka introvert mo. I mean, ako pati si Mariel lang yung madalas mong makasama. Well, nakakasama mo yung Soulfool pero hinde mo sila kinakausap dati unless mauna silang magsalita. Tapos pag nasa school naman tayo, wala ka rin masyadong kaibigan. Ewan ko.. Siguro maaga kasi akong nagmature kaya wala ako masyadong pakiaalam sa mga nasapaligid ko. Lagi ko kasing naiisip ung pamilya ko eh, sila muna bago ako. Masaya na ako sa kung anong meron ako. Kaya masaya na ko sa inyo ni Mariel. And Lucas, pero hinde ko pwedeng sabihin yun. So isa rin pala ako sa mga napili? Ngumiti siya na parang na-touch siya sa sinabi ko. Kung magka-age lang tayo, siguro sobrang close tayo ni Mariel.. Hinde pa ba tayo close? Hinde na Miss Yumi tawag mo sakin. Hinde rin Ate Yumi, Tumingin ako sa kanya, kahit nga yung pag tawag mo ng Ate kay Mariel, natigil mo na eh. Diba ibig sabihin nun, close na tayo? Pero sa totoo lang.. recently, nagbago na yung pakikisama mo kela Greg. Parang medyo naging mellow na yung personality mo. Ngumti siya sa akin. Maagang dinismiss yung class namin ni Jam kasi pinag quiz lang kami nung prof. namin. Mabilis kaming natapos kaya ang dami naming oras para makapag kwentuhan. Napansin ko naman na tingin ng tingin si Jam sa relo niya, siguro hinihintay niya si Greg. Teka.. kung hinihintay niya si Greg at pupunta siya rito.. ibig sabihin Yumi ko~~ Napaupo ako ng maayos. Narinig ko kasing may tumawag ng pangalan ko sa may likuran ko. Si Bryle na naman yan. Imposibleng si Lucas yan, hinde niya ko tatawagin ng malakas in public. Hinde ako titingin! Anong problema niya.. Nagkatinginan kami ni Jam, ..may nakain kaya

yang kakaiba? Yumi ko~! Medyo malakas na yung boses na tumatawag sa akin. Hinde ko parin siya pinapansin. Ayokong mabigo. Si Lucas ba talaga yan? Napakamot si Jam, Kelan pa kayo naging close? Napalingon ako bigla nung narinig kong Lucas. Ngumiti sa akin si Lucas tapos kumaway. Nung nasa tapat ko na siya, kumaway ulit siya sa akin. Good morning! Sabi niya sa akin ng nakangiti. Gulat parin ako sa inasta niya. Oh, bakit parang nagulat ka ata? Hinde parin nagbabago yung ekspresyon ng mukha ko simula nung nalaman kong si Lucas yung tumatawag sa akin. Bumaligtad na ba yung mundo? May nagawa ba akong mali? Nalason ba siya? Nababaliw na nanaginip lang ba ako? Kinurot ng mahina ni Lucas yung pisngi ko. Ok ka lang ba? tanong niya sa akin Ako pa ngayon yung may diperensya? I-rewind niya kaya yung mga nangyari. Pagmasdan niya ng mabuti kung normal yung kilos niya! Anong nangyari sayo..? Tanong ko sa kanya. Seryoso, kinikilabutan ako sa pag-iba ng kilos niya. Anong mali sa kilos ko? Ganito naman talaga ako ah. Ngumiti siya tapos umupo sa tabi ko. Kaninang umaga pa yan ganyan. Hinde ko nga alam kung bakit eh. Naging.. hyper siya bigla. Sabi ni Paul sa amin. Dahil good mood ako ngayon, papalagpasin ko yang sinabi mo. Sabi naman ni Lucas kay Paul. Bigla siyang humawak sa tiyan niya, Nagugutom

ako. Kanina pa sumasakit yung tiyan ko sa gutom.. Nagpanggap akong kunwaring walang naririnig. Pero hinila ako ni Lucas papunta ng cafeteria. Bumitaw na lang siya nung napansin niyang madaming tumitingin sa amin. Akala ko ba gusto mong itago yung closeness natin sa mga tao? Bakit bigla kang naging ganyan? Nag shrug lang siya, Hinde ko rin alam eh. Bigla na lang akong kumikilos ng hinde nag-iisip.. May nangyari ba? Tumingin lang siya sa akin tapos umiling. Ok.. Imposibleng walang nangyari sa kanya. Hinde siya kikilos ng ganun kung walang nangyari. Alam ko, kasi simula nung pinili ni Peter si Mia, naging weird din yung mga kilos ko. Mga bagay na hinde ko aakalaing magagawa ko, nagawa ko. Nung nakabili na si Lucas ng pagkain niya ay bumalik na kami kung nasaan yung mga kaibigan namin. Habang naglalakad kaming dalawa ay kinakain niya yung binili niyang burger. Sila ba? I didnt knooow! I dont think sooo! Kelan lang I saw him with another girl. So I dont think na sila. Napatingin ako sa may kaliwa ko. Nakita ko yung dalawang babaeng naguusap. Kami ba yung pinag uusapan nila? Bakit ganun sila magsalita? Pinapahaba nila yung last word. Biglang nag ngumiti yung isang babae, If ever sila nga ni Lucas, edi lahat na ng babae ditto sa campus pwedeng maging girlfriend niya! The face, my Good! Tapos nagtawanan silang dalawa.

Napatingin ako kay Lucas, wala siyang reaction. Hinde niya siguro narinig yung mga pinagsasabi nung dalawang babae. Masyado siyang busy sa burger niya. Hinampas ko siya sa braso niya dahil sa inis ko dun sa dalawang babae. Napalakas ata kasi bigla siyang napatingin sa akin. Anong ginawa ko sayo!? Sabi niya habang may laman yung bibig niya. Malas ka kasi eh! Sabi ko sa kanya sabay lakad ng mabilis. Alam kong wala siyang ginawa, pero siya kasi may kasalanan kung bakit nakarinig ako ng mga dapat hinde ko naririnig! Ang labo! Pero naiinis parin ako!! Ano?! Kung ako yung girlfriend ni Lucas, edi lahat ng babae sa school pwede na nyang maging girlfriend?! THE FACE?! Ganun ba kapangit mukha ko!? Kung talagang panget ako, bakit laging nakadikit sakin mga kapatid ko!? Malamang.. kapatid eh. Pero mahilig sa magaganda yun eh! Dapat tinataboy nila ako kung hinde ako maganda!!! Tiningnan ko si Lucas sa may likuran ko. Ano bang ginawa ko? Tanong niya sa akin habang hawak-hawak niya yung burger ng dalawang kamay. Bakit ka ba kasi pinanganak na gwapo eh.. Sabi ko ng mahina at naglakad namuli pabalik kela Jam. Narinig ko yung pagtawag niya sa akin pero hinde ko parin siya pinapansin. Hinde ko naman kasalanan kung sumuko siya sa isang EXOTIC eh! Hinde ba sila marunong tumingin sa kalooban ng isang tao?! Ayaw ba nila sa mabait at matalino?? Teka.. bakit ba ko umaamin na exotic ako!!

Umupo kaagad ako sa tabi ni Paul pagkadating na pagkadating ko. Bakit bigla kang naging bad mood? Tanong sakin ni Paul. May ginawa ba sa iyo si Ian? [again, Ah Yan yung pag pronounce.] Asan na si Ian? Napatingin ako kay Greg, pero mas nag focus ako sa kamay niya sa balikat ni Jam. Ewan ko. Baka may nakasalubong na babae tapos nakipag landian. Sagot ko habang nakatingin parin sa may kamay niya. Kayo na ba? Biglang nagkatinginan yung dalawa tapos tinanggal ni Greg yung kamay niya sa may balikat ni Jam. Pinalitan bigla ni Jam yung topic. Bumalik na ba sa normal si Lucas? Kasi kanina, parang napaka close niya sayo eh. Anong close?! Sinong close?! Naalala ko bigla yung pagmumukha nung dalawang babae nung bigla silang tumawa. Kung close kaming dalawa, edi close na ako sa buong tao! Tumalikod ako sa kanila tapos nagbuklat ng libro at nagbasa. Nakarinig na lang ako ng bulungan habang nag babasa ako. Nice one guys. Rinig na rinig ko pinaguusapan niyo. Alam niyo nagdududa na ko sa kanilang dalawa. Kelan lang hinde sila magkagusto, tapos ngayon parang sobrang close nila. Narinig kong sabi ni Paul Hinde nga kami close. Sabi ko naman habang nakatingin parin sa libro. Hinde nila ako pinansin kaya patuloy parin sila sa pagbubulungan, kuno. Oo nga eh. Wala naman sinasabi sakin si Ian. Sabi naman ni Greg. Naririnig ko kayo Sabi ko ulit sa kanila. Tumahimik sila saglit pero

biglang nag salita si Jam. Wag niyo akong tingnan! Lalong walang sinasabi sakin si Yumi! Sabi naman ni Jam. Pati napansin niyo, parang bumabait si Yumi samin? Si Bryle tuwang tuwa nga kasi maalaga na si Yumi sa kanya eh. Diba Greg? Oo. Dati nga, hinde yan ngumingiti eh. Pati nakakatakot kausapin. Pero last Friday, ibang iba siya. Nakangiti siya bawat tingin ko sa kanya tapos medyo madaldal. Huminto saglit si Greg sa pagsasalita. Dahil kaya dun sa boyfriend niya? Sino Yun? Si Mark? Hinde niya boyfriend yun! Co-teacher niya yun dun sa academy! Sabi ni Jam kay Greg. Sinara ko yung librong binabasa ko tapos tumayo. Tama na. Ayoko na makarinig pa ng bulungan! Ako na naman ang nasa hot seat ngayon. Hinde ako nagbago! Hinde kami close ni Lucas! Lalong lalo nang hinde ko boyfriend si Mark!! Sabi ko sa kanila. Nakatingin lang sila sa akin, siguro nagulat sila sa biglaang pag react ko. Naririnig niya pala.. Sabay nilang tatlo sinabi. Ang lakas kaya ng mga boses niyo! kinuha ko na yung bag ko pati yung mga libro ko. Uuwi na ko. 5 na kasi yung trabaho ko sa academy. Bye! Nagmadali akong maglakad para hinde ko na maabutan si Lucas. Yung bwiset na yun! Hinde man lang ako sinundan pabalik!! Kung nasan man siya, wala na akong pakialam! Bahala siya! Nakarating ako ng bahay ng safe, sa lamat sa Sarao motors. Bago ako umakyat sa bahay ay bumili na muna ako ng makakain. Ilang oras ko ring aaliwin yung sarili ko sa bahay bago ako pumasok. Dvd? Internet? Libro?

Sana nasa bahay na lang si Mariel para naman may kasama ako. Pagpasok ko sa building, hinde ako makapaniwala kung sino yung nakikita kong lalaking naka tayo sa may tabi ng elevator. Nakayuko siya at tingin ng tingin sa cellphone niya. Nung lumapit na ako sa may elevator pinindot ko na lang yung button ng hinde siya pinapansin. Nung nakita na niya ako, napansin kong ngumiti siya. Alam ko kasi tinitingnan ko siya sa may gilid ng mata ko. Nung bumukas yung elevator, pumasok ako, sumunod naman siya. Pinindot ko yung fifth floor na button. Bakit ka umalis ng hinde ako hinihintay? Tanong niya sa akin habang kinukuha yung bitbit kong plastic bag. Inagaw ko yung plastic bag sa kamay niya at sakto bumukas yung pinto. Kasalanan ko ba kung matagal ka? Nagmadali akong lumabas ng elevator at papunta sa unit, sumunod naman siya. Binuksan ko yung pintuan tapos iniwan kong bukas yung pinto para hayaan na siya yung magsara. Masyado akong nagiging mabait sa kanya. Dapat sa mga oras na to nagpapakipot ako sa kanya eh. Isasarado ko yung pintuan at hinde siya papapasukin. Usually ganun yung mga napapanood kong palabas eh. Bakit ba hinde ko sinunod yun? Loser ba talaga ako kasi wala akong kasama sa bahay at ayaw kong mag-isa? May humarang kasi sakin eh. Nakakahiya naman kung bigla kong talikuran diba? Umupo siya sa may sofa tapos tumingin sa akin. Babae na naman? Ngumiti kaagad siya sa tanong ko. Weeeell~~ hinde ko na kasalanan yun. Kusa silang lumapalit sa akin. Nakahawak na siya sa may baba niya habang nakangiti sa akin. Malaking isda nabingwit mo eh.

Tumango na lang ako pero makikita sa mukha ko na baliwala lang yung sagot ko. Nilabas ko sa plastic bag yung binili kong pagkain. Naglabas rin ako ng kaldero para maluto ko na yung noodles na binili ko. Yun lang yung reaksyon mo?! Tumingin ako sa kanya. Naka patong yung mukha niya sa may tuktok ng sandalan ng sofa. Tapos naka simangot siya. Kung si Tin siguro yung nakakita nun malamang nag selos na yun. Tin? Tama ba yung narinig ko? Pangalan ng babae? Nakarinig ba talaga ako ng pangalan ng babae? Edi dun ka sa Tin magpakita ng kalandian mo! Hinde na ko nagdalawang isip na sabihin sa kanya yun. Nag se bago niya pa ituloy yung sasabihin niya ay pinangunahan ko na siya. Hinde. Ako. Nag. Seselos. Pumunta ako sa may ref para kumuha ng itlog. Nung kumukulo na yung tubig ay nilagay ko na yung noodles at yung powder. Hinde ako makapaniwala na nakarinig ako ng pangalan ng babae galing sa bibig niya. Pagkatapos nung mga nangyari nung Sabado sa bahay namin, bigla na lang siya babanggit ng pangalan ng ibang babae?! Kung alam ko lang edi sana hinde ko na lang sinabi yung lintek na Im yours na yan!! Masyado akong natatangay ng hangin ni Lucas. Hinde ko na kinakaya! Penge ako. Nagugutom rin ako eh. Sabi ni Lucas sa may likuran ko. Wala ka bang klase ngayon? 5 pa next class ko. Yung 3 to 4:30 prof ko may meeting na aattendan kaya wala kaming class. Tumango na lang ako.

Kumain kami pareho ng noodles na niluto ko, well, instant noodles. Tao rin pala talaga siya, kumakain rin ng instant noodles. Akala ko kasi prinsipe siya masyado kaya dapat literal pinag hihirapan yung mga kakainin niya. Biglang nagvibrate yung cellphone ko ng matagal. Sabay naming tiningnan ni Lucas kung sino yung tumatawag. Kinuha ko kaagad yung cellphone at sinagot yung tawag. Kuya Jin. Sabi ko ng medyo malakas. Nung narinig ni Lucas na si Kuya Jin yung nasa kabilang linya ay tinuloy na niya yung pagkain niya. Yumi~~ malambing niyang sinabi yung pangalan ko, medyo malakas rin kaya napatingin si Lucas sakin nung narinig niya to. Bukas natin cecelebrate birthday ni Papa kaya umuwi ka ng maaga ok? Bukas? Eh diba sa Monday pa birthday ni Papa? 8 pa tapos ng work ko.. Explain ko kay Kuya. Basta pumunta ka ok? Sabay na kayo ni Mariel. Kasama mo ba si Lucas? Nung umoo ako ang tagal niya bago sumagot ulit. Kaya nagulat ako nung biglasiyang nagsalita. Isama mo rin si bayaw! Bayaw? Sinong bayaw? SI LUCAS SI BAYAW~~ Malakas niyang sinabi. Bago pa ko makapagsalita ay binaba na niya yung phone. Nung napatingin ako kay Lucas ay nakangiti na siya habang kumakain. Narinig niya. Sigurado akong narinig niya. Birthday ni Papa? Ano kayang ibibigay ko sa kanya~~? Papa? Kelan niya pa naging tatay ang tatay ko? Si Kuya Jin talaga oh~ bayaw na kagad tawag sakin~ Halatang nag eenjoy siya sa mga nangyari dahil ibang klase yung ngiti niya!

