You are on page 1of 31

January 1, 1892

Kapanganakan: Capiz (now Roxas City),


Capiz
April 15, 1948 (aged 56)
Kamatayan: Clark Air Base, Angeles,
Pampanga
Nacionalista (1919–
1945)
Partido Politikal:
Liberal Party (1945–
1948)
May-bahay: Trinidad de Leon
Ika-5 Presidente ng Pilipinas Trabaho/Propesyon Lawyer
====================== Relihiyon: Roman Catholic
Ikatlong Presidente ng Komonwelt
==========================
Unang Presidente ng Ikatlong Republika
(Mayo 1946 - Abril 1948)
==============================================
==================

Talambuhay:

Isinilang si Roxas noong Enero 1, 1892 sa lungsod na ipinangalan sa kanya


nang siya ay mamatay, ang Lungsod ng Roxas sa lalawigan ng Capiz. Sina Gerardo
Roxas at Rosario Acuna ang kanyang mga magulang. Nagtapos siya ng abogasya sa
Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines)noong 1912 at naging topnatcher
sa Bar.

Bilang Pulitiko:

 Nag-umpisa siya sa pulitika bilang piskal panlalawigan.


 Nagsilbi sa iba-ibang kapasidad sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt ni Manuel
L. Quezon.
 Noong 1921, naihalal siya sa House of Representatives at sa sumunod na taon
ay naging speaker.
 Pagkatapos maitatag ang Komonwelt ng Pilipinas (1935), naging kasapi si Roxas
sa National Assembly
 Nagsilbi (1938-1941) bilang Kalihim ng Pananalapi sa gabinete ni Pangulong
Manuel Quezon.
 Naihalal (1941) sa Senado ng Pilipinas.
 Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binihag siya (1942) ng pwersa ng
mananakop na Hapon. Ngunit sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
nanilbihan siya sa ilalim ng Republika ng Pilipinas na itinaguyod ng mga Hapon.
 Sa panahon din ito, siya ang nagsilbing intelligence agent para sa mga gerilya.
Hinuli ng mga bumalik na pwersang Amerikano si Roxas sa paghihinalang
pakikipagtulungan sa mga Hapon.
 Pagkatapos ng digmaan, pinawalang-sala siya ni Heneral Douglas MacArthur at
ibinalik ang kanyang nombramyento bilang opisyal ng Hukbong Sandatahan ng
Estados Unidos.
 Ito ang nagbigay-buhay sa kanyang buhay politika, at sa suporta ni MacArthur,
nanalo siya sa halalan sa pagkapangulo noong Abril 23, 1946 laban kay Sergio
Osmeña.

Bilang Pangulo:

 Bilang pangulo, pinawalang-sala niya ang mga nakipagtulungan sa mga Hapon


maliban doon sa may mabigat na kasalanang kriminal.
 Noong ang Pilipinas ay nasa kaguluhan, nagtagumpay si Roxas na makakuha/
makatanggap ng perang gagamitin sa rehabilitasyon mula sa digmaan ang
Pilipinas mula sa estados Unidos sa pamamagitan ng Philippine Trade Act.
 Napilitan naman siyang lagdaan ang kasunduang militar na nagtakda sa estados
Unidos ng 99-taong pag-uupa sa mga piling base military sa bansa (binawasan
ito ng 25 taon noong 1967), naglimita sa pangangalakal sa mga Pilipino, at
pribilehiyo sa mga taga-estados unidos na may mga pag-aari at inbestor.
 Sa kanyang panahon ay umabuso ang mga “military police” na naging sanhi ng
pagkakabuo o pagtatag ng kalahating parte ng Hukbalahap. Ito ay nagresulta sa
malawakang pagmamalupit sa mga mababang uri ng tao o hampas lupa.
 Sa kanyang pamahalaan ay lumaganap ang “graft and corruption”. Nagpayaman
ng kanilang mga sarili ang mga “collaborators”. Nanatiling nakatali o umaasa ang
ekonomiya ng pilipinas sa ekonomiya ng estados unidos.

Naging suliranin sa ilalim ng kanyang pamamahala:

Naharap sa maraming problema si Roxas.


 Nagkaroon ng iskandalo sa pamamahagi ng sarplas at bayad-pinsala sa digma.
 Nabigo ang kanyang binuksang mekanisadong pagsasaka sa Mindanao.
 Biglang lumakas ang Kilusang Hukbalahap.

Kamatayan:

Noong Abril 15, 1948, inatake bigla si Roxas sa puso at siya ay namatay,
habang nagbibigay ng kanyang talumpati sa dating base militar ng Estados Unidos sa
Clark Air Base.
November 16, 1890
Kapanganakan:
Vigan, Ilocos Sur
February 29, 1955
Kamatayan: (aged 64)
Quezon City
Partido Pulitikal: Liberal Party
Trabaho o
Lawyer
Propesyon:
Relihiyon: Roman Catholic

Ika-6 na Presidente ng Pilipinas


Ikalawang Presidente ng Ikatlong republika
(April 18, 1948– December 30, 1953)
=================================
Ikatlong Bise-Presidente ng Pilipinas
Ikalawa at Huling Bise-Presidente ng Komonwelt
Unang Bise-Presidente ng Ikatlong Republika
(May 28, 1946 – April 17, 1948)
=================================
Kalihim ng Ugnayang Panlabas
(September 16, 1946 – April 17, 1948)
==================================================================

Talambuhay:

Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur Noong Nobyembre 16, 1890 kina
Mariano Quirino at Gregoria Rivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng
Pilipinas (University of the Philippines) noong 1915.

Bilang Pulitiko:

Tanyag at iginagalang si Quirino nuon, batikang politiko kahit masasabing may


pagka-makaluma (conservative). Kaiba kay Roxas na laging nasa harapan,
nagsisigasig si Quirino sa loob, at kasama, ng kanyang pangkat at mga kabig.

 Nahalal sa Kongreso noong 1919.


 Hinirang na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy noong 1934 at naging
kasapi ng "Constitutional Convention".
 Naging pangalawang pangulo siya ni Manuel Roxas noong 1946.
 Nanumpa bilang Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong Abril 17, 1948.
Bilang Pangulo:

Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang


komunistang Hukbalahap. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang
Pangulo, muli niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka,
at mga industriya.

Mga nagawa, patakaran at programa bilang Pangulo:

 Nabunyag na makapayapa [pacifist] pala siya nang taimtim niyang tinangkang


pagbuklod-buklurin ang mga nag-aaway na pangkat-pangkat sa buong kapuluan.

 Nakipagkasundo rin siya ng kapayapaan [peace treaty] sa Japan, gayung siya ay


ikinulong at pinahirapan nuong panahon ng Hapon, at ang kanyang asawa, si
Alma Syquia, at 3 anak niya ay pinatay ng mga Hapon.

 Marami siyang nahikayat at kung malaganap pa man din ang karahasan, ito'y
unti-unting nabawasan at nagsimulang tumahimik ang kalakihan ng bayan,
maliban sa 2 - ang sugod ng mga Huk sa Luzon, at ang pusok ng mga Muslim
sa kanlurang Mindanao.

 Sa 5 taon niyang pamamahala, iba't ibang paraan at pakana ang pinairal niya
upang mapatahimik ang bayan at umunlad ang buhay ng mga mamamayan.

 Siya ang nagpasimula ng takdang arawang kita [minimum daily wage] para sa
mga manggagawa at sa mga kawani ng pamahalaan.

 Umutang siya ng 200 milyon dolyar mula sa America upang pundaran ang
ACCFA, pautangan ng mga magsasaka, sinabayan ng pagtatag niya ng mga
bangko sa lalawigan upang mapundaran ang mga tagaroon.

 Isinugo niya ang kanyang kapatid, si Antonio Quirino, upang makipagkasundo


kay Luis Taruc. Inalok niya nuong Junio 21, 1948 ng kapatawaran [amnesty]
ngunit tumanggi ang mga Huk na isuko ang kanilang mga sandata. Nagpatuloy
ang sagupaan sa Gitnaang Luzon.

