Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
72Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Pre Colonial Period in the Philippines ( in tagalog)

Pre Colonial Period in the Philippines ( in tagalog)

Ratings:

4.5

(4)
|Views: 29,636 |Likes:
Published by thegreatman
Philippine history
Philippine history

More info:

Published by: thegreatman on Nov 01, 2008
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as TXT, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

02/25/2013

pdf

text

original

 
 Pre-Colonial period PhilippinesSa NayonKung ang hanap mo ay ligaya sa buhaySa libis ng nayon doon manirahan- Awit TagalogKUNG ang buhay ng baranggay ay mangisda, ang buhay ng nayon ay magsaka. Sa libu-libong taon bago dumating ang mga Espanyol, natutong magtabi-tabi ang mgabaranggay at maging mga nayon dahil kailangan ang maraming tao sa pagtanim,pagpatubig at pag-ani ng palay. Habang dumarami ang tao, natuto ring magpalawak ngmga bukid at ng mga patubig [irrigation]. Sa paglawak ng mga bukirin at pagdanakng mga tao, nagkaroon ng mga bagong gawi, napalago ang ugnayan ng mga tao-taoupang magkaisa sa pamamahala ng patubig, pag-aari ng lupa at pamumuhay sa loob atlabas ng nayon.Sa daig karamihang bahagi ng kapuluan, nabalot ang buhay ng mga tao sa pagsasaka.Dalawang ulit sa bawat taon, nagkakasama-sama ang mga taga-nayon, babae, lalaki,matanda, bata, maharlika at alipin, timawa at catalonan. Una, sa ginaw ng hanginng hilaga, bandang Enero, itinatanim ng mga babae at ng mga paslit ang palay,inihahanda ng mga lalaki ang mga bukid, inaayos ang mga sirang pilapil at landas-tubig, at nilulunod ang lupa. Pag-usbong ng binhi, nagsasaka paulit-ulit ang mgalalaki, naghahatid ng pananghalian ang mga babae at mga paslit, hanggang malibingat maagnas ang mga damo, hanggang malusaw at maging putik ang mga bukid.Itinutumpok sa iba't ibang bahagi ng bukirin ang binhi, darating ang mga babae,pati mga dalagita, dadakot-dakutin ang binhi at yuyuko maghapon, araw-araw,hanggang matamnan ang buong putikan habang nakapaligid ang mga lalaki, pati mgabinatilyo, nakangisi, magilas, tumutugtog, umaawit, nagsasayaw, tumutula, nang-aaliw at nanliligaw.Pagkaraan ng 3 buwan, nagkakasama uli, umaawit at nagkakasiyahan, nagliligawanuli, habang inaani ang palay. Nagdiriwang pagka-imbak, nagkakatay ng baboy atmanok ang mga maharlika, tuloy-tuloy ang awit at sayawan, tulaan, pagluluto at, salumang kasabihan, "namamantikaan na naman ang hasang-hasang" na kainan ng lahat sanayon. Ang pagdiriwang, pagdating ng mga Espanyol, ay pinangalanang fiesta ngkrus, fiesta ng bayan, flores de Mayo atbp, ngunit libo-libung taon nang gawi ngmga taga-nayon. Nauulit ang pagsasama-sama pagkaraan ng tag-ulan, itatanim angpang-2 palay sa taon, na inaani sa simoy ng papalamig na hanging amihan, atnagdiriwang muli ang mga nayon, pagdiriwang na ginawa ng mga Espanyol na 5 linggong Pasko, habang hinihintay muli ang pag-init ng hanging hilaga, nang sisimulanang isa na naman sa mahigit 4,000 taon ng pagsasaka. Mabigat ang gawain, mahirapat mapanganganib ang buhay sa nayon, ngunit magiliw na nagkakasama-sama ang lahatsa paulit-ulit na ligawan atkasiyahan, at sa haba ng panahon ng pagnanayon, natutong magkaisa ang marami sahirap at ginhawa.Natuto ring makipagpatayan.Dahil laging may imbak na palay sa nayon na maaaring nakawin ng sinumang dayuhan,salat o minalas sa pagsasaka, nabagyo, nasunugan o na-peste, o nainggit lamang atnaging gahaman. Dahil hindi na maaaring tumakbo na lamang sa gubat at magtago samga mandarambong, iwanan ang palay na ikabubuhay sa susunod na 6 na buwan. Dahilang mawalan ng palay ay mamatay, natutong sumagupa ang mga taga-baranggay.Makipagpatayan. Nuong bagong salta ang mga Espanyol, inulat ni frayle PedroChirino na bawat baranggay ay may kani-kaniyang sandatahan na laging handangmakipagsagupaan sapagkat laganap ang bakbakan, kahit na ng mga magkakalapit nabaranggay. Panay daw ang tambangan, dambungan, nakawan, dukutan ng tao at patayan.Nanatili ang gawing pagtatanim sa baku-bakuran, pangingisda sa dagat at ilog,pagkakaingin sa gubat at gulod ng kamote, gabi at mga punung-kahoy. Nanatili angpamumuno ng mga magiting, ang pakikiisa ng mga timawa, ang pananaghoy ng mga datuat mga catalonan at mga babaylan, ang pagsisilbi ng mga namamahay, ang pagkaka-
 