Bumubungisngis pa siya. A weird family and a weird bofriend. Masaya ka na niyan? Tumango siya, Out of all the girls I've known, I picked the right one this time. Hinde ko naintindihan yung sinabi niya, at yung ibig niyang sabihin kaya nag panggap na lang akong naiintindihan ko at umiling. Nung natapos na kaming kumain ay sa may living room kami tumambay at nanood ng TV. Palipat lipat siya ng channel, gusto ko na sana siyang sigawan pero bigla siyang tumigil sa isang palabas na may lumalabas na babae sa TV. Gusto ko yang palabas na yan! The Ring. Nung pagkasabi ko ng The Ring ay bigla niyang nahulog yung remote at umurong sa tabi ko habang yakap yung unan. Takot ka ba? Hinde ah. Bakit ako matatakot? Sabi niya habang nakayakap parin ng mahigpit sa unan. Inaantok lang ako. Hinde daw siya takot pero tuwing lumalabas yung babae palagi siyang nakatingin sa akin. Akala ko nung una, wala lang gusto niya lang akong tingnan. Pero napansin ko na sa tuwing lumalabas si Sadako nakatingin siya sa akin. Naka hinga siguro siya ng malalim nung natapos na yung palabas. 4:30 na kami umalis ng bahay. Hinatid niya ako sa academy, syempre bago niya ako papasukin ay pinaalala niya muna sakin na sa condo niya ako uuwi. Kinuha niya pa yung mga gamit ko para lang makasigurado na sa kanya ang uwi ko. Mabilis naman yung naging takbo ng oras ko sa academy. Syempre yung mga bata nanibago rin sa akin pero naging ok naman yung klase. Nagmadali akong lumabas ng academy dahil baka hinihintay ako ni Lucas at hinde pa siya nakakapag dinner. Pwedeng mangarap, diba?

Yumi! Napalingon ako sa may gilid ko at nakita si Mark. Pauwi ka na ba? Hatid na kita. Hinde na ako nagdalawang isip pa at sumakay kaagad sa kotse niya. Bawas gastos rin to. Mapapataxi na naman kasi ako ng hinde oras. Hinde naman syempre pwedeng maiwasan ang chikahan. PEro isang tanong isang sagot lang kami. Syempre, nagulat siya nung nalaman niyang sa Zerendra ako papunta. Hinde ko naman pwedeng sabihin na kay Lucas yun, lagot na noh. Labag sa kontrata yung ginagawa ko. Nung nakarating na kami sa tapat ay nagmadali na akong bumaba ng sasakyan. May manners pa naman ako, kaya hinde ko nakalimutang mag pasalamat. Yun nga lang, may gusto pa ata siyang sabihin pero sabi ko nagmamadali ako kaya hinde na niya nasabi. Bakit kasama mo siya?! Napatingin ako sa may likuran ko. Parang ang saya mo pa nung bumaba ka sa kotse niya eh. Ngumiti ako nung nakita ko si Lucas. Kumain ka na ba? Sorry. Tara na magluluto na ko. Ano bang gusto mong kainin? Bakit mo iniiwasan yung tanong!! Medyo malakas niyang sinabi. Akala ko ba wala lang yung lalaking yun?! Akala ko ba kakakilala mo lang sa kanya?! Eh bakit nakita kitang bumaba sa sasakyan ng ungas na yun!? Hinde ako makapag salita dahil sa sunod-sunod na mga sinabi niya. Ayokong mag assume pero walang masama kung mag tatanong ako diba? Nag Nagaalinlangan paring magtanong, pero gusto ko lang malaman yung sagot. ..seselos ka ba? Eh ano naman ngayon!? Masama ba?! Hinde ako makapagsalita sa sinabi niya. Gumagawa kaming dalawa ng eksena pero parang wala lang pareho samin. Oo na nagseselos na ko! Im fcuking jealous! So what!? Im so sorry, I cant help being jealous!

Pagtapos niyang sabihin yun ay naglakad siya papasok sa loob ng building. Naiwan akong nakatanga sa may labas. Hinde parin makapaniwala sa mga narinig ko. Hinde naman ako nananaginip diba? I mean, gising ako! Alive na alive. Hinde rin ako nabingi..

Nagseselos siya.

Chapter 19: Revelations v2

Magdadalawang oras na niya akong hinde pinapansin. Seryoso, nakakainis na. Wala namang masama kung sumabay ako kay Mark diba? Wala namang meaning yung pagsabay ko. Nag-offer lang siya ng ride, tinanggap ko. Anong masama dun?! Kasalanan ko ba kung gusto ayaw kong mag-intay ng matagal ng taxi at gusto kong makauwi kaagad kasi nag-aalala ako sa kanya? Sana sinabi niya na lang na take your time para hinde na lang ako nagmadali. Pero ganun parin yun eh, sasabay parin ako kay Mark. Menos gastos yun. Ang nakakainis pa, habang kumakain kami, ang tahimik! Alam kong dapat hinde kayo mag-usap tuwing kumakain pero awkward kaya yung katahimikan. Sinubukan ko na ngang mag-open ng conversation aba, parang bumulong lang ako ng pagkalakas-lakas sa hangin! Pagkatapos naming kumain, hinde niya rin ako tinulungan maghugas ng mga pinagkainan namin! Ano ako dito, katulong!? Unang-una sa lahat, nilabag ko na yung kontrata ng academy! Tagustagusan na yung kasalanan ko sa kanila, tapos ganito pa nangyayari! Katulong na nga ako tapos hinde pa ko pinapansin! Lumabas ako ng kwarto para kausapin ulit siya. Hawak niya yung gitara niya at tumutugtog habang naghuhum. Umupo ako sa tabi niya at pinakinggan lang siyang tumugtog. Ngayon ko lang kasi siyang narinig tumugtog ng malapitan. Kanta ka. Sabi ko sa kanya, pero walang imik. Anong kanta yan? Well, alam ko naman na Screaming Infidelities yung tinutugtog niya, gusto ko lang siyang magsalita. Kasi paghinde pa siya magsasalita, pipitik na ko! Dito niya ko papatulugin tapos hinde naman niya ko kakausapin edi baliwala lang rin yung stay ko! Tsss.

As expected. Hinde nga siya nagsalita. Hinde mo talaga ako kakausapin? Edi di wag! Bahala ka! Dedma parin siya. Tumayo ako at nagpunta sa kwartong tutulugan ko. Binuksan yung pintuan nung kwarto at biglang nagring yung cellphone ko, Wrong timing naman talaga nito tumawag oh. Nagkatinginan kami ni Lucas. Tumalikod ako para sagutin yung tawag. Bakit? sinarado ko yung pintuan ng kwarto. May nangyari na naman ba? Sinagot mo rin yung tawag ko.. Parang gumaan yung pakiramdam niya nung sinagot ko yung tawag niya. Hinde ka na tumatawag sa akin.. hinde ka na rin nagtetext.. Hinde ko na nga alam ang gagawin ko eh. Biglang bumigat yung puso ko. Bakit ngayon siya umeeffort kung kelan ok na ko.. kung kelan masaya na ko sa buhay ko? Nung panahon na gustunggusto ko siyang makita, bigla na lang niya akong tinalikuran. Tapos ngayon, papahirapan niya ulit ako? Masisise mo ba ako? Hinde siya sumagot. Hinde ko nga alam kung bakit magkausap pa tayo ngayon eh. Yumi ginagawa ko naman ang lahat eh. Nagkataon lang talaga Biglang may bumukas na pintuan. Peter? Boses ng babae. Malamang si Mia yun. Sinong kausap mo? Ha? Ah Iniwasan niya yung tanong ni Mia. Nakakahiya ba talagang ipaalam sa kanya na kausap mo ko? Ano mo ba ako, ha? Well, girlfriend pa rin niya naman ako, I think. No formal breakup yet so may karapatan pa rin akong sabihing girlfriend niya ako.

Hinde! Teka la Ang tagal ko ng nag-intay. Tama na. Binabaan ko na siya. Gusto ko talaga siyang intayin. Gusto kong maniwala sa kanya.. pero hinde ko na kaya. Willing ako, pero may humihila sakin. Pati, kahit na sabihin nating kami parin, hinde na ko masaya. Tumunog ulit yung cellphone ko, pero this time, message lang. From: Peter Lo Anong tama na? Tatawag ulit ako. Sagutin mo. Wala pang isang isang minuto ay biglang nagring yung phone ko. Si Peter na. Sinagot ko yung tawag niya pero hinde na ako nagsalita. Sorry. Sinabi ko na kay Mia na kausap ko yung girlfriend ko.. na kausap kita. Hinde parin ako nagsalita. Alam kong masama parin yung loob mo dahil sa nangyari dati.. Im sorry. sabihin mo lang yung gusto mo.. Sabihin mo lang yung gusto mong gawin ko. Pramis gagawin ko talaga. Ayoko na kasing umasa eh. Huminga ako ng malalim, Hinde na natin to maaayos. Hinde na tayo makakabalik pa sa dati. Ipapamukat ipapamukha ko sayo yung ginawa mo sakin. Alam ko.. kaya nga ginagawa ko na ang lahat para makalimutan mo na yung nangyari. Kinakausap ko na yung boss ko. Hinde ko na rin kaya pang malayo pa sayo. Yumi.. Sumakit bigla yung dibdib ko. Hinde ako magpapadala. Kahit gaano kasakit, kelangan kong gawin. Huminga ako ng malalim at nilakasan yung loob ko, Ayoko na Peter. Itigil na natin to.. Pinipigilan ko yung sarili ko sa sakit na

nararamdaman ko. Ayoko ng dagdagan pa ng masamang ala-ala yung pinagsamahan natin. Pwede pa naman tayong maging mag..kaibigan. Kaibigan? Kailangan kita.. Hinde lang bilang kaibigan.. Paano na ko pag wala ka? Huminga siya ng malalim, Ayusin natin to, please, Yumi. Wag mo akong iwanan.. kailangan talaga kita.. Nung mga oras na kailangan kita, asan ka? Nasa tabi ka niya. Bakit? Kasi kailangan ka rin niya, diba? Hinde siya nagsalita, kaya pinagpatuloy ko parin ang panunumbat ko. Peter, hinde ako ako yung nang-iwan. Umpisa pa lang, iniwan mo na ko. Simula nung nagpunta ka dyan, naiwan mo na ako. Nung pinili mo si Mia, para akong isang tuta na inabanduna ng nanay niya. Pero hinde kita pwedeng sisihin dahil pumayag ako. Kaya wala na lang akong sinabi. Sorry.. sorry talaga.. alam ko talagang hinde to sapat para mapatawad mo ko.. Gagawin ko talaga lahat.. wag mo lang akong iwanan. Nagmamakaawa niyang sinabi sa akin. Alam mo kung tayo talaga, tayo. Kahit gano pa katagal tayong hinde magkita, kung para sa isat isa talaga tayo, magkikitat magkikita tayo. Sa ngayon, wag na nating pilitin.. kasi wala na talaga eh. Wala na ba talaga akong pwedeng magawa para magbago yung isip mo..? Ganun ba talaga kitang nasasaktan..? Hinde ako sumagot. Pahina na ng pahina yung boses niya. Sa susunod na magkikita tayo.. sa pagbalik ko.. if ever.. if ever wala ka pa ring boyfriend.. pwede ba ulit.. pwede ko ba ulit patunayan yung sarili ko sayo? Hinde ko naman sinasara yung puso ko sayo eh Narinig ko yung paghinga niya. Yumiko.. I love you. Gusto ko lang malaman mo, na mahal na mahal parin kita..

Thank you.. Pagtapos ay in-end ko na na yung tawag. Humiga ako ng kama at tinitigan yung cellphone ko. Tapos na talaga kami. Sabi ko habang nakatingin parin sa cellphone ko. Para akong natanggalan ng tinik sa puso nung natapos yung pag-uusap namin. Hinde ko masasabing masaya ako dahil wala na yung tinik, pero bakit ganun? Pero parang may sablay. Parang naguiguilty ako.. at hinde ko alam kung bakit. Hinde na ako pwedeng umatras sa naging desisyon ko, hinde kami pwedeng maging ganito habang buhay. Kung kami, kami. Sa ngayon, hinde pwedeng dalawa kami yung iniisip niya. Nangyari na to sa akin dati, mas masakit pa nga yung nangyari sakin noon kumpara ngayon eh. Pero at least, natapos ito ng maaga. Lumabas na rin ako matapos ang ilang minutong pagkulong sa loob ng kwarto. Pumunta ako sa may kusina para uminom ng tubig. Sinilip ko kung nakaupo pa rin sa may sala si Lucas, pero wala na siya. Ineexpect ko bang iintayin niya yung pag labas ko? Hinde nga ako kinausap ng tao tapos aasa pa kong hihintayin niya ko! Malamang nasa kwarto na yun at natutulog! Dinalako yung baso ng tubig sa may sala at nanood ng TV. Lingon ako ng lingon sa may pintuan ng kwarto ni Lucas. Bakit ko ba siya hinihintay!? Ayaw nga kausapin nung tao eh! Kelangan ko bang ulit-ulitin yun sa sarili ko!? Isa pa tong lalaking to eh. Una, ang bait-bait tapos maya-maya magtatransform na siya! Hinde ko nga alam kung anong dapat niyang ikaselos eh! Akala mo teenager para ipairal yung pagkaseloso eh!!! Anong feeling niya, 18 years old siya?! Kung ganun siya ka-bata, tanggap ko pa!

pero bente na siya! BENTE! At kung 18 man siya, jusko, good bye! Pinatay ko na yung TV dahil sa hinde rin ako makafocus sa panonood. Pabukas na sana ako ng pintuan ng kwarto ko ng biglang bumukas yung pintuan ng kwarto ni Lucas. Nagkatinginan lang kaming dalawa. Hinde na ako umasa pang kakausapin niya ako ngayong gabi. Papasok na sana ako ng kwarto ng bigla niyang hinawakan yung kaliwang kamay ko. Mag-usap tayo. Sabi niya sa akin. Hinila niya ako sa may sala at naupo kaming dalawa. Binuksan niya yung TV, at ang tagal bago niyang magsalita. Ano bang gagamitin namin sa paguusap? Pakiramdaman na lang ba kami? Wala akong ganung kapangyarihan. Nakalimutan niya na bang siya na mismo ang nagsabi sa akin na insensitive ako? Kaya hinde ko mararamdaman yung gusto niyang iparamdam. May sasabihin ka ba talaga o gusto mo lang magpasamang manood ng TV? Tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa akin ng seryoso, Nag-over react ako kanina. Dapat hinde kita dinedma. Sorry. May beer ka sa ref diba? Tumango siya, Inom tayo? Tumayo ako at hinde inintay yung sagot niya. Kumuha ako ng dalawang beer sa ref at binuksan ito. Kumuha rin ako ng baso at yelo, hinde kasi ako umiinom sa bottle unless wala na akong pakialam kung nasa bote siya o wala. Sino yung tumawag sayo? Tanong niya sa akin, Mukhang importante eh.

Medyo.. Hehe. Sagot ko naman. Sino nga? Tanong niya muli. Si Peter. Sabi ko bago ako uminom. Nangangamusta lang. Tumango lang siya at uminom ng beer. Nangamusta lang siya? Bakit ang tagal mong nasa loob ng kwarto? Ayokong ikwento sa kanya yung nangyari sa amin ni Peter. Mas ok siguro kung sa akin na lang muna yun. Tsaka ko na lang sasabihin sa kanila, pag maayos na ang lahat. Pag handa na ako, maybe? Wala lang. Nagkwento lang tungkol sa bagay-bagay. Nakatingin lang siya sa akin na parang hinde naniniwala sa sinabi ko. Oras na siguro para ibahin yung topic. Ikaw, anong trip mo at hinde mo ko pinapansin kanina? Umiwas siya ng tingin at uminom ng beer. Sabi ko naman sayo na nagoverreact lang ako. Tumango ako at uminom. Eh sabi mo.. Napainom ulit siya ng beer, natetense siguro sa itatanong ko. ..nagseselos ka? Nasamid siya bigla at tinakpan yung bibig niya. Nakatingin lang siya sa akin na para bang may nasabi akong mali. BAKIT AKO MAGSESELOS?! Malakas niyang sinabi. Sa tingin mo may gusto sayo yung Mark na yun?! Ok ka lang? Wala naman akong sinabi ah!! Sabay kaming uminom ng beer. ANYWAY!!

