You are on page 1of 7

Noli Me Tangere Kabanata 33 Malayang Kaisipan. Panauhin ni Ibarra si Elias.

. Hiningi ni Elias sa binata na ipaglihim nito ang pagbibigay niya ng babala sa kanya. Isapa, si Elias ay nagbabayad lamang ng utang na loob sa kanya. Ipinaliwanag din niya na dapat pa ring mag-ingat si Ibarra sapaglkat sa lahat ng dako ito ay mayruong kaaway. Batas ng buhay ang di pagkakasundo. Lahat tayoy may kalaban, mula sa pinakamaliit na kulisap hanggang sa tao; mula sa pinakadukha hanggang sa lalong mayaman at makapangyarihan, pagdidiin pa ni Elias. Ang mga kaaway ni Ibarra ay naglilipana sa halos lahat ng lugar, dahil sa kanyang mga ninuno at ama na nagkaroon don ng mga kagalit, dahil na rin sa kanyang balak na pagpapatayo ng paaralan. Isa sa mga kaaway ni Ibarra ay ang taong madilaw. Umanoy narinig ni Elias ang taong madilaw ng sinundang gabi nakikipag-usap sa di kilalang tao at sinabing hindi kakanin ng isda ang isang ito (Ibarra) tulad ng kanyang ama, makikita ninyo. Ang ganitong natuklasan ni Elias ay kanyang ikinabahala sapagkat kahit na ipinagmamalaki ng taong madilaw ang kaalaman sa trabaho. Hindi ito humingi ng mataas na sahod ng magprisinta kay Nor Juan. Binanggit ni Ibarra na nanghihinayang sa pagkamatay ng taong dilaw sapagkat marami pa sanang mababatid buhat sa kanya. Pero, ikinatwiran ni Elias na maski na mabuhay ang taong madilaw inakala niyang matatakasan ang pag-uusig ng bulag na hukuman ng tao. Subalit sa kamatayan ng Diyos ang humatol at naging hukom. Sinikap ni Ibarra na tuklasin ang tunay na pagkatao ni Elias, kung ito ay nakapag-aral o hindi. Ang sagot ni Elias ay: Napilitan akong maniwalang lubos sa Diyos sapagkat nawalan na ako ng tiwala sa Diyos. Alam ni Elias na marami pa ang mga taong gustong kumausap kay Ibarra kaya nagpaalam na ito. Pero, nangako siyang anumang oras na kailangan siya ay babalik siya sapagkat mayroon pa siyang tinatanaw na utang na loob kay Ibarra. Noli Me Tangere Kabanata 34 Ang Tanghalian. Ang mga kilalang tao sa San Diego ay magkaharap na nanananghalian sa isang malaking hapag. Nakaluklok sa magkabilang dulo ng mesa sina Ibarra at ang alkalde. Nasa bandang kanan ni Ibarra si Maria at nasa kaliwa naman ang eskribano. Sa magkabilang panig naman nakaluklok sina Kapitan Tiyago, kapitan ng bayan, mga prayle, kawani at kaibigang dalaga ni Maria. Ganadong kumain ang lahat ng makatanggap ng telegrama sina Kapitan Tiyago, siyay kaagad na umalis. Darating ang Kapitan Heneral at magiging panauhin ni Kapitan Tiyago sa kanyang bahay. Hindi nasasabi sa kable, kung ilang araw na mananatili ang Kapitan Heneral sapagkat ito umano ay mahilig sa bagay-bagay na kataka-taka. Kung saan napasuot ang usapan ng mga kumakain. Ang hindi pag-imik ni Pari Salvi, ang hindi pagdating ni Padre Damaso, kawalan ng kaalaman ng mga magbubukid ng kobyertos at kung anong kurso ang ipapakuha nila sa kanilang mga anak. Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat bumati sa kanya, maliban kay Ibarra. Umiinit na ang usapan noon sapagkat nagsisimula ng ilagay ang mga tsampan sa kopa. Nahalata ng alkalde na panay ang pasaring ni Pari Damaso kay Ibarra. Sinikap na ibahin nito ang usapan, pero patuloy ang pari sa pagsasaring. Walang kibo na lamang si Ibarra. Pero, nang ungkatin ni Pari Damaso ang tungklol sa pagkamatay ng ama ni Ibarrang may kasamang pag-aglahi. Sumulak ang dugo ni Ibarra. Biglang dinaluhong niya si Pari Damaso at sasaksakin