alipin ng mga saguiguilid. Ang naiba: Ang pakikipanayam ng mga pinuno ng mga bara-baranggay ay naging pakikipag-isa ng mga taga-nayon, ang kasu-kasunduan ng payapaay nadagdagan ng kampi-kampihan sa labanan. Sapagkat naging napakadalas anglabanan, lalo na ng mga Visaya, ang mga pintado [turing ng mga Espanyol] nadinidigma kahit na mga kamag-anak.Nanatili ang pandarambong, ang naiba ay ang pakikipagdigmaan. Ang mga mangingisdaay naging mga magdaragat, ang mga magdaragat ay naging mga magsasaka, ang mgamagsasaka ay naging mga mandirigma. Matapang na mandirigma. Kinilala ng mganagkakalakal na Intsik at Arabe sa timog-silangan na pulos mapusok ang mgamagdaragat, sa dagat man o sa lupa, at daig nila ang mga taga-katabing bayan.Kahit kanginong barko na nagkakalakal ay kailangan tumigil at magbayad ng buwisbago tumuloy; kung hindi, susugurin ng mga mandirigma sa kanilang mga bangka atmga paraw, at gagapiin kahit gaanong karahas ang kalaban. Kaya sumikat, at yumamansa buwis ang iba't ibang baranggay gaya ng Cebu at Butuan.Hintay muna: Ano ang kaibahan ng pandarambong sa digmaan?Ang pandarambong ay pagnanakaw o pandurukot ng tao lamang at karaniwang natatapossa takbuhan, pagtakas sa gubat-gubat ng mga nalusob. Maaaring hindi magkakilalaang mga mandarambong at ang mga dinambong. Ang digmaan, sa kabilang dako, aypaglusob upang puksain o sakupin ang mga dinigma. Magkakilala ang mga pangkat,kung hindi man magkakilala ang bawat isa. Nangyayari rin ang pagnanakaw atpandurukot ng maaalipin sa digmaan, ngunit karaniwang higit na masidhi at mapootang mga hangarin sa digmaan.Nuong una, nagkampihan lamang paminsan-minsan ang mga baranggay laban sa sinumangsumalakay o mandambong. Nang mauso ang digmaan, naging palagian ang kampihan,natutong magtabi-tabi ang mga baranggay at naging patuloy ang ugnayan hindi lamangng mga pinuno kundi pati ng mga tao ng mga nagsanib na baranggay. Ang mgakasunduan ay nadagdagan ng palagiang pagpupulong at pagpayo ng mga pinuno tungkolsa mga suliraning imiral sa pagsasama-sama ng maraming tao. Sa ganitong mgapangyayari, nabuo ang maraming nayon sa kapuluan.Dapat sumunod ang higit pang malawak na samahan ng mga nayon upang bumuo ng mgatribo ng mga magka-angkan, magkakaugnay, magkakahawig ang gawi at may isang wikaat may isang pinuno. Mga tribo na, sa mga ibang bayan sa mga nakalipas na panahon,ay naging batay ng pagtatag ng mga kaharian. Ngunit maliban sa mga Tausug sa Suluat mga Maguindanao sa Cotabato, hindi nagkaroon ng sapat na panahon ang mgatagapulo na bumuo ng mga tribo bago nadaig ng mga dayuhan. Hayag ni AntonioPigafetta nang dumating kasama ni Ferdinand Magellan nuong 1521, "Maraming datu-datu, ngunit wala ni isa man lang na hari." Kahit na pulos rajah [hari, sa hiniramna taguri sa India] ang parangal ng mga maharlika sa sari-sarili.Nanatiling pinuno ng mga baranggay ang mga datu, gat, ka, ginoo, at sa mga bagongsalta mula Borneo, Maluku at Malacca, ang mga rajah, lakan at sultan. Nanatilingpinakamalaking bahagi ng kanilang pamumuno ang pagsamba at panaghoy sa mga bathalaat anyito para sa kapakanan ng mga mamamayan. Nadagdag sa kanilang mga tungkulinang maging tagapaghatol at tagapagparusa sa mga lumabag sa mga gawi at alituntuninpara sa kapayapaan ng nayon. Sa kahiwalay na baranggay, kailangan lamang mamagitanang datu sa pag-aaway ng mga magkakapit-bahay hanggang magkaroon ng kasunduan atmaibalik ang katahimikan. Sa nayon, kailangang parusahan ang may kasalanan upangmaiwasan ang paglusob at paghiganti ng mga taga-kalapit-baranggay. Kapag nagkaroonng malaking away o paglilitis sa Visayas, pumipili ang mga datu ng isangumalohokan, o pinunong datu [Mayroon na ngang halalan sa Pilipinas nuon, amin ngmga Espanyol] para sa pagkakataong iyon lamang. Pagkatapos ng paglitis, kapagnagkasundo na sa away-away,tapos na rin ang pamumuno ng umalohokan.Walang mga batas, nakasulat man o hindi, sa sankapuluan, ngunit mula pa sapagkabata, tinuruan na ng mga datu, mga magulang at mga nakakatanda ang bawat taona makitungo sa bawat isa sa nayon gaya ng pakikitungo nila sa mga kamag-anak atmga kapit-bahay sa baranggay. Sa ganitong paraan, at dahil daig-karamihan ng mgaPilipino ay masunurin sa mga pangaral ng matatanda, nakamit ng mga taga-nayon angpagkakaisa ng lahat sa nayon.
 
