You are on page 1of 7

Republic of the Philippines Department of Education DR. CARIDAD C. LABE EDUCATION CENTREX (CCL CentrEx) Inc. Osmea St.

, Gun-ob, Lapu-Lapu City Lagumang Pagsusulit para sa Ika-anim na Filipino Pangngalan: _________________________________ Petsa: ________ Iskor:_______ Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at piliin ang angkop na pakay o damdamin. 1. Working student si Lance. Nasa iskul siya mula 7:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon. Mula 4:00 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi ay nagtatrabaho siya bilang crew ng isang sikat na fastfood center. Madalas na nahuhuli ng kanyang profesor si Lance na natutulog sa klase kayat madalas din siyang pagsabihan nito. Ang pakay o motibo ng profesor ay upang ______________________. A. B. C. D. hiyain si Lance mag-drop si Lance gawing modelo si Lance ipauna kay Lance na mahirap pagsabayin ang pag-aaral sa pagtatrabaho

2. Ibig mag-aral ni Prince Kelly sa kolehiyo ngunit noon pang isang buwan ay sinabihan na siya ng kanyang ama na wala siyang ipantutustos sa pag-aaral nito. Ayaw matulad ni Prince Kelly sa kanyang mga kapatid na hindi nakatapos ng pag-aaral. Sa isang dyaryo ay nabasa ni Prince Kelly ang tungkol sa Programang Study Now Pay Later Plan. Naunawaan niya ang mahahalagang impormasyon na nakasaad dito kaya kakausapin niya ang kanyang ama. Ang pakay o motibo ni Prince Kelly sa pakikipag-usap sa ama ay upang hikayatin itong ____________________. A. mangutang ng pera. B. lumuwas ng Maynila. C. tumira sa boarding house. D. basahin ang nilalaman ng programa. 3. Nahuli sa akto ni Mr. Francisco na ninanakaw ng isang bata ang cellphone ng babaing katabi niya sa bus. Dahil may alam siya sa self-defense, inaresto niya ang bata. Iniwasan niyang daanin sa dahas ang pag-aresto. Ipinaalam niya sa bata ang kadahilan ng kanyang pag-aresto. Ano ang sasabihin ng bata? A. B. C. D. Bakit mo ako hinuli. Pulis ka ba? Bakit, me karapatan ka bang mang-aresto? Wala akong kinukuha. Sa akin ang cellphone na ito. Mabutit hindi ninyo ako sinaktan. Patawarin nyo na ko.

4. Lalabas na si Genaldo sa rehabilitation center. Tatlong taon din siyang namalagi rito. Ayaw na niyang umuwi sa kanilang bahay. Nangangamba siya na baka hindi na maging maganda ang pakikitungo sa kanya ng mga kasama niya sa bahay. Ang akala niyay siya lamang mag-isa ang uuwi. Laking gulat niya ng malaman niyang sinusundo na siya ng kanyang magulang at mga kapatid. Ano ang sasabihin ni Genaldo? A. B. C. D. Bakit ngayon lang kayo dumating? Dito na lang ako. Ayoko nang umuwi. Susunduin ninyo ako pagkatapos ibabalik nyo uli ako rito? Sinorpresa ninyo ako. Salamat po. Hindi ko malilimutan ang araw na ito.

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang kahulugan ng salitang nakasalungguhit. 5. Masarap ang gabi lalo na kung kahalo ito sa sinigang na baboy. A. isang halamang ugat na tulad ng kamote B. kabaligtaran ng araw 6. Tuyo na ang mga damit na nilabhan ni Ate Ging. A. hindi basa B. maalat na isda 7. Mayroong pito ang pulis. A. bilang na kasunod ng anim B. instrumentong tumutunog 8. Puno ng bayabas ang gusto kong itanim. A. maraming laman B. matandang halaman 9. Inutusan kaming umupo sa sahig. A. hindi nakatayo B. uri ng gulay 10. Basahin ang mga pangungusap at pagsunud-sunurin ito upang mabuo ang isang kwento. Piliin ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga numero sa ibaba. 1. Nag-alala ang hari at reyna at agad na nagpatawag ng mga payaso, salamangkero, at iba pa na maaaring makapagpasaya sa prinsesa. 2. Mayroon noong isang magandang prinsesa na hindi masaya. Lagi na lang siyang malungkot at nag-iisa. 3. Nagpasalamat ang hari at reyna sa lalaking may dalang bulaklak. 4. Nagpakasal ang lalaki at ang prinsesa at sila ay namuhay ng masaya. 5. Isang lalaki ang nagdala ng isang paso ng magagandang bulaklak at ang prinsesa ay natuwa. A. B. C. D. 1-2-3-4-5 1-2-3-5-4 2-1-4-5-3 2-1-5-3-4