nito sa dibdib. Pero, pinigilan siya ni Maria. Gulo ang isip ni Ibarra na umalis at iniwan ang mga kasalo sa pananghalian. Noli Me Tangere Kabanata 34 Ang Tanghalian. Ang mga kilalang tao sa San Diego ay magkaharap na nanananghalian sa isang malaking hapag. Nakaluklok sa magkabilang dulo ng mesa sina Ibarra at ang alkalde. Nasa bandang kanan ni Ibarra si Maria at nasa kaliwa naman ang eskribano. Sa magkabilang panig naman nakaluklok sina Kapitan Tiyago, kapitan ng bayan, mga prayle, kawani at kaibigang dalaga ni Maria. Ganadong kumain ang lahat ng makatanggap ng telegrama sina Kapitan Tiyago, siyay kaagad na umalis. Darating ang Kapitan Heneral at magiging panauhin ni Kapitan Tiyago sa kanyang bahay. Hindi nasasabi sa kable, kung ilang araw na mananatili ang Kapitan Heneral sapagkat ito umano ay mahilig sa bagay-bagay na kataka-taka. Kung saan napasuot ang usapan ng mga kumakain. Ang hindi pag-imik ni Pari Salvi, ang hindi pagdating ni Padre Damaso, kawalan ng kaalaman ng mga magbubukid ng kobyertos at kung anong kurso ang ipapakuha nila sa kanilang mga anak. Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat bumati sa kanya, maliban kay Ibarra. Umiinit na ang usapan noon sapagkat nagsisimula ng ilagay ang mga tsampan sa kopa. Nahalata ng alkalde na panay ang pasaring ni Pari Damaso kay Ibarra. Sinikap na ibahin nito ang usapan, pero patuloy ang pari sa pagsasaring. Walang kibo na lamang si Ibarra. Pero, nang ungkatin ni Pari Damaso ang tungklol sa pagkamatay ng ama ni Ibarrang may kasamang pag-aglahi. Sumulak ang dugo ni Ibarra. Biglang dinaluhong niya si Pari Damaso at sasaksakin nito sa dibdib. Pero, pinigilan siya ni Maria. Gulo ang isip ni Ibarra na umalis at iniwan ang mga kasalo sa pananghalian. Noli Me Tangere Kabanata 36 Ang Unang Suliranin. Isang malaking gulo ang nangyayari sa bahay ni Tiyago dahil sa hindi inaasahang pagdating ng Kapitan-Heneral. Si Maria ay panay ang pagtangis at hindi pinakikinggan ang payo ng kanyang ale at ni Andeng. Paano nga, pinagbawalan si Maria ng kanyang ama na makipag-usap kay Ibarra habang hindi pa inaalis ang eskomonyon sa binata. Saglit na umalis si Kapitan Tiyago sapagkat pinapupunta ito sa kumbento. Pinatuloy na inaalo naman ni Tiya Isabel si Maria sa pagsasabing susulat sila sa Papa at magbibigay ng malaking limos. Madali namang mapapatawad si Ibarra sapagkat nawalan lamang ng ulirat si Padre Damaso. Si Andeng ay nagboluntaryong gagawa ng paraan para magkausap ang magkasintahan. Nasa gayon silang pag-uusap nang bumalik si Kapitan Tiyago. Sinabi nito na inutusan siya ng pari na sirain ang kasunduan ng pag-iisang dibdib ng magkasintahan. Si Pari Sibyla ay nagsabi naman na huwag tanggapin si Ibarra sa kanyang tahanan at ang utang ni Kapitan Tiyago na P50,000 sa binata ay huwag ng pabayaran kundi mawawala ang kanyan buhay at kaluluwa. Inalo ni Kapitan Tiyago si Maria sa pagsasabing ang ina raw nito ay nakita lamang niyang umiyak nang itoy naglilihi. Isa pa, anito, may kamag-anak si Padre Damaso sa nakatakdang dumating mula sa Europa at siyang inilalaan ng maging panibagong katipan ni Maria. Sindak ang mga kausap ni Kapitanlalo na si Maria na napailing lamang, umiiyak at tinakpan ang mga

