You are on page 1of 3

Quiban, Federico Jr. Y.

BBrC II-1D

Kailanma’y hindi magtatagpo ang liwanag at kadiliman… Dalawang


pwersang kailanman ay hindi magtatagpo at hindi magkakasundo… Ang araw ay
para sa liwanag at ang buwan ay para sa kadiliman. Ganito nga ang takbo ng
kwentong ito.

Magtatanghali na, hindi magkanda-ugaga si Sol sa pagtakbo papunta sa


kanyang klase sa Pisika. Hapong-hapo siyang tumingin tingin sa pinto ng kanyang
silid-aralan at pagtingin niya rito ay isang pamilyar na mukha ang bumulaga sa
kanya, “Sol Aurora! late ka na naman sa klase ko? Sige, ipagpoatuloy mo lang yan…
bibinggo ka talaga sa akin,” bungad ng teacher niya sa math. “sorry sir, na-late po
ako, traffic po kasi eh…” sagot niya. “Anong late? Kung alam mo naming male-late
ka, dapat inagahan mo na ng gising, I would not take that as an excuse, total minsan
ka lang magpakita sa klase ko dahil halos palagi ka naming late dito! Kita kita ulit
tayo next year!” babala ng guro. “Sir naman, promise po! Aagahan ko na ang
pagpunta, I’ll do my best sir… Nyahaha!” sagot ni Sol. Pumasok na ng classroom
niya si Sol, paypay konti sa sarili dahil sa init at yun nga, imbis na buksan ang aklat,
kinuwrnto niya yung nangyari sa pinanood niya kagabi na palabas sa Animax.

Makalipas ang ilang minuto ay mayroon uli’t na kumatok sa pinto ng silid-


aralan. “hindi naman pala ako sir ang late eh, meron pa, baka si Jopay yan, nakita ko
yun kagabi sumasayaw sa park eh, nagpa-practice, haggard-haggardan… nyahaha!!!”
panlalait ni Sol. “ito na yata yung sinabi sa akin ni principal kaninang umaga, yung
bago niyong kaklase. Bukas yan! Pasok, pasok!” sabi ni sir. Pagbukas ng pinto, may
pumasok na bagong kaklase, lalaki siya, nagtinginan ang mga babae at nagtaasan ng
kilay ang mga kalalakihan. “Waaaaah!!! Sir! Sir! Siiiiir1” sigaw ni Sol. Naghiyawan
ang mga kababaihan, lalong nangibabaw ang boses ni Sol, maloloko ka talaga kay
Sol. Aakalain mo sa unang tingin na pino siyang kumilos dahil sa kagandahan niya,
malumanay at mabait ang ugali. Pero pag tinignan mo pa ng mas malapit eh sunotk
ang aabot sa ‘yo. Pilya siya, masayahin, mahilig magbiro, hindi takot sabihin ang
gusto niyang sabihin, mahilag maging late, bagsak minsan sa mga quiz at wala ng
ibang ginawa kundi ang makipag daldalan. Yan si Sol, isang happy go lucky na
teenager na kinatutuwaan ng lahat, kahit naman lumalagapak siya sa pag-aaral niya,
gumagawa siya ng paraan pare kahit man lang 80 grade niya, huwag lang mag-line of
7.
Tuwang tuwa ang mga kababaihan ng makita nila na ang bago nilang kaklase
ay lalaki, paano naman kasi, may lalaki nga sa klase nila, mga bakla naman, kung
may lalaki man, walang itsura. Pero sa kabila ng hiyawan, nanahimak paunti-unti ang
mga babae. “Girl, itanong kaya natin ngayon no?” bulong ng isang babae sa kaklase
niya. “Naku girl, sana naman jockpot toh… Lord, huiwag niyo naman po sanang
pagkaitan kaming 4-C ng lalaki, grabe po lord, hindi ko na kakayanin kung pati yan,
pa-mhin lang… huhuhu…” dasal ng isa. Nang tumahimik na ang lahat, binasakg ni
sol ang katahimikan. “Sir! May itatanong po ako sa bago naming classmate!” bulalas
ni Sol. “Ms. Aurora, hindi ko pa nga siya pinapakilala eh nagsimula ka na naman.
Anyway class, I would like you to meet your new classmate all the way from
nowhere.” Sambit ni sir. “uhmm, I’m Aquilus Caliga, galling akong probinsya namin,
may gera don kaya nagpa-transfer ako, you can call me Aquil or Kiki for short. Nice
to meet you classmates.” Bati ni Aquil. “Bakla ka ba?” tanong ni Sol. “Woah!
Nakakabigla naman yung tanong mog, anyways, hindi po. Lalaki po ito, mahilig ding
bumili ng FHM paminsan-minsan” ngiting sagot ni Aquil. Naghiyawan at
nagpalakpakan ang mga tao sa klase, tuwang tuwa sila sa sinabi ni Aquil. Meron na
silang gwapong kaklase na totoong lalaki.

