Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
32Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
El Filibusterismo Deciphered - Kabanata 17 - Perya sa Quiapo

El Filibusterismo Deciphered - Kabanata 17 - Perya sa Quiapo

Ratings: (0)|Views: 10,288 |Likes:

More info:

Published by: Daniel Mendoza-Anciano on Dec 24, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF or read online from Scribd
See more
See less

09/17/2014

pdf

 
UNCORRECTED PROOFKabanata 17Ang Perya Sa Kiyapo
 
Ang gabi‟y maganda at ang anyo ng
liwasan ay lubhang masaya.
1
Sapagsasamantala sa masarap na simoy at maningning na buwan kung Enero
2
 ay punung-puno ang perya ng taong ibig makakita, makita atmakapaglibang.
3
Ang mga musika ng mga
 
kosmorama at ang ilaw ng mga
Inihanda sa pag-aaral na ito ang mapa ng Quiapo noong ika-19 na siglo, ito ay upangmagawang makita ang pinagganapan ng kabanata upang mailapit ang mga mambabasa satunay na kailiguran nito.Mapapansin sa mapa ang dalawang pulo na dinadaanan ng estero, ito sa pag-aaral ngnagsasaliksik ang dalawang pulo na ito ay napasama sa kasalukuyang lupa ng Quiapo dahilansa pagtatabon ng estero.Basahin sina Charles J-H MacDonald at Guillermo M Pesigan,
Old ties and new solidarities : studies on Philippine communities 
 1 Ang liwasan ng Quiapo ay ang kinaroroonan ngayon ng Plaza Miranda2 Ang kapistahan ng Quiapo ay sa mga unang araw ng Enero
 – 
makikita rito na halossinusundan ni Rizal sa pagbuo ng mga pangyayari sa kaniyang mga nobela ang kalendaryo.Ang
Noli 
ay pinasimulan niya sa bisperas ng Todos Los Santos at ang
climax 
ay sa pagkamatay ni Elias sa bisperas ng kapaskuhan (samantalang si Rizal ay namatay isang araw, bago angbisperas ng bagong taon). Ang
Fili 
naman ay nagsimula sa bisperas ng pasko.3 Ang taong ibig makita ay katulad ng mga tao na nakikilahok sa isang malakihangpagdiriwang. Maging ang kapistahan ng Quiapo sa kasalukuyan ay nauuwi rin sa ganitongkalagayan
 – 
tama po ba ako Kabayan.
 
parol ay siyang nagbibigay-galak at kasayahan sa madla.
4
Mahahabang hanay ng mga tindahan,
5
nagniningningang aliyamas at mga pangkulay,
6
lantad satingin at may mga kumpol na pelota,
7
mga maskarang nangakatuhog sa mata,
8
 mga laruang lata,
9
mga tren, karong maliliit, kabayong maliliit nanapagagalaw,
10
mga sasakyan, mga bapor na may kani-kanilang maliliit nakaldera,
11
mga maliliit na pinggan-pingganang, mga beleng mumunti na kahoy na pino, mga manikang gawa sa ibang bansa at gawa rito,
ang mga una aymasasaya at bughaw, at ang mga huli ay mga walang katawa-tawa atmapagnilay na waring maliliit na babaing may gulang, sa piling ng mgabatang napakalalaki
.
12
Ang tugtog ng mga tambol na maliliit, ang kaingayanng mga trompe-trompetahang lata, ang tugtuging ngongo ng mga kurdiyon at
mga organilyo ay nagkakahalong wari‟y tugtugan sa karnabal, at sa gitna nglahat ng iyon ay paroo‟t parito ang makapal na tao na nangagtutulakan.
Nagkakabu
ngguang ang mukha‟y nangakalingon sa mga tindahan, kaya‟t
madalas ang untugan at kung minsan ay katawa-tawa. Napipilitang pigilanang takbo ng mga kabayo ng mga sasakyan, ang
tabi 
! t
abi 
! ng mga kutsero ay nadidinig na sunod-sunod;
13
nangagkakasalu-salubong ang mga kawani, mgamilitar, mga prayle, mga nag-aaral, mga Insik, mga dalaginding na kasama ngkanilang mga ina at tiyahin, nangagbabatian, nangagkikindatan, masasayangnagtutudyuhan.
4 Ang cosmorama ay isang panoorin na mayroong larawan ng maraming mga pook at mgabansa na nakikita ng mga nanonood sa saliw ng mga ilaw at tugtugin.5 Ang mga tindahan na tinutukoy dito ay mga maliliit at pansamantala na inilalagay tuwingkapistahan. Sa Ingle ay tinatawag na
booth 
.6 Tinsel and gaud7 Bolang laruan8 Ang mga maskara ay nakasabit sa labas ng maliliit na tindahan.9 Ang popularidad ng mga laruang lata sa ating panahon ay katulad ng mga laruang
 plastic.
 10 Gumagalaw dahilan sa mayroong mga maliliit na makina na sinususian.11 Mapapansin sa salaysay dito ni Rizal na may mga moderno ng laruan sa kapanahunangiyon na ipinagbibili sa Pilipinas
 – 
ang maliit na
caldera 
ng laruan tren ay isang pinaliit nabapor na katulad ng totoo. Sa ating panahon ay mga laruang elektroniko.12 Pinasimulan na ni Rizal ang pagbanat sa pamamagitan ng paglalarawan sa mga likhangsining.13 Ang eksenang ito ay katulad ngayon ng nararanasan ng mga nagmamaneho sa mga lugarkung saan ang mga tindahan ay nasa mga bangketa at ang makapal na bilang ng mga tao ay naglalakad sa kalsada. Ano ba ang bago, noon at ngayon?Mga nakakainis na ugali na minsang inalis ni Bayani Fernando at bumalik naman sa panahonni Francis Tolentino.
 