taynga. Pati si Isabel ay nagalit at sinabihan ang Kapitan na ang pagpapalit ng katipan ay hindi parang nagpapalit lamang ng baro. Dahil kaibigan ni Kapitan Tiyago ang Arsobispo. Iminungkahi ni Tiya Isabel na sulatan ito. Pero, sinabi ng Kapitan na mawawalang kabuluhan lamang sapagkat ang arsobispo ay isang prayle rin at walang ibang paunlakan kundi ang mga kapwa prayle. Pagkarrang pagsabihan ng Kapitan si Maria na tumigil na ito sa kangangalngal at baka mamugto ang mga mata. Hinarap na niya ang paghahanda sa bahay. Pamaya-maya dumating na nga ang Kapitan-Heneral. Ang buong kabahayan ni Kapitan Tiyago ay nagsimula ng mapuno ng mga tao. Si Maria naman ay tumakbo sa silid at nagdasal sa Mahal na Birhen. Nasa ganito siyang kalagayan ng pumasok ang kanyang Tiya Isabel at sinabing gusto siyang makausap ng Kapitan-Heneral. Mabigat man sa loob ay unti-unti na siyang nag-ayos ng katawan. Noli Me Tangere Kabanata 37 Ang Kapitan Heneral. Pagkadating ng Kapitan-Heneral, ipinahanap niya kaagad si Ibarra. Samantala, kinausap muna niya ang binatang Taga-Maynila na nagkamaling lumabas habang nagsesermon sa misa si Padre Damaso. Ang paglabas ng binata sa simbahan ay ikinagalit ni Damaso. Namumutla at nginig ang buong katawan ng binata ng pumasok siyang kausapin ng Heneral. Ngunit, ng lumabas na ito, nakangiti na siya. Ito ay tanda ng mabuting ugali ng Kapitan-Heneral;. Mayroon siyang panahon basta sa katarungan. Pagkalabas ng binata, ipinapasok na ng kagawad ang mga reverencia na sina Pari Sibyla,Pari Martin,Pari Salvi at iba pang mga prayle. Yumuko ang mga ito at nagbigay galang sa HeneralDahil hindi kasama si Padre Damaso, hinanap siya ng heneral. Sinabi nina Pari Sybila at Pari Salvi na may sakit ang hinahanap. Ang sumunod na nagbigay galang sa heneral ay sina kapitan tiyago at Maria. Pinapurihan ng Heneral si Maria dahil sa ginawa nito sa pananghalian. Kung hindi dahil sa kanya , maaring nautas na si Ibarra si Padre Damaso. Sinabi ng Heneral na kailangang tumanggap ng gantimpala si Maria na kagyat namang tumutol. Smantala, ipinahayag ng kagawad na dumating na si Ibarra at nakahanda na siyang humarap sa Heneral. Napansin ng Heneral na medyo nabalisa si Maria, Kaya sinabi niyang nais itong makaharap bago umaalis patungong Espanya. Sinabi naman niya sa alkalde na samahan siya nito sa paglilibot. Hindi matiis ni Pari Salvi na ipaalala sa Heneral na si Ibarra ay excomulgado. Pero,hindi siya pinapansin nito at sa halip sinabi ng Heneral na ipaabot kay Padre Damaso ang pangangamusata na gumaling ito kaagad. Napamaang ang mga reverencia at sabay sabay na nagpaalam. Nakasalubong nila ang pagpanaog ni Ibarra. Ngunit hindi sila nagkakibuan. Mata lamang ang nag-usap. Pagkakita ng Henaral kay Ibarra mabilis niya itong kinamayan at sinabing tama lang ang kanyang ginawa lalo na ang ginawang pagtatanggol sa ala-ala ng ama. Tiniyak niya na kakausapin ang arsobispo tungkol sa pagkakaexcumulgado ni Ibarra. Sa pagkukuwento, lumitaw na nagkapalad si Ibarra na makatagpo ang pamilya ng kapitan Heneral noong siya nagpunta sa Madrid. Tinanong ng Heneral kung wala man lang liham na

