You are on page 1of 1

Guarin, Geraldine E.

04 Marso 2011
BS Business Economics 2008-20728 Humanidades 1 | Prof. Evasco

Tulang Pambata:



"Gising


Tapos nang maghele si buwan
Bumabati nang "hello si araw
Nagmamadaling kumikringkring si orasan
Hinahatak ni kumot ang inaantok mong katawan
Tinutulak ka ni unan sa banya
Wala nang magawa ang selyadong talukap
Naamoy pa ang paborito
Sinangag na pinabanguhan ng bawang
tlog na kakaahon lang sa mainit na kawan
At Tender Juicy na tanging kilala ng panlasa
Magandang umaga, bati nilang lahat
Pagkahalik ni inay,
Beep beep!!! Galit na apura ng school service.

You might also like