Naging suliranin at masamang nangyari noong kanyang panunungkulan:

Mabuti man ang pagkatao, kahit mahusay ang damdamin at mga tangka ni
Quirino, nadaig siya ng mga alalay at kakampi sa politica, ang mga gahaman at walang
pitagang nagnakaw sa pamahalaan na pinakawalan at binigyan ng kapangyarihan ni
Roxas.

 Sa pamahalaan ni Quirino nagsimula ang masaklap na gawi sa Pilipinas - ang


bawat pamunuan [administration] ay nawawatak, walang pangulo ang muling
nahahalal dahil sa kagagawan ng kanilang mga kawatan at katulong sa politica.
Sa English, graft and corruption ang tawag, latay pa sa likod ng bayan
hanggang ngayon.

 Sukdulang kakatwa na si Quirino, ang mapagpayapa, na kusa at handang


pagbigyan ang mga Huk, ang naging sanhi ng pinakamasidhing lusong ng mga
tagabukid nuong 1950 nang umabot sa 15,000 ang mga nag-aklas.

 Ang patayan, mga karahasan at pandarayang naganap nuong 1949 nang


mahalal muling pangulo si Quirino ang nag-udyok sa maraming magsasaka na
tumulong o sumanib sa mga Huk.

Kamatayan:

Nang nagpahinga na mula sa politika si Quirino, kinalimutan ang ginawa niyang


pagpaunlad ng buhay ng mga tao; inalaala lamang ang paglaganap ng graft and
corruption sa kanyang pamahalaan. Ang mapagpayapa, kinalimutan ang kanyang
pagbuklod ng mga nag-aaway na pangkat-pangkat sa buong kapuluan; inalaala lamang
ang pag-alsa ng mga Huk sa Luzon. Sa maraming kabutihang ipinamana ni Quirino sa
bayan, isa lamang ang tanging inamin at inaalaala pa hanggang ngayon, ang paghirang
at matapat na pagtangkilik niya, hanggang sa kahuli-hulihan, sa naging pambato laban
sa mga Huk, si Ramon Magsaysay, ang tumalo sa kanya sa halalan nuong 1953.

Namatay siya sa atake sa puso noong Pebrero 29, 1956 sa gulang na 66.
Siya ang unang Ilokanong pangulo.
“He who has less in life should have more in law”.
[Ang magkamit nang kulang sa buhay ay dapat makatanggap nang higit sa batas]
- Ramon Magsaysay

August 31, 1907


Kapanganakan:
Iba, Zambales
March 17, 1957
(aged 49)
Kamatayan:
Mt. Manunggal,
Balamban, Cebu
Partido Pulitikal: Nacionalista Party
May-bahay: Luz Banzon
Trabaho o
Engineer
Propesyon:
Relihiyon: Roman Catholic
Ika-7 Presidente ng Pilipinas
Ikatlong Presidente ng Ikatlong
Republika
(December 30, 1953 – March 17, 1957)
==================================================================

Sino ang makalilimot sa popularidad ni Ramon Magsaysay? Siya ang bukod-


tanging pangulo na nagbukas sa pintuan ng Malakanyang para sa lahat ng
mamamayan. Nagawa niyang ilapit ang pamahalaan sa puso ng bayan at pag-alabin
ang diwa ng pagkamakabayan sa damdamin ng mga Pilipino. Pinasigla rin niya ang
paggamit ng Wikang Pambansa. At hindi katulad ng ibang sikat noong panahon niya
na nagsusuot ng Amerikana, mas pinili niyang isuot ang Barong Tagalog.

Talambuhay:

Ipinanganak si Ramon Magsay-say kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del


Fierro sa Iba, Zambales noong Agosto 31, 1907. Una siyang nag-aral ng elementarya
sa paaralan ng Castillejos at tinanghal siyang salutatorian sa Mataas na Paaralan ng
Zambales Academy. Mahilig siya sa teknolohiya kaya pumasok siya sa Pamantasan ng
Pilipinas at nag-aral ng Mechanical Engineering. Dahil sa isang matinding pagkakasakit
at pagiging self-supporting student sa pag-aaral ay lumipat siya sa Jose Rizal College
at doon nagtapos ng Bachelor of Science in Commerce noong 1932.

Nang makatapos sa kolehiyo, naging kawani si Ramon sa Try-Tran, isang


malaking transportation Company sa Maynila. Dito niya nakilala ang kanyang
napangasawa, si Luz Banzon. Tatlo ang naging anak nila, sina Teresita, Milagros at
Ramon Jr.
Bilang Pulitiko:

Noong pumutok ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig (Disyembre 8, 1941), si


Ramon Magsaysay ay naglingkod sa army. Pagkatapos ng giyera, naging Military
Governor siya ng Zambales. Samantala, muling naitatag ang pamahalaang-sibil sa
bansa, ang Commonwealth, at kumandidato siya sa pagka-Kongresista.

Bilang Kongresista, isinulong niya ang pagsasabatas ng pagtulong sa mga


veteranong kawal, pensiyon ng kapamilya nito, benepisyong pang-edukasyon at iba
pang kapaki-nabangan buhat sa pamahalaan.

Pagkamatay ni Pangulong Manuel Roxas, humalili ang Pangalawang Pangulong


Elpidio Quirino at si Magsaysay ay hinirang nito na maging Kalihim ng Tanggulang
Bansa. Naipakita rito ni Ramon Magsaysay ang kanyang husay sa pamamalakad sa
sandatahang militar.

At sa eleksyon noong 1951 ay naganap ang itinuturing na pinakamalinis na


halalan sa kasaysayan ng pulitika sa Pilipinas sa pamamagitan ng pamamahala ng
sandatahang-lakas sa pamumuno ni Magsaysay. Dahil dito ay tinagurian siyang "Man
of the Year" noong taong yaon.

Sa halalan sa Panguluhan noong 1953, kumandidato si Magsaysay sa pagka-


pangulo dahil na rin sa pagnomina ni dating Pangulong Jose P. Laurel sa kanya.
Nagwagi si Magsaysay ng may malaking kalamangan sa kanyang kalaban. At noong
Disyembre 30, 1953, sumumpa siya bilang ikatlong Pangulo ng Ikatlong Republika ng
Pilipinas.

Mga nagawa, programa at pamamalakad sa pamahalaan:

Naging maganda ang pamamalakad ni Magsaysay bilang pangulo. Siya ang


nagpahayag na "walang kahulugan ang demokrasya kung bigo itong tustusan ang mga
pangunahing pangangailangan ng mga tao at hindi maipagkaloob sa kanila ang isang
pamumuhay na malayo sa takot at kahirapan."

 Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang


pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng
komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Huk o ang pinakamataas na lider ng
komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na
"Tagapagligtas ng Demokrasya".

 Nagpatuloy siya ng pagtangkilik sa mga common tao, binuksan niya ang


Malacanang Palace upang kahit sinong nakabakya lamang ay maaaring
pumasok at kausapin ang kanilang pangulo.
 Itinatag niya ang NARIC [National Rice Corporation] upang pamahalaan ang
pag-imbak, kalakal at presyo ng bigas upang makayanang bilihin ng kahit
pinakadukhang Pilipino.

 Itinatag din niya ang Namarco [National Marketing Corporation] upang makabili
ang mga tao ng murang delata, gaya ng gatas, karne-norte, atbp.

 Pinalawak din ni Magsaysay ang SWA [Social Welfare Administration] upang


tulungan ang mga dukhang dumadagsa sa mga squatters area sa Manila nuon.

Kamatayan:

Hindi natapos ni Ramon Magsaysay ang kanyang termino dahil noong Marso 17,
1957, bumagsak ang sinasakyan niyang helicopter sa bundok ng Manunggal sa Cebu.
Nagluksa ang buong bayan sa pagkawala ng isang lider na malapit sa puso. Iyan si
Ramon Magsaysay, isang Pangulo, isang halimbawa, isang Pilipino.

