You are on page 1of 6

Unibersidad ng Pilipinas Diliman Kolehiyo ng Edukasyon Departamento ng Araling Panlipunan Guro: Susan Anne A.

. Quirante Antas: 6 Petsa: Bilang ng Sesyon: 1

Paghahalal at Paghihirang sa mga Opisyal ng Pamahalaan I. Layunin A. Panlahat Magkaroon ng kamalayan ukol sa proseso ng eleksyon at kaalaman ukol sa mga kwalipikasyon at tungkulin ng mga opisyal ng pamahalaan. B. Tiyak Pagkatapos ng aralin ang mag-aaral ay inaasahan na: 1.

2. 3. 4. 5.
II. Nilalaman

Maipaliliwanag ang tungkulin ng Commission on Elections Maipaliliwanag ang tungkulin ng mga political party at party list Makagagawa ng isang program of action Maisasagawa ang proseso ng isang pambansang halalan Maipaliliwanag ang proseso ng paghihirang sa gabinete, pangulo ng senado, tagapagsalita ng kapulungan at mga punong hurado

A. Paksa: Paghahalal at paghihirang sa mga piling opisyal ng mga sangay ng pamahalaan B. Mga Batayang Konsepto
Commission on Elections Kwalipikasyon ng mga kandidato Representasyon Political Party Sistemang Party-List

C. Balangkas

1.
a. b. c. d. 2. 3.

Kwalipikasyon ng Mga Kandidato Pangulo at Bise Pangulo Senador Kinatawan Rehistradong Botante Ang Commission on Elections Mga Political Party Ang Sistemang Party-List Pambansang Halalan

4.
5.

6.

Paghihirang sa Mga Piling Opisyal sa Pamahalaan a. Ang Pangulo ng Senado

b. Tagapagsalita ng Kapulungan c. Mga Punong Hurado d. Commission on Appointments III. Mga Kagamitan sa Pagtuturo A. Sanggunian 1987 Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo V, VI , VII, VIII, at IX Pop2010: A Look at Philippine Political Parties in Paper and in Practice Primer on the Party-List System of Representation in the House of Representatives comelec.gov.ph Platforms, akbayan,org.ph Program of Action, kabataanpartylist.com B. Mga Kagamitan gabay sa pangkatang gawain cartolina, mga panulat at mga krayon mga certificate of candidacy halimbawa ng registration form ng mga botante kagamitang biswal (PowerPoint)

IV. Pamaraan A. Panimulang Gawain (5 minuto)


1. Paglalatag ng Balangkas Ipaliwanag sa klase ang pagkakasunud-sunod ng mga gawain para sa kasalukuyang aralin. 2. Balik-Aral

a.

Tanungin ang mga mag-aaral tungkol sa mga natalakay na mga kwalipikasyon ng pangulo at bise-pangulo, mga senador at kinatawan.

b.

Tanungin ang mga mag-aaral kung anu-ano marahil ang mga kwalipikasyon ng isang rehistradong botante. 3. Pang-ganyak na Tanong Tanunging ang mga mag-aaral kung paano nakikilahok ang bawat mamamayan sa pambansang halalan.

B. Pagtatalakay (20 minuto)


1. Commission on Elections

a.

Talakayin ang paghihirang, mga tungkulin, at kwalipikasyon ng mga kasapi ng Commission on Elections. Bigyang pansin ang parirala na: Tungkulin ng COMELEC ang pagbibigay buhay at katuturan sa batayang prinsipyo na ang soberanya ay namamalagi sa sambayanan.

b.

Tanungin ang mga mag-aaral kung paano binibigyang buhay at katuturan ng COMELEC ang batayang prinsipyo na binanggit at kung ano ang kahalagahan sa pagtupad ng tungkuling ito. 2. Political Party

a.

Ipakita ang selyo ng PartidoLiberal, Nacionalista at LAKAS-CMD. Tanungin ang mga mag-aaral kung sinu-sinong pangulo ang nagmula sa mga partidong ito.

b. c.

Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang ginagampanang papel ng mga political party sa panahon ng halalan. Talakayin ang mga naging sagot ng mga mag-aaral. Bigyang linaw ang papel ng mga political party gamit ang isang tsart upang maipakita ang pagkakahalintulad at pagkakasalungat ng mga ito. d. Ituon ang diskusyon sa mga batikos sa mga partido partikular ang pagmula ng karamihan sa mayayamang pamilya, pagiging trapo at makasarili, at kakulangan sa klarong ideolohiya. Ihambing ang ideolohiya ng mga partido ng Pilipinas sa ideolohiya ng mga partido sa Alemanya at Estados Unidos. 3. Sistemang Party-List

a.

