You are on page 1of 5

ARTICLE BY JAMES SORIANO

Below is the complete article written by James Soriano which was published last August 24, 2011 in the Manila Bulletin website. I heard the newspaper took his article down, so good thing I was able to save a copy before MB made actions. Language, learning, identity, privilege Ithink By JAMES SORIANO August 24, 2011, 4:06am MANILA, Philippines English is the language of learning. Ive known this since before I could go to school. As a toddler, my first study materials were a set of flash cards that my mother used to teach me the English alphabet. My mother made home conducive to learning English: all my storybooks and coloring books were in English, and so were the cartoons I watched and the music I listened to. She required me to speak English at home. She even hired tutors to help me learn to read and write in English. In school I learned to think in English. We used English to learn about numbers, equations and variables. With it we learned about observation and inference, the moon and the stars, monsoons and photosynthesis. With it we learned about shapes and colors, about meter and rhythm. I learned about God in English, and I prayed to Him in English. Filipino, on the other hand, was always the other subject almost a special subject like PE or Home Economics, except that it was graded the same way as Science, Math, Religion, and English. My classmates and I used to complain about Filipino all the time. Filipino was a chore, like washing the dishes; it was not the language of learning. It was the language we used to speak to the people who washed our dishes. We used to think learning Filipino was important because it was practical: Filipino was the language of the world outside the classroom. It was the language of the streets: it was how you spoke to the tindera when you went to the tindahan, what you used to tell your katulong that you had an utos, and how you texted manong when you needed sundo na. These skills were required to survive in the outside world, because we are forced to relate with the tinderas and the manongs and the katulongs of this world. If we wanted to communicate to these people or otherwise avoid being mugged on the jeepney we needed to learn Filipino. That being said though, I was proud of my proficiency with the language. Filipino was the language I used to speak with my cousins and uncles and grandparents in the province, so I never had much trouble reciting. It was the reading and writing that was tedious and difficult. I spoke Filipino, but only when I was in a different world like the streets or the province; it did not come naturally to me. English was more natural; I read, wrote and thought in English. And so, in much of the same way that I learned German later on, I learned Filipino in terms of English. In this way I survived Filipino in high school, albeit with too many sentences that had the preposition ay.

It was really only in university that I began to grasp Filipino in terms of language and not just dialect. Filipino was not merely a peculiar variety of language, derived and continuously borrowing from the English and Spanish alphabets; it was its own system, with its own grammar, semantics, sounds, even symbols. But more significantly, it was its own way of reading, writing, and thinking. There are ideas and concepts unique to Filipino that can never be translated into another. Try translating bayanihan, tagay, kilig or diskarte. Only recently have I begun to grasp Filipino as the language of identity: the language of emotion, experience, and even of learning. And with this comes the realization that I do, in fact, smell worse than a malansang isda. My own language is foreign to me: I speak, think, read and write primarily in English. To borrow the terminology of Fr. Bulatao, I am a split-level Filipino. But perhaps this is not so bad in a society of rotten beef and stinking fish. For while Filipino may be the language of identity, it is the language of the streets. It might have the capacity to be the language of learning, but it is not the language of the learned. It is neither the language of the classroom and the laboratory, nor the language of the boardroom, the court room, or the operating room. It is not the language of privilege. I may be disconnected from my being Filipino, but with a tongue of privilege I will always have my connections. So I have my education to thank for making English my mother language.

Wika bilang gunita


Ithink By JAMES SORIANO August 31, 2011, 12:45am Manila Bulletin http://mb.com.ph/node/332639/wika-bilang-gunita MANILA, Philippines Malawak ang diskurso ukol sa wikang Filipino. Sa isang banda, may mga nagsasabing tapos na ang debate, sapagkat humantong na tayo sa punto ng ating kasaysayan na dapat matutunan ito at gamitin bilang pangunahing wika sa pakikipag-ugnayan. Sa madaling salita, nagwagi na ang wikang Filipino, at ang paggamit ng nasabing wika ang tanda ng pagiging Filipino.

Sa kabilang banda, pinag-uusapan pa rin ito, lalo na sa akademya at mga umpukan ng intelektwal. May mga nagtatanong pa rin tungkol sa kalagayan ng wika: sa paggamit ng wikang Filipino bilang "second language" sa wikang Ingles, at sa tensyong rehiyonal na nananatili ukol sa konsepto ng wikang Filipino, sapagkat para sa marami, sadyang magkatumbas ang Tagalog at Filipino. Subalit ang nakagagambalang katotohanan ay naiiwan ang diskursong ito sa mga palihan at silid-aralan. Sa palagay ko, malay tayong lahat na may ganitong uri ng diskurso. Nakabaon nga lamang siguro ito sa ating kubling-malay, at hindi binibigyang boses o panahon. Kaya naman ninais kong bigyangpahayag nang pahapyaw ang diskursong ito sa konteksto ng aking pagpapalaki -- sapagkat sa aking karanasan, "English-speaking" pa rin ang ating bayan. Mahirap sabihing isinasabuhay nang nakararami ang wika bilang tanda ng pagiging Filipino. Mahirap, sapagkat, sa kongkreto, Ingles ang wikang binibigyang pribilehiyo sa ating opisyal na mga gawain. Mahirap, sapagkat maraming katulad kong pinalaki sa wikang Ingles na nag-aral, natuto, at nag-iisip sa wikang Ingles na itinuturing bilang suliranin ang kanilang pagiging "split-level Filipino." Sa nakaraang artikulo, ninais kong magambala ang mambabasa para basahin ang di-nakasulat. Inimbitahan ko siyang suriin ang kaisahan ng aking tono sa estadong panlipunan na isiniwalat ko. Tinangka kong hamunin ang mismong pag-unawa ng mambabasa sa kondisyon ng ating wika at identidad bilang Filipino. Minarapat kong isiwalat ang kondisyon ng wikang Filipino sa aking mga mata upang maabot ang madla, sapagkat ang kondisyon ng wikang Filipino ay kondisyong pangmadla. At dahil kondisyon ang aking tinatalakay, kundisyonal o "descriptive" rin ang aking mga pahayag. Hindi ako nagdududang may mga dalubhasang nagsusulat, nagtuturo, at nakikipagtalastasan sa Filipino; ngunit hindi rin natin maikakaila na, sa kabuuan, ang wikang Ingles ang pinipiling gamitin sa mga pamantasan.

Masakit ring sabihin na ang wikang Filipino ay wikang pangkalye. Ngunit may nailabas rin itong diskurso ukol sa relasyon ng wika sa kondisyong panlipunan. Kung pantay-pantay nga ang ating tingin sa bawat isa, bakit nga ba masakit marinig na ang wika natin ay wikang pangkalye? Sa madaling salita: bakit magkatumbas sa ating isipan ang "wikang pangkalye" at "wikang mababang-uri"? Sa bansang Pransiya, hindi ba't wikang pangkalye rin ang wikang Pranses? Hindi ba't ito ang wikang ginagamit ng mga trabahador, ng mga nagproprotesta? Ang pagkakaiba, sa madaliang tingin, ay wika ng lahat ang wikang Pranses. Maituturing talaga ito bilang wikang pambansa. Hindi ganito ang trato sa wikang Filipino. Ang diskurso ng wika bilang tanda ng pinag-aralan ay halimbawa ng pagkakawatak-watak ng ating lipunan. Filipino ang wika ng mga militanteng nagproprotesta sa harap ng Malacanang, ngunit sa Ingles naman isinulat ang mga batas, executive order, at court order na pinoprotesta nila. Filipino ang wikang ginagamit natin kapag kakuwentuhan ang ating mga kaibigan at kasambahay ukol sa maiinit na isyu ng lipunan, ngunit inuulat ang mga isyung ito sa Ingles na "broadsheet o pangunahing diyaryo. Dagdag pa, suriin natin ang estado ng Filipino bilang wikang opisyal; kaakibat ito ng Ingles. Kung isinasalin man ang mga batas natin sa wikang pambansa, kakaunti lamang ang makikita mo sa internet. Laging nasa Ingles ang mga official memorandum, deed of sale at judicial issuances. Sa madaling salita: kung nakabababa man ang wikang Filipino, hindi ito dahil mas mababa ang Filipino bilang wika, kundi dahil mababa ang tingin natin dito sa ating mismong lipunan. Masakit pakinggan, ngunit ganito natin itinuturing ang wikang "pambansa." Pinagtatawanan din natin kapag isinasalin sa Filipino ang mga pelikula't palabas na banyaga; hindi ko alam kung may susubaybay pa ba sa Gossip Girl kung naka-dub ito sa wikang Filipino. Sa mga bilihan ng aklat, kakaunti na ang mga aklat na isinulat ng mga Filipino, mas kakaunti pa ang talagang nasa Filipino.

Sa ilang paaralan, "Language" pa ang tawag sa asignaturang "English," samantalang hindi "Wika" ang tawag sa "Filipino." Dagdag pa, tinuturo ang sipnayan, agham, at "Reading" sa Ingles; kaya siguro mas gusto nating magbasa ng Noli at Fili sa SparkNotes pagtuntong natin sa mataas na paaralan. Nakapagtataka pa rin bang marami pa rin sa atin, mayaman man o hindi, ang nahihirapan pa ring magbasa at magsulat sa Filipino? Mapapansin sa mga bumabatikos sa akin ang sumusunod na argumento: dapat itaguyod ang wikang Filipino sapagkat isa kang Filipino. Dito, makikita nating nakatali ang ideya ng pagiging Filipino sa paggamit ng wikang Filipino. Kung gayon, ibig sabihin bang ang mga hindi marunong o tahasang hindi gumagamit ng wikang Filipino ay hindi na Filipino? Ang punto ko rito ay dapat din natin pansinin na sa ibang rehiyon, ibang wika ang nangingibabaw. Ang wikang Filipino ay nakabase sa wikang Tagalog, na isa lamang sa napakaraming wikang basehan ng indibidwal na identidad. Dahil dito, hindi ito tinatanggap ng lahat; may narinig na rin akong kuwento ng kaibigang nag-taxi, na hindi pinansin ng tsuper sapagkat kinausap niya si manong sa wikang Filipino. Kung gayon, talaga ngang limitado ang ating karanasan: iba ang kondisyon ng wikang pambansa sa labas ng Maynila. Sa kabisera mismo, Ingles pa ang ginagamit ng marami sa nakapag-aral. Wala akong inambisyon kundi maisulat ang totoong nadarama nang walang takot. Ngayong napag-uusapan ang isyu ng wikang pambansa sa internet at media, naghahanap ako ng masusing tugon mula sa madla; sapagkat, sa palagay ko, walang mas mainam na paraan upang suriin ang gunitang pambansa kundi sa pagdiskurso tungkol sa Filipino bilang bansa sa Buwan ng Wika.

You might also like