Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
42Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
EL FILIBUSTERISMO Deciphered- Kabanata 16 - Kapighatian ng Isang Tsino

EL FILIBUSTERISMO Deciphered- Kabanata 16 - Kapighatian ng Isang Tsino

Ratings: (0)|Views: 11,507 |Likes:

More info:

Categories:Types, Research, History
Published by: Daniel Mendoza-Anciano on Dec 22, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF or read online from Scribd
See more
See less

11/07/2013

pdf

 
UNCORRECTED PROOFKabanata 16Ang Mga Kapighatian Ng Isang Tsino
 Sa gabi ng Sabado ring iyon, ang Tsino na si Quiroga
1
nanananais na makapagtayo ng isang
consulado 
para sa kanyangbansa,
2
ay nagbigay ng isang hapunan sa itaas ng kanyangmalaking
bazar 
na nasa daang Escolta. Ang kaniyang piging ay dinaluhan ng marami mga prayle, mga kawani, mga militar, mgamangangalakal, lahat ng kanyang mga suki, mga kasosyo o mganinong,
3
ay nangaroroon; ang kanyang tindahan ay siyang
Ang pamagat na ito ay isang napakalaking katatawanan, kapag nabasa at naintindihan mong buo ang mga kahulugan ng kabanatang ito. Nanaisin mo mo na rin na magkaroon ngkatulad na kadalamhatian.1 Sa unang bahagi pa lamang ng Kabanata ay nangangailangan na ng masusing pag-aaral.Ang pangalan ng tauhang Tsino ay Quiroga at hindi isang pangalang Tsino. Ang pangalan naQuiroga ay nagpapabatid na ang Tsino na tinutukoy rito ay nagpabinyag sa Katoliko sapanahon ng kaniyang pananatili sa sa Pilipinas. Ginamit ni Rizal sa pagpapangalan sakaniyang tauhang Tsino ang Quiroga. Ang pangalang Quiroga ay higit na hango ni Rizal kay Pedro Quiroga na itinalaga ni Haring Philip IV noong 1635, upang maging inspektor sa Mexicoat bantayan ang mga ipinupuslit (smuggled) na kalakal mula sa Maynila patungo ng Mexico.(Basahin ang Shirly Fish, The Manila-Acapulco Galleons: The Treasure Ships of the Pacific, 9)at ang BR, The Philippine Islands v. 29 ,71).Sa pamamagitan ng pagpapagamit ni Rizal ng pangalang Quiroga ay nagawa niya na lumikhang kabalintunaan, dahilan sa ang orihinal na Pedro Quiroga ay kalambat ng pagpupuslit,samantalang ang Tsinong Quiroga sa nobela ay isang mamumuslit (smuggler).2 Sa pamamagitan ng paghahayag ni Rizal na ang Tsino Quiroga ay nagnanais na magkaroonng isang konsulado para sa mga mamamayang Tsino ay nagawa niyang maipaalam kung sinoang kaniyang tinutukoy. Si Jose Alejandrino na nakasama mismo ni Rizal sa Ghent, Belgiumay tinukoy ng direkta sa kaniyang aklat na
La Senda del Sacrifio 
(1933) na si Tsino Quiroga ay walang iba kundi si TAN QUIEN-SIEN na mas kilala sa ating panahon bilang Carlos PalancaSr.Higit na ipinakilala ni Tan Quien-Sien/Carlos Palanca ang kaniyang sarili na katugma ngtauhan ni Rizal na si Tsino Quiroga, sa ilang mga pahayag nito noong ito ay humarap sapagdinig ng Philippine Commission ng America. (Report of the Philippine commission to thePresident. : January 31, 1900[-December 20, 1900] [Vol. 1, no. 2 Testimony and Exhibit p.219-225 at 270-278)(Basahin ang mga aklat nina Joe Studwell,
Asian Godfathers: Money and Power in Hong Kong and Southeast Asia 
(2007)
 