Ano na naman? Tanong niya sa akin. Tumayo siya at kumuha ulit ng dalawang bote ng beer. Napabilis yung pag-inom namin dahil lang sa limang minutong usapan. Ano, tinutubig na namin yung beer ngayon? Aba, alcoholic? Naglalasingan ba kaming dalawa? Napahaba yung usapan namin at hinde na namalayan yung oras. Ang daming nakwento sa akin ni Lucas. Tungkol sa pagkabata niya hanggang sa naging high school siya. Eto yung first time na nag-open up sa akin si Lucas. Usually puro walang kwenta pinag-uusapan namin, pero ngayon ang dami niyang nakwento. Lucas Adrian A. Elizalde, sa America siya ipinanganak, so dual citizenship siya. Daddy niya businessman, mom niya naman politician. Only child lang siya, so obviously, mas pinili niyang sunduin ang yapak ng dad niya. Halos lahat daw ng gusto niya binibigay sa kanya ng parents niya, kaya daw halos lahat din daw ng gusto ng parents niya, sinusunod niya. Close siya sa kanila niya, kaya lang daw simula nung mga 3rd year high school siya, naging busy sila pareho. Kaya ayun, naisipan niyang magsolo ng college dahil ayaw daw niya sa malaking bahay na halos walang tao. Mas gugustuhin niya raw yung ganito. Nakuha niya raw yung itsura niya sa dad niya, tapos yung pagiging musically inclined niya daw sa mom niya. Wala naman siyang sinabi kung saan niya nakuha yung ugali niya. So hinde ko alam kung yung mom o dad niya yung may lahing bi-polar. Nagbukas ulit ako ng bote ng beer at binigyan siya. Ang daldal mo ngayon ah, sabi ko sa kanya. Nakakapanibago. Ano kaya kung.. Nakatingin lang ako sa kanya, hinihintay yung sunod niyang sasabihin. Wag tayong pumasok bukas?

Ok ka lang? Hinde pwede. Kahit na gustuhin kong wag pumasok, hinde pupwede. Hinde ko kayang maafford na makamiss ng isang araw! Samahan mo lang ako buong araw bukas. Kailangan ko lang talaga ng makakasama.. Seryoso niyang sinabi sa akin. Alam mo namang ikaw lang ang pwede kong gawing pampalipas oras eh. Inumin mo yan! ONE SHOT! sabi ko sa kanya habang tinutulak yung bote ng beer sa kanya. Pag-ininom mo yang, pag-iisipan ko yung request mo. Nakatingin lang siya sa beer at mukhang nagdadalawang isip kung gagawin niya yung kondisyon ko. Pagininom ko to, hinde tayo papasok bukas. Hinawakan niya yung bote ng beer at dahan dahang inangat sa may bibig niya. Iinumin ko na ok? Tumango ako. Sinimulan na niyang inumin yung beer hanggang sa maubos yung laman ng bote. Ibinaba niya yung bote sa may lamesa tapos ngumiti sa akin. Sige, pag-iisipan ko kung sasamahan kita bukas. Sabi ko sa kanya bago ako uminom ng beer. Wala pang limang minuto ay biglang nakatulog si Lucas sa lamesa. Ilang beses ko na siyang ginigising pero hinde parin siya gumagalawa. Maya maya ay may biglang may nagdoorbell at tumunog yung cellphone ni Lucas. Si Daryl tumatawag. Hinde ko sinasadyang pindutin yung answer button. HOY ALAM KONG GISING KA!! BUKSAN MO YUNG PINTUAN!!! Sigaw ni Daryl sa kabilang linya. Ibababa ko na to kaya buksan mo na yung

pintuan! Binabaan niya ako. Hinde man lang niya ako hinayaang magsalita. Wala naman sigurong masama kung malaman niyang andito ako diba? Pwede ko namang sabihin na nag-aaral lang kaming dalawa at hinde namalayang ganito na pala ka-late. At sino namang maniniwala sa kalokohang yun!? Nag-aaral ng one ng madaling araw?! T@nga lang maniniwala dun! Hinde naman siguro t@nga yung tao diba?! Shyet. Bahala na lang. Binuksan ko yung pintuan. Nagulat si Daryl nung nakita niyang ako yung nagbukas ng pinto. Sino ba namang hinde magugulat? Halos isuka namin ni Lucas ang isat isa tapos biglang andito ako sa condo niya ng ganitong oras! Si Lucas? Tanong niya sa akin. Binuksan ko pa ng konti yung pintuan para makapasok siya. Nasa may dining room. Sagot ko sa kanya. Sinarado ko yung pintuan at sumunod sa kanya. Kitang-kita sa reaksyon niyang gulat siya sa konditsyon ni Lucas. Ngayon lang ba niya nakitang tulog si Lucas? Ininom niya to lahat?! Tanong niya habang hawak hawak yung bote ng beer sa may kamay ni Lucas. Hinde.. apat na bote lang nainom niya. Kinuha ko na yung mga bote at itinabi sa may countertop. Pagkatapos niyang inumin yung pang-apat na bote bigla na lang siyang nakatulog eh. Hanggang tatlong bote lang ang kayang inumin ni Ian. Tinulungan niya akong ligpitin yung mga kalat naming sa lamesa. Pagnaka-apat na siya, nagiging ganyan siya o kaya nagiging wild. Pero madalas tulog siya.

Dapat at least itong mga simpleng bagay alam mo. Kung ganito kayo ni Lucas. Nabigla ako sa sinabi ni Daryl. Hinde ko alam kung may alam siya tungkol sa amin o yung pag-inom naming yung tinutukoy niya. Pakiramdam ko tuloy sinesermonan niya ako dahil sa kapabayaan ko. Para akong natanga ng isang minuto sa sinabi niya. Dapat nga siguro inalam ko muna yung alcohol tolerance niya bago ako nag-alok ng nag-alok. Pina one shot ko pa naman din siya! Wala naman kasi siya masyadong sinasabi sa akin eh. Sagot ko naman sa kanya. Wala rin ako masyadong alam tungkol sa kanya. Kaya nga dapat alamin mo muna yung mga ayaw at gusto niya. Lumapit siya kay Lucas. Nilagay niya yung braso ni Lucas sa may balikat niya at itinayo siya. Buksan mo yung pintuan ng kwarto ni Lucas. Sinunod ko yung sinabi niya. Eto na siguro yung pinaka matagal naming pag-uusap ni Daryl. Hinde kasi kami nag-uusap pag magkakasama kami. Kahit batian, hinde uso saming dalawa. Madami ba akong dapat malaman? Tanong ko sa kanya, na halos parang girlfriend ako ni Lucas na marami pang malaman. Tinulungan ko siyang buhatin si Lucas papunta sa kwarto. Malamang. Sagot niya sa akin. Tama na Yumi. Pagnagsalita ka pa, maghihinala na sayo si Daryl. Wag ka ng magtanong. Sabi ko sa sarili ko. Gaya ng ano? Pero hinde ko mapigilan yung sarili ko. Inihiga namin si Lucas sa kama at lumabas na ng kwarto niya. Pag umiinom siya ng beer, three bottles ang limit niya. Pag sumobra na dun, bagsak na siya. Sa hard, two shots, wala na yan. Umupo kami sa may

dining room. Ngumiti siya Pag may ginawa kang mali sa kanya, hinde ka niyan papansinin. Ahh~ sabi ko habang tumatango. Mahilig yan sa soft drinks. Napatingin siya bigla sa akin at ngumiti. Walang araw na dumaan na hinde siya nag Coke. Hinde makukumpleto yung araw niya pag hinde yan nakainom nun. Ayaw niya sa babae yung palagi niyang nakakasama. Magsasawa kasi agad siya. Gusto niya yung tipong walang pakialamanan. Tumango ulit ako, Gusto niya naman yung laging naka porma pagmagkasama sila. Yung sexy type pero may class. Gusto niya kasi maipagmamalaki niya sa mga tao yung girlfriend niya. Ayaw niya yung kung anu-ano na lang yung sinusuot.

to be continued..

Chapter 20: Slightly smitten

Ano nag-aaway pa ba kayo ni Lucas? Tanong sa akin ni Mariel. Hinde naman kami madalas mag-away eh. Pag tinopak lang siya dun lang kami nagkakagulo. Pero minsan lang yun. Sagot ko naman. Humarap si Mariel sa laptop niya at nagsimulang magtype ng kanyang report. Mabut naman. Tatlong buwan na rin kayo kaya dapat nababawasan na yang mga away away niyo. Hinde kami. Nilinaw ko yung sinabi niya. Pero parang.. parang lang.. gusto ko na ata siya. Biglang nagring yung landline. Agad akong inangat yung phone, Hello? Parang pa ba tawag dyan? Sabi ni Mariel habang nakangiti sa akin. Yumi ko! Paalis na ko dito, susunduin na kita. Sabi ni Lucas sa kabilang linya. Tumawag ka para lang sabihin yun?? Sige. Magreready na ko. Sabi ko sa kanya bago namin ibaba yung phone. Kinalabit ko si Mariel, S.O.S! Anong susuotin ko?! Ok naman yung takbo ng buhay namin ni Lucas. I mean, hinde kami nagaaway, except pagdating sa pananamit ko. Ewan ko ba kung bakit damit yung lagi naming issue! Tuwing lalabas kami, lagi niyang pupunahin yung damit ko. Eh para kanino ba yung mga sinusuot ko? Minsan hinde ko talaga maintindihan kung ako yung insensitive o siya eh. Hay. Simpleng damit lang yung napili niya, yellow babydoll na dress tapos high heels. Mabuti na lang at kakatapos ko lang maligo kung hinde baka maghintay pa siya sa akin ng mga kalahating oras.

Nung dumating na si Lucas ay dumeretso na kami sa bahay nila Paul. Hinde sumama sa amin si Mariel dahil may tatapusin pa raw siyang report. Ayaw niya na raw kasing ipagpamamaya yung mga bagay na pwede naman daw niyang tapusin. Ahem. Ako ata nagturo sa kanya nun. Ang ganda mo ngayon ah. Napatingin ako kay Lucas dahil sa comment niya. Pero hinde naman date ang pupuntahan mo eh. Bakit ganyan suot mo? Tataas talaga BP ko dito sa taong to eh! Hinde ba pupwedeng sabihin niya na lang sakin na maganda ako? Palagi kasing may pero yung comments niya eh! Nakakairita. Hinde ko nga alam kung bakit hanggang ngayon nakakatiis ako sa mga sinasabi niya. Birthday yun ng mom ni Paul. Nakakahiya naman kung naka t-shirt at pantalon lang ako, Ginawa kong excuse ung party para hinde ko na kelangan pang sabihin na gusto kong mag mukhang presentable sa kanya. Eh ano naman masama kung naka shirt ka lang at pantalon? Bakit ka mahihiya? Bakit nakahubad ka ba!? Sarcastic niyang sinabi. Hinde ko talaga maintndihan kung bakit lahat ng suotin ko kinokontra niya. Dapat ba tawagan ko muna siya at itanong kung ano ang dapat kong isuot? Nakasimangot na siya pagdating namin sa bahay ni Paul. Binati muna namin yung mom ni Paul bago namin lapitan sila Jam. Syempre obvious na naman na badtrip siya kasi hinde siya tumabi sa akin. Nung tinanong siya kung sinundo niya raw ba ako ang sinagot niya nagkita lang kami sa kanto. Nakakapikon talaga tong taong to eh. Siguro kung hinde ko lang siya slightly gusto sinuntok ko na to siya! Nung nagkayayaan na silang kumain nagkatabi kami bigla ni Lucas sa may buffet table.

Sakto, nandito mga pinsan ni Paul. Worth it pala yang pag suot mo ng dress. Sabi niya sa akin habang kumukuha siya ng pagkain. So ang translation dun sa sinabi niya, ayan yung mga lalaking pinsan ni Paul, pwede ka ng magpa-cute! Bakit ba yung damit ko lang yung nakikita niya? Si Jam rin naman naka dress eh! Bakit hinde niya inaaway si Jam?! Sa tingin mo, para kanino tong ginagawa ko? Sa tingin mo nagsusuot ako ng ganito para magpaganda sa kanila? Hinde mo ba naisip na baka nagpapaganda ako para sayo?! Baka lang naman eh, diba? Umalis na ko at bumalik sa may table namin. Nauna akong nakabalik sa may table. Ang konti tuloy ng nakuha ko dahil nagmadali akong bumalik. Baka kasi mamaya kung ano pa masabi ko pag hinde niya parin na-gets yung sinabi ko eh. Umupo siya sa may tabi ko tapos tinulak sa may tapat ko yung phone niya na may nakasulat na Sorry mwah. Tumalikod lang ako at hinde ko pinansin yung ginawa niya. Nung nakabalik na sila sa may table tinanong kami kung nag-away na naman ba daw kami. Alam niyo, kayong dalawa, para kayong ewan. Minsan ok, minsan hinde. Magkaibigan ba talaga kayo? Tanong sa amin ni Bryle. Mahinang hinampas ni Bryle si Lucas, Ikaw naman kasi wag mong awayin si Yumi!!! At least ako inaaway lang hinde pinapaiyak! Eh ikaw, Naging seryoso yung mukha ni Lucas. Ilang babae na ba napaiyak mo? Napaisip bigla si Bryle. Below the belt na yung sinabi ni Lucas. Hinde ko sila pinaiyak. Seryoso yung mukha ni Bryle. Kusa silang umiyak! Sinabi ko naman sa kanila na ayoko silang umiyak pero umiyak parin sila! Anong magagawa ko kung yun ung gusto nila, Proud niyang sagot.

Napailing na lang kaming lahat sa sinabi ni Bryle. Isip bata pa nga talaga siya. Kulang pa siya sa karanasan ng buhay, wala pa siya sa peak ng paghihirap at sakit. Nagkwentuhan na kami pagtapos naming kumain. Si Lucas palagi akong kinakalabit sa may kamay, pagtumingin ako sa kanya aasta lang siya na parang walang nangyari, makikipag tawanan kela Paul. Nung hinde ko na pinansin yung huling kalabit niya ay bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Sinubukan kong hilahin yung kanang kamay ko sa paghawak niya pero hinihigpitan niya lang yung pag hawak sakin. Maya maya ay tumunog yung cellphone ko. ung tiningnan ko kung sino yung nagtext, napatingin kaagad ako sa gilid ko. From: G-Boy You look really, really, really dazzling today. Hinde ko pinansin to at patuloy parin yung pagkausap ko kay Jam. Wala pang one minute ay may dumating na naman na message. From: G-Boy I couldnt help but stare! O_O Then another message came in, From: G-Boy I bet Im going to end up thinking about you tonight! Bigla akong napangiti sa sinabi niya. Alam niya talaga weakness ko. Tuwing magtetext kasi siya ng ganyan or sasabihan niya ako ng mga pick-up lines niya, hinde ko mapigilan ang matawa. From: G-Boy

You smiled! That smile was really priceless. Sino ba yang ka-text niyo?! Sabay sabay nilang sinabi. Kanina pa kayong dalawa diyan eh! Hinde ko nga maintindihan kung nakangiti kayo kasi natutuwa kayo o sarcastic yang ngiti niyo, Sabi ni Bryle sa amin ni Lucas. Lahat sila maliban kay Daryl ay tinatanong kami kung sino yung katext namin. Hinde naman namin pwedeng sabihin na kaming dalawa yung magkatext, hinde naman kasi nila alam na may kakaibang klaseng relasyon kami. Nagkatinginan lang kami ni Lucas. Ah. Si Mariel kasi nagtext sakin, may sinabi siyang nakakatawa kaya ganun. Sabi ko habang inalog yung kamay ni Lucas sa ilalim ng table. Pati bakit ko siya i-tetxt kung pwede ko naman siyang kausapin na lang ng personal, Tanong sa kanila ni Lucas. Binibigyan niyo kasi ng malisya bawat galaw namin eh. Binago na nila yung topic pag tapos nun. Umalis kami sa party ng mga 9 pm at dumiretso sa condo ni Lucas. Hinde sumama samin sila Daryl at Paul. Pagdating namin dun ay sinet-up na ni Greg yung dala niyang Magic Sing. Si Mariel naman sumunod dun dahil tapos na niya yung report, i-eedit na lang daw niya bukas. Si Jam at Mariel ang bumili ng mga iinumin samantalang naiwan naman ako sa may kusina para magluto ng mga kakainin. Nasa may veranda naman yung tatlong lalaki para samahan manigarilyo si Bryle. Tatawagin ko dapat si Lucas para magpatulong pero nag-uusap silang tatlo. Gugulatin ko sana sila pero bigla akong nagkainterest sa pinaguusapan nila. Kelan ba siya babalik, Tanong ni Bryle bago siya nagpuff.