“Oh okay, Mr. Caliga, you may take your seat right beside Ms. Aurora. The
one who asked if you’re gay by any chance. Okay let’s start our class.” Lumapit na si
Aquil sa upuan niya at nagkangitian sila ni Sol. Kinamusta niya ito at kinausap ng
kinausap. Kung anu-ano ang ikinuwento ni Sol kay Aquil, mula sa mnga pinanood
niya sa animax, kasama na rin yung napanood niya sa mga foreign channels sa cable
nila. Tuwang tuwa si Aquil skay Sol at palagi itong ngumingiti sa bawat kwento niya.
Matatapos na ang first term at nagkukwento pa rin si sol sa kanya. Nabato na’t lahat
siya ng teacher niya pero wala pa rin siyang pakialam. Kwento lang talaga ng kwento
ng walang tigil.

“Quil, quil na tawag ko sa ‘yo ha? Kakapagod sabihin pag aquil eh.. kain
tayo?” yaya ni Sol. “sige ba, samahan mo ako, wala pa talaga akong alam dito sa
school. Ikaw pa lang ang una kong nakikilala.” Sagot ni Aquil. Ayun na nga, sabay
nilang ginawa lahat ng gusto nilang gawin, kumain sila at nagkwentuhan ng walang
tigil. Magga-gabi na pero hindi pa rin sila magkahiwalay tila yata may kuing anong
nangyayari sa dalawa. Paano naman kasi, ano ba yan. Hindi ko na rin mapaliwanag.
Bumibilis ang tibok ng puso ko, ng mga uso namin. Pati yung narrator? Kinikilig na
rin? Nyahaha!

Bumaba na ang araw at ang dalawa ay nasa tapat ng gate ng eskwelahan nila.
“Sol, ihahatid na kita pauwi,” anyaya ni Aquil. “Gago, ikaw kaya yung bago kaya
dapat ako magyaya sa yo..” sagot ni Sol. Ay ganun? Ngumiti na lang si Aquil at
sinabi… “hindi, syempre, as a sign of gratitude, gustop kitang samamhan pauwi ng
bahay niyo. Nakakatuwa kasi eh, bago lang ako dito pero nung nakilala kita parang
nawala lahat ng takot ko sa bagong school.. you know. It feels like home na kaagad.”
Sabi ni Aquil. “Sus naman, ang arte mo! Sipain kaya kita diyan para mabaog ka na.
Ang dami mo pang kaekekang nalalaman diyan… kuing gusto mong sumama, eh di
sumama ka. Nyahaha! Uwi na tayo, may inaabangan kasi akong show mamayang 7,
hindi ko pinalalampas yon.” Sagot ni Sol. At sabay na silang naglakad pauwi sa
bahay ni Sol.

Sa paglalakad nila, super usap pa rin ang nangibabaw, si Aquil naman ang
nagtanong ng nagtanong kay Sol at sagot din ng sagot ito. Tuwang tuwa sila sa isa’t
isa kaya’t si nila napansin na lumagpas na pala sila sa bahay ni Sol. Patuloy silang
nag-usap at naglakad papunta sa kabilang kalye, sa kalye na magpapakita ng kanilang
tunay na tadhana…

You might also like