tagubiling dala si Ibarra para sa kanya. Hindi na kailangan ito, ani Ibarra sapagkat lahat daw ng mga Pilipino ay tinagubilin sa Heneral. Sa pagpapahayag ni Ibarra ng kanyang sariling pananaw sa buhay, nagpamuni ng Heneral na matalino ang binata. Inamuki niya itong ipagbili ang lahat lahat na ari-arian at sumama na sa kanya sa Espanya sapagkat hindi nababagay ang kanyang kaisipan sa Pilipinas. Pero,sinasabi ni Ibarra na higit na matamis ang mamuhay sa bayang sinilangan at pinamuhayan din ng mga magulang nito. Pinahalagahan ng Heneral ang paninindigan ni Ibarrasapagkat inaakala niyang higit nga niyang kilala ang Pilipinas kaysa sa kanya. Nang maalala niya si Maria, sinabi ng Heneral kay Ibarra na puntahan na niya ang kanyang kasintahan at itagubilinang paparoonin sa kanya si kapitan tiyago.Ipinagugunita niya kay Ibarra na samahan siya sa pamamasyal. Tumango si Ibarr at umalis na. Kapagdaka,tinawag ng Heneral ang mga kagawad at sumunod ang alkalde. Sinabihan ng Heneral ang alkalde na hindi na kailangang maulit pa ang naganap na pananghalian at ibigay ang lahat ng kaluwagan kay Ibarra sa pagsasakatuparan ng kanyang mga mabubuting layunin. Huwag ding pakialaman si Ibarra, mariing pautos pa ng Heneral. Tumango ang Alkalde sa tinuran ng Heneral. Nangako siyang pangangalagaan din ang kaligtasan ni Ibarra. Nang dumating si tiyago kaagad na binati siya ng Heneral dahil sa pagkakaroon ng kapuri-puring anak at marangal na manunungangin.Nagprisinta pa ang Heneral na maging ninong sa kasal. Samantala, kaagad na hinanap ni Ibarra sa Maria. Kumatok siya sa silid ni Maria sapagkat naririnig niya ang boses nito. Pero, hindi binuksan ang pinto at sa halip ay si Sinang ang sumilip. Sinabi ni Sinang na isulat na lamang ni Ibarra ang sasabihin sapagkat papunta sila sa dulaan. Nagtaka si Ibarra. Noli Me Tangere Kabanata 38 Ang Prusisyon. Ang nakakatulig na paputok at sunod-sunod na pagdupikal ng mga batingaw ay nagbabadyang inilabas na ang prusisyon. Ang mga binata na halos lahat ay mayroong dalang sinding parol. Kasamang naglalakad ni Kapitan Heneral ang mga kagawad, si Kapitan Tiyago, ang alkalde, ang alperes at si Ibarra at patungo sa bahay ng kapitan. Nagpatayo ang kapitan ng isang kubol sa harap ng kanyang bahay upang pagdausan ng pagbigas ng tulang papuri o loa sa pintakasi ng bayan. Kung hindi lamang sa imbitasyon ng Kapitan Heneral, mas gusto ni Ibarra na manatili na lamang sa tahanan ni Kapitan Tiyago upang makasama niya si Maria. Nangunguna sa prusisyon ang taltong sakristan na may hawak na mga seryales na pilak. Kasunod nila ang mga guro, mag-aaral at mga batang may dala-dalang parol na papel. Ang mga agwasil at tinitini naman ay may dalang mga pamalo upang gamitin sa sinumang maniksik o humiwalay sa hanay. Mayroon din silang kasama na namimigay ng libreng kandila para gamiting pang-ilaw sa prusisyon. Ang mga santong pinuprusisyon ay pinangungunahan ni San Juan Bautista. Sumunod si San Francisco, Santa Maria Magdalena, San Diego De Alcala at ang pinakahuli ay ang Mahal na Birhen. Ang karo ni San Diego ay hinihila ng anim na Hermano Tercero. Inihinto ang mga karo at andas ng mga santo sa tapat ng kubol sa pagdadarausan ng loa. Mula sa tabing may isang batang lalaking may pakpak, nakabotang pangabayo, nakabanda at may bigkis ang lumabas. Pagkatapos na bumigkas ng papuri ang bata sa wikang Latin, Kastila at Tagalog ay pinagpatuloy ang prusisyon hanggang sa mapatapat sa bahay ni Kapitan Tiyago. Ang lahat ay natigilan sa magandang pag-awit ni Maria Claria ng Ave Maria ni Gounod sa saliw