Ikinibit ni Lucas yung balikat niya at saka siya sumagot, I have no idea. How long has it been, Tanong ulit ni Bryle. Naka tingin lang sila sa view habang nag-uusap. Which one are we talking about? Im quite not sure, Sagot ni Greg habang nakatingin sa taas. I guess its been a year and a half since that person left, and six months since that thing happened. Ano ba yung pinag-uusapan nila? Tungkol saan, tungkol kanino? Sino ba yung umalis? At ano ba yung that thing na sinasabi ni Greg? Pati.. bakit English sila mag-usap? Ganun ba talaga sila mag-usap pag sila sila lang yung magkakasama? Lumalabas yung tunay nilang kulay eh. Mga rich kid talaga. Lets not talk about that. Sabi ni Bryle. Tumingin siya kay Lucas, since when did you start drinking colas? Nagshrug ng balikat si Lucas, Im just doing Yumi ko a favor. You know that I dont drink colas. Favor? Kelan ba ko humiling ng favor sa kanya para uminom lang ng soft drinks? Pati, hinde umiinom si Lucas ng carbonated soft drinks?! Eh pero all this time, puro Coke yung binibigay ko sa kanya. Kanina lang yun ang ipinainom ko. Hed rather eat bitter gourd than drink cola, knowing he hates both! Nagtawanan silang tatlo sa sinabi ni Greg. Ganun niya ka-ayaw ang soft drinks?! I mean, papiliin ka ba naman sa dalawa, ampalaya o soft drink malamang ang pipiliin ng normal na tao, soft drink. Pero knowing na ayaw niya preho, yung ampalaya ang pipiliin niya kesa sa soft drink? Bakit ba kasi hinde siya nagsasabi sa akin? Kelangan ko pa ba malaman sa iba yung mga ayaw at gusto niya?

Speaking of Yumi, shes been dressing nicely, you know, she looks pretty, nowadays. Pabalik na sana ako sa may kusina pero narinig ko na naman yung pangalan ko kay Bryle. Mabuti na lang talaga at pinatay ko yung stove at kung hinde lagot na. Oh yeah, shes been wearing sexy clothes recently! Did you suggest that? Umiling naman si Lucas sa tanong ni Greg. Oh yeah, you like simple girls. No wonder you keep on arguing with her. Captivated, huh? Simple girls? Eh sabi sakin ni Daryl gusto ni Lucas laging sexy yung damit.. mali ba ko ng pagkarinig? Look, its not that I dont like what shes wearing, Nag pause si Lucas at napailing. I dont know. I just find it annoying. Dont you find her weird? I mean, we met her wearing a freaking jeans and a simple shirt. She watched our gig wearing simple clothes! Her friends even wore nice ones. At school, you can easily notice her because shes very plain looking. Compared to her surroundings, she could be characterized as an exotic one because entering the common world there would mean wearing stylish clothes. And now look what shes wearing! Shes really weird. So ang wirdo pala ako sa kanya? Ano bang kelan kong gawin para makahakbang ako sa mga tinuturin niyang common?! Ginagawa ko na nga halos lahat para lang masabi niya na posible niya akong magustuhan eh! Siya na nga ang nagsabing mas gugustuhin niya pang pumatol sa common kesa sa isang exotic na katulad ko! Ano bang ipinapalabas niya? Na hinde niya ako magugustuhan kahit anong gawin ko? Ang exotic ay exotic!? I dont think shes weird at all. Maybe shes doing it for someone? Sabi ni Greg. I dont know, maybe shes doing it for Mark, the guy from before. Remember him, Ian? Dont ever mention his name. I hate his guts. Sabi naman ni Lucas kay Greg.

Why? Did he do something to you? Umiling lang si Lucas sa tanong ni Bryle. Bumalik na ako sa kitchen at inayos yung mga pagkain. Sumunod ako kela Mariel sa may convenient store sa may baba ng building. Naabutan ko silang kumakain ng ice cream sa tapat ng store. Kaya pala napakatagal nilang bumalik kasi kumakain silang dalawa. Tumambay ako kasama nila saglit bago kami bumalik sa unit ni Lucas. Pagbalik naming ay tinanong nila ako kung bakit hinde ako nagsabi sa kanila na lalabas ako pero ngumiti lang ako. Nung nagsimula na ulit silang uminom, sinet naman ni Jam yung playlist ng iPod niya sa pang party na tugtog. Nagkakahiyaan pa kasing kumanta kaya iPod na muna ginamit. Nung nakararami na kaming lahat ng inom, ay binuksan na yung Magic Sing. Sinimulan ni Bryle ng Careless Whisper kaya si Mariel tinutulak ako para sumayaw pero sinisiko ko lang siya habang umiiling. Yumi naman eh~~ Sabi ni Mariel ng nakanguso. Bakit? Tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin tapos sinabing, Pakitaan mo lang sila ng matindi mong wave~ Ayoko nga!! Patayo na sana ako pero hinawakan ni Mariel yung kamay ko at sumimangot sa akin. Hinde pa ko lasing! Lagi mo ngang ginagawa yun sa bahay eh! Ngumiti ulit siya, pero yung nakakatakot na ngiti. Kanina lang nung naglinis tayo ng bahay hawak mo yung mop tapos lumalapit ka sakin bigla kang nag pole dance gamit yung mop! Nagtawanan sila, pati si Bryle natawa habang kumakanta.

Tapusin mo lang yung kanta! Pakita mo na samin yung the moves mo! Malay mo~ ma-in love pa ko! Sabay ngiti ni Lucas sa akin. Hinde parin ako nagpapilit sa kanila. Pero tulak ng tulak sakin si Mariel. Pati si Jam nahahawa na sa kanya. Sige na Yumi~~ Sabay sabay nilang sinabi! OO NA!!!! Sabi ko. Kung hinde lang malakas yung boses ni Bryle dahil sa mic, hinde ako mapipilitan! Hinde ka ba naman mairita isigaw niya yung Yumi wave~ Yumi wave~?! Inubos ko yung beer na nasa baso at tumayo. Dahan-dahan kong nilapitan si Bryle. Hinawakan ko muna yung mukha niya tapos inikutan siya habang nasa may waist niya yung right hand ko. Theres no comfort in the truth~ Pain is all youll fi~~nd Nung nasa harap na ko ni Bryle ay nag small wave ako. Im never gonna dance ag ain Napatigil sa pagkanta si Bryle dahil sinimulan ko na ang pagsayaw. Sexy dance pala ah~! Puro hiyawan na lang ang narinig ko dahil ayoko silang tingnan. Natatawa rin ako habang sumasayaw. Si Bryle naman sinayawan na rin ako. Nung hinde ko na kinaya yung pagtawa ay bumalik na ako sa may upuan ko pero bago ako umupo ay humarap ako kay Lucas. Ngumiti ako sa kanya tapos nag wave ulit. Tawa ng tawa si Greg habang pumapalakpak dahil sa itsura ni Lucas. Lumapit sa akin si Lucas at bumulong, Youre not allowed to do that again not in front of them.

Nung naka sampung kanta na sila at medyo nakararami na rin ng inom ay nagpasok si Mariel ng kanta. Eto na kanta ng mga taksil~ Sabi niya habang excited na iniintay yung kanta. Kinuha ni Bryle yung isang mic at sinimulan yung kanta. Bakit ngayon ka lang~ Bakit ngayon kung kelan ang aking pusoy meron nang laman~~ Sanay nalaman ko~ Na darating ka sa buhay ko, di sanay naghintay ako~~ Humarap sa amin yung dalawa tapos tinuro kami. Bagay sa inyo~!! Sabay sinabi nung dalawang kumakanta. Nagkatinginan kami ni Lucas tapos napangiti lang. Patuloy parin silang kumanta habang may actions pa. Bakit ngayo~n ka lang dumating sa buhay ko. Pilit binu~buksan ang sarado ko nang puso~ Ikaw ba~ ay nararapat sa aki~n at siya bay dapat ko ng limuti~n nais kong malama~n bakit ngayon ka lang dumati~~ng. Kinalabit ako ni Lucas at tinuro yung main door. Tumayo siya at pasimple akong sumunod sa kanya. Lumabas kami ng building at naglakad lakad. Grabe, dati pangarap ko lang na tumira dito eh~ Sabi ko habang tinitingnan yung matataas na buildings. Hinde nagsalita si Lucas pero nakangiti lang siya sa akin habang umiiling. OH!! Pangarap ko rin makita yang ngiting yan!! Pabiro niya akong tinulak habang nakangiti. Sabay kaming huminga ng malalim, napatingin kami sa isat isa at tumawa ulit. Lasing na ba kami? Nagkakasundo lang kaming dalawa tuwing lasing kami eh! Huminto si Lucas sa paglalakad. Hinawakan niya yung kamay ko at

seryosong nakatingin sa akin. Bakit ba kasi ngayon ka lang? Seryoso niyang tanong sa akin. Bakit sarado na ba yan? Tinuro ko yung left part ng chest niya. Ngumiti siya sa akin at niyakap ako. Pwede ko na bang isara? Bulong niya sa akin.

Chapter 21: Signs Ang tagal naman nung iba! Sabi ni Jam habang nakasimangot. Tumingin siya kay Daryl, Asan na ba raw sila? Ikinibit ni Daryl yung balikat niya, Sabi ni Lucas malapit na raw sila e. Pag nakikita ko si Daryl, gustung-gusto kong itanong sa kanya kung bakit siya nagsinungaling sa akin. Wala naman akong maisip na kasalanang ginawa ko sa kanya! Pati kung may hinanakit siya sa akin o kung may ginawa man akong masama sa kanya, edi sabihin niya sa akin. Hindi yung pinagkakatiwalaan ko siya tapos yun pala paninira yung ginagawa niya sa akin. Nagkatinginan kami bigla ni Daryl. Ngumiti lang ako sa kanya. Hindi naman sa galit ako, ang weird lang kasi kung bakit kelangan niya pang gawin yun. Ano yun, may gusto siya sa akin? Ha-ha, joke ba yun? Daryl, ok lang ba kung samahan mo ko? May pinapabili kasi sa akin si Greg, e kakatext lang. Sabi ni Jam kay Daryl. Sige, tara. Tumayo si Daryl at lumabas na ng bahay ni Jam. Alis na muna kami, ok? Paki hintay na lang siya, parating narin yung mga yun. Tumango kami ni Mariel at saka siya lumabas. Tumunog bigla yung cellphone ko From: G-Boy Ill be late.. I want to see you badly!!! =( Napangiti ako bigla at nagmadaling mag reply. Napapadalas na rin yung pagtext naming dalawa simula nung bakit ngayon ka lang day. To: G-Boy Im here na thats why you should hurry up! I miss you..

Too cheesy.. To: G-Boy I want to see you na Baka sabihin niya na hayok akong makita siya.. Ano ba talagang gusto mong sabihin? Napatingin ako kay Mariel na nakatingin din sa cellphone ko. Bakit ba kasi nakikibasa ka? Nilayo ko ng konti sa kanya yung phone ko. Sabihin mo na lang na bilisan niya dahil nandito ka na. Napatingin ako sa kanya. Wala rin masama kung gusto mong sabihin na gusto mo na rin siya makita. Natatakot ako e.. Sabi ko habang nakatingin sa cellphone. Siya nga hindi natakot sa sinabi niya kaya bakit ka matatakot? Nagkatinginan lang kaming dalawa. To: G-Boy I want to see you too.. Thats why you should hurry up! =) Send. Parang kelan lang sabi sa akin ni Mariel na wag daw akong ma-in love kay Lucas, pero ngayon siya na yung nag sasabing sabihin ko yung tunay kong nararamdaman. Jusko, e hind ko nga alam yung tunay kong nararamdaman e. Hindi ko alam kung gusto ko siya o phase lang to dahil siya yung madalas kong nakakasama bukod kay Mariel at Jam. Fifteen minutes na ang lumipas at wala parin sila. Kahit si Jam at Daryl, hindi pa bumabalik. Ang tagal naman nung mga yun! May balak ba talaga silang mag practice? Pagkatapos na pagkatapos ni Mariel magsalita ay may biglang nag doorbell.

Lumabas yung katulong ni Jam at tiningnan kung sino yung tao sa labas. Pagbalik niya sa loob ay kasama na niya si Lucas at isang babae. Asan na sila? Unang sinabi ni Lucas sa amin. Hindi niya ba ipapakilala sa amin yung kasama niya, I mean, usually diba Hi Hello tapos sabay Si ano nga pala yung mga unang sinasabi? Wala naman sa akin kung hindi niya ipakilala yung tao pero kasi.. wala lang. Nakapagtataka lang. Lumabas si Daryl at Jam, may binili lang. Sagot naman ni Mariel. Sino siya? I love you Mariel~~ nabasa mo yung isip ko! AH! Oo nga pala, Tumingin siya sa katabi niyang babae at nginitian siya. Siya nga pala si Cherry. Shes going to jam with us this Friday. Hi! she said sweetly. Inabot niya yung kamay niya kay Mariel para makipag shake hands. Mariel, hinawakan ni Mariel yung kamay niya at nakipag shake hands. Nice meeting you. Humarap naman sakin si Cherry at ngumiti, And you are? Yumiko. My name is Yumiko, sabi ko. Inabot niya yung kamay niya sa akin, Nice meeting you, Yumiko. Tiningnan ko muna yung kamay niya saglit tapos nakipag kamay. Same here. Nung umupo kami sa may sofa ay biglang naging awkward ang lahat. Nasa magkabilang dulo kami ni Lucas. Nasa gitna ni Lucas at Mariel si Cherry, at ang masaklap pa dun, naka upo ako sa may solo na upuan sa may tabi ni Mariel.

Blockmate ni Cherry si Lucas kaya sila nagkakilala. Madalas daw na silang dalawa yung magkatabi sa klase kaya silang dalawa rin yung madalas magkausap sa classroom. Kaya ayun, alam nila yung interest ng isat isa. Nung dumating na silang lahat medyo nawala na yung awkwardness. Medyo na-OP kami ni Mariel dun sa dalawa kaya mabuti na lang at dumating na yung iba. Ipinakilala rin ni Lucas si Cherry sa iba. Bakit ganon, parang may mali.. parang ang saya niyang ipinapakilala si Cherry sa kanila. Samantalang nung nakilla niya ako, parang hindi siya halos interesadong makilala ako! Relax ka lang, Yumi G. Sabi sa akin ni Mariel. Alam kong naiinis ka, hayaan mo na lang. Kunwari wala kang nakikita. Kumunot yung noo ko bigla, Bakit naman ako maiinis? Ok ka lang? Ako naiinis? Bakit? Dahil nakangiti siya sa harap ng ibang babae? Bakit, ngumngiti rin naman siya sa tapat nila Mariel at Jam ah? Tuwing may gig sila, ngumingiti rin naman siya sa tapat ng marami ah? Ano pa ba sa akin kung may dumagdag pang isa? Bakit ba kasi parang hindi ako makahinga?! Mainit ba dito sa loob? Tanong ko kay Mariel. Nilapitan ko si Jam at bumulong sa kanya, Lalabas nga muna ako. Hindi ko na inintay yung sagot niya at lumabas na lang ng bahay. Patuloy akong nagpapaypay gamit yung kaliwang kamay ko. Pero parang sumisikip parin yung dibdib ko. Pagnaaalala ko yung ngiti ni Lucas kay Cherry, parang gusto ko siyang hilahin palabas bigla. Hnde ko naman nararamdaman yun dati, pero parang gustung-gusto ko talagang gawin ngayon yun.