Siya ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng
pamahalaan. Siya ang tanging pangulo na tinawag ng mga tao sa kanyang palayaw,
Monching.
November 4, 1896
Kapanganakan:
Talibon, Bohol
June 14, 1971
Kamatayan: (aged 74)
Bohol, Philippines
Partido Pulitikal: Nacionalista Party
May-Bahay: Leonila Dimataga
Trabaho o
Lawyer
Propesyon:
Relihiyon: Roman Catholic

Ika-8 Presidente ng Pilipinas


Ika-4 na Presidente ng Ikatlong Republika
March 23, 1957 (elected December 30, 1957) – December 30, 1961
=================================
Ika-5 Bise-Presidente ng Pilipinas
Ikatlong Bise-Presidente ng Ikatlong Republika
December 30, 1953 – March 18, 1957
==================================================================

Talambuhay:

Isinilang si Carlos Garcia noong Nobyembre 4, 1896 sa Lungsod ng Talibon,


Bohol sa Kapuluan ng Kabisayaan sa Kalagitnaang Pilipinas. Ang kaniyang mga
magulang ay sina Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya sa Silliman
University at Silliman Institute, sa lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din
siya ng abogasya sa Philippine Law School noong 1922 sa Maynila. Siya ay naging
abogado at guro.

Bilang Pulitiko:

 Pinasok niya ang politika noong 1926 bilang mambabatas na kaanib sa


Kapulungan ng mga Kinatawan (Philippine House of Representatives) at
naglingkod hanggang 1932.

 Si Garcia ay naging gobernador ng Bohol, isang probinsiya sa Katimugang


Pilipinas, mula 1932 hanggang 1942.

 Naging miyembro ng Senado mula 1942 hanggang 1953.


 Noong Ika-II Digmaang Pandaigdig (1939-1945), lumaban siya sa pananakop ng
mga Hapon bilang miyembro ng mga gerilya na nakabase sa Bohol.

 Noong 1946 ay naging puno siya ng minoriya sa Senado.

 Noong 1953 si Garcia ay nanombrahan bilang bise presidente na kabilang sa


Tiket Nasyonalista na pinangunguluhan ni Ramon Magsaysay, isang politikong
Pilipino na bumuo at namuno sa isang pwersang guerilla na lumaban sa
pananakop ng mga Hapones.

 Nakamit nila ang mapagpasyang tagumpay, at noong 1954, si Garcia ay naging


bise presidente at Kalihim ng Suliraning Panlabas.

 Noong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si


Magsaysay sa isang aksidente sa eroplano, at nagwagi rin siya sa Halalan ng
Panguluhan noong Nobyembre 1957.

Mga nagawa at pamamalakad sa pamahalaan:

 Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa


mga pinuno ng Bansang Amerika upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga
hindi na ginagamit na Base Militar ng Amerika.

 Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira


sa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA
samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano si Diosdado Macapagal
upang manalo sa Halalan noong 1961.

 Ipinatupad niya ang Filipino First Policy. Dala rin nito, sinulsulan niya ang
paglalakbay ng Bayanihan Dance Troupe at iba pang pangkat ng sayaw
Pilipino sa America at marami pang bansa upang ipakita, lalo na sa mga Pilipino
mismo, ang ganda at yaman ng mga gawi at katauhan ng mga tagapulo.

 Siya rin ang nagsimula ng programa sa pagtitipid sa pangalang “austerity”


nang masansala ang paggasta ng salapi ng bayan at makapag-imbak para sa
kinabukasan, bagama’t binabatikos siya sa mga paglalakbay niya sa ibang
bansa, at pagbili ng mamahaling yate at eroplano para sa presidente.

Mga suliraning hinarap ng kanyang pamahalaan:

Masalimuot at mahirap ang pulitika sa panahon ng panunungkalan ni Garcia.


 Dapat kilalanin sa panahon niya ang makabansang patakaran hinggil sa base
military sa Estados Unidos sa Pilipinas at ang matibay niyang paninindigan para
sa dagdag na bayad-pinsala sa digma mulang Estados Unidos at Hapon.

 Sa panahon din niya nabulgar ang mga nakawan sa People’s Homesite and
Housing Corporation (PHHC), Government Service Insurance System (GSIS) at
iba pang iskandalo na sumira sa kanyang pamamahala.

Gayung kasing linis ni Magsaysay, kapwa ayaw gumamit ng salapi ng bayan sa


halalan o sa sarili, namayani pa mandin sa pamahalaan ni Garcia ang kabulukan [graft
and corruption] na nagsimula pa nuong panahon ni Magsaysay sa ilalim ng NARIC,
NaMarCo, SWA at iba pang naglakihang pundar ng pamahalaan. Naging eskandalo ang
walang puknat at malawak na pagnanakaw ng hindi masupil na mga kawani at pinuno
ng pamahalaan.

Natalo si Garcia sa halalan nuong Noviembre 14, 1961, nang tumanggi siyang
gamitin ang kapangyarihan at salapi ng pamahalaan upang mahalal muli, at sa
paratang ng graft and corruption na dumanak sa kanyang pamamahala.

Kamatayan:

Bukod sa kanyang mga nagawa bilang makabansang politiko, si Garcia ay kilala


rin na Pilipinong makata sa kanyang diyalektong Bisaya at isang pulitiko.

Natalo siya sa eleksiyon ng 1961. Pero sa Kumbensiyong Konsitutional nitong 1971,


nahalal siya bilang delegado. Nahalal pa siyang pangulo ng nasabing kumbensiyon.
Namatay siya sa atake sa puso noong Hunyo 14, 1971 sa edad na 75 ilang araw
pagkabukas ng kapulungan.

Kilala si Garcia kanyang pagpapatupad ng Filipino First Policy.


September 28, 1910
Kapanganakan: Lubao, Pampanga,
Philippines
April 21, 1997 (aged 86)
Kamatayan: Makati City, Metro
Manila
Partido Pulitikal: Liberal Party
(1) Purita dela Rosa—
died
May-bahay:
(2) Evangelina
Macaraeg
Trabaho o
Lawyer
Ika-9 na Presidente ng Pilipinas Propesyon:
Ika-5 Presidente ng Ikatlong Relihiyon: Roman Catholic
Republika
December 30, 1961 – December 30, 1965
================================
Ika-6 na Bise-Presidente ng Pilipinas
Ika-4 na Bise-Presidente ng Ikatlong Republika
December 30, 1957 – December 30, 1961
==================================================================

Talambuhay:

"Poor boy from Lubao" ang taguri kay Diosdado Macapagal dahil anak siya ng
mahirap na magsasaka. Isinilang sa San Nicolas, Lubao, Pampanga noong Setyembre
28, 1910. Ang kanyang mga magulang ay sina Urbano Macapagal at Romana Pangan.
Tumira siya sa pangangalaga ni Don Honorio Ventura hanggang siya'y magtapos ng
"Doctor of Laws" sa Unibersidad ng Sto. Tomas noong 1936 at pumasok sa pulitika.
Siya ay bayaw ni Rogelio de la Rosa, Ambassador ng Pilipinas sa Cambodia. Una
siyang nagtrabaho bilang abogado sa isang tanggapan ng Amerikano.

Bilang Pulitiko:

Nang maging pangulo si Pres. Quirino ay pinili niya si Diosdado Macapagal na


maging Chief Negotiator para sa pag-angkin ng Pilipinas sa Turtle Islands mula sa
Britanya. Habang nagtratrabaho siya sa Department of Foreign Affairs, ay naging
Second Secretary siya mg Embahada ng Pilipinas sa Washington D.C. sa Amerika.
Noong 1949 ay naging kongresista siya ng 1st district ng Pampanga, at naging
re-elected siya noong 1953. Dito tinawag si Diosdado Macapagal na “Kampiyon ng
Masa”. AT mula 1949 hanggang 1957 ay hinirang siyang sa “Sampung natatanging
Mambabatas”. Tinawag siyang “The Best Lawmaker” mula 1954 hanggang 1957.
1958 nang manalo bilang Vise-Presidente ng Pilipinas si Diosdado Macapagal. At
noong halalan ng pagkapangulo ng taong 1961, nagwagi at tinanghal na Presidente ng
Pilipinas si Diosdado Macapagal. Nanumpa siya noong 30 Disyembre 1961.

