Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
4Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Kanya-Kanyang Rizal sa Pinilakang Tabing: Pagbasa sa mga Hulagway ng Buhay at Kontribusyon ni Dr. Jose Rizal sa Pelikulang Pilipino

Kanya-Kanyang Rizal sa Pinilakang Tabing: Pagbasa sa mga Hulagway ng Buhay at Kontribusyon ni Dr. Jose Rizal sa Pelikulang Pilipino

Ratings: (0)|Views: 766 |Likes:
Published by Atoy Navarro
Kanya-Kanyang Rizal sa Pinilakang Tabing: Pagbasa sa mga Hulagway ng Buhay at Kontribusyon ni Dr. Jose Rizal sa Pelikulang Pilipino
Kanya-Kanyang Rizal sa Pinilakang Tabing: Pagbasa sa mga Hulagway ng Buhay at Kontribusyon ni Dr. Jose Rizal sa Pelikulang Pilipino

More info:

Published by: Atoy Navarro on Dec 30, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

11/04/2012

pdf

text

original

 
 
K
ANYA
-K
ANYANG
R
IZAL SA
P
INILAKANG
T
ABING
:
 
P
AGBASA SA MGA
H
ULAGWAY NG
B
UHAY
 
AT
K
ONTRIBUSYON NI
D
R
.
 
J
OSE
R
IZAL
 
SA
P
ELIKULANG
P
ILIPINO
*
 
 Atoy M. Navarro
Introduksyon
Hindi kalabisang sabihin na ang buhay at kontribusyon ni Dr.Jose Rizal ang isa sa pinakapopular na paksa at protagonista sakasaysayan ng pelikulang Pilipino (Dormiendo, 1999). Simula pa sakamusmusan ng pelikulang Pilipino hanggang sa kasalukuyang panahon,hinalina na ang mga alagad ng sining at tagatangkilik ng mga ito ngpagtatalaban ng
kasaysayan
at
 pelikula.
Maituturing na tuwirang bunganito ang pelikulang
Rizaliana
o tradisyong
Rizalismo
(Flores, 1998;Santillan, 1998) bilang larangan ng
 pangkasaysayang pelikula.
 Ngunit paano nga ba maaaring pag-aralan, suriin, at unawainang pelikulang Rizaliana bilang produkto ng pagtatalaban ng kasaysayanat pelikula? Sa puntong ito, mainam munang magkaroon ng paglilinawsa ilang kategorya at konsepto.
Salaysay 
hinggil sa nakaraan na
may saysay 
para sa
sinasalaysayang salinlahi
ang
kasaysayan.
Bunga ito ng pagtatalaban ng
kalikasan ng kasaysayan
bilang
makabuluhan
at
kaparaanan sakasaysayan
bilang
makatotohanan.
Samantala, pagpapahayag,pagsasalaysay, at pagtatala naman ng karanasan, kaisipan, kamalayan,damdamin, halagahin, layunin, at tunguhin ng sangkatauhan ang
 pelikula
bilang
sining
na
kinakatawan
ng
malikhain at nilikhang akdangaudio-biswal
na may mga partikular na elemento ng
anyo,
 
nilalaman,
*
Papel na unang binasa sa
Talakayan Hinggil sa Buhay at Akda ni Dr. Jose Rizal,
Gusaling NCAS, UP Los Baños, Laguna, 3 Disyembre 2005. Bahagyangnirebisa para sa
 Rizal 150.
 
 
2
 Ang Bayani Bilang Buhay na Akda 
at
wika.
Produkto ito ng ugnayan ng
akda
(likhang pelikula),
may-akda
(prodyuser, direktor, manunulat, artista, sinematograper, at iba pa), at
tagatangkilik;
at ugnayan ng
ekspresyon
at
 persepsyon
na resultanaman ng mga panlipunang konteksto (Navarro, 2004).Tuntungan ang ganitong pagpapakahulugan, masasabingbagamat may kanya-kanyang kakayahan at katangian ang kasaysayan atpelikula,
 
may mga pagkakataong malinaw na makikita ang ugnayan ngdalawang ito gaya sa pagsasapelikula ng kasaysayan sa bisa ngpangkasaysayang pelikula. May mga pelikulang gumagamit ng
kasaysayan bilang konteksto
samantalang may mga pelikulangpagtatangkang maging
tuwirang representasyon
ng mgapangkasaysayang panahon, pook, at tao (Navarro, 2004). Matutukoy nahalimbawa ng mga pagtatangkang maging tuwirang representasyon ngkasaysayan
 