First time ko atang naramdaman yung ganito, yung tipong parang iniipit yung puso ko tapos nairita na lang ako bigla. Hindi ko alam, parang mababaliw na ko dito sa nararamdaman ko. Ano ba kasi to!? May sakit na ata ako sa puso, parang naninikip talaga e. Sabi ko sa sarili ko. Gaga! Anong pinagsasasabi mo diyan? Sabay batok sa akin ni Mariel. Baka naman selos yan? Napaisip ako bigla. Ano ba feeling nun? Alam ko yung meaning at spelling, Sabi ko sa kanya. Tiningnan niya ako na parang ang weirdo ko. Ano bang klaseng buhay ang kinalakihan mo at hindi mo alam yung pakiramdam nun, Tanong sa akin ni Mariel.Tumango siya bigla habang tinatapik yung balikat ko, Sabagay, hindi ka naman kasi yung tipong nagseselos. Ano ba kasi yang nararamdaman mo? Weird e.. parang tinutusok tapos iniipit.. Sinimulan ko ng i-describe yung nararamdaman ko. Tapos naiinis ka pati naiirita pag nakikita mo silang nakangiti sa isat isa, Sabi ni Mariel. Oo, ganon nga. Sumangayon ako sa sinabi niya. Gusto mo silang paghiwalaying dalawa. Sabi niya ulit. OO!!! Sumangayon ulit ako sa sinabi niya. Yung tipong gusto mong suntukin yung mukha ni Lucas dahil sa kakangiti niya pagtapos ay hihilahin mo siya palabas? NAKUHA MO! Muli akong sumangayon sa mga pahayag niya. Ang galing.. Nakuha niya lahat nung nararamdaman ko! Expert nga siya

pagdating sa mga ganitong bagay. Pero may kulang pa.. Medyo masakit diba? Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya. Oo.. Bakit alam niya pati yung natitirang kulang? Ibang klase.. Wala na akong maabi pa kay Mariel. Siya na ang expert. Ano ba kasi tong nararamaman ko? Selos nga yan, Hinawakan ni Mariel yung dalawa kong kamay. Congrats. For the first time, nagselos ka rin. Selos? Hindi pwede.. Sabi ko hindi ako pwedeng bumigay e.. matatalo ako. Pano na to? Na-i-in love na ba ako sa kanya? Wag naman sana. Wag muna ngayon. ------------------------------

To: G-Boy Im almost done, where are you? From: G-Boy On the way. Wait for me. Nilagay ko sa bulsa yung cellphone ko. Sawakas, makakasama ko na rin siya ng kaming dalawa lang. Kids~ are you done answering? Masaya kong tinanong sa mga students ko. Ye~~s! Sagot naman ni lang lahat. Okay~ lets check your answers~ Sabi ko sa kanila. Act as if nothing happened. Sabi sakin ni Mariel yan. Kaya tuloy halos lumiyab na ko sa kapipigil sa nararamdaman ko. Gusto ko na lang biglang

pumitik at sigawan siya, pero pinipigilan ako ni Mariel. Papunta na ko sa faculty room para makapagready nasa pag alis. Pagkadating na pagkatading ko ay agad ko ng inayos ung mga gamit ko at baka nag-iintay na si Lucas sa labas. Pumasok si Mark sa faculty room at ngumiti sa akin. Uuwi ka na ba? Oo, ikaw diba mamaya ka pa? Sagot ko habang nakangiti. Naalala ko kasi bigla na masosolo ko si Lucas ngayong araw. Parang ang saya mo ata. Sabi niya, ngumit ilang ako. Half-day lang ako ngayon. Ah ganon? Tumango siya. Sinarado ko na yung bag ko at binuhat yung mga libro ko. Sige mauna na ako. Hinawakan niya ako sa may braso, Hatid na kita, ok lang? May susundo sa akin e, Sabi ko sa kanya. Binitawan niya ako at ngumiti, Sige, next time na lang. Tumango ako at lumabas na ng faculty room. Habang naghihintay ay hindi ko mapigilang hindi ma-excite dahil masosolo ko na naman si Lucas. Wala atang araw na dumaan na nagsolo kaming dalawa e, except pag dun ako sa condo niya matutulog, which is once a week lang. Nakita ko na yung kotse ni Lucas pero hindi ako sigurado kung siya nga yun dhail may nakaupo sa may passengers seat na babae. Lumapit ako ng konti para tingnan kung hindi niya nga kotse yun, pero kanya nga yun at siya yung nagmamaneho. Tumalikod ulit ako at nagsimulang maglakad pabalik sa loob ng building.

To: G-Boy Wag mo na pala akong sunduin. Bday ng isang teacher dito, kakain daw kami sa labas. Sorry. Ilang minuto pagkatapos kong mag text ay nakita kong dumaan sa tapat ng building yung kotse ni Lucas. Si Cherry yung kasama niya. Yumi? Napatingin ako sa taong nabangga ko. Wala pa ba sundo mo? Pilit akong ngumiti at sinabing, Hindi na ako masusundo e. Ganon ba, Ngumiti siya sa akin at kinuha yung mga bitbit kong libro, E di ihahatid na lang kita. Hindi na ako tumanggi sa kanya. Nasira lahat ng plano ko dahil lang sa nakita ko. Akala ko masosolo ko na rin siya, hinde pa pala. Tanggap ko pa sana kung yung barkada niya yung kasama niya e, pero hinde! Nakakasira talaga ng araw. Sorry, ihahatid mo pa tuloy ako ng di oras. Sabi ko kay Mark. May kondisyon to, ngumiti siya bigla. Dinner. Ngumiti ako at tumango. Nagpunta kami sa isang restaurant malapit sa isang mall. Tuwing kasama ko si Mark, parang palaging may masamang nangyayari samin ni Lucas. Una yung gig nila, halos hindi kami nag-usap nung time na yun. Pangalawa yung hinatid ako ni Mark sa condo ni Lucas. Nagalit si Lucas sakin nun dahil nagselos daw siya. Parang malas si Mark. Pero hindi e. Si Cherry dahilan ngayon. Nakipag meet na rin kami kay Mariel sa may mall dahil malapit lang yung opisina niya dun. Nagulat siya nung nakita niyang si Mark yung kasama ko at hindi si Lucas. Hindi na lang siya nag tanong kung bakit, pero kitang-kita

sa mukha niya na gusto niyang magtanong. Bago kami umuwi ay uminom pa kami ng konti sa isang bar sa may mall. Thank you. Sabi ni Mariel kay Mark bago siya bumaba ng kotse. Thank you ha. Sabi ko kay Mark. Pati sa dinner, thank you. Wala yun. Kahit araw-arawin ko pa, ok lang. Sabi niya sa akin habang nakangti. Sige una na ko. Tumango ako sa kanya at kumaway. Bakit mo siya kasama? Agad na tinanong sa akin ni Mariel pagkaalis na pagkaalis ni Mark. Hindi ko kaagad sinagot yung tanong ni Mariel. Pumasok kami sa loob ng building at umupo sa may lobby. Tumingin ako sa kanya at ngumiti, Nagselos e. Sino? Tanong niya sa akin. Nagslouch ako tapos huminga ng malalim. Sino pa ba? Tumawa ako ng mahina. Sinundo niya ako sa academy, kasama niya si Cherry. Nakaupo pa sa dapat na upuan ko. Akalain mo yun. Akala ko ba wala lang yan? Sabi mo pa nga sa akin na hinde ako ma-i-in love sa isang katulad niya diba? Nagkatinginan ulit kami ni Mariel. Mahal mo na? Tumawa ulit ako ng mahina, Ok ka lang? Bakit ko naman mamahalin yung ganung tao? Mas bata sakin yun e. I told you before, I dont like younger guys. Id rather be with someone older. Wala lang to para sa amin. Hinde nag e-exist yung relasyon namin sa mata ng iba. Kaya sabihin mo nga sakin,

pano ko mamahalin yun? Hinde nagsalita si Mariel kaya itinuloy ko yung mga gusto kong sabihin. FWB kami diba? Benefits talaga. Libre sa lahat, hatid sundo pa minsan, pati kilig libre eh. Mayaman pa. Malay mo pag na in love siya sa akin bigyan pa ko nun ng kotse o kaya isang unit ng condominium. Pag balik ni Peter dito, magugulat na lang siya ang yaman ko na bigla. Baka bigla pa ko nun yayaing magpakasal. Tumawa ako. Napatingin ako kay Mariel. Nakatingin siya sa akin at umiling. Gag0 ka talaga. Sabi niya. Gag0 talaga. Sabi ko habang tumatango. Ang sama ko ba? Oo. Masama ka, mas masama ka pa sa mga taong masama. Seryoso niyang sinabi. Natahimik kaming dalawa sandali. Nagpapakiramdaan kung sinong mauunang magsalita. Binasag ko na yung matingding katahimikan. Ang dali sana kung ganun lang no? Tumawa na naman ako ng mahina. Baliw na ata ako eh. Pinigilan ko naman yung sarili ko eh. Kasi natatakot ako na baka ako na naman yung masaktan. Pero engot ako e, tang@. Nagselos pa. Oo nga. Tang@ ka talaga. Sumangayon na naman sa akin si Mariel. Tumayo siya at hinila na rin ako patayo. I know. Sabi ko. Naglakad kami papunta sa may elevator.

Si Yumi G, in love sa batang si Lucas E. Biro ni Mariel. Nagkatinginan kaming dalawa at natawa. Bumukas yung elevator at pumasok kaming dalawa. I know. Sabi ko habang nakangiti at nagsara na yung elevator. Wala na akong dapat pang ipagtaka dahil alam ko na sagot sa mga katanungan ko. Kilig + galit + tampo + butterflies + selos + Lucas = IN LOVE

Chapter 22: Believing

Pagkatapos kong ma-realize yung totoong nararamdaman, bigla na lang akong kinabahan. Hindi ko kasi alam kung paano ako aarte sa tapat ni Lucas. As much as possible, ayoko maging awkward sa kanya. Pano naman ba kasi hindi magiging awkward e narealize ko na una, nagseselos ako kay cherry. Pangalawa, in love ako sa kanya. Oo, mahal ko si Lucas. I love Lucas. For now, I dont care kung ganun din yung nararamdaman niya, hindi na rin muna ako aasa. Basta I love him, thats it. Yumi, pupunta ka tonight diba? Tumango ako. Sabay sabay na tayo pumunta ni Mariel sa Wall, ok? Ok. Punta ka na lang sa condo later. Sabi ko sa kanya bago ako tumayo. Sige mauna na ko. Nagpaalam na ako kay Jam at hinanap si Lucas. Nilabas ko yung cell phone at nagtext sa kanya. To: G-Boy Where are you? Can I see you before I go to work? From: G-Boy Cant. Im with Cherry. Practice. Nung nabasa ko yung pangalan nung Cherry ay bigla nanaman akong nairita. I have to calm down. Practice nga diba? Walang dapat ika-selos, practice yun eh. Pagtapos na pagtapos ng gig nila, kaming dalawa ang magkasama hanggang bukas. Kaya dapat, relax lang. Akin siya mamayang gabi. To: G-Boy Ganon? Okay, Ill just see you tonight! Goodluck! Mwah! <3

Yumi G may mwah at heart ka pang nalalaman. Nakain ka na ata talaga ni Lucas. Pagkadating ko sa academy ay kinausap kaagad ako ni Mark. Tinanong niya ako kung may gagawin daw ba ako tonight, syempre sinabi ko meron. Naputol na yung usapan namin dun dahil time na para mag klase. Nung natapos na yung dalawa kong klase, naabutan ko naman si Mark na nagte-take ng break sa faculty room. Saan ka mamaya? Tanong niya sa akin. Umupo ako at inayos yung mga gamit ko, Ah, may gig kasi yung friend ko eh. Tumayo na ako at nagpaalam sa kanya. Sige una na ko! Nagmadali akong makauwi para makapaghanda na. Ayokong ma-late sa gig nila Lucas at kelangan ko ng oras para sa paghahanda. Hindi ko na naman alam ang susuotin ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat i-asta sa tapat ni Lucas. Sasabihin ko na ba? Dapat ko bang ipakita? Bibigyan ko ba siya ng hint? Hindi ko na alam! Pagdating ko sa condo ay nagluto na muna ako ng dinner bago maligo. Sakto rin yung dating ni Mariel at Jam dahil kakatapos lang maluto nung pagkain. Big night ngayon noh? Excited ka ba, Yumi? Tanong sa akin ni Mariel. Si Jam naman medyo naguluhan ata sa tanong ni Mariel. Ok ka lang? Finals na kaya next week! Dapat ba akong ma-excite dun? Pinangunahan ko na si Jam. Baka kasi magtanong pa siya ng kung anu-ano samin. Oo nga eh. Sablay yung gig nila! Sumang-ayon naman si Jam sa sinabi ko.

Nauna na akong maligo at iniwang naghuhugas ng plato si Mariel at Jam. Pagpasok ko sa kwarto ko ay nakita kong naka ready na si Jam at yung damit na susuotin ko. Yan daw suotin mo sabi ni Mariel. Tiningnan ko yung damit na ni-ready niya. Gray tank top, vest at skinny jeans na lahat galing sa cabinet ko. Yumi style daw. Nagdamit na ako at nagpatuyo ng buhok. Nung tapos na kaming lahat magayos ay nagpunta na kami sa The Wall. Nagdala na lang kami ng kotse para hinde na kami mag-abang ng taxi. Pagdating namin sa Wall ay madami ng nakatayong tao sa may labas. Mabuti na lang at nakahanap ng parking si Mariel at kung hindi lagot na kami. May nakareserve ulit na table para sa amin. Last performer sila Lucas ngayon kaya wala pa sila sa may Wall. Magaaling rin yung unang band, pero syempre, Soulfool pa rin. Nung nagsimula ng tumugtog sila Lucas ay hindi ko maalis yung mga mata ko sa katitingin sa kanya. Parang na-glue kaagad yung mga mata ko sa kanya. Parang siya na lang yung nakikita ko sa paligid ko. Easy lang. Baka naman matunaw. Bulong sakin ni Mariel. Ewan ko ba!! Parang ewan. Hindi ko ma-explain. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin na nahila na ko sa mundo ni Lucas. Next thing I know, last song na nila yung kinakanta. Tumugtog na yung keyboard. Lahat ng tao sa loob ng Wall ay naghiyawan na. Alam na siguro nila yung susunod na kakantahin ng Soulfool. Alam niyo namana siguro ito noh? Sabi ni Bryle. Ngumiti siya bigla tapos napatingin sa table namin, Para sa mga na-late ng dating BAKIT NGA BA KASI NGAYON KA LANG?!

Napatingin ako kay Mariel, Ikaw ata tinutukoy ni Bryle!! TANGA! Hinampas niya ako. Sino ba kasi yung na-late? Malay ko!! Sino ba? Tanong ko kay Mariel. Biglang umakyat si Cherry sa stage at tumabi kay Bryle. Hindi ko na lang pinansin yung presence niya dahil kay Lucas na naman ako nakafocus. Pero pagdating ng chorus ay bigla siyang tumabi kay Lucas at hinawakan yung mukha niya. Naghiyawan yung mga babae dahil sa ginawa niya. Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko.. pilit binubuksan ang sarado ko ng puso.. ikaw ba, ay nararapat sa akin.. at siya bay dapat ko ng limutin.. nais kong malaman bakit ngayon ka lang.. dumating. Kumulo na naman yung dugo ko sa nakita ko. Dati naman wala lang sakin yung may kasama siyang ibang mga babae eh. Pero ngayon parang inis na inis talaga ako. Tipong, hindi ko mapigilan yung sarili kong mainis. Biglang may kumalabit sa akin. Nung lumingon ako, nakita ko si Mark. Napatingin ako kay Mariel, pero umiling lang siya. Upo ka. Hinila ko yung may upuan sa tabi ko at umupo siya dun. Buti na lang naabutan kita dito. Sabi niya sa akin, Akala ko late na eh. Patapos pa lang sila.. Sabi ko naman sa kanya. Kinuha ko yung menu at binuklat ito, May gusto ka ba? Umiling lang siya. Narinig ko na naman yung hiyawan ng mga babae. Nung tumingin ako sa may banda, nakita ko si Cherry at Lucas magkaholding hands. Umiwas na

ako ng tingin dahil pipitik na ko. Nung napatingin ako kay Mariel, nasa mukha niyang naaawa siya sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya para hindi na siya mag-alala pa. Pagtapos nilang magayos ay pumunta na sila sa table namin. Pinakilala ko ulit sila kay Mark isa-isa. Sige, mauna na kami ni Cherry. Ihahatid ko pa siya sa kanila eh. Sabi naman ni Lucas. Ngayon na?! Tanong ko naman sa kanya. Tiningnan niya lang ako. Ingat.. Nung umalis na sila Lucas ay nagtinginan silang lahat sa akin. Ngumiti lang ako sa kanila at ininom yung beer sa tapat ko. Mga isang oras rin kami nag stay sa Wall. Tara na, uwi na tayo Yumi. Sabi bigla ni Mariel sa akin. Ngayon na? Tumango si Mariel. May pupuntahan pa ko eh.. Hatid ko na kayo. Sabi naman ni Mark. On the way rin naman kayo eh. Ha? Mapapalayo ka pa pag pati ako ihahatid mo eh. Si Mariel na lang hatid mo, Sabi k okay Mark, ok lang ba? Tumango siya. Saan ka ba pupunta? Ihahatid ka na lang namin. Sabi naman ni Jam. Ok lang ba? Tumango naman si Greggy. Nung nasa kotse na kami ay biglang nagbago ng plano sila Greg. Nagkayayaan sila sa condo ni Lucas para mag-inuman ulit. Hindi naman

ako makatanggi pa kasi dun rin naman ang punta ko. Hindi na kami hinarang pa nung guard dahil kilala naman kami. Hiningi lang ni Greggy yung susi sa may babae at ibinigay ito sa kanya. Habang nasa loob ng unit at naghihintay kay Lucas ay hindi ako mapakali. Tawagan mo na si Lucas. Sabi ni Paul kay Bryle. Kuniha naman ni Bryle yung cellphone niya at dinial yung number ni Lucas. Ang tagal mo namang sagutin!!! Sabi ni Bryle kay Lucas, Dito kami sa condo mo. Asan ka na ba?! Punta ka na dito!! Biglang binigay sa akin ni Bryle yung phone niya. Wrong timing ka talaga!! Good thing shes still taking a bath. Well just do it then well go there after, ok? Hindi ako nagsalita. Sige na, shes almost done. Tiningnan ko yung cellphone kung si Lucas nga ba talaga yung kausap ko. Hindi pa rin ako makapaniwala. Sobrang wala lang ba talaga sa kanya yung sa amin? Binalik ko na kay Bryle yung cellphone niya, Anong sabi niya? Pinilit kong ngumiti, May gagawin lang daw sila tapos pupunta na daw sila dito. Gagawin..? Ano daw? Ikinibit ko lang ang aking balikat habang pilit na nakangiti. Dont tell me Hehe.. Sige, mauna na ko. May pupuntahan pa ako diba? Kumaway na

ako sa kanya at lumabas ng unit. Mali lang siguro yung narinig ko. Mali lang yun diba? Close na kaming dalawa eh. Imposibleng gawin niya pa yun hindi ba?