Mga Batas at Programa ng kanyang Pamahalaan:

 Siya ang may-akda ng "Rural Health Law" at "Minimum Wage Law".


 Nanguna rin siya sa delegasyon para sa "US-RP Mutual Defense Treaty".
 Inilunsad niya ang "Agricultural Land Reform Code" at nilinis ang pamahalaan
sa katiwalian. Ito ang simula nang pag-aalis ng sistemang kasama o tenancy at
pagbibigay ng sariling lupa sa mga magsasaka. Napagtibay ito noong Agosto 5,
1963.
 Limang taon sa Socio-Economic Program para sa pag control ng
pangangalakal sa ibang bansa.
 Kilala siya sa nationalization of Retail and Land Reform Bill.

Kilala din siya sa mga sumunsunod:

 The Spread of National Language


 Changing Our Independence from July 4 to June 12. May anim na buwan pa
lamang siyang nakaupo sa Malacanang, binago na niya ang Araw ng
Pagdiriwang ng Kalayaan. Sa Halip na Hulyo 4, inilipat ito sa Hunyo 12. Ito ang
petsa nang ipahayag ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas sa
pananakop ng mga Espanyol at napagpatibay na ito noong Agosto 4, 1964
bilang Batas Republika Blg. 4166. Ang Hulyo 4 ay itinakda namang Philippine-
American Friendship Day.
 Official Filing on June 22, 1962, the Philippine claim over Sabah.
 Formation of Maphilindo. Binubuo ito ng Malaysia, Pilipinas at Indonesia.

Sa eleksiyon ng 1963, maraming nanalong kandidato ng Partido Liberal at


naging pangulo ng Senado si Ferdinand E. Marcos na isa ring liberal katulad ni
Macapagal. Pero nagkaroon ng hidwaan sina Marcos at Macapagal. Himiwalay sa
Partido Liberal si Marcos at ginawa siyang kandidato ng Partido Nasyonalista sa
pagkapangulo sa halalang 1965. Tinalo ni Marcos si Macapagal sa halalang iyon.

Humalili siya bilang pangulo ng Contitutional Convention noong 1971.

Panahon ng panunungkulan:

 Dahil dito, naging masigasig siya tungkol sa reporma sa lupa. Ayon sa kanya,
“Kung walang reporma sa lupa, mawawala hindi lamang ang lupa kundi ang
buhay man ng magmamay-ari nito.”
 Sinikap niyang masugpo ang katiwalian sa pamahalaan. Nagpakita si Pangulong
Diosdado Macapagal ng magandang halimbawa ng katapatan, payak ng
pamumuhay at mataas na moralidad. Ngunit tulad ng mga naunang pangulo, ang
kaniyang halimbawa ay sinira ng kaniyang mga tauhan.

 Ayon sa kanya, ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa Asya na nagpahayag


ng kaniyang kalayaan mula sa pananakop ng mga dayuhan.

 Sa Panahon din ng pamamahala niya nagsimula ang laganap ng Wikang


Pambansa. Sa mga kasulatang pandiplomatiko, selyo at panandang pantrapiko,
ginamit ang sariling wika natin.

 Ginamit din ang mga pangalang Pilipino sa pagpapangalan sa mga bagyo.

 Sa pamahalaan ni Pres. Diosdado Macapagal nagsimula ring magtanim ng


“Miracle Rice”.

 Nagsimula rin ang infrastructure projects na kagaya ng North Diversion Road,


South Super Highway at mga Tenement Housing Projects.

 Naitatag rin ang NACIDA, Phil, Veterans Bank atbp.

 Noong Hunyo 22 1962, nagsimulang ipinaglaban at tinuwid ni Pres. Macapagal


ang karapatan ng Pilipinas sa Isla ng Sabah.

Suliranin ng kanyang Pamahalaan:

 Pangunahin sa mga suliranin ng administarasyon ni Diosdado Pangan


Macapagal ang pangkabuhayan.

 Nangako si Diosdado Pangan Macapagal na lulutasin niya ang mga problema sa


pabahay,hanapbuhay, pagtaas ng sahod at pagtulong sa mga magsasaka.

Mga Programa Upang Malutas ang suliranin:

 Upang malutas ito, bumalangkas ng 5 taon progama ang administrasyon ni


Diosdado Pangan Macapagal. Layunin nito ang sapat pag-unlad ng kabuhayan
sa bansa at mabigyan ng sapat na pangangailangan ng mamamayan.
 Sa panunungkulan ni Pangulong Diosdado Macapagal ay tinangal din niya ang
kumokontrol sa pagpalitan ng piso at dolyar. Ito’y tinatawag na Decontrol
Program kung saan ay naging 3 piso at 90 sentimos na ang palit sa isang
dolyar, mula sa 1$/2 piso na palitan mula pa noong 1946. Nahalal siya sa
Kongreso noong 1949 at muli noong 1953.
Bumaba sa Pagkapangulo si Pres. Diosdado Macapagal noong 1965, ngunit
ganumpaman, ipinagpatuloy niya ang paglilingkod sa bayan bilang Halal na
Pangalawang Pangulo ng Constitutional Convention noong 1971-1972. Ngunit namatay
si Dating Presidenteng Carlos P. Gacia na nahalal na pangulo ng Kumbensiyon, kung
kaya’t si Prsidenteng Diosdado Pangan Macapagal ang humalili nito.

Kamatayan:

Namatay siya sa atake sa puso, pneumonia at sakit sa kidney sa Ospital ng


Makati sa Lungsod ng Makati, noong Abril 21, 1997, sa edad na 86.
Kapanganakan: Setyembre 11, 1917
Sarrat, Ilocos Norte

Kamatayan: Setyembre 28, 1989 Makiki,


Hawaii

May-bahay: Imelda Romualdez Marcos

Trabaho o
Propesyon: Abogado

Mga kinabilangang Partido Pulitikal

Ika-10 Pangulo ng Pilipinas Liberal Party (1946-1964)


Ika-6 na Pangulo ng Ikatlong Republika
Nacionalista Party (1964-1978)
Una at Huling Pangulo ng Ika-Apat na
Republika | Kilusang Bagong Lipunan (1978-1989)
Disyembre 30, 1965 - Pebrero 25, 1986
==============================
Punong Ministro ng Republika ng Pilipinas
Hunyo 12, 1978 - Hunyo 30, 1981
==============================
Kasapi, Senado ng Pilipinas (1959-1965)
Pangulo ng Senado (1963-1965)
Senate President Pro-tempore(1963)
Minority Floor Leader (1959-1963)
==============================
Kasapi, Kapulungan ng mga Kinatawan
(1949-1959)
Kinatawan, Ika-2 Distrito ng Ilocos Norte
(1949-1959)
==================================================================

Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (Setyembre 11, 1917 - Setyembre 28,


1989) ang ika-10 Pangulo ng Pilipinas na nanungkulan mula 1965 hanggang 1986. Siya
ay isang abugado, kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula 1949 hanggang
1959 at kasapi ng Senado ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1965. Noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, siya ay naging lider-gerilya sa hilagang Luzon. Noong 1963, siya
ay naging Pangulo ng Senado kapalit ni Senador Eulogio Rodriguez, Sr.. Bilang
Pangulo ng Pilipinas, kahanga-hanga ang kanyang mga nagawa sa larangan ng
diplomasya at pagpapagawa ng mga mahahalagang imprastraktura sa bansa. Ngunit,
ang tagumpay ng kanyang pangasiwaan ay nabahiran ng talamak na katiwalian, paniniil
sa karapatang pantao, at panunupil sa oposisyon. Bumagsak ang kanyang pamunuan
sa Rebolusyon sa EDSA na naganap noong 1986.

