Professional Documents
Culture Documents
b. Teoryang Top-Down- Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil
napatunayan ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa tungo sa teksto. Ito ay impluwensya ng sikolohiyang Gestalt na naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon dito, ang mambabasa ay napakaaktib na partisipant sa proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalamang nakaimbak sa kanyang isipan ay may sariling kakayahan sa wika na kanyang ginagamit habang nakikipagtalastasan sa may-akda sa pamamagitan ng teksto. Tinatawag din ang teoryang ito na "inside out" o "conceptually-driven" dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nangyayari dahil ang mambabasa ay gumagamit nga kanyang mga dating kaalaman at ng konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Bunga nito, nakakabuo siya nga kanyang mga palagay at hinuha na kanyang iuugnay sa mga ideyang inilalahad ng awtor ng isang teksto.
ang teksto upang mapatunayan kung ang hinuha o hula niya tungkol sa teksto ay tama, kulang o dapat baguhin. Dahil dito, maaaring sabihin na ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutan ng proseso ng pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa. == Answer ==
4. Pagbasa sa una at huling pangungusap ng mga talata. 5. Kung may kasamang introduksyon o buod, larawan, graps at tsart, ito ay binibigyan suri o basa. 6. Pagtingin at pagbasa ng table of contents o nilalaman. -----------------------------------1. KASWAL Pagbasa ng pansamantala o di-palagian. Magaan ang pagbasa tulad halimbawa habang may inaantay o pampalipas ng oras. 2. PAGBASANG PANG-IMPORMASYON Ito'y pagbasang may layunin malaman ang impormasyon tulad halimbawa ng pagbasa sa pahayagan kung may bagyo, sa hangarin malaman kung may pasok o wala. Maaari rin ang pagbasa ng aklat sa layunin masagot ang takdang-aralin. Ito rin ay pagbasa na may hangarin na mapalawak ang kaalaman. 3. MATIIM NA PAGBASA Nangangailangan ito ng maingat na pagbasa na may layuning maunawaang ganap ang binabasa para matugunan ang pangangailangan tulad ng report, riserts, at iba pa. 4. RE-READING O MULING PAGBASA Paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng mahirap na talasalitaan o pagkakabuo ng pahayag. Isinasagawa ang muling pagbasa upang makabuo ng pag-unawa o masakyan ang kabuuang diwa ng materyal na binasa. 5. PAGTATALA Ito'y pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahalagang kaisipan o ideya bilang pagimbak ng impormasyon. Kasama rito ang paggamit ng marker para bigyan ng pansin o highlight ang bahaging mahalaga sa binabasa lalo na't ito'y sariling pag-aari.