Chapter 23: Back to Square One Habang naglalakad ako palabas ng buiding ay nakasalubong ko si Daryl. Nagkatinginan kaming dalawa. Bakit ba sa lahat ng pwede kong makasalubong, siya pa?! Saan ka pupunta? Tanong niya sa akin pero hinde ako sumagot at tuluytuloy pa ring naglakad. So friends na kaming dalawa? Bakit hindi na lang niya ako dedmahin katulad ng ginagawa niya sa akin dati?? O kaya siraan niya na lang ulit si Lucas sakin. Dun naman siya magaling diba? Sabihin niya na lang sakin na kahit anong gawin ko, hindi niya ako magugustuhan. Hinawakan niya ko sa may braso, Sabi ko saan ka pupunta? Uuwi na. Bakit, may problema? Dahan-dahan niya akong binitawan. Medyo nagulat siya nung nakita niyang seryoso yung mukha ko. Ihahatid na kita. At nauna na siyang naglakad. Mga bata ngayon, nakakatakot na. Hindi marunong gumalang sa mga nakakatanda sa kanila eh. Nakakalimutan niya bang mas matanda ako sa kanya?! Siguro mas matanda siya kay Lucas pero mas matanda ako sa kaniya! Kinuha niya yung cellphone niya sa bulsa niya at inilagay ito sa may tenga niya. May ihahatid lang ako. Babalik rin ako agad. Tapos niyang sabihin yun ay ibinulsa niya na ulit ang cellphone niya. Hindi mo naman ako kelangang ihatid eh. Sabi ko sa kanya pero patuloy

parin ang pagsunod ko. Tumigil siya sa paglalakad. Nakahinto siya sa tapat ng isang itim na kotse. Nag-alarm ito at binuksan niya yung pintuan ng drivers seat. Pumasok ka na. Sumunod na lang ako sa sinabi niya at hindi na kumontra pa. Hindi ko alam ung saan ka nakatira, kaya ituro mo na lang ang daan. Thank you. Sinabi ko ng pilit. Mabagal at tahimik siyang nagdadrive. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Sabi nila nagbago ka na daw. Nagiging madaldal ka na daw pag kasama kami, napatingin ako sa kanya. Pero bakit ang tahimik mo? Wala lang, tumingin ako sa may kaliwa ko. Wala lang ako sa mood. Wala ka bang gustong itanong sakin? Tanong niya. Tumingin ako sa kanya, Bakit ka nagsinungaling sakin? hindi ako nagdalawang isip itanong sa kanya yun. Hindi ko alam. Siguro para hindi ka masaktan? Akala ko para pahiyain ako. Agad ko namang sinabi sa kanya at hindi pinansin yung sagot niya. Ano bang nagustuhan mo sa kanya? Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya. Dahil ba mayaman siya? Hindi nga kami mayaman pero hindi naman kami ganun kahirap. Hindi ako magkakagusto sa taong pera lang ang habol ko. Napatigil siya sa pagmamaneho at tumingin sa akin. Nakakagulat ba? Hehe. Professor yung tatay ko sa isang college sa may alabang, eh may elementary at high school dun, edi ayun, scholar kami. Nabigyan naman kami ng magandang edukasyon ng magulang ko kahit na di kami mayaman.

Kami? Ibig sabihin, madami kayo? Tumango ako. Apat kaming magkakapatid. Lahat kami nakagraduate sa school na pinagtatrabahuhan ni Papa. Syempre, pinaghirapan namin yung grades namin gaya ng paghihirap ni Papa sa pagpapalaki saming apat. Ngumiti ako. Kaya gaya ni Papa, pagsisikapan kong kumita ng pera, kesa ang gumamit ng ibang tao para lang sa pera. Pero narinig ko na pera lang daw habol mo sa kanya.. Sabi naman ni Daryl. Bakit ganun ba siya kayaman? Alam ko lang mayaman siya dahil sa condo at kotse niya. Bakit siya ba yung tipong mga tagapagmana ek-ek? May ari ba siya ng isang hotel o business tycoon ba dad niya? Ano ba kasi ikinatatakot niyo!? Wala naman kasi akong alam eh. Hindi ako interesado sa mga ganun. Sabi ko sa kanya. Wala ka talagang alam? Umiling ako. Ipinagpatuloy niya yung pagmamaneho niya. Mabagal parin yung takbo namin. Kung gusto ko talaga umahon sa kahirapan, dapat simula pa lang, mayaman na kaagad yung tinarget ko. Naranasan ko ng maloko pati ang ma-traydor, twenty-two na ko, ang dami ko ng napagdaanan. Medyo tumawa ako sa sinabi ko. Bakit ngayon ko lang maiisip yung ganung solusyon. Sana umpisa pa lang, nagpabuntis na ko kay Miguel, bago niya pa ko lokohin, bago niya pa kong tuluyang iniwan. Sino si Miguel? Tanong niya sa akin. Pano ka niya niloko? Edi yung number one sa listahan, nambabae. Pilit akong tumawa. Masaklap pa dun, namatay siya bago ko pa siya mapatawad. Hay nako bakit ko ba to sinasabi sayo!? Sira ok lang. Sabi naman niya. Itinuro ko na sa kanya yung daan papunta sa condo namin ni Mariel. Pagkadating naming ay diretso na kaming nagpaalam sa isat isa.

Hindi ko alam kung bakit sinabi ko sa kaya yung mga yun pero medyo gumaan yung pakiramdam ko dahil sa pag-uusap namin ni Daryl. Ang dami kong gustong malaman, pero hindi naman ako pupwedeng magtanong. Magkaibigan silang dalawa kaya kelangan alam ko kung hanggang saan lang ang mga sasabihin at itatanong ko. Tahimik akong pumasok sa loob at dumiretso na sa kwarto ko. Kelangan bukas makausap ko na siya. Kelangan malaman ko na ang totoo. ----------------------------------

Papasok ba ako o hinde? Patuloy na tanong ng isipan ko. Nasa akin na ang susi, kelangan na lang ay pumasok ako. Pero nakakahiya naman baka kasi isipin niya masyado akong at home. Bakit? Sinabi niya naman sakin dati na ok lang lumabas pasok ako sa condo niya, ako naman daw kasi yun. Pero iba kasi yung sitwasyon ngayon eh. Bahala na! Kunwari wala na lang akong alam. Act normal. Itinago ko yung susi sa bag ko at pinindot yung doorbell ng dalawang beses. Siguro naman gising na sya dahil tanghali na. Bumukas bigla yung pintuan. Ngumiti ako nung nakita kong si Lucas yung nagbukas. Wala siyang suot na shirt at mukhang bagong gising. Nagulat siya nung nakita niya ako, hindi man lang siya ngumiti. Parang hindi niya ine-expect yung pagpunta ko. Hindi mo ba ako papapasukin? Nakatingin lang siya sa akin. Huy! Next time na lang. Magulo bahay. Sabi niya sa akin. Edi aayusin ko. Kukunin ko rin yung mga naiwan kong damit dito eh.

Sabi ko naman sa kanya pero hinarang niya parin ako. May tinatago ka ba? Wala. Ibabalik ko na lang sayo yung mga damit mo next time. Sabi niya. Maya maya ay may narinig akong boses. Napatingin kami pareho sa may likuran niya pagtapos ay nagkatinginan kaming dalawa. Lucas, may tao ba? Sabi nung pamilyar na boses. Sino yun? Tanong ko sa kanya. Wala. Sagot niya naman. Anong sinasabi niyang wala, eh halatang meron! Umalis ka na lang muna. Lucaaaas~ Sigaw nung pamilyar na boses. Sino ba yang kausap mo?? Umalis ka na. Tatawagan na lang kita. Sabi niya ulit sakin. Ano ba kasi yung tinatago niya? Kung wala lang yun, bakit ayaw niyang ipakita sakin?! Kung may babae siyang inuwi sa condo niya edi sabihi niya! Hindi yung pinagmumukha niya kong tanga dito. Pinuwersa kong buksan yung pintuan para makita yung loob ng condo niya. Nakita ko bigla yung babaeng kanina pa tumatawag sa kanya. Suot niya yung mga damit na naiwan ko dito at hindi nga ako nagkakamali sa pamilyar niyang boses. Si Cherry. Napayuko ako. Ngumiti ako ng pilit at kinuha yung susi sa bag ko. Sa totoo lang, nandito ako para ibalik sayo to. Ibinigay ko sa kanya yung susi ng condo niya. It was fun while it lasted.

Kumaway ako sa kanya at naglakad na papalayo. Kaya pala siya biglang nagbago kasi may bago na rin siya. Bakit ko nga naman ba kasi sineryoso yung ganung klaseng relasyon? Simula pala lang, alam ko na na hindi pwede. Pero bakit ako nagpadala?! Malas lang ba talaga ako? Pero seryoso talaga ako eh handa talaga akong magseryoso. Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa may likuran ko. Hindi man lang niya ako hinabol. Umaasa pa ba ako? Masama yun. Simula ngayon, wala na akong pakialam sa kanya. Five days na ang nakalipas at so far, kinakaya ko pa naman. Simula nung araw na nag paalam na ako kay Lucas, hindi na ko nagpakita sa grupo nila. Kahit si Jam nagtataka kung bakit hindi na ko tumatambay kasama nung Soulfool. Hindi ko naman kayag sabihin na inechapwera na ko ni Lucas dahil may Cherry na siya. Nakakahiya yun, magmumukha lang akong kawawa sa kanila. Pero siguro, alam na nila na si Cherry at Lucas na dahil magkasama sila palagi. Malay rin ba nila na may something samin dati. Hindi ko rin planong magpakalungkot dahil may exam akong kelangan asikasuhin. Speaking of exam, naguiguilty ako sa ginagawa kong pag-iwas kay Jam. Kinakausap ko naman siya, pero pagtapos na kong mag exam, umaalis na kaagad ako ng school. Hindi na ko nag papaalam sa kanya. Yung sa pag tutor naman kay Lucas, sinabi ko na rink ay Mrs. Bautista na hindi ko matuturuan si Lucas dahil may exam rin akong kelangan pag handaan. Kaya ibang teacher yung pinapapunta niya kay Lucas. Back to iwas, ginawa ko na naman yun. Nagmadali kaagad akong umalis ng classroom para hindi ako yayain ni Jam pumunta sa usual place ng Soulfool. Ayoko.

Yumi!! Napatigil ako sa pag lalakad at dahan-dahang tumingin sa may likuran ko. Yumiko Gala, sabi naman ni Greggy. Long time no see. Nakita ko sa likuran nila si Lucas at Cherry. Lumapit sa akin si Jam at hinawakan yung kamay ko, Yumi!!! Iniiwasan mo ba ako?? Umiling ako, Bakit naman kita iiwasan? Umiiwas lang ako sa mga taong makakasama namin. Simula nung Monday hindi na kita nakakasama after ng exam! Parang lagi kang nagmamadali. Kelangan kasi ako sa Academy eh. Sorry kung feeling mo iniiwasan kita. Sabi ko sa kanya. Alam kong masama magsinungaling, pero may reason naman ako eh. Maaga pa naman eh, lunch tayo sa labas. Hatid ka na lang namin sa academy after. Sabi sa akin ni Greggy. Oo nga!! Ihahatid ka namin! Tumingin siya kay Lucas, diba Lucas?? Tumango lang siya. Wala akong choice kung hindi ang sumama sa kanila. Hindi na ko pwede pang tumanggi. Gaya nga ng sabi nila, malapit kami sa may academy kumain. Meron pa bang mas a-awkward sa sitwasyon ko ngayon? Jam-Greg, Cherry-Lucas Yumi-??? Thank you, awkwardness. Ang masaklap pa kasi dun, katapat ko yung dalawa. Thanks talaga.

Habang kumakain kami ay biglang nag ring yung phone ko. Napatingin silang apat sa akin, iniintay na sagutin ko yung tawag. Hello? Sabi ko sa tao sa kabilang linya. Bakit? Asan ka ngayon? Tanong sa akin ni Mark. Dito sa Brothers Burger. Bakit? May ipapabili ka b bigla niya akong binabaan. Sino yun? Tanong naman sa akin ni Jam. Nilagay ko sa table yung phone ko bago. Si Mark. Binabaan nga ko eh. Ipnagpatuloy ko na yung pagkain ko. Nararamdaman ko kasi na may nakatingin sa akin na hindi naman dapat tumingin. Makalipas ng ilang minuto ay may bigla na lang nagtakip ng mata ko. Hulaan mo kung sino ako! Sabi nung lalaking nagtakip ng mata ko. Ayoko! Sabi ko naman sa kanya. Obvious naman kung sino siya eh. Bakit kelangan ko pang hulaan? Tinanggal niya yung kamay niya. Baduuuy. Ngumiti lang ako sa kanya. Kumain ka na ba? Binigay ko sa kanya yung kalahati ng burger ko. Kinuha niya yung burger, Thanks. Sabi niya bago siya kumagat. Last day mo na to sa 1-5 sched mo noh? Oo, tapos magbabago na ko sa second sem. Sabi ko naman. Nandito pa kami. Sabi ni Jam.

Napatingin kami ni Mark sa kanila. Nakalimutan ko kasi bigla na may kasama pa kami. Nalawa kasi yung mabigat na feeling simula ng dumating si Mark. Parang may kakampi na rin ako sawakas. Napatingin ako sa relo ko at nagpanic nung nakita kong twelve thirty na. Mauuna na kami. Sabi ko sa kanila. Hindi kami pwedeng malate eh. Hinawakan ko yung kamay ni Mark at hinila na siya palabas. Wala lang sa akin yung ma-late kami. Ayoko lang manatili pa sa kinauupuan ko. Nakakaramdam kasi ako ng mga titig kaya hindi ako komportable. Na-realize ko bigla na hawak ko pa yung kamay ni Mark. Bigla ko itong binitawan. Sorry nabigla kasi ako eh. Ok lang sira. Sabi niya naman. Sorry, wala akong dalang kotse. Iniwan ko kasi dun eh. Sumabay lang ako kela Meg papunta dito. Ok lang yun, masaya naman maglakad eh. Sabi ko sa kanya. May biglang bumusina sa may likuran namin. Hatid na namin kayo! Sabi ni Jam sa amin. Pumasok kami ni Mark sa kotse. Medyo nainis ako nung nakita kong magkahawak ng kamay si Lucas at Cherry. Hindi namin yun nagawa sa tapat ng mga kaibigan namin, kahit isang saglit, hindi namin nagawa yun. Eto ba yung nagpapatunay na, wala lang talaga ako? Biglang nilagay ni Mark yung kamay niya sa may balikat ko. Napatingin ako kay Lucas, nakatingin rin siya sa akin. Position: Cherry Lucas Ako Mark

Tama pala talaga hinala ko. Pabulong na sinabi sa akin ni Lucas. Akala ko iba ka. Nagkamali ako sayo Yumi. Ano bang iniisip ko, na tatawagin nya pa akong Yumi ko? May Cherry na siya. Hindi na niya ako kelangan tawagin pang Yumi ko. Hinala mo? Tanong ko sa kaya. Hindi ko nga aakalain na ganyan ka eh. Nagkamali ka talaga. Simula nun ay bumalik na ulit kami sa square one na parang walang nangyari, na parang wala kaming pinagsamahan. Nagsimula rin yun ng isang bagong pagkakaibigan.