Talambuhay

Si Ferdinand E. Marcos ang itinuturing na isa sa pinakamatalinong naging


presidente ng bansa, hindi lamang sa temang akademiko kundi pati sa kanyang ginawa
upang mapanitiliniya ang sarili sa posisyon sa loob ng mahigit dalawampung taon.

Si Marcos ay isinilang noong Setyembre 11, 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte. Ang
kanyang magulang ay sina Don Mariano R. Marcos at Donya Josefa Edralin. Apat
silang magkakapatid, sila, si Dr. Pacifico, Elizabeth at Fortuna. Ang kanyang ama ay
nagging kongresista ng Ilocos at gobernador ng Davao. Si Donya Josefa naman ay
isang dating guro sa kanilang bayan.

Sa kanyang kabataan pa lamang ay kinakitaan na siya ng katalinuhan. Palagi


siyang mayroong karangalang nakukuha magmula sa elementarya hanggang sa
magtapos siya ng mataas na paaralan. Limang taong gulang lamang siya nang
pumasok sa elementarya sa Sarrat Central School. Sa pamantasan ng Pilipinas Siya
nagtapos ng High School noong 1933. Sa pamantasan ding iyon siya kumuha ng
Abogasya at nagtapos bilang Cum Laude noong Marso 1939. Nakamit niya ang
President Manuel Quezon Medal Award dahil sa kanyang Graduation Thesis.

Siya ay iskolar sa buong panahon ng kanyang pag- aaral sa Pamantasan ng


Pilipinas at naging kilala siya sa campus dahil sa kanyang kahusayan sa debate at
pagtatalumpati. Maging sa larangan ng palakasan tulad ng swimming, boxing, at
wrestling ay kinilala siya. Isa rin siyang sharpshooter sa paghawak ng baril. Siya ang
nakakuha ng pinakamataas na karangalan sa Military Science and Tactics sa buong
Pamantasan. Nagsulat din siya sa Philippines Collegian, ang opisyal na pahayagan ng
Pamantasan ng Pilipinas.

Nagri- review noon si Ferdinand para sa bar exams nang matalo ang kanyang
ama sa muli nitong pagtakbo bilang kongresista. Ang tumalo ditto, si Julio Nalundasan
ay nabaril at namatay pagkatapos ng halalan. Si Ferdinand ang napagbintangan, at
kahit pa nga isang mahusay na abogado ang nagtanggol sa kanya, nahatulan pa rin
siya ng labimpitong taong pagkabilanggo.

Nasa loob siya ng kulungan ng maging topnotcher sa bar exams at nang maging
ganap na abugado ay hiniling niya sa Kataas- taasang Hukuman na payagansiyang
ipagtanggol ang sarili sa kasong ibinintang sa kanya. Dahil sa kanyang talino at
kahusayan ay pinayagan siya ng Korte Suprema. Nanalo siya at napawalang- sala.
Tinanghal siyang lawyer of the year at hinangaan ng mga kapwa abogado.
Bilang Isang Sundalo

Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sumapi si Marcos sa United


States Army Forces in the Far East bilang combat intelligence officer ng 21st Infantry
Divison. Siya ay lumaban sa pagtatanggol ng Bataan laban sa mga Hapones at naging
isa sa mga biktima ng Death March. Siya ay kinulong at pinalaya ng mga Hapones sa
Capas ngunit siya ay muling dinakip, kinulong at pinahirapan sa Kuta Santiago
Nakatakas si Marcos at itinatag ang kilusang gerilya sa Hilagang Luzon, ang
"Maharlika". Siya ay kinilala bilang isa sa mga magagaling na lider ng mga gerilya sa
Luzon at ang kanyang diumano’y pinakahanga-hangang katapangawang-gawa ay sa
Labanan sa Pasong Besang.

Bilang Isang Politiko

Pagkaraan ng digmaan at pagtatag ng Republika ng Pilipinas, hinirang ni


Pangulong Manuel Roxas si Marcos bilang special technical assistant. Noong 1949,
siya ay tumakbo at nagwagi bilang kinatawan ng Ilocos Norte sa Kongreso. Ang unang
pinagtuunan niya ng pansin ay ang kalagayan ng mga magsasaka sa kanilang
lalawigan at sa buong bansa na rin.

Nang sumunod na halalan, 1953, ay muli siyang nanalong kongresista at naging


assistant minority floor leader sa kongreso. Sa ikatlong pagkakataon ay nahalal siyang
kongresista noong 1957

Noong 1959 siya ay tumakbo at nanalo bilang Senador na may pinakamalaking


boto. At nagging Pangulo ng Senado.

Noong Nobyembre 9, 1965, nanalong pangulo si Marcos at pangalawang pangulo


naman si Eugenio Lopez. Natalo nila sina Diosdado Macapagal at Gerry Roxas sa
isang "landslide victory".

Umalingawngaw sa buong bansa ang kanyang slogan, “Magiging Dakilang


muli ang bansang ito!”

Mga Nagawa sa Loob ng Unang Termino:

Marami at lubhang kapaki-pakinabang ang mga nagawa ng Pangulong Marcos sa mga


unang apat na taon ng kanyang panunungkulan. Ang mga ito'y ang sumusunod:
 Ang pagpapanibagong-ayos ng may 2,000 malalaki at malilit na industriya;
 Pagsugpo sa katiwalian at kasamaan sa pamahalaan;
 Pagpapaunlad ng mga baryo na sa unang pagkakataon sa kasaysayan nabigyan
ng tiyak na kaparti sa kinikita ng pamahalaan;
 Pagpapatayo ng higit sa 80,000 silid-aralan at higit sa 6,000 kilometro ng mga
lansangan (kabilang na ang unang phase ng North Diversion Road mula
Balintawak hanggang Tabang sa Bulacan);
 Ang pagpapatayo o rehabilitasyon ng pamamaraan ng mga patubig, o irigasyon
na ang ang kabuuang bilang nito'y nakakahigit sa lahat ng patubig na naitayo
sapul sa panahon ng mga Kastila noong 1565 hanggang sa pangasiwaang
kanyang sinundan.
 Ang pagsisimula ng Green revolution at pagkakaroon ng 'mapaghimalang palay'
o "miracle rice';
 Ang puspusang pagsasakatuparan ng reporma sa lupa;
 Ang pagpapalakas ng kilusang kooperatiba sa isang pambansang sukatan;at
 Ang muling pagpapasigla at pagtangkilik sa sining at kulturang sariling atin sa
pamamagitan ng pamamahala ng Unang Ginang Imelda Marcos.

Binalangkas ni Marcos ang layunin ng kanyang pangasiwaan:

 Mabigyan ng pampasigla ang pagpapaunlad ng pamayanan at proyekto ng


pagawaang-bayan tulad ng pagpapagawa ng mga kalsada at tulay.

 Isakatuparan ang palatuntunan ng reporma sa lupa.;

 Pagkakaroon ng kasapatan sa produksyon ng palay at magpasimula ng pag-iiba-


iba ng pananim upang mapaunlad ang pag-aani.;

Pangalawang termino:

Nang sumapit ang sumunod na halalan noong 1969, muling nanalo si Marcos
bilang pangulo at si Lopez bilang pangalawang pangulo. Ngunit sa pagkakataong ito ay
unti- unti nang nawawala ang tiwala ng tao sa pamahalaan dala ng malalaking
problemang kinakaharap ng bansa.

Mga Suliranin:

 Tumaas ang presyo ng langis at kasunod nito ang pagtaas ng mga bilihin.
Marami ang naghirap at nagutom.

 Tumaas ang kriminalidad at nasangkot ang pamahalaan sa malalaking anomalya


at eskandalo.

 Nagkaroon ng madadalas at malakihang demonstrasyon na nilahukan pati ng


mga estudyante at taong simbahan. Ang pinakamadugong demonstrasyon ay
naganap noong Enero 30, 1970 sa Mendiola Bridge.