Si Padre Camorra ay nasa karurukan ng kanyang kaligayahan sapagkakita ng gayon karaming magagandang dalaga; napapatigil siya,napapalingon, itutulak si Ben-
Zayb, mapapalatak, sumusumpa‟t aniya‟y:
 
“at
iyan, iyan, manghihitit ng tinta, at doon sa isa, ano ang masasabi mo
?”
14
Sakanyang kagalakan ay hindi na pinupupo ang kanyang kalaban atkatunggali.
Tinitingnan siyang maminsan-minsan ni Padre Salvi
,
15
 
nguni‟t
hindi niya pinapansin si Padre Salvi,
kundi bagkus pa ngang binubunggo angmga dalaga upang masagi sila, na kinikindatan at tinititigan nang titig namay palaman
.
16
 
Puñales 
! Kailan kaya ako magiging kura sa Kiyapo
?” ang tanong
sa sarili.
17
 Si Ben-Zayb ay biglang nakabitiw ng isang tungayaw, napalundag atpinigilan ang kanyang bisig; sa gitna ng kagalakan ni Padre Camorra ay kinurot siya. Dumarating ang isang nakasisilaw na binibining pinagtitinginanng lahat ng taong nasa liwasan; dahil sa hindi magkasya sa kagalakan si PadreCamorra ay pinagkamalang bisig ng dalaga ang bisig ni Ben-Zayb.Ang bi
nibini‟y si Paulita Gomez, ang makisig sa madlang makisig na
sinusundan ni Isagani; sa likuran ay sumusunod si Donya Victorina. Ang
dalaga‟y nagniningning sa kagandahan; ang lahat ay napapatigil, ang mga leeg
ay bumabaluktot; napapahinto ang mga usap-usapan, sinusundan ng mgapaningin, at si Donya Victorina ay tumatanggap ng mga magalang na bati.
Ang suot ni Paulita Gomez ay baro‟t panyong pinya na binurdahan, iba
kaysa isinuot nang umagang iyon sa pagparoon sa Sto. Domingo. Angnanganganinag na habi ng pinya ay nagbibigay ng lalong ganda sa kanilangulo, at ang mga Pilipinong nakakamalas ay iginagaya siya sa buwang nalilibid
ng maputi‟t manipis na ulap.
Isang sayang sutla na kulay-rosas, na
14 Tandaan sana na ang perya ng Quiapo ay lugar kung saan maaring tingnan at bilhin angmga paninda. Si Padre Camorra ang pinagkakaabalahan ay ang pagpili ng mga magagandangbabae.15 Bakit tinitingnan ni Padre Salvi si Padre Camorra. Tandaan sana na sa panahong ito ay matanda na si Padre Salvi, nakita niya na sa hilig sa babae ay paparoon pa lamang si PadreCamorra at siya ay pauwi na.16 Kung ang maraming mga tao sa perya ng Quiapo ay naroon para pumili, hawakan at bilhinang mga itinitinda. Si Padre Camorra ay naroon para pumili at magsamantala sa mgamagagandang dalaga sa pamamagitan ng pagsagi (chancing) sa mga ito. Ang makahulugangtitig na may palaman ay isang anyo ng pag-aanyaya upang sukatin kung ang dalaga ay bibigay sa kaniyang makamundong alok.17 Ang parokya ng Quiapo ay isa sa mga mayayamang parokya sa Pilipinas noon. Ito ay dahilan sa ang Quiapo ay lugar na kinaroroonan ng mga bahay ng mga mayayamang pamilyasa Pilipinas.Ito rin ang dahilan kung bakit napakaraming magagandang babae sa nasabingdistrito. Nangangarap si Padre Camorra na magkamal ng pera at magagandang babae.

Activity (32)

You've already reviewed this. Edit your review.
So Helpful ^_^ Thanks sa gumawa nito :'>
1 thousand reads
1 hundred reads
Wilmar Dela Cruz added this note
Wala po bng kabanata 27? Bitin po kasi, hanggang 26 lang yung may deciphered.
Mariane Basuel added this note
Pwede po ba KABANATA 32? Need ko po eh. Report ko po. Please? Yung mga pahiwatig po kasi.. Yung teacher namin kakaiba e. Sige na po. >:))))
Rv Angeles liked this
Arsette Quadra liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->