Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
3Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Syete Palabras

Syete Palabras

Ratings: (0)|Views: 1,067|Likes:
Published by Jennifor L. Aguilar
Halimbawa ito ng impormal na sanaysay na may malaking kaugnayan sa buhay ng manunulat.
Halimbawa ito ng impormal na sanaysay na may malaking kaugnayan sa buhay ng manunulat.

More info:

Published by: Jennifor L. Aguilar on Sep 06, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

05/10/2014

pdf

text

original

 
SIYETE PALABRAS JENNIFOR L. AGUILARPage
1
of 
13
 
SIETE PALABRAS
Namimilipit na mula sa pagkakahagupit, at halos wasak na ang buong kalamnannang ipabuhat sa kaniya ang napakabigat na krus na maghahatid sa kaniyang
kamatayan. Dinusdusta pa‘t dinuduraan ng mga taong nakahambalang sa kaniyang
daraanan. Di-alintana ang sakit ng katawan at sakit ng mga salitang paulit-ulit na sa
kanya‘y ibinubulyaw. Pagsapit sa bundok ng Kalbaryo‘y doo‘y ipinako, Dito niya
ibinulalas ang
mga katagang bumago sa buong sangkatauhan…
 
Unang Wika: 
“Ama, patawarin mo sila;
sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa 
Lucas 23:34 
.
Kumakabug-kabog ang dibdib habang patalbug-talbog sa mga batu-batongkalsada ang sinasakayang tricycle paakyat sa bulubundukin ng Sierra Madre. Patungopa lamang kami sa Mascap, ang pinakapaanan ng bundok na tatahakin papaakyat.Hindi ko mapaniwalaang makapagpapatakbo nang ganoon katulin ang mga tricycledriver sa kabila ng napakaraming naglalakihang bato sa kalsadang aming tinatahak.Hindi ko na mabilang kung ilang untog
ang inabot ko pero isa lang ang tiyak ko… pataynang lahat ng kutong naninirahan sa ulo ko dahil sa natiris na ito sa maya‘t mayang
pagkakaumpog.Hindi ang tulin ng tricycle ang dahilan ng kaba kundi ang takot sa kaligtasan nglabindalawang estudyante na lakas-loob na sumama sa akin upang makapaghatid ngtulong sa mga Dumagat sa Puray, Montalban, Rizal. Wala kasi kaming dala-dalangpermiso o pahintulot mula sa aming pamantasan or in short, hindi kami nabasbasan onapayagang gawin ito (anumang kadahilanan meron sila ay hindi ko maintindihan).Ngunit dahil sa mapilit at gustung-gustong makatulong sa mga kapatid nating mgaDumagat ay itinuloy pa rin namin ang misyong makapaghatid ng tulong-edukasyon sakabundukan.Biru-
biruan naming tinawag na ‗BUWIS
-
BUHAY Outreach Program‖ ang lakad na
ito, dahil hindi namin alam kung makababalik pa kami ng buhay. Nasa pagitan kami ngdalawang nagbabanggaang pwersa na maaaring makapagpahamak sa amin. Una,dadaan sa dalawang kampo, kampo ng mga sundalo at kampo ng mga pulis. Dito palamang ay malaking suliranin na ang kinakaharap sapagkat katatapos lamang
mapakawalan ng ‗MORONG 43‘ na napagbintangang mga rebelde o NPA
, bukod pa sakilala ang aming pamantasan na lungga o taguan ng mga rebolusyonaryo saKamaynilaan. Ayon pa nga sa ibinulong sa akin, sa bawat sampung rebeldengnapapatay sa bulubundukin ng Sierra Madre, tatlo roon ay may rekord na nag-aral saaming pamantasan. Paano na kung mapagkamalan din kaming mga rebelde?Pananagutan ko ang buhay ng mga kabataang ito sa kanilang mga magulang bukod pasa nakataya ang propesyon ko na siyang tanging ipinambubuhay sa aking pamilya.Ikalawa, kung makalusot man sa mga pulis at sundalo, isa na namang malakingsuliranin ang mga rebelde pagdating sa itaas ng kabundukan. Paano kungmapagkamalan naman kaming mga Intel o espiya ng gobyerno at nagkukunwarilamang na nagbibigay ng tulong sa mga Tribu-Dumagat? Mas malaki-laking problemaito, kasi, sa mga sundalo at pulis ay maaari pa kaming mabuhay, maipaglaban ang
 