Tangi sa palaki nang palaking paghihirap ng kalagayang-pangkabuhayan, ang


pangasiwaang Marcos at nasusuong sa mga mabibigat na suliranin. Nangunguna sa
mga ito'y ang paglubha ng kalagayang pangkatahimikan at kaayusan ng bansa na
humantong sa mga sumusunod:

 Paglaganap ng krimen bunga ng pagkalahatang paghihikahos at


pangkabuhayang paghihirap at ang paggitaw ng naitatg na krimen;

 Patuloy na katiwalian sa pamahalaan lalung-lalo na ang mga taong nagpapairal


ng batas, na karamiha'y gumagamit ng kanilang kapangyarihan sa paggawa ng
pagmamalabis o sa pagtangkilik ng krimen; at

 Pagkakaroon ng mga pribadong hukbo ng mga mayamang tinatangkilik ng mga


pulitiko.

Mga desisyon at solusyong ginawa ni Marcos:

 Agosto 21, 1971 ay sinuspinde ni Marcos ang Writ of Habeas Corpus upang
mapanatili ang kaayusan at kapayapaan. Binomba kasi ang rally ang Liberal
Party sa Plaza Miranda noong Agosto 21, 1971 upang mapanatili ang kaayusan
at kapayapaan sa bansa.

 Noong Setyembre 21, 1972 ay ibinaba ang Batas Militar o Martial Law. Marami
na raw krisis ang nararanasan ng bansa tulad ng pagbomba sa Plaza Miranda,
pagsabotahe at pagwasak sa mga pribado at pambansang ari- arian. Walang
puknat na rally ng mga manggagawa at mga estudyante at ang pinakahuli ay
ang pagtambang sa Kalihim ng Tanggulang Pambansa na si Juan Ponce Enrile.
Nobyembre 19, 1972 ay natapos ang bagong Saligang Batas. Pinagtibay ito sa
isang referendum noong Enero 19, 1973.

Totoong nabawasan ang kriminalidad dahil sa takot ng mga mamamayan sa


Batas Militar. Maraming ipinahuli at ipinabilanggo si Marcos, lalo na ang mga lumalaban
sa gobyerno. Ngunit hindi napayapa ang damdamin ng bayan. Anuman ang ipalabas ng
pamahalaan tungkol sa kalagayan ng mga mamamayan sa malalaking anomalya sa
gobyerno.

Mga pangyayari at programa noong Panahon ng Batas Militar:

 Sa panahong ito ng Batas Militar ay sumikat ang programang Bagong


Lipunan.Ito ang sagot ni Marcos sa nagaganap na pagrirebelde ng mga tao.
 Maraming naisagawa nang mga panahong ito tulad ng pag- akit sa mga
dayuhang mamumuhunan.
 Pagsigla ng turismo sa bansa, pagtatayo ng mga impratruktura tulad ng Cultural
Center of the Philippines, Folk Arts Theater, San Juanico Bridge,Philcite at iba
pa.
 Nagkaroon na rin ng LRT na hanggang sa ngayon ay pinakikinabangan ng
sambayanan at ipinagpatuloy pa ang pagpapagawa sa ibang lugar ng
Kamaynilaan.

Pagpapatalsik sa Mga Marcoses:

Nabahala ang mga Amerikano kaya kinumbinse nila si Marcos na magdaos ng


Presidential Snap Election upang Makita kung sinusuportahan pa rin ng tao ang
kanyang pamahalaan. Idinaos ang halalan noong Pebrero 7, 1896 at nakalaban niya si
Cory, ang asawa ng dating Senador Ninoy Aquino na Mahigpit niyang tagatuligsa.

Ayon sa Comelec ay nanalo si Marcos ngunit sabilang ng Namfrel ay si Cory naman


ang nanalo. Nagprotesta si Cory at tumawag ng civil disobedience. Nagsagawa naman
ng kudeta sina Fidel Ramos at Juan Ponce Enrile. Nanawagan naman sa tao si Jaime
Cardinal Sin kaya dumagsa ang mga tao sa EDSA na nagnanais na mapalayas si
Marcos sa puwesto. At naganap ang makasaysayang People’s Power na nagpatalsik
kay Marcos.

Si Marcos, ang kanyang pamilya at ilang miyembro ng gabinete ay dinala ng mga


Amerikano sa US upang maiwasan ang madugong pangyayari na maaaring maganap
sa pagitan ng mga tagasunod nito at ni Cory Aquino.

Kamatayan:

Namatay si Marcos noong Setyembre 28, 1989 sa Makiki, Hawaii. Iniuwi sa


bansa ang kanyang bangkay at inilagsak sa isang glass case crypt sa kanyang
sinilangang bayan. Namatay siya sa gulang na 72.
Ang kauna-unahang hangarin ay hindi rangya o pakinabang kundi
democracia, - ang karapatan ng bawat Pilipino at sinilangan ng ating lahi
- 'Cory' Corazon Aquino

January 25, 1933


Kapanganakan: (age 74)
Paniqui, Philippines
United Nationalists
Democratic
Partido Politikal:
Organizations
(UNIDO)/Liberal
Asawa: Benigno Aquino, Jr.†
Trabaho o
Housewife, Politician
propesyon:
Relihiyon: Roman Catholic

Ika-11 Presidente ng Pilipinas


Ikalawang Presidente ng 4th Republic
Unang Presidente ng 5th Republic
February 25, 1986 – June 30, 1992
==================================================================

Si María Corazón Sumulong Cojuangco-Aquino (Enero 25, 1933- ) na lalong


mas kilala sa palayaw na Cory ay ang ikapitong pangulo ng Republika ng Pilipinas at
kauna-unahang naging babaeng pangulo ng Pilipinas (Pebrero 25, 1986–Hunyo 30,
1992). Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang
Rebolusyon sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa
bansa.

Talambuhay:

Ipinanganak siya sa Tarlac kina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong.


Nakapag-aral siya sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa Wikang
Pranses. Siya ay kabiyak ni Benigno Aquino, Jr. ("Ninoy"), ang pinaslang na lider ng
oposisyon noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Bilang Pangulo:

Itinalagang Pangulo ng Pilipinas ng nasabing rebolusyon si Corazon C. Aquino,


na lalong kilala bilang Cory, ang maybahay ng napaslang na dating Senador Benigno
"Ninoy" Aquino. At hayagang sinasabi ng ilan na ang bahaging yaon ng kasaysayan ang
nagpanumbalik sa tinatawag na tunay na demokrasya, o kalayaaan sa bansa.

Ito ay ang kalayaan sa pagsasalita (freedom of speech) at pagpapahayag


(freedom of the press) na hindi tinamasa sa nakaraang administrasyon sapagkat
mahigpit na sinisikil, sa layuning iligaw o lasunin ang kaisipan ng mga mamamayan
hingggil sa tunay na isyung kinakaharap ng bansa.

Tahimik na nakaraos si Cory sa pagiging pangulo, na sinimulang sintaas ng


langit sa paghahangad ng karamihan at natapos singlalim ng dagat sa walang
nangyari paris din ng dati na pagtamlay ng mga tao. Maraming pagkakamali at
pagkukulang ang maybahay na naging pangulo at malamang matagal na panahon pa
bago kilalanin ng mga mamamayang hindi pa ipinanganganak ngayon ang
pagkabayaning ginampanan niya nuong Himagsikan ng 1986 at sa pamamahala niya
sa sumunod na 6 taon.

Si dating Pangulong Corazon Aquino ay nagsilbi sa bansa mula noong Feb.1986- June
1992.
Palakasin ang kapangyarihan ng mga tao at uunlad ang bayan,
magpapantayan sa lipunan at magkakaisa ang mga mamamayan.
- Fidel Ramos

March 18, 1928 (age 79)


Kapanganakan: Lingayen, Pangasinan,
Philippines
Lakas-Christian Muslim
Partido Politikal:
Democrats
May-bahay: Amelita Martinez
Trabaho o
Military
Propesyon:
Relihiyon: United Methodist

Ika-12 Presidente ng Pilipinas


Ikalawang Presidente ng 5th Republic
June 30, 1992 – June 30, 1998
==================================================================

Talambuhay:

Si Fidel V. Ramos (ipinanganak Marso 18, 1928) ang ikawalong pangulo ng


ikatlong Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 1992 - Hunyo 30, 1998). Isinilang siya noong
Marso 18, 1928 sa Lingayen, Pangasinan. Panganay siya sa tatlong anak nina Narciso
Ramos at Angela Valdez.