ang pelikulang
El Fusilamiento de Dr. Jose Rizal [AngPagbaril kay Dr. Jose Rizal] 
(Yearsley, 1912) at
 Jose Rizal
(Diaz-Abaya,1998) samantalang matutukoy namang halimbawa ng kasaysayan bilangkonteksto ang pelikulang
Noli Me Tangere
(Gross, 1915) at
BayaningThird World 
(De Leon, 1999).Sa pag-aaral, pagsusuri, at pag-unawa ng mga pangkasaysayangpelikula, mahalagang maipakita ang pagtatalaban -- pagkakaugnay atpag-uugnay ng mga ito sa partikular na paksang pangkasaysayan.Gayundin, dahil sa akdang pansining ang mga ito, kasaysayan bilangkonteksto man o tuwirang representasyon ng kasaysayan ang mgapangkasaysayang pelikula, hindi makatwirang pag-aralan, suriin, atunawain lamang ang mga ito ayon sa pamantayan ng makabuluhan atmakatotohanan sa kasaysayan kundi kinakailangang batay rin sapamantayan ng malikhain sa sining (Navarro, 2004). Ngunit higit salahat, mahalagang makapaghawan din ang pag-aaral, pagsusuri, at pag-unawa ng mga pangkasaysayang pelikula ng makabago atmakapagpabagong talastasan na nagpapalawak at nagpapalalim sasaklaw kapwa ng kasaysayan at pelikula bilang lunan ng kontradiksyon(Flores, 1999) at sandata laban sa kumbensyon (Del Mundo, 1999b)tungo sa kolektibong transpormasyon.Maaaring magawa ito sa pamamagitan ng pag-aaral, pagsusuri,at pag-unawang
tekstwal, kontekstwal,
at/o
intertekstwal.
Tekstwalsapagkat pinapahalagahan ang anyo, nilalaman, at wika ng mgapangkasaysayang pelikula
 
ayon sa pamantayan ng kasaysayan at sining.Kontekstwal sapagkat tinitingnan ang pagkakasalasalabat ngmasasalimuot na lunan kapwa ng kasaysayan at pelikula kabilang naang: a) konteksto ng akda ayon sa partikular na kapookan at paksang
 
Samu’t Sar 
ing Pagbasa kay Dr. Jose Rizal 
3
pangkasaysayan na binibigyang representasyon ng
 
pangkasaysayangpelikula; b) konteksto ng mga may-akda
 
na lumikha ng pangkasaysayangpelikula sa isang partikular na kapookang pangkasaysayan; at c)konteksto ng mga tagatangkilik na patuloy na nagpapakahulugan sapangkasaysayang pelikula sa kani-kanilang kapookang pangkasaysayan.Samakatwid, maaaring suriin ang konteksto ng akda, may-akda, at/otagatangkilik na hinubog at humubog sa pagkalikha ng pangkasaysayangpelikula sa aktwal, dinamiko, at proaktibong lunan ng mga ito. At
intertekstwal
sapagkat tinutuntungan ang pagpapalitaw at pagbibigayng ugnayan sa teksto at konteksto ng partikular na pangkasaysayangpelikula
 
sa iba pang tekstong pangkasaysayan at pansining (Navarro,2004). Ngunit bukod sa pag-aaral, pagsusuri, at pag-unawang tekstwal,kontekstwal, at/o intertekstwal, kinakailangang isaalang-alang din angpag-aaral, pagsusuri, at pag-unawang
sabtekstwal
na tinitingnan namanang mga pinipi at tagong tinig ng pangkasaysayang pelikula.Ito ang tatangkain nating panimulang gawin sa pagbasa sa mga
hulagway 
o imahen ng buhay at kontribusyon ni Rizal sa pelikulangPilipino. Labinlimang pangkasaysayang pelikula sa himig at hugis ngpelikulang Rizaliana simula 1912 hanggang 1999 ang ating panimulangpag-uukulan ng pansin.
Pag-uugat ng Pelikulang Rizalianasa Maagang Panahon ng Pelikulang Pilipino
Mauugat ang pagturing sa buhay at kontribusyon ni Rizal bilangpaksa at protagonista sa pangkasaysayang pelikula sa maagang panahonng administrasyon at gobiernong Amerikano nang iprinoklama si Rizalbilang pambansang bayani ng
Philippine Commission
noong 1912(Dormiendo, 1999). Sa taong ito, humigit-kumulang 15 taon mataposipalabas ang kauna-unahang banyagang pelikula sa Pilipinas, dalawangAmerikanong mangangalakal ang nag-unahan sa pagpapalabas ngpinakaunang pangkasaysayang pelikula tungkol kay Rizal.Matapos marinig na gumagawa ng pangkasaysayang pelikulatungkol kay Rizal ang karibal sa negosyong si Edward Gross, minadali niAlbert Yearsley, may-ari ng mga sinehan-teatrong
Empire
at
Majestic
saManila, ang pagsasapelikula ng mga huling oras ni Rizal. Nauna lang ngisang araw sa takilya ang
El Fusilamiento de Dr. Jose Rizal [AngPagbaril kay Dr. Jose Rizal] 
(Yearsley, 1912) na binigyang-direksyon niYearsley ayon sa panulat ng historyador na si Austin Craig. Kinuhananang pangkasaysayang pelikula ni Yearsley sa
Cementerio del Norte
sa

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->