Ipakita ang selyo ng Kabataan Party-List at iba pang party-list na nanalo sa halalan 2010. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang mga sektor na kinakatawan ng mga ito.

b.

Talakayin ang pagkakaiba ng mga party-list sa mga political party ayon sa ideolohiya at mga kinakatawang sektor. Bigyang linaw ang pagkakaiba sa pamamagitan ng pagtalakay sa pamamaraan ng paghahalal sa mga ito.

C. Panlinang na Gawain (30 minuto)


1. Halalan

c.

Pipili ang klase ng dalawang kinatawan na bubuo sa COMELEC. Gagawa ang mga kasapi ng mga tuntunin ng halalan. Ililista nila ang mga kwalipikasyon ng presidente, bise-presidente, senador at kinatawan. Pagdedesisyunan nila kung ano ang pamamaraan ng pagboto. Ipapaskil nila ang pinal na listahan ng mga tumatakbong kandidato. Sila rin ang magbibilang ng mga boto, maghihirang ng mga nanalong kandidato, at haharap sa mga kaklase sakaling may maghain ng electoral protest.

d.

Bubuo ng dalawang grupo ng mga mag-aaral na may 13 miyembro. Ang bawat grupo ay kakatawan sa isang political party. Hihirang sila ng mga kandidato sa pagkapangulo, bise-pangulo, mga senador, at mga kinatawan. Gagawa sila ng pangalan, selyo, at motto ng kanilang political party. Ipapasa nila ang kanilang mga certificate of candidacy sa COMELEC. Bibigyan ng tatlong minuto ang bawat grupo para mangampanya.

e.

Ang ibang mga mag-aaral ay hahatiin sa dalawang party list. Gagawa sila ng pangalan, selyo at kikilalanin ang sektor na kinakatawan. Hihirang sila ng una hanggang pangatlong kandidato. Ipapasa nila ang kanilang mga certificate of candidacy sa COMELEC. Gagawa ang bawat grupo ng program of action. May tatlong minuto ang bawat party list na mangampanya. f. Magkakaroon ng botohan na pamamahalaan ng COMELEC. Idedeklara nila ang mga nanalong kandidato. Sila rin ang haharap sakaling may magsampa ng protesta sa resulta ng halalan. 2. Paghirang ng mga Piling Opisyal

a.

Ang nanalong pangulo ay hihirang ng apat na kalihim ng kaniyang gabinete. Hihirang din ang pangulo ng anim na mga mahistrado at hukom ng Korte Suprema.

b.

Ang mga senador naman ay hihirang ng Pangulo ng Senado habang ang mga kinatawan ay hihirang ng Tagapagsalita. c. Bubuo ng Commission on Appointments ang sangay lehislatibo upang aprubahan ang mga hinirang na opisyal ng pangulo.

D. Pangwakas na Gawain (5 minuto)


1. Pagbubuod a. Sa iyong palagay, aling grupo ang pinakamahusay na ginampanan ang kaniyang tungkulin?

b.

Sa isang pangungusap, ano ang natutunan mo sa halalang isinagawa natin ngayong araw? 2. Pagpapahalaga

a.

Sa iyong palagay, aling grupo ang may pinakamahalagang papel na ginagampanan sa isang pambansang halalan? b. Sa iyong pananaw, mahalaga ba ang ginagampanang papel ng Commission on Elections?

c.
VI. Pagtataya

Sa iyong pananaw, ano ang kahalagahan ng mga party list? Ipaliwanag.

A. Rubrics para sa grupo ng COMELEC


Aspeto Kwalipikasyon ng mga Kandidato at Botante 5 Malinaw ang pagkakalahad at kumpleto ang nalistang mga 4 Malinaw ang paglalahad subalit may kulang na mga 3 Hindi malinaw ang paglalahad pero kumpleto ang nalistang 2 Hindi malinaw ang paglalahad at hindi kumpleto ang

kwalipikasyon. Malinaw ang paglalahad at may katuturan ang mga tuntuning binuo. Organisado at walang electoral protest. Malinaw ang tuntunin para sa mga kaso ng electoral protest at maayos ang paglutas sa mga ito.

kwalipikasyon. May katuturan ang mga tuntuning binuo subalit hindi malinaw ang paglalahad. Organisado subalit may paratang ng dayaan. Malinaw ang tuntunin para sa mga kaso ng electoral protest subalit hindi maayos ang paglutas sa mga ito.

mga kwalipikasyon. May katuturan ang mga tuntuning binuo subalit hindi malinaw ang paglalahad. Malinis ang halalan subalit naging magulo ang proseso. Hindi malinaw ang tuntunin para sa mga kaso ng electoral protest.

nalistang mga kwalipikasyon. Hindi malinaw ang paglalahad at walang katuturan ang mga tuntuning binuo. Di-oranisado at may paratang ng daayaan. Walang tuntunin para sa mga kaso ng electoral protest.

