You are on page 1of 10

ARALIN 3: ALIN ANG DAPAT ILAPAT SA TAONG NAGKASALA: PARUSA O PAGPAPATAWAD KATANGIAN NG BALAGTASAN MGA PAHAYAG NA NANGANGATWIRAN AT NAGPAPALIWANAG

ANTAS 1: INAASAHANG BUNGA Naipapamalas ang pag-unawa sa isang balagtasan sa pamamagitan ng mga pahayag na nangangatwiran at nagpapaliwanag. Mga Kakailanganing Pang-Unawa Mahahalagang Tanong Mahalagang magkaroon ng malawak na Bakit kinakailangang maalam sa paksang kaalaman sa paksa ang mga pinagtatalunan ang kapwa mambabalagtas upang maipaliwanag o mambabalagtas? mapangatwiranan nila ng mahusay ang kani-kanilang panig. Sa isang balagtasan, mahalaga ang paggamit ng mga pahayag na nangangatwiran at nagpapaliwanag upang mahikayat ang mga tagapakinig Paano nakakatutulong ang pagkakaron ng kaalaman at kakayahan sa paggamit ng mga pahayag na nangangatwiran at nagpapaliwanag sa isang balagtasan?

Kaalaman

Kasanayan

Katangian ng isang balagtasan Magamit sa isang usapan ang mga pahayag na nangangatwiran at Mga pahayag na nangangatwiran at nagpapaliwanag. nagpapaliwanag Antas 2: Pagtataya Antas ng Pagganap Katibayan sa Pagganap Paggamit ng mga pahayag Makilala ang mga pahayag na nangangatwiran at nagpapaliwanag sa nangangatwiran at nagpapaliwanag isang usapang sitwasyunal batay sa mga sumusunod na pamantayan: Malinaw ang mga pagpapahayag ng pagpapaliwanag at pangangatwiran Paggamit ng mga salitang transisyunal sa pagpapaliwanag o pangangatwiran

Antas 3: Plano sa Pagkatuto

I.

Pagtuklas A. Pagpapakita ng mga Larawan at pagbibigay-kahulugan sa mga ito bilang simbulo

B. Paglalahad ng Aralin : Pagbibigay ng kabuuang konsepto mula sa mga larawan

ARALIN 3: ALIN ANG DAPAT ILAPAT SA TAONG NAGKASALA: PARUSA O PAGPAPATAWAD

II.

Paglinang A. Pagpapaliwanag ng sumusunod na pahayag:

Sa isang kasalanang malaki, parusay dapat makamtam sa mumunti naming mali, dapat ay kapatawaran

B. Pagpapayaman ng Talasalitaan Basahin ang mga ipinaskil na matatalinghagang pahayag at piliin sa loob ng kahon ang mga kahulugan nito .

a. Kinakailangan ng pagbabago sa sistema ng pamahalaan upang pumayapa ang bansa b. Ang parusay dapat sa totoong nagkasala c. Konsensya ang magpapahirap sa isang tao kapag itoy nagkasala d. Pagpapatawad ang dapat ibigay sa nagkasalang nagsisisi e. Lalong gugulo at hihirap ang bansa natin kapag hindi umiral ang hustisya

1. May Parusang nakalaan ang sarili niyang budhi - Konsensya ang magpapahirap sa isang tao kapag itoy nagkasala 2. Ang parusay para lamang sa demonyong may pangil - Ang parusay dapat sa totoong nagkasala 3. Kamaliay isang batik, kaya nga ating mithi ay hugasan, ang narumhang pagkatao -Pagpapatawad ang dapat ibigay sa nagkasalang nagsisisi 4. Kapag hindi pinagdusa ang salaring asal-ganid, bansang Pilipinoy mauuwi sa limatik - Lalong gugulo at hihirap ang bansa natin kapag hindi umiral ang hustisya 5. Sa bahay ng bansang itoy takpan ang mga silat, Itaboy ang mga daga na maiging mangatngat-Kinakailangan ng pagbabago sa sistema ng pamahalaan upang pumapayapa ang bansa

C. Pagpapabasa ng Akda Babasahin / Bibigkasin ng mga piling mag-aaral ang balagatsan ( Unang Tindigan) Mga Gabay na Tanong: Ano ang paksa ng Balagtasan? Paano inilahad ng mga mambabalagtas ang kani-kanilang panig? Base sa akda, bakit kinakailangang isulong ang pagpaparusa sa isang pagkakasala? at ang pagpapatawad hinggil dito? Ano ang mensahe ng akdang binasa? Bakit kinakailangang maalam sa paksang pinagtatalunan ang isang mambabalagtas?

III.

Pagpapalalim 1. Pagsasagawa ng isang talkshow hinggil sa paksang: Kanino ba dapat ipagtapat ng isang Tinedyer ang kanyang Problema sa kanyang magulang ba o sa kanyang kaibigan? Mga Katanungan: Ano ang napansin niyo sa isinagawang talakayan kanina? Paano inilahad ng magkabilang panig ang kani-kanilang paniniwala? 2. Pagbibigay-Input ng guro hinggil sa mga pahayag na nangangatwiran at nagpapaliwanag at ang kaugnayan nito sa balagtasan. Ang pagpapaliwanag ay isang uri ng pagpapahayag na naglalayong linawin sa mga nakikinig o bumabasa ang isang bagay, gawain o pangyayaring hindi nila nauunawaan. - Sa Pangangatwiran, mahalaga ang pagkakaroon ng mga patibay, ang katibayan o ebidensya ay siyang magpapatunay sa katotohanan. Mula sa katotohanan, doon naman hahango ng konklusyo Mga halimbawa ng pahayag na nagpapaliwanag : Mahalaga ang papel na ginagampanan ng pag-iimpok sa pagpapasulong ng ekonomiya. Isa itong mekanismo ng ekonomiya upang makalikom ng mga pondo na gagamiting panustos sa pangangapital.

Mga halimbawa ng pahayag na nangangatwiran: Si Lena ang kumuha ng pitakang nawawala sapagkat nang buksan ang kanyang bag ay naroon ang pinaghahanap na pitaka.

Paano nakatutulong ang pagkakaroon ng kaalaman at kakayahan sa paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng pangangatwiran at pagpapaliwanag sa isang balagtasan?

D. Paglalapat : Paglalahad ng Pamantayan ng Pagtataya ng Presentasyon Pangkatang Gawain : Magbibigay ng magkakaibang sitwasyon ang guro sa bawat pangkat na magpapakita ng mga pahayag na nagpapaliwanag at nangangatwiran sa pmamagitan ng isang skit. Pangkat 1: Sitwasyon : Ginabi ka ng uwi mula sa isang lakad na hindi mo naipagpaalam sa iyong mga magulang at nadatnan mong naghihintay ang iyong mga magulang, Paano mo ito haharapin? Pangkat 2: Sitwasyon : Nahuli ka ng gising ng maalala mong may lakad ka ng maaga. Agad kang nagbihis at tinungo ang lugar na napag-usapan, at nadatnan mo ang iyong kasamang inip na inip na naghihintay.Paano ka magpapaliwanag sa kanya? Pangkat 3: Sitwasyon : Nagalit sa iyo ang iyong mga kagrupo dahil sa hindi mo pagsipot sa pagsasanay ng inyong presentasyon noong Sabado, paano mo sila papaliwanagan hinggil sa iyong rason? Pangkat 4: Mag-aaplay ka sa isang Scholarship program at kailangang makumbinse mo ang mga opisyal na ikaw ay karapatdapat sa programa, paano mo ito gagawin?

Rubriks sa pagtataya ng isang Usapang Sitwasyunal PAMANTAYAN Paggamit ng mga salitang transisyunal sa pagpapaliwanag o pangangatwiran 6 Nagamit ang mga salita/pariralang transisyunal sa usapan 8 Angkop ang mga ginamit na salitang / pariralang transisyunal sa 10

Nagamit ang mga angkop na salitang transisyunal /pariralang transisyunal sa usapan


Malinaw at maayos ang pagpapahayag ng pagpapaliwanag sa sitwasyon

Kalinawan ng mga pahayag ng pagpapaliwanag at pangangatwiran sa sitwasyon.

Maayos ang pagpapahayag ng pagpapaliwanag at pangangatwiran sa sitwasyon

Malinaw ang pagpapahayag ng pagpapaliwanag ng pagpapaliwanag Sa sitwasyon.

E. Pagtataya: Tukuyin kung ang pahayag ay nangangatwiran o nagpapaliwanag 1. Bukod sa pagiging isang manunulat, si Genoveva Edroza- Matute ay kilala rin bilang isang manunulat. 2. Magaling magsulat ng lathalain si Mygel kaya siya ang napiling ilahok sa paligsahan. 3. Nagkaroon ng sakit sa baga si G. Cruz dahil sa malakas nitong paninigarilyo. 4. Itinuturing na mga bagong bayani ang mga OFW at sapagkat nakikipagsapalaran sila sa ibayong lupain para kumita ng pera. 5. Palibhasay nag-iisa na lamang sa buhay, nagpasya si Gng. Rivera na magtungo sa Amerika upang magliwaliw. F. Sintesis -May isang mag-aaral na tatayo bilang isang reporter na magsasagawa ng ambush interview sa kanyang mga kamag-aral hinggil sa natutuhan nila mula sa araling tinalakay. G. Takdang Aralin:

Basahin ang akdang Sino ang Higit na Nakatutulong sa Magulang: Anak na Lalaki o Anak na babae? p. 109-118, Tudla II. at sagutan ang mga katanungan sa p.120

Pangkat 1: Sitwasyon : Ginabi ka ng uwi mula sa isang lakad na hindi mo naipagpaalam sa iyong mga magulang at nadatnan mong naghihintay ang iyong mga magulang, Paano mo ito haharapin?