ng kanyang sariling piyano. Kung napatigil si Padre Salvi sa ganda ng tinig ni Maria Clara. Higit na nakadama ng kalungkutan si Ibarra. Nadarama niya ang mensahe ng tinig ng kasiphayuan ng kasintahan. Saglot na naputol ang pagmuni-muni ni Ibarra nang palalahanan siya ng kaptian Heneral tungkol sa imbitasyon nitong makasalo sa pagkain upang pag-usapan ang pagkawala nina Basilio at Crispin. Noli Me Tangere Kabanata 39 Si Donya Consolacion. Kahit na napatapat ang prusisyon sa bhay ni Donya Consolacion ay pinid na pinid. Nang umagang iyon, ang asawa na alperes at paraluman ng mga guwardiya sibil ay hindi nakapagsimba. Paano hindi siya pinayagang lumabas ng kanyang asawa. Ikinahihiya ng alperes ang katawa-tawang pagdadamit nito. Ang kanya namang amoy katulad ng kalaguyo ng mga guwardiya sibil. Pero, para sa sarili ni Donya Consolacion siya ay higit pa ngang maganda kaysa kay Maria Clara. Ang ipinagpuputok pa ng damdamin ng Donya bukod sa siya ay hindi pinayagang lumabas ng bahay ay ang pangyayaring sobra kung alipustain at murahin siya ng alperes. Suklam na suklam ang Donya at iniisip kung paano makapaghiganti. Ang pagdili-dili niya ay nakapagbigay sa kanyang ng ibayong ngitngit. Nang araw ngang iyon, bago dumaan ang prusisyon, ipinasara niya sa bantay ang lahat ng mga bintana at nagpasindi pa ng ilaw. Inutusan din nitong huwag magpapasok maski sinuman. Pinakandado niyang mabuti pati pintuan. Habang nag-iisip ang Donya narinig niyang umaawit si Sisa na dalawang araw ng nakukulong sa kwartel. Pinapaakyat ng Donya si Sisa upang pakantahin. Palibhasa, sa wikang kastila ang utos ng Donya, hindi ito maunawaan ni Sisa. Isa pa hindi matino ang isip, isa na siyang baliw. Kinuha ng Donya ang latigo ng alperes at muling inutos na kumanta si Sisa. Pero, hindi sumunod si Sisa. Dahil dito, inutusan ng Donya ang sundalo na sabihin kay Sisa ang gusto nitong mangyari. Kumanta si Sisa ng Kundiman ng Gabi. Ang awit ay tumalab sa damdamin ng Donya at nakapagsalita ng Tagalog. Napamaang ang sundalo, hindi niya sukat akalain na marunong ng Tagalog ang Donya. Napansin ng Donya ang pagkamaang ng kawal, kaya galit na pinaalis ito. Binalingan ng Donya si Sisa at sa pilipit na pangangastila ay inutusan itong magbaile o sumayaw. Nang hindi sumunod si Sisa, pinalo niya ito sa binti at paa. Nabuwal si Sisa at nagisi ang manipis nitong damit kasabay ng paglabas ng dugo mula sa nabakbak na sugat. Nasisiyahan ang Donya sa gayong tanawin. Ang kanyang galit ay naibunton niya kay Sisa. Hindi napansin ng Donya ang pagdating ng alperes na pasikad na binuksan ang nakasarang pintuan. Pagkakita ng alperes kay Sisa, sinagilahan ito ng pangangatal ng katawan sa galit at namutla. Bumalasik ang kanyang mukha. Ngunit, parang walang anuman ito sa Donya. Tinanong pa niya ang alperes kung bakit hindi man lang daw bumati ito sa kanya. Hindi sumagot ang alperes. Inutusan niya ang bantay na bigyan ng damit at pagkain si Sisa. Kailangang gamutin din ang mga sugat nito, bigyan ng magandang higaan at huwag lalapastanganin. Ang dahilan si Sisa ay nakatakdang ihatid sa tahanan ni Ibarra kinabukasan din. Sa kabilang dako, kung magkaroon man ng kagaspangan ng ugali si Donya Consolacion yaon ay bunga ng kanyang kawalan ng sapat na edukasyon. Siya ay dating labandera lamang ng