Hintay muna: Bakit walang batas? Hindi ba may mga batas na isinulat sa Maragtas?Hindi ba batas ang Code of Kalantiyaw?Pagdating nina Magellan nuong 1521, wala silang nakatagpong marunong bumasa atsumulat. Marami silang nakitang gawi, wala silang narinig na batas. Nang bumalikang mga Espanyol nuong 1565, tinuklas nila na malaganap na pagsulat at pagbasa ngmga katutubo. Mahabang panahon silang nag-usisa, nag-aral pa ng iba't ibang wikasa pulu-pulo. Marami pa ring gawi, ngunit wala pa rin silang natagpuang mga batas.Sadyang hinanap nila ang pagsamba at mga dasal, pinakamahalagang bahagi sa buhayng bawat baranggay, na nakapaloob sa mga awit at panalangin ng mga katutubo. Angmga kasulatan nilang nakita ay tungkol lamang sa kalakal, utang at bali-balita,tula at tsismis. Walang sulat tungkol sa pagsamba [religion], kasaysayan [history]o mga batas [laws]. Ang katarungan at katahimikan ay nakalagak sa mga lumang gawiat awit [customs and traditions] at sa payo at pangaral ng mga datu at mgamatatanda. Sa baranggay, ang asikaso sa anumang paglabag kadalasan ay multa lamangat kasunduan ng mganag-aaway. Napag-alaman ng mga Espanyol na kamatayan ang parusa sa panggahasa. Samga pook na uso ang putulan ng ulo, ang pagpatay sa kapwa ay binabayaran ng ulo ngpumatay; sa ibang pook, maaaring multa na lamang ng kalabaw, ginto o mahalaganggamit, sandata o damit. Sa ilang pulo, ang mabigat na parusa ay ipatapon opalayasin ang mga maysala at mga kamag-anak nito. Walang batas, walang batasan,walang abogado, walang piitan.Isa pang katibayan na walang batas at batasan sa Pilipinas nuon ay ang kasi-kasi[blood compact] ng mga pinuno. Nuwa'y lagda ng kasunduan, ito ay hindi napagtibayng batas at walang nagpapatupad ng kasunduan, kaya ang lumabas na kahulugan lamangng kasi-kasi ay "tayo ay kasalukuyang magkaibigan". Ang kampihan ng mga baranggaynuon ay batay, hindi sa kasunduan at batas [pacts and law] kundi sa kalakal atpaghanapang-buhay [trade and economics] ng mga magsasaka.Ang Maragtas, nang unang ilathala sa Iloilo nuong 1907 ay may paunang hayag niPedro Alcantara Monteclaro, bayani sa Himagsikan at digmaan laban sa Amerkano, nasiya ang sumulat ng aklat, balisa at baka ituring siyang mapaglabis sa pagsulatnito. Hinango raw niya mula sa mga alamat ng mga bayaning kilala pa nuon ng mgataga-Panay, at mula sa mga saysay ng mga matatanda na tinipon ng isang frayle, siTomas Santaren, sa isang Historia de los Primeros Datos Que, Procedentes deBorneo, Poblaron