Nagtapos siya sa United States Military Academy sa West Point noong 1950.
Kumuha rin siya ng civil engineering sa University of Illinois.
Bumalik siya sa Pilipinas noong 1951 at naging heavy weapon platoon leader ng
Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Ipinadala rin siya sa mga digmaan ng Korea at
Vietnam. Pinuno ng PC [Philippine Constabulary] hanggang Pebrero 1986. Ministro ng
Tanggulang Bayan hanggang 1992. Pangulo ng Pilipinas, 1992 hanggang 1998.

Inatasan siyang maging pinuno ng Philippine Constabulary noong 1972, hepe ng


Integral National Police noong 1975, at pangalawang pinuno ng Sandatahang Lakas
noong 1981. Noong 1983, pansamantala niyang pinalitan si Fabian Ver, pinuno noon ng
Sandatahang Lakas, nang ito ay masangkot sa pagkakapaslang sa lider-opososyon si
Benigno S. Aquino Jr.

Noong 1986, tinangkaang agawin ni Ferdinand Marcos ang pagkapanalo ni


Corazon Aquino, balo ni Benigno Aquino, sa halalang pangpanguluhan. Nakiisa si
Ramos kay Juan Ponce Enrile, noong kalihim ng Tanggulang Pambansa, sa
pagkubkobsa mga himpilan ng sandatahang lakas. Ang sumunod dito ay tinaguriang
People Power Revolution na nagtulak kay Marcos na lumikas patungong Estados
Unidos. Naluklok si Aquino sa pagkapangulo. Ginawang ni Aquino na hepe ng
sandatahang lakas si Ramos. Pagkaran ng dalawang taon, si Ramos ay naging kalihim
na Tanggulang Pambansa.

Bilang Pulitiko:

Noong 1992, tumakbo siya at nanalong pangulo ng bansa. Bilang pangulo,


naging priyoridad niya ang pagsasaayos sa estruktura ng pamahalaan, na nagbigay ng
karagdagang kapangyarihan sa pamahalaang lokal. Hinikayat niya ang dayuhang
pamumuhunan, lalo na sa turismo, na naging bahagi ng kanyang programa para sa
kaunlaran.

Mga Programa at nagawa sa panunungkulan:

 Bago pa nahirang na pangulo nuong Hunyo 30, 1992, natupad na niya ang
pinakamalaking tungkulin niya sa bayan. Naiwasan ang digmaan at nanatiling
malaya ang Pilipinas. Gaya ngunit higit sa mga magiting ng baranggay nuong
panahon ng mga magdaragat, si Fidel Ramos ay isang magiting ng bayan.

 Sa kanyang walang maliw na pagtangkilik kay Pangulo Cory Aquino nagapi ang
paghahari ng mga nag-kudeyta-kudeyta nang walang puknat, at nanaig ang
pamahalaan ng mga tao. Sa kanyang mahinahong paraan, hindi naganap ang
digmaan ng mga magkabayan [civil war] na malamang hangad ng mga nais
maging diktador gaya ni Ferdinand.

 Sapat na iyon upang tanghalin siyang bayani. Ang iba pang nagawa ni Ramos
bilang pangulo ay dagdag na lamang.

 Tinangkilik niya si Ernesto Garilao bilang kalihim ng Pagsasaayos ng


Pagsasaka [secretary of land reform] nuong 1992, na nagbahagi ng kulang-
kulang 2 milyon hektarya ng lupa sa mga magbubukid. Bagama't hindi ganap,
napakalaki naman ang natupad ni Garilao kung ihahambing sa 848,518
hektaryang ipinamahagi sa pamumuno ni Cory Aquino.

 Nakipagpayapa si Ramos sa MNLF [Moro National Liberation Front] matapos ng


24 taong pag-aaklas nito sa Mindanao, bagama't nagpatuloy ng paglaban ang
katuwang na pangkat na MILF [Moro Islamic Liberation Front] sa Basilan at Sulu.

 Ang pag-unlad ng paghanapang-buhay [economy] ng Pilipinas na inasam nuon


pang namumuno si Aquino at nagsimula nuong 1992, lalo na nuong 1994 - 1995,
sa pagharap ni Ramos sa mga suliranin ng koryente at tubig, pagsupil sa
pagkurakot sa pamahalaan at pagpapasok ng pundar mula sa ibang bayan
[foreign investments].
 Sa ilalim ng gobyernong Ramos, pinagbuti niya ang pakikipag-ugnayang
panlabas, at walang sawang itinaguyod ang pandaigdigang kalakalan sa
pamamagitan ng walang humpay na paglalakbay sa halos lahat ng panig ng
daigdig upang makuha ang tinatawag ng investor's confidence at ipaalam sa
kanila na ang Pilipinas ay handang makipagkalakalan, at sa kanyang sariling
pananalita ay sinasabing "back to business in the heart of Asia".

 Pinasigla nito ang ekonomoiya ng bansa at nagbalik ng tiwala sa mga dayuhang


mamumuhunan na magtayo ng negosyo sa Pilipinas, na mangangahulugan
naman ng opurtunidad sa empleyo, buwis, inprastraktura at iba pang kaugnay
nito para sa mga Pilipino.

 Sa madaling salita ay itinaguyod at isinulong ng kanyang administrasyon ang


tatlong pangunahing layunin patungo sa diumano'y kaunlaran ng bansa:
globalisasyon, pribatisasyon, deregulasyon. Bagaman at ang direktang epekto
ng kanyang mga programa ay patuloy na pinagdedebatihan ng mga ekonomista,
business sector, consumers at iba't-ibang awtoridad ukol dito.

Suliranin:

Ngunit gaya ng kasunduan sa Mindanao, hindi ganap ang bisa, at nadamay ang
Pilipinas sa pagbagsak ng paghanapang-buhay sa buong Asia nuong 1997 bagaman at
hindi kasing sidhi ng dinanas ng mga katabing bayan.

Si Fidel V. Ramos ay kasal kay Amelita Martinez at mayroon silang limang anak na
babae.
Mga kinabilangang Partido Pulitikal
Nacionalista Party
Kilusang Bagong Lipunan
Grand Alliance for Democracy
Liberal Party
Partido ng Masang Pilipino

Ika-13 Pangulo ng Pilipinas


Ika-3 Pangulo ng Ikalimang Republika
Hunyo 30, 1998 - Enero 20, 2001
=============================
Ika- 11 Pangalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas
Hunyo 30, 1978 - Hunyo 30, 1998
=============================
Kasapi, Senado ng Pilipinas (1987-1992)
Punong-Bayan, Bayan ng San Juan
(1969-1986)
==================================================================

Si Jose Marcelo Ejercito Estrada (ipinanganak Abril 19, 1937), kilala bilang
Erap, ang ikasiyam na pangulo ng Republika ng Pilipinas o ika-13 simula noong Unang
Republika.
Ipinanganak siya sa Tondo, Maynila. Anak siya nina Emilio Ejercito na isang inhinyero at
si Maria Marcelo.

Talambuhay:

Bilang Isang Aktor at Direktor

Huminto sa pag-aaral si Estrada sa kolehiyo upang pumasok sa larangan ng


pelikulang Pilipino sa edad na 21. Nakagawa siya ng mga humigit kumulang na 120
pelikula, karamihan sa mga ito ay nauuri na action-comedy kung saan siya ang bida na
ginaganapan ang mga papel ng mga taong mahirap o mga mababang antas ng lipunan.
Napagwagian niya ang ilan sa pinakamataas na Gantimpala at Gawad sa Pag-arte at
pagiging Direktor ng Pelikula. Mahusay na artista, naging bantog at mayaman si
Estrada kahit na tutol ang mga magulang sa kakulangan ng dangal ng kanyang hanap-
buhay.

