Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Look up keyword
Like this
1Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Dula

Dula

Ratings: (0)|Views: 24|Likes:
Published by Clinton Balbontin

More info:

Published by: Clinton Balbontin on Jan 23, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

01/23/2012

pdf

text

original

 
Dula (Notes)
Oct 17, '07 11:37 PMfor everyone
 Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sapamamagitan ng panonood.Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango satotoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.
 
Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawagna
iskrip
. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay  yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.
 
Sangkap ng dula
y
 
T
agpuan
± panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula
 
y
 
T
auhan
± ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mgapangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula
 
y
 
Sulyap sa suliranin
± bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin;mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sasimula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaringmagkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula
 
y
 
Saglit na kasiglahan
± saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraningnararanasan
 
y
 
T
unggalian
± ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sakanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higitsa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dula
 
y
 
asukdulan
±
climax 
sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkapna ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya¶y sa pinakakasukdulan ang tunggalian
 
y
 
akalasan
± ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos samga tunggalian
 
y
 
alutasan
± sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin attunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliraninat tunggalian sa panig ng mga manonood
 
Elemento ng Dula
y
 
I
skrip o nakasulat na dula
± ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay naisinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walangiskrip
 
y
 
G
umaganap o aktor
± ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhansa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba¶t ibangdamdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula
 
y
 
T
anghalan
± anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ngisang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase
 

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->