Estas Islas [Kasaysayan ng mga Unang Datu na, Galing Borneo, ayNanirahan sa mga Pulong Ito] nuong Enero 1858. Walang batas sa Maragtas.Ang Code of Kalantiyaw naman ay gawa-gawa lamang ni Jose D. Marco ng Pontevedra,sa Negros Occidental, nuong 1913. Ayon sa pag-usisa ni William Henry Scott,kilalang manalaysay [historian] ng Pilipinas, puno ito ng kamalian atmagkatuligsang mga hayag. Kahit hindi na tignan ang mga huwad na "documento" mulakay Marco - nakapagtataka kung tutuusin na walang ulat, balita, angal oalingawngaw man lamang ni Kalantiyaw na nasagap sina Magellan o Legazpi, o kahitsinumang Espanyol na nag-usisa at nag-ulat sa mga pangyayari sa kapuluan. Atbakit, sa mga pulu-pulong magkakahawig ang gawi, pagkain at damit, walang gumayakay Kalantiyaw? Napakahirap pagkasunduin ang mga Pilipino, wala ni isang umagal,at naghayag na mali ang mga batas ni Kalantiyaw? Kung tunay mang nag-batas siKalantiyaw, maniwaring walang pumansin maliban kay Marco. Walang kasulatang batasna natagpuan sa buong Pilipinas o sa Borneo na pinanggalingan daw ni Kalantiyaw,maliban sa mga "documento" na ipinagbili ni Marco.Kaginsa-ginsa, sapagkat sa salaysay ng iba't ibang bayan, ang mga batas ay nasulatat napairal hango sa mga luma at magkakaibang batas sa pali-paligid, malapit aymalayo. Walang hawig ang code sa mga gawi ng mga tagapulo. At ang mga tunay nabatas ay karaniwang maraming copia [copies] at magkakaibang ulat [versions]. Hinditunay si Kalantiyaw, walang code.Matagal nang gawi, libu-libong taon, ang pandarambong ng mga magdaragat sa mgaibang pulo o malalayong baranggay. Ang naiba sa pandarambong ay pagkauso ngpandarambong upang makakuha lamang ng mga alipin. Ang pagbabago sa pagtatag ng mganayon ay ang pagiging kalakal ng mga alipin - nalalako at nabibili hawig sa mgagamit at hayop. At kaiba rin sa gawi ng baranggay, ang mga alipin ay hindi na

Activity (72)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 hundred reads
1 thousand reads
Ikir Habagat L. Lanugan added this note
Ang dokumentong ito ay isinulat base sa mga ebidensyang nakalap ng may-akda. Kahit na sabihin nating may mga kuntil-butil na kaalaman ang inihayag dito na magagamit sa mas makabuluhang talakayan sa pag-aaral ng kasaysay ng ating bansa, ito ay hindi sapat na maging batayan sa pagbuo ng pananaw dahil ito rin ay naglalaman ng mga maling tala. Para sa karagdagang kaalaman sumangguni sa mga aklat nina
Lester Maure liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->