Bilang Politiko

Pinasok ni Estrada ang larangan ng politika noong 1967 nang mahalal siya
bilang Alkalde ng San Juan, Kalakhang Maynila. Noong 1971, pinarangalan siya bilang
"Outstanding Mayor and Foremost Nationalist" ng Inter-Provincial Information
Service at ng sumunod na taon bilang "Most Outstanding Metro Manila Mayor" ng
Philippines Princetone Poll.

Kabilang siya sa mga alkalde na sapilitang inalis nang humalili si Corazon C.


Aquino bilang pangulo ng Pilipinas pagkaraang napatalsik Ferdinand E. Marcos sa
pwesto noong Pebrero 25, 1986 sa pamamagitan ng People Power Revolution.

Tumakbo si Estrada sa ilalim ng partidong Grand Alliance for Democracy at


matagumpay na nahalal sa Senado ng Pilipinas (Ika-walong Kongreso).

Nahirang siya bilang Chairman of the committees on Cultural, Rural


Development, and Public Works. Siya rin ay naging Vice Chairman of the Committees
on Health, Natural Resources and Urban Planning.

Batas na isinulong bilang Senador:

Kabilang sa mga panukalang batas na isinulong nya ay yaong ukol sa


agrikultura, mga proyektong irigasyon sa pagsasaka at pagpapalawig at pag-protekta
sa kalabaw.

Noong 1989, tinanghal siya ng Philippine Free Press bilang isa sa “Three
Outstanding Senators of the Year”. Isa si Estrada sa mga senador na tumangging
sang-ayunan ang bagong tratado ng US Military Bases na papalit sana sa 1947 Military
Bases Agreement na nakatakdang magwakas noong 1992.

Nakatulong nang malaki sa pagkakapanalo niya bilang Bise Presidente ang


kaniyang popularidad bilang aktor noong halalan ng Panguluhan at Pangalawang
Panguluhan noong 1992, bagama't siya ay tumatakbo sa hiwalay na tiket ng noon ay
nanalong Pangulo, Fidel Ramos.

Bilang Pangalawang Pangulo, pinamahalaan ni Estrada ang Komisyon Laban sa


Krimen (Presidential Anti Crime Commission) mula 1992 hanggang 1997.

Bilang Pangulo
Noong 1998, nanalo si Estrada sa halalan sa ilalim ng partidong Laban ng
Makabayang Masang Pilipino (LAMMP). Nakakuha siya ng 10,956,610 boto o 39.6% ng
lahat ng boto. "Erap Para sa Mahirap" ang kaniyang islogan sa pangangampanya.

Bilang pangulo ng Pilipinas, ang pinakamalaking papel na maaari niyang


gampanan sa buhay. Ang hirap lang, hindi nagampanan. Sa kanyang pagkahirang
nagsimula, mula sa pinakamatayog na tagumpay niya, natupad ang pinakamasakit na
bagsak ni Estrada. Marahil, dahil napahaba nang husto ang paggantimpala sa sarili, o
maaaring nawaglit sa isip ang mga alituntunin na naghatid sa kanya sa Malacanang.
Nakalimutan niya ang maraming pelikula niyang nilabasan, nalimot niya ang daan-
daang papel ng pakikibaka na ginampanan, nalimot niya ang pamumuhay nang
marangal.

Nagsampa ng impeachment laban kay Estrada sa maraming kasong katiwalian


sa kanyang pamumuno na may kinalaman sa suhol sa jueteng at ang mga di
maipaliwanag na deposito ng pera sa bangko. Maraming tumestigo sa kaso ngunit hindi
ito natapos dahil unti-unting nawala ang suporta sa kanya ng mga kakampi at napaalis
siya sa puwesto sa pamamagitan ng Peoples Power 2. Naging pangulo si Gloria Arroyo
at nakulong si Estrada habang nililitis ang kanyang kaso.
Abril 5, 1947
Kapanganakan:
San Juan, Rizal
Lakas-Christian Muslim
Partido Politikal:
Democrats
Asawa: Jose Miguel Arroyo
Relihiyon: Katoliko

Pang-14 Pangulo ng Pilipinas


Ikaapat na Pangulo ng Ikalimang Republika
========================
Pang-11 Pangalawang Pangulo ng Pilipinas
Ikatlong Pangalawang Pangulo ng Ikalimang Republika
June 30, 1998 – January 20, 2001
==================================================================

Si Maria Gloria Macaraeg Macapagal-Arroyo, na mas kilala bilang Gloria


Macapagal-Arroyo, (ipinanganak Abril 5, 1947) ay ika-labing apat at ang kasalukuyang
pangulo ng bansang Pilipinas.

Talambuhay:

Pamilya

Ipinanganak siya noong Abril 5, 1947 sa San Juan, Kalakhang Maynila. Ang
kanyang mga magulang ay ang ika-siyam na Pangulo ng Pilipinas, si Diosdado
Macapagal at si Dra. Evangelina Macaraeg-Macapagal.

Noong Agosto 2,1968, ikinasal siya sa abogadong si Jose Miguel T. Arroyo na


nagtapos sa Ateneo Law School noong 1972.
May tatlo silang mga anak:
Juan Miguel (ipinanganak Abril 26, 1969) — nagtapos ng Diploma in Business
Administration sa University of California, Berkeley
Evangelina Lourdes (Hunyo 5, 1971) — nagtapos ng MS in Foreign Service sa
Georgetown University
Diosdado Ignacio (ipinanganak Setyembre 4, 1974) nagtapos ng BS in Legal
Management, sa Ateneo de Naga

Edukasyon
Elementarya: Assumption Convent High School (1954-1960)
Mataas na Paaralan : Assumption Convent High School (1960-1964) — Valedictorian
Kolehiyo : Georgetown University, AB Economics (1964-66) — Dean’s Lister
Assumption College, AB Economics (1968) — Magna cum Laude
Post Graduate : Ateneo de Manila University, MA Economics (1978)
UP School of Economics, Ph.D. in Economics (1985)

Bilang Politiko:

Nagsimula si Macapagal-Arroyo na pumasok sa pulitika noong 1986 bilang


Undersecretary of Trade and Industry. Sa kanyang panunungkulan sa senado
nakapagpasa siya ng 55 batas tungkol sa “economic and social reform” at pinarangalan
bilang “Outstanding Senator” ng maraming beses. Noong siya ay mahalal na Bise-
Presidente, siya ay itinalaga bilang kalihim ng Social Welfare and Development. Ang
katungkulang kanyang hinawakan hanggang sa siya ay magbitiw sa gabinete noong
Oktubre 12, 2000.

Mga Nagawa, programa at batas:

Pinarangalan bilang “Outstanding Senator” ng Trade Union Congress of the


Philippines at ng SBN 336, Magna Carta for the Urban Poor

Pinarangalan din bilang “Outstanding Legislator” at isa sa “Asian’s Most Powerful


Women”.

Pinagbuti ang pagpapaganda ng Economic Environment sa bansa.

FOR WOMEN EMPOWERMENT


 Women's desk to provide assistance to battered wives and other victims of
domestic violence
 RA 7877, Declaring sexual harassment unlawful in the employment, education or
training environment and for other purposes
 SBN 356, Increasing penalties for wife-beating
 SBN 362, Mandatory employment of women
 Establishment of the Movement Against Sexual Abuse (MASA)

FOR AGRICULTURE & THE ENVIRONMENT


 RA 7900, Promoting the production, processing, marketing and distribution of
high-value crops
 RA 8175. Amending the Charter of the Philippine Crop Insurance Corporation in
order to make more stable and beneficial to farmers and the national economy
 Co-host, "Dighay Bayan" TV program catering to farmers
 Pres. Macapagal Awards for best rice farm cooperative

You might also like