You are on page 1of 2

Juan Carlos M.

Saquilayan III - Mercury

Mutya Ng Saging Isang gabi meron apat na lalaki ang umiinom ng alak sa tapat ng tindahan ni aling clarita At ang isa sa mga umiinom ay isang Americano nag uusap usap sila at nag kwekwentuhan Ng biglang may dumating isang matandang lalaki na dapat ay bibili ng suka sa tindahan Ngunit sya ay inaya uminom ng isa sa apat na lalaki at pinagbigyan naman ito ng matandang lalaki. Ng sila ay nag kwekwentuhan may na kwento ang matandang lalaki sa apat nyang kainuman tungkol sa kanyang pagkabinata noon. Ng may makwento ang matandang lalaki tungkol sa anting-anting na ang tawag ay MUTYA NG SAGING. Ngunit naputol ang pag kwekwento ng matandang lalaki dahil dumating ang kanyang Asawa. At sya ay pinagalitan dahil hindi na ito nkabilik ng itoy utusan nyang bumili ng suka dahil sa mga pangyayaring iyon ang americanong umiinom ay nagging interesado sa mga ikwinento ng matandang lalaki gusto nyang malaman ang hiwagang bumabalot sa anting-anting kung tawagin ay MUTYA NG SAGING , ng sila ay matapos sa inuman agad nyang sinama ang dalawa , sa apat nyang kainuman sa gubat kung saan naroon ang puno ng saging at ang anting-anting . Ng sila ay makapasok na sa gubat takot na takot ang dalawa nyang kasama dahil alam ng mga ito ang kapre na nag babantay sa puno ng saging kung saan naroon ang anting-anting. Ngunit ang lalaking amerikano ay hindi natatakot dahil hindi sya naniniwala sa mga ibang nilalang agad na tumakbo ang dalawang lalaki dahil sa takot na nadarama. Ng magisa na lamang ang lalaking amerikano, at nakaharap sa puno ng saging biglang lumabas ang kapre at nag pakita sakanya natakot ang lalaking amerikano dahil totoo pala ang mga ibang nilalang ng silay mag usap nilinlang ng kapre ang lalaking amerikano ng may pinainom ang kapre sa amerikano, na kapangyarihan daw ay ininom naman ito ng amerikano at syay nalinlang dahil kapag ininom nya ang katas na iyon habang buhay na syang mag babantay sa puno ng saging at ang kapre naman ay magiging Malaya na habang buhay. Ang aking reaksyon sa nakita kong dula ay ang pagka tuto sa mga bagay na dapat ay maging kunteto ka nalang at natuto rin ako sa maraming bagay tulad ng wag maging mapusok sa mga bagay na hindi mo pa dapat malaman, o makita natutunan ku rin na dapat maging ma-ingat sa lahat ng iyong gagawin upang hindi ka mabitag ng iyong kapusukan lalo na at hindi ka sigurado sa iyong mga hakbang ang aking masasabi sa dulang ito ay napaka ganda dahil maraming mapupulot na aral ang mga makakabasa, makakapakinig nito kahit hindi ito totoong kwento o isa itong epiko mababatid na mga taga pakinig ang aral na gusto nitong ipabatid satin. Napakagandang impluwensya ito sa mga kabataan lalo na ang mga kabataan ang madalas na nkakaranas ng mga pagsubok na nag papahamak sa kanila. Akoy lubos na natutuwa dahil akoy nakapakinig ng isang munting dula ngunit napaka-makahulugan at akoy maraming natutunan at naintindihan sa dulang ito.

Juan Carlos M. Saquilayan III - Mercury

You might also like