SINING V
Date: ___________ I.Mga Layunin:
Nasasabi ang mahahalagang bagay tungkol sa "paper art" tulad ng taka, parol, papier mache giant at balutan ng pastillas (candy wrapper)
Nakalilikha ng payak na bagay sa pamamagitan ng papier mache
II
.
Paksang Aralin
"Papier Mache", TX pp. 142 -144
Kagamitan:
Mga halimbawa ng taka, parol, papier mache, at balutan ng pastillas
III. Pamamaraan:A.Panimulang Gawain
1.Pag-usapan ang mga katutubong sining ng bansa.2.Itanong:
Magbigay ng halimbawa ng mga katutubong sining ng bansa.
llarawan sa pamamagitan ng salita ang isang katutubong sining.
B.Gawaing Pansining:
1.Ipabasa at ipagawa sa mga bata ang mga sumusunod:
"Papier Mache"Mga Kagamitan:
Mga diyaryong luma, gawgaw, isang kutsarang suka, alambre, "cutter" o plais, pintura at pinsel
Pamamaraan:
1.Gumawa ng hugis ng hayop sa pamamagitan ng alambre o binalumbongdiyaryo. Talian ang mga bahagi ng katawan upang mapanatili ang hugis.Tiyakin na ito ay nakatatayo.2.Gumawa ng pandikit sa pamamagitan ng gawgaw.3.Pilasin nang pahaba na may lapad na isang dali ang lumang diyaryo at ilubogsa pandikit.4.Balutan ng diyaryong may pandikit ang ginawang balangkas ng hayop atihugis nang maayos at makinis.5.Patuyuin ang hinulmang hayop at pintahan.
C.Pagpapahalaga:
1.Itanong:
Naibigan mo ba ang iyong ginawa?
Naipakita mo ba ang iyong pagkamalikhain sa paggawa ng hayop na yari sa mga patapong papel?
IV. Pagtataya:
1.Ganayakin ang mga bata na gumawa ng paglalagom sa aralin.2.Itanong: Ano ang katutubong sining? Bakit dapat ipagmalaki ang katutubong sining ng bansa?