mga sundalo na mapangasawa niya ang alperes na nuon ay isa lamang kabo. Ito ang dahilan kung may plastik na pag-uugali. Pilit siyang nag-aastang may pinag-aralan, marunong ng kastila at may ugaling Europeo. Noli Me Tangere Kabanata 40 Ang Karapatan At Lakas. Mag-iikasampu na ng gabi ng paisa-isang sindihan ang mga kuwitis. Ang huling pailaw ay parang bulkan habang ang daan ay naliliwanagan ng luces de Bengala na siyang nagsisilbing ilaw sa mga taong naglalakad patungo sa liwasang bayan. Malaki ang entabladong pagdarausan ng dula. Ang nangasiwa sa palabas ay ang Tinienti Mayor na si Don Filipo sapagkat ang Kapitan ay nasa sugalan. Kausap ng Tiniente si Pilosopong Tasyo at nakasentro ang kanilang pag-uusap na nagbibitaw na ang Don sa kanyang tungkulin. Dangat nalamang hindi tinanggap ng alkalde ang pagbibitiw nito. Saglit naputol ang pag-uusap ng dalawa ng dumating si Maria Clara kasama ang mga kaibigan. Kasunod nilang dumating ang kura at ilang kastila. Isa-isa silang inihatid sa upuan ng tiniente. Nagsimula na ang palabas sa pamamagitan ng tambalang tinig nina Chananay at Marianito ng Crispino dela Comare. Ang pansin ng lahat ay nasa entablado maliban kay Pari Salvi na walang kurap na nakatitig kay Maria Clara. Taposna na ang unang bahagi ng dula nang pumasok si Ibarra. Umugong ang bulungan, pero hindi ito pinansin ni Ibarra. Malugod na binati niya ang kasintahan at ang mga kasama nito. Tumindig si Pari Salvi o ang Kura at hiniling kay Don Filipo na paalisin si Ibarra. Ngunit, hindi sumunod ang Don at sinabing hindi niya magagawa ang gayon sapagkat nag-abuloy ng malaki si Ibarra. Isa pa, anang Don hindi siya natatakot sa gagawin ng kura sapagkat maghapong kaukausap ng Kapitan Heneralat ng Alkalde ng lalawigan si Ibarra. Kaya, wala itong dapat ipangamba. Napilitan umalis ang Kura at ang mga kasama nito. May ilang tao na lumapit kay Ibarra at sinabing huwag pansinin ang paglisan ng kura, sapagkat ang mga ito ang nagsasabing si Ibarra ay eskumulgaldo. Dahil dito, naitanong ni Ibarra na sila ay nasa panahon pa ng edad Media. Nilapitan ni Ibarra ang mga dalaga at nagpaalam na ilang sandali siyang mawawala sapagkat mayroong nalimutang tipanan. Pinigilan siya ni Sinang subalit nangako si Ibarra na babakik na lamang siya. Papalabas na si Yeyeng upang sumayaw, nang lumapit ang dalawang sibil kay Don Filipo at ipinatitigil ang palabas dahil hindi raw makatulog sa ingay ang alperes at si Donya Consolacion. Pero, hindi pinagbigyan ang kahilingan ng mga sibil at natapos na ang dula. Pero, bigla na lang nagkagulo. May dalawang sibil na hinagad ang mga musikero upang pigilin ang palabas pero ang mga ito ay nahuli ng mga kuwadrilyero na katulong ni Don Filipo. Tiyempo namang nakabalik na si Ibarra. Kaagad na hinanap niya si Maria. Kumapit na sa bisig ni Ibarra ang mga nasindakna dalaga. Walang tigil naman sa kauusal ng letania sa latin si Tiya Isabel. Ang mga sibil na inihatid ng mga kuwaddrilyero sa tribunal ay pinagbabato ng mga tao. May mga pulutong ng mga kalalakihan na nagbabalak ng masama sa mga sibil. Pero, pinakiusapan sila ni Don Filipo na huwag ng palalain pa ang pangyayari. Ngunit, hindi siya pinansin. Kaya kay Ibarra siys nakiusap. Sinabi ng binata na wala siyang magagawa. Pinakiusap ni Ibarra si Elias na puntahan ang mga kalalakihang nagbabalak ng masama. Napahinuhod naman ng piloto ang mga lalaki na huwag ng ituloy ang kanilang mga binabalak. Isa-isa ng nagsialisan ang mga tao.