Pangkat 2: Sitwasyon : Nahuli ka ng gising ng maalala mong may lakad ka ng maaga. Agad kang nagbihis at tinungo ang lugar na napag-usapan, at nadatnan mo ang iyong kasamang inip na inip na naghihintay.Paano ka magpapaliwanag sa kanya?

Pangkat 3: Sitwasyon : Nagalit sa iyo ang iyong mga kagrupo dahil sa hindi mo pagsipot sa pagsasanay ng inyong presentasyon noong Sabado, paano mo sila papaliwanagan hinggil sa iyong rason?

Pangkat 4: Mag-aaplay ka sa isang Scholarship program at kailangang makumbinse mo ang mga opisyal na ikaw ay karapatdapat sa programa, paano mo ito gagawin

Ang Pagpapaliwanag Sa lahat ng uri ng pagpapahayag ay pinakagamitin ang pagpapaliwanag. Ang malaking bahagi ng karaniwang pagsasalita at pagsulat ay nagpapaliwanag. Maraming bagay sa ating paligid ang nagaganap na kinakailangang bigyan ng malinaw at mabisang paliwanag. Sa paaralan, ang mga guro ay may obligasyong magpaliwanag ng kanilang itinuturo sa mga estudyante, gayundin naman sa kapwa nila guro at kasamahan. Ang isang magulang, kadalasan ay nagpapaliwanag din ng mga bagay na dapat matutuhan ng mga anak sa loob at labas ng tahanan. Ang isang manggagamot ay gayon din ang ginagawa sa pasyente upang malinawan niyang ganoon at ganito ang kanyang karamdaman at ang dapat gawin upang masugpo o mapagaling ito. Halos lahat ng 10 propesyon ng tao ay nangangailangan ng paliwanag. Masasabi nating nasa mabisang pagpapaliwanag nakakamit ang anumang ninanais natin. Ang pagpapaliwanag ay isang uri ng pagpapahayag na naglalayong linawin sa mga nakikinig o bumabasa ang isang bagay, gawain o pangyayaring hindi nila nauunawaan. Ang pagpapaliwanag ay magagawa sa mga sumusunod na paraan. Halimbawa: 1. Paraan ng pagsasagawa ng isang bagay 2. Kabutihang dulot ng isang bagay 3. Naging bunga ng isang pananaliksik/eksperimento 4. Pagbibigay-katuturan 5. Kinalabasan ng isang pangyayari 6. Pagpapakahulugan 7. Pagbabalita Mga dapat tandaan sa mabisang pagpapaliwanag

1. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa paksa. Nararapat lamang na ang pagpapaliwanag ay may sapat na kaalaman sa paksa. Hindi maipapaliwanag nang maayos ang isang bagay na hindi gaanong nauunawaan ng nagsasalita o sumusulat. 2. Ilagay ang sarili sa kalagayan ng pinagpapaliwanagan. Mahalagang magkaroon ng katugunan ang mga katanungang manggagaling sa mga mambabasa o tagapakinig. 3. Gawing ganap ang pagpapaliwanag. Lahat ng dapat ipaliwanag ay kailangang nasa isip at maayos na inilalahad. Hindi lubos na nauunawaan ang pagpapaliwanag kung may mga bagay na nakaligtaan. 4. Ihanay nang wasto ang mga pangyayari at mga kaisipang ipaliliwanag. Ang mga pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at kaisipan ay kailangan upang higit na maging malinaw at mabisa ang pagpapaliwanag. 5. Iangkop ang mga pananalita sa gulang, kaalaman at karanasan ng mambabasa o tagapakinig. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang mga katanungang lihis sa nais ipaliwanag. 6. Simulan kaagad ang paliwanag sa paraang direkto. Dapat iwasan ang paggamit ng maliligoy o nakalilitong pangungusap o pagpapahayag. Hango sa Filipino sa Makabagong Panahon 11 Mga halimbawang pangungusap 1. Ang isa sa dahilan ng paghihirap ng maraming bansa ay ang di-wastong paggamit ng kanyang sangkap pamproduksyon. 2. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng pag-iimppok sa pagpapasulong ng ekonomiya. Isa itong mekanismo ng ekonomiya upang makalikom ng mga pondo na gagamiting panustos sa pangangapital.

You might also like