Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more ➡
Download
Standard view
Full view
of .
Add note
Save to My Library
Sync to mobile
Look up keyword
Like this
19Activity
×
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Bagong Kaibigan

Bagong Kaibigan

Ratings:

5.0

(1)
|Views: 13,067|Likes:

More info:

Published by: Roseanne Quijano Viterbo on Jan 01, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, DOC, TXT or read online from Scribd
See More
See less

06/12/2013

pdf

text

original

 
Bagong Kaibigan
(Ang maikling kwentong ito ay mula sa panulat ni
G. Bernard Umali 
 )
May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong isangkaibigan. Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amindahil baka naroon na ang kaibigang tinutukoy sa papel.Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang binatana at nakita ko ang aming hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masayasilang naglalaro pero hindi ko sila maintindihan. Lumabas ako sa likod-bahay at nagpuntasa dagat. Sumakay ako ng bangka upang hanapin ang aking kaibigan pero walang ibangtao sa dagat. Ah alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likodng
dolphin
at doon nakita ko ang iba’t-ibang hayop at halaman, pero hindi akomabubuhay doon. Kaya bumalik na lamang ako sa amin.Gabi na ng makauwi ako. Mula sa aking silid ay may natanaw ako na maliwanag salangit. Mayroong isang bituin na ubod ng laki. Ahah! Pupuntahan ko ang bituin. Kumapitako sa lobo
 
at pinuntahan ko ito. Pero walang tao roon. Mula sa itaas ay tanaw na tanawko ang daigdig na bilog at nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para itong bolang umiilaw.May kulay bughaw, luntian at kulay lupa. Naisip kong bumalik na, mula sa itaas aynagpalundag-lundag ako sa mga ulap, ang sarap! Parang mga bulak! Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit wala pa rin akong kalaro kaya gumamit ako ng isang malaking payongat ginawa kong
 parachute
. Napunta ako sa kagubatan. Doon ay nagpupulong ang mgahayop. Hindi ko sila maintindihan kaya bumalik na ako sa amin sakay-sakay ng isangelepante. Maya-maya ay kinalabit na ako ni inay.“Gising na anak, may pasok ka ngayon”“Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong kaibigan!”“Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka na at darating na ang
 school bus.
 
Halimbawa ng Dula: Himala
DULA: Himala – sa panulat ni Ricky LeeAct 77. Sa Kalsa. Umaga.Sa burol ay parang karnabal uli. Pero mas malala. Di malaman kung sino ang mas maysakrt, ang mga nakaratay sa tolda, o ang mga nagbabangag sa tabing daan, o ang mganakikipaghilahan na customers. Paikut-ikot si Aling Pising, kasingdusing pa rin noon pero wala nang kargang anak. Nagbebenta uli ng benditadong tubig si Mrs. Alba at angSiyete Apostoles. Nagmamando si Baldo sa pila ng mga pasyenteng ayaw makinig.Hinahampas ng init ng araw lahat ng tao pero walang umaalis. Nakalutang sa hangin angmga problema at dasal.MAYOR: (Lalapit sa Chief of Police.) Chief, hulihin mo ang sinumang magsalita labansa Diyos, sa gobyerno, o sa akin.Tatango ang Chief of Police. May hihintong Mercedes Benz at mapapatingin lahat.Bababa ang isang lalaking kamukhang-kamukha ni Chua, pinapayungan ng driver,marami ring alahas sa katawan.TAGABARYO: Nabuhay si Chua!CHIEF DE LA CRUZ: Sino ba ‘yun?LUCIO: (lalapit at titingin din). Kapatid ho ‘yun ni Chua. Baka isa pa ho ‘yang me sakitdin.Bababa ng tricycle si Orly. Dala pa rin ang kamera. Makikihalo sa gulo ng mga tao.Babalikan ni Baldo ang mga pasyenteng nakapila.BALDO: O, ‘yung mga may sakit, dito lang. O paraanin ‘yan, paraanin! O kayo d’yan,dito kayo! Lapit!Sa isang tabi’y magsisiluhuran ang mga tao, magrorosaryo. Kasama sina Lolo Hugo atMrs. Gonzales.LOLO HUGO: Nasaan si Bella? Nakita n’yo ba si Bella?Maninigas si Mrs. Gonzales na parang nagta-trance, gaya ni Elsa. Pagmamasdan siya ngdalawang tinedyer.TINEDYER 1: Napa’no ‘yan?TINEDYER 2: Kinakausap ng Birhen!
 
Tawanan. Parang walang narinig si Mrs. Gonzales. Gagala si Igmeng Bugaw. Mayhinahanap. Mapapangiti at lalapitan ang isang turistang Puti.IGMENG BUGAW: Hey, Joe, want some girl?TURISTA: Yeah? Where?IGMENG BUGAW: Very pretty. Virgin only.TURISTA: Sure, where?Susutsutan ni Igmeng Bugaw si Bella, na ngayo’y seksi na ang ayos at naka-make up.TURISTA: In green, over there?IGMENG BUGAW: Yeah.Lalapit si Bella. Ngingitian ang turista. Aalis silang tatlo. Magsisigawan uli ang mga tao.Pinagpapawisan na sila sa init ng araw at kumakalat ang nakakaliyong kabaliwan.LALAKI 1: Asan na ba si Elsa? (sisigaw). Elsa! ElsaMGA TAO: (palakas nang palakas ang sigaw). Elsa! Elsa! Elsa! Elsa!ALING RISING: (makikisigaw na rin). Elsa! Elsa’ Elsa!Sa likuran ng entablado sa tabi ng burol ay nagdarasal sina Elsa, Sepa at Aling Saling.Pinupunasan ni Sepa ng pawis si Elsa. Siya na ang pumallt kay Chayong. Matatapos silaat walang mga damdamin sa mukhang lalakad papuntang entablado.MGA TAO: (patuloy ang sigawan). Elsa! Elsa! Elsa!Aakyat sl Elsa sa entablado, kasunod si Aling Saling. Lalong magkakagulo ang mga tao,di na ngayon mapigitan. Magsusuguran ang iba papunta sa unahan, dala-dala ang mgarosaryo at panyo at istampltang gustong pahawakan kay Elsa, sumisigaw mula sakaibuturan ng mga kaluluwa nilang desperado. Haharangin sila ng kordon ng mga pulisatmagliliyab ang mga kamera.Sa entablado, malungkot na pagmamasdan ni Elsa ang lahat. Isang dagat-dagatan sila ngmga mukhang naghihirap at nagugutom, umaasa at nababaliw. Tataas ang mga kamay niElsa at tatahimik ang lahat. Sa tagiliran niya’y nakatayo ang malaking imahen ng Mahalna Birhen. Humuhugong na uli ang hangin. Bababa ang kamay ni Elsa’t magsisimulasiyang magsaiita.ELSA: Ipinatawag ko kayong lahat dahil may gusto akong ikumpisal.Sandaling titigil si Elsa. Maghihintay ang lahat.ELSA: Nitong mga nakaraang araw, sa loob lamang ng napakaikiing panahon, parangnaranasan natin ang pinaghalong langit at impiyerno.

Activity (19)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 hundred reads
1 thousand reads
Wanidar Wanids liked this
Jonalyn Taguibao added this note|
nakakatulong talaga
Era Nikka Garcia liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->