Panuto: Basahin ang sitwasyon. Piliin ang titik na nagpapahayag ng kasiya-siyang damdamin. 11. Nagbigay-pugay si Senador Richard Gordon sa libu-libong volunteers ng Olongapo City na nagsakripisyo upang maipreserba ang mga pasilidad ng Subic Bay matapos abandonahin ng mga Amerikano ang mga ito bilang naval base. A. B. C. D. Pagod, gutom at puyat ang dinaranas naming mga volunteer. Ang kusang pagtulong namin ay hindi nangangailangan ng kapalit. Papuri lamang ang kapalit sa mga ginagawa naming pagvo-volunteer. Kung bakit kasi umalis pa ang mga Amerikano. Nawalan tuloy ng hanap-buhay ang maraming mamamayan ng Olongapo City.

12. Sa unang siyam na buwan ng taong kasalukuyan ay umangat ng 9% ang ani ng mangga kung saan umabot sa P14,97 bilyon ang kinita ng bansa sa mangga mula sa P14.5 bilyon noong nakaraang taon. Ang mga nangungunang rehiyon sa produksyon ng mangga ay ang Ilocos Region, Gitnang Luzon at Calabarzon. A. B. C. D. Bakit hindi nakasama ang aming rehiyon? Sa isang taon, hihina na ang produksyon ng mangga. Mabuti naman at dahil sa pag-angat ng ani ng mangga ay naragdagan ang kaban ng bayan. Sa susunod, huwag lang ang produksyon ng mangga ang bigyan nila ng papuri. Mataas din ang ani ng saging, dalandan at kopra.

Panuto: (Layunin ng Pagsasalita) Batay sa ibinigay na pahiwatig, piliin ang titik ng tamang sagot. 13. Alin sa ibaba ang nagpahayag na si lola ang nagluluto ng masarap na pagkain. A. Nagluto ang lola ng masarap na pagkain para sa kanila. B. Nagluto ang lola ng masarap/ na pagkain para sa kanila. C. Nagluto ang lola/ ng masarap na pagkain para sa kanila. D. Nagluto/ ang lola ng masarap na pagkain para sa kanila. 14. Sinabi ni Marianne na masarap ang pagkain. A. Masarap ang wika ni Marianne. B. Masarap ang wika/ni Marianne. C. Masarap/ang wika/ni Marianne D. Masarap/ang wika ni Marianne. 15. Ipinahiwatig nito na hindi siya mahal ng kanyang ama. A. Hindi siya ang mahal ng kanyang/ ama. B. Hindi siya/ ang mahal ng kanyang ama. C. Hindi siya/ ang mahal/ ng kanyang ama. D. Hindi/ siya ang mahal ng kanyang ama.

16. Tiyak na si Kenjie ang nagnakaw ng kwentas ni Tiara. A. Ninakaw ni Kenjie ang kwentas/ ni Tiara. B. Ninakaw ni Kenjie/ ang kwentas ni Tiara. C. Ninakaw/ ni Kenjie ang kwentas ni Tiara. D. Ninakaw/ ni Kenjie ang kwentas/ ni Tiara. 17. Alin sa ibaba ang dapat lagyan ng diin kung saan ang ipinapahiwatig ng pangungusap ay araw ng kaarawan ni Arim. Pangungusap: Alam mo bang sa susunod na Linggo ang kaarawan ni Arim. A. bang B. kaarawan C. Linggo D. Susunod 18. Ang pahayag na, Kumain ka na anak. ay nangangahulugang ________. A. Hinihimok siyang pakainin. B. Ipinipilit na pakainin ang anak. C. Nagdududa kung kumain na ba ang anak. D. Tinatanong kung kumain na ba ang anak. Panuto: (Kailanan ng Panghalip Panao) Piliin ang kailanan ng mga panghalip na may salungguhit. A. Isahan B. Dalawahan C. Maramihan 19. Malinis na ang ating bahay. 20.Kailangang tumulong tayo kay Nanay. 21. Tuwang-tuwa kami sa paglilinis ninyo ng bahay. 22.Ang pangunahing gawain namin ay ang pagsasaka. Panuto: Anong panghalip ang maaring ihalili sa mga may salungguhit na pangngalan? Piliin ang tamang sagot. 23.Ang mga mag-aaral ay nagpaplano. A. kami B. kayo C. nila D. sila

