Professional Documents
Culture Documents
wALang Katiyakan balisa wAlang Kasiyahan naguguluhan umiinog ang mundo kasabay ng tulirong isipan, naghahanap,nagbabakasakali na marating ang walang kahulilip na paraiso ng buhay nAgtatanong natatakot lumilipas ang panahon na kasabay ng pamamaalam ng lakas at pagasa umiikot sa limbo ang nawawalang kamalayan lAgalag naghahanap, nagtatanong kung kelan hihinto? kasagutay mananatiling hungkag sa isang Juan de la Cruz sa banyagang lupain.
Ako si Taguan sa bilog na buwan, Na noon ay laging pinaglalaruan Ngayoy ibinaon at nakalimutan
Kami naman itong si PO at OPO, Na nalimot mo ring sira ang pangako, Sa wariy nagbaon sa ilang na dulo, At wala nang irog na isinasapuso.
Pagmamano akong wala nang halaga, Sa kamay at noo ng batat matanda, Kung paggalang naman ang bihag na dala, Wala akong puwang sa puso at diwa.
Walang ano-ano'y naging kagamitan, araro na pala ang bakal na iyan; Ang mga bukiri'y payapang binungkal, nang magtaniman na'y masayang tinamnan.
PAMAGAT: Isang Alaala ng aking Bayan MAY-AKDA: Jose Rizal TALASALITAAN: nagugunitan-napapansin BUOD:
Nagugunita ko ang nagdaang araw ng kamusmusang kong kay sayang pumanaw sa gilid ng isang baybaying luntian ng rumaragasang agos ng dagatan; Kung alalahanin ang damping marahan halik sa noo ko ng hanging magaslaw ito'y naglalagos sa 'king katauhan lalong sumisigla't nagbabagong buhay
Kung aking masdan ang liryong busilak animo'y nagduruyan sa hanging marahas habang sa buhangin dito'y nakalatag ang lubhang maalon, mapusok na dagat Kung aking samyuin sa mga bulaklak kabanguhan nito ay ikinakalat ang bukang liwayway na nanganganinag masayang bumabati, may ngiti sa lahat.
Tinig sa karimlang nag-apoy sa dugo ng lahing ginaga ng budhing baliko; may paninindigang hindi naigupo, bagkus naging kulog: umangil, kumulo; sa dayong watawat ay ayaw yumuko, sukdang mapatapot padurog na bungo. Nagkawing sa diwa ng malayang pakpak
na inihinang pa ng dugong sumulak; utak na kinasi ng gabing magdamag na kasuyong dupil sa pagbabalikwas talim ng panitik ang sandatang tabak na ipinanghawan sa tinikang landas.
LAKANDIWA Magandang gabi po, bati kong magiliw sa nangatitipon ngayong panauhin Paksa: Na ang batang minamahal natiy dapat ba o hindi dapat na paluin?
Katanungan itong nais bigyang-linaw, kaya ngayong gabi ay may Balagtasan; ang mga makatang ditoy napipisan, sa ngalang pagtulay inaanyayahan.
HINDI DAPAT (Panawagan) Paanyaya ninyo, bunying lakandiwa, ay tinutugon ko nang bukal sa diwa; nais kong ihayag at ipaunawang akoy tumututol paluin ang bata.
DAPAT (Panawagan) Aming Lakandiwang kapita-pitagan, sumasagot akong handa sa tulaan; ang batang suwail sa mga magulang, dapat na paluit nang maging magalang
Kaibigang Lakandiwa, anong gandang ideya Buksan ang thread na ito't bigyan kami ng saya "Rock on, dude!" isisigaw ko ng walang palya!
REAKSYON: Mas magiging maayos sana kung ang mga salita ay purong tagalog.
BALDO: O, yung mga may sakit, dito lang. O paraanin yan, paraanin! O kayo dyan, dito kayo! Lapit! Sa isang tabiy magsisiluhuran ang mga tao, magrorosaryo. Kasama sina Lolo Hugo at Mrs. Gonzales. LOLO HUGO: Nasaan si Bella? Nakita nyo ba si Bella? Maninigas si Mrs. Gonzales na parang nagta-trance, gaya ni Elsa. Pagmamasdan siya ng dalawang tinedyer. TINEDYER 1: Napano yan? TINEDYER 2: Kinakausap ng Birhen! Tawanan. Parang walang narinig si Mrs. Gonzales. Gagala si Igmeng Bugaw. May hinahanap. Mapapangiti at lalapitan ang isang turistang Puti. IGMENG BUGAW: Hey, Joe, want some girl? TURISTA: Yeah? Where? IGMENG BUGAW: Very pretty. Virgin only. TURISTA: Sure, where? Susutsutan ni Igmeng Bugaw si Bella, na ngayoy seksi na ang ayos at naka-make up.
BUOD:
(Ang maikling kwentong ito ay mula sa panulat ni G. Bernard Umali)
May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong isang kaibigan. Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon na ang kaibigang tinutukoy sa papel. Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang binatana at nakita ko ang aming hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masaya silang naglalaro pero hindi ko sila maintindihan. Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa dagat. Sumakay ako ng bangka upang hanapin ang aking kaibigan pero walang ibang tao sa dagat. Ah alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at doon nakita ko ang ibatibang hayop at halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya bumalik na lamang ako sa amin. Gabi na ng makauwi ako. Mula sa aking silid ay may natanaw ako na maliwanag sa langit. Mayroong isang bituin na ubod ng laki. Ahah! Pupuntahan ko ang bituin. Kumapit ako sa lobo at pinuntahan ko ito. Pero walang tao roon. Mula sa itaas ay tanaw na tanaw ko ang daigdig na bilog at nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para itong bolang umiilaw. May kulay bughaw, luntian at kulay lupa. Naisip kong bumalik na, mula sa itaas ay nagpalundag-lundag ako sa mga ulap, ang sarap! Parang mga bulak! Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit wala pa rin akong kalaro kaya gumamit ako ng isang malaking payong at ginawa kong parachute. Napunta ako sa kagubatan. Doon ay nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko sila maintindihan kaya bumalik na ako sa amin sakay-sakay ng isang elepante. Maya-maya ay kinalabit na ako ni inay. Gising na anak, may pasok ka ngayon
Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong kaibigan! Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka na at darating na angschool bus.
Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang nahalikan, At ang ilog kung bumaha, tandaan mot minsan lamang. Ang Pag-ibig kapag duwag ay payapat walang agos, Walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos! Ang Pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod, Pati dangal, yamat dunong nalulunod sa pag-irog! Ang Pag-ibig na buko pay nakikinig pa sa aral, Tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw, Ngunit kapag nag-alab na pati mundoy nalimutan Iyan, ganyan ang Pag-ibig, damdamin mot puso lamang! Kapag ikawy umuurong sa sakunat sa panganib Ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip: Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig: Pag umibig, pati hukay aariin mong langit!