Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Look up keyword
Like this
3Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
2nd_draft[1]

2nd_draft[1]

Ratings:

5.0

(1)
|Views: 472|Likes:
Published by api-26570979

More info:

Published by: api-26570979 on Oct 16, 2008
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

05/09/2014

pdf

text

original

Sulo Article
To: FE

From: Debbie Anne L. Salvamante
Book Review: \u201cBuwan, buwan hulugan mo ako ng sundang Dalawang Dekada ng Maiikling Kwento\u201d ni Lualhati Bautista
2nd Draft

Pagsilip sa Lipunang Pilipino

\u201cAng pagsusulat ay aktuwal na pagsasatinig ng mga kwentong binuo sa isip at dinama ng puso ng isang manunulat. Nagsusulat ang manunulat dahil may gusto siyang sabihin, at anuman ang gusto niyang sabihin ay bagay na inisip na muna niyang mabuti. Dinadama muna niya ang damdamin ng kanyang mga tauhan, sinasala, sinusuri, tinitiyak.\u201d --- Lualhati Bautista

Minsan na ring naisip ng mga kilalang manunulat na tulad ni Lualhati Bautista ang takot. Takot na magamit na ng ibang manunulat ang mga ideyang sumibol din sa kanyang isipan. Ngunit sa pagkakataong ito, matagumpay na naipagsama-sama ni Lualhati Bautista sa antolohiyang \u201cBuwan, buwan hulugan mo ako ng sundang Dalawang Dekada ng Maiikling Kwento\u201d ang mga piling gawa na naisulat sa buong panahon niya bilang manunulat, bago siya tuluyang nahatak ng nobela, telebisyon, at iba pang linya ng pagsusulat.

Mapapansing sa unang bahagi ng libro, umiikot lamang ang mga istorya tungkol sa pag-ibig, ngunit habang papasok ang dekada \u201970, nagsimula ng magsulat si Lualhati Bautista ng may kinalaman sa kalagayang panlipunan. Nagkaroon ng transisyon sa mga isyung nakapaloob sa kanyang mga akda. Iba\u2019t ibang isyung sumasalamin sa kalagayan ng mga ordinaryong mamamayan sa lipunan.

Pagkakabuklod ng Pamilya

Sa \u201cApat na Kwento ng Pag-ibig\u201d, masasalamin ang pagiging masayahin ng pamilyang Pilipino. Mapapansing sa kabila ng kabiguan sa buhay, nakukuha pa nilang maging maligaya. Ang pagiging buo ng pamilya at pagkakaroon ng matibay na relasyon ng bawat isa, ang siyang nagiging dahilan kung bakit mas matibay ang pundasyon ng pamilyang Pilipino.

Sa isang kwentong nakapaloob sa aklat, ang \u201cKatugon ng Damdamin\u201d, lumutang ang naisin ng mag-asawang Helen at Vic na magkaroon ng isang anak. Nasira ang pangarap nilang makapagtatag ng isang pamilya, at maging mabuting ina at ama. Matatag na tinanggap ito ni Helen at siya pang nagmulat sa asawa nitong si Vic sa kanilang sitwasyon. Dahil dito, napagpasyahan nilang kupkupin ang batang kalye upang magkaroon sila ng katuwang sa buhay. Sa akdang ito, makikita ang kagustuhan ng mga mag-asawa na magkaroon ng anak. Gagawin nila ang lahat upang mapalaki ang mga ito ng mabuti.

Sa mga pagkukulang na nagagawa ng anak, tulad ng kwentong \u201cPapasko kay Aling Andang\u201d, patuloy pa ring bukas ang isipan ng isang ina na may pag-asa pa ring magbago ang kanyang anak. Hanggang sa huling kabanata ng kanilang buhay, sadyang hindi pa rin kumukupas ang pagmamahal nila

sa kanilang anak. Nakatutuwang isipin na likas na sa kababaihan ang pagiging butihing ina. Isang ina na
nagbibigay ngunit hindi humihingi. Nakikinig ngunit hindi nanunumbat.

Naipamalas din dito ang pagmamahal ng anak na si Ricky kay Aling Andang. Kahit na nakakulong si Ricky, pilit niyang ginawa ang lahat upang dalawin ang kanyang ina sa araw ng Pasko. Inilihim nito ang katotohanang siya\u2019y nakakulong at sinabi na lamang sa ina na siya ay nagnenegosyo. Sa akdang ito, makikita ang pagmamahal ng anak sa kanyang ina. Pinilit niyang ilihim ang lahat upang hindi mabigyan ng sama ng loob ang inang may katandaaan na. Napapanahon ang isyung ito lalo na sa mga kabataang naliligaw ng landas. Dahil sa pagkalulong nila sa mga bisyo, nalalayo na sila sa kanilang mga magulang. Ngunit sa huli, ang magulang pa rin ang tangi nilang malalapitan sa oras ng kagipitan.

Isa ding kwento ng relasyon ng anak sa magulang ang tinatalakay sa \u201cAng mga Anak ni Mang Gusting\u201d. Dahil sa may katandaan na si Mang Gusting, ang mga anak na nitong sina Fely at Letty ang siyang nag-aalaga dito. Ngunit pinagtatalunan ng magkapatid na ito kung saan nga ba ititira ang matanda dahil para sa kanila, isa na lamang pabigat sa buhay ang kanilang ama. Ang pagmamahal na dati\u2019y iniukol nila sa ama ay natabunan ng konsomisyong idinudulot nito sa kanila. Ngunit sa huli, napagtanto din ng magkapatid ang halaga ng kanilang ama dahil sa ito ang nagpalaki sa kanila at panahon na upang sila namang mga anak ni Mang Gusting, ang siyang dapat na mag-alaga dito.

Sa kwentong \u201cAlkansiya ni Tonyo\u201d, mapapansing dahil sa pagmamahal ni Taleng sa kanyang anak, nais nitong ito\u2019y magkaroon ng magandang buhay kaya naman napagpasyahan ni Taleng na ipaampon ang sariling anak. Kung susuriin, ito\u2019y isang maling paraan upang maitakas ang anak sa kahirapan ng buhay, ngunit dahil sa kahirapang dinanas ng ina, malaki ang takot niyang maranas ito ng anak. Kaya naman, tuluyan nitong pinaampon ang bata, labag man ito sa kanyang kalooban.

Pinapakita rin sa akdang ito ang pagmamahal ni Tonyo sa kanyang asawang si Taleng. Sa pagmamahal nito, nagawang mag-ipon ni Tonyo ng pera upang makita ni Taleng ang pinaampon niyang anak sa Maynila. Kahit na pinayagan ni Tonyo si Taleng na lumuwas ng Maynila upang hanapin ang kanyang anak, naisip naman ni Taleng ang kalagayan ni Tonyo. May katandaaan na si Tonyo at maaaring kakaunting panahon na lamang ang mailalagi niya sa mundong ito. Kaya naman pinili ni Taleng na manatili sa kanilang tirahan kasama si Tonyo. Mapapansin sa akdang ito ang pagmamahalan ng mag- asawa lalo na kung batid ng mga ito na kaunting panahon na lamang ang nalalabi sa kanilang buhay.

Pag-ibig sa Tinubuang Pilipino

Ang \u201cIsang Panama ng Digmaan\u201d ay ang siyang nagpamalas ng likas na kabutihan ng isang babae. Sa mga pangyayaring niloko ni Ben ang asawang si Linda at ang pagkakaroon ng anak sa iba, nagawa pa ring tanggapin ni Linda ang anak ni Ben at Su-Li na si Benjie. Pumaimbabaw pa rin ang awa at ang pagmamalasakit ni Linda sa kabila ng katotohanang ang sanggol na si Benjie na inaalagaan niya ay ang bunga ng pagmamahalan ng asawa niya at ni Su-Li. Maihahalintulad ito sa kasalukuyang panahon kung saan ang ibang mag-asawa ay naghihiwalay at madalas na tinatalikuran ng lalaki ang babae upang maghanap ng ibang makapagdudulot sa kanya ng kaligayahan, kasabay ng pagtalikod nito

sa kanyang responsibilidad bilang isang ama. Madalas itong nararanasan ng mga kababaihan sa ngayon, na nagiging dahilan upang lalong magpakatatag at maipakita sa mga anak nito ang kasiyahan ng buhay sa kabila ng pait na nararanasan ng ina.

Ngunit bukod sa pagkakaroon ng isyu sa third party, lumitaw rin dito ang isyu ng nasyonalismo. Dahil sa nasyonalismo, nagawa ni Ben na sumama sa batalyon ng Philcag, isa sa mga grupo ng ga inhinyerong ipinadala ng Pilipinas sa Vietnam. Kahit na ang pagpunta ni Ben sa digmaan sa Vietnam ay tinutulan ni Linda, nagpatuloy pa rin ito hindi dahil sa doble ang kikitain niya roon, ngunit dahil sa kagustuhan nitong makatulong sa bayan.

Marami ang nakararanas ng parehong sitwasyon na nakapaloob sa akda. Katulad ni Linda, naiisip din ng iba kung bakit kailangan pang magpatayan ang mga tao dahil sa iba-ibang layunin at ilayo ang isang mahal sa kapwa mahal? Dito pumapasok ang nasyonalismo kung saan isinasakripisyo ng ilan, lalo na ng mga sundalo, ang kanilang buhay, kapalit ng kaligtasan ng nakararami.

Nasyonalismo rin ang isyung nakapaloob sa akdang \u201cAng Paraiso ng mga Anak ni Lolo Ipe\u201d. Mistulang isang paraiso ang tingin ng mga anak ni Lolo Ipe sa bansang Amerika. Bawat isa sa kanila\u2019y pinagarap na manirahan roon. Ngunit kabaligtaran ito sa pananaw ni Lolo Ipe. Dahil na rin sa isa itong mangingisda, ang tirahan niya sa may dalampasigan at ang pangingisda ang siyang nagbibigay-saya sa kanya. Hindi sumagi sa isipan niya ang manirahan sa Amerika at mas pipiliin na lamang niyang malagutan ng hininga sa kanyang bayang sinilangan. Labag man sa kalooban nito, nanirahan siya sa Amerika dahil sa kagustuhan ng kanyang mga anak. Dahil sa labis na kalungkutan, nangayayat ito at namatay. Nakita rin sa mga gamit ni Lolo Ipe, ang mga inipon nitong dolyar upang ipantustos sa pamasahe nito pabalik ng Pilipinas. Sa huli, iniuwi ang bangkay ni Lolo Ipe sa Pilipinas at itinabi ito sa labi ng asawa.

Mapapansin dito ang pagmamahal ng matanda sa kanyang bayan. Hindi nito pinangarap na makatuntong sa ibang bansa dahil sa kuntento na ito sa simpleng pamumuhay sa sariling bansa. Marami sa mga Pilipino ngayon ang lumilipad patungong ibang bansa upang magkaroon ng mas magandang buhay. Matapos mag-aral sa Pilipinas, sa ibang bansa sila naghahanapbuhay dahil sa mas mataas na sweldong kikitain.

Pagkamit ng Hustisya

Sa kwentong \u201cGatas\u201d, naipakita ang kahirapan ni Emily sa pagtustos ng pangangailangan ng kanyang mga anak, ang gatas para sa kanyang bagong-silang na sanggol, at ang mga gamot na kailangan ng kanyang asawa dahil sa sakit nito. Napagpasyahan nito na makipagrelasyon sa iba upang mapunan lamang ang mga pangangailangan nila. Napag-isipan nito na makipag-one night stand ngunit hindi naman ito natuloy.

Sa akdang ito, nasasalamin ang mga pangyayaring nagtutulak sa ilang kababaihan upang ibenta
ang kanilang dignidad. Minsan sa hirap na dinaranas ng mga babae, tuluyan silang napipilitang gawin

Activity (3)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 hundred reads
1 thousand reads
Heaven Fortuna liked this

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->