24.Si Jhon ang isasali nila sa paligsahan sa pagsusulat. A. ako B. ikaw C. ko D. siya 25.Sina Kiel, Margot, at ako ang magdadala ng mga gamit ni Jhon. A. kami B. kayo C. namin D. sila Panuto: Tukuyin ang mga layunin ng pagsasalita sa mga sumusunod ng pangungusap. A. Pagpapahayg ng matinding damdamin B. Pagsasalaysay C. Pagtatanong D. Pag-uutos/pakiusap 26. Ganito ang paggawa ng masarap na tsamporado. 27. Janitor ang tatay ko sa isang mamahaling restawran sa Makati. 28. Napakahusay! Talagang napakaganda ng nagawa mong proyekto. 29.Talaga bang janitor ang tatay mo? 30.Pagsunud-sunurin kung paano gawin ang pagpupulong. A. Ipaalala ang pagtatala sa kalihim para sa katitikan na mahalaga sa isang pulong. B. Isa-isahing ilalahad ng tagapangulo ang mga agenda ng pag pupolong . C. Kapag maayos na natalakay lahat ang agenda,pormalna ring wawakasan ng tagapangulo. D. Kapag naroon na ang lahat ng kasapi, pormal nang bubuksan ng tagapangulo ang pulong E. Magkakaroon ng pag-uulat ang bawat tagapamahala ng komiti na binuo para sa isang gawain. F. Mula sa pag-uulat, magpapahayag ng reaktion ng mga kasapi.

A. B. C. D.

A-B-C-D-E-F A-C-E-F-D-B D-A-B-E-F-C D-C-D-E-F-A

31. Alin sa ibaba ang hindi kasali sa mga hakbang habang nagpupulong? A. Paghahanda sa lugar kung saan mangyayari ang pagpupulong. B. Isa-isahing ilalahad ng tagapangulo ang mga agenda ng pagpupulong. C. Ipaalala ang pagtatala sa kalihim para sa katitikan na mahalaga sa isang pulong. D. Kapag naroon na ang lahat ng kasapi, pormal nang bubuksan ng tagapangulo ang pulong. 32.Alin ang nagpapahayag ng mas magandang rason kung bakit kinakailangan tanungin ang mga myembro o mga hinihikayat na tao sa pagkatapos ilahad ang mga agenda? A. Upang malaman natin kung ano ang nasa isipan nila. B. Upang matiyak nating naiitindihan nila ang mga agendang inilalahad. C. Upang makakuha ng mga hinuha o opinyon sa mga agenda natalakay. D. Upang makuha natin ang kanilang gustong ipahayag at ano pa ang posibleng mga katanungan sa kanilang isip. Panuto: Basahin ang sitwasyon. Piliin ang titik na nagpapahayag ng kasiya-siyang damdamin. 33.Ang EcoZone ay tumutulong sa mga manggagawa upang silay madaling makahanap ng trabaho. A. B. C. D. Kailangan pa bang magtrabaho sa ibang bansa? Wala naming natapos ang mga nag-aaplay ng trabaho, eh. Kailangang mag-isip tayo kung saan tayo magtatrabaho. Salamat at malulunasan na ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho.

34.Ang buhay ni Rizal ay delikado at masalimuot ngunit kakikitaan ng katapangan at kabayanihan. A. B. C. D. Idolo ko si Rizal. Sino ang higit na matapang, si Rizal o si Bonifacio? Sino ang pumapangalawa kay Rizal bilang pambansang bayani? Ang Noli Me Tangere ay nobela ng pag-ibig at pakikipagsapalaran.

35. Nanaginip si Arvin ng isang nakakatakot na panaginip: napunta raw sa kanya ang lahat ng pangit na katangian ng mga taong pinipintasin niya. Ano ang posibleng mararamdaman ni Arvin? A. B. C. D. mag-aalala malulungkot mangangamba masaya

Panuto: Ipalagay nating makakausap mo si Pangulong Benigno Simeon Aquino. Bumuo ng tatlong tanong na patungkol sa kanyang pagmamahala sa Pilipinas. Tiyaking ginagamitan ito ng mga panghalip pananong. 36. Saan _____________________________________________________________? 37.Sinu-sino __________________________________________________________? 38.Anu-ano ___________________________________________________________? 39.Kailan _____________________________________________________________? 40.Kanino _____________________________________________________________?

You might also like