Mula naman sa kinaroroonan ni Pari Salvi, nakita niya ang buong pangyayari sa liwasan. Dumating din ang kanyang utusan na nagbalita rin tungkol sa nangyaring kaguluhan. Bigla na lamang nakita ni Pari Salvi sa kanyang pangitain na si Mari Clara ay walang malay-tao, pangko ni Ibarra at nawala sila sa kadiliman. Halos nagkandahulog siyang bumaba sa kumbento at nagtuloy sa liwasan. Ngunit, wala ng tao. Binubulyawan siya ng mga kastila, pero hindi niya alumana. Mabilis na tinungo niya ang bahay ni Kapitan Tiyago. Sa nakapinid na durungawan nabanaagan niya ang mga anino nina Maria Clara at Tiya Isabel. Ang pagkabahala sa dibdib ng pari ay unti-unting nawala. Ligtas sa kapahamakan si Maria. Bumalik na sa kumbento si Pari Salvi.4 Noli Me Tangere Kabanata 41 Dalawang Panauhin. Posted by Paurong sa Martes, Setyembre 4, 2007 Kabanata XLI Dalawang Panauhin Buod Dahil sa nangyari hindi dalawin ng antok si Ibarra, kaya naisipan nitong gumawa sa kanyang laboratoryo. Pamaya-maya pumasok ang kanyang utusan at sinabing mayroon siyang panauhing taga-bukid. Pinapatuloy niya ito ng hindi man lamang lumilingon. Ang kanyang panauhin ay si Elias. Tatlo ang pakay ni Elias sa pagpunta niya kay Ibarra. Una, ay upang ipaalam na nilalagnat o may sakit si Maria Clara. Ikalawa, magpapaalam na siya kay Ibarra sapagkat nakatakda siyang magtungo sa Batangas at ikatlo, itatanong niya sa binata kung wala itong ipagbibilin sa kanya. Hinangad ni Ibarra ang maluwalhating paglalakbay ni Elias. Hindi nakatiis si Ibarra kung paano napatigil ni Elias ang kaguluhan nangyari sa liwasan. Sinabi ni Elias na kilala niya ang magkapatid na namumuno sa panggugulo. Ang mga ito ay mga sibil. Ang ama ng magkakapatid na patayin sa palo ang mga sibil na nanggulo sa liwasan. Pero dahil sa may utang na loob ang magkapatid kay Elias, sila ay madaling napakiusapan nito. Hindi na kumibo si Ibarra, kaya nagpaalam na si Elias. Nagbihis at nanaog na si Ibarra habang sinisisi ang sarili sa pagkakasakit ng kasintahan. Tutungo siya sa bahay ni Kapitan Tiyago. Sa daan nakasalubong niya ang isang maliit na lalaking nakaitim at may pilat sa kaliwang pisngi. Ito ay si Lucas at kapatid ng taong madilaw na namatay sa paghuhugos ng unang bato sa paaralan. Nabanas ng husto si Ibarra sa pangungulit ni Lucas na kung magkano raw ang ibabayad sa pamilya ng kanyang kapatid. Sinabi ni Ibarra na magbalik na lamang si Lucas dahil dadalaw ito sa isang maysakit. Ska na nila pinag-usapan ang tungkol sa pagbabayad. Mauubos na ang pagtitimpi ni Ibarra, kaya tinalikuran niya kaagad si Lucas. Sinundan ng masamang tingin ni Lucas si Ibarra sabay bulong sa sariling si Ibarra ay apo nga talaga ng nagbilad sa init sa kanyang ama at iisa ang dugong nananalaytay sa kanilang mga ugat subalit kapag ito (Ibarra) ay mahusay magbayad ng mataas, sila ay magiging mabuting kaibigan.

You might also like