You are on page 1of 2

BUOD NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG: 1.

Ang simula nang WWII ay noong September 1, 1939 nang ideniklara nang pagsakop ng Poland ang mga German. Nang bumagsak ang Pearl Harbor sa mga kamay ng Hapon noong Disyembre 7, 1941 naging hudyat ito sa pagbagsak sa mga base ng Amerikano sa Pacifico. Idineklarang Open City ang Manila noong Disyembre 30, 1941 at pagdating ng January 2,1942 ay nagmartsa ang mga Hapon sa Manila. Nang makuha ng mga Hapon ang Intramuros sunud na sunod bumagsak ang mga rehiyon ng Pilipinas sa mga Hapon. Pero patuloy na lumalaban ang USAFE at mga Pilipino para maitangol ang bayan. Nang bumagsak ang Bataan at Corregidor ay lumipad si Gen. Douglas Mac Arthur patungung Amerika. Pero nag-iwan siya nang pa ngako na babalik siya sa Pilipinas. Nang bumagsak ang Bataan at Corregidor dito nagsimula ang infamous na DEATH MARCH na maraming Pilipino at Amerikanong namatay dahil sa walang hantong na paglalakad sa init at uhaw patungung Camp O'Donnel. At noong October 17,1944 ay dumating muli si Gen. Douglas Mac Arthur upang tuparin ang kanyang pangako, at kanyang kasama na si Sergio Osmenia Sr. sa "Leyte Landing". Nagagapi ang mga Hapon unti-unti. At nang Bombahin ng Bombang Atomika sa Nagasaki at Hiroshima ay sumuko na ang mga Hapon sa mga Amerikano. At sa USS Missori nangako ang mga Hapon na suko na sila.

2.Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang pandaigdigang labanan na nagsimula noong Hulyo 7, 1937 sa Asya at Setyembre 1, 1939 sa Europa. Natapos ito hanggang 1945, at nasangkot ang karamihan ng mga bansa sa daigdig at bawat kontinente na may naninirahan. Tinuturing ito na pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong labanan sa kasaysayan ng sangkatauhan.Maaalalang ang mga bansang lumahok sa digmaan ay nagbuhos ng napakaraming pwersang militar upang lupigin ang bawat burat..Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay nagtapos sa pagkatalo ng Alemanya noong 1918. Naniwala ang mga Aleman na sila ay hindi makatarungang sinisi sa digmaan. Sila ay ginamit pambayad ng pera sa Britanya at Pransya na nagwagi sa digmaanAng mga Hapones ay tumulong talunin ang Amerika. Naramdaman nila na karapatan nilang magpalawak ng kapangyarihan sa Asya. Ngunit pinigilan sila ng Pinag-isang Kaharian at Estados UnidosNoong mga 1930, sinimulan ng mga pinunong militar ng Hapon ang pananakop sa mga bahagi ng Tsina at iba pang bansang Asyano. Nasakop ng Hapon ang Manchuria noong 1931. Nang malaman ito ng League of Nations, umalis ang Hapon at lumawak ang imperyo sa labas ng bansaAng Alemanya ay napasakamay ng partidong Nazis noong 1933. Ang kanilang pinuno ay si Adolf Hitler. Sinisi niya ang mga suliranin ng Alemanya sa mga Jews. Sunod-sunod ang mga pakikipag-ugnayan niya sa mga karatig bansa, partikular ang bansang Italya na nasa ilalim ng pamumuno ni Benito Mussolini sa ilalim ng Batas MilitarIdinagdag ni Adolf Hitler sa Alemanyang Nazi ang mga bahagi ng Awstriya at Sudetenland, isang lugar sa Tseka. Nakipagsunduan rin siya kay Joseph Stalin para magtulungan at di magdeklara ng digmaan sa bawat isa. Madaling sinakop ng Alemanya ang Polonya, sa tulong ng Unyong Sobyet noong Setyembre 1,1939, nagdeklara ng digmaan ang Britanya at Pransya. Ang uri ng digmaang ito ay tinawag na ''blitzkrieg'' o digmaang kidlat dahil sa bilis nito. Ang Dinamarka, Noruwega, Belhika, Olanda, at Pransya ay bumagsak sa kamay ng blitzkriegNanatiling malaya ang Britanya. Gusto ni Hitler na wasakin muna ang hukbong panghimpapawid ng Britanya bago sakupin ang bansa. Noong Agosto 12, 1940, binomba ng Alemanya ang katimugang baybayin ng Inglatera. Pinagsamasama ni Punong Ministro Winston Churchill ang kanyang hukbo para lumaban. Ang mga Briton ay tinulungan ng lihim na imbensyon, ang radar, na ginamit para malaman kung may hukbong panghimpapawid papunta sa bansa. Di nasakop ng Germany ang BritanyaNoong Hunyo, 1941, tinapos na ni Hitler ang pananakop sa Britanya para simulan ang pananakop sa Unyong Sobyet. Ayon sa mga historiko, ito ang pinakamalaking pagkakamali ni

