Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
383Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Canal Dela Reina

Canal Dela Reina

Ratings:

4.83

(29)
|Views: 80,789 |Likes:
Published by ARLENE
book report in filipino
book report in filipino

More info:

Published by: ARLENE on Oct 17, 2008
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

12/28/2013

pdf

text

original

 
CANAL DELA REINA
ni Liwayway A. Arceo
I.Tema
Magandang suriin ang nobelang Canal de la Reina sa aspetongSosyo-ekonomikal at Sosyo-politikal. Makikita kasi rito ang tunay nakalagayan ng isang lipunan at ang pag-uugali o reaksyon nito sa isangisyung napapanahon. Sa patuloy na “pag-iisang kahig, isang tuka” ngkaramihan ng mga Pilipino, nahihirapan itong paunlarin hindi lang angkanyang bansa at lipunan kundi pati na rin ang kanyang sarili. Sanobela, mapapansing ang tema nito ay kahirapan. Ito ay kitang kita samismong kabuuan ng nobela pagkat sa bayan ng Canal De La Reina, si Nyora Tentay ang may kaya sa buhay kung kaya’t siya ang nilalapitanng lahat ng naninirahan doon upang umutang dahil sa kakapusan sa pera. Imbes na tulungan niya ang mga ito ay tinatapalan pa niya ngmalaking interes ang mga umuutang. Nakikita rin dito ang kahirapandahil mayroong mga katiwalian at bayaran sa mga opisyal.Katulad ni Nyora Tentay na may maruming katuhan, ang taongwalang inisip kung hindi ang sariling kasiyahan at karangyaan aywalang mararating na maganda sa buhay. Si Nyora Tentay ay maykaunting kaya ngunit ang kaugalian ay walang kagandahan kung kaya’tsa kahuli-hulihang sandali ng kanyang buhay, lahat ng taong kanyanginapi noong simula ay hindi rin siya tinulungan. Tulad ng kasabihan“Huwag kang gagawa ng kung anong bagay na ayaw mong gawinsayo”, si Nyora Tentay ay masyadong inabuso ang kanyang karangyaanat imbes na tumulong siya sa mga nangangailangan ay ipinapamukha pa nito sa mga humihingi ng tulong na silay mga hampas lupa.Katulad ng sa tunay na buhay, ang taong kahit pa gaano ang yaman oganda ay hindi nirerespeto at minamahal ng tao kung ang ugali nito aywalang kagandahan. Ang tao kahit gaano kahirap ngunit may likas nakabutihan ay palaging tinititingala ng mga tao at binibigyang respeto.Isa pang aral na ipinararating ng nobela ay walang nananalo sa
 
katiwalian. Kung sa umpisa ay nakukuha nila ang gusto nila, sa huli ay pinaparusahan ang mga ganitong tao. Kaya naman sa buhay palagingang kabutihan pa rin ang naghahari.
II. Simula
A. Mga TauhanPamilyang de los Angeles
Sila ay isang pamilyang may pagkakaisa at unawaan para sa isa’t isa. Masasabing isa silanghalimbawa ng maayos at halos perpektong pamilya.
1. Salvador-
ang padre de pamilya at mabuting asawa ni Caridad.Tahimik lang ito at minsanan lamang kung magsalita. Kahitminsan lamang ito magsalita, talagang may kabuluhan at maylalim naman ito. Madalas din siyang sumasang-ayon sa mgadesisyon ni Caridad lalo na’t kung sa tingin niya’y ito’y tama at parasa ikabubuti ng asawa.
2. Caridad
- isang napakamaunawaing ina sa kanyang pamilya.Malaki ang pagmamahal at pagaalala niya sa kanyang asawa lalona sa kanyang mga anak na si Leni at Junior. Isa siyang babaengmay malakas at matibay na loob. Hindi siya agad-agadnagpapatinag sa mga problemang kanyang kinakaharap.
3. Leni
-panganay na anak na babae nina Salvador at Caridad. Nagtapos ito ng medisina at kasalukuyang nag-iinternong doktor.Espesiyalidad nito ang
 Pediatrics
at talaga namang makikita anghusay ni Leni sa panggagamot. Matalino rin si Leni at sakatunayan ay siya pa ang nakakuha ng unang pwesto sa
Medical  Board Exam
.
4. Junior
.- huling miyembro ngpamilya. Kasalukuyan itongkumukuha ng kursong
 Architecture
sa isang unibersidad. Angtunay talagang nais ni Junior ay ang kumuha ng abogasya ngunit
 
tinutulan ito ng kanyang mga magulang. Mahilig si Junior makipag-usap lalo na kung tungkol sa politka at gobyerno.Mabuting anak si Junior at laging sinusunod ang kanyang mgamagulang
Pamilyang Marcial-
Ang pamilyang ito ay puno ngkaguluhan. Wala kasi silang maayos na komunikasyon. Hindi pinakikinggan ni Nyora Tentay ang kanyang anak na si Victor at pilit na pinasusunod ito sa kanyang mga nais kahit naayaw naman nito.
5
.
Victor
- ama ni Gerry at asawa ni Gracia. Sunud-sunuran ito sakanyang ina. Hindi man kita ay mahal na mahal niya angkanyang pamilya.
6. Gracia
-asawang hinwalayan ni Victor dahil sa kagustuhan nginang si Nyora Tentay
7. Gerry
- anak ni Victor at Gracia
B. Tagpuan
Inilarawan ang tagpuan bilang isang maburak, mabaho, at pinamumutiktikan ng mga iskuwater, at si Nyora Tentay angnagmimistulang pinuno rito. Ang lugar na ito ay simbolo ng mgalunggati ng bawat isa, lalo na ng mga mahihirap. Ipinapakita rin nito nahindi lamang mga bagay o mga tao ang maaaring maging simbolo ng pagbabago. Nagkaroon ng relasyon ang mga tauhan sa tagpuang Canalde la Reina dahil ang lupang pagmamay-ari ni Caridad ay nadirito.Maraming pangyayari ang naganap sa lugar na ito at dito umikot ang pinaka-kalamnan ng nobela.

Activity (383)

You've already reviewed this. Edit your review.
Akihiro Keh added this note
ganda
1 hundred thousand reads
Eiji Kikumaru added this note
thank very much
Carlo Avendanio Dag-ay added this note
sana meon ung buong kwento...
Glenda Lauron added this note
cque pede n yan kaxo xna meon dn ung buong kwento ....! thanks poeh ng madame .!!!:)
Jhaero Arnaiz added this note
ang pangitn nyo

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->