SIYETE PALABRAS JENNIFOR L. AGUILARPage
2
of 
13
 
aming kaso at makalaya gaya ng nangyari sa MORONG 43, ngunit sa kamay ng mgaNPA, hindi ko alam kung ano ang aming kahihinatnan. Ang dami pa man ding mgakwento ng karahasan na narinig ko na may kaugnayan dito. Paano kung magahasa
ang mga babae kong estudyante o kaya‘y ratratin kami ng kanilang mga baril? Hala,
kawawa naman ang mga taong umaasa sa akin.Sa kabila ng takot, itinuloy pa rin namin ang paglalakbay, pananalig na lamangsa Dakilang Lumikha ang panghahawakan at ang malinis na hangaring makatulong samga nangangailangan sa kabundukan.Ilang supot lamang ng biskwit ang aming dala-dala, at tiglilimang set ng mgaModyul ng Alternative Learning System na pinag-ambag-ambagan ng mga estudyanteko at pinaghirapang i-ring-bind sa loob ng tatlong linggo. Oo, hindi ka nagkamali ngpagkakabasa, mga modyul nga ang aming ibibigay hindi pagkain. Napagkasunduankasi ng buong klase na ito ang ibigay dahil ito ang tulong na higit nilang kailangan.Naniniwala kasi kami sa sinabi ni Lao Tzu na:
Bigyan mo ng isda ng tao, tinulungan mosiyang mabuhay para sa isang araw, Turuan mo kung paano siya mangisda, aytinulungan mo siya nang panghabambuhay
.‘
Edukasyon ang magsisilbing sandata nilaat panlaban sa karalitaan. Kahit papaano kasi ay may magandang silbi ang programang gobyerno na Aternative Learning System, dahil sa hindi pormal na anyo ngedukasyon, madadala mo sa kabundukan ang kaalamang kinakailangan ng ating mgakapatid na katutubo. Nakahanap na rin kami ng mga taong may katulad na hangarin,
isa sa mga grupo na nagnanais na magturo sa mga katutubo na ‗Trigo para sa TribuMinistry‘. Sila ang magtuturo sa mga katutubo samantalang kami na
man angmagbibigay ng mga materyales na kanilang kakailanganin.Heto na nga, matapos ang kulang-kulang isang oras na biyahe sa tricycle atmabilang ang mga pasa at bukol na aming inabot, uumpisahan na naming maglakbaypapaakyat ng kabundukan. Sa buong pag-aakala ko ay kakaunti lamang angnaninirahan sa Mascap ngunit nagkamali ako, napakaraming kabahayan ang nakatayorito at may mga negosyo at tindahang naririto, at batay na rin sa pagtatanung-tanong,ito pala ang nagiging sentro ng kalakalan ng mga taong nanggagaling sa kabundukan.Dito nila ibinebenta ang mga produktong uling, gulay at iba pa.Habang naglalakbay papaakyat, may mangilan-ngilang mga bahay kamingnadaanan ngunit malalayo na ang pagitan nito sa iba. Habang nakatanaw papaitaas ngbundok dahil sa kagustuhang makarating kaagad, may natanaw ako sa kalayuan na
animo‘y malaking tao, o doble ng laki ko na papasalubong sa amin. Pilit kong inaaninag
ang anyo dahil nagtataka ako na may mga higante pala sa lugar na ito. Sinabi ko ito samga estudyante ko at tiningnan rin nila, pilit din nilang inaninag ang tinutukoy ko, ngunit
di pa man din namin natatanaw nang tuluyan ay inunahan na kami ng aming ‗guide‘.―Hindi po malaking tao yan. May pasan
-
pasan po siyang mga sako ng uling kung kaya‘t
ganyan kataas
.‖ Ay, ganoon ba? Nang makalapit
-lapit ang aming kasalubong ay nakitako nga na puro sako ng uling ang kaniyang pasan-pasan. Limang sako ng uling nakayang-kayang pasanin ng isang lalaking hindi naman ganoong kalaki ang katawan.Hindi ako makapaniwala, limang sako? Dalawa rito ay nasa likuran niya na parang backpack, dalawa sa may bandang balikat at yung pinakamataas ay nasa ulunan niya.Napakahusay ng pagkakasalansan sa kaniyang katawan ng mga sako ng uling atmabilis pa niya itong naipapasan papaibaba ng bundok. Ito pala ang isa sa kanilangpinagkukunan ng ikabubuhay. Binebenta nila ang mga ito sa mga tindahan sa Mascap
 