Chu Wong,
The Chinese in the Philippine economy, 1898-1941
 
 – 
(1999)-Andrew R. Wilson,
Ambition and identity: Chinese merchant elites in colonial Manila 
(2004)Edgar Wickberg,
The Chinese in Philippine life, 1850-1898 
(1965)3 Ang isa sa mga naging ninong ni Tan Quien-Sien (ang Tsino Quiroga sa nobelang ito) ay siColonel Carlos Palanca y Gutierez. Ang Espanyol na Palanca ay opiyal ng hukbong militar ngEspanya at nakilala sa pakikibahagi nito sa pananakop sa Vietnam (1858-1862).
 
kinukunan ng lahat ng kailangan ng mga kura at ng mga kumbento, tumatanggap ng
vale 
ng lahat ng kawani,
4
mayroon siyang mga matatapat na tagaglingkod namasunurin at masisipag.
5
Ang mga prayle ay hindi mahahamak kung magpalipas ngmga oras sa kanyang tindahan,
6
sa pook na tanaw ng publiko, maging sa mga silid nanasa loob, na may mga kaaya-ayang kasama
7
 Nang gabing iyon, ang bulwagan ay 
may nakapag-uusisang anyo
.
8
Puno itosa mga prayle at mga kawani na nakaupo sa mga silya at bangko ng yari sa maitim nakahoy ng Viena at mga upuang marmol nagaling sa Canton, na nakapaharap mgamaliliit na lamesang parisukat, atnangaglalaro ng tresilyo o nagsisipag-usap,sa tulong ng maningning na liwanag ng mgaginintuang lampara o ng kukuti-kutitap nailaw ng mga parol-Tsino na may matitingkadna borlas na sutla.
9
Sa mga dingding ay magulong nagkakahalo ang mga panooringpayapa at bughawin na gawang Canton at Hongkong, na kasama ng mga
cromo 
ngmga babaing alipin ng mga sultan, mga babaing halos hubad,
10
mga larawan ni Cristo
4 Ang tinutukoy rito ay ang
voucher 
 
 – 
ukol sa mga pangangailangan ng mga ahensiya, opiyal omaging tauhan ng pamahalaan na kumuha ng kalakal na kaniyang itinitinda, sa pangakongbabayaran ito ng pamahalaan.5 Isang palaisipan kung ang mga tagapaglingkod (
servidores 
) na ito ay babae o lalaki.6 Hindi mahahamak ang kanilang pagiging alagad ng simbahan7 Sino ang mga kaaya-ayang kasama ng mga prayle sa mga kuwarto sa itaas ng bazar ni TsinoQuiroga? Mga
servidores 
kaya? Dito ay makikita na ang isang paraan ng paghuhulog niQuiroga sa mga kaparian noong kapanahonang iyon ay painan ng mga babae.8 Ang katagang nakapag-uusisang anyo ay isang hamon ni Rizal na pag-aralan na mabuti angnilalaman ng bahay. Lalo na sa talatang ito.9 Simbolismo ng eksena sa kabanata
Ang mga upuan
 
 – 
ay lumalarawan sa kanilang lugar na kinalalagyan ng kapangyarihan ngmga prayle at mga empleyado ng Espanya. Kanluran na kinakatawan ng mga upuan na gawasa Vienna at Silangan na kinakatawan ng upuan na gawa sa Canton.
Pagsusugal at nagsisipag-usap
 
 – 
pagpapakita ng pagkakahati ng interes ng mga prayle at mgaempleyado ng Espanya
 – 
hinaharap ang bisyo o kaya ay pagtalakay sa mga bagay na ayon sakanilang interest.
Liwanag
 – 
 
Pansinin na magkaiba ang liwanag “bright or dull” na maaring lumarawan sa
epekto ng bisyo at mga paksang talakayan ng mga prayle at mga empleyado.10 Ang alipin ng sultan na halos hubad na tinutukoy rito ay tinatawag na
odalisque 
. Angsining naman na tinutukoy ay imitasyon ng isa sa mga kilalang pinta ng mundo na
Grand Odelisque 
na nilikha ni Jean Auguste Dominique Ingres noong 1814 na nasa museo ng Louvre,sa France.Mapapansin rito ang maramihang imitasyon ng nasabing pinta na ginagawa sapamamagitan ng paraang ng
chromolithography 
at isa sa koleksiyon ni Quiroga o maaringipinagbibili ng Tsino Quiroga ay ito. Isang higit na nakakatawag pansin na ang pinta sa itaasng pahina ay may katulad ding pangalan na iginihit ni Juan Luna at sinasabi na isa sa mgakoleksiyon ni Jose Rizal.
 
