You are on page 1of 2

Guro, ikay tagahubog ng Sangkatauhan

Katha ni: Quennie N. Quiobe BSEd 2A

Patuloy ang hindi pagbibigay halaga sa mga guro sa kasalukuyan, silay minamaliit at minsan pay kinukutya ng lipunan. Bakit? Dahil ba tinatama at pinupuna nila ang mali? Dahil nagtuturo sila ng mabuting asal? Mga kaibigan, akoy nasa ikalawang taon ng pag-aaral sa Edukasyon at ngayon pa lang sinasabi kong akoy hindi nagkamali ng piniling propesyun, pagkat ang pagiging guro na yata ang pinakamahalagang bagay sa lahat, isang propesyong walang paghahangad na pagkamal sa salapi kundi ang makatulong. Marahil marami sa inyo ang nag-iisip na mahirap at lubhang nakakapagod ang maging guro. Hindi naman nakapagtataka, sino nga ba ang gugustuhing makipagtagisan ng tatag na loob sa mga makukulit at maiingay na mga estudyante? Gusto kong sabihing nagkakamali kayo ng akala kong iniisip ninyong isang nakakapagod na propesyun ang pagiging guro, dahil kung mahal mo ang pagtuturo at pagbibigay pag-asaisa lang ang maiisip mo Isang karangalan ang makapaghubog ng matino at mabuting mamamayan. Maaga pang sabihing halos alam ko na ang mga Gawain ng isang guro pagkat akoy nagsisimula pa lamang, ika nga marami pa akong bigas na kakainin ngunit masasabi kong akoy natututo at nakaintindi sa mga bagay na sa akiy tinuturo. Napakaraming pagsubok marahil ang masasabi kong naranasan ko na at masasabi kong mararanasan ko pa lamang, sa pinili kong propesyun pero sinasabi ko, hindi ako susuko! Ang aking ina na aking inspirasyon sa pagpili ng kurso ay isa ring guro. Araw-araw, sa tuwing siyay uuwi galing sa klase ay hindi ko maiwasang magtaka kung bakit sa buong araw ng pagtuturo niya sa mga estudyanteng alam kong maiingay at makukulit ay nagagawa niya pa ring ngumiti at sabihing mahal niya ang trabaho niya. Nagkukwento siya tungkol sa mga nangyayari sa paaralan at mga estudyante niya at sa ngiti at katuwaang nakikita ko sa kanyang mukha ay masasabi kong isang ulirang guro ang aking ina. Siya ang idolo ko pagdating sa mga bagay-bagay. Kaya naman ang pagiging guro rin ang pinili kong maging, dahil naniniwala akong tulad niya, ay kayak o ring maging taga hubog ng tao. Kayong mga nagbabasa, sana ay nagkaroon kayo ng tila tawag sa aking mga sinambit, huwag nating ipagmaliit ang pagiging guro dahil ang presidente, mga opisyal ng gobyerno at ilang mga mga taong kilala, wala sila sa katayuan nila kung hindi sa mga guro.

(Isang Paglalahad) Katha ni: Quennie N. Quiobe BSED 2A Sapat na ba ang paghahanda at malawakang evacuation sa tuwing may bagyo upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan? Kung gayoy bakit patuloy pa rin ang pagkakaroon ng hindi maiwasang pagkamatay ng isang tao? Ito bay dulot ng kapabayaan o sadyang resulta ng pagkakaroon natin ng matigas na ulo. Bilang isang estudyante nagging isang palaisipan na para sa akin kung bakit, tayong mga Pilipino ay sadyang likas na matigas ang ulo, halimbawa sa sitwasyon ngayon, hindi bat nagkaroon na ng nationwide broadcast na delikado kung mananatili ang mga tao sa kanilang mga bahay lalung-lalo na sa mga malapit sa mga ilog pagkat malaki ang posibilidad na ito ay tumaas at magkaroon ng baha, hindi bat pinayuhan na silang lumikas para na rin sa kanilang kabutihan? Ngunit ano ang isinagot nila sa panawagang ito? Nanatili sila sa kanilang mga bahay pagkat naroroon raw ang kanilang mga ipinundar, mas mahalaga ba ang material na bagay kaysa sa buhay mo, madadala mo ba ang mga ipinundar mo sa kabilang buhay? Isa lang ang maaaring kalabasan ng desisyong ito, kasama kang aanurin ng ipinundar mo. Dati pa pinapayuhan ang mga mamamayan malapit sa mga creek at dam, na huwag magtatapon ng mga basura sa mga ito, ngunit bakit ba marami pa rin ang inaanod na mga plastic wrappers at mga ginamit na mga diapers sa tuwing may baha? Hindi na talaga alam ng mga tao kung an gang tinatawag na basurahan. Ano ba ang masama kung itatapon natin ang mga kalat sa tamang lugar? Isa pang nakakalungkot na sinaryo ay ito, sa gilid ng tulay, kung saan sa ilalim ay ilog, ay may basurahan ngunit bakit ang diretso pa rin ng ating pagtatapon ay papunta sa ilog? Ang siste, walang lamang ang basurahan, malinis habang ang ilog ay maraming lumulutang na mga basura na tila kumakaway-kaway pa sa mga dumaraan, siguroy natutuwa lamang ang mga tao kapag nakikitang umiikot-ikot pa ang mga tinapong basura sa ilog. Isa na namang nakakadagdag sa aking konklusyon kung bakit likas na matigas ang ulo ng mga Pilipino ay ang mga kaganapan sa mga evacuation center, bakit ba kahit alagang baboy ay kailangan pa nilang isilong sa lugar kung saan natutulog ang ibang tao? Totoong may buhay rin ang mga hayop ngunit hindi ba nila naiisip ang maraming mikrobyo at sakit na maaaring idulot nito lalung-lalo na sa mga bata? Sa tuwing mayroong distribusyon ng relief goods talamak ang tulakan at unahan na para bang wala ng bukas, kahit may sumisigaw sa unahan ng Pumila lamang po tayo ng maayos. Tunay nga naming napakatigas ng ulo ng mga Pilipino, siguro nga ay papasa na ito bilang isa sa mga katangian natin maliban sa pagiging hospitable.

Pinoy, Bakit Likas ang Katigasan ng Iyong Ulo?

You might also like