Chapter 24: The long wait.

Yumi, matanong ko lang, napatingin ako kay Mariel. Break na ba kayo ni Lucas? Hindi kami. Simpleng sagot ko sa kanya. Makikita ko ba siya mamayang gabi? Dalawang linggo na yung lumipas simula nung huling kita ko sa kanya eh. Kung ininvite mo naman siya, edi malamang pupunta yun. Birthday party mo yan. Hindi ako pwedeng mangialam. Sabi ko kay Mariel. Well, hndi naman talaga ako pwedeng mangialam, pero pagkasama niya si Cherry maaapektuhan pa rin ako. Ok lang talaga ah??? I-invite ko yung Soulfool! Excited niyang sinabi sa akin. Ikaw nga bahala. Ay. Hindi daw makakapunta sila kuya kasi may work si Kuya Jin kinabukasan, si Kuya Yuki naman magbabantay ng bahay kasi wala si Papa. Sabi ko sa kanya. Sige, may pasok pa ko eh. Bye! Lumabas na ko at nagmadaling bumaba ng building. Nung nakita ko na yung kotse ni Mark ay sumakay na ko dun. Ewan ko ba sa kanya. Napapadalas yung pag hatid at sundo niya sa akin. Parang nasanay na rin ako. Birthday ni Mariel ngayon, magcecelebrate siya sa Fiamma. Punta ka. Sabi ko kay Mark. Ok lang ba? Hindi kami close eh. Nag-aalinlangan niyang sinabi. Ininvite nga kita diba? Ok lang yun! Nandun naman ako eh. Edi bisita kita, wala na siyang magagawa dun. Ngumiti lang siya habang umiiling. Basta

pumunta ka, ok? Hindi ko rin naman kilala yung iba niyang friends dun eh. Kaya pareho tayong ma-O.P. Sabay tayong pumunta? Sunduin kita? Tanong niya sa akin. Pwede rin. Sige. Sagot ko naman. Pagdating namin sa academy ay dumiretso na kami sa kanya kanya naming klase. Nagbago na kasi kami pareho ng schedule ngayong sem break, so 3-8 pm kami pareho. Buti na lang talaga at hindi naiinis samin si Mrs. Bautista kapapalit ng sched. Naiintindihan naman siguro niya dahil committed kami ni Mark sa university. Naging mabilis yung takbo ng oras ko dahil masaya at madaling turuan yung nakuha kong class. Tag-70 minutes bawat class, bali may apat na klase ako at may tag 5 minutes na break time ako bawat klase. Mukhang matagal sa una, pero pagtumagal tama lang yung oras. Biglang nag vibrate yung phone ko. Hindi ko na muna chineck yung message, makakapagintay siya. Naging mabilis bigla yung oras ko dahil nagpa-game ako sa mga class ko kaya naging Masaya yung class. Once in a while kelangan ng kontiong break sa pag-aaral. Kaya siguro ako pinipili ng mga bata kasi isip bata rin ako kahit papaano. Pfft. Tara na? Tanong sa akin ni Mark. Dinner na rin kaya tayo? Sige. Bigla akong napaisip. Gastos na naman yun. Kung samin na lang kaya tayo mag dinner? Ano bang gusto mong kainin? Parang gusto ko ng pasta eh.Sabi niya sa akin habang nakatingin sa taas. Okay! Pasta it is! Sabi ko naman. Grocery muna tayo, ok lang?

Ok! Sabi ni Mark habang tumatango. Sumakay na kami sa kotse niya at dumiretso na sa condo namin. Bago pa umandar yung kotse ay may nakita akong pamilyar na kotse. Siya kaya yun? Imposible. Hindi lang naman siya yung taong may ganung klaseng kotse eh. Pati bakit niya pa ako pupuntahan sa academy? Eh siya na nga yung unang nagtaboy sakin. Teka, paano yung susuotin mo mamaya? Tanong ko kay Mark. May damit ako dyan sa likod. Ready!? Ganito ba talaga siya? May party rin akong dapat na pupuntahan eh. Pero dahil ininvite mo ko, sa party na pupuntahan mo ako pupunta. Natuwa naman ako sa sinabi ni Mark. Kung nauna lang siguro siya kesa dun sa lalaking yun, siguro mas pinili ko siya. Wala kasi akong mapapala sa hayop na yun eh. Sino ba yung may party? Ex ko. Birthday niya kasi eh. Tumango lang ako. Labo no? Di ko nga alam kung bakit ako inimbita nun eh. Baka gusto ka pa. Biro ko naman. Pumunta ka na lang kaya? Ano ka ba! Ayoko nga. Siya yung nakipag break sakin eh, tapos biglang ganun na lang? Umiling lang ako. Bawal bang makipag kaibigan sa ex? Ikinibit niya lang yung balikat niya. Wala naming rule na bawal yun diba? Pati malay mo, nagsisisi siya sa ginawa niya kaya gusto niya na maging magkaibigan kayo. Ewan. Basta ayoko ng ganun. Ikaw bahala.

Huminto kami saglit sa isang grocery store para bumili ng mga ingredients. Gusto niya ng carbonara kaya yun ang pageexperimentuhan namin. Pagtapos naming maggrocery ay dumiretso na kami sa condo. Hindi na namin naabutan si Mariel. Manood ka na muna ng TV.Sabi ko habang pinapakuluan yung pasta. Ako na ang bahala dito. Para tayong bagong kasal. Tapos tumawa siya. Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Ayaw mo ba akong tumulong? Umiling ako, Ako na ang bahala. Ginawa ko na man next ay yung sauce. Matuto ka ba naman magluto simula nung bata ka pa kakailanganin mo pa ba ng tulong sa paggawa ng simpleng pagkain? Hindi nga ako tinulungan ni Kuya Yuki nun eh! Ano pa naman ba tong 25 minutes na pagluluto ng carbonara! Nung natapos na lahat ng dapat i-serve ay tinawag ko na si Mark para kumain. Mukha naming naguistuhan niya yung pagkain dahil sa naging reaksyon niya. Nagusap rin kami habang kumakain. Medyo awkward, pero ok lang. Siya yung nag presinta na maghugas ng plato. Syempre hindi ako pumayag, tinulungan ko siya. Nagshower at ayos na kami pareho pagkatapos nun. Magkaibang kwarto. I used Mariels room, he used mine. Black mini dress ang suot ko naka purple-ish naman siyang woven shirt. Quarter to ten na kami nakaalis ng bahay. Naka dalawang tawag na rin sa akin si Mariel nun. Kay Mariel Suzara kami. Sabi ko dun sa lalaki na nagtatanong kung nagpareserve daw ba kami. Ok maam, Tinatakan niya kami ni Mark sa may right wrist namin. Nasa

taas na po sila. Thank you.Sabi ko habang hinihila si Mark papasok ng Fiamma. Inalalayan ako ni Mark paakyat ng stairs. Nakita na namin si Mariel na may hawak na glass. Lumapit siya nung nakita niya na kami. Bakit ngayon ka lang!!! Napatingin siya kay Mark. Hi Mark! Happy Birthday. Bumeso naman si Mark kay Mariel. Ngumiti sakin si Mariel habang tumatango. Sign yun na pwede. Pinakilala kami ni Mariel sa mga officemates niya at college friends niya. Umupo kami ni Mark sa may couch habang iniinom yung drinks na binigaw ni Mariel. Naalala mo ba mga pangalan nila? Umiling si Mark. Ok lang yan. May mga darating pa mamaya. Ok lang. Kaya ko pa naman. Ngumiti siya. Inangat niya yung baso niya, Cheers! Nagtoast kaming dalawa. Dumating na si Jam, Greggy, Bryle at Paul. Yumi~~ Bati sa akin ni Jam bago kumiss. Kanina ka pa? Umiling ako, Hindi naman. Mga 15 minutes pa lang ako dito. Sinilip niya si Mark at kumaway sa kanya. Bakit kasama mo siya? Ininvite ko siya. Tumango lang siya. Yumiko~!! Ang ganda mo ngayon!!! Bati naman ni Bryle tapos ay

yumakap sakin. Bakit iba yung ka-date mo!! Ganon talaga! Sabi ko sa kanya habang tinatapik yung balikat niya. Ano bang gusto bniyong inumin? Wild night tayo?? Wild night?! OKAY! Sagot naman ni Paul. Lumapit muna sila kay Mariel para batiin siya bago nakipag inuman samin ni Mark. Naging mabait rin naman sila kay Mark. Nung 12 midnight na ay biglang dumating si Lucas kasama si Daryl. Tiningnan ko kung nasa likod nila si Cherry, pero wala siya. Nakahinga ako ng malalim. Yung mabigat na feeling na kanina ko pa nararamdaman ay biglang nawala. Lumapit muna sila kay Mariel bago umupo sa may table namin. Pagbalik nila ay bigla nilang tiningnan si Mark. Binati sila ni Mark pero si Darly lang yung sumagot. Kayo na ba ni Greg? bigla kong tinanong si Jam. Bakit mo biglang natanong yan?! Sabi niya. Wag mo ng itanong! Gagy. Sinasabi ko sayo na ayusin mo na yung relasyon niyong dalawa. Sabi ko sa kanya bago uminom. Mahirap yung hindi mo alam kung saan ilulugar yung sarili mo. Hindi namin pinag-uusapan eh. Ngumiti si Jam, pero hindi yung tipong kuntentong ngiti. Masaya na ko kahit ganito yung sitwasyon namin. Ako naman yung naunang nagkagusto eh. Sapat na to. Sapat na nga ba talaga? Napatingin siya sa akin. Sa una mo lang yan sinasabi. Na sapat na yung kung anong meron kayo. Pero sa dulo, pag sobra na, mahihirapan ka na.

Ha? Mahirap yung sitwasyon na hindi mo alam kung ano ka ba sa kanya. Kung mahalaga ka rin ba, o may nararamdaman rin ba siya sayo. Ngumiti ako sa kanya. Kaya habang maaga pa lang, itanong mo na sa kanya kung ano ba kayo. Pag sinabi niyang seryoso siya sayo, edi mag start na kayo ng relationship. Pagsinabi naman niyang hindi pa siya ready, iwanan mo na siya. Hindi siya worth it. Tandaan mo yan. Sinasabi ko to sayo bilang ate. Bakit bigla kang naging seryoso? Nagtataka niyang tinanong. May nangyari ba? Wala lang, tumawa ko bigla. Ang ganda ng moment eh. Nung nakarami na kami ng inom ay bigla akong niyayang sumayaw ni Jam. Tumayo rin si Bryle at Greg para sumayaw. Humarap ako kay Mark at niyaya rin siya. Tumayo naman siyaat hinawakan yung kamay ko. Nakakaramdam na naman ako ng titig. Shot pa~~~!!! Sabi ni Paul habang nilalagyan ng tequila yung mga shot glass. Mariel halika rito!! Hinila ni Bryle si Mariel ng paakbay. Inabutan nila siya ng shot glass. Okay, cheers! Sabi ni Mariel. Lahat kami ay uminom. Umupo si Mariel sa tabi ni Lucas at may binulong. Napatingin ako kay Mark at pinunasan niya yung gilid ng lips ko habang nakangiti. Ok ka lang? Tanong niya sa akin. Tumango lang ako. Lasing ka na ba? Hindi pa naman. Hawak niya parin yung kamay ko. Hinigpitan niya lalo yung paghawak dito.

Ano ba yaaaan!! Sigaw ni Bryle. Nang-iinggit ba kayo? Nakakainis!! Tumawa lang kami ni Mark. Lucas!!! Si Yumi oh!!! Sabi ni Bryle kay Lucas. Tiningnan lang ako ni Lucas. Gusto niyo pa ba? Tinawag ko yung waiter bago ko pa sila sumagot. Another bottle of tequila please. Tumango yung kuya at kumhuha pa ng bote ng tequila at lemons. Nung dumating siya ay kinuha ko na yung bag ko para kumuha ng pera pero inunahan na ako ni Mark magbayad. Ako na. Sabi niya habang nakangiti. Yun oh! Galante! Sabi ni Paul at Greg. Lets play the I love you game!!! Sabi ni Mariel. Paano kaya kami makakapaglaro sa lakas ng music?! Matanong ko lang. Kelangan ba naming isigaw yung I love youpara lang marinig kami? Labo. Nilagyan ulit ni Daryl yung shot glass ng laman habang ineexplain ni Mariel yung game. I love you game: Sasabihin mo ng I love you yung taong gusto mong sabihan nun habang binibigay yung baso o shot ng beer o kung ano man. Pag sinabi nung taong Sorry ibig sabihin kelangan mong inumin yun ng one shot tapos maghahanap ka ng ibang taong sasabihan mo ng I love you. Pag kinuha nung tao yung inumin mo, ibig sabihin nun, O.K. Tapos yung taong uminom ng shot mo, siya naman yung maghahanap ng sasabihan niya ng I love you. Nagstart si Jam, I love you. Sabi niya habang nakaharap kay Greggy.

Nagulat si Greg. Ngumiti siya tapos kinuha yung shot glass. Hinalikan niya muna si Jam bago niya sinabing I love you, too. Hindi naman talaga kelangang sabihing I love you, too. Pero masaya ako at alam na ni Jam yung sagot sa mga tinanong ko sa kanya kanina. Sunong na sinabihan ng I love you ni Greg ay si Bryle. Tinanggap niya yung shot. Tapos si Paul naman yung tinanong niya. Hindi tinanggap ni paul kaya ininom niya. Naparami siya ng shot kasi walang tumanggap nung kanya. Pero nung ako na yung tinanong niya ay tinanggap ko yung shot. Hanggang sa palagi na nila akong tinatanong. Tapos nung ako na yung nag sabi ay walang tumanggap nung akin!!! Napatingin ako kay Lucas. Sinubukan kong umarte na hindi pa ko nalalasing, dahil nasakin na naman yung shot glass. At kelangan ko ng ilabas yung nararamdaman ko para bukas wala na to. I love you. Sabi ko sa kanya pero hindi ko inaabot yung shot glass. Inulit ko ulit yung sinabi ko. I love you. Sinubukan niyang kunin yung shot glass pero hindi ko to binigay at ininom ito. Natahimik silang lahat. Nagulat sila. CR lang ako! Tumayo ako at nagpunta ng cr. Alam na niya. Alam na niya. Ano ng susunod kong gagawin? Tama na siguro to. Paglabas ko ng CR ay nakita ko si Lucas sa may left side ng pintuan. Mukhang may iniintay. Dinaanan ko lang siya.

