makatulong sa pagkamit ng minimithing bukas. Para sa Ikaanim na Baitang,ang pokus ay ang
Sibika.
Tumatalakay ito sa ugnayan ngtao at ng pamahalaan; mga karapatang tinatamasa, bahaging dapatgampanan, tungkulin at pananagutan bilang mamamayan.Ang
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
ay nakatuon sapaglinang sa pagiging responsable at karapat-dapat nakasapi ng tahanan na magiging daan sa pagpapatatag ng pamilya. Ang mgagawain ay nagbibigay-diin sa paglinang ng kanais-nais nasaloobin, batayang kasanayan at mga gawi sa paggawa sa pamamagitan ngmga araling may kaugnayan sa pang-araw-araw na gawainsa tahanan, paaralan at sa pamayanan at ang paglikha ng mga bagay nakapaki-pakinabang.
2
Ang mga aralin na ituturo sa bawat buwanang pagmamarka ay sumasaklawsa edukasyong pantahanan, agrikultura, sining pangindustriya,tingiang pangangalakal at impormasyong teknolohiya.Sa pamamagitan nito, mabibigyan ang mga bata ng mga karanasan sa mgakasanayan para sa iba’t ibang hanapbuhay. Isangkatangian ng pagtuturo ng asignaturang ito ang pagiging flexible upangmatugunan ang mga pangangailangang lokal at panrehiyon.Gayundin, ang mga paaralan ay binibigyan ng laya sa pagpili ng mgagawaing sadyang angkop sa karanasan ng mga bata.Sa
Musika, Sining at Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan (MSEP)
ang mga bata ay nakapagpapahayag ng kanilangdamdamin, ideya, at imahinasyon. Sa pamamagitan ng musika, sining atedukasyong pagpapalakas ng katawan, at iba pang malikhainggawain at proyekto, malilinang ang pagpapahalaga sa mga katutubo atkontemporaring sining. Bibigyan ng pagkakataon ang mga batana magamit ang kanilang natutuhan sa mga gawaing nakaaaliw. Habangpapataas ng baitang ang bata, ang kaangkupang pisikal atmga kasanayang panlaro (lead-up games), musika at pagkamalikhain sa disenyo at craft constructionay higit pang lilinangin.Ang
Edukasyon sa Kagandahang Asal at Wastong Pag-uugali (EKAWP)
ay isasanib sa lahat ng antas. Ito ang mga batayangpagpapahalaga na likas sa bawat asignatura.
MGA INAASAHANG BUNGA SA MAKABAYAN
MITHIIN:Nakapagpapakita ng:sapat na kaalaman at kamalayan sa mga pambansangpagkakakilanlan, kapaligiran at pagpapaunlad ng kabuhayan,agham at teknolohiya;mapanuri at malikhaing pag-iisip tungo sa mapanagutangpagpapasya sa mga isyu ousaping kinakaharap;pagpapahalaga sa sining, musika, laro, sayaw at iba pang bahagi ngkultura gayundin sa pagiging Pilipino at sa kanyang
Add a Comment
reaganlapuzleft a comment
Onz Alvarezleft a comment
maeshelle25left a comment
lacezeryleft a comment
argie09left a comment
Bea Banesio replied: