You are on page 1of 12

Inilapag niPhilipang bouquet ng bulaklak sa puntod ng kanyanginaat angsindi ng dalawang kandila sa tabi non.

Limang taon na ang nakararaan mula nang mamatay ang kanyangina. Dahil sa trahedyang iyon ay binalikan sila ng mga kapatid niya sa kanilang ama. Pero tumanggi siya na isama sila ng kanilang ama,kungkaya naman ay sinustentuhan na lamang sila nito at nanatili sila sa bahaykungsaan sila pinalaki ng kanilang butihingina. Habang pinagmamasdanniya ang lapida ay naalala niya ang mga sandaling pinagsisisihan niya ngayon. Mga sandalling hindi na niya maaaring maibalik ngunit hindi niya kayang kalimutan; mga sandaling naging dahilan ng pagkamuhi niya sa sarili. *** Philip, ipatay mo na nga muna iyang TV at bumili ka muna ng bigas, ani Aling Rosalyn. Mamaya na, maaga pa naman. Sagot naman ng panganay na anak na siPhilip. Namaywang ang ina. Ayan ka nanaman dyan sa kamamaya mo. Hanggang sa mamaya, hindi mo na magawa ang pinagagawa sayo. Hindi sumagot siPhilipna tila ba walang narinig. Nanatili ang atensiyon niya sa telebisyon. Bumili ka ng tatlong kilong bigas bago mag-tanghali at wala tayong kakainin. Mag-saing ka na rin at igisa mo ang sayote diyan at pakainin mo na ang mga kapatid mo, bilin ng ina. Philip, narinig at naintindihan mo ba ang mga sinabi ko? tanong nito. Opo, sagot naman niPhilip. Wagmong kalimutan at maguguton ang mga kapatid mo. Wala tayong almusal maliban sa kape, wika niAlingRosalyn. Aalis na ako at baka kumuha na ng ibang taga-linis si ateSusan.

Taga-linis ang trabaho niAlingRosalyn. May permanenteng amo siya na pinapasukan niya apat na beses sa isang lingo. Sa tatlong araw na bakante niya ay nagsa-sideline siya. Tumatanggap siya ng labada at mga gawaing bahay. Halos lahat na yata ng kaya niyang trabaho ay ginagawa niya paralangkumita ng pera.Siyalang kasi ang bumubuhay sa tatlo niyang anak, dahil iniwan siya ng asawa niya pitong taon na ang nakalilipas. Bihirang magpadala ng pera ang asawa, kaya naman ay ginagawa niya ang lahat para hindi magutom ang kanyang mga anak. SiPhilipang panganay sa magkakapatid. Ikalawang baitang na ito sa kolehiyo at kumukuha ng kursong Business Administration saPoliteknikongUnibersidad ng Pilipibas. Ngunit siya itong naturingang lalaki, siya itong tamad. Kapag inuutusan ay puro mamaya, at kapag hindi inulit nang inulit an utos sa kanyay nakakalimutan. Ni maghugas ng pinggan ay inaabot ng limang oras bago gawin. At hindi rin marunong magkusa. Utos dito, utos doon sa mga kapatid ang paboritong gawin. Ang Dalawang nakababatand kapatid niya ay parehong babae. Ang sumunod sakanya ay siPatricia, na nasa unang taon sa high school at ang bunso ay si Angelie, na nasa ikalimang baitang naman.AngDalawangito lamang ang tumutulong sainakahit hindi inuutusan. Laking pasasalamat niAlingRosalyndahil hindi nito ang kuya nilang tamad. Isa o dalawang beses sa isang taon lamang silakungdalawin ng kanilang ama. May iba na itong pamilya, at ang asawa nito ay hindi pabor sa pakikipagkita nito sa dating pamilya. Kaya naman kapag dumadalaw ito sakanila ay palihim lamang. Malaki ang galit at pagkamuhi ng magkakapatid sa kanilang ama. Iniwan na nga sila nito, nagpapakontrol pa ito sa bago nitong asawa. Hindi man inaamin niPatricia, tinatawag niyang walang kwenta ang kanyang ama kapag nagkukwento siya sa mga kaibigan. SiAngelienaman ay tinatago sa sarili ang pagkainggit sa mga kaibigan na kumpleto ang pamilya. Kahit sa sarilinginaat kapatid ay hindi nito sinasabi, dahil alam nitong wala naman silang magagawa. Ang hindi maintindihan niAlingRosalynaykungbakit ganon ang ugali niPhilip. Pinalaki naman niya ito ng maayos, ngunit naging tamad ito. Hinihiling niya sana na ang sitwasyon nila ngayon ay magsilbing inspirasyon kayPhilipupang magpursige ito sa buhay, ngunit tila ba walang paki-alam ito sa mga nangyayari.

Nawili si Philip sa panonood ng telebisyon. Nakalimutan niya ang bilin ng ina. Hanggang sa nagising siPatriciang alas-onse ng umaga dahil napuyat ito sa paggawa ng proyekto nang nakaraang gabi at magsa-saing na sana, ngunit wala itong nadatnang iluluto. Kuya, wala bang iniwang pera sa nanay pambili ng bigaas? tanong nito sa kuya. Biglang naalala niPhilipang pera sa bulsa niya. Meron, nandito sa akin. Aniya habang nakatuong pa rin ang atensiyon sa telebisyon. E bakit hindi ka pa bumibili ng bigas? Tanghali na, o. Mamaya na, sagot niya. Laban ng NBA kasi ang pinapalabas sa telebisyon. Mamaya, hapon na. Pumunta ka na, kuya. Nagugutom na ako, wika niPatricia. Tsaka baka maaga umuwi si nanay, walang abutan na pagkain yon. Dagdag pa nito. Tekalang, sambit niPhilipsabay, whoo! ng makapuntos ang pinapaborang grupo. Padabog na naglakad siPatriciapabalik ng kwarto. Ganon ang Gawain niya kapag hindi nakikinig ang kuya niya. Nasisigawan kasi siya nito kapag makulit siya. Alas dose na naka-alis siPhilippara bumili ng bigas. Inuna nalang lutuin niPatriciaang ulam para may papakin si Angelie dahil nagugutom na rin. 12:30 na nakarating siPhilip. Agad na nagsaing siPatricia. Pag-dating niAlingRosalynng pasado ala-una ay iniinin pa lamang ang kanin. O, hind pa kayo kumakain? tanong nito. Hindi pa po. Si kuya kasi, alas dose na bumili ng bigas, sagot niPatricia. Angelie tantanan mo na muna iyang ulam dahil baka maubos mo iyan. Malapit nang maluto itong kanin. Aniya sa nakababatang kapatid na nagpupuslit nanaman ng ulam.Tumawalang si Angelie bilang sagot. Namaywang si Aling Rosalyn. Hay naku, Philip. Kahit kalian ka talaga. Iyan na nga ba ang sinasabi ko kamamaya mo, e. Kikilos ka lang

kapag ikaw na mismo ang nagugutom. Mag-ayos ka na ng lamesa at maglagay ng mga pinggan. Utos nito. Si Angelie na. Nandiyan na siya, e sagot naman niPhilip. Ipatay mo yang TV at maglagay ka na ng mga pinggan, ulit ni alingRosalyn. Tatapusin kolangto. PhilipChristopher! bulyaw niAlingRosalyn. Nagkamot ng ulo saPhilipat padabog na pinatay ang TV. Padabog din ito sa paglalagay ng pinggan sa lamesa. Wag mo akong pagdabugan. Kuya, baka mabasag yang mga plato wala tayong gagamitin. Aapat na ngalangiyan, babsagin mo pa. ani Angelie. Habang kumakain sila ay may nagtawag kayPhilipna barkada. Kaya naman matapos itong kumain ay agad na itong lumabas at sumama sa mga kaibigan. Nagpunta sila sa computer shop at nag-laro ng Dota. Pustahan iyon kaya halos sirain na nila ang mga keyboard at mouse sa pagkontrol saHeronila paralanghindi matalo. Hindi na nagrereklamo ang bantay sa shop dahil sanay na ito sa mga ganon. Halos lahat naman kasi ng mga nmaglalaro ng Dota ay nagwawala at halos sinisira na ang mga computer. Kaya nagtaas ng presyo ang shop para sa maintenance ng mga computers. Kapag walang pasok ay palaging nasa galaan siPhilip. Umuuwi lamang siya para kumain, matulog, maligo at manood ng TV. Kahit anong sermon ng ina sakanya ay walang epekto. Pasok sa isang tenga at labas sa kabila ang drama niya. Pagkatapos ng klase ay diretso rin siya sa computer shop kasama ang mga ka-klase. Tulad ng palaging Gawain, nagpupustahan sila sa Dota. Minsan ay nakakaligtaan na nila ang mga takdang-aralin. Kapag nasa bahay siPhilipay puro sermon ang naririnig niya paano, wala na siyang ginawa kundi manood ng telebisyon. Minsan ay nasasagot na niya ang kanyangina, at nasisigawan niya ang mga kapatid. Philip, paki-balik mo nga itong mga pinggan doon kanilaMia, utos ng kanyang ina isang hapon. Sumasakit kasi ang paa ko at nahihirapan akong mag-lakad.

Si Patricia na, angal niya. Naglalaba ang mga kapatid mo, wika niAlingRosalyn. Inabot nito sakanya ang mga pinggan. Dalhin mo na iyan at baka mabasag pa natin yan. Tapos magpasalamatka para dito sa ibinigay na pansit at mechado. Hindi ko alam iyo. Sino bangMiayon? nakasimangot na tanong niya. Alam mo ba yung bagong lipat dyan sa tabi nila manang Elsa? Hanapin mo doon si ate mia mo. Wika nito. Yung chubby na babae? tanong niya. Hindi. Pamangkin iyon niMia. Basta dun ka pumunta sa bahay sa tabi nila managElsaat hanapin mo si Mia. Ani Aling Rosalyn. Nagkamot ng ulo siPhilipat lumabas na ng bahay. Pero wala pang sampung Segundo ay bumalik na agad siya. O, anak, nag-teleport ka ba? biro ng ina. Nay, pahinig nalang ako ng pang-load. Para pagbalik ko, dadaan na ako magpa-load, aniya. Ayun, umiling ang ina. Hindi ka talaga mautusan ng walang kapalit,ano? Sige na, nay. Wala pa akong pera. Sa makalawa pa ako su-sweldo.anangina. Sige na. nay. 25 lang, e pilit niya. Wala nga, sagot ng kanyang ina. Pamasahe niyo nalang buks at pambili ng ulam ang nandito. Sumimangot si Philip at nagsismula nang maglakad palabas. 25lang, e mahinang sambit niya sa sarili. Tignan mo talaga ito, ang kulit. Bumuntong hininga si Aling Rosalyn. Kung maka-hingi, magaling. Kung uutusan, ang hirap pakilusin. Nagmana ka talaga sa ama mo nung bata. Narinig iyo niPhilip. Mas walang kwenta yon kaysa sa akin! naiya ng malakas na boses dahil nasa labas na siya.

Ang ingay mo, anang isang pamilyar na boses ng lalaki. Paglingon niya ay nakita niya ang kaibigang si Terrence. O, Renz, bati niya, San ka tutungo aking kaibigan? tanong nito. Diyan sa bagong lipat. Inutusan ako ni nanay, sagot niya. Tinapik niTerrenceang balikat niya. Maganda iyan, sumunod ka sa utos ng nanay mo, sambit nito. Ikaw saan ka pupunta? tanong naman niya. Bibili ng makakain. Nagugutom ako, e sagot naman nito. Nang madaanan nila ang tindahan ng kwek-kwek ay tinapik niTerrenceang balikat niPhilip. Sige, pumunta ka na sa patutunguhan mo. Dito na muna ako, wika nito. Tumuloy si Philip sa bahaykungsaan inutos ng nanay niya na ibalik ang mga pinggan. Nang mag-door bell siya ay isang dalaga ang lumabas. Si Ate Mia po? tanong niya. Pamilyar ang babae kaya tinitigan niya habang inaalala kung saan ba niya nakita ito. Umalis si nanay,e, sagot nito. May ibibilin ka ba? Umiling siya. Pinapabaliklang ni nanay, to, iniabot niya ang mga pinggan sa babae. Paki sabi nalang, Salamat daw sabi ni Rosalyn. Aniya. Kinuha ng babae ang mga pinggan. Okay, tumango ito. Ay, oo nga pala, pinapapunta kasiako ni nanay doon sa inyo para kunin ang number niAlingRosalyn. Baka daw kasi kailanganin ni nanay ng tutulong sa pagaayos. Kukunin ko nalang yung number ng nanay mo, ngumiti ito at inabot ang cellphone sakanya. Walang cell phone si nanay, e aniya at sinave ang number ng kapatid, pagkatapos ay ibinalik dito ang cell phone. Sa kapatid ko yan. Diyan niyo nalang itext si nanay pag may kailangan kayo. Osige, Salamat, ngumiti uli ang babae at pumasok na ng bahay.

Habang naglalakad pabalik ay naalala na niyakungsino iyong babae atkungsaan niya nakita. Journalism student iyon ng PUP. Nakikita niya palagi ito sa Gym dahil magkasabay ang oras ng PE nila. Npapansin niya ito dahil ito ang president ng klase dahil palagi itong katabi at nakasunod sa propesor. Nang mapadpad uli siya sa tindahan ng kwek kwek ay nandoon pa rin siTerrence. May ito inabot sakanyang plastic na may lamang mga kwek kwek. Ang dami naman nito, dude. Gusto mo ba akong patayin sa kolesterol? aniya at tumawa. Wag kang mag-alala, mahal na mahal kita. Hindi ako ppayag na mamatay ka sa kolesterol kaya wala kang parte dyan. Para sa mga kapatid at nanay molangang mga iyan. Sagot ng kaibigan sabay ngiti. Malapit ito sa pamilya niPhilip. Hindi pwede ito sa nana, aniya. Hina-high blood kasi siya. Ah ganon ba? nag-abot siTerrenceng isa pang plastic na Barbeque naman ang laman. E, iyan, pwede? E, ako wala? Syempre naman, meron. Tumusok ito ng isang kikiam. O, say ahhh sambit nito at isinubo sakanya ang kikiam. Kahit kalian ka talaga,Terrence! iiling-iling at na nginuya at nilunok niya ang kikiam.Tumawalang ang kaibigan. Sige, sagot ko nang Dalawang oras ng pang-dato mo, alok nito. Na-aaa-ks, ngumiti siya. Nalipat na ba ngayong araw ang birthday mo, dude? O baka naman tatay ka na at nagse-celebrate ka? asar niya. Hindi, nagpadala lang yung ama ko. Bitter si Terrence sa ama niya. Bata palang siya ay namatay na ang nanay niya. Naga-abroad ang tatay niya at bihirang umuwi dito sa Pilipinas. Nalaman nalang niya isang araw na may ibang pamilya na pala ito sa abroad. May dalawang kapatid na siya roon na hindi naman niya kilala. Ang lolo at lola niya na ang nagpalaki sa kanya.

Buwan-buwan ay nagpapadala ng pera ang tatay niya. Lahat ng mga kailangan ay gusto niya ay nabibili niya. Nagsasawa na nga siya sa mga material na bagay na nakukuha niya. Ang gusto niya, magkaroon siya ng mga magulang na magmamahal sakanya. Kaya naman malapit na malapit ang loob niya sa nanay niPhilip, dahil maalalahanin ito at mabait. Parang isang tunay nainana ang turing niya rito. Oo nga pala, Philip, ani Terrence. Tanong mo sa nanay mo kung gusto niyang kunin yung isang cell phone dun sa bahay. Sayang kasi, walang gumagamit. Yes, sir, tinapik niPhilipang balikat ng kaibigan. Sige, uwi ko muna to, Salamat. -Dahil Communication Research student siTerrence, tinulungan niya siPhilipna ligawan ang Journalism student na saJean.SiJeanat ang girlfriend niTerrencena siErikaay nasa parehong klase. Kaya kapag sinusundo niPhilipsiJean, ay nakakasama na rin nila sinaTerrenceatErika. Ilang buwan ang lumipas ay naging girlfriend niPhilipsiJean. May napansin na pagbabago si Aling Rosalyn sa panganay na anak. Kungnoonay hindi talaga mautusan siPhilip, ngayon ay depende na ito sa mood nito. Kapag tinotopak ay mas madaling utusan. Maaga na rin itong umuuwi. Malamang ay iniipon nito ang pang-dota sana para pangdate nito sa girlfriend. Isang umaga ay nasermunan nanaman niAlingRosalynang panganay na siPhilip. Hindi pa kasi nito nailigpit ang napag-tulugan ay gumala na agad ito. Pagkatapos ay hindi umuwi para bumili ng bigas at gulay. Sinagot-sagot niPhilipanginahanggang sa nag-away sila. Agad naman umawat ang dalawang kapatid sa sagutan dahil baka ma-high blood angina. Badtrip siPhilipna nagpunta sa palagi nitong tinatambayan. Tuwing nasa bahay siya ay sermon palagi ang naririnig niya. Gusto lang naman niyang manood ng TV. Oh, dude, aniTerrencena kararatinglang. Bakit nakasimangot ka dyan? nagtatakang tanong nito. sino ba namang hindi sisimangotkungpuro sermon nalang naririnig? lalong lumalim ang guhit sa noo niPhilip.

Bakit, ano nanamang ginawa mo? tumigil ito saglit, O hindi ginawa? Hindi sumagot si Philip. Imbes ay sinabi niyang, Sana wala nalang akong nanay, e. Para walang nagsesermon kapag ginawa ko yung gusto ko. Hindi nagustuhan niTerrenceang narinig. Tumigil ka nga dyan! matalim na bulyaw nito. Mabuti nga ikaw may ina, e. Hindi mo ba naiisipkunggaano ka kaswerte sakunganong meron ka?! Bakit, gusto mo ng nanay na dakdak nang dakdak mula umaga hanggang gabi? Tinulak ni Terrnce ang kaibigan at tumayo. Mabuti nga ikaw may nanay na nagtatama sa mga mali mo, eh. Sigaw nito. Magpasalamat ka nga at mahal ka ng nanay mo kaya ayaw ka niyang maligaw ng landas! Hindi mo alam kung anong pakiramdam ng walanginakaya wag na wag mong sasabihing sana wala nalang yung nanay mo! Tumayo si Philip at tinulak din ang kaibigan. Tinignan niya ito ng masama. Eh, ano bang pakialam mo kung gustokongsabihin yon? Magpaka-mature ka nga, Philip! Tingin mo ba dadakdakan ka ng nanay mo kung tama yung mga ginagawa mo? Ikaw rin yung gumagawa ng paraan paraa sermunan ka niya, eh! Kaya wag kang mag-inarte dyan na para bang ikaw yungg magaling at tama! Eh, ayaw ko ng ganung nanay, eh! Sinuntok niTerrencesiPhilipat nag-away sila. Hanggang sa madatnan sila niJeanatErika. Ano ba, bakit ba kayo nag-aaway? tanong ni Jeanhabang hawak ang braso niPhilipat pinipigilan itog lumapit kayTerrence. Wala kang kwenta Philip! Pareho kayo ng tatay ko na hindi marunong magpahalaga! ani Terrence. Wag mo akong ikumpara sa tatay mo! lalapit sana siPhilipkayTerrencepero pinigilan siya niJean. Philip, tama na. awat ni Jean sa mahinang boses.

Nagpapakahirap yung nanay mo na magtrabaho para sayo tapos ganyan yung mga sinasabi mo? Napaka-makasarili mo! galit na umalis siTerrenceat iniwan na siPhilipkayJean. Ano bang nangyari,Philip? tanong niJean. Tumangging sumagot si Philip. Imbes ay ihatid na niya si Jean sa bahay nito at umuwi na rin siya at nagkulong sa kwarto niya. Ngunit ilang araw lang ay nalaman din niJeanang nangyari at ang pinagmulan non. nang kausapin nito siPhilipay uminitlangang ulo niya. Nag-away tuloy sila hanggang sa nakipag-hiwalay siJean. Natapos ang isang lingo ay kinausap niya saJean. Ngunit tumanggi itong makipagbalikan sakanya. Ang gusto ko, yung rerespetuhin ako,Philip, wika niJean. Paano ako makakasiguradong rerespetuhin mo ako kung yung sarili mongina, hindi mo inirerespeto? Pagkatapos ng usapang iyon ay hindi na muna sila nagkita. Habang pauwi siya ay sinalubong siya ng umiiyak na si Angelie. Kuya, inatake sa puso si nanay, wika nito habang umiiyak. Dinala siya ni kuyaTerrenceat ate Icia sa ospital. Naalarma ang buong sistema niPhilip. Hinila niya ang kapatid at nagpunta sila sa ospitalkungnasaan ang kanilangina. Habang nasa jeep ay walang humpay ang pagtatanong niya sa kapatidkungbakit inatake sa puso ang kanilangina. Pagdating sa ospital ay nasa ICU siAlingRosalyn. May malay na ito ngunit hirap pa ring huminga at magsalita. Humingi siya ng tawad at nangakong magbabago na, basta magpagalinglangangina.Noonlang siya natutong lumapit sa Diyos at humingi ng kapatawaran at tulong. Humingi siya ng isa pang pagkakataon para magbago at ipakita kung gaano kahalaga sakanya ang kanyangina. Ngunit kinabukasan ng umaga ay binawian na ng buhay siAlingRosalyn. ***

Hindi alam niPhilipkunggaano siya katagal na umiiyak. Sa tuwing naaalala niya ang mga sandaling iyon ay hindi niya maitago ang nararamdamang sakit sa pagkawala ngina. Kinuwestiyon niyonoonang Diyos kung bakit nangyari iyon;kungbakit hindi siya binigyan ng isa pang pagkakataon.Ngayonlang niya na-realize na marami na palang pagkakataon ang ibinigay sakanya ng Diyos. Bawat umaga ay panibagong pagkakataon. Minsan ay hinihiling niya na nasa ay maibalik niya ang panahon. Pero nung nakapag-isip-isip na siya, alam niyang hindi niyamari-realize ang mga pagkakamali niyakunghindi nangyari ang mga bagay na iyon. Sa mga naranasan niya sa buhay ay gusto niyang ibahagi ang mga leksiyon na natutunan niya. Kungikaw ay isang anak, pahalagahan mo ang iyongInahigit pa sa pagpapahalaga mo sa ibang bagay dito sa mundo. Napakalaking biyaya ang mayroon ka kung kasama mo ang iyongIna. Maraming tao ang nangungulila sa isangIna, kaya sana ay ma-realize mo na napaka-blessed ka dahil kasama mo ang nanay mo. Pahalagahan mo siya at mahalin. Galangin mo siya bago mo galangin ang iba. Sa mga ama at asawa, ipakita at ipadama niyokunggaano niyo kamahal ang inyong mga asawa. Sila ang ilaw ng tahanan at nagbibigay buhay sa mga bagay. Huwag ninyo silang talikuran dahil kapag ginawa niyo iyon, ay tinatalikuran niyo na rin ang pinakamahalagang bagay sa buhay niyo.Kunghindi naging maayos ang una ninyong kasal, ay hindi rin magiging maayos ang pangalawa o pang-ilan man yan. Alagaan niyo sila dahil sila rin ang magaalaga sainyo. Sa banding huli, kayo pa rin ang magkakasama sa pagtanda. Huwag ninyong tularan ang ama niPhilip. At sa mgaina, ipagpatuloy niyolangang role ninyo. Tulad niAlingRosalyn, hindi niya ikinamuhi ang kanyang anak kahit na ganon ang ugali nito. Ginawa niya pa rin ang lahat para sa mga anak niya dahil mahal niya ang mga ito. Tulad niAlingRosalyn, huwag ninyong talikuran at ikamuhi ang anak ninyo kahit gaan kalaki ang pagkakamali niya. Kaya nga may kapatawaran. Walang bumabata sa mundong ito. Kapag tumanda kayo, ang mga anak niyo rin ang mag-aalaga sa inyo. Kaya mahalin niyo sila upang matutunan din nilang magmahal. Hinihiling niPhilipna sana, lahat ng makarinig ng istorya niya ay matutunan din ang mga leksiyon na natutunan niya.

You might also like