2
MODYUL 20MGA PANGUNAHING ISYU AT SULIRANIN NG ASYA
Matutunghayan mo sa modyul na ito ang mga isyung kinakaharap ng Asya namaaari ring kinakaharap ng mga karatig-bansa sa buong mundo. Mahalagangmaunawaan mo ang mga ugat ng pinagmulan ng isyu, suliranin, krisis at mgahakbanging isinagawa upang maisaayos ang kalagayan ng pamumuhay sa Asya.Lahat ng ito ay matatalakay at mapag-aaralan mo sa Modyul 21.May anim na araling inihanda para sa inyo sa modyul na ito:
•
Aralin 1: Karapatang Pantao
•
Aralin 2: Terorismo
•
Aralin 3: Populasyon, Likas na Pinagkukunang-Yaman at Kapaligiran
•
Aralin 4: Ang Nagbabagong Kalagayang Panlipunan ng mga Kababaihan saAsya
•
Aralin 5: Ang “Human Immuno-Deficiency Virus” (HIV) / “Acquired ImmuneDeficiency Syndrome” (AIDS)
•
Aralin 6: GlobalisasyonPagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:1. Maipapaliwanag ang katuturan ng Karapatang Pantao;2. Matatalakay ang Terorismo bilang isang uri ng paglabag ngKarapatang Pantao;3. Masusuri ang kaugnayan ng paglaki ng populasyon sa pagkawasak ngkapaligiran;4. Mailalahad ang mga mahahalagang pagbabago sa kalagayan ng mgakababaihan sa Asya;5. Matutukoy ang dahilan ng pagtaas ng bilang ng mga apektado ng HIV/AIDS sa Asya; at6. Masusuri ang konsepto at penomenang globalisasyon.