na mukhang babae,
11
ng pagkamatay ng banal at ng makasalanan, na pawang yari samga bahay pagawaan ng mga Hudyo sa Alemanya upang ipagbili sa mga bayangKatoliko.
12
Naroon din ang mga larawang Tsino na nasa pulang papel na may isang
lalaking nakaupo na ang anyo’y kagalang
-galang, mapayapa at nakangiti,
13
sa
likuran nito’y may nakatayong aliping napakapangit, nakasisindak,
mabalasik,nagbabala, na ang pigil ay isang sibat na ang talim ay malapad at matalas;
tinatawagna Mahoma ng mga tagaroon at tinatawag na Santiago ng ilan, hindi naminmaalaman kung bakit
;
ang mga Tsino naman ay hindi nagpapaliwanag tungkol sadalawang pangalan ng isang katauhan
.
14
Mga putok ng botelya ng
champagne 
,bungguan ng mga kopa, tawanan, usok ng tabako at isang tanging amoy ng bahay- Tsino, na may halong pebete, apyan at mga imbak na bungang-kahoy ang nagigingkabuuan ng lahat ng iyon.Nakasuot ng damit na parang mandarin, na bughaw ang borlas ng kopya ay nagpapalakad-lakad sa mga silid si Tsino Quiroga, na tuwid at unat na unat, napasulyap-sulyap na waring sinisiyasat kung walang nadudukot naanuman.
15
 
Datapwa’t kahit na taglay ang gayong
likas na kawalan ng pagtitiwalangay nakikipagkamayan, binabati ang ilan sa tulong ng mga masuyo at pakumbabangngiti, at ang ilan ay bating mapag-
ampon, at ang iba’y bating palibak na waring ang
ibig sabihin ay:
“Alam ko na!
Hindi kayo naparito para sa akin, kundi, dahil sa aking
hapunan.”
 May katwiran si Tsino Quiroga. Iyong matabang ginoo na pumupuri sa kanyaat nagsasabi ng pangangailangan ng isang
consulado 
ng Tsino dito sa Maynila, na ang
Love, Passion and Patriotism: Sexuality and the Philippine Propaganda Movement, 1882-1892 
11 litografías de Cristos femeniles
 – 
mga larawan ng Cristo na mukhang babae
 – 
ibig sabihin ay parang bakla, ito ay dahilan sa parang hindi nakakatigatig sa mga larawan ng
odalisque 
.12 Pagpapakita ni Rizal na ang gumagawa ng mga
religious object 
na pinagbibili ni Quiroga ay gawa sa mga pabrika sa Alemanya na pag-aari ng mga Judio. Ang mga Judio ay walangpananampalataya sa Cristo.13 Maaring ang nasa larawan ay si Cunfucius na buong aliwalas na inilarawan ni Rizal sanobela.14 Isang pang-uuyam ni Rizal sa katabi ni payapang Cunfucius ay ang pangit at marahas naalipin. Tinatawag ang pangit at marahas na Mahoma ng ilan at Santiago ng iba. Dito ay makikita ang pagsusuri na ang relihiyong Islam at Kristiyanismo na lumaganap sapamamagitan o kasunod ng armadong pananakop.15 Kawalan ng tiwala ng mga Tsino sa ibang tao.

Activity (42)

You've already reviewed this. Edit your review.
Sheeeeyn added this note
Maraming salamat sa kung sino man ang gumawa nito, sobrang nakatulong ito sa report ko at natulungan ko rin ang sarili ko na mas lalo pang mahalin ang nobelang ito.
1 thousand reads
1 hundred reads
Jeramy Mecoza Sasota added this note
b
Esther Gabriel liked this
Jun Paolo Dayao liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->