Mga Tuntunin ng Halalan

Pamamahala sa Halalan

Electoral Protest

B. Rubrics para sa political party Aspeto 5 Kumpleto ang hinihinging impormasyon at nakapagpasa sa takdang oras. Maayos ang paliwanag, mahusay at malikhain ang pagkagawa sa mga selyo at pangalan. Malinaw ang pagpapaliwanag , angkop ang mga gabay na prinsipyo, at may mga pinapatungkol na isyu. Malikhain at pinaghandaan ang pagpapakilala. Naisagawa sa loob ng tatlong minuto. 4 Nakapagpasa sa takdang oras subalit may kulang sa mga hininging impormasyon. Maayos ang paliwanag, mahusay ang pagkagawa sa mga selyo at pangalan. Malinaw ang pagpapaliwana g at angkop ang mga gabay na prinsipyo. Pinaghandaan ang pagpapakilala at naisagawa sa loob ng tatlong minuto. 3 Hindi nakumpleto ang hinihinging impormasyon at hindi nakapagpasa sa takdang oras. Maayos ang paliwanag at minadali ang pagkagawa sa selyo at pangalan. Angkop ang mga gabay na prinsipyo subalit hindi malinaw ang pagpapaliwana g. Pinaghandaan ang pagpapakilala subalit kinapos o sumobra sa takdang oras. 2

Pagpasa ng Certificate of Candidacy

Hindi nagpasa ng certificate of candidacy.

Selyo at Pangalan ng Partido

Hindi malinaw ang paliwanag at minadali ang pagkagawa sa selyo at pangalan. Hindi malinaw ang pagpapaliwanag at hindi angkop ang mga gabay na prinsipyo.

Motto

Pangangampanya

Hindi pinaghandaan ang pagpapakilala.

C. Rubrics para sa party-list Aspeto 5 Kumpleto ang hinihinging impormasyon at nakapagpasa sa takdang oras. Maayos ang paliwanag, mahusay at malikhain ang pagkagawa sa mga selyo at pangalan. Malalim ang pag-unawa at malinaw ang pagtukoy sa mga isyu. Angkop ang mga programang iminungkahi. Malikhain at pinaghandaan ang pagpapakilala. Naisagawa sa loob ng tatlong minuto. 4 Nakapagpasa sa takdang oras subalit may kulang sa mga hininging impormasyon. Maayos ang paliwanag, mahusay ang pagkagawa sa mga selyo at pangalan. Malalim ang pag-unawa at malinaw ang pagtukoy sa mga isyu subalit diangkop ang mga programang iminungkahi. Pinaghandaan ang pagpapakilala at naisagawa sa loob ng tatlong minuto. 3 Hindi nakumpleto ang hinihinging impormasyon at hindi nakapagpasa sa takdang oras. Maayos ang paliwanag at minadali ang pagkagawa sa selyo at pangalan. Malinaw ang pagtukoy sa mga isyu subalit mababaw ang pag-unawa at hindi angkop ang mga programang iminungkahi. Pinaghandaan ang pagpapakilala subalit kinapos o sumobra sa takdang oras. 2

Pagpasa ng Certificate of Candidacy

Hindi nagpasa ng certificate of candidacy.

Selyo at Pangalan ng Party-List

Hindi malinaw ang paliwanag at minadali ang pagkagawa sa selyo at pangalan. Hindi malinaw ang mga isyung natukoy at mababawa ang pag-unawa sa mga ito. Hindi angkop ang mga programang iminungkahi. Hindi pinaghandaan ang pagpapakilala.

Plataporma/Program of Action

Pangangampanya

D. Maikling Pagsusulit

1. Sino ang naghihirang sa Commission on Elections? (1 puntos) 2. Magbigay ng kwalipikasyon ng isang kasapi ng COMELEC na iba sa

kwalipikasyon ng pangulo ng bansa. (1 puntos) 3. Anu-ano ang mga kwalipikasyon ng pagkapangulo? (3 puntos) 4. Kikilalanin bang isang party-list ang isang alyansa ng mga CEO ng malalaking kumpanya? (1 puntos) 5. Magbigay ng dalawang halimbawa ng party-list. (2 puntos) 6. Anu-ano ang mga kwalipikasyon upang maaaring bumoto? (2 puntos)

You might also like