Teka lang. Sabi niya. Di ko siya pinansin at patuloy parin akong nag lakad. Hinawakan niya bigla yung braso ko. Sabi ko tekal ang, diba? Bitawan mo ko. Hindi parin siya bumibitaw. Bitawan mo ko sabi. Ayoko. Nanlilisik yung mga mata niya. Pagbinitawan kita, babalik ka na naman sa kanya. Eh ano naman sayo yun? Tinanggal ko yung kamay niya sa may braso ko. Wag mo kong papakialaman dahil hindi ko pinakialaman yung mga pinaggagagawa mo. Tinalikuran ko siya at bumalik na ako sa may table namin at tumabi kay Mark. Napatingin ako sa orasan, mag aalas tres na ng umaga. Ok lang ba kung ihatid mo ko? Hindi kasi sa condo uuwi si Mariel ngayon eh. Sabi ko sa kanya. Ano ka ba. Malamang ok lang! Tumayo na siya. Tara na ba? Tumango ako. Lumapit ako kay Mariel at nag paalam na. Una na kami, masakit na ulo ko eh. Di ko na kaya. Sige, sige. Ang dami mo kasing nainom eh!! Sabi niya sa akin. Hinug niya ako at kiniss. Di ako uuwi ngayon ha. Sila Papa kasi eh. Alam ko, alam ko. Nagpaalam na rin ako kela Jam. Sige mauna na kami. Happy Birthday ulit. Sabi ni Mark kay Mariel. Sige, una na kami. Hinatid ako ni Mark sa condo ng maayos. Kumuha kaagad ako ng tubig pagkadating ko, umupo ako sa may sofa at binuksan yung TV. Tinamad pa kong maligo at magpalit ng damit.

Biglang may nag doorbell. Akala ko ba hindi uuwi si Mariel ngayon? May nakalimutan ata siya. Binuksan ko na yung pintuan ng hindi sinisilip kung sino yung nag doorbell. Pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko si Lucas. Anong kelangan mo? Iritado kong tinanong sa kanya. Ikaw. Diretso naman niyang sagot. Mag-usap tayo. Nag-uusap na tayo. Hindi mo ba ako papapasukin? Hindi ako nagpapapasok ng kung sinu-sino. Sabi ko sa kanya. Biglang nagbago yung expresyon ng mukha niya. You said you love me. That was only a game. And Im done playing. Kids are tiring. Their games are tiring. Youre tiring. I was about to close the door pero bigla niyang hinarang yung kamay niya. Im sorry. I was wrong. Hindi ko nakikita yung mukha niuya pero sigurado akong nagsisisi siya sa mga ginawa niya. Mararamdaman mo sa boses niya na yung pagsisisi niya. Hindi ko sinasadya. I thought I meant nothing to you. Not once did you say that you love me. Ikaw rin naman eh. Bigla niyang binuksan yung pintuan I love you!! Sinabi niya ng malakas. Nagulat ako. Hindi ako makapagsalita. Niyakap niya ako ng mahigpit at inulit yung sinabi niya.

I love you, Yumi ko.

Chapter 25: Right decision? Nagulat ako sa sinabi ni Lucas. Hindi ako makapaniwala sa nasabi niya. Kelan lang, si Cherry kasama niya, kelan lang nakita ko sila sa condo niya tapos ngayon, eto?! Hindi ba parang ang gulo niya? Nagsawa nab a siya sa girlfriend niya? Nagbibiro ka ba? Tinanong ko siya. Hindi kasi nakakatawa eh. Mukha ba akong nagloloko? Naging seryoso lalo yung mukha niya. Isipin mo nga, bakit ako magpupumilit kausapin ka? Bakit ako magpapakahirap pumunta dito?! Sumakay ako ng taxi para sayo. Alam mong hinding hindi ako nagcocommute. Kasi gusto mo ng sex? I bluntly said. Sorry to say, pero you wont get any. Sinubukan kong isara yung pintuan pero masyado siyang malakas. Hinarang na niya yung buong katawan niya sa pinto. Kung sex lang habol ko, edi sana sa ibang babae ako pumunta! Madami akong makukuha dyan, bakit ipagpipilitan ko pa sarili ko sayo!? Bakit pa kita sasabihan ng I love you kung sex lang ang habol ko sayo?! Medyo sumisigaw na siya pero pinipigilan niya parin yung sarili niya. Sabihin mo nga sakin, kelan ba kita binastos? Kelan ako naglakas loob na hawakan ka ng hindi mo gusto? Ang laki ng respeto ko sayo. PERO BAKIT MO GINAW YUN?! Bakit kelangan mo pang iparinig sakin!? Bakit kelangan mo pang ipakita?! Nanlaki bigla yung mga mata niya. Nagulat siya sa mga sinabi ko pero hindi ako tumigil dun. Magkasama naman tayo nung gabing yun diba? Pero bakit kelangan sa iba pa? Narinig!? Kelan mo narinig? Pati nung nasa condo si Cherry, wala lang yun. Dun lang siya natulog. Kahit itanong mo pa kela Bryle! Hinawakan niya young dalawa kong kamay, kinukumbinsi na wala talagang nangyari. Ano yung narinig mo? Kelan yun!? Walang nangyari!

Sa bibig mo mismo nanggaling. Well just do it and then well go there after. Akalain mong memorize ko parin? Alam mo ba kung ilang araw akong hindi makatulog ng dahil sa punyetang linyang yan?! ALAM MO BA KUNG GAANO KALAKI YUNG PAGDURUSA KO DAHIL DYAN?! Ikaw yung tumawag? Pero si B-Bryle yung kausap ko eh.. Unti-unti niyang binitawan yung mga kamay ko. Sorry Nafrustrate lang ako nung araw na yun. Hindi ko alam gagawin ko nung mga oras na yun. Bakit? May nagawa ba akong mali? Natawa ko bigla. Pagsinabi mo nga lang sakin na gusto mong gawin yun, papayag ako eh. Pinagbibigyan naman kita palagi diba? Kasi mas matanda ako sayo eh kaya pilit kitang iniintindi. Hindi pa ba ako sapat? Hindi ba pera lang ang habol mo sakin? Diba kaya mo ginagawa yung mga yun kasi pera lang habol mo sakin? Nakakatakot bigla yung itsura niya. Parang pinipigilan niya yung sarili niya, pero in the end hindi niya nagawa. Na-provoke ko siya. Sinabi mo pa nga kay Mariel diba? Nandun ako nung nag-uusap kayo. Nandun ako nung sinabi mo yung mga yun. Naalala ko bigla yung araw na umamin ako kay Mariel. Yung araw na nalaman kong mahal ko na si Lucas. Kung nandun ka talaga, kung nakinig ka talaga, sana hanggang sa dulo nakinig ka. Kung pera lang habol ko sayo, edi sana umpisa palang, pera na hiningi ko. Edi sana, wala akong pakialam kahit na makipagsex ka sa ibang tao basta. Edi sana hindi na lang ako nakipag break kay Peter para lang para lang makasama ka. Nagulat siya bigla. Hinawakan niya ulit yung kaliwang kamay ko, Break na kayo? Dahil sakin? Look, Im really sorry. Please, forgive me. Akala ko talaga pera lang habol mo sakin. Sorry rin, akala ko kasi mahal kita eh. Hinila ko yung kamay ko at isinara yung pintuan. Pumunta ako sa kusina at uminom ng tubig. Hindi ko alam kung tama ba yung ginawa ko o mali eh. Nagsorry na siya, sinabi niya pa yung mga salitang gusto ko marinig. Bakit hindi ko na lang siya tinanggap at pinapasok? Natatakot lang ba ako nab aka pag nakapasok siya, bumigay

ako bigla? Narinig kong bumukas yung pinto. Hinila ako ni Lucas at niyakap niya ako, Binigay saki nni Mariel yung susi niya para maayos na natin yung problema natin. Gagawin kong tama yung mga pagkakamali ko. Patawarin mo lang ako. Hindi na ko titingin pa sa ibang babae, para lang sayo. Iiwan ko na ang mga dapat iwanan para lang makasama ka. Isusugal ko lahat para sayo. Bitawan mo ko. Sabi ko sa kanya habang tinutulak siya. Bitawan mo ko sabi! Hindi na kita papakawalan. Hinawakan niya yung kamay ko. Hindi ko na to bibitawan. Umuwi ka na. Sabi ko sa kanya habang hinihila yung kamay ko. Hindi ako aalis sa tabi mo. Hinigpitan niya yung paghawak niya sa kamay ko. Just tell me what you want. Ill do it without any hesitations. Ill be willing to do everything you ask me to. Just tell me what you want. Okay lang bang maging selfish? Ok lang ba na nasa tabi ko siya? Wala na ba kaming matatapakang iba? Pagsinabi ko sa kanya yung gusto ko, wala ng atrasan yun. Wala ng bawian. Ano ba talaga ang gusto ko? Ayokong tumingin ka sa ibang babae. Sabi ko. Tumango siya, Ano pa? Gusto ko palagi kitang nakikita. Ngumiti siya. Tumango ulit muna siya bago sumagot, Ano pa? Wag mo akong iwanan. Sabi ko habang nakatingin sa baba. Hinding hindi kita iiwanan. Sabi niya habang itinataas yung mukha ko. Bawal kang humawak ng ibang babae. Ngumiti ulit siya.

Kiniss niya ako, Ikaw lang hahawakan ko. Ayoko ng ako lang ang nakikinig sayo, dapat making ka rin sakin. He kissed me again. Makikinig ako sa lahat ng sasabihin mo. Sabi niya bago niya ulit ako halikan, Makinig ka ng mabuti kasi ngayon ko lang ulit to sasabihin, hindi na to mauulit pa. I kissed him before saying it. I love you Lucas He kissed me back, I love you, Yumi ko. ---------------------------------Papa, mga Kuya, may ipapakilala ako sa inyo. Sabi ko sa kanila. Sino? Sabay sabay nilang tinanong. Pumasok si Lucas ng bahay, lahat sila ay nakatingin sa kanya. Wala silang reaksyon sa pag pasok ni Lucas. Pero nung sinabi ko na yung main event, dun na sila nag react. Si Lucas, hinawakan ko yung kamay ni Lucas.Boyfriend ko. Nanlaki yung mata ni Kuya Yuki. Kayo na?!?! Akala ko ba hindi!? Sabi mo hindi!? Nung isang buwan lang naging kami. Ngumiti ako sak ania, Official na. Congrats!!! Bayaw ka na talaga namin! Sabi ni Kuya Jin kay Lucas. Tara, ipapakilala kita sa kamag-anak namin! Dinala nila kuya si Lucas sa bahay ng Tita namin. Ang wirdo talaga nila, kilala naman ng buong kamaganak naming si Lucas ditto dahil ipinakilala

na nila siya sa kanila dati, tapos ngayon ipapakilala ulit nila? Masaya ka ba? Unang tanong sa akin ni Papa. Kung Masaya ka, wala na akong iba pang sasabihin. Masaya ako. Ngayon ko lang na-feel yung ganito. Niyakap ko si Papa, Ngayon lang po talaga ako nakaramdam ng ganito. Yung tipong gusto ko siyang protektahan. Siya yung nagparamdam sakin na tao pala ako, maraming pwedeng maramdaman. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi, pero hindi ako tututol sa relasyon niyong dalawa. Hinigpitan niya yung pagyakap niya sa akin. Wag ka munang mag-aasawa, okay? Tumango naman ako. Pinuntahan namin ni Papa sila sa bahay ng tita namin. Nakita naming pinapakain ng fishball si Lucas ng mga pinsan ko. Mukha naman siyang nag-eenjoy kasi siya yung center of attention. Ganitong ganito yung naimagine ko, pag may pinakilala akong special na lalaki sa pamilya ko, ganito dapat yung magiging sitwasyon. Yung tipong tanggap siya ng lahat. At ngayon, nangyayari na kay Lucas. Hindi ko sinasabing hindi nila tanggap si Peter, pero hindi lang ganito kasaya yung nangyari. Parang iba yung dating nung pagtrato, masyadong welcoming, masyadong warm parang part na siya ng family. Ate Yumi!! Sigaw nung mga pinsan kong bata. Kelan kayo ikakasal ni Kuya Lucas?? Ano?! Nagtawanan yung mga kamag-anak namin dahil sa sinabi nung mga pinsan ko. Sinong nagsabi sa inyo niyan? Tinuro nila si Kuya Jin. Sabi ni Kuya ikakasal na daw kayo!

KUYA!!! Nagtago bigla si Kuya Jin sa likod ni Lucas. Wag ka ngang magsinungaling sa mga bata!! Hindi ba kayo ikakasal? Diba sa kasalan din hahantong relasyon niyo?? Tanong ni Tita Evita. Oo nga! Go Tita! Sabi naman ni Kuya Jin. Ayaw mo ba? Tanong naman ni Lucas. Isa pa tong lalaking to eh! Hindi naman sa ganun Bigla silang naghiyawan, Oo na yung sagot! Date na lang!! Sabi ni Kuya Jin. Anong nangyari sa sister complex nila? Bakit parang biglang naglaho na lang? Dati halos ayaw nila akong magkaboyfriend eh. Medyo hadlang pa nga sila samin ni Peter, tapos ngyon ipinapamigay na nila ko kay Lucas??? Kelangan mo muna siya ipakilala sa Mama mo bago kayo magpakasal. Napatingin ako bigla kay Papa. Pati ba naman ikaw?? Tanong ko sa kanya. Sabi mo kanina wag muna akong mag-aasawa tapos ngayon iba sinasabi mo!? Apo na yung pinag-uusapan! Matanda na ko, gusto ko na ng apo! Sabi niya habang kumakamot sa ulo. 49 ka pa lang!! Anong matanda dun?? Sabi ko habang kumukunot yung noo k o. Yung mga Kuya mo kasi ayaw pa mag asawa eh. Hindi tuloy ako mabigyan ng apo. Papa! Kung ok lang ako sa inyo, handa naman akong pakasalan si Yumi ko

eh. Sabi ni Lucas ng nakangiti. Bibigyan ko pa kayo ng maraming apo! Seryoso ba siya?! Teka, masyadong mabilis. Parang kaka-ayos lang ng problema namin tapos biglang kasalan na? Mabilis, masyadong mabilis. Hindi naman papaya si Papa sa mga sinasabi ni Lucas. Alam niyang 18 lang siya, at malayo pa ang pwede niyang marating. Hindi siya bibigay dyan. Babawiin niya rin yung sinabi niya kanina! Si Papa pa? Prinsesa ako niyan eh! Basta ba mabibigyan mo ako gn maraming apo, hindi ako tututol. Sinabi niya kay Lucas. Nagulat ako sa hinirit ni papa. Hinampas ko siya ng mahina sa may braso niya, PA!!! Ano ba!! Sabi mo lang ayaw mo eh! Bakit mo ba binabawi? Napatingin lang siya sa akin, Bakit? Sabi mo diba ngayon mo lang naramdaman na tao ka, na ngayon mo lang naramdaman yung ganitong feeling? Bakit mo pa papakawalan yung nagpa-normal sayo kung pwede mo naman siyang itali sayo habang buhay? Hindi yun yun eh! Reklamo ko. Bakit ba ako binubuko ng sarili kong tatay?? Diba dapat kakampi ko siya? PEro bakit parang ako yung nagiging kontrabida dito?? Ayaw mo ba magpakasal sakin? Malungkot na tinanong ni Lucas sakin. Hindi naman kita pababayaan eh tutuparin ko naman yung mga hiniling mo sakin ano pa bang kulang? Napatingin ako sa tao s paligid namin. Lahat sila parang medyo malungkot yung mukha. Iniintay nilang lahat yung sagot ko. Hindi pa ako handa! Bakit naging ganito!? Lucas, Simula ni Papa. Ang kasal ay hindi parang bagong lutong kanin na pag sinubo mo ay pupwede mong iluwa. Panghabang-buhay tong relasyon. Naiintindihan mo ba yun?

Tumango si Lucas habang seryoso ang kanyang mukha, Naiintindihan ko po. Seryoso po ako kay Yumi ko. Hindi ko siya kayang mawala. Kaya kung pupwede po, hayaan niyo po kaming maka buo ng isang basketball team. Napangiti si Papa nung narinig niya yung basketball team. Papa basketball team daw! Sabi ni Kuya Jin kay Papa habang sinisiko niya siya. Diba pangarap mo yun? TUTOL AKO!!! HINDI PWEDE!!! Hinila ako bigla ni Kuya Yuki sa tabi niya. Di pa siya pwedeng magpakasal!!! Napangiti ako nung narinig ko young pagtutol ni Kuya Yuki. Kambal nga talaga kami! Alam niya yung nararamdaman ko! Basketball team, Lumapit si Papa kay Lucas, Anak! Inakbayan ni Papa si Lucas at nginitian naman ako ni Lucas. Nagkatinginan kaming dalawa ni Kuya Yuki at napailing sa mga pangyayari. Tumalon si Kuya Jin at sumigaw, Mabuhay ang bagong kasal!! MABUHAY!!! Sabi naman ng mga kamag-anak namin. Nananaginip lang ako. Imposible. HINDI PWEDE!

You might also like