SIYETE PALABRAS JENNIFOR L. AGUILARPage
3
of 
13
 
sa halagang P130.00 isang sako. Nakatutuwa na ring isipin, dahil magkakaroon siya ngP650.00 kapag naibenta ang kalakal. Ngunit hindi pa raw sigurado iyon, kasi, masmadalas na sinasabi ng pinagbebentahan nila ng uling na wala pang perang pambili
kung kaya‘t pinababalik na lang sila. Nakalulungkot isipin ang bagay na yun ha,
naisipko. Yung apat na oras na pagpasan ng uling pababa, tapos pagdating doon, walang
bibili? ―Iaakyat niya ulit yung uling?‖ Tanong ko. ―Hindi na po, sagot ng kausap ko,
iiwanan na niya doon at babalik na lang kapag may pera na yung bibili o kaya naman aypapayag na siya na palitan na lang ng mga delata at ibang produkto ang dala niyang
uling,‖ ―
Ganon
?‖ sabi ko. ―Aba‘y sobra namang mga mangangalakal yan! Tutubo na nga
sila sa uling, may tubo pa sila sa mga delatang ipinalit nila. Magaling na negosyanteang mga taga-Mascap ah!
Kunsabagay, walang magagaw
a ang mga katutubo dahilwala naman silang maaaring pagbentahan ng kanilang produkto maliban sa mgamangangalakal sa paanan ng bundok. Hindi mo tuloy masisi kung bakit maraming mganamumundok at pumapatay ng mga kapitalista dahil sa ganitong sistema na pinaiiral ngilan sa ating mga kababayan. Ang mga mahihirap, patuloy na naghihirap samantalangang mga kapitalista, patuloy na yumayaman. Hindi sa galit ako sa mga negosyante,pero sa ganitong sitwasyon na hirap na hirap na nga sa pagputol ng mga sanga ngpu
no ang mga taga Puray (bagama‘t pinagbabawal na ng gobyerno), tapos uulingin ito
sa loob ng tatlong araw, at paghihirapang ibaba sa kapatagan, ay babaratin lang atsasabihing walang pambili? Papalitan na lang ng ibang produkto? Nakasusulasok nasitwasyon! Hindi ko kayang sikmurain na kumikita ka nang malaki tapos yung mgataong dahilan kung bakit ka kumikita ay pahihirapan mo pa!Ganoon nga talaga siguro ang tao, sabagay, matapos gumawa ng napakaraminghimala ang Panginong Hesus, makapagpakain ng mahigit sa 5,000, tao, magpagalingng napakaraming may sakit, heto siya ngayon, nakapako sa Krus. Siya na matapos na
pakinabangan, dinusta pa‘t pinahirapan. Nauunawaan ko na kung bakit niya nasabi ang
unang wika
dahil sa kasakiman ng tao!
“Ama, patawarin mo sila; s
apagkat hindi nila 
nalalaman ang kanilang ginagawa.” 
Ikalawang Wika: 
“Katotohanang sinasabi ko sa iyo,
 Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso.
” 
 
Lucas 23:43 
Nakasakay ako sa jeep papunta sa pamantasang aking pinagtuturuan nang mayumakyat na isang batang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad siyam o sampu. Yumukoito at isa-isang pinunasan ang mga sapatos ng mga pasahero ng kaniyang basahangmas marumi pa yata kaysa sa sapatos na suot ko. Matapos madampian ng kaniyangbasahan ang lahat ng paa ng mga pasahero ay tumayo ito at nanghingi ng pera nabakas ang pagmamakaawa sa mukha upang matinag ang mga puso ng mga pasaheroat magbigay sa kaniya. Ngunit sa halip na pera ay isang malakas na bulyaw ang narinig
nito sa aleng aking katabi at nagwikang, ―Nasaan
ba ang mga magulang mo athinahayaan kang ganyan? Mga walang kwentang mga magulang yan at pinababayaan
ang kanilang anak sa kalsada!!!‖ Upang hindi na mapahiya ang bata ay inabutan ko ito
ng limampiso nang sa gayon ay mabago ang atmospera sa loob ng sasakyan, pero ako
naman ang binalingan ng mahaderang ale. ―Bakit mo binibigyan? Pangra
-rugby lang
niya yan, kaya tayo hindi umuunlad eh, kasi kinokunsinte ninyo ang mga ganyan!‖Hindi ako nakapagpigil at nasagot ko ang pakialamerang ale. ―Gaano ho kayo

Activity (3)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 thousand reads
1 hundred reads

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->