You are on page 1of 8

1. Nagtago si Pedro, labas ang ulo. 2. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari. 3. Bugtong-pala-bugtong, kadenang umuugong. 4.

Heto na si Kaka, bubukabukaka. 5. Buhok ni Adan, hindi mabilang. 6. Bibingka ng hari, hindi mo mahati. 7. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon. 8. Iisa ang pasukan, tatlo ang labasan. 9. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.

10. Dalawang pipit nag titimbangan sa isang siit. 11. Hayan na, hayan na di mo pa makita. 12. Baka ko sa Maynila, hanggang dito, dinig ang unga. 13. Nagdaan si Kabo Negro, namatay na lahat ang tao. 14. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. 15. Ang alaga kong hugis bilog, barya-barya ang laman-loob. 16. Sa liwanag ay hindi mo makita. Sa dilim ay maliwanag sila. 17. Palda ni Santa Maria. Ang kulay ay iba-iba.

18. Kaisa-isang plato, kita sa buong Mundo. 19. Nagsaing si Hudas, kinuha ang tubig itinapon ang bigas. 20. Bahay ni Tinyente nag-iisa ang poste.

Answers to the Riddles


Pako - (Nails) Sampayan - (Clothesline) Tren - (Train) Gunting - (Scissors) Ulan - (Rain) Tubig - (Water) Banig - (Mat) Damit/Baro - (Dress) Kulambo - (Mosquito Net) Hikaw - (Earrings) Hangin - (Wind) Kulog - (Thunder) Gabi - (Night) Anino - (Shadow) Alkansiya - (Money Box) Bituin - (Star) Bahaghari - (Rainbow) Buwan - (Moon) Gata ng Niyog - (Coconut Milk)

Payong - (Umbrella)

1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay. Sagot: kandila 2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako. Sagot: langka 3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. Sagot: ampalaya 4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay. Sagot: ilaw 5. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. Sagot: anino 6. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon. Sagot: banig 7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari. Sagot: siper 8. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. Sagot: gamu-gamo 9. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo. Sagot: gumamela 10. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay. Sagot: kubyertos 11. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob. Sagot: kulambo 12. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni. Sagot: kuliglig 13. Baka ko sa palupandan, unga'y nakakarating kahit saan. Sagot: kulog 14. May bintana nguni't walang bubungan, may pinto nguni't walang hagdanan. Sagot: kumpisalan 15. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka. Sagot: palaka 16. Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa. Sagot: kasoy 17. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari. Sagot: paruparo 18. Dalawang batong itim, malayo ang nararating. Sagot: mga mata 19. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita. Sagot: tenga

20. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit. Sagot: baril 21. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi. Sagot: bayong o basket 22. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop. Sagot: batya 23. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan. Sagot: kamiseta 24. Buto't balat na malapad, kay galing kung lumipad. Sagot: saraggola 25. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa. Sagot: ballpen o Pluma 26. Nagbibigay na, sinasakal pa. Sagot: bote 27. May puno walang bunga, may dahon walang sanga. Sagot: sandok 28. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing. Sagot: kampana o batingaw 29. Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona. Sagot: bayabas 30. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha'y nakaharap pa. Sagot: balimbing 31. Maliit na bahay, puno ng mga patay. Sagot: posporo

Riddles About Fruits

1. May isang prinsesa, nakaupo sa tasa. 2. Ate mo, ate ko, Ate ng lahat ng tao.

3. Hiyas na puso, kulay ginto, mabango kung amuyin, masarap kung kainin. 4. Butong binalot ng bakal, bakal na binalot ng kristal. 5. Nag tapis nang nag tapis nakalitaw ang bulbolis. 6. Aling pagkain sa mundo, ang nakalabas ang buto? 7. Heto na si Ingkong, nakaupo sa lusong. 8. Nakatalikod na ang prinsesa, mukha niya'y nakaharap pa 9. Balat niya'y berde, buto niya'y itim,laman niya'y pula, sino siya?

10. Kung tawagin nila'y santo, hindi naman milagroso. 11. Bahay ni Mang Pedro, punung-puno ng bato. 12. Baboy sa pulo, ang balahibo ay pako. 13. Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin. 14. Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona. 15. May langit, may lupa, May tubig, walang isda. 16. Kumpul-kumpol na uling, hayon at bibitin-bitin. 17. Bunga na ay namumunga pa. 18. Tiningnan nang tiningnan. Bago ito nginitian.

19. Hindi prinsesa, hindi reyna. Bakit may korona? 20. Isang magandang dalaga.Di mabilang ang mata.

Answers to the Riddles


Kasoy (Cashew) Atis (Sugar Apple) Mangga (Mango) Lansones (Lanzones) Mais (Corn) Kasoy (Cashew) Kasoy (Cashew) Balimbing (Star Apple) Pakwan (Watermelon) Santol Papaya (Pawpaw) Langka (Jackfruit) Saging (Banana) Bayabas (Guava) Niyog (Coconut) Duhat (Black Plum) Bunga Mais (Corn) Bayabas (Guava) Pinya (Pineapple)

You might also like