Hitler. Gusto niya ng bakanteng lugar para sa mga German at makontrol ang kayamanan ng rehiyon. Gusto rin niyang pabagsakin ang komunismo at talunin ang pinakamakapangyarihang karibal na si Joseph Stalin. Umaabot sa talong milyong sundalo ang pinasugod ni Hitler sa Rusya. Hindi nakapaghanda si Stalin sa pagsugod ng Germany. Higit sa dalawang milyong sundalo at sibilyan ang namatay sa kamay ng mga Germans. Nagkasundo ang Unyong Sobyet at Britanya na magtulungan sa digmaanNoong Hunyo 6, 1944, ang paglumunsad ng mga sundalong Amerikano, Briton at Kanadyano ay nagsimula ng pagsakalay sa Normandy, Pransya ay lumaban ng mga sundalong Aleman. Ang mga puwersang Kakampi sa tulong ng mga sundalong Pranses sa Normandy ay nagsimula ng pagpapalaya sa Pransiya, ang operasyon na ito ay itinawag na DDay o Operasyong OverlordNoong Abril 16, 1945, pumasok ang mga sundalong Sobyet sa lungsod ng Berlin, matatagpuan sa kabiserang lungsod ng Alemanyang Nazi ay lumaban sa mga sundalong Aleman ay sinira ito at nagwasak ng lungsod at may hihigit sa 600,000 sundalong Aleman at mga sibilyan ang namatay at nasugatan sa mga kawal ng pulang Sobyet. Noong Mayo 8, 1945, Ang pagkatalo ng mga Alemanyang Nazi at ang pagsuko sa pwersang Kakampi. Sumiklab din ang digmaan sa Pilipinas at sa Asya. Dulot ito ng pagsabog ng Pearl Harbor sa Hawaii, sinunod ang Malaya (Malaysia at Singapore sa ngayon), mga lalawigan sa Pilipinas at iba pa noong Disyembre 3, 1942. Inutos ni Franklin D. Roosevelt ang pagdedeklara ng giyera sa bansang Hapon, ngunit nagdeklara din ang Alemanya at Italya ng giyera laban sa Estados Unidos. Idineklara ni Hen. McArthur bilang Open City ang Maynila ngunit hindi ito isinunod ng Hapon at itinuloy pa rin nila ang pag-atake. Dahil sa palala na ang kundisyon ng Pilipinas, ang Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon ay inilikas mula Malinta Tunnel sa Corregidor patungo sa Washington D.C., Estados Unidos at iniwan ang pamamahala kay Jose P.Laurel at Jorge Vargas. Humirap ang kondisyon ng bansa, malakas na umatake ang mga Hapones sa pamumuno ni Masaharu Homma, dahil dito humina ang pwersang USAFFE at tuluyang isinuko ang Corregidor at Bataan na pinamumunuan nina Hen. King at Hen. WainwrightLumakas ang pwersa ng mga Hapon at nasakop lahat ng mga lugar sa Asya. Nasakop nila ang Tsina, French Indochina, Myanmar, Malaya, Dutch East Indies, at ang PilipinasNoong Oktubre 20, 1944, Bumalik si heneral Douglas MacArthur at mga kasamahan ni dating pangulong Sergio Osmena, heneral Basilio J. Valdes, brigidyer heneral Carlos P. Romulo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at si heneral Richard H. Sutherland ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos ay ang dumaong ng puwersang Amerikano sa Palo, Leyte. At nagsimula ng Pagpapalaya ng bansang Pilipinas sa pagitan ng pagsamahin na mga tropang Pilipino at Amerikano kabilang ang mga kumilalang pangkat ng mga gerilya noong 1944 hanggang 1945 at ang pagsalakay ng puwersang Hapones. Nagsimula ang Labanan ng Pagpapalaya sa Maynila noong Pebrero 3, hanggang Marso 3, 1945 ay nilusob ng magkakasanib na hukbong Pilipino at Amerikano na isinalakay at pagwasak ng pagbobomba sa ibabaw ng kabiserang lungsod laban sa hukbong sandatahan ng Imperyong Hapones, at mahigit sa 100,000 mga Pilipinong sibilyan ang napatay sa kamay ng mga hukbong Hapones. Noong Setyembre 2, 1945, sumuko si heneral Tomoyuki Yamashita sa mga tropang Pilipino at Amerikano sa Kiangan, Lalawigang Bulubundukin (ngayon Ifugao) sa Hilagang Luzon. Nagsimula ang mga sundalong Pilipino at Amerikano ay naghahanda ng pagsalakay at pagpapalaya sa Hilagang Luzon ay lumaban sa mga hukbong Imperyong Hapones noong 1945 Natapos lamang ang digmaan sa buong mundo pagkatapos ng pagpirma ng pagsuko ng mga sundalong Hapon sa sundalong Amerikano, pagkatapos ng pagbobomba sa Hiroshima at Nagasaki, noong Setyembre 2, 1945, sa Look ng Tokyo, Hapon.

You might also like