Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more ➡
Download
Standard view
Full view
of .
Add note
Save to My Library
Sync to mobile
Look up keyword
Like this
4Activity
×
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
WALANG PANGINOON

WALANG PANGINOON

Ratings: (0)|Views: 1,115|Likes:
Published by lord_kerby16

More info:

Published by: lord_kerby16 on Feb 09, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, DOCX, TXT or read online from Scribd
See More
See less

11/30/2013

pdf

text

original

 
WALANG PANGINOON
 Deogracias Rosario Nang makita ni Marcos sa kanilang lumang orasan na ang mahabang hintuturo ay malapit nangsumapit sa ika-12 samantalang nakapako na sa ika-8 ang maikling daliri, hindi niya malamankung saan siya magtutungo. Isiniksik niya ang kanyang ulo kahi't saan. Saka ang dalawa niyanghintuturo ay ipinapasak sa mga butas ng kanyang tainga. Ayaw niyang marinig ang animas.Ayaw niyang mapakinggan ang malungkot na palo ng bakal sa malaking kampanang tanso sakampanaryo ng simbahan sa kanilang bayan. Gayon man, kahi't saan siya magsiksik, kahi't saansiya magtago, kahi't na anong gawin niyang pagpapasak sa kanyang tainga ay lalong nanunuot sakanyang pandinig ang malungkot na tinig ng batingaw."Tapos na ba?" Tapos... ang sunud-sunod namang itinutugon ng kanyang ina na paniwalang- paniwala hindi nga niya naririnig ang malungkot na animas."Ngunit, Marcos«" ang baling uli ng matandang babae sa anak. "Bakit ayaw mong marinig angoras na ukol sa kaluluwa? Iya'y nagpapagunita sa mga tao na dapat mag-ukol ng dalangin saikaluluwalhati ng mga kaluluwang nasa kabilang buhay. Una-una'y ang iyong ama, ikalawa'yang kapatid mong panganay, ikatlo'y ang kapatid mong bunso, saka« saka si Anita." Ang huling pangalan ay binigkas na marahan at madalang ng matandang babae.Si Marcos ay hindi kumibo. Samantalang pinapangaralan siya ng kanyang ina, ang mga mataniyang galling sa pagkapikit kaya't nanlabo pa't walang ilaw ay dahan-dahang sinisiputan ngningas, saka manlilisik at mag-aapoy.Hindi rin siya sumasagot. Hindi rin siya nagsasalita. Subali't sa kanyang sarili, sa kanyangdibdib, sa kanyang kaluluwa ay may pangungusap, may nagsasalita."Dahil din sa kanila, lalung-lalo na kay Anita, ayaw kong marinig ang malungkot na tunog ng batingaw," ang sinasabi ni Marcos sa sarili. Kinagat niya ang kanyang labi hanggang sa dumugoupang huwag ipahalata sa ina ang pagkuyom ng kanyang damdamin.Akala ng ina'y nahuhulaan niya kung ano ang nasa loob ni Marcos. Sa wari ng matanda aynababasa niya sa mga mata ng anak ang lihim ng puso nito. Naiisip niyang kaya nalulungkot siMarcos ay sapagka't hindi pa natatagalang namatay si Anita.
 
Si
Deogracias
A. R 
osario
ay isinilang sa Tondo,MaynilanoongOktubre 17,1894.  Nagsimulang magsulat noong1915sa
 Ang Demokrasya
. Taong1917naman ng magsimulasiyang sumulat sa
Taliba
. Naging Pangulo siya ng
Samahang Ilaw at Panitik 
,
 Kalipunan ng mga Kuwentista
at
 Kalipunanng mga Dalubhasa ng Akademya ng Wikang Tagalog 
. Siya ang kinilalang
 Ama ng Maikling  Kuwentong Tagalog 
. Ayon sa mga kritiko, siya ang nagbigay ng tiyak na anyo sa maikling katha bilang isang uri ng kathang pampanitikan. Nakita sa kanyang mga akda ang palatandaan ng paghihimagsik sa kinamulatang tradisyon ng maikling kuwento.Sa ginawang pagsusuri ni Dr.Genoveva Edroza Matute, guro at kwentista sa mga akda niDeogracias A. Rosario ay ganito ang kanyang sinabi:
"Kadalasang ginagamit niya (Deogracias A. Rosario) bilang pangunahing tauhan ang mgaalagad ng sining, bohemyo at kabilang sa mataas na lipunan; maliban sa ilan, iniiwasan niyang  gumamit ng mga tauhang galing sa masa; at paulit-ulit na lumilitaw sa kanyang mga akda ang mga tauhang galing sa ibang bansa, ngunit sa pagbabalik sa tinubuang lupa ay nagiging makawika at makabayan" 
.Ang ilan sa kanyang mga akda ay
 Ako'y Mayroong Isang Ibon
,
 Ang Dalagang Matanda
,
 Manikani Tadeo
,
 Aloha
,
 Bulaklak ng Bagong Panahon
at iba pa. Ang pinaka-obra maestra ni Rosario ayang
 Aloha
na kasama sa katipunang
50 Kwentong Ginto ng 50 Batikang Kwentista
.Binawian ng buhay si Deogracias A. Rosario sa gulang na 42 noong Nobyembre 26,1936.
T
alambuhay
n
i
 
Deogracias
A. R 
osario
 Ipinanganak noong 17 Oktubre 1894 sa Tondo, Maynila, si Deogracias A. Rosario ay ang Amang Maiikling Kwentong Tagalog sa bansa. Sumusulat din siya sa ilalim ng mga alyas na Rex,Delio, Dante A. Rossetti, Delfin A. Roxas, DAR, Angelus, Dario at Rosalino. Isa nangmanunulat sa gulang na 13, una siyang nagsulat para sa ³Ang Mithi´, isa sa tatlong naunang pahayagan sa bansa na nakatulong nang husto sa pag-unlad ng maikling kwentong Tagalog.

Activity (4)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 thousand reads
1 hundred reads
Melric Tepacia liked this
Rizalyn Balbuena liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->